You are on page 1of 18

MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA

Dionisio Salazar

*** Unang Yugto ***

Ligaya (iaangat ang ulo sa binabasa at titingin sa kanyang orasan): Aba. mag-iikaanim
at kalahati na'y wala pa sina Máma, tila sila'y ang paghis) nawili sa panonood .. Si Fidel
naman ay wala rin. (Itutuloy ang pagbasa)

(Sa darating sina Rosa, Boy, at kanyang biyenan, si Nora Marta. Si Rosa mty 9 na taon; si
Boy naman ay magpipitong taon. Hahalik sa kanya ang Falawang anak Siya nama'y
magmamano sa may 66 na taong matanda.)

Boy (masigla): Mommy, ang ganda-ganda po ng napanood naming bakbakan. Ganito,


tsak, tsak, pak, bog! (Ilalarawan ang labantung nápanood)

Rose: Biro mo, Ma, ibig pa ni Boy ulitin. Ang bait-bait po niya sa sine, talaga.

Boy: Pa'no, ibig kong matuto ng karate.

Rose: Kung di pa kami nag-aya ng Lola e, ayaw pa niya.

Marta. Ang totoo'y may kagandahan ang aming napanood, Gay. Mahusay nang
gumanap ang mga artistang Pilipino ngayon…. Buweno makapagbihis nga muna.

(Papasok sa pintuang nása gawing likod, gitna ng tanghalan. Maiiwan ang mag-ina)

Boy: Ma me pasalubong ako sayo, Heto, o.. (Aabutan ng isang chocolate candy ang
ina.)

Ligaya: Salamat, anak, pero tataba akó rito. Anong sabi ng papa n'yo? Huwag akóng
masyadong, magkakain ng matatamis para huwag tumaba.

Rosa (pishiro): Hindi baleng mataba, Mommy, basta seksi.

Boy: Isa lang naman, Mommy, a. Saka, malápit na'ng pasukan, papayat ka na naman
pag nagturo ka.

Rosa (duidukot sa kanyang bag): Mommy, pustahan at gustong-gusto mo'ng dala ko sa


iyo. (Saabot ang isang munting supot sa naliligayahang ina.) O, heto,

Lagiya (matatertia pagkakita sa laman ng súpot): Manggang manibalang. At may


kasáma pang bagoong. Ku, talaga namang napaka maalalahanin ng aking mga anak.
(Yayakapi't hahagkan ang mga anak)
Rosa: Alam mo, Ma, paglabas namin sa sine, e, nag-shoping pa kami sa Abenida. May
binili si Lolang regalo para sa birthday ng Papa bukas.

Ligaya. Ano ba 'yon?

Rosa: Babaruing-Tagalog, Mommy.

Boy: Ang ganda-ganda pot. Ikaw, 'Ma, ano ba'ng regalo mo sa Papa, ha?

Ligaya: Bakas na n'yo malalaman. Baka pa masabi mo sa 'yong Papa Saka, Boy hindi
dapat maláman kaagad ng reregaluhan ang ibibigay sa kanya kung di oras ng
pagbibigay.

Rosa: Syanga, Boy, para sorpresa, di ba, Mommy?

Boy: Ano ba'ng ibig sabihin ng "sorpresa"?

Ligaya: Pananabik, Boy.

Boy: A, ganoon palá!... Ma, tama na ba 'yong regalo ko ke Papa?

Ligaya: Oo. Natitiyak kong masisiyahan ang inyong Papa sa inyong mga handog sa
kanya búkas, lalo pa't malalaman niyang ang ibinili'y gáling sa inyong piggy bank.

Rosa: Ako'y may sampung piso pa, Mommy. Bükas e magpasyal táyo sa Luneta, ha?
Magboblow-out ako ng drumstick.

Ligaya: "Yan ang ibig ko sa 'king anak, galante.

Rosa: Kasi kayo ng Papa, e, galante rin, e.

Boy(may maisip): Mommy, asan ba'ng Amerika?

Ligaya: Doon sa ibayong dagat. Malayo. Bakit mo naitanong, Boy?

Boy: Kasi nu'ng sang araw, e, sabi ng Papa, "Boy ibig mong sumama sa kin sa Amerika?"

Ligaya: Ano'ng isinagot mo?

Boy: Sabi ko kelan? Sabi n'ya "Hindi magtatagal." Sabi ko, e di hindi na 'ko makapag-
aaral?

Ligaya: O, ano naman ang wika ng Papa?

Boy: Do'n na raw ako mag-aral. Mahusay ba'ng titser do'n ha, Ma?

Ligaya: Kahit saan, anak, ay may mahusay at may mahinang guro. (Haharapin si Rosa)
Ikaw, Rosa, kung isasama ka ba ng iyong Papa ay sasama ka sa Amerika?

Rosa: Sasama 'ko kung kasama ka, at si Lola.


Boy: Sana, Mommy, lahat tayo mapunta sa napuntahan ng Papa.

Rosa: Saan-saan na ba napunta ang Papa, ha, Mommy?

Ligaya: Sa Amerika, na pinagdalubhasaan niya sa panggagamot, sa Biyetnam at sa


Laos nang sumama siya sa Operation Brotherhood.. sa Hapon, Hong Kong Thailand,
Espanya, Italya, Pransya, at marami pang iba.

Boy: Talagang sikat si Papal E, di ang dami-daming perang nagastos ng Papa, ha, Ma?

Ligaya: Kaunti lang, kasi'y nakakuha siya ng fellowship grant.

Rosa: Ano ba 'yon. Mommy?

Ligaya: May gumasta para sa kanya.

Rosa: Dahil marunong siya?

Ligaya: Oo.

Rosa: Sana magbalediktoryan din ako paris ng Papa.

Boy: Ako man!

Ligaya: Masipag mag-aral ang inyong Papa. Kayo man at mag-aaral na mabuti ay
malamáng magtapos na may karangalan. (Darating si Aling Marta na nakararami
pambahay na.)

