You are on page 1of 55

Department of Education

Schools City Division


Cabanatuan City

LEARNING
MATERIAL
(MUSIC)
GRADE 5

(Quarter 2)
Department of Education
Schools Division Office
Cabanatuan City

LEARNING MATERIAL
(MUSIC)
GRADE 5
(Quarter 2)

Author/Developer:

Jose O. Barcelo
Master II

John Philip C. Fermin


Master Teacher I

Quality Assurance:

Ramon J. De Leon, Ph.D.


EPS-I MAPEH

Ever M. Samson
EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D.


Chief ES, Curriculum Implementation Division
_____________________________________________________
This Learning Material is a property of DepEd Schools Division Office of Cabanatuan City.
Outside of the public schools in this Division, no part of this Learning Material may be sold, distributed
or reproduced in any means without its explicit consent.
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CONTENTS

Aralin Pamagat Pahina

1. Aralin I Ang F-Clef. . . . . . . 1–3

2. Aralin II Ang mga Pangalan ng Limguhit sa F-Clef1. . 4–9

3. Aralin III Ang mga Simbolong Sharp ( # )


Flat ( ), at Natural ( ) . . . 10 – 14

4. Aralin IV Ang Ikli at Lawak ng Tunog . . . 15 – 20

5. Aralin V Ang mga Pagitan ng Nota . . . . 21 – 28

Inihanda ni:

JOHN PHILIP C. FERMIN


Master Teacher I; LO Renon Memorial E/S

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ARALIN I
ANG F- CLEF

Layunin: Nakikilala ang F-clef at ang gamit nito.


Code: MU5ME-IIa-1

Panimula: Ang F-Clef ay kilala rin sa tawag na Bass Clef. Mahalaga ang F Clef dahil
ito ay karaniwang ginagamit para sa range ng boses ng mga lalaki. Ito ay ang mga
boses na Bass o Baho para sa mababang tono at Tenor naman para sa mataas na tono
ng boses lalaki.

Kaya ito tinawag na F-Clef ay dahil ang pagguhit o pagsulat ng simbolong ito
ay nagsisimula sa notang F o sa 4th line. Samantalang ang C o Do ng F-Clef ay
nagsisimula naman sa pangalawang puwang o 2nd space.

Mga kagamitan: Pitch pipe


Tsart, powerpoint presentation
Tsart ng mga awitin
Music Notebook

Gayong natapos mo na ang Unang Kwarter sa Musika 5 ay mas lalo ka pang


maaaliw sa ating susunod na aralin.

Magkaroon ng pagsasanay sa ngalang tono gamit ang pitch pipe sa tonohang


C.
Gamitin ang mga sumusunod na ngalang tono sa ibaba para sa pagsasanay
ng ngalang tono.

fa la ti do

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos kang magsanay sa iyong tinig, sama- samang awitin ang awit sa ibaba

Pag- aralan ang larawan.

Ito ang tinatawag na F- Clef. Upang higit mong malaman ang kahulugan at
ang gamit ng F- Clef, gawin muna ang gawain sa ibaba.
(Tatayo ang mga babae at ipapaawit ng guro ang tonohang so-fa syllables), bigyang
diin ang tono ng mga babae.

(Tatayo ang mga lalaki at ipapaawit ng guro ang tonohang so-fa syllables), bigyang
diin ang tono ng mga lalaki.

Mayroon ba kayong nakitang pagkakaiba sa tono ng babae at lalaki?

Kaninong boses ang mas malaki at makapal ang tunog?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang inyong nakikita ay ang F- Clef o ang Bass Clef. Ito ay karaniwang
ginagamit para sa range ng boses ng mga lalaki. Ito ay ang mga boses na Bass o Baho
para sa mababang tono at Tenor naman para sa mataas na tono ng boses lalaki.
Tinawag itong F-Clef ay dahil ang pagguhit o pagsulat ng simbolong ito ay
nagsisimula sa notang F o sa 4th line. Samantalang ang C o Do ng F-Clef ay
nagsisimula naman sa pangalawang puwang o 2nd space.
Gayong nalaman mo na ang pagkakaiba ng tono ng babae at lalaki ay
masasabi mo na, na ang F-Clef ay ginagamit sa tonohan ng mga lalaki at ginagamit
sa Tenor o Baho (para sa boses ng mga lalaki).

Gawin Mo:

Gumuhit ng F- Clef sa Limguhit.

Sumulat ng limang lalaking mang-aawit na iyong kilala na may boses ng


tenor o baho. Magbigay ng mga halimbawa ng kanilang awitin at awitin ito sa klase.

