You are on page 1of 23

4

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Araling Panlipunan – Ikaapat na
Baitang Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay Isang
Bansa Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng
Edukasyon Kalihim: Leonor
Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Heide F. Carlos
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – National Capital Region

Office Address:

Telefax:
E-mail Address:
4

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pilipinas ay Isang Bansa !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang

iii
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay naglalayon na ikaw
ay matulungang maging mahusay sa mag-aaral tungkol sa ating bansa. Ang
modyul na ito ay gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagkatuto. Filipino ang
wikang ginamit sa modyul na ito upang lubos mong maunawaan ang mga paksang
tatalakayin .

Ang mga aralin ay isinaayos alinsunod sa itinakdang batayan kasanayan sa


pagkatuto na itinuturing na pinakamahalaga sa “new normal” na kalagayan sa
kasalukuyan. Isinaalang-alang pa rin ang mga mithiin at layunin ng Kurikulum ng
K to 12 .

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:

1. Pilipinas bilang isang bansa


2. Mga Elemento ng Pagkabansa

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto ng


bansa.

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang apat na elemeto ng pagkabansa;
2. Nailalarawan ang Pilipinas batay sa apat na elemento ng pagkabansa;
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng bansa;
4. Natatalakay ang pagkakaiba ng bansa sa estado; at
5. Napahahalagahan ang bansa.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa papel.

1. Ano ang tumutukoy sa lugar o komunidad na may naninirahang mga grupo


ng tao, may tiyak na teritoryo, may kalayaan o soberanya at matatatag na
pamahalaang namumuno dito?
A. bansa
B. lalawigan
C. lungsod
D. teritoryo

2. Ano ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang


himapapawid at kalawakan sa itaas na nasasakupan nito?
A. bansa
B. lalawigan
C. lungsod
D. teritoryo

3. Ilan ang anyo ng soberanya?


A. apat
B. dalawa
C. isa
D. tatlo

4. Aling katangian ng soberanya ang tumutukoy sa kapangyarihan ng estado


na hindi maaaring alisin ng sinuman habang may mga mamamayan na
naninirahan sa sariling teritoryo nito at mayroon itong sariling pamahalaan?
A. pansarili
B. walang hanggan
C. malawak ang saklaw
D. palagian o permanente

5. Paano nakakamit ng isang bansa ang pagiging isang estado?


A. nakikipagkalakan ito sa ibang bansa.
B. mayroon itong matatag na sandatahang lakas
C. ito ay kinikilala ng ibang bansa bilang estado
D. mayroong pagkakaisa ang mga mamamayan nito.

2
Aralin

1 Ang Pilipinas ay Isang Bansa

Ang Pilipinas ay bahagi ng mundo at matatagpuan ito sa Timog-silangang


Asya. Dito tayo naninirahan at namumuhay. Ito ang ating teritoryo at nagtatamasa
rin tayo ng kalayaan. Mayroon ding pamahalaan ang ating bansa. Ang ating
pamahalaan ay naglulunsad ng mga programa at proyekto upang makapagbigay ng
mga serbisyong kailangan natin. Naalala mo pa ba ang iba’t- ibang mga programa
at proyektong inilulunsad ng ating pamahalaan? Mahalaga ba na tayo ay makiisa
at makisali sa mga ito? Bakit?

Balikan

Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang mga
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.

a. malusog b. sumuporta c. makapag-aral d. batas e. disiplina

1. Kapag tayo ay mas madali nating matutupad ang ating


mga tungkulin.

2. Mahalagang tayo at malinang natin ang ating mga talino.

3. Ang taong may sa sarili ay kusang gumagawa nang mabuti


at tumutupad sa tungkulin nang hindi na kailangang pagsabihan pa.

4. Dapat tayong lumahok at sa mga proyektong inilulunsad ng


ating pamahalaan.

5. Ang kawalan ng paggalang sa ay nagdudulot ng


kaguluhan.

