You are on page 1of 5

FILIPINO 6

Written Work No. 1 Quarter 1

Name: ________________________________ Date: ___________ Score: _________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Mula sa isang pabula
na nasa ibaba, sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang
bilang.

Si Togak at ang Gintong Uwak


Noong unang panahon ay may isang ibon na nakatira sa kagubatan na ubod ng itim
at may mapupulang mga mata. Ang pangalan ay Togak. Dahil sa kaniyang anyo ay
nahihiya itong lumapit at makipaglaro sa iba dahil baka pagtawanan lamang siya ng
mga ito. Kaya palagi siyang nag-iisa at nagdarasal na sana ay maging maganda ang
kaniyang anyo tulad ng iba.
Isang araw, habang naghahanap ng pagkain si Togak ay may narinig siyang
tumawag sa kanya. Agad na lumapit si Togak at nakita niya ang isang magandang
diwata. “Ako si Inang diwata. Ang diwata ng mga ibon. At narito ako para tuparin ang
iyong kahilingan ngunit sa isang kondisyon,” wika ng diwata Kailangan mong magpakita
ng magandang asal at huwag ipagmalaki kung ano man ang iyong kaanyuan. Kung
hindi, ikaw ay babalik sa dati mong anyo,” malinaw na sabi ng diwata. At isang kumpas
lang ng kamay ng diwata naging kulay ginto ang kaniyang mga balahibo at naging
maamo ang kaniyang mga mata. “Maraming salamat!” Masayang sabi ni Togak sa
diwata.
Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanag
at kulay ginto ang mga balahibo ni Togak. Inggit na inggit sa kaniya ang mga ito.“Togak,
puwede bang makipag-kaibigan?” Sabi nila. “Ayokong makipag-kaibigan sa mga
mabababang uri,” pahambog na sabi ni Togak. “Umalis kayo sa harapan ko, ayokong
makipag-kaibigan sa mga katulad niyo!” Pagyayabang na sabi ni Togak sa mga ito.
“Talagang nagbago na nga si Togak mula ng maging ginto ang kaniyang mga
balahibo.” Wika ni Kuwago. “Oo nga, talagang wala na siyang kinikilalang kaibigan.”
Sabi naman ni Maya.
Kaya isang araw habang naglalakad si Togak ay nagpakita muli sa kaniya ang
diwata.
“Togak, dahil sa ipinakita mong masamang pag-uugali at pagiging hambog, ikaw ay
babalik sa dati mong anyo.” Wika ng diwata. At sa isang iglap lang ay bumalik nga ang
dating anyo ni Togak na sobrang itim at mapupula ang mga mata. Kaya umuwi si Togak
na luhaan at hiyanghiya sa sarili. At ng papauwi siya ay nasalubong niya sina Kalapati,
Kuwago at Maya. “Puwede bang makipagkaibigan sa iyo?” Sabi ni Kuwago. “Kahit na
ganito ang anyo ko,”malumanay na sabi ni Togak.
“Hindi naman panlabas na anyo ang basihan sa pakikipagkaibigan, ang importante
ay tanggap ninyo ang isa’t isa.” wika ni Kalapati. Kaya mula noon ay masayang masaya
na si Togak sa mga bago nitong kaibigan. Kahit na ubod ng itim at mapupula ang mga
mata ay wala na siyang ikinahihiya. Dahil tanggap siya ng mga ito ano man ang
kaniyang anyo.

____ 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


a. diwata b. kalapati c. Togak d. Maya

____ 2. Bakit umiiwas si Togak sa ibang ibon?


a. ayaw niyang makipaglaro sa ibang ibon at baka masaktan lamang siya
b. nahihiya siyang lumapit sa iba dahil sa kaniyang anyong ubod ng itim at may
mapupulang mata
c. ayaw niyang pagtawanan ang kaniyang anyong ubod ng itim at may
malalaking paa
d. baka pagtawanan ang kaniyang maputing balahibo at malaking mata
____ 3. Paano binago si Togak sa kaniyang bagong anyo?
a. naging palakaibigan c. sumikat siya
b. palaaway d. hambog at mayabang