1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________
4. _________________________
5. _________________________

Inihanda ni: John Philip C. Fermin


Master Teacher I; LO Renon Memorial Elem. School
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Aralin II
Ang mga Pangalan ng Limguhit sa F-Clef

Layunin: Natutukoy ang mga pitch name ng mga staff at spaces ng F-Clef staff
Code: MU5ME-IIa-2
A. Kagamitan: tsart ng mga awit, mga larawan, keyboard, CD/CD player

Gayong alam mo na kung ano ang kahulugan ng F-Clef at ang gamit nito, atin
namang pag-aaralan ngayon ang mga ngalang tono ng bawat guhit at puwang sa
limguhit gamit ang F-Clef.

Bago natin pag-aralan ang aralin, subukan mo munang ipalakpak at i-chant


ang nasa ibaba.

Gayong ika’y handa na, iguhit muli ang F- Clef sa ibaba sa ibabaw ng
limguhit.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang bawat guhit at puwang sa limguhit ay may mga pangalan, o ngalang


tono. Masdan ang larawan sa ibaba.

C E G B
do mi so ti

Ang inyong nakikita sa itaas ( C-E-G-B) ay ang pitch name ng bawat limguhit.
Mas madaling tandaan ito sa ngalang Cage Every Good Boy
Samantalang ang nasa ibaba nito (do – mi – so - ti) ay ang ngalan sa so-fa
syllables.
Nagsisimula ang ngalang tono nito mula sa ikalawang puwang mula sa
ibaba, kasunod ang ang ikatlong puwang, ikaapat na puwang at ang puwang sa
pagitan ng ikalimang guhit at ng ledger line.

Gawin Mo

Subukan mong iguhit ang F- Clef kasama ang mga ngalang tono ng mga
puwang sa limguhit.

Pitch Name

So-Fa Syllable

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Gayong nalaman mo na ang bawat ngalang tono ng mga puwang sa limguhit
sa F- Clef, atin namang alamin ang mga ngalang tono ng mga limguhit sa guhit.

Tingnan mo at pag-aralan ang ngalang tono ng mga guhit sa limguhit sa F-


Clef.

D F A C
re fa la do

Ang inyong nakikita sa itaas ( D-F-A-C) ay ang pitch name ng bawat limguhit.
Mas madaling tandaan ito sa ngalang Dog Food At Cage
Samantalang ang nasa ibaba nito (re – fa – la – do) ay ang ngalan sa so-fa
syllables.
Nagsisimula sa ikatlong guhit mula sa ibaba ang unang ngalang tono nito sa
limguhit, kasunod nito sa ikaapat na guhit, ikalimang guhit at sa ledger line ang
may pinakamataas na tono nito.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gawin Mo

Subukan mong iguhit ang F- Clef kasama ang mga ngalang tono ng mga
guhit sa limguhit.

Pitch Name

So-Fa Syllable

Ngayon naman ay pagsamahin natin ang mga ngalang tono ng limguhit at


puwang ng F- Clef. Masdan ang nasa ibaba.

Do Re Mi Fa So La Ti Do

C D E F G A B C

Kaya mo bang awitin ang pitch name ng F-Clef? o ang So- Fa Syllable nf F- Clef?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Awitin Natin

Maaari mong palitan ng so-fa syllables ng F-Clef ang mga pitch name na nasa
awitin gaya ng nasa ibaba.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gawin Mo

Iguhit sa loob ng limguhit ang hinihingi ng mga sumusunod na Pitch Name.

B E G D A D

B A D F E D

Iguhit sa loob ng limguhit ang hinihingi ng mga sumusunod na so-fa syllable.

do mi ti re ti so

fa la re ti fa mi

Inihanda ni: JOHN PHILIP C. FERMIN


Master Teacher I; LO Renon Memorial Elem. School

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aralin III
Ang mga Simbolong Sharp ( # ) , Flat ( ), at Natural

Natutukoy ang mga Simbolong Sharp ( # ) , Flat ( ), at Natural ( )


MU5ME-IIb-3

Halina’t Umawit

Bumuo ng limang pangkat, at sama-samang awitin ang Makabayang Awiting


“Bayan Ko” at iparinig ito sa klase.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagustuhan mo ba ang iyong inawit?


Masdan muli ang awiting “Bayan Ko”. May napansin ka bang ganitong mga
simbolo ( ) ( ) ( ) sa awitin?

Ito ang mga dapat mong malaman sa ating aralin. Unahin natin ang simbolo ng flat.

Ang simbolong flat ( ) ay nagpapababa ng kalahating tono ng isang natural na


nota.

Subukin mong awitin ang “Flat Song” sa ibaba sa tulong ng iyong guro.

Awitin Mo

Gawin Mo.
Iguhit sa limguhit ang simbolong flat

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kung may pababang tonong flat sign, ang kabaligtaran naman nito ay ang sharp
sign ( ). Ang simbolong sharp ay ginagamit upang mapataas ng kalahating tono
ang isang natural na nota.

Gawin Mo.

Iguhit sa limguhit ang simbolong sharp.

Subukin mong awitin ang awiting ang Sharp Sign sa ibaba sa tulong ng iyong
guro upang higit mong matandaan ang gamit ng simbolong ito.

