You are on page 1of 115

1

Tsapter 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Mayroon nang masaganang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino bago

pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon sa Mga epiko at Kwentong bayan

(w.p.), “Bago pa ang panahon ng Español, mayroon nang mayamang lawas ng panitikan

sa Pilipinas”.

Pasalin-dila ang karamihan sa mga panitikan nila gaya ng bulong, tugmang bayan,

epiko, alamat, bugtong, sayaw, ritwal at iba pa. May mga panitikan din silang naisulat sa

mga piraso ng kawayan, balat ng matitibay na kahoy, makikinis na bato at sa mga kweba.

Ngunit iilan na lamang ang natagpuan ng mga arkeologo sapagkat batay sa kasaysayan,

pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang

gawa ng demonyo ang mga ito. (Marcial Jr., 2011)

Ang mga panitikang ito ang nagsilbing pagkakikilanlan ng mga sinaunang

Pilipino at naging batayan sa kanilang pamumuhay noon. Makikita ang kanilang

paniniwala, kaugalian, tradisyon at pamahiin sa kanilang panitikan.

Ayon kay Lorenzana (sinipi ni Rodel, 2013),

salamin ng kultura ng pangkat na nagmamay-ari ng mga akda ang


panitikan. Sa mga akdang pampanitikan nakikita ang mga sitwasyong tunay na
nangyayari sa buhay. Minsan ang tao rin ang naglilikha ng mga kaganapang
makpikita sa akda bilang pagtatalakay ng mga pangyayaring hindi gaanong
tinatanggap o naiintindihan.
2

Talaan ng buhay ang panitikan. Dito nailalahad ang anumang saloobin,

damdamin, pangyayari sa buhay, paniniwala, karanasan at diwa ng tao. Ayon kina

Arrogante, Ayuyao at Lacanlale (2004) “Ang buhay ng tao sa daigdig na ito, makulay

man o masalimuot ay malaya at malikhain niyang nailahad sa tinatawag nating

panitikan”. Sa pamamagitan ng panitikan, naipapahayag ng mga tao ang kanilang

pagkamalikhain. Dahil dito, nagkaroon ng iba’t ibang uri ng panitikan. Isa na dito ang

maikling kwento.

Lalo pang yumaman ang panitikan sa pagdating ng mga Kastila, Amerikano at

Hapon. Nahaluan at nadagdagan ang panitikan ng bansa dahil sa impluwensya na dala ng

mga dayuhang mananakop.

“Short story sa Ingles, Maikling Kwento sa Filipino at Sugilanon sa Cebuano,

isang akdang pampanitikan sa anyong tuluyan na naglalahad ng isang pangyayari sa

buhay o lipunan at nagpapakintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa”

(Almario, 2012). Higit na maikli ito kung ikukumpara sa nobela kaya maaaring matapos

sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan na makikita sa akda at may

makabuluhang papel na ginagampanan. Ayon sa Ama ng Maikling Kwento na si Edgar

Allan Poe (sinipi ni Orito, 2015), “ang maikling kwento ay likha ng guni-guni at

bungang-isip na hango sa isang tunay at makabuluhang pangyayari sa buhay ng tao”.

Maaaring ang akda ay hindi makatotohanan subalit ibinabatay pa rin ito sa kung ano ang

nararanasan at nagaganap sa paligid ng may-akda. Hindi makasusulat ang isang

manunulat ng isang akda kung wala itong pinagbabatayan.

May mga natatanging maikling kwento ang bawat pook o rehiyon sa bansa. Isa na

dito ang Sugilanon, na matatagpuan sa mga piling lugar sa Visayas at Mindanao. Hindi
3

lang sa Cebu nagkaroon ng impluwensya sa paglathala ng mga akdang Cebuano bagkus

umabot ito sa Misamis Occidental at si Mario L. Cuezon ang isa sa mga tampok na

manunulat nito.

Ayon kay Bernales (sinipi ni Maximo, 2001), “may iba-iba ng pamamaraan ang

mga awtor sa pagsulat ng mga akda”. Kung mang-aliw ang nais ng awtor, maaring sa

magaan na paraan lamang niya pinapatakbo ang mga pangyayari sa kwento. Ibig sabihin,

hindi nakapokus sa negatibong emosyon ng tao ang damdamin sa kwento. Sa halip,

nagtatapos ang karamihan sa mga ito sa isang masayang wakas. Gumagamit naman ang

ibang awtor ng mga damdaming mabibigat upang palitawin ang iba pang uri ng emosyon

ng tao kagaya ng lungkot. Nagtatapos ang karamihan sa mga ganitong kwento sa

trahedya. Isa si Mario L. Cuezon sa mga manunulat na naglalayong mang-aliw,

magpatawa at magpalungkot sa mga mambabasa sa sarili niyang istilo ng pagsulat.

Ginamit ni Mario L. Cuezon ang kanyang karanasan at obserbasyon para isatitik

ang mga pangyayari sa lipunang kanyang kinalakihan, partikular na sa Misamis

Occidental. Nakaukit na sa bawat Sugilanon ni Mario L. Cuezon ang kabutihang-asal,

pagsusumikap at karanasan ng tao upang ipabatid sa mga mambabasa ang kinagisnang

kultura ng mga Misamisnon. Tanyag siya sa kanyang naging kontribusyon sa kariktan at

pag-unlad sa rehiyunal na panitikan. Marami na rin sa kanyang mga akda ang nakilala at

tumanggap ng parangal mula sa iba’t ibang patimpalak. Ang mga sumusunod na akda ang

ilan sa mga akda niyang nanalo ng parangal: Cubicle (nanalo sa kategorya ng maikling

dula sa gawad ng Cultural Center of the Philippines, 1998), Ang Barkada at ang Puta o

ang Puta at ang Barkada (nanalo sa kategoryang maikling kwento sa gawad ng Cultural

Center of the Philippines, 1999) at iba pa. Madalas na kinikilala ang mga akda niya kaya
4

maraming mga publikasyon ang nais na ilimbag ang kanyang mga akda sa kanilang

panulatan. Upang maging balido ang pagpapalutang sa pamumuhay at pagkakikilanlan ng

mga taga-Misamis Occidental, napiling suriin ng mga mananaliksik ang mga piling akda

ni Mario L. Cuezon na isang tubong Misamisnon.

