You are on page 1of 50

Aralin

Paggamit ng Hatirang Pangmadla


1 ( Social Media)

Ang Hatirang Pangmadla (social media) ay ang pahayagan, telebisyon,


radyo,kompyuter/internet tulad ng fb, twitter, blog, youtube, Friendster, e-mail, at iba
pa. Sa hatirang pangmadla nababasa ang mga panitikang gaya ng tula, maikling
kuwento, dula, nobela, sanaysay,talumpati, mitolohiya at dagli.
May malaking impluwensiya ito sa mga kabataang tulad mo, Dito madali mong
maibahagi ang mga mahahalagang opinyon o komentaryo na iyong naisulat bunga
sa iyong naunawaan sa mga panitikang napag-aralan. Maibahagi ang galing at
husay mo sa alinmang uri ng social media na hiyang sa iyo, sa pagsusulat malaman
mo kapag marami kang makuhang komentaryo na positibo/konstraktib, at likes

Alamin

Mag-aaral, ang unang aralin na bigyan natin ng tuon sa unang araw ay ang
pagkilala o pagiging pamilyar sa anyo ng hatirang pangmadla. Makatutulong ito sa
inyo na makikilala ang mga anyo ng hatirang pangmadla (social media ) sa
paglalathala ng sariling gawang akda na na napapaloob pangwakas ng gawain ng
mga aralin sa Ikalawang Markahan sa Filipino -10.

Ang unang aralin na pag-aaralan mo ay;


 Aralin 1 - Paggamit ng Hatirang Pangmadla ( Social Media)
(Para sa paglathala ng sariling gawang akda)

Matapos gawin ang aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. nakikilala ang mga uri ng hatirang pangmadla (social media);
2. natutukoy ang kahalagahan ng hatirang pangmadla sa paglalathala ng
sariling akda.

1
Nahinuha ko na may alam ka sa nakaraang paksa tungkol sa
sanaysay at sa talumpati.
Sa modyul na ito, matututo ka sa pagkakilala sa iba’t ibang
anyo ng hatirang pangmadla at matututo ka ring gumamit nito.
Tiyak na maraming nakasisiyang gawain at pagsasanay sa
Modyul na ito na siyang makapagpapasaya sa iyo habang ikaw
ay natututo. Simulan Na!

Subukin

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagot. Isulat sa inyong papel.
1. Pinaikling salita ng weblog.
A. blog B. e-blog
C. web C. w-blog

2. Ito ay multi media site na maaaring mag-upload, makita, at ibahagi ang


mga video clips.
A. blog B. facebook
C. twitter C. youtube

3. Ang websayt na ito ay ginamit din sa pagtatala at pagtutuklas ng mga


bagong pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan at marami pang
iba.
A. facebook B. friendster
C. twitter D. youtube

4. Lahat ito ay gamit ng social media maliban sa isa.


A.Magamit bilang online diary
B.Makapagpadala ng balita
C.Makapagbahagi ng video sa isang pangyayari
D. Makapagbigay ng maling impormasyon

5. Ang mensaheng nababasa sa twitter ay kilala bilang ___________.


A. blogging B. message
C. tweets D. voice

6. Tao o mga taong nangangalaga ng blog.


A. blog B .blogger
C. blogging D. blogs

2
7.Tawag sa pagsusulat sa blog.
A. blog B. blogger
C. bloging D. blogs

8.Ito ay salitang tumbas ng mensahe sa facebook


A. diary B. likes
C. message D. sharing

9. Ang sagisag na ito ay sa _____________.

A. blog C. facebook
C. twitter D. youtube

10. Ang representasyon sa icon na ito ay __________.


A. blog B. facebook
C. twitter D. youtube

11.Kilala bilang multi media sharing sites.


A. blog B. facebook
C. twitter D. youtube

12.Pinagtuunan nito ang pakipagkaibigan at pakipag-ugnayan sa dating


mga kaibigan.
A. facebook B. friendster
C. twitter D. youtube

13. Ang tumbas ba ng salitang video clips.


a. koleksyon ng mga petsa ng mga pangyayari
b. kuhang larawan sa isang pangyayaro
c. mga larawan ng tanawin sa ians lugar
d. totoong pangyayari kinunan gamit ang kamera

14.Tumbas ng Online diary sa Filipino.


A. Dasalan sa internet B. Dyurnal sa facebook
C .Guhitan sa internet D.Talaarawan sa internet

15.Lahat na ito ay bigay ng youtube maliban sa isa.


A. nakapagbibigay –aliw sa mga nitizen
B. nakapagbigay –daan sa gumamit na maka-upload ng mga video
C. nakapagbigay ng kalituhan sa gumamit nito
D. nakapag- update sa mga pangyayari sa entertainment

3
Balikan

Ang kalakaran ng pakikipagtalastasan sa kasalakuyan, malapit o malayo man ang


taong may halaga sa iyo.Ito ay madali na lamang makausap sa tulong ng hatirang
pangmadla. ( social media)
Panuto: Hanapin sa talaan ang pangalan ng icon na nasa ibaba. Isulat ang titik ng
sagot sa sagutang papel.
A. facebook B. istagram C. twitter D. blog E. youtube

1. _______________ 4. ______________

2. ______________ 5. ______________

3, _____________

Tuklasin

Sa bahaging ito, kilalanin natin ang pinakapaksa ng ating talakayan sa araw na ito.
Alam mo bang kung ano ang hatirang pangmadla ( social media)?
Ang hatirang pangmadla ( social media) ay pakikipagtalastasan gamit ang
makabagong teknolohiya o kagamitan ( gadgets) sa kapwa kahit ito ay nasa
malayong lugar at bansa.
Ang mga kagamitan sa hatirang pangmadla ay radio, telebisyon, computer, internet,
selpon, tablet, laptop at iba pa. Social media ay paggamit ng websayt at mga
gadgets sa pakikipagtalastasan sa mga tao kahit ito pa ay nasa malayong lugar.
Napapadali nito ang transaksyon sa mga negosyo, edukasyon, ekonomik, pulitika,
medesina. relihiyon, transportasyon,pagbabalita at iba pa.
Ano ang hatirang pangmadla?

4
Ang hatirang pangmadla ay komunikasyon na ginagamitan ng mga makabagong
teknolohiya sa pakikipagtalastasan gaya ng pahayagan, radyo, telebisyon at
internet na gumamit ng ng selpon, laptop, tablet, at kompyuter.
Malaking tulong ang social media para sa mga mag-aaral, matulungan nito na
madiskubre ang mga kakayahan nila sa pagsulat, paggawa ng iskrip sa pagbabalita
at dula, paggawa ng video na mapakinabangan sa mababahagihan at makabasa
nito

Talahanayan 1. Uri ng Social Media

Uri ng hatirang Gamit


pangmadla
Weblog ginagamit para gawing online diary
( talaarawang nasa internet)
Twitter nagbibigay ng kakayahan sa gumagamit nito na magpadala
at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
Youtube dito ang mga video ay maaaring husgahan ayon sa dami ng
“likes” at ang dami ng mga nakanood ay parehong
nakalathala.
Friendster nakatuon ito sa pagtulong ng mga tao na makakilala ng
bagong kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan at
magbahagi ng mga nilalamang midya sa web.
Facebook dito maaring magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng
mensahe.
Instagram dito naipapakita ang mga larawan o guhit na nais ibahagi sa
iba.