Marta: Aba'y hindi pa palá nakapagpapalit ng bihisan ang dalawang "yan. O, sige. Mga
apo buhis muna.

(Susunod ang dalawang batà. Makikita ang aklat na ibinaba ni Ligaya sa tiyagang
nakipag-ugnayan sa sopa. Dadamputin iyon at basahin ang pamagat.) The Invisible
Government

Ligaya: Iyan, Máma, ay tungkol ho sa Central Intelligence Agency o CIA, ang


"pamahalaang hindi nakikita." Bilyon- bilyong dolyar ho palá, ang ginagasta niyan. At
laganap palá sa buong daigdig ang mga ahente niyan.

Marta: Huwag mong sabihing, mayroon niyan dito sa atin.

Ligaya: Marami ho.

Marta: Nakapagtataka.

Ligaya: Huwag kayong magtaka, Máma. Talagang ginagawa ng Amerika ang lahat ng
paraan upang mapalaganap at mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa lahat ng
dako.
Marta: Pawang mga 'Kano ba ang ahente niyan?

Ligaya: Hindi ho, iba't ibang uri ng tao ang mga tauhan niyan. Ngunit mahirap silang
makilala. Marami raw galamay sa Pilipinas ang CIA.

Marta (isang mapait at makahulugang ngiti ang sisilay sa labi): May katwiran nga ang
nagsasabing ang Pilipinas ay hawak pa rin ing Amerika. Daang milyon na'ng utang natin
sa kanya. Hindi tayo makakilos nang di muna sasangguni sa Amerika May suliranin tayo
kuha agad ng mga "ekspertong" Kano gayong tayo ang higit na nakauunawa sa ating
mga suliranin at ang mga lunas dito. Anong klaseng bansa táyo?... "Republikang
basahan?".. Maiba ako, anak, nasabi mo na ba kay Fidel ang tungkol sa telegramang
galing sa Malakanyang?

Ligaya: Pagkabasa ko'y itinawag ko sa kanya ngunit nagkataong okupado ang linya.
Nang ulitin ko ang tawag pagkaraan ng sampung minuto ay wala nang dayalton.
Hayan at hanggang ngayo'y wala pa rin..

Marta: Kakatwa naman talaga ang teleponong 'yan. Mas madalas pang sira kaysa buo,
Dumayal ka ng isang numero at iba ang sasagot. Ulitin mo, iba na naman. Suwerte mo
nang makakonekta ka sa unang dayal. Ku, kung di nga lámang kailangan ay mabuti
pang ipaputol na 'yan. Kunsumisyon lang ang inaabot mo.

Ligaya (ibabalik ang paksa sa dati): Palagay kaya n'yo, Máma, ay may pag-asa si Fidel
na makuha yong puwesto?

Marta: Kung ganyang pinaghahanda pa siya ng ibang kinakailangang papeles ay baka


sakali.

Ligaya: Ano pa kayang papeles ang kulang ni Fidel? Isang basta na ang naipadala niya
doon, a.

Marta: Alam mo naman, Gay, ang ating gobyerno, maraming rekutitos na hinihingi sa
mga aplikante.

Ligaya: Máma, hindi ho kaya magbago ang loob ni Fidel kung sakaling siya ang palaring
mahirang na pangalawang patnugot ng South General Hospital?

Marta: Aywan ko sa taong "yan.

Ligaya: Ano ho ba'ng napag-usapan n'yo kahapon?

Marta: Tila nawawalan na raw siya ng interes. Nayayamot na raw siya sa dami ng red
tape. At kailangan pa raw ng padrino. Mas malakas daw laganap sa bansa kung saan
ang ang padrino, mas madali ang pamahalaan ay nagpapataw ng entra,

Ligaya: Sakit na 'yan ng bayan


Marta: Ke ibigay raw kahit kanino ang puwestong 'yon ay wala na siyang pakialam.
Itutuloy raw mya't itutuloy ang pagpunta sa Amerika.

Ligaya: Talagang napakatindi ng hinanakit ni Fidel sa pamahalaan. At, suyang- suya na


siya. Kaya ibig niyang layuan ang ayon sa kanya'y talamak at palala nang palalang
mga kanser ng lipunan.

Marta: May katwirang magkagayon ang iyong asawa. Ang isang tulad niyang
mapagmasid, mapanuri, matalino, at idiyalista ay hindi magkakagusto sa uri ng lipunang
ating ginagalawan: marumi, mapagkunwari, materyalista, magulo ...

Ligaya: Sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako, Máma, na mababago ko ang kanyang
loob. May ilan pa akong alas na hindi naisusugal, halimbawa'y ang tungkol sa
pagkakapunta ko sa klinika ni Doktora Samonte kaninang umaga. (May ibubulong sa
biyenan na ikaliliwanag ng mukha ng huli.)

Marta (nagagalak): Makakapolitika ka riyan. Tama, búkas mo na sabihin sa kanya.


Natitiyak kong mapalulundag siya sa tuwa.

Ligaya (lalamlam ang magandang mukha): Ngunit, Máma, tila hindi ho mapaglabanan
ni Fidel ang nakararahuyong alok ng isang ospital sa California.

Marta: Ang anyaya ng pilak ay totoong mahirap tanggihan. Lubhang


makapangyarihan ang salapi.

List. Biro n'yo, isang libo't limang daang dolyar isang buwan. At libre pamasahe pa Bukod
sa iba pang mga pribilehiyo.

Marta: Katumbas na yan halos ng anim na libong piso. Yan ang isang bagay na pinupuri
mo na Amerika, mataas magpasuweldo O, e ano, papayagan mo ba siyang umalis na
naman?

Ligaya: "Yan nga ho ang aking suliranin, Máma Sabi ko'y hakit kailangan pa niyang
mangibang-bansa ay sa hindi naman tayo kinakapos. Ang aming kita, niya sa
panggagamot at ako sa pagtaturn, ay sapat naman sa ating pangangailangan.