Hindi maikakaila na iilan na lamang ang nakaaalam sa mga akdang rehiyunal

subalit hindi ito naging hadlang upang sumulat si Mario L. Cuezon ng mga kwentong

binisaya (Cebuano) ukol sa pamumuhay ng mga Misamisnon. Ginagamit ng nasabing

manunulat ang kanyang malikhaing pag-iisip upang lumikha ng mga kwentong

nagpapalutang sa mga karanasan ng tao sa lipunan partikular na sa Misamis Occidental.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Matutunghayan sa bahaging ito ang mga kaugnay na literatura na may malaking

maitutulong tungo sa ikalilinaw ng pag-aaral. Kinuha ang mga impormasyong ito mula sa

iba’t ibang babasahin gaya ng aklat, magazine, artikulo at newspaper. Malaki ang

maitutulong ng mga ito sa ikatatagumpay ng kasalukuyang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ayon kina Espina, Plasencia, Ramos at Villena (2014), “ang maikling kwento ay

isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at

kakintalan.”

Ipinapakita sa pahayag na kinasasangkutan ang isang maikling kwento ng iilang

tauhan at kinapapalooban lamang ito ng isang suliranin. May iba’t ibang mga akdang

pampanitikan na sinusulat at nailalathala sa pagdaan ng maraming panahon.

Pumapatungkol ang mga ito sa mga isyu ng lipunan tulad ng pulitika, kalupitan,

pagkasilaw at pagkawalay sa pamilya at iba pa. Tinalakay dito ang iba’t ibang rehiyunal
5

na panitikan sa bansa tulad ng epiko, alamat, awiting bayan, sarsuwela, awit, sanaysay,

nobela at maikling kwento na hango sa mga pamumuhay at mga pangyayari sa lugar ng

naturang rehiyon.

Ayon kina Belvez, Iliscupidz, Roberto, Pleno at Atienza (2007, p.12),

ang maikling katha ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang


tauhan (maaaring tao, hayop o bagay) na siyang nililigiran ng iba pang pangyayari
na bumubuo ng isang tunggalian na siya namang sinisibulan ng may sapat na tindi
ng damdaming nakaaantig sa puso ng mambabasa. Ang maikling kwento ay may
sariling kaanyuhan at kakanyahan. Kinikilalang ang pangunahing layunin nito ay
ang mang-aliw sa pamamagitan ng paglalahad ng isang maselang pangyayari sa
buhay ng bayani ng kwento.

Sa maikling kwento, mayroon lamang itong iisang pangunahing tauhan na siyang

sentro ng pangyayari sa kwento. Maaaring ito ay isang tao, hayop at iba pang nilalang.

Mayroon itong isang tunggalian kung saan tinatalakay dito ang rurok ng kwento na

naglalaman ng mga maseselang pangyayari o eksena na magdudulot ng matinding

emosyon sa mga mambabasa.

Ipinapakita sa pahayag na kailangang gamitin ng mga manunulat ang kanilang

pagkamalikhain sa pagpapahayag o pagtatalakay ng isang isyung panlipunan upang ito ay

makatawag-pansin at makapang-aliw sa mga mambabasa. Upang maging interesado ang

mga mambabasa sa susunod na pangyayari, huwag ibitin ang katapusan ng kwento at

dapat naglalaman ito ng magagandang aral.

Ayon naman kina Tepace at Badayos (2006, p.4), “sa maikling kwento, tila isa

kang manlalakbay na dinadala sa daigdig ng hiwaga at katotohanan”.

Walang hanggang paglalakbay ang buhay. Katulad ng isang kwento sa isang

babasahin, ang tao rin ang protagonista sa sarili nitong kwento. Sa pamamagitan ng
6

pagsusulat ng kwento, naibabahagi ng awtor ang misteryo ng buhay ng isang tao o ng

kanyang sarili at ang katotohanang napapansin nito sa kanyang paligid. Sa pamamagitan

naman ng pagbabasa, tila isang manlalakbay ang mambabasa sapagkat dinadala sila ng

maikling katha sa lugar na mapupuntahan lamang nila sa pamamagitan ng pagbuklat ng

mga pahina nito.

Ayon kina Malirong, Sanio at Jocson (2014, p.3), “katangi-tangi ang maikling

kwento sapagkat sulyap ito ng buhay-buhay ng mga tao anumang lugar o bansa sila

nabibilang”. Sa mga akdang pampanitikan, naiiba ang maikling kwento sapagkat sa

pamamagitan nito naipapakita ang pamumuhay ng tao sa lipunan. Halimbawa nito ang

paghakbang nila sa pang-araw-araw na gawain at pakikipagsapalaran sa buhay.

Naipapakita ang pagkakikilanlan ng tao sa pamamagitan ng maikling kwento dahil

nailalahad nito kung anong klaseng kultura at lugar napapabilang ang isang kwento.

Pinatunayan nina Mata, Dizon, Gervacio (2015) na mayroong mahahalagang

elemento ang isang maikling kwento gaya ng tagpuan, tunggalian, tauhan, banghay,

simbolo, tono, punto de bista o paningi at tema. Ang tagpuan ang siyang mahalagang

balangkas ng mga pangyayari na siyang bubuo at magtatayo sa maikling kwento.

Tunggalian ang tawag sa paglalaban ng pangunahing tauhan at kanyang mga kasalungat

na maaaring kapwa tauhan, kalikasan, lipunan at kanyang sarili. Ang tauhan ang may

hawak sa takbo ng pangkalahatang pangyayari sa loob ng isang akda. Ang banghay

naman ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod na pangyayaring sa kwento.

Samantala, ang simbolo ay isang makasining na sangkap na ang layunin ay kumatawan sa

isang uri ng damdamin, bagay, paniniwala o kaisipan. Ang tono ang paraan ng manunulat

sa pagpapahayag ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang mga akda. Ito ang


7

emosyon na nangingibabaw sa loob ng kwento. Ang punto de bista o paningin ay

kaugnay ng nagsasalaysay sa kwento, kung sino ang nakakakita at kung gaano ang

nakikita. Nangangahulugan namang pangkalahatang kaisipan ang tema na nais palitawin

ng may-akda sa isang maikling kwento. Inaasahang makikita sa kwento ang mga

elementong ito dahil ito ang nagpapanatili sa maayos na takbo ng kwento. Mahalaga rin

ang mga elementong ito sa paraan na nakakasunod ang mga mambabasa sa daloy ng

kwento.

Ayon naman kay Villafuerte (2008), “sa pagsusuri ng maikling kwento

naniniwala siya na dapat suriin ang elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, banghay,

tunggalian, simbolo, pahiwatig, magagandang kaisipan o pahayag at maging ang paraan

sa kung saan ito nagsimula at nagwakas”.