____ 4. Kung ikaw si Togak, paano mo dadalhin ang iyong sarili bilang isang batang
may ubod itim na balat?
a. hindi ako lalapit sa iba
b. hindi ko ikakahiya at ipagmamalaki ko ang biyayang bigay ng Diyos
c. magtago at iiwas sa ibang bata baka ako ay kutyain
d. sisihin ko ang Diyos dahil ginawa niya akong iba sa lahat

____ 5. Aling talata sa kuwento ang magbibigay inspirasyon sa iba at nagpapakita ng


pagkapantay pantay?
a. 5 b. 3 c. 4 d. 2

_____6. Si Togak ay isang ibong ubod ng itim at may mapupulang mga mata. Anong uri
ng pangngalan ang nakasalungguhit?
a. pantangi b. basal c. pambalana d. lansakan

____ 7. Naging kulay ginto ang balahibo ni Togak ngunit ito ay nagpabago sa
kaniyang ugali. Tukuyin ang pambalanang basal sa pangungusap.
a. balahibo b. Togak c. kulay d. ugali

____ 8. Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang


napakaliwanang at kulay ginto ang mga balahibo ni Togak. Anong uri ng pambalana
ang nakasalungguhit?
a. lansakan b. tahas c. basal d. pantangi

____ 9. Tukuyin ang pambalanang lansakan sa pangungusap na ito. Isang kahong


sardinas ang natanggap ni Lando mula sa kanilang barangay.
a. kahon b. sardinas c. Lando d. natanggap

____ 10. Namigay ng bigas ang aming gobernador na si Gng. Angging Dimaporo.
Anong uri ng pangngalan ang ngalang Angging Dimaporo?
a. pambalana b. tahas c. basal d. pantangi

II. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap mula sa isang maikling kuwento
na nasa ibaba. Sagutin ang mga tanong at itik lamang ang isulat bago ang bilang.

Juan Tamad
Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad suot ang kanyang bagong t-shirt at
ang kanyang mga kaibigan ay nagdala ng mga pagkain tulad ng; pizza, keyk at juice.
Ang ilog ay umaagos pababa. Karaniwang naglalaro ng mga bangkang papel ang mga
bata sa mababaw na bahagi ng ilog. Tuwang-tuwa sila sa pagbabantay kung kaninong
bangka ang pinakamabilis. Nakatuwaan ang mga bata na gumawa ng kani-kaniyang
balsa na yari sa pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging. Nagtungo sila sa malalim
na bahagi ng ilog at doon nagsimulang magkarerahan. Ang iba ay gumagamit ng tukod
bilang sagwan. Lahat sila ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga siya sa
balsa. Tinawanan niya ang mga kaibigan nang makita silang nagpakahirap sa
pagsagwan. At si Juan ay nagsimulang matulog. Pinagtulungan ng tatlong bata ang
kanilang balsa upang mabilis na makarating sa takdang lugar. Ang balsa naman ni Juan
ay umayon lamang sa agos ng ilog. Hindi namalayan ni Juan na ang balsa niya ay
naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa gilid. Alam ng mga kaibigan na
mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di ito gumamit ng sagwan. Hindi
nila inalam kung nakarating ito o hindi. Umalis na sila.
_____1. Sino ang nagtungo sa ilog?
a. Juan Tamad b. Juan Mabait c. Juan Matakaw d. Juan Matapang
____ 2. Anong katangian ang taglay ni Juan?
a. kasipagan b. kabaitan c. katamaran d. katapangan
____ 3. Ano ang ginawa ni Juan habang nagkakera sila?
a. Natulog sa balsa ay nagpaayon lamang sa daloy ng agos ng tubig.
b. Binilisan niya ang pagsagwan upang siya ang mauna makarating.
c. Tiniyak ni Juan na siya ang mananalo sa karera.
d. Tinulak niya ng sagwan ang mga balsa ng kanyang mga kalaro.
____ 4. Saan naharang ang balsa ni Juan?
a. sa katabing balsa b. sa sanga ng kawayan c. sa tulay d. sa puno ng
manga
____ 5. Kung kayo ang mga kalaro ni Juan, hihintayin ba ninyo kung makarating ba si
Juan o hindi? Bakit?
a. Hindi, na dahil hindi na man siya seryuso sa karera namin.
b. Hindi, na dahil wala kaming pakialam sa kanya.
c. Oo, upang malaman niya na hindi sila ang nanalo sa karera.
d. Oo, upang malaman namin kung makakarating ba siya ng ligtas.
____ 6. Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na mga pangyayari batay sa wastong
pagkakasunod- sunod sa kuwento.
a. Sila ay naglaro ng bangkang papel.
b. Habang naglalaro ang magkaibigan, natulog naman si Juan sa isang balsa.
c. Nagpunta sina Juan sa ilog.
d. Gumawa sila ng balsa gamit ang pinagtabitabing katawan ng puno ng saging

