You are on page 1of 3

Jesus: humahampas ang mga pakpak ng mga ibon lumilipad sa asul na himpapawid/ sa lilim ng buwang

nag mamasid/ ang aking nakita sa madilim na paligid/ mga pusongng nag tatanong ano ang kahulugan
ng tunay nap ag ibig?

BGV: Paano ko ba makukuha ang pagmamahal mo?/ Pagmamahal na nais kong matamo?/ Pag mamahal
na hinahanap ng aking puso/ Pagmamahal na magbubuo ng aking pagkatao

First: Eto ang sabi sakin ng mundo/ Para tanggapin nila dapat sabay ako sa uso/ Mga damit ko dapat
palaging bago/ mga presyong aabot ng libo libo/ dahil kung anong suot mo/ yan! Ang halaga mo/ at
kahit di ko kaylangan ay aking bibilhin/ dahil ang gusto ko sa kanila akoy maging in

Second: Dapat din akoy matalino/ dapat walang bagsak o pasang awa lang saking mga grado/ dahil
walang silbi ang mahina ang ulo/ at kahit masakit mang isipin/ ikakahiya ka ng mismong magulang mo/
Dahil mahal ka lang nila/ pag may nagawa kang maganda/ Ganito ba talaga ang pamilya

First: Dagdag pa ng mundo/ dapat mayron kang bisyo/ Alak, droga, sigarilyo/ hithit duon, hithit dito/
nawawala pansamantala ang problema ko./ eto ang mga bagay na pag ginawa ko/ pasok ako sa kanilang
grupo/ sabi nila eto ang bagay na pag ginawa ko sasaya ako

BGV: Pero bakit hanggang ngayon/ ramdam ko parin ang butas sa puso ko

Second: Ay oo nga pala/ Sabi din nila/ dapat akoy may nobyo/ dahil siya ang mag mamahal sayo/ pero
tanong ko lang/ Mahal, bakit iniwan mo ako?/ inisip ko kung saan ako nag kullang sayo/ Lahat/ lahat
naman ay binigay ko/ buong buo/ na nalimutang mag tira para sa sarili ko

BGV with F and S: Kaya ngayon akoy gulong gulo/ ano nga ba ang pag ibig na totoo?

J: emosyonal kang nag tanong/ isang tanong na maraming nag tangkang tumuklas/ ibat ibang lahi’t ibat
ibang silgo at oras/ tanong na di kayang sagutin ng tatlong pulang rosas/ tulad mo, nais din nilang
masumpungan ang sagot/ gustpng kumawala sa mapagpalalong rehas/ mula sa karamdamang isang
patak ng tunay nap ag ibig ang lunas.

Third: Minsan ng nasumpungan ang hatid mong ganda/ subalit kahulugan moy tila naglaho na/ sabihin
mong muli na ako nag iisa/ na di dapat mangamba/ na ang laban ay tapos na./ subalit ang bawat
hakbang koy punong puno ng pag dududa/ ang puso koy nangangamba/

BGV+ Third and fourth: Nasaan ka?/ Muli kang magpakilala.

Fourth: Pinilit na kumawala sa mga payo mo/ kung kayat napahamak ako sa mga kilos ko/ nag pahatak
sa gusto ng mundo/ humintong making jan sa tinig mo/ hinayaang manakawan/ nainganyo muli ng
matamis na handog ng pananalapi/ ang pakikipagusap sayoy kinakatamaran/ ang paglilingkod ay
kinasawaan/ na pagod akong mag silbi sayo/ dahil nalimutan ang dahilan kung bakit gagawit ito

T: ngunit di ko kayng tuluyang mapalayo/ maari ko bang aminin na di ko kakayanin na di ka kasama sa


lakbayin/ ayaw ko ng making sa kasinungalingan na si kita kaylangan dito sa aking buhay/ ngayon akoy
kulang at nais na mabuo/ di ng ibang bagay kundi ng iyong puso

BGV+ T and F: Sagipin mo ako mula sa mga takot ko/ alam ko ikaw lang ang maghihinahon ng damdamin
ko.
F: tumangkang maghahanap ng papalit sayo/ subalit naiwang bigo sa paghalili ng pwesto mo/ Muli mong
ipaintindi ang kasapatan mo/ ng di na maghanp ng iluluklok sa puso ko.