Ipinapakita sa pahayag na sa pagsusuri ng maikling kwento, kinakailangan na

suriin ang mga elementong taglay nito upang mas higit na maunawaan at higit na maging

malinaw ang ginawang pagsusuri. Mas magiging makabuluhan ang pagsusuri ng

maikling kwento kapag itinampok ang mga temang makikita sa kwento, mga simbolo at

maging ang banghay dahil dito makikita ang mga mahahalagang pangyayari na siyang

nagpapadaloy at nagpapabuhay sa kwento.

Ayon kay Rosario Lucero (sinipi nina Espina, Plasencia, Ramos at Villena, 2014),

nagsimula ang muling pagkabuhay ng interes sa rehiyunal na panitikan sa


pangangailangan ng mga mag-aaral ng panitikang Filipino na bumalik sa kani-
kanilang mga probinsya upang humagilap ng mga lumang teksto at akda.
Naghahanap sila ng mga baul na mga akda kaya naman sumibol ang mga
mananaliksik ng kultura at wika sa iba’t ibang rehiyon.

Napalitan ang ating panitikan ng panitikang banyaga nang dumating ang mga

mananakop sa ating bansa at naisawalang-bahala na lamang ito. Dahil sa pag-usbong ng


8

pambansang wika, may kalayaan na ang mga mananaliksik na balikan at halungkatin ang

mga nakabaon nating panitikan sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng ating panitikan.

Ayon kay Ruiz (1995), tinalakay niya ang tungkol sa historikal na nakaraan ng

Misamis Occidental at sa mga sinaunang grupo na naninirahan dito bago paman

dumating ang mga mananakop. Matatagpuan ang Misamis Occidental sa kanlurang

bahagi ng rehiyon sa Mindanao. Binubuo ito ng tatlong syudad at labing-apat na

munisipalidad. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao dito, iilan na dito ang

pagtatanim ng palay, niyog, mais, saging at iba pang halaman na maaaring mapagkunan

ng pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayon kay Navarra (1986), isang manunulat ng maikling kwentong piksyon sa

Cebuano, ipinapakita sa kanyang mga akda ang mga pangyayaring madalas na makikita

sa lipunan, halimbawa nito ang akdang “Ug Gianod Ako” kung saan pumapatungkol ang

pangyayari sa kwento sa mga karanasan ng mga taong nakatira sa isang lugar. Ipinapakita

rin ng may-akda sa iba pa niyang akda ang iba’t ibang mukha ng pamumuhay ng tao sa

lipunan at kung papaano nila malulutas ang mga problemang kinakaharap ng mga

mamamayan.

Tinalakay naman sa artikulo ni Miraflor (2016) kung gaano pinahahalagahan ng

mga Misamisnon, partikular na sa mga nakatira sa munisipalidad ng Lopez Jaena, ang

kanilang yamang tubig sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Month of the Ocean noong

Mayo 2016 na may temang “Biodiversity for Food Security”. Parte ng nasabing

pagdiriwang ang pagkakaroon ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pangangalaga sa


9

mga baybayin. Binigyang-diin dito ang mahalagang papel ng bakawan o mangroove

laban sa mga daluyong-bagyo o storm surge sa tuwing may malakas na bagyo.

Ayon naman sa Provincial Government of Misamis Occidental (2017), nagiging

masigla ang probinsya ng Misamis Occidental sa tuwing sasapit ang unang linggo ng

buwan ng Nobyembre sapagkat ipinagdiriwang sa panahong ito ang Pasungko Festival.

Pinangungunahan ang nasabing pagdiriwang ng mga tribo ng Subanen. Sinasalihan ito ng

mga kalahok mula sa 16 na munisipalidad at syudad ng Misamis Occidental. Ang

“Pasungko” ay nangangahulugang “Pagpapasalamat matapos ang Masaganang Ani” kaya

naman makikita rito na sagana sa yamang lupa ang nasabing probinsya. Sa pagdiriwang

na ito masusulyapan ang makukulay na tradisyon at paniniwala ng Misamisnon. Sagana

sa iba’t ibang yaman ang probinsya ng Misamis Occidental. Kaya naman parte na ng

kanilang pamumuhay ang pagkakaroon ng pagdiriwang bilang pagpapasalamat sa

biyayang natanggap mula sa itaas.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Inilalahad sa bahaging ito ang kaugnay na pag-aaral na makatutulong sa

pagpapalawak ng pag-aaral ng mga mananaliksik. Kinuha ang mga impormasyong ito

mula sa journal, tesis, internet at iba pang publikasyon na naglalaman o tumatalakay na

katulad sa paksa.

Kaugnay na Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral nina Camama, Ungab at Yorong (2017) ang mailahad ang

identidad ng Mindanao batay sa mga piling akda ng anim na manunulat na nakabase sa

pulo ng Mindanao. Sina Mario L. Cuezon (Jimenez), Marcelo A. Geocallo (Linamon),

Don Pagusara (Tangub), Gumera M. Rafanan (Iligan), Telesforo Sungkit Jr. (Bukidnon)
10

at Macario D. Tiu (Davao) ang mga manunulat na tinutukoy dito. Pangunahing layunin

ng pag-aaral na ipakita ang Mindanao bilang isang bayan sa pamamagitan ng depiksyon

at identidad na makikita sa mga akda ng piling manunulat ng Mindanawon.

Natuklasan sa kanilang pag-aaral na sa kabila ng heographikal na distansya ng

mga manunulat sa isa’t isa, makikita pa rin sa kanilang mga akda ang pagkakatulad sa

kahulugan, paniniwala, damdamin at karanasang kumikilala sa kanila bilang bahagi ng

isang bayan at isang Mindanao.

May kaugnayan ang pag-aaral nina Camama, Ungab at Yorong sa kasalukuyang

pag-aaral sapagkat ang mga piling Sugilanon ng isa sa anim nilang piling manunulat na si

Mario L. Cuezon ang napiling suriin ng mga kasalukuyang mananaliksik. Magkalapit din

ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang pag-aaral dahil parehong rehiyunal na akdang

pampanitikan ang kanilang sinuri na may kaugnayan sa mga partikular na lugar na

maaring kinalakihan ng may-akda.

Naging magkaiba ang pag-aaral na ito at ang kasalukuyang pag-aaral sapagkat

nakapokus lamang sa lalawigan ng Misamis Occidental ang pagsusuri sa mga piling

Sugilanon. Hindi katulad ng kanilang pag-aaral na masaklaw sapagkat buong Mindanao

ang sakop nila, ang kasalukuyang pag-aaral ay nakapokus lamang sa isang probinsya sa

Mindanao.