Marta: Iba si Fidel, Gay. Nais niyang habang bata pa ay makaipon, makapagsarili, at
makapag-ukol ng mahabang panahon sa pagsasaliksik at pagtuklas ng gamot, Di ba't
malimit niyang sabihing hindi ganap ang kanyang tagumpay hangga't hindi
nakatutuklas ng mabisang gamot sa kanser?

Ligaya: Sino ho bang hindi ibig makaipon? Ngunit sa patuloy na pagtaas ng buwis at
ng mga bilihin, sa mga dumaraming pananagutang sosyal at sibiko, matrikula, mga
aklat, at iba pa ay medyo may kahirapang makaipon.

Marta: Kumusta ang inyong plano tungkol sa bahay?


Ligaya: Kung si Fidel ang masusunod, Máma, ay mahihirapan táyong magkaroon ng
sariling bahay. Takot ho siyang mangutang.

Marta: Ang ibig nga raw niya'y yung kikitain sa Amerika ay siyang ipagpatayo ng bahay
sa inyo rig lote sa Quezon City

Ligaya: Ngunit ang paglalayo!...(Magbubuntunghininga) Kayo, Máma, matitiis n'yo


bang hindi makita at makapiling sa loob ng tatlong taon o higit pa, ang inyong kaisa-
isang anak na si Fidei?

Marta: Ako'y matanda na Anumang sandali ay maaaring… Ngunit kung ibig ni Fidel at
papayagan mo naman, sino akóng pipigil?

Ligaya: Sa dalawang pangingibang-bansa ni Fidel ay hindi ako tumutol. At ni hindi ako


nabagabag. Ngunit ngayon, Mama, para akong kinakabahang kung paano.

Marta: Ano'ng pinag-aalala mo, Anak?

Ligaya: Iba na ho ang panahon ngayon, Máma Baka matukso si Fidel. At makalimot.
Marami na akóng rabalitaang mag-asawang nagkahiwalay.

Marta. Nangangamba kang matulad sa iba si Fidel, gano'n ba?

Ligaya: Isang kaibigan ko't dating kamag-aaral sa UP, si Nenette, ang ngayo'y
nagdadalamhati. Nagkahiwalay siláng mag-asawa, pagkatapos na matira ng
dalawang taon sa Amerika si Rudy, na isang doktor.

Marta: Hindi gagawa ng gano'n si Fidel.

Ligaya: Máma, marami ho ang humahanga sa pagmamahalan nina Nenette at Rudy.


Kaya hindi kami makapaniwala na ang kanilang pagsasama'y hahantong sa
paghihiwalay. Si Rudy, paris ni Fidel, ay isa ring siruhano-

Marta: Tila balak ni Fidel ay pasunurin táyo sa Amerika kung naroon na siya.

Ligiya: Hindi ako mawiwili sa ibang lupain, Máma At isa pa'y hindi ako makaaalis sa
aming pamantasan. Masisira ang programang aking inihanda para sa aming
kagawaran. (Tutungo sa bintana at tatanaw sa malayo; halatang kinaiinipan ang
pagdating ni Fidel.)

Marta (titindig at maglalakad-lakad upang mag-unat ng tuhoid): Kung naro'n kay


maaari ka ring makapagturo. At makapag- aral. Maaaring doon mo na tapusin ang
iyong doctorate sa edukasyon.

Ligaya: Matay ko mang isipin, Máma, ay nakatatawa rin ang bansang Amerika.
Mapagkunwari rin. Magulo rin. At walang pagkakaisa. Nahahabag ako sa kalagayan
ng mga Negro at ng mga Indiyan doon. At alam n'yo, sa isang nabasa kong magasing
Ingles ay nabatid kong patuloy ang pagdami rin ng mga dalagang-ina.
Marta: Dito man sa atin, ayon kay Fidel, ay dumarami rin ang mga sawimpalad na
dalaga.

Ligaya: Hindi sila sawi, Máma. Mga hangal sila. Mga uhaw sa kamun duhan. At
karamihan sa kanila'y nabibilang sa mataas na lipunan. Dapat silang kasuklaman
sapagkat sila'y batik sa kapurihan ng kababaihang Pilipina.

Marta: Isa 'yan sa bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan, anak.

Ligaya: Oho, Máma, makabagong mapangwasak... Beatniks, hippies, a-go-go... mini-


skirt... ano pa kayang putaheng Amerika ang pagkakamatayan ng mga Pilipino?

Marta: Nakahihiya, ngunit totoong ang ating panahon ay henerasyon ng panggagaya,


panghuhuwad, panloloko, krimen, pagsasamantala ...

Ligaya: Tingnan n'yo ang bansang ibig puntahan ni Fidel, ilan nang mabubuting lider
ang kanilang pinatay?

Marta: Kung sabagay, Gay, bawat bansa'y sadyang may kapintasan. Bawat lahi ay may
kahinaan. Bawat panahon ay may kanyang sakit.

Ligaya (pigkaraan ng saglit na katahimikan): Batà pa si Fidel, Mama, bukas ay kuwarenta


na siya. Makisig siya. At malapit sa kanya ang mga babae-

Marta: Ngunit matibay ang kanyang puso. Nakita mo, sa loob ng labindalawang taon
ng inyong pagsasama'y nagloko na ba siya?

Ligaya: Hindi nga ho, ngunit... Sa Amerika, labis ang kalayawan ng mga babae, at alam
nating ang lalaki'y lalaki kailanman.. At isa pa'y hindi ako payag na doon pag-aralin at
palakihin ang mga bata.

Marta: Kaisa mo akó riyan. Sabihin nang ako'y makaluma ngunit ibig kong sa sariling
bayan táyo mabuhay at mamatay. (Maririnig nila ang kiriring ng telepono.)