Awitin Natin

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos mong matutunan ang simbolong flat at sharp, mahalagang malaman


mo rin ang simbolong natural ( ) o Natural Sign.

Kung nais mong ibalik sa orihinal na tono ang iyong kantang matapos mong
awitin ang flat o sharp, Natural Sign ang iyong dapat malaman.
Ang simbolong natural ay nagpapabalik sa normal na tono ng notang
pinababa o pinataas.

Gawin Mo.

Iguhit sa limguhit ang simbolong natural.

Subukin Mo
Masdan ang nasa ibaba. Ito ay nakahati sa apat. Ang Orihinal na tono ay nasa
tonohang so-. Sa tonohang may flat sign, ibaba mo ng kalahati ang iyong tono.
Samantalang sa tonong may sharp, ay taas mo ng kalahati ang iyong tono, at sa
tonohang may natural sign ay ibalik mo sa orihinal na tonong “so” ang iyong tono.
Subukan mong awitin ang pinagsamang mga simbolo sa tulong ng iyong guro.

Tonong Tonong Tonong


Orihinal na may
may flat may sharp
tono natural
sign sign
sign

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gayong natutunan mo ang natural sign, subukin mong awitin ang “Natural
Sign Song” upang mas madali mong matandaan ang gamit nito sa pamamagitan ng
isang awitin.

Subukin Natin

Pangkatin ang klase sa lima. Muling awitin ang awiting “Bayan Ko” at bigyang diin
ang mga lirikong may flat, sharp at natural sign. Awitin ito ng buong puso upang
higit na maunawaan ang naisa iparating na mensahe ng awitin.

Gumuhit Tayo
Iguhit ang mga hinihinging simbolo sa unahan ng mga nota.

flat sharp natural

Inihanda ni: JOHN PHILIP C. FERMIN


Master Teacher I; LO Renon Memorial Elem. School
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aralin IV
Ang Ikli at Lawak ng Tunog

Layunin: Nailalarawan ang pinakamataas at pinakamababang antas ng mga note sa


musika at nasusukat ang lawak ng tunog nito.

MU5ME-IIc-4

Sa pagsisimula ng aralin na ito, dapat mong matutunan ang Kodaly Hand


signs upang lubos mong maunawaan ang Melodic Interval. Sa tulong ng iyong guro,
pag- aralan ang nasa ibaba. Tingnan mabuti kung saang bahagi ng katawan
nakatapat ang bawat hand signs.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pag Aralan Natin

Ang Lokasyon ng So-Fa Syllables sa Iskalang C

do re mi fa so la ti do

Subukin Mo

Subukin mong gawin ang mga sumusunod na nota gamit ang Kodaly Hand Signs.

mi so re do

Matapos mo itong gawin sa Kodaly Hand sign, subukan mo naman itong


awitin.

Pag – Usapan Natin

1. Ano ang napansin niyo sa mga agwat ng nota sa mga so-fa syllable?
2. Ano naman ang napansin mo habang ginawa mo ito sa Kodaly Hand
sign?
3. Mayroon bang maikli o malaking agwat?
4. Ano ang range ng boses kung malapit ang pagitan?
5. Kapag malaki naman ang pagitan, ano ang range nito?
6. Nakaya mo bang awitin ang pinakamataas na tono?
7. Paano mo ito inawit?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pansinin Natin

Sa una at ikalawang sukat ng nota (mi at so), ang dalawang nota ay may
maikling pagitan. Ito ay inaawit lamang tatlong hakbang.
Samantalang sa ikatlo at ikaapat na sukat ng nota (re at do) ay malawak ang
pagitan. Ito ay inaawit naman ng pitong hakbang.

Gawin Natin

Awitin ang awiting “Region III”. Pansinin at pag-aralan ang pinakamataas at


pinakamababang antas ng mga nota.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pangkatang Gawain

Matapos mo itong awitin, gawitin mo ito gamit ang Kodaly Hand Signs
habang inaawit ang awitin. Bigyang diin ang tamang posisyon ng kamay sa
katawan. Pansinin ang range ng bawat nota kung ito ba ay maikli o malawak.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gawain A

Pag-aralan ang mga sumusunod na nota. Iguhit sa patlang ang kung ito ay
may malawak na range at kung ito ay maikli.

1. 2.

3. 4.

5.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gawain B

Iguhit sa limguhit ng mga hinihinging nota at isulat sa patlang kung siya ay maikli o
malawak.

1. 2.

ti mi so re

3. 4.

do so re ti

5.

ti mi

Inihanda ni:
JOHN PHILIP C. FERMIN
Master Teacher I; LO Renon Memorial E/S

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aralin V
Ang mga Pagitan ng Nota

Nakikilala ang mga pagitan ng nota ng eskalang mayor.