Suriin
Ang pokus ng ating talakayan ay nakatuon sa pagsulat ng ating sariling akda. Sa
Modyul 2 kung saan ay may pitong akdang pampanitikan sa mga bansa sa Kanluran
ang ating napag-aralan. Kaugnay nito gagawa ka ng sariling akda na subukin
nating ilathala sa pahayagang pampaaralan o kaya’y ibabahagi sa mga kaibigan sa
social media.
Huwag kalimutan ang gamit ng pokus ng mga pandiwa sa pagsusulat nito ngunit
ang pinakamahalaga din ay makikilala muna natin ang uri ng social media

5
Social media ay tinumbasan sa Filipino na hatirang pangmadla na ibig sabihin,
pakikipagtalastasan ito gamit ang iba’ ibang gadget o teknolohiya para sa mabilisang
transaksyon sa anumang gusto nating iparating sa mga kinauukulan sa iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan mapribado o pampubliko man.
Narito ang mga uri ng Social Media;
a. blog – ay pikaikling salita mula sa weblog, naglalaman ito ng mga
Komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa. Blogging ang tawag
sanagsusulat o gumagawa ng blog at blogger naman ang tawag sa
nangangalaga sa blog.
b. twitter- nagbibigay kakayahan sa gumagamit na magpadala at basahin ang
mga mensahe na kilala bilang mga tweets.
c. youtube- multimedia sharing site ang tawag rito, maaari ibahagi ang mga
video at nagbibigay –daan para sa magamit ( user) nito na mag-upload,
makita, at ibahagi ang mga video clips.
d. friendster- ginagamit rin ang websayt na ito sa pagtatala at pagtutuklas ng
ng mga bagong pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan at
marami pang iba.
e. facebook – dito maaari tayong magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng
mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sanaysay upang ipagbigay-alam
sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
f. Instagram- dito maibabahagi ang mga larawan o guhit na nais ipakita sa
mga kaibigan at bagong kakilala.
Para sa iyo, upang mahasa mo nang maigi ang kasanayan, tuloy lang ang
pagsagawa ng pagsasanay.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tumbas sa Ingles sa salita/ parirala sa nasa


Hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
____ 1. ibahagi A. comments
____ 2. hatirang pangmadla B. likes
____ 3. husgahan C. message
____ 4. gagamit D. online diary
____ 5. komentaryo E. seen
____ 6. makita F. site
____ 7. mensahe G. sharing
____ 8. sayt H. social media
____ 9. talaarawang internet I. user

6
____10. weybsayt J. website

Ang galing mo!


Ngayon, maaari mo nang gawin
ang susunod pang mga gawain.

Pagyamanin

Malaman natin ngayon kung talagang nauunawaan mo ang diwa ng pangungusap.


Panuto: Punan ng salita/ parirala ang patlang para mabuo mo ang diwa ng
pangungusap. Piliin sa talaan ang sagot. Isulat ang titik ng sagot sa inyong papel .
A.blogs F. glosaryo
B.facebook G. pag-likes
C.friendster H. tweets
D.internet I. user
E.hatirang pangmadla J. youtube

1. Ang _______________________ ay may malaking gampanin sa mapayapa


at maunlad na komunidad.
2. Ang _______________________ ay tala ng mga salita na ginamit sa pagsulat
ng sariling akda o sulatin na gustong ilathala.
3. Ang _______________________________ ay uri ng komunikasyon gamit
ang websayt at mga gadgets sa pakikipagtalastasan.
4. Ang ____________ ay mula sa weblog.
5. Ang mga mensahe mula sa twitter ay kilala bilang
__________________________.
6. Sa ____________________ maaaliw tayo sa mga mapapanood na mga
video.
7. Tumbas ng mga gagamit sa youtube ay ______________________.
8. Sa _______________________ masubukang makipag-ugnayan sa bagong
kakilala at dating mga kaibigan.
9. Ang mga video sa youtube ay maaaring husgahan sa pamamagitan ng
________________.
10. Sa _____________________ maaaring madagdag ng mga kaibigan at
magpadala ng mga mensahe.

7
Isaisip

Panuto:Magtala ng tiglilimang mabuti at di mabuting naibigay ng hatirang


pangmadla
( social media) sa mga nitezens.
Mabuting Naibigay Di Mabuting Naibigay
1.______________________________ 1..____________________________
2.______________________________ 2. ____________________________
3.______________________________ 3.____________________________
4.______________________________ 4..____________________________
5.______________________________ 5.____________________________

Isagawa

Sa bahaging ito, gagawa ka ng isang sanaysay tungkol sa Lakas ng Kababaihan


(Women Empowerment). Isalaysay ang bagong kakabaihan sa kasalukuyan.
Panuto: Pumili kung alin sa mga kababaihan ang pamilyar sa iyo. Ibahagi ang
kanilang mga naranasan para sa ikatagumpay ng kanilang mga pangarap, buhay,
pamilya at sa bayan na pinaglilingkuran.
A. Corazon C. Aquino. B. Lenie Robredo
C. Gloria Macapagal Arroyo C. Mel Tiangco
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
Mga Tala para sa Guro
Paalala : Gawin ito sa isang buong papel.
Pakatandaan, ang iyong sanaysay ay dapat talata, Gawan ng pamagat at may
tatlo hanggang limang (3-5) talata.
Isipin ang mga isaalang-alang sa Pagsulat ng Sariling akda.
1. Ang akdang ilalathala sa hatirang pangmadla ay dapat orihinal.
2. Ang paksa ay ng akda ay dapat tumatalakay sa umiiral na
Kultura sa alinman sa mga bansa sa kanluran.
3. Ang kabuuan ng akda ay hindi lalagpas sa 300 na salita na nakalimbag sa
arial ( front atyle) at 12 (front) - opsyunal ito kung sa papel muna gawin
ang pagsusulat.
4. Lagyan ng pamagat ang akda.

5. Maglaan ng talaan,sanggunian, at glosaryo.

Tayahin

Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa inyong papel.
1. Pinaikling salita ng weblog.
A..blog B. e-blog
C.web D. w-blog
2.to ay multi media site na maaaring mag-upload, makita, at ibahagi ang mga
video clips.
A. blog B. facebook
C. twitter D. youtube

3. Ang websayt na ito ay ginamit din sa pagtatala at pagtutuklas ng mga bagong


pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan at marami pang iba.
A. facebook B. friendster
C. twitter D. youtube

9
4. Lahat ito ay gamit ng social media maliban sa isa.
A. Magamit bilang online diary
B.Makapagpadala ng balita
C.Makapagbahagi ng video sa isang pangyayari
D.Makapagbigay ng maling impormasyon

5. Ang mensaheng nababasa sa twetter ay kilala bilang ___________.


A. blogging B. message
C. tweets D. voice

6. Tao o mga taong nangangalaga ng blog.


A. blog B. blogger
C. blogging D. blogs

7.Tawag sa pagsusulat sa blog.


A. blog B. blooger
C. blogging D. blogs

8.Ito ay salitang tumbas ng mensahe sa facebook.


A.. diary B. likes
C. message D. sharing

9. Ang sagisag na ito ay sa _____________.


A. blog B. facebook
C. twitter D. youtube

10. Ang representasyon sa icon na ito ay _____________.


A.blog B. facebook
C. twitter D. youtube

11.Kilala bilang multi media sharing sites.


A.. blog B. facebook
C. twitter D. youtube

12.Pinagtuunan nito ang pakipagkaibigan at pakipag-ugnayan sa dating mga


kaibigan.
A. facebook B. friendster
C. twitter D. youtube

10
13. Ang katumbas ng salitang video clips.
A.koleksyon ng mga petsa ng mga pangyayari
B.kuhang larawan sa isang pangyayari
C.mga larawan ng tanawin
D. totoong pangyayari kinunan gamit ang kamera

14.Katumbas ng Online diary sa Filipino.


A. .Dasalan sa interne B. Dyurnal sa facebook
C. Guhitan sa interne D. Talaarawan sa internet

15.Lahat na ito ay bigay ng youtube maliban sa isa.


A. nakapagbibigay –aliw sa mga nitizen
B nakapagbigay –daan sa gumamit na maka-upload ng mga video
C. nakapagbigay ng kalituhan sa gumamit nito
D. nakapag- update sa mga pangyayari sa entertainmen

Karagdagang Gawain

Basahin at unawain mong mabuti ang sitwasyon na ito.


Laganap na ngayon ang maling pagbabalita. Bunga nito natakot at nagdulot ng gulo
ang mga balita na nakita at nabasa nila lalo sa facebook. Ikaw ay may akawnt sa fb.
Bilang kabataan na aktibo sa fb, ano kaya ang magagawa mo para maiwasan o
mapigilan ang pagpapalaganap sa maling balita?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro


Paalala : Para sa baguhan sa paggamit ng facebook,kailangan mo munang
bumuo ng email account sa yahoo.com o gmail,com. Kapag matagumpay
ka nang nakabuo ng email sccount,buksan mo ang facebook.com at i-click
ang button sa sign –up. Gagabayan ka ng iba pang panuto. Kalilangan mo
lang punan ang lahat ng mga tanong ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa iyo.
Para sa naman sa paglalathala sa pahayagang pampaaralan,
pagkatapos sa pagwawasto ng guro maaari na itong isumite sa patnugutan
ng pahayagan sa paaralan.
11
Aralin Mga Anyo ng Panitikan na
2 Mababasa sa Hatirang
Pangmadla (Social Media)

Panitikan ay sinasabing repleksyon ng isang grupo ng tao sa isang lugar.