3
Mga Tala para sa Guro

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at


maunawaan ng mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan
sa pagkatututo . Binigyang pansin din sa mga Gawain ang
paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(Communication); pagtutulungan (Collaboration);
malikhain(Creativity); mapanuring pag-iisip (Critical Thinking);
at pagbuo ng pagkatao (Character Building). Makikita rin ang
aralin na ito online.

Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:


1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng
mga mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-
aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/
guardian upang matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral
ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na
instrukyon sa pagkatuto.

4
Tuklasin

Ang watawat ng Pilipinas, simbolo ng bansa

Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Ito ay idinisenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay


tinahi sa loob ng limang araw sa Hongkong nina Marcela Agoncillo, Lorenza
Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad.
Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni
Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.

Tingnan ang watawat ng ating bansa sa kanan


at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Ano-ano ang tatlong pangunahing kulay ng


ating watawat?
Ano ang sinasagisag ng bawat kulay?
Ano-ano naman ang mga simbolo makikita rito?
Ano ang sinasagisag ng bawat simbolo? https://www.graphicmaps.com/philippines/flag

Ang watawat ng Pilipinas ay isang simbolo ng ating bansa. Ano-ano ang mga salita
ang naiisip mo na may kaugnayan sa salitang bansa? Kopyahin sa hiwalay na papel
ang Cloud Chart at sagutan ito.

BANSA

5
Suriin

Tayo ay mga mamamayan ng isang bansa. Ang bansang ito ay tinatawag na


Pilipinas. Tulad ng Estados Unidos, Greece, Japan, at Brunei, ang Pilipinas ay
bansa rin.

Ang mga bansa sa mundo ay napapangkat ayon sa kontinente. May pitong


kontinente sa daigdig: Asia, Africa, Europe, North America, South America,
Australia, at Antartica. Ang Pilipinas ay nasa Asia, ang pinakamalaking kontinente
sa lahat.

https://www.pinterest.ph/

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na


elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o
soberanya.

6
APAT NA ELEMENTO NG PAGKABANSA

TAO o TERITORYO PAMAHALAAN SOBERANYA


MGA MAMAMAYAN o GANAP NA
KALAYAAN

Ang pinaka- Ang teritoryo ay Ang pamahalaan Ang soberanya o


mahalagang elemento tumutukoy sa ay isang samahan ganap na
ng isang bansa ay ang lawak ng lupain at o organisasyong kalayaan ay
mga tao o mamamayan katubigan kasama politikal na tumutukoy sa
nito. Sila ang na ang itinataguyod ng kapangyarihan
naninirahan sa loob ng himpapawid at mga grupo ng tao ng pamahalaang
isang teritoryo na kalawakan sa na naglalayong mamahala sa
bumubuo ng itaas nito. Ito rin magtatag ng kaniyang
populasyon ng bansa. ang tinitirhan ng kaayusan at nasasakupan.
Maaaring nagkaka-iba tao at magpanatili ng Tumutukoy rin
ang bilang ng mga pinamumunuan sibilisadong ito sa kalayaang
mamamayan sa bawat ng pamahalaan. lipunan. magpatupad ng
bansa. May pagkakaiba mga programa
Maaari ding ang ang sukat ng mga nang hindi
mga mamamayan ng lupang sakop at pinakikialaman
isang bansa ay teritoryo ng iba’t- ng ibang bansa.
pinaghalong mga ibang bansa.
katutubo at
dayuhan.Tinatayang
ang pinakamaliit na
bansa sa mundo ayon
sa bilang ng mga
mamamayan ay ang
Vatican sa Roma.
Samantalang ang
Tsina naman ang may
pinaka- malaking
bilang ng mga
mamamayan sa
mundo. Samantala,
tinatayang nasa
109,439,758 ang
bilang ng mga
mamamayang nakatira
sa Pilipinas sa
kasalukuyang taon,
2020,
https://www.worldomet
ers.info/world-
population/philippines-
population/.