MU5ME-IIc-5

Maglaro Tayo

Kodaly Game
Laro: Kodaly Game
Paraan ng laro:
1. Pumili ng tigg – iisang bata sa bawat limang pangkat
2. Pahanayin ang mga bata sa harap ng klase
3. Magsasabi ang guro ng nota so-fa syllable at una unahang ipapakita ng mga bata
ang nota gamit ang Kodaly Sign.
4. Gawin ito makailang beses.
5. Maaari pang tumawag ng iba pang bata matapos maglaro ang unang grupo.
6. Ang may pinakamaraming nakuhang tama ang syang mananalo.
7. Matapos ang laro muli mong pag-aralan ang Kodaly Hand Signs upang lubos mo
itong maunawaan

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pag- Aralan Natin

Ang Iskalang C Mayor

do re mi fa so la ti do

Ano-ano ang napapansin ninyo sa iskalang C Mayor?


Mahalagang malaman ang bawat pagitan ng nota sa bawat iskala. Dito natin
nasusukat ang taas at baba ng tono.

Ang Major Scale /iskala mayor ay ang pagkakasunod-sunod ng walong tono


o nota sa mga linya at puwang ng limguhit mula sa mababang do hanggang sa
mataas na do.
Ang interval ay ang pagitan ng dalawang nota. Ito ay makikilala batay sa
kinalalagyan o posisyon nito sa staff o limguhit. Ang mga interval ay ang mga
sumusunod:
1. prime(first ) inuulit 5. fifth
2. second 6. sixth
3. third 7. seventh
4. fourth 8. Octave o Oktaba

Ang Mga Interval

1. Ito ang “Prime” o inuulit. Ito ay notang may magkamukhang posisyon.

mi mi

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2. Ito ang “Second Interval”. Ito ay may dalawang hakbang mula sa una hanggang
ikalawang nota.

2nd

1st

mi fa

3. Ito ang “Third Interval”. Ito ay may tatlong hakbang mula sa unang hanggang
ikatlong nota.

3rd

1st

mi so

4. Ito ang “Fourth Interval”. Ito ay may apat na hakbang mula sa unang hanggang
ikaapat na nota.

4th

1st

mi la

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

5. Ito ang “Fifth Interval”. Ito ay may limang hakbang mula sa unang hanggang
ikalimang nota.

5th

1st

mi ti

6. Ito ang “Sixth Interval”. Ito ay may anim na hakbang mula sa unang hanggang
ikaanim na nota.

6th

1st

re ti

7. Ito ang “Seventh Interval”. Ito ay may pitong hakbang mula sa unang hanggang
ikapitong nota.

7th

1st

re do

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

8. Ito ang “Octave o Oktaba”. Ito ay may walong hakbang mula sa unang hanggang
ikawalong nota.

8th

1st

re re

Subukin Natin

Subukin mong awitin ang bawat interval na ibinigay sa itaas.


Ano ang napansin mo?
Mahirap ba o madali itong awitin?

Umawit Tayo

a. Sa pamamagitan ng awiting “Kumusta” ipatukoy sa mga bata ang


mga nota na may pinakamataas at pinakamababa tono.

b. Muli itong ipaawit sa mga bata at pag-usapan ang bawat pagitan ng mga
nota nito.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tandaan

Ang bawat tono o nota ay sunod-sunod na umaakyat o tumataas at


bumababa na may nakatakdang pagitan ng mga hakbang.

Pangkatang Gawain

1. Muling awitin ang “Kumusta Ka” at sabayan ito ng kilos o galaw.


2. Magpangkat ng apat. Gawin ang mga sumusunod gamit ang manila paper.
Pangkat 1 - Gumawa ng eskalang prime, octave
Pangkat II - Gumawa ng eskalang second, sixth interval
Pangkat III- Gumawa ng eskalang third, fourth interval
Pangkat IV - Gumawa ng eskalang , fifth interval, seventh interval

Gawin Natin

Gawain A-
Isulat ang Prime, Second Interval, Third Interval, Fourth Interval, Fifth
Interval, Sixth Interval, Seventh Interval at Octave sa patlang.

1. 2. 3.

4. 5.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gawain B –

Lagyan ng angkop na nota ang bawat limguhit at sundan ang pagitang nakasulat sa
bawat isa.

4 th 7 th 6 th

5 th 9 th 3 rd

7 th 8 th 6 th

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gawain C
Isulat ang bilang ng interval ng mga sumusunod na tunog sa patlang.