May kaugnayan din sa kasalukuyang pag-aaral ang pag-aaral nina Javier,

Labrada, Ursaiz at Mundala (2016) na may pamagat na “Ang Kababaihan sa mga Piling

Sugilanon ni Marcelo A. Geocallo”. Naglalayon ang pag-aaral nila na masuri ang mga

tungkulin ng kababaihan at ang imahen na kanilang naipapakita batay sa kanilang

tungkulin sa mga Sugilanon ni Marcelo A. Geocallo.


11

Lumabas sa kanilang pag-aaral ukol sa akda ni Marcelo A. Geocallo ang iba’t

ibang babae, ang estado nila sa ating lipunan: kabilang na ang pagiging isang asawa, ina,

anak, kasintahan, dalaga, kaibigan, at pamangkin, ang mga tungkulin na kanilang

ginagampanan: intindihin ang bana, bantayan ang bana, protektahan ang anak, ilapit ang

anak sa Panginoon, at iba pa. Natuklasan sa kanilang pag-aaral na isang paraan ang

paglikha ng akda upang maipahayag ng isang tao ang kanyang karanasan, pananaw at

saloobin sa lipunang kinalakihan. Naging magkaugnay ang ginawang pag-aaral nila sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat sinuri ng mga mananaliksik ang mga piling Sugilanon

upang palitawin ang mga pangyayari sa lipunang kinalakihan ng awtor na makikita sa

akda. Naging magkaiba ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat hindi

nakatuon sa kababaihan ang pagsusuri sa mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon.

Bagkus, nakapokus ito sa mga piling lugar ng Misamis Occidental.

Nilalayon naman ng pag-aaral nina Ales, Benenoso, Hataas at Patilan (2015) na

likumin at alamin ang mga naratibong kababalaghan at katatakutan mula sa tatlong

barangay sa lugar ng Jimenez, Misamis Occidental. Ginamit ng mga mananaliksik sa

nasabing pag-aaral ang pamaraang indehinus sa pangangalap ng datos. Isinagawa ang

pakikitungo/pakikisalamuha, pakikibagay, pakikisama, pakikipaglagayang-loob at

pakikiisa upang makuha ang kinakailangang datos. Disenyong kwalitatibo at deskriptibo

na pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral.

Maaaring maiugnay ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat

nakasentro ang pangangalap nila ng datos sa Jimenez na isa sa mga munisipalidad ng

Misamis Occidental. Ang resulta ng kanilang pag-aaral ay maaring gawing batayan ng

mga mananaliksik sa kung ano ang paraan ng pamumuhay Jimeneznon na makikita sa


12

piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon. Nagkakaiba ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang

pag-aaral sapagkat hindi lamang sa munisipalidad ng Jimenez nakatuon ang

kasalukuyang pag-aaral. Sa halip, nakapokus din ang kasalukuyang pag-aaral sa iba pang

lunsod at munisipalidad ng Misamis Occidental.

May kaugnayan din sa kasalukuyang pag-aaral ang pag-aaral na isinagawa nina

Lequin, Limosnero at Zalsos (2016) na may layuning makolekta at masuri ang akda ng

mga piling manunulat at maipakita ang larawang pinalutang tungkol sa isang lugar.

Kwalitatibong disenyo ang inilapat gamit ang palarawan na uri ng pananaliksik partikular

ang pagsuring pangnilalaman. Purposive sampling naman ang ginamit sa pagpili ng mga

balak na ginamit sa pag-aaral. Natuklasan sa ginawang pag-aaral ang paglalarawan at

paglalahad tungkol sa mga pagbabagong naganap sa Dakbayan ng Iligan sa mga balak ni

Marcelo Geocallo. Magkalapit ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat

sunuri rin ng mga mananaliksik ang mga piling akda ng mga manunulat upang palitawin

ang larawan ng isang lugar. Nagkakaiba lamang ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang

pag-aaral sapagkat hindi sa lunsod ng Iligan ang nakatuon ang pagsusuri ng kasalukuyang

pag-aaral. Balak naman sinuri ng pag-aaral nina Lequin, Limosnero at Zalsos (2016)

samantalang Sugilanon naman ang sunuri ng kasalukuyang pag-aaral.

May kaugnayan din ang pag-aaral nina Caballero at Villote (2013). Naglalayon

ang pag-aaral na makakolekta ng mga alamat sa mga piling barangay sa lunsod ng Iligan

at paano inilalarawan ang uri ng lipunang kinabibilangan ng bawat alamat na ito.

Pinalutang din ang uri ng kabahayan, pamamahala at pananampalatayang mayroon ang

nasabing lipunan at kung paano ito naiiba sa kasalukuyang lipunang mayroon ang Lunsod

ng Iligan.
13

Deskriptibo o kwalitatibo na nilapatan ng teknik na indehinus ang ginamit sa

metodolohiya ng pag-aaral sa mga sumusunod: 1. May labing anim (16) na alamat ang

nakalap mula sa anim (6) na barangay na makikita ang siyam (9) na talon sa pag-aaral na

ito: nakaklasipika sa dalawang uri ang etiolohikal at di-etiolohikal. May labing isang (11)

alamat na etiolohikal at lima (5) naman ang di-etiolohikal. Naglalarawan ang lahat ng

alamat sa lipunan at kultura ng kanilang lugar.

Maihahalintulad din ito sa kasalukuyang pag-aaral ng mga mananaliksik dahil

layunin din nitong sumuri gamit ang mga akdang pampanitikang makikita sa lugar upang

malaman ang pamumuhay Misamisnon na nakakaapekto sa mga akda ni Mario L.

Cuezon. Ang riserts lokal ng pag-aaral ang ikinaiba nito sa kasalukuyang pag-aaral.

Batayang Teoretikal

May iba’t ibang sistema at paraan sa pag-aaral ng panitikan. May angkop na

pagdulog ang bawat panitikan. Nakatutulong ito upang lubusang maipahayag ang nais

ipahiwatig na saloobin at maibahagi ang mga komposisyon mula sa malawak na

imahinasyon ng manunulat na maaaring madaling maiintindihan ng mga mambabasa.

Sa pag-aaral na ito, nilikom ng mga mananaliksik ang mga piling Sugilanon ni

Mario L. Cuezon. Batay sa mga impormasyong nakalap, ang mga piling Sugilanon ay

batay sa mga nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Kung kaya naman sa

ginawang pag-aaral, nilapatan ito ng Teoryang Realismo.