Ligaya: Ayaw, umandar na naman ang sumpunging telepono. (Matatawa siláng


magbiyenan. Tutunguhin niya't inangat ang auditibo ng telepono.) Hello. Oo, ito nga...
Oy, Ched, ikaw palá... Kailan ka dumating?...O, kumusta ang biyahe?... Mabuti naman.
..Wala, wala pang liwanag ang lakad ni Fidel. .. Oo, tatlong
buwannangayongnakabitinsawikanga'y "balagngalinlangan at pananabik. Tatlo pa rin
silang nagmimithi sa puwesto Si Fidel nga ang "most qualified" sa tatlong kandidato
ngunit siya ang bukod tanging walang padrino. Humahawak siya sa kanyang sariling
kakayahan... "Yun nga ang hirap sa asawa ko, ayaw kumuha ng lider... Do, Ched,
malalakas ang padrino ni Dr. Loban, dalawang "cabinet members Yung inaanak ng
Pangulo? Inutil daw, ngunit alam mo na sa ating gobyerno, "hindi kung sino ka kung di
kung sino ang kinakapitan mo," di ba?... Mabuti nga. Siyanga pala, dine ka na
mananghali búkas. Birthday ni Fidel.. Makararating. Aasahan ka namin bukas ha? …
Babay. (Haharapin ang biyenan) Si Ched, Máma. Kararating lang niya buhat sa
paglilibot sa Amerika at Europa. Sabi ko'y pumarito siya bukas.

Marta: Mabuti... Tungkol sa kaso ni Fidel. Talaga bang mahigpit ang kanyang laban sa
puwestong yaon?

Ligaya: Mahigpit. Mama, bagaman siya ang rekomendado ng kanilang direktor sa South
General Hospital.

Marta: Para ko nang nakikitang hindi si Fidel ang mahihirang. Maganda man ang
kanyang record at rekomendado man siya ng kanilang direktor ay mahihirapan siya.
Basta't pinasukan ng politika... alam mo na.

Ligaya: Ipinagkakapuri ko si Fidel sa kanyang paninindigan, Máma.

Marta (makahulugan): Maniwala ka, anak, habang ang politika'y nakapangyayari sa


ating bansa, hindi tayo lalakas ni uunlad. Ang ating politika, na napakarumi, at balitang
kapag hindi nasawata ay siyang lilingkis at kikitil sa ating lahi. Ano nga ang sabi ng isang
kinatawang Muslim? "Na siláng mga politiko ang sanhi ng paglaganap ng krimen dito."

Ligaya: Tama sina Roces, Tañada, Manglapus at iba pa, sa pagsasabing "Kailangan ang
isang rebolusyon ng pagbabago." (Gagambalain silá ng tunog ng "doorbell". Bubuksan
niya ang pintuan. Lilitaw ang kanyang kabiyak, si Dr. Fidel Cortez.) (Matikus masigla, at
may malakas na personalidad si Fidel. Nakabarong Tagalog siya. Masuyo niyang
hahagkan ang asawa at pagkatapos ay magmamano sa ina.)

Marta (sa gawing silid nakatingin): Rosa! Boy! Narito na'ng inyong Papa. (Patakbo
namang lilitaw ang mga tinawag. Mag-uunahan silang magmamano sa kanilang ama.)

Fidel: Kumusta'ng panonood ng sine? Maganda ba'ng inyong napanood?

Boy: Ang ganda, Papa. Ang husay-husay po sa karate no'ng bida. Ganito (ilalarawan)
tsak, tsak, pak, bog! Bagsak ang kontrabida. Gusto mo ibibida ko sa 'yo ha, Papa.

Ligaya: Mam'ya na, Boy. Bayaan mong makapagpahinga muna ang inyong Papa.

Fidel: Sige, mam'ya ha, Boy? Tay pala! (Bubuksan ang portfolio at may ilalabas na
magasin) O, basahin n'yo ito. (Sabay abot ng babasahin kay Boy.)

Marta: Komiks! Di ba't napag-usapan nating puwera komiks muna?

Fidel: Opo, Máma. Ngunit iba ang komiks na uwi ko. Akin na nga muna, Boy. (Babawiin
sa anak.) O, tingnan n'yo. (Aabutan ng tig-iisa ang ina at ang asawa.)

Ligaya: Noli Me Tangere. Mayro'n pala nito!


Marta: At ire nama'y El Filibusterismo -- isa sa mga nobela ni Rizal. At maganda ang
pagkakadibuho, a.

Fidel: Makatutulong 'yan kay Rosa at kay Boy nang maagang pagkaunawa sa mga
sinulat ng ating bayani.

Marta: Tila may nabása akong manunulat na nagsabing "basura" na ang komiks.

File: Máma, sa ibang dako'y maaaring may *maruming" komiks ngunit marami rin ang
kapupulutan ng mahalagang aral at kaisipan.

(Ibabalik sa dalawang bata ang mga komiks-magasin.)

Marta: O, tena kayong dalawa sa loob. (Aakbayan ang dalawang apo’t sila'y papasok.
Maiiwan ang mag-asawa.)

Ligaya: Hindi ka ba muna magpapalit ng damit, Del?

Fidel (matapos tabihan at akbayan ang kabiyak): Alam mo, Gay, mayro'n na kaming
bagong assistant director.

Ligaya: (mabibigla): Ha! Sino? I-ikaw?

Fidel: Hindi. Si Dr. Loban.

Ligaya: Hindi ka ba nagbibiro, Del?

Fidel: Nanumpa na siya ngayong hapon. Búkas ay tiyak na nása pahayagan ang balita.
(Malulungkot ang kausap) Huwag kang malungkot, Gay... Ganyan lang talaga ang
búhay.

Ligaya: Ngunit bakit tinelegramahan ka pa ng Malacañang?

Fidel: Kailan? Nahan?

Ligaya: Kanina. Heto (Sabay dukot sa bulsa at abot sa asawa ng telegrama)

Fidel (babasahin nang malakas): "Please come to Malacañang soonest with necessary
papers and position applied for".. Alam mo, "ling, maging sa Malakanyang ay walang
koordinasyon, kung minsan.

Ligaya: Bigla naman yata ang pagkakahirang kay Dr. Loban, ha?