Nilalarawan nito ang mga gawain, tradisyon, paniniwala at kultura ng mga tao.
Paniniwala ng mga edukador, ang panitikan ay salamin at kaluluwa ng isang
pangkat ng mga tao sa isang lugar. Ito ay salamin ng lahi. Malaki ang maitulong ng
panitikan sa pagbabago ng ating panahon.
Ang bawat anyo nito na mabasa ay nagbibigay-aral sa mga mambabasa na
nakatutulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kasanayan. Ito ay magagamit
sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa at sa kanilang kabuhayan.

Alamin

Mag-aaral, narito na tayo sa pangalawang aralin sa linggong ito. Makatutulong ito sa


iyo sa na makikilala at mauunawaan ang mga anyo ng panitikan na nakapaloob sa
Ikalawang Markahan sa Filipino -10.

Ang pokus ng talakayan sa ikalawang aralin ay;


 Aralin 2 - Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan

Matapos gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. nakikilala ang mga uri ng panitikan;
2. nagagamit at napapahalagahan ang mga anyo ng panitikan na napapaloob
sa Ikalawang Markahan naging gabay sa pagbuo ng sariling akda.

Magandang Araw sa iyo! Na hinuha ko na


may alam ka sa nakarang paksa tungkol sa
hatirang pangmadla.
Sa susunod na aralin , makikilala mo ang
anyo ng panitikan na napapaloob sa buong
Modyul sa Ikalawang Markahan.

12
Subukin

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang sagot sa inyong
papel.
1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring
tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro
ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. editoryal B. talambuhay
C. talumpati D. sanaysay

2. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga


sitwasyong nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad,gahol
ang banghay at mga paglalarawan lamang.
A. komiks B. kuwentong bayan
C. dagli D. maikling kuwento

3. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at


sampung pantig sa bawat taludtod.
A..alegorya B. haiku
C. soneto D. tanaga

4. Ang “ Aginaldo ng mga Mago” ay isang __________________.


A. dula B. maikling kuwento
C. mitolohiya D. tula

5. Tungkol ito sa paglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig nina Romeo at


Juliet na humantong sa isang trahedya na sinulat ni William Shakespeare. Ito
ay nabibilang sa ____________________.
A. dula B. maikling kuwento
C. mitolohiya D. tula

6. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na


pangyayari ng buhay ng mga tao.
A. maikling kuwento B. nobela
C. mitolohiya D. tula

7. Isang anyo ng pagsusuri o rebyu tungkol sa binasang teksto.


A. Komentaryo B. Pagbubuod
C. Pagbabasa D. Suring –basa
13
8. Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang -sining.
A. Komentaryo B.Pagbalita
C. Panunuri D. Reaksyon

9. Natatanging kuwento na kadalasang tumalakay sa kultura, sa mga diyos o


bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. Dula B. Kuwentong bayan
C. Mitolohiya D. Tula

10. Isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan o


damdamin.
A. Dagli B. Nobela
C. Talinghaga D. Tayutay

11.Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng tunay na pagkatao ng


pangunahing tauhan.
A.Dagli B. komiks
C.Maikling Kuwento D. kuwentong -bayan

11. Ang “Moses.Moses” ay halimbawa sa akda na ____________________.


A..Dula B. Maikling kuwnto
C. mitolohiya D. Tula

13. Ito ay pagpapaikli ng isang teksto na binasa na kahit maikli na ito hindi
nawawala ang nilalaman at mensahe ng isang akda.
A. Komentaryo B. Pagbabasa
C. Pagbubuod D. Suring –basa

14.Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining.


A.Komentaryo B.Pagbalita
C. Panunuri D. Reaksyon

15.Isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan


o damdamin.
A. Nobela B. Maikling Kuwento
C. Pelikula D. Tula

14
Balikan

Narito na tayo sa ikalawang aralin ng Modyul na ito. Ang gawain mo ngayon ay


gawin ang mga sumusunod na pagsasanay nang malaman ang iyong nasimulan.
Sa bawat gawain may puntos kang makukuha. Pagsama-samahin ang puntos na
nakuha at sa katapusan ng Modyul may surpresang nakalaan na iyong ikagugulat at
ikatutuwa.
Sa Ikalawang Markahan mga Panitikan ng Kanluranin ang tuon sa mga
talakayan.Malaman natin ngayon kung mapupunan mo ang hinihingi sa bawat
kulum ng ating grapikong representasyon.
Panuto: Gumawa ng paglalagom sa kabuuan ng modyul sa tulong ng grapikong
representasyon. Ituon ang sagot sa umiiral na kulturang natutunan at natuklasan sa
mga akdang pampanitikan sa kanluran sa Ikalawang Markahan.

MODYUL 2- MGA PANITIKAN NG MGA BANSA SA KANLURAN

Natutunan ko sa Natuklasan ko na … Masasabi ko na …


modyul na ito ay…
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________

Tuklasin

Sa bahaging ito, kilalanin natin ang pinakapaksa ng ating talakayan sa araw na ito.

15
Ano ang Panitikan?
Ang panitikan ay isang pag-aaral. Ito ay sinulat at inilimbag na kasaysayan ng isang
bansa o panahon. Ito at repleksyon sa buhay ng mga tao sa isang lugar. Maaari
din itong nilimbag na babasahing propaganda o para sa politikal na hangarin.
Ang mga anyo ng panitikan:

Talahanayan 1. Anyo ng Panitikan

Anyo ng Gamit
Panitikan
Tula Isang anyo ng panitikan na may matalinghagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin.
Sanaysay Ito ay maaaring tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran.
Dagli Mga sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit
walang aksiyong umuunlad,gahol sa banghay, mga
paglalarawan lamang.
Nobela Itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng
panitikan.
Dula Itinatanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

Maikling kuwento Ito ay may iisang balangkas at nangingibabaw ang


pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa
kanyang kinaharap na suliranin.
Mitolohiya Ito ay tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa
sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.
Talumpati Sanaysay ito na binigkas.

Suriin

Ang sentro ng ating talakayan ay nakatuon sa pagkilala ng mga anyo ng panitikan.


Sa Ikalawang Markahan may pitong akdang pampanitikan sa mga bansa sa
Kanluran ang ating napag-aralan.
Malalaman natin ngayon ang iyong husay sa pag-aalala sa katuturan ng bawat isa.
Ang panitikan ay napakahalagang limbag na karunugan na nagsasalamin sa mga
gawi,paniniwala, tardisyon, kultura, edukasyon, relihiyon at iba pang may kaugnayan
sa pag-unlad ng kabuhayan at buhay ng grupo ng tao sa iang lugar.

16
Anyo ng Panitikan:
a. Tula –may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at
damdamin.Naglalaman ng kaisipang naglalarawan ng kagandahan,
kariktan, at kadakilaan.

b. Sanaysay- Ito ay maaaring tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran.May


pamagay, panimula, katawan at wakas.

c. Dagli- Mga sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang


aksiyong umuunlad,gahol sa banghay, mga paglalarawan
lamang.Kuwento na pawang sitwasyon lamang.
d. Nobela- Itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng
panitikan. Maraming pangyayari ang inilahad.

e. Dula – Itinatanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.


Karamihan sa mga dulang itinanghal ay hango sa totoong buhay. Ilan sa
sangkap ng dulay ay tauhan, iskrip at direktor.

f. Maikling Kuwento- Ito ay may iisang balangkas at nangingibabaw ang


pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kanyang kinaharap na
suliranin.

g. Mitolohiya- Ito ay tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan


ng kultura ng tradisyong oral.

h. Talumpati- Sanaysay ito na binigkas o inihahayag sa entblado. May tema,


panimula. katawan at wakas.