1. ___________________________

2. __________________________

3. _________________________

4. _________________________

5. _________________________

Inihanda ni:
JOHN PHILIP C. FERMIN
Master Teacher I; LO Renon Memorial E/S

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CONTENTS

Aralin Pamagat Pahina

1. Aralin 6 – Interval 1–5

2. Aralin 7 – Melodic Contour 6–8

3. Aralin 8 – Range 9 - 12

4. Aralin 9 – Pentatonic, C Major, at G Major Scale 13 - 18

5. Aralin 10 – Creating Simple Melodies 19 - 21

6. Aralin 11 – Performing Music Composition 22 - 24

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

identifies successive sounding of two pitches / MU5ME-IId-6

MELODY
Aralin 6
INTERVAL

Layunin Natutukoy ang pagitang tono ng magkasunod na dalawang


pitches mula sa isang musical score at pakikinig ng himig.
Panimula
Ang interval ay ang pagitang tono ng dalawang pitches. Maaaring
prime, second, third, fourth, fifth, sixth, seventh, at octave ang pagitan ng dalawang
tono. Sa pagtukoy ng pagitan, bilangin mula sa unang note ang itinaas o ibinabang
tono hanggang sa ikalawang note.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
identifies successive sounding of two pitches / MU5ME-IId-6

Ipaawit ang C Major Scale at ang isang halimbawa ng melodiya gamit ang
Kodaly Hand Signs

Suriin ang awitin.

1. Ano-ano ang mga pagitang tono ang nakapaloob sa 1st system ng awit?
Tukuyin ang interval ng magkakasunod na tono. Isagawa din ito sa 2nd, 3rd, at
4th system ng score ng awit.
2. Sabihin ang liriko ng awit na may prime, second, third at fourth interval sa 1st,
2nd, 3rd, at 4th system.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
identifies successive sounding of two pitches / MU5ME-IId-6

Gawin Natin

A. Tukuyin ang interval (pagitang tono) ng magkasunod na dalawang pitches.

1. 5.

2. 6.

3. 7.

4. 8.

B. Pangkatang Gawain
Gamit ang “Floor Staff”, ang unang pangkat ay gagawa ng melodiya
(two pitches) at tutukuyin naman ng ikalawang pangkat kung ano ang
interval ng magkasunod na dalawang pitches. Gawin din ito ng ikatlo at ika-
apat na pangkat.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
identifies successive sounding of two pitches / MU5ME-IId-6

C. Pakinggan ang himig/melodiyang aawitin ng guro gamit ang so-fa syllables


kasabay ng Kodaly hand signs. Tukuyin ang pagitang tono ng magkasunod
na dalawang pitches. Isulat ang sagot sa papel.

mi fa la re

1. 3.

do mi ti sol
2. 4.

Subukan

A. Tukuyin ang mga pagitang tono ng magkasunod na pitches sa 1st , 2nd, at 3rd
sytem ng awit. Ano-ano ang liriko ng awit na mayroong prime, second, third,
at fourth interval?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
identifies successive sounding of two pitches / MU5ME-IId-6

B. Pagtukoy sa interval ng himig na maririnig na ginamitan ng Kodaly hand


signs. Isulat sa papel ang inyong sagot.

re re

1.

sol do

2.

mi ti

3.

do la

4.

re do

5.

Inihanda ni:

Jose O. Barcelo
MT II - CTES

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
identifies the beginning melodic contour of a musical example/MU5ME-IId-7

MELODY
Aralin 7
MELODIC CONTOUR

Layunin Natutukoy ang panimulang hugis o galaw (melodic contour) ng isang


awitin o musika.

Panimula
Ang melodic contour ay ang hugis ng melodic line ng isang awitin o
musika. Maaari din itong tawaging galaw (melodic movement). Ang mga halimbawa
ng melodic contour ay rising, rising flat, rising falling, flat rising, flat, flat falling,
falling rising, falling flat, falling.

Gawin Natin

A. Pakinggan ang awitin “Limguhit”

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
identifies the beginning melodic contour of a musical example/MU5ME-IId-7

1. Tukuyin ang panimulang melodic contour ng awit na inyong narinig mula sa


awiting “Limguhit”.
2. Bumuo ng apat na pangkat. Pakinggan ng bawat pangkat ang awitin na
tukuyin ang panimulang melodic contour. Pagkatapos ng pagtukoy sa
melodic contour ay gawin naman ang hugis ng unang melodic line ng awit.
Gumamit ng papel na ginupit mula sa magazine at idikit sa cartolina.

Unang Pangkat – Pamulinawen


Pangalawang Pangkat - Ako Ay Nagtanim
Pangatlong Pangkat - Martsa ng Rehiyon III
Pang-apat na Pangkat - DepEd Region III March

Narito ang halimbawa:

Ba - hay ku - bo

3. Ipaskil sa pisara ang ginawa ng mga mag-aaral. Tukuyin ng pangalawang


pangkat ang mga melodic contour na ginawa ng unang pangkat, samantalang
tukuyin naman ng pang-apat na pangkat ang ginawa ng pangatlong pangkat.
Gawin din ng una at pangatlong pangkat ang pagtukoy sa panimulang
melodic contour ng awitin.

