You are on page 1of 10

PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN

CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

Marso 2019

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang, Pagsusuri

ng mga Piling Tula ni Juan Miguel Severo: Estruktura at Nilalaman nito ay inihanda at

iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula pangkat ng Accountancy, Business and

Management (ABM) Baitang 11- Bill Gates na may marka/reyting na ______________ sa

oral defense at ______________ sa sulating pananaliksik na may kabuuang markang

_______________.

Bunquin, Rea Odyth A. Caniaberal, Jhaz B.

Elemia, Jhazzel S.

Tinanggap ni G. Bernard Boy A. Cepillo, guro ng Filipino, bilang isa sa mga

pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik.

___________________________

G. Bernard Boy A. Cepillo

Guro

ii
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal

at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo sa

matagumpay na reyalisasyon ng pananaliksik na ito:

Kay G. Bernard Boy A. Cepillo, ang aming masigasig na guro sa Filipino, sa

pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang sulating pananaliksik sa pamamagitan

ng pagtuturo ng tamang paggawa at mga tamang hakbangin sa pagsulat ng ganitong uri ng

sulatin.

Kay G. Victorino B. Agellon, Punongguro ng Puerto Galera National High School;

at Dr. Bernard C. Bunquin, Ikalawang Punongguro sa pagpapahintulot sa amin na

makapagsuri at paggabay para maisakatuparan ang pananaliksik.

Kay Juan Miguel Severo, ang nagsulat o nagsagawa ng mga sinuring tula ng mga

mananaliksik, sa pagbabahagi ng kaniyang mga akdang pampanitikan na may malaking

naitulong upang maging matagumpay ang isinagawang pag-aaral.

Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan namin ng

mahahalagang impormasyong aming ginamit sa pagsulat ng una at ikalawang kabanata ng

pananaliksik na ito.

Sa aming kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at pagpapahintulot sa amin umuwi

sa oras na hindi namin kinagawian matapos lamang ang sulating pananaliksik na ito, at higit

sa lahat,

Sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin lalung-lalo na sa

sandaling kami ay pinanghihinaan na ng pag-asang matapos namin ito ng maayos sa

itinakdang panahon.

Muli, maraming-maraming salamat po.

-Mga Mananaliksik

iii
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

PAGHAHANDOG

Buong pusong iniaalay ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa kanilang mga

magulang, mga kapatid, mga guro, mga kamag-

aaral, mga kaibigan, sa susunod pang mga mananaliksik

at higit sa lahat...

Sa DAKILANG LUMIKHA.

-Mga Mananaliksik

Rea Odyth

Jhaz

Jhazzel

iv
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

TALAAN NG NILALAMAN

Sipi ng Pamagat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Dahon ng Pagpapatibay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii

Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

iii

Paghahandog . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iv

Talaan ng Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .v-vi

Talaan ng Pigura at Talahanayan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .vii

Abstrak . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . viii-x

Kabanata I- Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1-2

Lugar ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

Layunin ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

Paradigma ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3-4

Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

Haypotesis . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .4-5

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .5

Saklaw at Delimitasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .6

Kahulugan ng mga Talakay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6

Kabanata II- Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .7-10

Kaugnay na Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .10-12

Kabanata III- Disenyo, Instrumento at Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .13

v
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

Paksa ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13-14

Paraan ng Pangangalap ng Datos. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .14

Pamamaraan ng Pagsusuri. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14

Kabanata IV- Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan sa Datos

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan sa Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15-

21

Kabanata V- Buod, Mga Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Buod . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

22

Mga Natuklasan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 22-24

Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .25

Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25

Talasanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 26

Mga Apendiks

Apendiks A- Talatanungan/Sarbey Kwestyuneyr

Apendiks B- Mga Piling Tula ni Juan Miguel Severo

Apendiks C- Mga Larawan ng Pagkalap ng Datos

Profayl ng mga Mananaliksik

vi
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

TALAAN NG PIGURA, GRAF AT TALAHANAYAN

Ang mga sumusunod ay ang mga ginamit na pigura at talahanayan sa sulating pananaliksik.

Mga Pigura

Pigura 1. Paradigma ng Pag-aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3-4

vii
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

ABSTRAK

Kategorya ng Paksa : Wika at Panitikan

Pamagat : PAGSUSURI NG MGA PILING TULA NI JUAN MIGUEL

SEVERO: ESTRUKTURA AT NILALAMAN NITO

Mga Mananaliksik : Rea Odyth A. Bunquin

Jhaz B. Caniaberal

Jhazzel S. Elemia

Track/Strand/Baitang at

Seksyon : Academic/Accountancy, Business and Management/11- Bill Gates

Paaralan : Puerto Galera National High School

Taon : 2019

Guro sa Asignatura : Bernard Boy A. Cepillo

PAGLALAGOM

Ang pag-aaral na ito ay ang pagtuklas ng estruktura at nilalaman ng mga piling tula

ni Juan Miguel Severo. Bukod dito ay inilahad din ang kaugnayan ng mga ito sa

kasalukuyan at sa panitikang Filipino. Gamit ang deskriptibong pamamaraan ng pag-aaral,

ang mga mananaliksik ay sinuri ang pitong napiling tula na isinagawa ni Juan Miguel

Severo.

viii
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

Ang mga kasagutan ay mula sa mga mananaliksik sapagkat hindi gumamit ng mga

respondente. Bukod dito ay hindi ginamitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na

pamamaraan sa paglalahad ng mga datos.

