You are on page 1of 3

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ang mga ponema ay isang instrumento ng sulat na nagtataglay ng likas na katangiang prosodic
o suprasegmental. Ito’y inilalarawan bilang suprasegmental dahil sa haba o diin nito at ang
kanyang hinto o antala.
Bukod rito, ang ponemang suprasegmental ay naglalarwan rin sa makahulugang yunit ng
tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng
notasyong phonemic upang malaman kung ano ang pagbigkas.
Maliban sa tono, mahalaga rin ang haba at diin. Ang haba ng bigkas na ginagamit ng
nagsasalitig sa patinig ng pantig na salita, Samantala, ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita.
Ang antala naman ang saglit na pantigil o “pause” sa Ingles. Ito’y nagbibigay linaw sa mga
salita o mensahe ibig ipahiwatig. Sa pasulat na pakikipagtalastasan ito ay inihuhudyat ng kama,
tuldok, swmi-kolon, at kolon.
PONEMANG SUPRASEGMENTA NG DIIN.
 PAso – paSO
 tuBO – TUbo
 BUhay – buHAY
 HApon – haPON
 taSA – TAsa

PONEMANG SUPRASEGMENTA NG ANTALA
 Hindi siya si Peter.
 Ang tao ay hindi si Peter.
 Hindi, siya si Peter.
 Tinatama ng tagasalita na ito si Peter.
 Hindi siya, si Peter.
 Si peter ang tinutukoy, hindi ang isang tao.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL NG TONO


 Nagpapahayag: Maligaya siya.
 Nagtatanong: Maligaya siya?
 Nagbubunyi: Maligaya siya!
PARAAN NG PAGBUBUO NG MGA SALITA
Mga Paraan ng Pagbubuo ng mga Salita
1. Paglalapi
2. Pag-uulit ng Salitang Ugat
3. Pagtatambal ng mga Salita

PAGLALAPI
1. Pag-uunlapi
- ang panlapi ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat

HALIMBAWA:
nag + dalamhati = nagdalamhati

2. Pag-gigitlapi
-ang panlapi ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugta
HALIMBAWA:
b + um + asa = bumasa

3. Pag-huhunlapi
-ang panlapi ay inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat
HALIMBAWA:
aklat + an = aklatan

4. Pag-uunlapi at Pag-huhunlapi
-ang panlapi ay inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat
HALIMBAWA:
nag + gustu + han = nagustuhan

5. Pag-uunlapi at Pag-gigitlapi
-ang panlapi ay inilalagay sa unahan at gitna ng salitang ugat
HALIMBAWA:
6. Pag-gigitlapi at pag-huhunlapi
-ang panlapi ay inilalagay sa gitna at hulihan ng salitang-ugat
HALIMBAWA:
-in- +titig + an = tinitigan

7. Laguhan
-ang salitang-ugat ay may panlapi sa unahan, gitna, at hulihan
HALIMBAWA:
mag + -in + dugo + an = magdinuguan

You might also like