Narito na tayo ngayon sa Pagsasanay 1.


malaman natin kung ang mga natalakay sa
araling ito ay talagang iyong nauunawaan.

17
Pagsasanay 1. Naaalala Mo ba?
Sa pamamagitan ng Circle Organizer, punan ng mga natutunan mo sa mga aralin
tungkol sa panitikan/gramatika. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Aralin 1
__________________
__
Aralin 7
Aralin 2
__________
___________
__________ _________
Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran

a._______________________________

b.______________________________

c._______________________________
Aralin 6
d.______________________________ Aralin 3
__________
e.______________________________ __________
__________
__________

Aralin 5 Aralin 4

__________ __________
__________ ________

18
Pagyamanin

Panuto: Gawin sa sagutang papel ang gawaing nasa ibaba.


Itapat ang mga akda sa Hanay sa A sa Hanay B sa anyo na kinabibilangan na anyo
ng panitikan at ang may-akda o nagsalin nito sa Filipino. Isulat ang titik ng sagot sa
patlang na laan.
Hanay A Hanay B
______1. Aginaldo ng mga Mago A . Anonymous
______2. Ang aking Pag-ibig B. Elizabeth Browning
______3. Ako Po’y Pitong Taong Gulang C Bibliya ( Hukom 16)
______4. Ang Matanda at Ang Dagat D. Ernest Hemingway
______5. Babang -Luksa E. Sheila C. Molina
______6. Moses. Moses F. Rogelio Sicat
______ 7. Pakikipagsapalaran ni Samson G. Rufino Alejadro
______8. Sintahang Romeo at Juliet H. Diosdado Macapagal
______9. SinaThot at Loki sa Lupain ng Mga Higante I. Snorri Sturluso
_____10. Talumpati ni Dilma Rouseff J. William Shakespeare

Isaisip

Sa puntong ito, ibigay ang nauunawaan at natutunan mo sa mga akda sa Kanluran


at sa Pilipinas.Ibahagi ang iyong paninindigan sa mga dula.
Panitikan
Pilipinas ( Moses,Moses ) England ( Sintahang Romeo at Juliet)
Tema.: Tema:
1 ___________________________ 1.____________________________

Pagpapahalagang moral Pagpapahalagang Moral


1.___________________________ 1.____________________________
Pagpapahalagang Panlipunan Pagpapahalagang Panlipunan
1.___________________________ 1.____________________________

19
Isagawa

Malaman natin ngayon kung talagang nauunawaan mo ang kahalagahan ng


panitikan sa buhay ng tao. Gawin ang Gawain.
Panuto: Pumili ng isang paksa sa talaan at ang gawan ng sanaysay.
a. Lakas ng kababaihan b. Pag-aabuso sa lakas ng bata(child labor)
a. Kahirapan d. Pakikipagsapalaran ( survivorship)

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro


Paalala :
Ang iyong gagawing sanaysay ay dapat makikitaan ng pamagat,
panimula, katawan at wakas. Dapat tatlo hanggang limang talata ito.
Siguraduhin din na maayos at malinaw ang pagkakasulat. May
indensyon at wasto ang paggamit ng bantas.
Gawin ito sa isang buong papel.

Narito na tayo ngayon sa pagtataya,


malaman natin kung ang mga
natalakay sa araling ito ay talagang
iyong nauunawaan.

20
Tayahin

Panuto:Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa
inyong sagutang papel.

1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring


tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro
ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. editoryal B. talambuhay
C. talumpati D. sanaysay
2. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga
sitwasyong nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong
umuunlad,gahol ang banghay at mga paglalarawan lamang.
A..komiks B. kuwentong bayan
C. dagli C. maikling kuwento

3. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at


sampong
pantig sa bawat taludtod.
A. alegorya B. haiku
C. soneto D. tanaga

4. Ang “ Aginaldo ng mga Mago” ay isang __________________.


A. dula B. maikling kuwento
C.mitolohiya C. tula

5.Tungkol ito sa paglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig nina Romeo at


Juliet na humantong sa isang trahedya na sinulat ni William Shakespeare. Ito
ay nabibilang sa ____________________.
A. dula B. maikling kuwento
C. mitolohiya D. tula

6.Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na


pangyayari ng buhay ng mga tao.
A. maikling kuwento B. nobela
C mitolohiya D. tula

21
7.Isang anyo ng pagsusuri o rebyu tungkol sa binasang teksto.
A. Komentaryo C. Pagbubuod
B. Pagbabasa D. Suring –basa

8.Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang -sining.


A. Komentaryo B.Pagbalita
C. Panunuri D.. Reaksyon

9.Natatanging kuwento na kadalasang tumalakay sa kultura, sa mga diyos o


bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. Dula B. Kuwentong bayan
C. Mitolohiya D. Tula

10.Isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan o


damdamin.
A. Dagli B. Nobela
C. Talinghaga D. Tayutay

11.Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng tunay na pagkatao ng


pangunahing tauhan.
A. Dagli B. komiks
C. .Maikling Kuwento D. kuwentong -bayan

12.Ang “Moses.Moses” ay halimbawa sa akda na ____________________.


A..Dula B. Maikling kuwnto
C.mitolohiya D. Tula

13. Ito ay pagpapaikli ng isang teksto na binasa na kahit maikli na ito hindi
nawawala ang nilalaman at mensahe ng isang akda.
A. Komentaryo B. Pagbabasa
C. Pagbubuod D. Suring –basa

14.Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang –


sining.
A. Komentaryo B. Pagbalita
C.Panunuri D. Reaksyon

15.Isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan


o damdamin.
A..Nobela B. Maikling Kuwento

22
C. Pelikula D. Tula

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at unawaing maigi ang sitwasyon. Ibigay ang iyong paninindigan.
Sitwasyon:
May napansin ka sa malaking bahay na malapit sa iyong tinitarahan sa isang
subdivision sa inyong lugar.
Napuna mo na halos tuwing gabi may naririnig kang sigaw ng mga bata. Naghihingi
ng saklolo. At alam mo sa tinig na iyon ay sinasaktan sila. Kaso nangingibabaw ang
lakas ng videoke ngunit pagkaumaga parang walang tao sa bahay na iyon.
Ngayon,magsawalang -bahala ka na lang ba, o ano kaya ang pwede mong gawin.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro


Paalala :

Binabati kita!
Natapos mo na ang mga gawain sa
Aralin 2.
Ang husay mo! Ipagpatuloy ang
pagsagawa sa susunod na mga
gawain sa aralin 3!

23
Aralin

3 Pokus ng Pandiwa
Ang pandiwa ay salitang kilos na nagbibigay buhay sa loob ng pangungusap. Ito
ang nagdadala ng karagdagan mensahe sa pahayag na nais iparating sa kausap.
Pokus ng pandiwa naman ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa sa loob ng
pangungusap. Ang pagsasalaysay ay lalong maging makabuluhan kapag
nagagamitan ng mga pokus ng pandiwa.

Alamin

Mag-aaral, narito na tayo sa pangatlong araw at bagong aralin naman an gating


bigyang –pansin. Ito ay ang pagkilala sa papel na ginampanan nito sa ating sulatin
lalo na ang pagsulat ng sanaysay. Makatutulong ito sa inyo sa pag-unawa sa
paggamit ng angkop na balarila gaya ng pandiwa at mga uri ng pokus nito sa mga
sulatin na napapaloob sa Ikalawang Markahan sa Filipino -10.

Narito na tayo sa pangatlong aralin ang;


Aralin 3 - Pokus ng Pandiwa

Matapos gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. natutukoy ang pandiwa at mga uri ng pokus ng pandiwa;
2. nagagamit ang mga pandiwa sa pagbuo ng sulat.

24
Magandang Araw sa iyo! Nahihinuha ko na
may alam ka sa nakarang paksa tungkol sa
hatirang pangmadla.
Sa susunod na aralin, makikilala mo ang
anyo ng panitikan na napapaloob sa buong
Modyul sa Ikalawang Markahan.

Subukin

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa
inyong
sagutang papel.

1. Tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.


A. Paksa B.Panlapi
C. Panaguri D. Pokus

2. Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na


____________________.
A. Gamit B. Pinaglalaanan
C. Sanhi D.Tagaganap

3.Sa pangungusap na, “ Pinaglabhan ng mga kababaihan


ang ilog,” anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit?
A. Ganapan B. Direksyunal
C. Layon D. Pinaglalaanan

4.(Akyat ) namin ang puno ng bayabas sa bakuran ni Nanay Loling.


Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag na
nasa pokus na ganapan?
A. Inakyat B. Inaakyatan
C. Kaaakyat D. Pinag-akyatan

5. Si Bernadeth ay kumanta nang buong galing sa palatuntunan ng Araw ng


Kalayaan sa plasa. Ang pokus ng pandiwa ay ____________.
A. Layon B. Pinaglalaanan
C.Tagaganap D. Sanhi

6. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagatanggap?


A. iIbinili, ipagtimpla, ipaglaba B. ikinalungkot, ikinatuwa, ikinasawi

25
C. ipinambili,ipansulat, ipanghakot D. lumikas, nag-ani, magsusulat

7. Ikinatakot ng mga tao sa mundo ang mabilis na paglaganap ng pandemyang


Covid 19. Anong pokus ng pandiwa ang salitang may salungguhit.
A.Ganapan B. Gamit
C. Layon D. Sanhi

8. Inihampas ni Thor ang maso sa natutulog na higante. Ang salitang may


salungguhit ay nasa pokus na __________________.
A. Ganapan B. Gamit
C. Layon D. Sanhi

9. Pinaglaruan ang plasa ng mga bata tuwing linggo ng hapon. Ang salitang
may salungguhit ay nabibilang sa pokus na _____________.
A. Ganapan B. Layon
C. Pinaglalaana D. Tagaganap

10. ( lungkot ) ng Nanay ang balitang nasagip niya sa may palengke kanina.
Ang wastong salita na aangkop sa salita sa loob ng panaklong ay
____________.
A. Ikinalungkot B. Kalungkot
C. Malungkot D. Nalungkot

11. Ikinalito ng mga tao ang maling balita tungkol sa dami ng nagkasakit sa
Covid. Anong pokus ng pandiwa ang salitang may salungguhit?
A. Gamit B. Ganapan
C. Layon D. Sanhi

12. Ipinamputol ni Kaloy ang itak a mga sanga ng kahoy. Ang salitang may
salungguhit ay nasa pokus na __________________.
A. Gamit B. Layon
B. Tagaganap D. Sanhi

13. Pinagpulungan ang himnasyo ng lungsod ng mga opisyal ng kapulisan sa


aming rehiyon. Ang salitang may salungguhit ay nabibilang sa pokus na
_____________.
A. Ganapan B. Layon
C. Pinaglalaana D. Sanhi

14. ( Tanim ) ang ate ng mga bulaklak at mga gulay kanina. Ano ang wastong
salitang aakma sa salita na nasa loob ng panaklong.
A. Itinanim B. Magtanim
C. Nagtanim D. Taniman
15. ( Pumitas ) ni Moana ng maraming hinog na bayabas ang mga pinsan.
Ano ang angkop na salita para mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. .Kapipitas B. Nagpitas
C. Pinatasan D. Pumipitas

26
Balikan

Narito na tayo sa Aralin .3 ng Modyul na ito. Ang gawain mo ngayon ay gawin ang
sumusunod na pagsasanay nang malaman ang iyong nasimulan. Sa bawat gawain
may puntos kang makukuha. Pagsama-samahin ang puntos na nakuha at sa
katapusan ng Modyul may surpresang nakalaan na iyong ikagugulat at ikatutuwa.
Sa Ikalawang Markahan mga Panitikan ng Kanluranin, ang pokus sa mga talakayan
at ang mga akdang ito ay napapalooban ng mga gramar o balarila gaya ng pandiwa
at pokus nito. Malaman natin ngayon kung mapupunan mo ang hinihingi sa
grapikong representasyon.
Pagpupuno: Punan ang mga hinihinging impormasyon. Mula sa talaan isaayos ang
dapat kalalagyan ng mga salita. At magtala ng tigdadalawang halimbawa sa bawat
pokus ng pandiwa.
Pokus tagaganap Pokus sa Layon Pokus ng Pandiwa
Pokus sa Ganapan Pokus sa Sanhi

_______________________________

a. a.

b. b.

a. a.

b. b.

Tuklasin

Alam mo bang kung ano ang pandiwa?


Ang pandiwa ay isa sa Bahagi ng Pananalita ( Part of Speech). Salita ito na
nagbibigay buhay sa mga pangungusap o mga pagpapahayag man. May pokus ito.
27
Ano halaga ng Pokus ng Pandiwa sa loob ng pangungusap ?
Ang Pokus ng Pandiwa ay ang relasyon ng salitang kilos sa paksa o simuno ng
pangungusap. Layunin nito na mas mapalinaw ang mensahe na nais iparating sa
kausap

Ang mga Uri ng Pokus ng Pandiwa

Talahanayan 1. Uri ng Pokus ng Pandiwa

Mga pokus ng Pandiwa Gamit


Pokus na Tagaganap Tinatawag itong aktor pokus kung ang kilos sa loob
ng pangungusap ay nakatuon sa simuno.
Pokus sa Layon Ito ay tumbas sa gol pokus ang kilos ay nakatuon sa
layunin ng pandiwa.
Pokus sa Ganapan Pokus lokasyon naman ang tawag kung ang tuon ng
pandiwa ay lugar na pinangyarihan ng kilos.
Pokus sa Sanhi Kung ang dahilan ang tuon ng pandiwa sa
pangungusap.
Pokus na Tagatanggap Ito ay tinatawag na benipisyal Pokus kung ang kilos
ay pinagtuunan ang tatanggap.
Pokus na Patunguhan Tawag rito ay direksyunal pokus kung ang tuon ng
pandiwa ay ang lugar na pupuntahan.
Pokus sa Gamit Ito ay instrumental pokus kung ang kagamitan ang
pinagtuunan ng kilos.

Suriin

Ang sentro ng ating talakayan ay nakatuon sa pagkilala sa kahalagahan ng Pokus


ng Pandiwa sa pagsusulat ng sariling akda.
Masusubok natin ngayon ang iyong husay sa pag-aalala sa mga katuturan ng
bawat pokus ng pandiwa.
Ang pandiwa ay mahalagang salita sa ating pangungusap o pahayag. Ito ang
nagbibigay –buhay at nakapagbigay ito ng mas malinaw na mensahe tungo sa
kausap.

28
Ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon ng pandiwa o salitang kilos sa paksa ng
ating pangungusap o pahayag. May mahalagang gampanin ito sa ating mga sulatin
lalo pa laging may pagsusulat ang kaakibat sa bawat pagtatapos ng ating mga
aralin.

Pokus ng Pandiwa
a. Pokus Tagaganap- ang paksa ng pangungusap ay ang tagagawa ng kilos.
b. Pokus sa Layon- kung ang layon o layunin ang paksa sa pangungusap.
c. Pokus sa Ganapan- kung paksa ay lugar na pinangyarihan ng kilos.
d. Pokus sa Sanhi – kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan sa kilos sa loob
ng pangungusap.
e. Pokus Tagatanggap- kung ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang paksa ng
pangungusap.
f. Pokus Diresyunal- nagsasaad ng direksyon ng kilos ang tuon ng paksa sa
pangungusap.
g. Pokus sa Gamit- kung ang kasangkapan o bagay na ginamit upang maisagawa
ang kilos sa pangungusap.

Para sa iyo, upang malinang mo nang maigi ang kasanayan, tuloy lang sa
pagsagawa ng pagsasanay. Subukin mong gawin ang pagsasanay 1.
Pagsasanay 1. Basahing maigi ang pangungusap, kilalanin ang pokus ng pandiwa
na sinalungguhitan sa loob nito. Titik ng sago tang isulat sa patlang,
A. Direksyunal B. Gamit C. Ganapan D. Pinaglalaanan
E. Sanhi FTagatanggap F. Tagaganap
_____1. Tinungo ni Rihawani ang madawag na kagubatan.
_____ 2. Ipinambaril niya sa usa ang dalang baril sa akalang ordinaryong hayop
lang iyon, ngunit iyon pala si Rihawani, ang diyosa.
_____ 3. Pumitas ng mga ligaw na bulaklak sa kagubatan ang dayuhan para sa
kanyang anak na dalaga.
______4. Tumakbo ng mabilis si Thjalfi upang mahabol ang kalaban.