Fidel: Mangyari'y nabigla raw ang Pangulo, Bukod daw sa dalawang miyembro ng
gabinete ay isang malaking delegasyon ng mga lider ng partido ang isinama ni Dr.
Loban sa Malakanyang. At, nagsama pa rin daw ng maraming reporters. Alam mo na
malápit na naman ang eleksiyon.

Ligaya: (tatangong may mapait na ngiti): Ano naman ang gagawin mo sa telegramang
'yan?
Fidel: (magkikibit ng balikat) "Come to Malacañang.. Para ke pa Ito'ng sinasabing
iniinsulto ka na'y sinasaktan ka pa. Ang nakatatawa'y mapapailalim ako sa aming
bagong assistant director na sa akin lamang nangongopya noong kami'y nag-aaral pa
sa UP, At kung hindi pa rin "nilakad" e hindi papasa sa board exam.

Ligaya (parang wala sa loob): Mapalad si Dr. Loban.

Fidel: Kaya, Gay, masisisi mo ba ako, kung naisin kong umalis sa Pilipinas? Dito, kahit
saan ka tumingin ay wala kang makikita kundi ang marungis na mukha ng politika..

Ligaya (parang wala sa loob): Sa harap ng mga kasalukuyang pangyayari, hindi ko


maubos-isipin kung paano "muling dadakila" ang Pilipinas.

Fidel: Maaari, bakit hindi, ngunit tinitiyak ko sa'yong hindi sa panahong ito. (Titindig at
kukuha ng sigarilyo sa isang lalagyan.) Alam mo, Gay, nagkasundo na kami ni Dr. Bugarin
na magsabay tumungo ng Amerika. At si Dr. Sitzar nga palá, na isa ring disgustado, ay
nagbabalak sumama sa amin. (Pagkalipas ng ilang saglit na katahimikan).

Ligaya: (hindi kikibo si Ligaya, mapapabuntunghininga lámang. Daraan ang ilang saglit
ng katahimikan): Hindi kitá masisi, Del, na maghinanakit. Ngunit isip-isipin mo, ang
paglayo mo ba, at ng iba pang "disgustado" ay makabubuti sa mga "karamdamang"
nais ninyong takasan?

Fidel: Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka't katiwaliang aking nakikita, nadarama,
nababasa... Sáyang at hindi ako naging nobelista, o mandudula. Kung nagkatao'y baka
isang Noli rin, o isang "Kahapon, Ngayon, at Bukas" ang masusulat ko.

Ligaya: At sapagkat hindi mo na masikmura ay lalayo ka, gano'n ba? (Magiliw na


kakawitin sa bisig ang kausap upang mapaharap sa kanya.)

Fidel (makahulugan): Ang Pilipinas ay nása bingit na ng malaking panganib, Dito'y hindi
na "lakas ng katwiran" ang nananaig kundi "katwiran ng lakas." Ang mga batas ay wala
nang ngipin. Lumuluha na ang katarungan.

Ligaya: Hindi ako nawawalan ng pag-asa

Fidel: Natatandaan mo ba'ng sinabi ni Roces? Sabi niya, "Maging ang mga hukuman ay
hindi naliligtas sa mga mantsa ng korapsiyon."

Ligaya: Ikaw ay isang tanyag na siruhano. Di ba't ang isang may sakit, gaanuman
kalubha ang karamdaman, ay may pag-asang gumaling?

Fidel: Depende sa karamdaman, Gay, Nakita mo, ako'y hindi nandiri kelanman sa
anumang sakit, datapwa't ang sumasagong nana ng ating lipunan ay totoong
napakalansa, nakaririmarim, nakasusuka!
Ligaya: At ang naiisip ninyong mga doktor, sa harap ng ganyang mga sakit, ay
mangibang-bansa? Ang gayon ba'y makatitighaw sa karamdamang inyong
pinandidirihan? Del, ayokong marinig na tayo'y katulong sa tinatawag na "brain drain."

Fidel: Kailangan natin, kung baga sa makina, ay complete overhaul." Kailangan ay


pagbabagong-búhay ng mga namumuno at pinamumunuan.

Ligaya: Sang-ayon ako sa mga sinasabi mo, ngunit hindi ba higit na mabisa at kanais-
nais ang pamumunuang may kasámang panlunas?

Fidel: Tama, ang paggamot sa isang sakit ay panandalian lámang.. Ang dapat ay
alamin ang mga sanhi nito at ito ang pagbuhusan ng lakas upang tuluyang mawala.

Ligaya: Ikinagagalak kong marinig yan sa iyo Fidel: Táyo rito'y salita nang salita ng
demokrasya ngunit kakatwa ang ating pagkakilala, pagtalima, at pagpapahalaga sa
diwa ng demokrasya. Ligaya: Matanong kitá. Sa bansa bang pupuntahan mo'y may
pagkakaisa? pagkakapantay ba? pagkakapatiran? ...

(Bigla silang gugulantangin ng mga sigaw at pagpapagibik na mula sa anaki'y


nangaghahubulang tao. Mapapatindig silá at sisilip sa bintana ... Lahat ng salitang
maririnig nila ay magmumula sa likod ng tabing - mula sa kaliwa, pakanan.)

Mga Tinig-Laláki: Harangin Harangin! Harangin ang isnatser na yan!

Tinig-Babae (halos paos na): Magnanákaw!...Magnanákaw!. .. Saklolo!.. Pulis!... Pulis!...


Ang aking bag inagaw!... Pulisss...

Iba-ibang Tinig: Isnatser! Isnatser!.. Kawatan Harangin. Gulpihin...

Isang Tinig-Laláki: Hayun! Hayun ang walanghiya! Bilisan n'yong tugis!

Tinig-Babae: Dali kayo, Mamàng Pulis!...

Tinig-Pulis: Sa'n? Sa'n nagsuot?.

Tinig-Babae: Do'n ho! Hayuuun!... Daliin nyo! Ang bag ko! ... Naro'n ang aking suweldo!
O, Diyos ko!...

