You are on page 1of 9

Lesson Exemplar in Filipino Using the IDEA Instructional Process

SDO Rizal Grade Level 7


LESSON Name of Student Teacher Reymart M. Anis Learning Area Filipino
EXEMPL
Teaching Date and Time Marso 6-10, 2023 Quarter 3rd
AR Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. Nakikilala ang kahulugan ng mga salita sa
pamamagitan ng pagpapangkat, denotayon,
konotasyon, kahulugan at kasalungat.
b. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng salita sa
pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa
konteksto ng pangungusap, denotasyon at
konotasyon, batay sa kasing kahulugan at
kasalungat nito .
c. Nabibigyang halaga ang mga salitang batay sa
pagpapakahulugan nito.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang
komprehensibong pagbabalita (news casting)
tungkol sa kanilang sariling lugar
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)  Naipapaliwanag ang kahalagahan ng
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
salita sa pamamagitan ng pagpapangkat,
batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa
kasing kahulugan at kasalungat nito
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Paraan ng Pagbibigay-kahulugan ng salita


(Denotasyon at Konotasyon,
Kasingkahulugan at Kasalungat).
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian MELC Filipino G7 ,LEAP, Module

a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro


b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga kagamitang biswal, laptop, power point
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan presentation
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula)
Balik-aral
Ibigay ang mga nilalaman ng mga
karunungang bayan.

Estratehiya: Pagsulat sa Pisara o pag sagot sa


mga gabay na katanungan

Balik aral

1. Ito ay isang sangay ng panitikan kung


saan nagiging daan upang maipahayag
ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat
kultura ng mga tao.
A. Karapatang Bayan
B. Kaalamang Bayan
C. Karunungang Bayan
D. Inang Bayan
2. Ito uri ng karunungang bayan na ang
kayarian ay mga sukat (measure) at
tugma (rima). Layunin nitong uyamin o
manukso.
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awitin/tulang Panudyo
D. Tugmang de gulong
3. Makikita ito sa mga pang publikong
transportasyon. Karaniwan ding
inihahango ang mga tugmang ito sa mga
kasabihan o salawikaing ng mga Pilipino.
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awitin/tulang Panudyo
D. Tugmang de gulong
4. Ito ay isang suliranin o uri ng bugtong
(enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng
lumulutas nito.
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awitin/tulang Panudyo
D. Tugmang de gulong
5. Isang uri ng karunungang bayan o tanong
na may inuulit na wikain o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan. tinatawag din itong palaisipan
ano ito?
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Awitin/tulang Panudyo
D. Tugmang de gulong

Sagot.

1.C
2.C
3.D
4.B
5.A

Pagganyak
Panuto: Tingnan maigi ang salita sa mga
larawan na ipapakita ng guro.

Gabay na tanung:
1. Ano ang mapapansin sa mga salita?
2. Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

Paglalahad ng paksang tatalakayin.

B. Development (Pagpapaunlad) Talakayan

Denotasyon – literal na kahulugan ng salita


Konotasyon – malalim na kahulugan ng salita.

Halimbawa:
1. Ang Canteen ng MNHS hindi mahilugang
karayom.
Denotasyon- Hindi mabagsakan ng karayum
Konotasyon- Madaming tao
2. Ang kapatid ko’y tulog manok.
Denotasyon- Nakadapo kung matulog
Konotasyon- Saglit lang matulog
3. Ang pila sa Canteen ay usad pagod
Denotasyon- Kung lumakad ay parang pagong
Konotayon- Mahaba ang pila/ ang tagal ng pila./
Matagal umusad ang pila.

Kasingkahulugan- katulad o kapareho ang ibig


Sabihin.

Halimbawa:
Maganda- marikit
Mahinhin- mayumi

Kasalungat- ang ibig sabihin ay kabaliktaran

Halimba:
Mataba- payat
Maitim – maputi
Panget –maganda
Maputi - maitim

Gawaing Pagkatuto Bilang 1


1. Magandangbinibini, ikaw ay bulaklak sa
matako, diyosa ng puso ko,sakit ng bulsa ko.
Ano ang kasingkahulugan?
A. makapangyarihan C. maganda
B. bathala D. matalino
2. Ako ay isang lalaking matapang, Huni ng tuko
ay kinatatakutan.
Ano ang kasalungat?
A. duwag C. nagbabalat-kayo
B. matapang D. nagtatapang-tapangan
3. Sa alaala’y muling nagbalik pa, ang dating
kahapong tigib ng ligaya.
Ano ang kasingkahulugan?
A. kalungkutan C.pagdurusa
B. kahirapan D.pag-iisa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Basahin ang bawat pahayag, ipaliwanag ang
kahulugan ng mga salitang nakalimbag nang
malinaw at pahilis sa pamamagitan ng
pagpapangkat sa mga ito. Gayahin ang pormat
at isulat ang sagot sa
sagutang- papel.
Presyo ng pamasahe ay pare-pareho
Malayo o malapit ’wag nang magreklamo
Kaunti’ng pasahero Mura’ ng pamasahe
Mahal ang krudo.
Pagpapaliwanag
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Pasaherong ang masaya tiyak
na may pera. Si mamang
drayber swerte siya pag-uwi
maligaya, may pagkaing
dala-dala para sa pamilya.
Pagpapaliwanag
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Bawal ang bata


Bawal ang matanda
Kapag nagpumilit, drayber
ang kawawa.