B. Tukuyin ang panimulang melodic contour ng awit. Iparirinig ng guro ang


awit na “Mga Nota sa Linya at Puwang”.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
identifies the beginning melodic contour of a musical example/MU5ME-IId-7

Subukan

Pakinggan ang mga sumusunod himig mula sa mga awiting”Pilipinas Kong


Mahal-Francisco Santiago”, at Tagalog Folk songs gaya ng “Maligayang Araw”,
Sitsiritsit”, “Santa Clara”, at “Mga Alaga Kong Hayop”. Tukuyin ang panimulang
melodic contour nito. Aawit ang guro habang sinasabayan ng paggalaw ng kamay
ayon sa daloy ng musika (pagtaas at pagbaba ng tono).

1.

2.

3.

4.

5.

Inihanda ni:

Jose O. Barcelo
MT II - CTES

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
determines the range of a musical example / MU5ME-IIe-8
MELODY
Aralin 8
RANGE

Layunin Natutukoy ang pagitan mula sa pinakamababa hanggang sa


pinakamataas na tono ng isang musika.
Nasusukat ang range ng mga liriko ng awitin o musika.

Panimula Ang range ay ang pagitan mula sa pinakamababa hanggang


pinakamataas na tonong maaawit o matutugtog. Mayroong makitid at malawak na
range. Ang narrow range ay binubuo lamang ng kaunting tonong pagitan mula sa
pinakamababa hanggang pinakamataas na tono samantalang ang wide range ay
sumasakop ng maraming tonong pagitan.

Gawain 1

Awitin ang mga notes (so-fa syllables) na ipinakikita ng guro gamit ang
Kodaly hand signals.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
determines the range of a musical example / MU5ME-IIe-8

Suriin ang awitin.

1. Tukuyin ang narrow range at wide range sa awitin. Bilugan ang mga ito.
2. Ilang pagitang tono mula pinakamababa hanggang pinakamataas na tono ang
nasa lirikong “Magtrabaho, magtrabaho”? Ano ang range nito?
3. Sa linyang “Kung ikaw ay mayrong pangarap”, ilang pagitang tono ang
nakapaloob at tukuyin ang range.
4. Tukuyin naman ang range ng lirikong “kabuhayan”, at “ nais mong umahon.

Gawin Natin

A. Pag-aralan ang awiting “Tayo’y Magbilang”.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
determines the range of a musical example / MU5ME-IIe-8

1. Tukuyin ang range ng mga sumusunod na liriko at linya ng awitin.


a. anim, pito, walo, siyam __________________________
b. halina’t bilangin __________________________
c. tayo’y magbilang, magbilang __________________________
d. isa, dalawa, tatlo __________________________
2. Gumawa ng apat na pangkat. Bawat pangkat ay gagawa ng contour mula sa
awiting “Bayan Ko” ni Constantino De Duzman at “Pilipinas Kong Mahal” ni
Francisco Santiago, gamit ang krayola at Manila paper upang matukoy ang
range (pagitan mula pinakamababa hanggang pinakamataas na tono) at sukat
ng lawak ng liriko ng awitin.

Narito ang halimbawa:

narrow range

a. Unang Pangkat

Pangalawang Pangkat

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
determines the range of a musical example / MU5ME-IIe-8

b. Pangatlong Pangkat

c. Pang-apat na Pangkat

Subukan.

Tukuyin kung narrow range o wide range ang mga liriko at linya mula sa
awiting “Kalayaan” ni Jose O. Barcelo. Sukatin ang pagitan mula sa pinakamababa
hanggang sa pinakamataas na tono ng bawat parirala ng awitin.

1. __________________________

2. __________________________

3. ____________________________

4. ____________________________

5. ____________________________

Inihanda ni:

Jose O. Barcelo
MT II - CTES

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
reads / sings notes in different scales - Pentatonic scale, C Major scale, G Major
scale/ MU5ME-IIf-9

MELODY

Aralin 9

PENTATONIC, C MAJOR, at G MAJOR SCALE

Layunin Nababasa/ naaawit ang mga notes sa pentatonic, C major, at G


major scale

Panimula Ang scale ay maaaring pataas o pababa. Binubuo ng 5 nota (do, re mi,
sol la) ang Pentatonic scale. Ang C major scale ay ang pagkakasunod-sunod ng tono ng
mga nota na maaring pataas o pababa at ang home tone nito ay do. Nasa tunugang so
naman ang G major scale.

Gawain 1

1. Isagawa ang “Human Piano” ng walong piling mag-aaral kung saan ito ay
gagamitin sa pagsasanay ng pag-awit ng mga so-fa syllables gaya ng mga
sumusunod na notes sa bawat kahon. Sundan ng Human Piano ang mga
notes sa kahon sa pagbi-bend pababa ng katawan habang ang ibang mag-
aaral ay inaawit ang so-fa syllables.

Human Piano

do re mi fa so la ti do

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
reads / sings notes in different scales - Pentatonic scale, C Major scale, G Major
scale/ MU5ME-IIf-9

do re mi fa so la ti do

do re mi so la so so do

do so la ti do re mi fa

Gawin Natin
(Unang araw)

Pakinggan at suriin.