29
______5. Ipinagkatiwala ni Samson ang kanyang sekreto sa dalaga.
______6. Ipinanghampas ni Thor ang dalang masa sa natutulog na higante.
______7. Ikinabahala ng buong daigdig ang nakatatakot na pnademya na Covid.
______8. Pinagtaguan ni Eliezar ang sisidlan ng kagamitan panlinis sa kanilang
silid –aralan.
______9. Ipampunas sa pawis sa noo ni Grace ang panyo niyang hawak.
______10. Ikinagalit ng ama ang pagsisinungaling ng anak.

Pagyamanin

Panuto:Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salita.


1. Pinaglanguyan _________________________________________.
2. Ibili _________________________________________.
3. Ipantabas _________________________________________.
4. Pinasyalan _________________________________________.
5. Nagluto _________________________________________.
6. Ikinainis _________________________________________.
7. Ibinenta _________________________________________.
8. Ipinagpitas _________________________________________.
9. Dadalawin __________________________________________.
10. Ipinambalot __________________________________________.

Isaisip

Masusubok natin ang iyong galing sa mga pokus ng pandiwa. Magsalaysay ng


dalawang talata tungkol sa isang pangyayari na di mo malilimutan. Salungguhitan
ang mga pandiwang ginamit sa inyong sagutang papel.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

30
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isagawa

Malaman natin ngayon kung talagang nauunawaan mo ang kahalagahan ng


pokus ng pandiwa sa sulatin.
PAnuto:Pumili ng isang paksa sa talaan at gawan ng sanaysay. Salungguhitan
ang mga pandiwang ginamit.

A. Edukasyon B. Pamilya
C. Pangangalaga sa kalikasan D. Pamumuno (Leadership)

Mga Tala para sa Guro


Paalala :
Ang iyong gagawing sanaysay ay dapat makikitaan ng
pamagat, panimula, katawan at wakas. Dapat tatlo hanggang
limang talata ito.
Siguraduhin din na maayos at malinaw ang pagkakasulat.
May indensyon at wasto ang paggamit ng bantas.
Gawin ito sa isang buong papel.

Tayahin

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa
inyong
sagutang papel.

31
1. Tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
A. Paksa B.Panlapi
C. Panaguri D. Pokus

2. Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na


____________________.
A. Gamit B. Pinaglalaanan
C. Sanhi D.Tagaganap

3.Sa pangungusap na, “ Pinaglabhan ng mga kababaihan


ang ilog,” anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit?
A. Ganapan B. Direksyunal
C. Layon D. Pinaglalaanan

4.(Akyat ) namin ang puno ng bayabas sa bakuran ni Nanay Loling.


Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag na
nasa pokus na ganapan?
A. Inakyat B. Inaakyatan
C. Kaaakyat D. Pinag-akyatan

5. Si Bernadeth ay kumanta nang buong galing sa palatuntunan ng Araw ng


Kalayaan sa plasa. Ang pokus ng pandiwa ay ____________.
A. Layon B. Pinaglalaanan
C.Tagaganap D. Sanhi

6. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagatanggap?


A. iIbinili, ipagtimpla, ipaglaba B. ikinalungkot, ikinatuwa, ikinasawi
C. ipinambili,ipansulat, ipanghakot D. lumikas, nag-ani, magsusulat

7. Ikinatakot ng mga tao sa mundo ang mabilis na paglaganap ng pandemyang


Covid 19. Anong pokus ng pandiwa ang salitang may salungguhit.
A.Ganapan B. Gamit
C. Layon D. Sanhi

8. Inihampas ni Thor ang maso sa natutulog na higante. Ang salitang may


salungguhit ay nasa pokus na __________________.
A. Ganapan B. Gamit
C. Layon D. Sanhi

9. Pinaglaruan ang plasa ng mga bata tuwing linggo ng hapon. Ang salitang
may salungguhit ay nabibilang sa pokus na _____________.
A. Ganapan B. Layon
C. Pinaglalaana D. Tagaganap

32
10. ( lungkot ) ng Nanay ang balitang nasagip niya sa may palengke kanina.
Ang wastong salita na aangkop sa salita sa loob ng panaklong ay
____________.
A. Ikinalungkot B. Kalungkot
C. Malungkot D. Nalungkot

11. Ikinalito ng mga tao ang maling balita tungkol sa dami ng nagkasakit sa
Covid. Anong pokus ng pandiwa ang salitang may salungguhit?
A. Gamit B. Ganapan
C. Layon D. Sanhi

12. Ipinamputol ni Kaloy ang itak a mga sanga ng kahoy. Ang salitang may
salungguhit ay nasa pokus na __________________.
A. Gamit B. Layon
B. Tagaganap D. Sanhi

13. Pinagpulungan ang himnasyo ng lungsod ng mga opisyal ng kapulisan sa


aming rehiyon. Ang salitang may salungguhit ay nabibilang sa pokus na
_____________.
A. Ganapan B. Layon
C. Pinaglalaana D. Sanhi

14. (Tanim ) ang ate ng mga bulaklak at mga gulay kanina. Ano ang wastong
salitang aakma sa salita na nasa loob ng panaklong.
A. Itinanim B. Magtanim
C. Nagtanim D. Taniman
15. ( Pumitas ) ni Moana ng maraming hinog na bayabas ang mga pinsan.
Ano ang angkop na salita para mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. .Kapipitas B. Nagpitas
C. Pinatasan D. Pumipitas

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at unawain mong maigi ang sitwasyon na ito. Ibigay ang iyong
opinyon.
Sa facebook, makakakita tayo ng mga larawan na ibinahagi ( ishini-share) ng ating
mga kaibigan at kakilala, ngayon may mga larawan doon sa mga may kapansanan (
disabled person). Kung hindi mo i-share kakarmahin ka raw o mamalasin.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

33
Mga Tala para sa Guro
Paalala :
Pakatandaan ang iyong bigyang opinyon ay ibahagi mo ba o hindi sa iba
pang kaibigan ang ipinopost ng iyong kaibigan yongkol sa taong may
kapansanan. Pag hindi mo maishare kakarmahin ka raw.
Pakaisipin na dalawang talata talata ang iyong gagawing pagbigay opinyon
ay naturang usapin.
Gawin sa isang buong papel

Aralin

4 Ang mga Uri ng Tayutay

Mag-aaral, nasa panghuling aralin tayo ang pagkilala sa tayutay o mga salitang
matatalinghaga. Matutulungan kang mauunawaan ang kahalagahan ng retorika,
mga salitang may malalalim na kahulugan na napapaloob sa Ikalawang Markahan.

Alamin

Ang huling aralin natin ay tungkol sa:


Aralin 4 - Uri ng Tayutay

Matapos gawin ang arlin na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. nakikilala ang kahalagahan ng tayutay sa pagsagawa ng sariling akda;
2. nagagamit ang piling tayutay sa pagbuo ng sariling tula.

Magandang Araw sa iyo! Na hinuha ko na


may alam ka sa nakarang paksa tungkol sa
hatirang pangmadla.
Sa susunod na aralin , makikilala mo
ang anyo ng panitikan na napapaloob sa
buong Modyul sa Ikalawang Markahan.
Tiyak na maraming nakakaaliw na gawain
at pagsasanay na siyang makapagpapasaya
sa iyo habang ikaw ay natututo. Simulan Mo
Na! 34
Subukin

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa
inyong sagutang papel.

1.Tawag sa salitang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-


bagay na alam ng taumbayan.
A. bugtong B. talinghaga

C. tayutay D. salawikain

2.Isang pampanitikang paraan sa pagpapahayag na ginagamitan ng mga


salitang di-patitik o di-tahas ang kahulugan.
A.talata B.talinghaga
C. tayutay D. parirala

3. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga bagay na walang buhay.


Anong uri ng tayutay ito?
A.Pagmamalabis C. Pagtatao
C Pagtutulad D. Pagwawangis

4. “Ang buhay ng tao ay parang kandila, habang umiikli’y nanatak ang luha.”
A. Pagmamalabis C. Pagtatao

35
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

5.Ang buhay ay gulong minsan nasa ilalim, minsan ay nasa ibabaw.