7
Dalawang anyo ng soberanya – panloob at panlabas. Ang panloob na soberanya
ay ang pangangalaga ng sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay ang pagkilala
ng ibang bansa sa kalayaang ito.

Mga Katangian ng Soberanya


Itinuturing na isang estado ang Pilipinas dahil sa pagkakaroon nito ng soberanya.
Ang sumusunod ay mga katangian ng kapangyarihan ng soberanya:
1. Palagian o permanente
Ang kapangyarihan ng estado ay palagian o permanente at hindi
maaaring alisin ng sinuman habang may mga mamamayan na
naninirahan sa sariling teritoryo nito at mayroon itong sariling
pamahalaan.

2. Pansarili
Ang kapangyarihan ng estado ay pansarili lamang. Ito ay para sa mga
mamamayan at sa teritoryong nasasakop nito. Hindi ito maaaring
masaklaw ng ibang estado.

3. Malawak ang saklaw


Ang saklaw ng estado ay ang buong teritoryo nito.Sakop din nito ang
lahat ng mga mamamayang naninirahan dito kasama na ang
kanilang magiging anak. Bawat mamamayan, bata man o matanda at
anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, ay may mga karapatan at
tungkulin sa estadong kanyang kinabibilangan.

4. Di-naisasalin at lubos
Ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaaring isalin o ibigay
kaninuman. Walang ibang estado o tao ang makapipigil sa
kapangyarihan nito. Ang isang estado ay maaaring makipag-ugnayan
o makipagkalakalan sa ibang bansa o estado, ngunit ang
pagkamakapangyarihan nito ay hindi maibibigay o maisasalin sa iba.

5. Walang hanggan
Ang bisa ng kapangyarihan ng isang estado ay walang hanggan.
Mananatili ang bisa nito ngayon at hanggang sa mga darating na
panahon.

8
Ang kaibahan ng Bansa sa Estado
Hindi lahat ng bansa ay kinikilala bilang estado. Maaaring ang isang pangkat
ng mga tao o mamamayan ay may sariling teritoryo o lupang sakop at pamahalaan
ngunit hindi ito maituturing na isang estado kung wala itong soberanya.

Ang Pilipinas ay maituturing na isang estado. Kinikilala at iginagalang ng ibang


mga bansa ang soberanya nito. Patunay nito ang pagiging kasapi ng ating bansa sa
mga organisasyong kinikilala sa buong mundo tulad ng United Nations (UN),
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Asia Pacific Economic Cooperation
(APEC), at iba pa.

Mga bandila ng mga kasapi sa United Nations

https://www.epsu.org/article/more-300-civil-society-organizations-73-countries-urge-real-reform-
united- nations

9
Pagyamanin

Gawain 1: Blockbuster Game- Alam Ko!


(Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Buuin ang “blockbuster” sa pamamagitan ng pagtukoy ng inilalarawan sa
bawat pahayag.

1. Ito ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may


magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o
pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

2. Tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at


kalawakan sa itaas nito.

3. Isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng


tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan.

4. Tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo


ng populasyon ng bansa.

5. Ito ay ang kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang


nasasakupan

10
Gawain 2- Mga Bansa, Kilala Ko!
(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang tinutukoy ay bansa at ekis (X)

kung hindi. Ilagay ang sagot sa puwang bago ang bilang.

1. Malaysia 6. Ilocos Norte

2. Palawan 7. Jakarta
3. Tokyo 8. China
4. New York 9. Hawaii
5. South Korea 10. Australia

Gawain 3- Pagpapaliwanag, Kaya Ko!


(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa iyong palagay alin sa mga elemento ng pagkabansa ang


pinakamahalaga? Bakit

2. Alin sa mga elemento ng pagkabansa ang hindi maaring magbago?


Bakit?

3. Paano mo masasabi na ang Pilipinas ay isang bansa at isang estado?

11
Isaisip

 Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na


may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang
iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

 Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na


elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan
o soberanya.

 Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may
sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na kalayaan.