a. 3 1 4 2 b. 3 4 1 2 c. 4 3 1 2 d. 3 1 2 4
____ 7. Nagpunta si Juan na suot ang kanyang bagong t-shirt. Alin dito ang salitang
hiram na ginamit sa pangungusap.
a. Juan b. Suot c. Bago d. t-shirt
____ 8. Nagdala ng mga pagkaing keyk at juice ang mga kaibigan ni Juan. Anong
tawag sa mga salitang sinalungguhitan sa pangungusap?
a. salitang hiram c. salitang klaster
b. salitang diptonggo d. salitang magkatunog
____ 9. Ang balsa ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Anong katangian ng
pangngalan ang sinalungguhitan sa pangungusap?
a. di konkreto c. basal
b. konkreto d. lansakan
____ 10. Tukuyin ang konkretong pangngalan sa pangungusap na ito. Nahiga siya sa
balsa at pinagtawanan ang mga naglalaro.
a. balsa c. naglaro
b. nahiga d. siya
III. Tukuyin at isulat sa patlang ang mga pangngalan at panghalip na makikita sa maikling
kwento.
Sandaang Pulo

May magandang kuwento ang matatanda ng Pangasinan na nagpapaliwanag kung


paano nagkaroon ng “Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
Ayon sa kuwento, may iba’t-ibang tribu sa iba’t-ibang dako ng kapuluan. Ngunit watak-
watakang maliliit sa kaharian. Bawat isa’y pinamumunuan ng mga maharlika na tinatawag na
datu, sultan, o raha.
Si Raha Mabisqueg, matalino, maunawain at matapang na pinuno and namumuno sa
isang kaharian. Daan-daang kawal ang kanyang sinanay. Sa pagtanda ng raha, ipinagpatuloy
ng kanyang anak, si Datu Mabisqueg, ang pamumuno sa mga sinanay na kawal. Sa pagdaan
ng panahaon, naging matahimik, masagana at maunlad ang kaharian.
Agaw-dilim noon. Nilusob ng mga kaaway ang kaharian. Pinulong ni Raha Mabisqueg
nd kaniyang konseho. Ipinayo na salubungin ang kaaway. Mula sa maraming kawal na sinanay
ni Raha Mabisqueg, pumili ng sandaan si atu Mabisqueg.
Naganap sa dagat ang labanan. Tumagal ang labanan nang maghapon at magdamag.
Kinabukasan, tumahimik sa pool na pinaglalabanan. Walang natira isa man sa mga sinanay ni
Datu Mabisqueg. Nalipon lahat ang sandaang kawal pati ng mga kaaway.
Lumipas ang araw. Naging malungkot ang buong tribu. Laging nakatanaw sa dagat ang
mga tao. Hanggang isang bukang-liwayway, biglang umiiba ang malawak na dagat. Humigit-
kumulang sa sandaang pulo ang kanilang nakita. Ang ilan ay hugis na tumaob na bangka; ang
iba’y tulad ng katawan ng mga mandirigma.
Mula noon, pinaniniwalaan na ng mga tao na ang mga pulong iyon ay sandaang kawal
na nalipon s labanan. Nagsisilbing alaala sa susuond na salinlahi ang alamt ng “Sandaang
Pulo” sa Look ng Pangasinan.

You might also like