Halimbawa ito sa tayutay na _______________________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

6.Ito ay isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa


pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

7.Pagpapalabis sa normal na paglalarawan upang bigyan ng kaigtingan ang


nais ipahayag.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad C.Pagwawamgis

8.Ito ay paghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang


paghahambing.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

9. … nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral,


nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw;
Ito ay halimbawa ng tayutay na _________________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

10. Hayan na naman si Buwan, sumisilip sa guwang ng aking bintana.


Ang pahayag na ito ay halimbawa sa tayutay na
_________________.
A. Pagmamalabis B..Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

11. Kasintaas ng lipad ng agila ang pangarap mo, kay hirap abutin.
Ito ay nasa tayutay na ___________________.
A.. Pagmamalabis B.Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

12. Namutla sa takot ang bata nang pumasok ang gurong nakasalamin.
Ang pahayag ay nabibilang sa tayutay na ________________
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

13. Kapayapaan dumito ka na sa aming bayan.

36
Ang pahayag na ito ay nabibilang sa tayutay ni ______________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

14. Di ko akalain na tinik sa buhay ko ang tinuturing kong matalik na


kaibigan. Ang pahayag na ito ay nasa tayutay na _______________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. .Pagtutulad D.Pagwawangis

15. Siya ay katulad ng bituin na laging nagliliwanag at sa madilim na gabi


buhay ko siyang naging tanglaw ko. Ang pariralang may salungguhit sa
pahayag ay nasa tayutay na ________________.
A. Pagmamalabis B.Pagtatao
C. Pagtutulad D.Pagwawangis

Balikan

Ang mga matatalinghagang mga salita o pahayag ay hindi tuwirang inihahayag ang
literal na kahulugan. Ginagamit ito ng mga awtor upang mapapataas ang pandama
ng mga mambabasa.
Ang talinghaga na ginagamit samga akda sa Ikalawang Markahan ay nag-uugnay sa
mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan sa Kanluran at
ibinahagi para maunawaan at makunan ng aral sa buhay.
Hanapin sa talalaan ang kinabibilangan ng mga pahayag. Isulat ang titik ng sagot sa
sagutang papel.
a. Pagmamalabis b. Pagtutulad
c. Pagtatao d. Pagwawangis

_____1. Lumuluha ang daigdig sa pagpanaw ni Mother Theresa ng Calcutta.


_____2. Galit ang dagat kaya iniluwa ang tole-tolenadang basura sa
dalampasigan na itinapon ng mga tao sa pusod nito.
_____3. Bituing nagniningning sa kasikatan si Nadine Lustre sa pinilakang
tabing.
_____4. Animo’y tupa sa kaamuhan ang naging kabiyak ni Ate Dulce.
_____ 5. Agila sa talas ang mga mata ni Kadio kahit malayo pa ang tao na
paparating alam niya na niya kung sino ito.
______6. Ang balat ni Adeline ay parang porselana.
______7. Ngumiti ang mga bulaklak sa liwanag ng buwan.
______8. Polot sa tamis ang pananalita ng binatang nanliligaw pa sa dalagang
napupusuan.
______9. Umiyak ng timba-timba si Luningning nang malamang nagtanan ang

37
kasintahan.
_____10. Ang buhay ay guryon, marupok, malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot…

Tuklasin

Sa bahaging ito, kilalanin natin ang pinakapaksa ng ating talakayan sa araw na ito.
Alam mo bang kung ano ang Tayutay?
Ang tayutay ( figure of Scpeech) ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag
na ginagamitan ng mga matatalinghagang salita. (Ang mga salita rito ay di- patitik o
hindi tahas ang kahulugan, ginawa ito upang lumikha ng larawan. Maaaring di-
pangkaraniwan ang paglalahad nupang magkaroon ng tangi at higit ang bisa.)

Uri ng Tayutay

Talahanayan 1. Uri ng Tayutay

Uri ng Tayutay Gamit


Pagtutulad Isang payak at lantarang paghahambing ng dalawang bagay
na di- magkatulad.
Pagwawangis Isang paggamit ng pahiwatig na paghahambing.
Pagmamalabis Isang pahayag na may sangkap na paunlad at patas, mula
sa isang karaniwang kalagayan hanggang sa karurukan ng
kahalagahan o kawilihan.
Pagtatao Pagtukoy sa isang bagay na di- nadarama o kaya’y walang
buhay na parang bagang ito’y buhay at kaanyuan.

Suriin

Ang tuon ng ating talakayan ngayon ay ang pagkilala uri ng tayutay na magagamit
mo sa pagsusulat ng sarili mong akda. Masubok natin ang iyong husay sa pag-
aalala sa mga katuturan ng mga uri ng tayutay.
Ang tayutay ay isang pampanitikang paraan sa pagpapahayag. Ginagamitan ito ng
mga salitang hindi lantaran ang kahuluan, yaong salitang matatalinghaga.
May mga uri ang tayutay na na mababasa sa mga akdang tulad ng maikling
kuwento, nobela, dula, at tula. Ang mga salitang ito ang nagbibigay ng makulay at
makabuluhang kahulugan sa akda.

38
Uri ng tayutay:
a. Pagtutulad- isang pghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahaang anyo subalit may mg magkatulad na katangian.Ginagamitan
ng salitang sumasagisag ng pagkakatulad gaya ng gaya ng, tulad ng, katulad
ng, anaki’y , animo;y, kawangis, kasing- at iba pa.
Halimbawa:
1. Kawangis sa init ng araw ang lagablab ng galit ni Itay nang malamang
nagbulakbol sa pag-aaral si Kuya.
2. Kasimputi ng bulak ang suot na damit ni Criselda.
b. Pagwawangis- naghahambing ng dlawang bagay ngunit tuwiran ang
ginagawang paghahambing. (Isang paggamit ng pahiwatig na
paghahambing.
Halimbawa:
1. Ahas sa katrayduran ang matalik mong kaibigan, inagaw ang asawa mo.
2. Kalabaw sa kasipagan iyang si Kuya Delyo ko.
c. Pagmamalabis- pagpapalabis sa normal na paglalarawan upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag.
Halimbawa:
1. Sa sobrang gutom ko, makauubos ako ng tatlong lechong manok nito.
2. Nagdurugo ang puso ni Bhing nang malamang pumanaw na ang nanay.
d. Pagtatao – ito ay paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay.
1. Lumuluha si hustisya sapagkat labis na ang pang-aabuso ng kapitalista
sa kanilang manggagawa.
2. O! Tukso lumayo at lubayan mo ako
3.
Pagsasanay 1. Gawin ang Sketch Appriation Graphic (SAG). Tungkol ito sa tayutay.

__________________ __________________

____________________

____________________ ___________________

39
Ang galing mo!
Ngayon, maaari mo nang gawin ang
susunod pang mga gawain.

Pagyamanin

Hanapin sa bahagi ng tula ng ”Ang aking Pag-ibig” ang mga tayutay na ginamit. Itala
sa iyong papel at kilalanin kung anong uri ng tayutay ito. At ibigay ang nais nitong
ipakahulugan.

iv vi
Kasinlaya ito ng mga lalaking Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Kasinwagas ito ng mga bayaning Na nang mangawala ay parang nanamlay
Marunog umingos sa mga papuri. Sa pagkabigo ko at paghihinayang.
v vii
Pag-big ko’y isang matinding damdamin Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin, Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
Noong ako;y isang musmos pa sa turing At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Na ang pananalig ay di masusupil. Malibing ma’y lalong iibigin kita.

1. Tayutay: _____________________________________________
Ipakahulugan: ____________________________________________

2. Tayutay: ___________________________________________
Ipakahulugan: ___________________________________________

3.Tayutay: ___________________________________________
Ipakahulugan: ____________________________________________

4.Tayutay: _____________________________________________
Ipakahulugan: _____________________________________________

40
5. Tayutay: _____________________________________________
Ipakahulugan : _______________________________________________________

Isaisip

Panuto: Bumuo ng tatlong saknong na tula gamit ang tayutay na pagtutulad na may
tatlong taludtod bawat saknong.
__________________________________
Pamagat
__________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro


Paalala :
Ang papaksain mo rito ay taong malapit sa iyo, hanapan mo siya
ng bagay na maihahalintulad ang kanyang katangian at kahalagahan
sa iyo.
Gawin sa isang buong papel

41
Isagawa

Panuto:Gamitin sa sariling pahayag ang sumusunod sa inyong sagutang papel.