Isang Tinig Laláki: Lumiko sa eskinita! Hayun!... Harangin n'yooo!.. (Makaririnig ang mag-
asawa ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril. Magpapalitan silá ng tingin.)

Fidel: (sa tabi pa rin ng bintana.): Nakita mo na, Gay... Pasasaan ka sa búhay na ito? ...
Nakawan at patayan kabi-kabila .. Lubhang malala na ang kasamaan! ...

Ligaya: Kung tayo ba'y may sarili ng bahay sa U.P. Village.

Fidel: Tingnan mo, 'ling. Labindalawang taon na táyong nagsasama, subalit nakaipon
na ba tayo ng sukat ipagpatayo ng sariling bahay? Mangyari'y palaki nang ahensiya ng
pamahalaang namamahala sa mga seguro o palaki ang ating mga gugugulin- pataas
nang pataas at parami ng parami ang ating pinagbabayarang buwis.

Ligaya: Kung nakinig ka sa"kin, naka-utang na tayo sa GSIS, o sa SSS, nakapagpatayo


ng isang bungalow.

Fidel: Ang kikitain ko sa Amerika sa loob ng isang taon lámang ay sapat nang
makapagpatayo ng isang bungalow. At gaano pa kung aabutin ako roon ng tatlo o
apat na taon?

Ligaya (lalakad nang marahan patungo sa tabi ng "hi-fi" at hahawakay ang isang
larawan ni Fidel na kusina ng isang paring taga-.201): Del, napagwawari mo ba'ng
tuwing mangingibang bansa ka'y nagiging hungkag at tuyot ang buhay naming mag.
iina? Noong magpakadalubhasa ka sa Amerika ay ilang taon kaming nakibaka sa
kalungkutan? At noong nasa Biyetnam ka at Laos na kabilang sa "Operation
Brotherhood" ay dalawang tao't kalahati kaming nagrorosaryo upang makaligtas ka sa
Viet Cong o mga Pathet Lao.

Fidel (lalapit kay Ligaya, pasiste): Panay naman pauwi ko ng pera –

Ligaya: Del, ang salapi'y hindi siyang lahat sa buhay ng tao!

Fidel Grabiro): Alam ko 'yan, mahal kong propesor!

Ligaya: Kahit sapat lámang sa ating pangangailangan ang kinitang sahod ay di ba't
higit tayong maligaya kung tayo'y palagiang magkasama?

Fidel: Tamo, ling sa alok sa king isang libo't limang daang dolyar sambuwan ay makukuro
mo na kung gaano ang ipon ko roon. Pa'no ko kikitain ang gayong halaga rito?

Ligaya (pipisilin ang palad ni Fidel at magiliw ring mamalasin ang kabiyak): Kailangan ka
namin dito, Dell.. Lumalaki ang mga bata. At saka- (Mangingiti subalit sandaling
mauudlot)

Fidel: Saká ano?

Ligaya: A, wala. Kallangan nating subaybayan sina Rosa at Boy..

Fidel: Kahit ako'y wala. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Gay, Isa kang ulirang ina at guro!
Ligay. Mahal mo ko, Del, di ba?

Fidel: (tatawa nang maikli) Kailangan pa bang itanong 'yan ay sa alam mo namang
ikaw ang aking búhay at inspirasyon

Ligaya (kukurutin sa pigi ang katabi): Talagang mahusay kang magpataba ng puso,
Fidel: Kung akó ang masusunod ay ibig kong tumigil ka na sa pagtuturo, Sabi mo nga'y
madali kang tatanda dahil sa pahina nang pahina ang ulo ng mga estudyante ngayon.

Ligaya (matatag): Magtuturo ako. Del hanggang ako'y may lakas! Dumarami ang
kabataang naliligaw at nalilito! (Wala sa loob ay mahahawakan ang pahayagang uwi
ni Fidel at mababasa ang ulo ng balita. Mapapailing at mapapakagat-labi)

Fidel: Isa pa yang bunga ng kapabayaan ng pagwawalambahala. Magpapakilos 'yan,


makita mo, Ngunit pagkaraan ng sigabo ay babalik sa dati-

Ligaya: Ningas-kugon!

Fidel: Tama, ningas-kugon. Isa pang sakit nating mga Pilipino'y ito: Kaya lámang
magsusuhay ng bahay ay kung hinahagupit na ng bagyo,

Ligayat (may magugunita): Siyanga palá, Del Kumusta ang balak ng Knights of Rizal na
magpadala ng mga doktor sa mga baryo? Ano'ng nangyari sa usapan ninyo ni Dr.
Peralta, ang kanilang pangulo?

Fidel: Tuloy ang kanilang balak. At ibig pa nga ni Dr. Peralta'y ako ang mamuno sa team
na pupunta sa Cagayan.

Ligaya: Payag ka ba?

Fide: Sabi ko'y pagbabalik ko na mula sa Amerika. (Tutunguhin ang kabinet at may
kukuning liham.)

Ligaya: Del, may kasabihan tayong "Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo."

Fidel (sa tabi pa rin ng kabinet; hawak ang liham): Ang kapalara'y bihirang kumatok. Ibig
mong mangyari'y tanggihan ko ang alok na ito? (Itataas ang liham na "air mail”)

Ligaya: (tatayo at maglalakad-lakad): Nag-iiba ang panahon, Del... Noon, pinayagan


kitang sumama sa Operation Brotherhood sa Biyetnam at sa Laos-makatao ang misyon
ng O.B. Ngunit ngayon sa 'ting baya'y dumarami ang naghihikahos, ang nagugutom,
ang may sakit...

Fidel: Na walang ibili ng gamot? na walang makain, di ba?

Ligaya: Matitiis mo ba silá?... Natatandaan mo ba 'yong nabasa natin sa "Y" noong


minsang magbadminton táyo noon?

Fidel: Alin? 'Yon bang "When the Great Scorer pens your name, He writes not if you won
or lost but How you played the game."

