You are on page 1of 5

Talambuhay ni Jose Rizal

Isang bayaning nag-alay ng buhay sa bansa si Jose Rizal. Siya ay ipinanganak noong
Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ama niya si Francisco Mercado Rizal na taga-
Binan. Ina naman niya si Teodora Alonzo Realonda na taga-Maynila. Sampu lahat ang
mga kapatid ni Jose. Kasama rito sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia,
Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.

Kabilang sa mga mayayaman ang pamilya nina Jose. Sa katunayan malaking-malaki


ang bahay na ipinatayo nila sa sentro ng Calamba.

Tatlong taon pa lamang ay natutuhan na ni Jose mula sa kanyang ina ang pagbasa ng
alpabeto. Ang pormal na pag-aaral ay una niyang naranasan sa pamamahala ni Don
Justiniano Aquino Cruz, isang guro sa Binan. Lalong napalayo si Jose sa mga
magulang nang ipasok siya sa Colegio de San Juan de Letran. Sapagkat matalinong
estudyante, hinangaan siya ng mga guro at mga kamag-aral sa nasabing paaralan.
Noong nagkaroon ng problema sa lupa si Dona Teodora laban sa mga paring
Dominiko sa Calamba, napilitang umalis si Jose sa Dominikong paaralang kaniyang
pinapasukan. Lumipat siya sa Ateneo.

Sa paaralang Heswita nabuo kay Jose ang tiwala sa sarili. Sa nasabing paaralan, lalo
siyang tumalino at humusay. Nakuha niya ang titulong emperador nang tanghalin
siyang pinakamatalinong estudyante sa Ateneo. Sa nasabing paaralan kinilala siya sa
pagsusulat. Dito niya isinulat ang mga sumusunod na akda sa Espanyol: Felicitacion,
Por La Educacion Recibe Lustre La Patria Un Recuerdo, A Mi Pueblo at El Heroismo
de Colon. Tinanggap niya ang diploma sa Bachilereto sa Sining noong 1877.

Pumasok si Jose sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 upang kumuha ng


Medisina. Sa nasabing unibersidad, ipinagpatuloy niya ang pagsusulat. Kinagiliwan
ng lahat ang kaniyang tulang A La Juventud Filipino at Junto Al Pasig. Tuwang-tuwa
si Jose nang manalo ng pinakamataas na karangalan ang Los Consejos de los Dioses,
pero nanlumo siya nang ipagkaloob ang premyo sa isang Espanyol na pinaboran ng
mga hurado. Ang nasabing karanasan ang nakapagpadagdag sa kaniyang paghusga sa
mga paring Dominiko na sa pakiwari niya ay may kinikilingan sa pagtrato.

Minsang nagbabakasyon si Jose sa Calamba ay nadagdagan ang negatibong karanasan


niya sa mga Espanyol. Hindi lang siya nakapagbigay galang kay Tinyente Porto isang
gabi ay pinarusahan na siya nito. Ito ang nagtulak sa kanya upang sa ibang bansa na
mag-aral.

Sa Unibersidad Central de Madrid sa Espanya siya nagpatuloy mag-aral ng Medisina.


Sapagkat galit sa kawalang katarungang nangyayari sa Pilipinas, nagpatuloy siyang
magsulat. Isinulat niya sa Espanya ang Me Piden Versos at El Amor Patrio. Isinulat
din niya sa pahayagang La Solidaridad ang kritismong Los Indolencios de Filipinos
na nagpapatunay na hindi mga tamad ang mga Pilipino, taliwas sa paniniwala ng mga
Espanyol.

Natapos ni Jose ang Medisina noong 1884. Nagpunta siya sa Paris noong 1885 upang
mamasukan sa klinika ng optalmologong si Dr. Louis de Wecker. Nagtungo rin siya sa
Alemanya noong 1886 upang makipagpalitang kuro sa mga sikat na manggagamot na
sina Dr. Otto Becker at Dr. Hans Mever. Sa pag-ikot niya sa iba't ibang bansa,
isinusulat niya ang dalawang nobelang iaambag niya sa pinapangarap na pagpapalaya
sa Pilipinas.

Naisulat niya at naipalimbag ang Noli Me Tangere sa tulong ni Dr. Maximo Viola
noong 1886 at ang El Filibusterismo noong 1891 sa tulong ni Valentin Ventura.
Ginising ng dalawang nobela ang natutulog na isipan ng mga Pilipino upang
magkasama-sama sa pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila.

Isinama siyang presong detenido sa paglalayag sa ibang bansa. Nang sumabog ang
rebolusyon noong 1896 ay pinabalik si Jose sa Pilipinas upang usigin at hatulan.
Pinaratangan siya sa salang rebelyon, sedisyon at ilegal na pag-oorganisa ng mga
asosasyon laban sa pamahalaan. Kamatayan ang hatol kay Jose.

Nang gabi bago barilin si Jose ay tinapos niya ang tula niyang Mi Ultimo Adios at
pinakasalan si Josephine Bracken.

Disyembre 30, 1896 nang ilabas sa Fort Santiago si Jose at dalhin sa Bagumbayan.
Inialay ni Jose ang buhay alang-alang sa ikalalaya ng mga Pilipino. Maliit na tao
lamang si Dr. Jose Riza-l pero malaking-malaki ang pagpapahalaga ng lahat sa
kaniyang kabayanihan, kadakilaan at karanNgalan.
Noli Me Tangere

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere"
noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng
pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa
Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's


Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro
sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang
kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang
sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang
kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-
samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya
sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand


Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito
ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog
ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista.
Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.

Mga Tauhan:

Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak
ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang
mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San Diego.
Padre Sibyla
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.

Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng
kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San
Diego.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña


Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na
napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan


Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng


Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si
Ibarra.

Don Rafael Ibarra


Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung
kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa

You might also like