Isagawa

Gawain 4 – Pagguhit Magagawa Ko! .


(Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)

Panuto: Gumuhit ng katulad na Flower Chart at isulat sa loob ng bawat talulot


ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa.
Ipaliwanag ang bawat isa.

Mga
elemento ng
pagkabansa

12
Gawain 5- Mabuting Mamamayan Ako!
(Pagbuo ng Pagkatao, Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Bilang isang mamamayan ng bansa paano mo naipakikita ang pagmamahal


dito? Sagutin ang mga sumusunod na tanong nang buong katapatan.

1. Ako ay isang mabuting mamamayan ng Pilipinas sapagkat

2. Ipinagmamalaki ko ang aking bansa dahil

3. Ipinapakita ko ang pagmamahal sa aking bansa sa pamamagitan ng

4. Makatutulong ako sa aking bansa ngayong panahon ng pandemic


na COVID 19 sa pamamagitan ng

13
Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot patlang bago ang bawat bilang.

1. Pahayag na naglalarawan ng isang bansa.


A. Ang isang bansa ay lupaing sakop ng mga dayuhan.
B. Ang isang bansa ay tirahan ng mga iba-iba ang wika at kultura.
C. Ang isang bansa ay binubuo ng tatlong elemento lamang.
D. Ang isang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng
tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya
makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

2. Tumutukoy sa isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga


grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan
A. pamahalaan B. mamamayan C. soberanya D. teritoryo

3. Katangian ng soberanya na tumutukoy sa kapangyarihan ng estado para sa mga


mamamayan nito, teritoryong sakop nito, at hindi ito maaaring masaklaw ng
ibang estado.
A. palagian o permanente C. malawak ang saklaw
B. pansarili D. di-naisasalin at lubos

4. Dahilan kung bakit hindi maituturing na bansa ang isang lugar?


A. kapag ito ay pinamamahalaan ng ibang bansa
B. kapag ito ay nakikipagkalakan sa ibang bansa
C. kapag ito ay may mga mamamayang naninirahan
D. kapag ito ay may teritoryo

5. Patunay na ang Pilipinas ay itinuturing na isang estado.


A. pagiging sagana sa likas na yaman ng ating bansa
B. pakikiisa ng ating bansa sa mga usaping pangkapayapaan
C. pagiging kasapi ng ating bansa sa mga organisasyong kinikilala sa buong
mundo
D. pagsusulong ng ating bansa ng mga programang nagpapahalaga sa
kultura

14
Karagdagang Gawain

Gawain 6- Pilipinas ang Bansa Ko!


(Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan)

Panuto: Taglay ng Pilipinas ang mga elemento ng pagkabansa. Ilarawan ang


Pilipinas bilang isang bansa at estado sa pamamagitan ng pagpuno sa talaan.
Maaring hingin ang tulong ng magulang o nakatatanda kasama sa tahanan sa
pagasagot.

Ang Pilipinas Bilang Isang Bansa

TAO TERITORYO PAMAHALAAN SOBERANYA


Populasyon o Lawak /Sukat ng Uri ng Pamahalaan Anyo ng Soberanya
Bilang ng mga Tao Teritoryo

Tawag sa Lokasyon Pinakamataas na


Mamamayan Pinuno

15
Sanggunian
Mga Aklat

Antonio, E. et al. Kayamanan 3, Edisyon Rex Book Store, Inc. 2015.

Antonio, E. et al. Kayamanan 4, Edisyon Rex Book Store, Inc. 2017.

Milambiling R. Doon Po sa Amin... Bansang Pilipinas 4, Edisyong K to 12


Cebu City, IEMI Innovative Education Materials Inc., 2014.

Mga Sangguniang Elektroniko

https://www.epsu.org/article/more-300-civil-society-organizations-
73- countries-urge-real-reform-united-nations

https://www.graphicmaps.com/philippines/flag

https://www.pinterest.ph/

https://www.worldometers.info/world-population/philippines-population/

16

You might also like