Ligaya: Yun nga. Kay ganda ng mensahe niyon, ano?

Fidel: Guro ka nga, Gay.


Ligaya (hahawakan sa balikat si Fidel): Del, naghahamon ang "El Tor," ang malaria, ang
"Vietnam Rose" at iba pang karamdaman sa buong kapuluan. Sumama ka sa pangkat
ng Knights of Rizal.

Fidel (patudyo): Akala ko ba'y ayaw mo na 'kong malayo sa piling ninyong mag-iina?

Ligayon. Hindi bale kung dito sa Pilipinas, madali tayong magkikita A. lumalawig ang
ating usapan, mabuti'y makakain muna (Pirihit at akmang tutungo sa kusina)

Fidel: Medyo nga kumakalam na'ng aking sikmura, e.

Ligaya: Pihong gutom na rin ang Máma at ang mga bata.

Fidel: Ibig kong mag shower muna sandali, p'wede ba?

Ligaya: Walang tubig.

Fidel: Ano! Walang tubig?

Ligaya: May bagong sira raw na tubo-

Fidel: Na naman! (Halatang yamot) Kailan pa?

Ligaya: Kaninang makapananghali lámang.

Fidel: Teribleng talaga ang Nawasang 'yan! Mabuting maniningil at maagap puputol ng
koneksiyon, subalit kulang na kulang sa serbisyo! Ngunit kung magpa-press release. A,
paano ka bang maniniwala sa kanila!

Ligaya: Magpapasalok ako kay Karyas. (Biglang lilitaw ang magkapatid na Rosa at Boy.
Iba na ang kanilang suot.)

Rosa: Ma, Pa, kakain na raw, sabi ng Lola.

Boy (hahawakan sa kamay ang ama): Tena, Papa, Magbibidahan táyo pagkakain, di
ba?

Ligaya: Maliligo raw muna sandali ang inyong Papa.

Fidel: Kung gutom na kayo'y mauna na kayo.

Rosa: Pero, Pa, walang tubig sa gripo!

Fidel: Magpapasalok lang ako kay Karyas sa kanto.

Ligaya: 0, sige, antayin na natin ang Papa.

Boy: Basta bilisan mo, ha Pa?


Ligaya (kay Rosa): Sabihin mo, Rosa, kay Karyas na sumalok ng tubig. Dalian n'ya kamo,
ha? (Lalabas si Rosa sa pintuang nása gawing kanan)

Boy (Babalik sa sopa at mauupo sa pagitan ng magulang ): Papa, pagpasok ko sa


esk'wela, 'hahatid mo ko, ha?

Fidel: Oo, anak, tuwing may panahon.

Boy: Ano'ng ibig sabihin, Pa, ng "tuwing may panahon"?

Fidel: Hindi sa lahat ng araw, Boy.

Boy: Ba't gano'n? Gusto ko araw-araw. Paris ni Budyoy. Paris ni Jun. Hinahatid sila at
sinusundo pa ng kanilang daddy.

Fidel: Ibig na ibig ko nga sana, anak, ngunit ang dami-dami kong gawain. Nar'yan
naman si Karyas, a.

Ligaya (aakbayan ang bunso): Hamo, Boy, at pipilitin ng iyong Papa na siya ang
makapaghatid at makapagsundo sa inyong magkapatid.

Boy: Saka palá, Pa, bakit silá Jun, ang dalas nilang magpasyal sa Luneta? Táyo hindi.

Ligaya: Magaan ang trabaho ng daddy nina Jun, di tulad ng inyong Papa. (Babalik si
Rosa.

Boy: Ate, di ba silá Budyoy e madalas sa Luneta at Zoo, ano?

Rosa: Oo, sige, Pa, sa Linggo, e, pasyal naman táyo sa Luneta. Saka sa Children's Park,
ha?

Fidel: O, sige, sige... (May magugunita) Hintay! Sa Linggo nga pala ang pulong ng aming
Medical Association sa Hilton.

Rosa (mananamlay): Meron akong sasabihin, Pa, pero h'wag kang magagalit, ha?

Fidel: Ba't ako magagalit? Ano 'yon Anak?

Rosa. Sa tingin ko mas mahal mo pa'ng trabaho mo kesa sa amin.

Fidel: Uy! (Pangiting mailing, sabay pisil sa pisngi ni Rosa.) Maliit pay sanáy nang pumuna
ang aking magandang prinsesita!

Ligaya: E kanino pa ba nagmana 'yan?

Boy: Ako, Ma? Ayokong maging doktor paglaki ko.

Ligaya: At bakit?

Boy: Kasi laging wala sa bahay. (Magkukatatuvarniatn silá.)

Rosa: Tama si Boy. Kahit gabi, umaalis. Kahit holiday, gano’n din.
Fidel (pabiro): Hala kayo, pagtutulungan na naman ninyo ko. Pero hindi bale, kahit n'yo
ko kalabanin ay kayo pa rin ang pinakamamahal ko sa buong mundo!

Rosa: Artista ang Papa!

Boy:”O.A”

Ligaya: Teka nga pala, Boy. Sabi mo'y ayaw mong maging doktor. Ano'ng ibig mo
paglaki mo?

Boy: Ibig ko meyor, paris ni Meyor Villegas. O kaya'y presidente, paris ni Marcos!
(Matatawa na naman ang lahat)

Fidel: Nakagugulat palá ang ambisyon ng aking anak Dale nga, Boy kung gatpuno ka
na'y ano naman ang gagawin mo, aber?

Boy (may pagmamialaki): Siyempre, yayariin kong anderpas. Saka "yong mga kalye,
aayusin ko para hindi nasisira ng ating kotse.

Rosa: "Yan lang? Mahina kang klaseng alkalde!