Bilang suporta sa Teoryang Realismo, gumamit din ang mga mananaliksik ng

Teoryang Bayograpikal upang maipakilala ang manunulat. Sa pagpapalalim sa pag-

unawa at pagbibigay-linaw sa buhay ng may-akda, ginamit ang impormasyong


14

bayograpikal upang maging epektibo at balido ang pagbibigay ng kahulugan at

interpretasyon sa mga akda.

Ayon kay Pat Villafuerte at Rolando Bernales (w.p.), ang realismo ay isang

pagdulog na umusbong sa larangan ng sining noong 1900 na siglo. Layon nitong ipakita

ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamaraan. Itinakwil ng

realismo ang ideya ng pahuhulma at pananaw sa mga bagay.

Ayon pa rin sa parehong mga awtor, unang ginamit ang teoryang realismo noong

1826 ng Mercure francais du XIX siècle sa Pransya bilang paglalarawan sa doktrinang

nakabatay sa makatotohanan at wastong paglalarawan ng lipunan at buhay. Pinagsanib

naman ng Mahiwagang (magic) Realismo ang pantasya at katotohanan nang may

kamalayan. Pinagsama ang impluwensya ng mito at karunungang-bayan sa takbo ng

kwento upang masalamin ang mga katotohanang nagaganap sa lipunan.

Gamit ang mga pagdulog na ito, sinuri ng mga mananaliksik ang mga Sugilanon

at ipinakita ang pamumuhay ng mga Misamisnon na nakaaapekto sa mga akda ni Mario

L. Cuezon. Sa tulong ng dalawang teorya, mauunawaan ng mga mambabasa ang

pamumuhay ng mga Misamisnon dahil ipinakita nito ang natatanging kultura at kung

bakit sila umaakto ayon sa sitwasyon.

Batayang Konseptwal

Sinasabing salamin ng kultura ang panitikan. Sa kultura naman nahuhubog ang

pagkakikilanlan at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Dahil dito, may ilang mga

manunulat na nakapaglilikha ng isang obra batay sa kung anong klase ng pamumuhay at

lugar ang kanyang kinalakhan.


15

Makikita sa mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon ang identidad ng Misamis

Occidental na hindi alam ng iba. Nais ng mga mananaliksik na ipalutang ang

pagkakikilanlan at kung ano ba mayroon ang naturang lugar gamit ang mga piling

Sugilanon ng awtor.

Para sa ikalilinaw ng buong pag-aaral, makikita sa susunod na pahina ang

magiging konsepto ng pag-aaral na ipinapakita sa pamamagitan ng iskima ng paradaym

ng pag-aaral.
16

Piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon na


pumapaksa sa Misamis Occidental

Mga Elemento ng Maikling Kwento

Pagkakikilanlan at
Pamumuhay
Figyur 1. Iskimatikong Dayagram ng Paradaym ng Pananaliksik
17

Makikita sa bakgrawn ng graphic organizer ang isang mapa. Ito ang mapa ng

Misamis Occidental. Sa lugar na ito lamang umiikot ang pag-aaral at hindi na sakop ang

iba pang probinsya. Mapapansin naman sa unang kahon ang mga piling Sugilanon ni

Mario L. Cuezon na pumapaksa sa Misamis Occidental. Sentro ng pag-aaral ang kanyang

mga piling Sugilanon na kakikitaan ng pagkakikilanlan at pamumuhay Misamisnon sa

naturang lugar. Mapupuna naman sa ikalawang kahon ang mga elemento ng maikling

kwento. Kinuha ng mga mananaliksik ang mga elemento ng maikling kwentong makikita

sa mga piling Sugilanon ng awtor. Itinuturo ng pangalawang kahon ang isa pang kahon sa

ibaba nito na naglalaman ng pamumuhay at pagkakikilanlan ng Misamis Occidental.

Nakatira sa Jimenez, Misamis Occidental si Cuezon at isang tubong Misamisnon. Sa pag-

aaral na ito sinipat ang kanyang mga piling Sugilanon upang maging balido ang

pagsusuri at pag-aanalisa sa pamumuhay at pagkakikilanlan ng mga tao sa Misamis

Occidental. Sa mga akdang ito masisilip ang paglalarawan, realidad at katotohanan sa

lugar na kanyang kinalakhan.

Sinuri ng mga mananaliksik ang bawat akdang Sugilanon gamit ang realismo at

susuportahan ng bayograpikal na pagdulog. Inalam ang mga identidad at paraan ng

pamumuhay ng mga taga-Misamis batay sa kung paano ito ginamit ni Cuezon sa kanyang

mga piling Sugilanon.


18

SULIRANIN NG PAG-AARAL

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang pagsuri sa mga piling Sugilanon ni

Mario L. Cuezon upang maisiwalat ang mga mensaheng nakapaloob sa mga ito.

Pagsisikapan ng mga mananaliksik na masagutan ang mga sumusunod na

katanungan upang makamit ang pangunahing layunin:

1. Sino si Mario L. Cuezon?

2. Ano-ano ang mga elemento ng maikling kwento na makikita sa Sugilanon ni Mario L.

Cuezon?

3. Ano-ano ang mga paksa na makikita sa mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon?

4. Ano ang pagkakikilanlan at pamumuhay ng Misamis Occidental batay sa mga piling akda

ni Mario L. Cuezon?

Saklaw at Limitasyon

Saklaw ng ginawang pag-aaral ang pagsuri sa mga piling Binisayang maikling

kwento o Sugilanon ni Mario L. Cuezon na napapatungkol sa mga piling pook o

pangyayari sa Misamis Occidental. Sinuri lamang ang siyam (9) na maikling kwentong

nailathala sa Bisaya Magazine na may kinalaman sa nasabing lugar. Kinuha lamang ang

mga sumusunod na elemento ng maikling kwento: banghay, tunggalian, tauhan, tono,

punto de bista, tagpuan at simbolo.

Hindi na sakop ng ginawang pag-aaral ang ibang akda ni Mario L. Cuezon gaya

ng tula at nobela kahit pa ito ay may kinalaman at pumapaksa sa mga partikular na lugar

o pangyayari sa Misamis Occidental.


19

Kahalagahan ng Pag-aaral

Unti-unti nang naisasawalang-bahala ang rehiyunal na panitikan sa panahon

ngayon. Isang halimbawa nito ang Sugilanon na unti-unting nang nakalilimutan. Kaya

magiging kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito upang muli itong pasiglahin. Mahalaga

na maipakikilala ang mayamang panitikan ng mga Cebuano na tatak Mindanao. Lalo na

ang mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon na pumapatungkol sa pamumuhay ng mga

Taga-Misamis Occidental.

