You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 9

IKAAPAT NA MARKAHAN, IKALAWANG LINGGO


I. Layunin
A. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran
B. Nasisiyasat ang palatandaan ng pambansang kaunlaran
C. Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran
II. Paksa
Aralin 2: Pambansang Kaunlaran
III. Nilalaman
Ang kaunlarang pangkabuhayan ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya,
pangkalahatang pagbuti ng antas ng pamumuhay, at pagbabago ng pangkabuhayang gawain mula sa
agrikultura patungo sa sektor ng industriya.
Epekto ng pagsulong at pag-unlad
Ang pag-unlad ay kabuuang proseso na kinabibilangan ng iba't ibang aspekto ng lipunan,
ekonomiya, politika, lipunan, at kultura.
Ang pagsulong ay unang hakbang upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan na siyang
magiging dahilan upang ang pag-unlad ng bansa ay matamo

MGA PLANONG PANGKABUHAYAN:


1. FIDEL V. RAMOS
- Nagkaroon ng konkretong planong pangkabuhayan para sa Pilipinas. Disyembre 15, 1992,
inaprubahan niya ang tinatawag na Planong Pangkabuhayan ng Pilipinas o Medium-term Philippine
Development Plan sa taong 1993-1998 na nakilala sa taguring Pilipinas 2000.

2. GLORIA MACAPAGAL ARROYO


- Naglunsad ng 10 point Agenda na nakapaloob sa kanyang Medium Term Philippine Development
Plan mula 2004-2010.
- Karamihan ng proyekto at programa ng kanyang administrasyon ay nakatuon sa kalagayan ng
Macroeconomics ng bansa.
*Mga Kalagayan ng Macroeconomics ng bansa noong termino ni Arroyo:
1. Mabilis na pagtaas ng GDP sa 7-8% sa taong 2009-2010
2. Pamumuhunan sa GDP na aabot sa 28% sa taong 2010
3. Paglikha ng tauhang trabaho na hihigit sa 1.7 milyon sa 2009
4. Balanseng budget sa 2010
5. Pagbabawas ng kahirapan na mababa sa 20% sa 2009
6. Pagpapautang sa mga maliliit at katamtamang laki ng negosyo
7. Pagpapaunlad ng isa hanggang dalawang milyong ektarya

3. BENIGNO SIMEON C. AQUINO, III.


- Binigyang diin niya na kailangan ang pamahalaan ay magkaloob ng pangunahing serbisyong
panlipunan tulad ng edukasyon, pabahay, kalusugan, at hanapbuhay. 
- Ipinangako niya na pagbubutihin at at pauunlarin ang transportasyon, turismo, kalakalan, at mga
impraestruktura.
- Ang pagkakamit ng pambansang kaunlaran ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino ay
nakapaloob sa Philippine Development Plan mula 2011-2016. 
- Ang paglago ng ekonomiya ay nakasalalay sa pamahalaan at mamamayan. Dapat  maisagawa ng
pamahalaan ang mga programa at proyekto na magbibigay daan sa mabilis na pag-unlad ng bansa.

- Ipinatupad ng pamahalaan ang Conditional Cash Transfer o Pantawid Pamilyang Pilipino Program
(4Ps) sa mga mahihirap na pamilya bilang tugon sa pagbawas ng antas ng kahirapan sa ating bansa,
ito rin ang paraan ng pamahalaan ng pamumuhunan sa yamang tao ng bansa. 
- Pinag-ukulan ng pansin ng pamahalaan ay pataasin ang pamumuhunan lalo na sa mga impraestruktura
kaya maraming kalsada at tulay ang kinukumpuni at ginagawa sapagkat patuloy na isinasaayos ang
sistema ng transportasyon, pagpapatayo ng mga paaralan, ospital, at pamihilan ay isinasagawa rin ng
pamahalaan.
IV. Gawain.
Panuto:
1. Bakit kailangan ang planong pangkabuhayan sa bansa?

Page | 1
2. Ano ang pinagkaiba ng Pagsulong at Pag-unlad?
3. Paano uunlad ang bansa? Magbigay ng konkretong plano.
4. Ano ang kahulugan ng "4Ps". Ipaliwanag ito.
5. Paano makakatulong ang isang mamamayan para paunlarin ang bansa?
6. Anong ang kahulugan ng kaunlarang pangkabuhayan?
7. Magsaliksik ng planong pangkabuhayan ni Presidente Rodrigo Duterte
9. Bakit kailangan pagbutihin ang pamumuhay ng isang tao?
10. Pano maiwasan ang kahirapan ng bansa?

V. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa konsepto agrikultura sa Pilipinas.

Page | 2

You might also like