Pagpapaliwanag
_____________________________
_____________________________
_____________________________
C. Engagement (Pagpapalihan) Gawain sa pagkatuto Bilang 2( think- pair-
share)
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng
awiting-panudyo. Ipaliwanag kung ano
ang kahulugan ng mga salitang malinaw na
nakalimbag sa sumusunod na
pahayagbatay sakonotasyon at denotasyon.
Magtalang tig-isa lamang sa bawat aytem.

Bakya mo,Neneng, luma at kupas na


Ngunit may bakas pang luha mo, Sinta;
Sa alaala’y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.
Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba’y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
Ang aking pag-asa’y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang ‘yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang, Ang
aliw ko kailan man.

1. luha Denotasyon:
Konotasyon:
2. pumanaw Denotasyon:
Konotasyon:
3. hirang Denotasyon:
Konotasyon:

D. Assimilation (Paglalapat) Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 (Individual na


Gawain)
Panuto: Mag-isip ng isang paksa kaugnay sa
mga pangyayaring nagaganap
sa kasalukuyan at sumulat ng isang talata na
binubuo ng 5 pangungusap. Kailangang angkop
at pili ang mga salita o pahayag na gagamitin
batay sa pagpapahayag ng konotasyon,
denotasyon, kasingkahulugan at kasalungat.
Isulat ito sa sagutang- papel.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
V. PAGNINILAY Isulat sa sagutang papel ang inyong natutunan mula
sa aralin gamit ang
mga gabay sa ibaba:
Naunawaan ko na
___________________________________________
_______.
Napagtanto ko na
___________________________________________
_______.
Kailangan ko pangmalaman ng
____________________________________.
VI. Pagtataya Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin
ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay nag bibigay ng literal na kahulugan


ng salita.
A. Denotasyon
B. Konotasyon
C. Kasingkahulugan
D. Kasalungat
2. Ito ay nagbibigay ng malalim na
kahulugan ng salita.
A. Denotasyon
B. Konotasyon
C. Kasingkahulugan
D. Kasalangat
3. Ito ay kabaligtaran ng mga salita.
A. Denotayon
B. Konotasyon
C. Kasingkahulugan
D. Kasalungat
4. Ito ay kapareho o katulad ng salitang ibig
sabihin.
A. Denotasyon
B. Konotasyon
C. Kasingkahulugan
D. Kasalungat
5. Pikit mata ang aking mga kamag-aral sa
ginawa ng kanilang kaklase. Alin ang
konotasyon ng salitang may salungguhit?
A. Hindi Makita
B. Nakita
C. Nabubulag-bulagan
D. Hindi pinansin
6. Ikaw ay nag niningning sa aking paningin.
Ano ang denotasyon ng may salungguhit
na salita?
A. May dala kang ilaw
B. May helo sa ulo
C. Nagliliwanag
D. Flash ang aking nakikita
7. Parang coke ang iyong katawan. Ibigay
ang Konotasyon ng salitang may
salunguhit.
A. Parang bote ang iyong katawan
B. Sexy ang katawan
C. Walang hubog ang iyong katawan
D. Makinis ang katawan
8. Ano ang kasing kahulugan ng salitang
mayumi?
A. Magaslaw
B. Maguli
C. Mahinhin
D. Matapang
9. Ano ang kasing kahulugan ng salitang
maligalig?
A. Magaslaw
B. Makulit
C. Magulo
D. Matakaw
10. Ano ang kasalungat ng salitang makinis?
A. Makulimlim
B. Madilim
C. Masikip
D. Magaspang
11. Ano ang kasalungat ng salitang
magaslaw?
A. Mahinhin
B. Matapang
C. Mayabang
D. Matalino
12. Ano konotasyon ng salitang hindi
makabasag pinggan?
A. Mahinhin
B. Madumi
C. Matapang
D. Mabait
13. Ano ang konotasyon ng salitang para
kang paniki?
A.Para kang kabag
B. Gising sa umaga tulog sa gabe
C. Matalas ang pandinig
D. Maitim ka
14. Ano ang kasing kahulugan ng salitang
masikip?
A. Makipot
B. Maluwag
C. Maasim
D. Mataba
15. Ano ang kasalungat ng mataba?
A. Madaming taa
B. Makipot
C. Madumi
D. Mapayat

Sagot
1. A
2. B
3. D
4. C
5. D
6. C
7. B
8. C.
9. C
10. D
11. A
12. A
13. B
14. A
15. D

Inihanda ni:

Reymart M. Añis
Gurong nagsasanay

Sinuri nina:
MENCHIE B. DOMINE
Gurong tagapayo

FRITZIE P. BUENVIAJE SARAH D.


RAMOS
Tagapangulo- Filipino Master Teacher I - TLE

Pinagtibay ni:

LYNDEL R. DAVID,Ed.D.
Punong Guro III

You might also like