1. Sa anong scale ibinase at nahahawig ang awitin?


2. Ano-anong nota ang ginamit sa awitin?
3. Awitin ang mga nota sa musical score ng awiting “Pangarap Matutupad”
habang ginagabayan ng guro.
4. Awitin ang Pentatonic scale.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
reads / sings notes in different scales - Pentatonic scale, C Major scale, G Major
scale/ MU5ME-IIf-9

Gawin Natin
(Pangalawang araw)

Awitin ang “Iskala”. Gamitin ang pamamaraang echo singing. Unang aawit
ang guro at gagayahin ng mga mag-aaral ang narinig na himig.

1. Sabihin ang kahawig na tono ng awiting “Iskala”.


2. Ano-anong nota ang ginamit sa awitin?
3. Ano ang tunugan at home tone ng awitin?
4. Basahin ang mga nota ng “Iskala” sa paraang pag-awit ng mga notang
nasa musical score nito.
5. Gumawa ng apat na pangkat. Kunin sa guro ang mga musical instruments
na gagamitin.
a. Unang Pangkat – awitin ang C Major Scale (pataas at pababa) sa
paraang Kodaly hand signs.

b. Pangalawang Pangkat - awitin ang ascending at descending C Major


Scale habang tinutugtog ang bawat nota gamit ang xylophone.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
reads / sings notes in different scales - Pentatonic scale, C Major scale, G Major
scale/ MU5ME-IIf-9

c. Pangatlong Pangkat - gawin ang ascending at descending scale ng C


Major. Awitin ito gamit ng Human Piano

do re mi fa so la ti do

d. Pang-apat na Pangkat - habang inaawit ang ascending at descending scale


ng C Major ay sabayan ng pagtugtog gamit ang Rhythm Bottle.

do re mi fa so la ti do

Gawin Natin
(Pangatlong araw)

Suriin ang piyesa ng awit.

1. Sabihin kung anong sagisag kromatiko ang nasa unahang bahagi ng


piyesa ng awit. Saang linya ng limguhit ito nakalagay?
2. Ano ang tunugan (key) at lundayang tono (home tone) ng awitin?
3. Saang bahagi ng limguhit nakalagay ang home tone ng G Major?
4. Awitin ang so-fa syllables ng awit na “Habang May Buhay May Pag-asa.
5. Awitin ang ascending at descending scale ng G Major. Gabayan ng guro ang
pag-awit ng mga mag-aaral.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
reads / sings notes in different scales - Pentatonic scale, C Major scale, G Major
scale/ MU5ME-IIf-9

6. Bumuo ng dalawang pangkat para sa pangkatang gawain. Awitin ang “Ili-


Ili, Tulog Anay”.

a. Awitin ng unang pangkat ang himig ng Ili-Ili, Tulog Anay sa paraang


humming (gabayan ng guro). Isunod na awitin ang liriko nito at sa huli ay
awitin ang so-fa syllables.

b. Basahin ang mga nota ng Ili-Ili, Tulog Anay sa paraang pagtugtog


sa xylophone (gabayan ng guro). Ulitin ang pagtugtog at sabayan ng pag-
awit ng liriko ng ibang miyembro ng pangkat. Awitin din ang so-fa
syllables nito.

Subukan
(Pang-apat na araw)

A. Basahin at awitin sa tamang tono ang bawat nota sa magkakaibang scale.


Tukuyin kung ito ay Pentatonic, C Major, at G Major scale.

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
reads / sings notes in different scales - Pentatonic scale, C Major scale, G Major
scale/ MU5ME-IIf-9

A. Gawin ang larong “Sasabihin Ko, Aawitin Mo”. Guro ang magsasabi ng
scale, aawitin naman ng mga mag-aaral.

Inihanda ni:

Jose O. Barcelo
MT II - CTES

creates simple melodies / MU5ME-IIg-10


____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MELODY

Aralin 10

CREATING SIMPLE MELODIES

Layunin Nakagagawa ng simpleng melodiya gamit ang iba-ibang uri ng nota.

Panimula Ang melody ay mga tunog na nakaayos ng horizontal. Sa pagbuo ng


simple melody, maaari mong gamitin ang iba-ibang uri ng nota. Mahalaga na pumili
ng nais na Time Signature, Key Signature at Scale upang maging maayos ang paggawa
ng simpleng melodiya. Ang paglalapat ng liriko ay makatutulong sa lalong
ikakaganda ng nilikhang melodiya.

creates simple melodies / MU5ME-IIg-10

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagsasanay

1. Awitin ang mga nota sa Limguhit.

2. Ibigay ang halaga ng bawat nota.

Suriin ang halimbawa ng melodiya.