Mga Natuklasan

1. Mga Piling Tula ni Juan Miguel Severo

Natuklasan ng mga mananaliksik ang mga tula ni Juam Miguel Severo at pito

lamang sa mga ito ang napiling suriin. Ito ay ang "Sampung bagay na natutunan ko mula sa

mga umiibig", "Bisita", "Kapag sinabi kong mahal kita", "Mga lugar na pawang mga lugar

lamang", "Breaking Point", "Isang letra", at "Huling tula na isusulat ko para sa'yo"

2. Estruktura ng Piling mga Tula batay sa tugma, sukat, at salita

Natuklasan ng mga mananaliksik na sa pitong tulang sinuri, tatlo (3) ang hndi pare-

pareho ang tunog ng bawat linya ng tula at hindi ito nagbibigay ng himig at indayog. Ang

mga ito ay "Sampung bagay na natutunan ko mula sa mga umiibig", "Bisita", at "Breaking

point". Sa kabilang bahagi naman, may tatlo (3) ding nagkaroon ng tugmaan. Ito ay ang

"Kapag sinabi kong mahal kita", "Mga lugar na pawang mga lugar lamang", at "Isang letra".

Ang tulang pinamagatang "Huling tula na isusulat ko para sa'yo" ay may bahaging may

tugmaan at may bahaging wala.

Natuklasan ng mga mananaliksik na sa pitong tulang sinuri, ang lahat ng ito ay

walang sukat kung saan hindi makakatulad ang bilang ng pantig ng bawat linya at taludtod.

Nangangahulugan lamang na ang mga napiling tula ay mga malayang isinagawa ng

manunulat na si Juan Miguel Severo.

ix
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

Natuklasan ng mga mananaliksik na sa pitong tulang sinuri, lahat ng salitang ginamit

ay matatalinhaga, may tono/indayog, kolokyal, at karaniwan. May dalawang (2) tula naman

sa mga ito ang gumamit ng exaggeration sa paglalahad ng mga salita. Ito ay ang "Bisita" at

"Huling tula na isusulat ko para sa'yo". Naging maingat sa paggamit ng mga salita ang

manunulat ng tula na hindi nakasakit ng damdamin ng ibang tao maliban sa "Isang letra" at

"Huling tulang isususlat ko para sa'yo".

3. Nilalaman ng mga Piling Tula ni Juan Miguel Severo

Natuklasan ng mga mananaliksik na ang lahat ng piling mga tula ni Juan Miguel

Severo na sinuri ng mga mananaliksik ay tungkol sa pag-ibig kung saan ay mas na

tinatangkilik ng mga mambabasa lalong higit ay ang mga kabataan. Ito ay sumasalamain sa

kaniyang sariling karanasan, namasid at maaaring naoobserbahan sa kapaligiran. Bilang

karagdagan, ito rin ay naglalaman ng madamdaming paglalahad ng mga kaisipan at

saloobin ng manunulat na si Juan Miguel Severo.

4. Kaugnayan ng mga Piling Tula ni Juan Miguel Severo sa Kasalukuyan at Panitikang

Filipino

Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga tulang isinagawa ni Juan Miguel

Severo ay may kaugnayan sa kasalukuyan. Ang pagsasagawa ng tula ay nakaugalian na ng

mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon. Dahil dito, maaaring ito ay magsilbing

patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Mapapansin na sa ating kasaysayan ay patuloy

na kinilala ang husay ng mga Plipino sa mga tulang patnigan na nakapagpapatalas ng

isipan at nagsilbing pampalipas oras at aliwan. Ito rin ay naglalayong maipagpatuloy ng

kasalukuyan ang pagpapanatili ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa

susunod na henerasyon.

Natuklasan rin na may kaugnayan ito sa panitikang Filipino sapagkat ang mga

nilikhang tula ni Juan Miguel Severo ay konribusyon sa umiiral at umuunlad na uri ng

katutubong panitikan. Bukod dito ay magkakaroon ng pagkakakilanlan ang ibang bansa

x
PUERTO GALERA NATIONAL HIGH SCHOOL – MAIN
CAMPUS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK | S.Y. 2018-2019

tungkol sa Pilipinas bilang mayaman sa sari-saring anyo at hubog mga panitikan at higit na

makilala ang kultura ng bansa.

xi

You might also like