Sa tulong ng pananaliksik na ito, maipamumulat sa mga Cebuano na nararapat

maipreserba ang obrang pampanitikan ng rehiyon upang magkaroon ng mas magandang

pananaw sa panitikan ng Pilipinas at mas maipakilala sa kanila ang kagandahan ng

rehiyunal na panitikan.

Maipapakita sa pag-aaral na ito ang perspektibo at kaalaman sa sariling identidad

ng mga Misamisnon ayon sa mga ginawang piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon.

Mabibigyan ito ng halaga sapagkat maraming matututunan na mabubuting asal,

pamumuhay at kultura ng mga Misamisnon. Mas mapapalawak ng mga nilalamang

obrang pampanitikan na maaring magagamit sa pag-aaral sa asignaturang Filipino o sa

Ingles man. Maaaring magamit ito mga mag-aaral sa La Salle University o sa lahat ng

paaralan para mapagkunan ng impormasyon at madagdagan ang mga aklat na panitikan.

Napakahalaga ng magiging ambag ng pananaliksik na ito sa mga guro sapagkat

maaring magamit ito sa pagpapaibayo ng mga kaalaman ng mga mag-aaral upang mas

mabigyan ito ng halaga partikular na sa mga BSEd-Filipino na guro na nagtuturo sa

Misamis Occidental. Sa halip na gumamit ng ibang rehiyunal na panitikan, may ituturo

na silang panitikan na tatak Misamis Occidental.


20

Depinisyon ng mga Termino

Binibigyang kahulugan ang mga sumusunod na mga termino upang maging

malinaw ang pag-unawa ng mga mambabasa sa takbo ng pag-aaral.

Panitikan. Ito ang tawag sa lahat ng uri ng pahayag na nakasulat, binibigkas o

kahit ipinapahiwatig lang ng aksyon at may takdang anyo o porma. Ang tunay na

panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang

makasining. Ayon kay Dr. Rufino Alejandro (1949), ang panitikan ay katuturang

bungang-isip na isinatitik.

Isang akdang pampanitikan ang maikling kwento at dito napapabilang ang ginawang pag-

aaral.

Maikling Kwento. Ito itong salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may

isang pangyayari at kakintalan.

Ang maikling kwento ang siyang pokus ng pag-aaral sapagkat dito napabilang ang mga

sinuring akda.

Sugilanon. Ang Sugilanon ay isang akdang pampanitikan na isinulat sa wikang

Cebuano o mas kilala sa tawag na maikling kwento sa Filipino.

Sa pag-aaral, ang Sugilanon ang naging sentro o pokus dahil dito napabilang ang mga

akdang sunuri.

Rehiyunal na Panitikan. Ito itong akda na kung saan isinulat ito gamit ang

pangunahing wikang ginagamit ng naturang lugar o rehiyon.

Maituturing na rehiyunal na panitikan ang akdang sinuri dahil makikita lamang ito

partikular na sa rehiyon ng Mindanao at dito napapabilang ang ginawang pag-aaral.


21

Deskriptibo. Ito ang paraan ng paglalarawan at pagpapaliwanag sa mga

Sugilanong nakalap.

Ito ang pamamaraan na ginamit sa pagsusuri ng mga dokumentong nakalap sa pag-aaral.

Purposive Sampling. Ito itong uri ng non-probability sampling na maaring

gamitin kung nais ng mananaliksik na tiyakin ang sampol ng pag-aaral.

Ito ang pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos sa

ginawang pag-aaral.

Teoryang Realismo. Isang itong uri ng teoryang pampanitikan na ipakita ang

mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa lipunan sa isang makatotohanang

pamamaraan.

Ito ang pangunahing teoryang pampanitikan na ginamit bilang batayan sa pagsusuri ng

mga akdang ginawan ng pag-aaral.

Teoryang Bayograpikal. Isang uri ng teoryang pampanitikan na may layuning

ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.

Isa ito sa teoryang pampanitikan na ginamit sa pag-aaral bilang pantulong upang

masagutan ang mga katanungan na pumapatungkol sa awtor ng mga akdang ginawan ng

pag-aaral.
22

Tsapter 2

METODOLOHIYA

Makikita sa bahaging ito ang disenyo ng pananaliksik at paaran ng pangangalap at

pag-aanalisa ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit sa pag-aaral na ito ang pagsusuri ng dokumento o content analysis.

Deskriptibo o palarawan ang tawag sa disenyong ginamit sa pagpapaliwanag ng mga

Sugilanong nakalap. Sa pagpapaliwanag sa libro nina Santos, et. al., (2014) karaniwang

ginagamit ang pagsusuri ng dokumento upang masukat at mabigyan ng ebalwasyon ang

nilalaman ng isang akda.

Pangangalap ng mga Datos

Naghanap ng mga aklat at website ang mga mananaliksik na maaring

mapagkukunan ng mga akda ni Mario L. Cuezon. Pinagsikapan din nilang makuha ang

kanyang e-mail upang ipagbigay alam na gagawan ng pag-aaral ang kanyang mga

Sugilanon. Kasabay nito, nagtanong din ang mga mananaliksik kay Mario L. Cuezon

kung saan maaring makakakuha ng kopya ng kanyang mga akda, mapalibro man ito o

website. Kinuha ang mga Sugilanon ng mga mananaliksik mula sa ibinigay na Facebook

group ng manunulat. Isa-isang binasa ang mga ito at tinukoy kung alin sa mga akda ang

may kinalaman sa Misamis Occidental. Gamit ang purposive sampling, tinukoy ang

siyam (9) na Sugilanon upang suriin sa pag-aaral na ito.


23

Pagsusuri sa mga Sugilanon

Binasa nang maigi ang Sugilanong nakalap at ginamit ang realismo at

bayograpikal na pagdulog. Sinuri ang mga Sugilanon upang matukoy at mailahad ang

identidad at pamumuhay ng mga taga-Misamis Occidental. Sinuri ang mga lugar na

ginawang tagpuan at inilalarawan sa Sugilanon. Ipinaliwanag kung ano ang mga lumitaw

na mga pangyayari mula sa mga Sugilanon sa tsapter 3. Malalimang sinuri ang mga

Sugilanon kung magiging angkop ba ito sa klasipikasyon ng mga paksa. Isinalin din ng

mga mananaliksik sa wikang Filipino ang ilang pangungusap at talata na ginamit upang

lubusang maintindihan ng mga mambabasa.

Makikita sa susunod na pahina ang magiging daloy ng kasalukuyang pag-aaral.


