You are on page 1of 3

DAVAO WISDOM ACADEMY

F. Torres St., Davao City


Basic Education Department
Asignatura : EPP 5/Home Economics
Pagsusulit: Ikatlong Markahang Pagsusulit Guro: Ms. May Anne T. Rodriguez
Pangalan:__________________________________Petsa:__________
Marka:_______
Pagsusulit I
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Sagutin ang mga
tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Ador ay nagbebenta ng itlog na galling sa kanyang alagang manok kung ang
isang itlog ay nagkakahalaga ng 3.75 pesos. Magkano ang halaga ng isang
dosena?
a. 55.00 pesos c. 45.00 pesos
b. 35.00 pesos d. 25.00 pesos
2. Kung ang isang kilo ng karne ng baboy ay nagkakahalagang 95.00 pesos.
Magkano ang halaga ng tatlong kilo?
a. 285.00 pesos c. 295.00 pesos
b. 275.00 pesos d. 305.00 pesos
3. Ano ang dapat gawin sa mga kasangkapan upang manatili itong ligtas at maayos
gamitin?
a. Linisin c. Langisan
b. Pag-ingatan d. ibabad sa tubig
. 4. Ano ang tawag sa mga mananahing lalaki?
a. Sastre c. Modista
b. Tubero d. Sapatero
5. Ano ang tawag sa mga mananahing babae?
a. Sastre c. Modista
b. Tubero d. Sapatero
6. Anong kagamitan sa pananahi na kung saan dito itinutusok ang
karayom matapos gamitin?
a. Didal c. Pincushion
b. Medida d. Emery bag
7. Anong kagamitan sa pananahi ang dapat na magkasingkulay sa telang
gagamitin kapag ikaw ay mananahi?
a. Didal c. Karayom at Sinulid
b. Medida d. Gunting
8. Si Mang Bertengay gagawa ng proyektong lampshade. Alin kaya ang dapat
niyang isaalang-alang bago magsimula?
a. Gawin ang plano b. mangalap ng kagamitan
c. Ihanda ang kasangkapang gagamitin d. lahat ng nabanggit
9. Alin sa sumusunod ang iniaangkop sa kulay, edad, okasyon at panahon?
a. Hanapbuhay c. Kasuotan
b. Libangan d. Tirahan
10. Ano ang tawag sa ginagamit sa pansukat sa katawan?
a. Medida c. French curve
b. Curve stick d. Meter stick
Pagsusulit II. PAGPUPUNAN
A. Panuto: Piliin sa kahon at isulat sa blangko ang tinutukoy na katawagan sa
pagluluto at paghahanda ng pagkain sa bawat bilang.

Sangkutsahin Bistayin Batihin

Salain Talupan Balatan Paghuhurno

EPP 5/ Ikatlong Markahang Pagsusulit MARCH 2-3 1-2 PARENT/GUARDIAN: ______________


Sukatin Gataan kadluin Litsunin Salagapan

11. Paghihiwalay ng mga likido sa buu-buong laman ng sangkap tulad ng dinikdik na


ulo ng hipon pinyang de-lata at nata de coco. __________________
12. Pagkuha ng wastong dami ng likido o tuyong sangkap sa pamamagitan ng mga
pamantayang sukatan na tasa o kutsara.________________
13. Pag-aalis ng balat sa tulong ng maliit na kutsilyo o pantalop.________________
14. Pag-aalis ng balat ng mga hinog o nilagang pagkain na ang balat ay bahagyang
nakahiwalay sa laman tulad ng saging at nilagang kamote. _________________
15. Pagdaragdag ng hangin sa hinahalong pagkain tulad ng itlog. _______________
16. Pagpapakulo o pagluluto ng pagkain nang bahagya sa mantika upang mapanatili
ang lasa o timpla bago ito lubusang lutuin. _________________
17. Paraan ng pagluluto na ang ginagamit ay ang tuyong init ng saradong hurnuhan
o oven. _________________
18. Pag-aalis ng maruming bula sa ibabaw ng sabaw o likido na tinatawag na scum.
_____________
19. Paghahalo ng sabaw ng niluluto tulad ng katas ng hipon o gatas upang huwag
itong mamuo o magkurta. ____________
20. Pagluluto ng pagkain tulad ng baboy o manok nang buo o piraso sa hurno o sa
ibabaw ng nagbabagang uling. __________________

Pagsusulit III. PAGKAKASUNOD


Panuto: Ipakita ang pagkakasunod-sunod ng tamang hakbang sa paghuhugas ng mga
kasang-kapan. Gumamit ng bilang 1 hanggang 5 at isulat ito sa patlang.

_____21. Simulan ang paghuhugas sa pinakamalinis na gamit at tatapusin sa


pinakamarumi.
_____22. Maglaan ng sapat na dami ng tubig at sabon para sa paghuhugas at
pagbabanlaw.
_____23. Uriin ang mga kasangkapan na huhugasan. Simutin ang mga mumo ng
pagkain sa mga kasangkapan habang pinagbubukud-bukud ito.
_____24. Gumamit ng mainit na tubig upang matanggal ang mantika at sebo sa
kasangkapang huhugasan.
_____25. Patuyuing lahat ang binanlawang kasangkapan sa pamamagitan ng malinis at
tuyong pamunas ng kamay at itago sa kani-kanilang lalagyan.

Pagsusulit IV. TAMA O MALI


Panuto:Isulat ang TAMA sa guhit kung katotohanan ang isinasaad ng kaisipan at MALI
kung di- makatotohanan.
_______26. Maging maayos at maingat sa pagbababa at pagtataas ng ulo ng makina.
_______27. Patakbuhin ng mabilis ang mga gulong ng makina upang madaling
matapos sa pananahi.
_______28. Pwede pang gamitin ang putol na karayom upang makatipid.
_______29. Maglaan ng panakip upang mapanatili ang kalinisan ng makinang panahian
_______30. Panatilihing malayo ang kamay sa karayom habang ito ay pinapaikot.

Pagsusulit IV. PAGPAPALIWANAG


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong ( 5 puntos bawat tanong)

31-35. Bilang isang Filipino bakit kailangan nating matutunan ang simpleng pananahi ?
36-40. Bilang isang studyante bakit kaya kailangan nating matutuhan ang pag-aayos ng
ating kasuotan?
Pamantayan:
3 puntos Nilalaman
2 puntos Grammar
5 puntos KABUUAN

EPP 5/ Ikatlong Markahang Pagsusulit MARCH 2-3 2-2 PARENT/GUARDIAN: ______________


EPP 5/ Ikatlong Markahang Pagsusulit MARCH 2-3 3-2 PARENT/GUARDIAN: ______________

You might also like