1 (Brent’s Notes)
Wika at Panitikang Filipino
(10/01/20) Set-A
Ang Wikang Filipino ay may mayamang bokabularyo. Gamit ang mga salita o parirala ay mas nagiging
masining at kapana-panabik ang mga akdang pampanitikan.
Mga pagpapakahulugan:
1. araw – a. pinakasentrong bituin ng sistemang solar; b. panahon; c. motibasyon; o d. pag-asa
2. bato – a. matigas na bagay; b. isang mineral; c. manhid; o d. matigas ang puso
3. apoy – a. karaniwang nagbubuga ng liwanag, init, at usok ; b. nag-aalab na damdamin; o c. sunog
4. tubig – a. likas na yaman; b. likidong iniinom; c. suliranin; o d. pagsubok sa buhay
Aralin 1: Denotasyon at Konotasyon (ang dalawang paraan ng pagpapakahulugan; denotatibo at konotatibo)
Pg. 1 learning packets
>Denotasyon – ang kahulugan ng salita ay karaniwang nakukuha sa diksyunaryo. Literal o totoong kahulugan
ang isinasaad nito. Hal: bahay – tirahan ng tao, isang gusali na ipinatayo upang maging tirahan
araw – pinakasentrong bituin ng sistemang solar
bato – matigas na bagay
apoy – elementong nagniningas
tubig – likidong maaaring inumin
>Konotasyon – ang pagpapakahulugan ay iba kaysa sa pangkaraniwang kahulugan. Ito ay maaaring mag-iba-iba
ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang tao. Nagtataglay ng mga pahiwatig ng emosyonal o
pansoloobin ang mga salita. Mayroong malalim na kahulugan ng salita. Napapaganda nito ang isang
pangungusap. Hal: bahay – kaligayahan/proteksiyon
araw – motibasyon/pag-asa
bato – manhid/matigas ang puso
apoy – nag-aalab o nagpupuyos na damdamin
tubig – suliranin o pagsubok sa buhay
Tandaan: Mahalaga ang mga nalalaman na impormasyon patungkol sa KONOTASYON at DENOTASYON upang
mas lubos na maunawaan ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan. Mahalaga rin ito upang mas mayroon pa
tayong malaman sa salita na angkop sa sitwasyon.
Pg. 3 learning packets
Basahin ang “Mensahe ng Butil ng Kape” isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Ano ang konotatibo sa mga sumusunod batay sa Kuwento? (nacheckan na at nakadiin)
-butil ng kape [matatag sa pagsubok at nakapagpapabago ng kaniyang paligid]
-malambot [kahinaan]
-pagsasaka
-nagbubungkal
-itlog [may mabuting puso ngunit tumitigas ang kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala]
-kumukulong tubig [pagsubok sa buhay]
-nagmamaktol
2 (Brent’s Notes)
-carrot [malakas sa una subalit kapag may suliranin ay humihina]