You are on page 1of 3

“Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika”

 Pamaraang Komunikatib

= Nag-ugat ang pamaraang ito sa national-functional approach na pinaunlad ni David


Wilkins ng Britanya. Matatandaan na sa panahong ito,ang binibigyan pokus o diin ay ang
mensahe kaysa porma o istructura ng wika. Ang kinalabasan ng halos purong diin sa
mensahe ay hindi maganda para sa aspektong gramatika. Lalong humina sa gramatika
ang mag-aaral, kasi alam nilang higit na importante ang mensahe at hindi halos
pinupuna kung mali ang istrukturang gamit nila.

= Sanhi sa kalungkot-lungkot na kinalabasan dahil nasakripisyo ang gramatika, si Wilkins


mismo ang pumansin o nagpabago sa kanyang sariling pagtuturo ng wika.

= Mula sa diin sa mensahe, ang pagtuturo ng wika sa panahong ito ay ang dalawang
diin na kapwa mahalaga: ang porma at mensahe. Ito nga ang tinatawag na layunin ng
pamaraang komunikatib.

 Batayan ng Pamaraang Komunikatib

= Sang-ayon sa modelo ni Michael Canale at Merill Swain, may apat na aspekto o


element ng communicative competence: linguistic o grammatical competence, socio-
linguistic competence, discourse competence at strategic competence.

1. Linguistic o Grammatical Competence:


= kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa
mga tuntunin sa gramatika.
= estado ng isang taong masasabi nating may control o masteri sa porma o
istruktura ng isang wika.
= dito ipinapakita ng isang tao ang kanyang kahusayang gumamit ng tuntunin sa
wika.
= ito ay nasasakop ng pag-aaral sa linggwistik.
2. Socio-linguistic competence:
= isang batayang interdisciplinary.
= nakauunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika na may
kinalaman sa:
*Kaugnayan ng mga nag-uusap sa isa’t isa (role relationship)
*Impormasyong pinag-uusapan (topic)
*At ang lugar na pinag-uusapan (place)
= sa ibabaw ng kaalaman sa tatlong salik na ito, alam ng mga kasanib sa usapan
ang layon (function) ng kanilang pag-uusap.

3. Discourse competence:
= may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong
diskurso.
= ang isang nakikipag-usap daw ay kailangan alam niyang halawin ang paksa, ang
layon (function), at iba pa ng isang discourse.
= hindi niya inuunawa lamang ang kahulugan ng isang yugto ng utterance kundi
ang kabuuang yugto ng isang discourse.

4. Strategic competence:
= ito ay ang mga estratehiyang ginagamit natin upang maka-compensate sa mga
imperpektong kaalaman natin sa wika.
= kahalintulad ito ng coping o survival strategies.

 Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang Komunikatib:

1. Sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano


ang konteksto ng talastasan. Ang mga salik sosyolinggwistik ang
nagdidikta ng gagawing pag-uusap ng mga nakikipagtalastasan.
2. Ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad
noong araw na ang Gawain ng guro ay ituro ang mga istruktura ng wika
na gumagamit ng mg pagsasanay tulad ng substitution drills, pattern
practice at iba pa.
3. Higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung
gaano kahusay sa pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung
gaano ang nalalaman niya sa gramatika ng isang wika.
4. Mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na
tumatawag sa pakikipagtalastasan.
5. May iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na, hindi
maaasahan na ang isang hindi negative speaker ay magiging mahusay
sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.

FRANCA R. AZORES BSED 3

You might also like