J: Sa oras na to hayaan mong mag pakilala ako/ di ako ang normal mong romantiko/ di pulang rosas ang
ibibigay ko/ subalit hayaan mo akong magdilig/ Ididilig koy pulang mas malapot pa sa tubig/ yun ang
tunay na pagibig/di chocolate at haranang himig/ di simpleng pagsundo o ordinaryong pag hatid/ di
kamusta o kumain ka na/ di simpleng pag karga ng iyong mga gamit/ di ang /oo moa ng aking ipipilit/
dahil naghihintay ako at mag hihintay ako na mag pakilala sayo/ uulitin ko, mag papakilala ako/ ako ang
tunay na pag ibig/ di lang kita susunduin o ihahatid dahil kasama mo ako sa bawat Segundo na
pumipintig/ di lang iyong mga gamit/ dahil kakargahin kita san sulok ka man ng daigdig/ di simpleng
kamusta o kumain ka na/ dahil nais kong marinig ang iyong himig at kung bakit nag kikikahos na ang
iyong tinig/ darating ako sa oras na akoy yong tawagin/ tirik man ang araw o malakas ang ulan/
dumating man ang bagyo sa silangan/ darating ako/ darating ako para pakalmahin ang bagyo mo/
Kaylan man wag mong kakalimutan ang mga sasabihin ko/kahit na ang mga problema mo ay kasing laki
ng barkp/ tandaan mo ako ang gumawa ng nilalangoy nito/ kung ang pag dadaanan mo ay kasing laki ng
bundok/ tandaan mo hinarap ko na ang bundok na maliligtas sayo/ rumagasa man ang mga taong di
nakakakita ng tunay mong halaga/ dumagsa man sila/ hayaan mo sila / hayaan mong mangutsa sila/
tawanan ka man nila/ para sakin ikay prinsepe at prinsesa/ ikaw ang pinaka mainam kong likha/dahilan
kung bakiy kalawaka’y nilikha/ mahalaga sa mga mata ng isang tunay na nagmamahal/ hindi mo
kailangan magpakabanal/ minahal na kita/ sa pagsuko mo ng buhay mo/ sa pag suko ng buhay m oaky
kampeyonatong tinanghal/

T: muli mo akong akong ibalik ang naghihingalo kong pag ibig/ hindi na maagaw ng saya at kilig/ maging
karamdaman o sakit/ hindi ka na ipagpapalit/

F: muli mong iparanas na ikaw ang lunas/ na andyan ka palagi at hindi bibitaw/

T&F: muli mong iparanas ang iyong pagmamahal/ ang puso koy naglilik luhod sa iyong kabutihan.

T: sinubukan mang gumalaw sa sarili kong kalakasan/ dunong ay ipinairal sa nais kong makamtam/
huminto’t lumayo nag kulang ang tulad ko/ eto ka hindi nag bago sa panunuyo mo/ wala kong kailangan
patunayan upan mahalin mo.

J: linalalahad ang mga plano ko sa buhay mo/ lalong hindi makikita/ lugar na hindi napupuntahan/ at
ligayang hindi mo nararanasan/ planong magsasalba sa iyong musika/ planong magtatayo sayo pag
pagod ka na/ hawakan moa ng kamay ko/ hayaan mong dalhin kitang sa dulo/ hayaan mong akoy
maupo sa manubela ng buhay mo/ eto ang mga pangakong hindi ipinako saiyong sugatan damdamin/
ito ang mga pangakong inilatag kong hangarin/ sa pagpunta mo palang sa lugar na ito nakita na kita
mula sa malayo/ naging paglukso ng puso kong panalo/ ito ang mahalaga/ narito ka na/ sisimulan ko ang
mga hinan kong plano/ planong makasama ka ng walang hanggan/ ilipad ka sa alapaap ng tunay nap ag
ibig/ Tama na ang mga seldang kumukulong sayo/ tama na ang mga rehas na gumagapos sayo/ handa
akong pagalingin ang sugatan mong puso/ para sayo narito ako/ tapos mg humampas ang mga pakpak
ng mga ibon sa asul na himpapawid/ nag takip silim sa ibabaw ng mga puno/ sa lilim ng Buwan na
nagmamasid/ at napagmasdan nila na akoy iyong kasama sa madilim na paligid/

F: At sa paligid na yon ay aking narinig ang kahulugan ng tunay nap ag ibig/ pagibig na hinahanap ko sa
iba
J: Pag ibig na hinahabol ka

S: pag ibig na akoy tanggap

T: pag ibig na ikaw ang lahat lahat

F: pag ibig na nag papatawag

J: pag ibig na anak sayo ang tawag

BGV: pag ibig na naiintindihan ako

S: pag ibig na nag katawang tao

T: Pag ibig na kumempleto

F: Pag ibig na ireregalo sayo lahat pati ang langit sayo

S: Pag ibig na binubuhay ako

ALL: pag ibig na namatay para sayo

You might also like