24

Paghingi ng pahintulot sa may-akda na si Mario L. Cuezon

Pangongolekta ng mga Sugilanon ni Mario L. Cuezon

Pagpili ng mga Sugilanong pumapaksa sa Misamis Occidental

Pagkuha ng mga Elemento ng Maikling Kwento

Pagsasalin ng mga Sugilanon sa Filipino

Pagsusuri sa mga Sugilanong nakalap

Pagtukoy sa mga paksa ng mga piling Sugilanon

Pagtukoy sa pagkakikilanlan ng Misamisnon sa Sugilanon

Figyur 2. Daloy ng pag-aaral


25

Hiningi ng mga mananaliksik ang pahintulot ng may-akda na si Mario L. Cuezon

upang masuri ang mga piling Sugilanon nito. Pinuntahan siya sa Jimenez, Misamis

Occidental noong ikapito ng Enero taong 2018 saka kinapanayam hinggil sa kanyang

mga piling akda. Pagkatapos, kinolekta ng mga mananaliksik ang mga piling Sugilanon

mula sa mga pinagkukunan nitong website, facebook group o aklat. Saka pinili ng mga

mananaliksik ang mga Sugilanon ni Mario L. Cuezon na pumapatungkol sa Misamis

Occidental. Kinuha rin ng mga mananaliksik ang elemento ng maikling kwento na

ginamit ng awtor sa pagpapalutang ng paksa at pagkakikilanlan ng mga Misamisnon sa

Sugilanon. Isinalin ng mga mananaliksik ang ilang pangungusap o talata na kakikitaan ng

paglalarawan sa identidad ng mga Misamisnon sa mga piling Sugilanon. Pagkatapos,

sinuri ang mga paksa ng mga Sugilanong nakalap at saka tinukoy ang pagkakakilanlan ng

mga taga-Misamis Occidental base sa kung paano ito pinalutang ng awtor sa kanyang

akda.
26

Tsapter 3

INTERPRETASYON AT ANALISIS NG MGA DATOS

Mayroong napakaraming akdang pampanitikan na matatagpuan sa Pilipinas.

Sagana sa panitikan ang bansa simula pa noon, bago pa man dumating ang mga dayuhang

mananakop, hanggang sa kasalukuyan. Isa ang mga alamat at mito sa halimbawa ng mga

panitikan bago pa man ang mga mananakop. Sa paglipas ng panahon at pagdating ng mga

mananakop, unti-unting nadagdagan ang akdang pampanitikan ng bansa, halimbawa na

rito ang pagsibol ng maikling kwento.

Ayon kay Almario (2012), “anak ng Amerikanisasyon ang makabagong maikling

kwento. Sumibol ito at lumusog, kung baga sa halaman, sa alaga’t dilig ng edukasyong

pampanitikan mula sa Estados Unidos.” Pinapakita lamang nito na makulay ang panitikan

sa Pilipinas. Naging isa sa tanyag na akdang pampanitikan ang maikling kwento.

Tanyag na ang maikling kwento sa Pilipinas at kinahiligan na rin itong basahin ng

mamamayang Pilipino. Sa kabila ng katanyagan nito may isa pang akdang pampanitikan

na unti-unting pumapasok sa eksena. Isang uri ng maikling kwento na ang midyum ay

wikang Cebuano. Tinatawag ito na Sugilanon.

Matutunghayan sa bahaging ito ang talumbuhay ni Mario L. Cuezon, ang mga

elemento ng maikling kwento na makikita sa mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon,

ang mga paksa ng mga piling Sugilanon at ang pagkakikilanlan ng mga Misamisnon.
27

Talambuhay ni Mario L. Quezon

Isang huwarang manunulat ng panitikang Cebuano si Mario L. Cuezon.

Ipinanganak siya noong Hunyo 10, 1961 at nakatira sa Jimenez, Misamis Occidental,

Mindanao. Anak siya nina Mr. Epifanio Haganus Cuezon at Mrs. Rosario Cabalog-

Laroting Cuezon. Kasalukuyang nagtatrabaho si Mario L. Cuezon sa Department of

Trade and Industry (DTI) sa Oroquieta bilang Trade and Industry Development specialist.

Nakapagtapos siya ng elementarya sa Jimenez Central School at nag-aral siya ng kanyang

sekundarya sa College of St. John the Baptist na ngayon ay naging School of St. John the

Baptist. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Philosophy at minor in Political

Science sa College of Science and Philosophy sa University of the Philippines-Diliman.

Ayon kay Mario, elementarya pa lang siya ay mahilig na siyang sumulat

hanggang sa naging staff writer siya sa kolehiyo. Kaya napag-isipan niyang kumuha ng

kanyang master’s degree sa UP Diliman sa kursong Master of Arts in “Malikhaing

Pagsulat” sa Filipino. Kahit man naging Trade and Industry Development specialist siya

ngayon, hindi pa rin nawala ang kanyang hilig sa pagsulat. Naging libangan niya ang

paggawa ng mga tula, maikling kwento, Sugilanon, nobela, maikling dula at iba pa. Isa

na dito ang ginawa niyang maikling dula na pinamagatang “Cubicle” (1998) at maikling

kwentong “Ang Barkada at ang Puta o ang Puta at ang Barkada” (1999). Ayon sa pag-

aaral nina Camama, Ungab at Yorong, kinikilala ang mga akda ni Mario L. Cuezon kaya

maraming mga publikasyon ang nais ilimbag ang kanyang mga akda sa kanilang

panulatan tulad ng publikasyon na Bisaya magazine.

Bilang isang huwarang manunulat ng panitikang Cebuano, maraming isinaalang-

alang si Mario L. Cuezon sa kadahilanan na maraming gustong bumasa sa kanyang mga


28

akda kaya’t isinalin niya ang ilan sa mga ito sa wikang Ingles, Filipino at Cebuano. Ayon

kay Mario, maraming simpleng bagay sa ating paligid na mayroong mahuhugot na

kakaibang istorya mula sa simpleng mga bagay. Sa kanyang pagsusulat ng mga akda,

tinitingnan niya ang mga simpleng bagay na iyon na kakaiba sa nakasanayang pagtingin

ng mga tao. Kadalasan niyang ginamit sa kanyang akda ay ang “magic realism” at

“parody” na nagbibigay ng katatawanan sa mga mambabasa.

Ang mga Elemento sa mga Sugilanon ni Mario L. Quezon

May mga pangkaraniwang sangkap ang lahat ng maikling kwento. Ito ang

nagpapabuhay sa layunin ng akda at manunulat. Hindi kailanman matatawag na maikling

kwento ang maikling kwento kung hindi nito taglay ang mga elemento.