Boy: Hindi pa 'ko tapos, Ate, Pahuhuli kong lahat-lahat ang mga magnanakaw, saka
mandurukot, saka 'yong nambabaril ng tao, saka -a, basta lahat ng masama, pahahal
ko sa pulis! (Habang nagsasalita si Boy ay magtitinginan at magkakalabitan ang
kanyang magulang)

Rosa: Halimbawa, Boy, e me mahuli kang magnanakaw. E kung suhulan ka?

Boy. Ano 'yong suhulan, Ate?

Rosa: Di suhol. Pabagsak., Lagay. Bibigyan ka ng maraming pera,

Boy (mauunawaan; lalabi); Hindi ko kukunin. Basta ibibilanggo ko'ng masasamang tao,
tapos.

Ligaya: Kahit na mga anak ng mga "big shot"?

Boy. Maski na sino pa, Mommy!

Rosa: E kung bigyan ka ng sanlaksa? O kaya 'sang milyong piso?

Boy (haharapin ang ina): Gano ba karami 'yun, ha. Mommy

Ligaya: ? Napakarami anak. Hindi mo káyang bilangin.

Boy: Kahit isang milyon, Ate, ayoko pa rin. Kasi sabi ng Lola at ng Mommy masama raw
'yung masyadong matakaw sa pera, di ba?

Fidel: (mangingiti nang lihim. Si Rosa naman ang haharapin): Ang prinsesa ko naman,
ano'ng ibig mong trabaho paglaki mo?
Rosa: Titser s'yempre, paris ng Máma. Pero ayoko sa iskul na me lalaki.

Fidel: At bakit naman?

Rosa: Kasi nakakatakot ang itsura ng ibang laláki. Ang hahaba po ng buhok, ang kikipot
pa ng pantalon...

Ligaya: E, saan mong ibig magturo, anak, kung sakali?

Rosa: sa eskwelahan ng mga babae, syempre. Saka, ibig kong turuan e mga bata.

Boy: Ayaw mong maging doktor, Ate? Bakit?

Rosa: Kasi natatakot ako sa dugo. Saka sa malalaking sugat. (

Marta: buhut sa loob; malakas): Rosa, Boyl Ba't hindi na kayo bumalik?

Rosa: (magugulantang): Senga pala! Inuutusan tayo ng Lola Kakain na raw!

Ligaya: Sige, balik na kayo kay Lola. Sabihin mong patakpan muna kay Toyang ang
pagkain.

Fidel: Sabihin n'yo sa Lolang maliligo lang akó sandali, Sige, lakad na kayo.

(Bago makatalikod ang magkapatid ay bigla-biglang mamamatay ang ilaw.


Mapapasigaw ang dalawang batà. Maririnig din, buhat sa kusina, ang isang "Ay!")

Boy (patakbong kakapit sa ama, hintakot): Papa!

Rosa: (takot din): Máma! Ang dilim!... Natatakot ako!

Fidel (magsisindi ng lighter): Huwag kayong matakot, mga anak. (kay Gay) Tamo, Gay,
ba't di ka maiinis sa buhay na ito? Ni walang abiso ay nag-black-out.

Ligaya: "Brown out" ang tawag nila.

Fidel: Pareho rin 'yon. May kandila ba táyo?

Ligaya. Tila may naitabi ako sa kusina. Rosa samahan mo ko sa kusina. Maiwan ka na,
Boy, sa'yong Papa.

Fidel: Isama n'yo na si Boy at doon na ninyo gamitin ang kandila hanggang hindi
nakabibili si Toyang. Dalin n'yo't baka natatakot na'ng Máma roon!

Rosa: Senga palá! Nag-isang Lola do'n. Inutusan n'ya si Toyang. (Aalis si Ligaya at ang
dalawang anak. Maiwasan si Fidel, pagbubutitin n'ya ang pagkakasandal sa sopa. Isang
tugtuging mapanudyo at anaki naninikis ang maririnig. Magpapatuloy ito mahina
lámang. Samantala'y makikita ng madla ng ulo ni Fidel sa pamamagitan ng isang maliit
na sinag. Sa malas ay nagbubulay-bulay si Fidel. Sa tulong ng isang nakakubling "tape
recorder" ay maririnig ang ilang balik-usapan. Ang background music ay magpapatuloy
nang suwabeng- suwabe lamang,

MGA TINIG:

Ligaya: "Ang isang maysakit, gaanuman kalubha ang karamdaman, ay may pag-asang
gumaling, di ba?"

Fidel: "Datapwat ang sumasagong nana ng ating lipunan ay totoong


napakalansa...nakaririmarim.. nakasusuka..."

Ligaya: "Sa bansa bang pupuntahan mo'y may pagkakaisa? May pag kakapantay-
pantay ba? May kapatiran?..

Fidel "Ang kikitain ko sa Amerika'y mahirap kong kitairi sa Pilipinas."

Ligaya: "Tuwing mangingibang bansa ka'y nagiging hungkag at tuyot ang buhay
naming mag-ina... Kailangan nating subaybayan ang mga bata sa kanilang paglaki..."

RosA: "Pa, sa tingin ko, mas mahal mo pa ng trabaho mo kesa amin."

Boy: "Kahit isang milyon, Ate, ayoko pa rin. Kasi sabi ng lola at ng Mommy masama raw
'yong masyadong matakaw sa pera, di ba?" Ligaya: "Del, ang salapi'y hindi siyang lahat
sa búhay ng tao!"

(Kasunod ng balik-usapan ay maririnig ng publiko ang baha-bahtaging himig ng ilang


matunda't makabagong awitin at tugtuging-Amerikano, Susundan ito ng mga himig-
Pilipino, maikling-maikli ring di-sukat-lumampas sa limang segundo luterat isa, gaya ng
"Sampaguita,“ "Pamulinatwem," "Dandansoy," "Ang Bayan Kong Pilipinas, "atb.
Samantala, sa pagkakasandal ni Fidel na nakapikit ay minsang umasim ang kanyang
mukha, minsang pasayahin ng isang ngiti. Pagkatapos ng tigkakapirasong himig ay
ganap na kadiliman.)

*** Wakas ng Unang Yugto ***

You might also like