1. Parang araw ________________________________________________
2. Kalapati sa kabaitan _________________________________________
3. Animoy anghel ______________________________________________
4. Saksakan sa ganda ___________________________________________
5. O buhay ____________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa
inyong sagutang papel.

1.Tawag sa salitang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-


bagay na alam ng taumbayan.
A. bugtong B. talinghaga
C. tayutay D. salawikain

2.Isang pampanitikang paraan sa pagpapahayag na ginagamitan ng mga


salitang di-patitik o di-tahas ang kahulugan.
A.talata B.talinghaga
C. tayutay D. parirala

3. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga bagay na walang buhay.


Anong uri ng tayutay ito?
A.Pagmamalabis C. Pagtatao
C Pagtutulad D. Pagwawangis

4. “Ang buhay ng tao ay parang kandila, habang umiikli’y nanatak ang luha.”
A. Pagmamalabis C. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

5.Ang buhay ay gulong minsan nasa ilalim, minsan ay nasa ibabaw.

42
Halimbawa ito sa tayutay na _______________________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

6.Ito ay isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa


pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

7.Pagpapalabis sa normal na paglalarawan upang bigyan ng kaigtingan ang


nais ipahayag.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad C.Pagwawamgis

8.Ito ay paghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang


paghahambing.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

9. … nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral,


nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw;
Ito ay halimbawa ng tayutay na _________________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

10. Hayan na naman si Buwan, sumisilip sa guwang ng aking bintana.


Ang pahayag na ito ay halimbawa sa tayutay na
_________________.
A. Pagmamalabis B..Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

11. Kasintaas ng lipad ng agila ang pangarap mo, kay hirap abutin.
Ito ay nasa tayutay na ___________________.
A.. Pagmamalabis B.Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

12. Namutla sa takot ang bata nang pumasok ang gurong nakasalamin.
Ang pahayag ay nabibilang sa tayutay na ________________
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

13. Kapayapaan dumito ka na sa aming bayan.


Ang pahayag na ito ay nabibilang sa tayutay ni ______________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao

43
C. Pagtutulad D. Pagwawangis

14. Di ko akalain na tinik sa buhay ko ang tinuturing kong matalik na


kaibigan. Ang pahayag na ito ay nasa tayutay na _______________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao
C. .Pagtutulad D.Pagwawangis

15. Siya ay katulad ng bituin na laging nagliliwanag at sa madilim na gabi


buhay ko siyang naging tanglaw ko. Ang pariralang may salungguhit sa
pahayag ay nasa tayutay na ________________.
A. Pagmamalabis B.Pagtatao
C. Pagtutulad D.Pagwawangis

Karagdagang Gawain

Panuto: Suriin ang halaw sa bahagi ng Tulang- “Ang Pamana”.Sagutin ang


mga tanong.

“ Ngunit Inang” ang sagot ko, “ ang lahat na kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ibig ko’y ikaw Ina, ang ibig ko’y ikaw Inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagka’t di ka maaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O ina ko, ika’y walang kapantay.

1. Paano ipinadama ng anak ang pag-ibig sa ina?


Sagot . __________________________________________________

2. Ano ang gagawin niya sa kanilang yaman?


Sagot __________________________________________________

3. Ano ang hinihilinh niyang pamana sa Diyos?


Sagot: __________________________________________________

4.Ano ang ibang katawagan ng kasangkapan?

44
Sagot: ____________________________________________________

5.Anong tayutay ang ginamit sa tula? Kopyahin ang linya na magpatotoo nito.

Sagot: ___________________________________________________

Binabati kita!
Natapos mo na ang mga gawain
sa Aralin 4. Ang husay mo! Ang
susunod mong pagtuunan ng pansin
ay ang lingguhang tataya.

Aralin
Lingguhang Pangwakas na
5 Gawain

Alamin

Saklaw sa bahaging ito ang pagsususlt ang pagsusulat ng sariling akda na


mailathala sa hatirang pangmadla o sa pahayagang pampaaralan.

Tayahin

Ang ating lagumang gawain sa buong linggo ay pagsusulat.


Susulat kayo ng tatlo hanggang limang talatang opinyon tungkol sa
napapanahong isyu sa ating bansa at mundo .
Nasa talaan ang pagpipiliang paksa

A. Covid 19 B. Ekonomiks C. Edukasyon D. Terrorism bill

45
Isaalang –alang rubriks sa pagsusulat
Pamantayan 15 15 10 10 Kabuuan
Orihinalidad/Sining/ Estilo
ng Pagkakasulat
Makatotohanan at
Napapanahong Isyu
Kakintalan/Mensahe/Tema
Wasto at angkop na Gamit
ng Gramatika at Retorika

Hikayat at Kawilihin sa
Mambabasa

Kabuuan

Mga Tala para sa Guro


Paalala :
Ang iyong susulating editoryal ay tatlo hanggang limang talata.

Gawan mo ng pamagat, may panimula, katawan at wakas.

Gawin sa kalahating papel.

Binabati kita!
Natapos mo ang lahat na gawain sa
Modyul na ito. Ang galing mo!
Panatilihin ang magandang nasimulan.

46
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1 Aralin 2
Subukin/Tayahin Subukin/ Tayahin
1. A 6. A 11. D 1. D 6.Aralin
C
Aralin 34 11. C
2. D 7. C 12. B 2. C 7. D 12. A
3. A 8. C 13. D 3. C 8.Subukin/Tayahin
Subukin/Tayahin
C 13. C
4. D 9. B 14. D 4. B 9. C 14. C
1.
1. BD 6.6.CC 11.
11.C A
5. C 10. B 15. C 5. A 10. C 15. C
2. B 7. A 12. A
2. C 7. A 12. A
3. A 8. B 13. A
Balikan Balikan- Nasa guro ang pagpapasya
4.
3. BD 9.
8. D A 14.B C
13.
kung tama.
1. Twitter 5. C 10. A 15. C
2. Istagram 4. C 9. A 14. D
3. Youtube Suriin- Nasa guro ang pagpapasya
4. Blog kung tama. 5. D 10 B 15. C
Balikan- Nasa guro ang pagpapasya
5. Facebook Balikan
kung tama.
Suriin Pagyamanin-
1. G 1.
6. BF 6. C
1. G 6. E Suriin
2. B 2.7. BC 7. B
2. H 7. C
3. A 8.1.J A 6. B
3. B 8. F 3.9.2.
DI B 8. D7. C
4. I 9. D 4. D
5. A 10. J 5. B 10.3.
4. CE
C
9. G
8. C
4. F 9. B
Pagyamanin
47 Isaisip- Nasa5. 5.
guro D 10. D E
10.
D ang pagpapasya
1. D 6. J kung tama. Suriin – Nasa guro ang pagpapasya
2. F 7. I
3. E 8. C Pagyamanin-
kung tama Nasa guro ang
Isagawa- Nasa guro ang pagpapasya
pagpapasya kung tama
Sanggunian

Ambat, Vilma C., et. al.” Patinikang Pandaigdig”, Modyul sa Filipino 10,120-227, 5th
Floor Mabini , Bldg., Deped Complex, Meralco Avenue Pasig City, Viral Group, Inc.,.
2015

Balazo, Huminada C. et al.”Wika at Panitikan IV” ( SEMP 2) Batayang Aklat Filipino


sa Ikaapat na Taon,6-8, Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta. Mesa Heights,Quezon
City, JGM & S Corporation, 2000

Nuncio, Eizabeth M., et. al.” Makabuluhang Filipino sa Iba’t Ibang Pagkakataon,
Batayang Aklat sa Pagbasa,Pagsulat at Pananaliksik sa Antas Pangkolehiyo “
(Filipino 2),185-188, Rebisadong Edisyon, 839 EDSA, South Triangle, Quezon
City, C & B Publishing, Inc., 2015

48
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

49
50

You might also like