1. Ano ang time signature ng melodiya?


2. Ilang kumpas sa bawat sukat ayon sa time signature na ginamit?
3. Ibigay ang key signature at home tone ng melodiya.
4. Ano-anong uri ng nota ang ginamit upang mabuo ang melodiya? Ibigay
ang halaga ng bawat nota.

creates simple melodies / MU5ME-IIg-10


____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Halimbawa ng melodiyang nilapatan ng liriko.

Gawin Natin

A. Lumikha ng simple melody. Kumpletuhin ang bawat sukat gamit ang iba-
ibang uri ng nota upang mabuo ang melodiya. Subukan lapatan ng liriko
ang nabuong melodiya

B. Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay lilikha ng simple melody.


Punan ng mga nota ang bawat sukat ayon sa time signature nito. Gawin ito
sa Manila paper. Iuulat sa klase ang natapos na gawain.
Unang Pangkat

Pangalawang Pangkat

Pangatlong Pangkat

Subukan

Lapatan ng liriko ang nilikhang simple melody ng bawat pangkat. Mag-isip ng


mga bagay sa kapaligiran na magiging paksa ng ilalapat na liriko ng nabuong
simpleng melodiya.

Inihanda ni:

Jose O. Barcelo
MT II - CTES
performs his/her own created melody / MU5ME-IIh-11
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MELODY

Aralin 11

PERFORMING MUSIC COMPOSITION

Layunin Naitatanghal nang maayos ang nilikhang melodiya.

Panimula Isang makabuluhang gawain ang maitanghal ang sariling likha.


Nakadaragdag ito ng tiwala sa sarili. Pinayayaman din nito ang kaisipan at
kakahayanang makabuo ng mga orihinal na musika. Sa pagtatanghal, mahalaga
na ito ay maisagawa nang maayos at makasunod sa itinakdang pamantayan.

Gawain 1
1. Pagsasanay

Isagawa ang simpleng vocalization.


Sundan ang do-mi–so–do–so-mi–do pattern. Unti-unting itataas ng guro ang
pitch hanggang sa pinakamataas na range na maaabot ng tinig ng mag-aaral at
dahan-dahang ibababa hanggang sa pinakamababang range na maaabot. Ito ay
isinasagawa upang lumuwag ang vocal chord at maging madali ang pag-awit.

2. Panoorin ang video clip ng isang pagtatanghal.

www.youtube.com/watch?v=AZTZRtRFkvk

1. Maayos ba ang pagtatanghal ng mga mang-aawit na inyong pinanood?


2. Sa inyong palagay, paano nila nagawang maganda at kaaya-aya ang
kanilang pagtatanghal?
3. Dapat ba na ito ang inyong tularan? Bakit?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
performs his/her own created melody / MU5ME-IIh-11

Gawain 2

Pagtatanghal ng bawat pangkat ng sariling likhang melodiya. Awitin ang so-


fa syllables at pagkatapos ay ang lirikong inilapat sa melodiya.

Unang Pangkat

Pangalawang Pangkat

Pangatlong Pangkat

Gawain 3

Suriin ang sarili kung paano nakasunod sa pamantayan ng pagtatanghal.


Lagyan ng tsek () ang antas ng pagtatanghal na iyong nagawa.

(Kulang ng Husay) (Mahusay) (Lalong Mahusay) (Pinakamahusay)


Pamantayan
1 puntos 2 puntos 3 puntos 4 na puntos
Naawit nang Naawit nang Naawit nang Naawit nang
malakas ang malakas ang malakas ang malakas at wasto
melodiya ngunit melodiya ngunit melodiya ngunit ang tono ng mga
may 4 at higit pang may 2-3 na wala sa may isang nota na nota sa nilikhang
Tunog
nota na wala sa tono. wala sa tono. melodiya.
tono.
_______ _______ _______ _______

Naawit ang Naawit ang Naawit ang Naawit nang


nilikhang melodiya nilikhang melodiya nilikhang kumpleto mula sa
mula sa simula mula sa simula melodiya mula sa simula hanggang
ngunit kulang ng 4 ngunit kulang ng 2- simula ngunit sa katapusan ang
Kabuuan ng
at higit pang mga 3 mga tono/nota. kulang ng isang nilikhang
Melodiya
tono/nota. tono/nota. melodiya.
_______ _______ _______ _______

Nakaawit ang Nakaawit ang Nakaawit ang Nakaawit ang


pangkat nang pangkat nang pangkat nang pangkat nang
sabay-sabay sa sabay-sabay sa sabay-sabay sa sabay-sabay mula
simula ngunit may simula ngunit may simula ngunit may simula hanggang
4 at higit pang 2-3 bahagi na hindi isang bahagi na sa katapusan ng
Pagkakaisa at
bahagi na hindi nagkasabay-sabay hindi nagkasabay- nilikhang
Disiplina
nagkasabay-sabay sa pag-awit. sabay sa pag-awit. melodiya.
sa pag-awit.

_______ _______ _______ _______

Inihanda ni:

JOSE O. BARCELO
MT II - CTES

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

You might also like