Ang Gingharian sa mga Baksan

Banghay

May isang barangay na pinangalanang Malibacsan dahil pinamumugaran ito ng

maraming mga “baksan” o malalaking ahas na matatagpuan sa nasabing lugar. Hindi

mabilang ang mga sabi-sabi at kwento sa lugar na ito. Pinaniniwalaang narito raw ang

ahas na tumukso kay Eba upang kainin ang ipinagbabawal na prutas. Dito rin daw galing

si Medusa, ang babaeng may buhok na ahas, na kayang gawing bato ang sinumang tao na

tumingin sa kanyang mata. Sinasabing galing din sa Malibacsan si Galema at ang

kanyang amang si Zuma na may dalawang ahas sa leeg at kayang kontrolin ang lahat ng

ahas.

Napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan na gumawa ng palahayupan o zoo

dahil sa dami ng ahas sa lugar. Sa loob ng pitong taon, lumawak ang naturang

palahayupan. Pinarusahang makulong ang ahas na tumukso kay Eba sa nasabing lugar at
29

hindi na pwedeng gumalaw sa loob ng isang milyong taon. Ngunit dumating ang isang

napakalaking kalamidad sa Malibacsan, isang baha na kumitil ng napakaraming buhay sa

nasabing lugar. Matapos ang nasabing kalamidad, isang malalim na hukay ang nakita ng

mga nakaligtas sa pagkaanod at napagtanto nilang nakatakas ang ahas na pinarusahan ng

Diyos.

Tunggalian

Tao laban sa kalikasan ang uri ng tunggalian na makikita sa Sugilanon. Ito ang

tunggalian sa kwento sapagkat isang malaking baha ang kumitil sa napakaraming buhay

sa Malibacsan.

Tauhan

i. Protagonista

Ang tagapagsalaysay na si Mario L. Cuezon ang nagsilbing protagonista

sa kwento.

ii. Antagonista

Walang antagonistang tao sa Sugilanon sapagkat tao laban sa kalikasan

ang tunggalian sa kwento.

iii. Pantulong na mga Karakter:

a. Ina ng tagapagsalaysay. Nakatira siya at ang kanyang angkan sa Barangay

Malibacsan

b. Merang Gomonit. Isang matandang babae na nasa 99 taong gulang. Siya ang

nagsabi na nagmula hindi umano ang pangalang “Malibacsan” sa salitang

“baksan” na ahas ang ibig sabihin. Ayon sa kanya, noong panahon daw ng

mga Kastila, may isang prayle at alalay ito na dumating sa kanilang lugar.
30

Inangat daw ang nasabing prayle ng isang malakas ahas kaya pinagtataga ng

kanyang kasama ang ahas. Iginiit ng prayle na serpyente ang umatake sa

kanya. Ang sabi naman ng mga Subanen na hindi serpyente iyon, kundi

baksan. Hindi maintindihan ng prayle ang sinabi ng mga Subanen kaya

isinalin ito ng kanyang kasama. “Mali, baksan iyan”. Doon nagmula ang

pangalan ng barangay Malibacsan.

c. Alisa Malinao. Siya ang apo ni Merang Gomonit

d. Jose Galay. Siya ang kapitan noon ng barangay Malibacsan at kaibigan ng

tagapagsalaysay.

e. Ruben Luza. Siya ang kasalukuyang kapitan ng lugar.

f. Crispulo Bolo. Mas kilala siya sa tawag na “Manong Boloy”. Isa siyang 89

taong gulang na matandang lalaki. Nakatira siya sa Purok 1, malapit sa pansil,

hangganan ng Corrales, Gata, Mialem at Malibacsan. Matanda na si Manong

Boloy, maputi ang buhok, mahaba ang balbas na hanggang dibdib at payat.

Manggagamot siya ng kagat ng ahas, aso o asong ulol, alakdan at alupihan sa

kanilang lugar.

Tono

i. Mapagbiro.

Sa kabila ng mga misteryong bumalot sa akdang “Ang Gingharian sa mga

Baksan”, may mga eksena pa ring magpapatawa sa mga mambabasa.

Tanan nga napaakan og halas nga nakainom adtong lanaha, naulian gyud.
Hangtud nga dili lang napaakan og halas ang iyang natambalan sa maong
tambal. Apil na kadtong napaakan og iro, bisan pag irong buang kuno, tanga
ug uhipan.
“Unya, Nong, apil tong tawong napaakan sa tawng nabuang sa gugma?”
Mingisi siya. “Oo, basta pinaakan.”
31

[Gumaling ang lahat ng nakagat ng ahas matapos inumin ang langis na


iyon. Hanggang sa hindi lang ang mga nakagat ng ahas ang kanyang
napagaling. Napagaling din niya ang mga taong nakagat ng aso, asong
ulol, alakdan at alupihan.
“Nong, napagagaling din ba niyan ang mga taong nakagat ng taong
nabaliw sa pag-ibig?”
Ngumiti siya. “Oo, basta nakagatan.”

Maraming eksena at dayalogo sa kwentong “Ang Gingharian sa mga Baksan” na

nagpapakita ng katatawanan sa kabila ng misteryong pumapaloob sa kwento. Halimbawa

na dito ang eksena na tinanong ng tagapagsalaysay ang matandang manggagamot na

kung kaya ba daw gamutin ng gamot niya ang mga taong nakagat ng mga taong nabaliw

sa pag-ibig.

Punto De Bista/Panauhan

Unang panauhan ang ginamit na paningin sa Sugilanong “Ang Gingharian sa

mga Baksan” sapagkat si Mario L. Cuezon mismo ang nagsasalaysay gamit ang

panghalip na “ako”.

Tagpuan

Malibacsan. Isa ito sa mga barangay ng Jimenez, probinsiya ng Misamis

Occidental. Maraming iba’t ibang uri ng ahas ang makikita sa lugar na ito.

Simbolo

Kalamidad

Kapag naririnig ang salitang kalamidad, pangamba agad ang

mararamdaman ng tao. Sumisimbolo ito sa pagsubok ng buhay. Mga pagsubok na

hindi malalampasan kapag hindi handa ang isang indibidwal. Kagaya rin ng

kalamidad, dapat na paghandaan ang mga pagsubok sa buhay upang hindi lamang

ito malampasan, kundi upang maging mas matatag ang isang nilalang.
32

Coroy

Banghay

Paglalako ng isda ang hanapbuhay ni Mang Coroy sa kanilang bayan.

Pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga tao roon. Nagkapamilya na ang ilan sa

mga anak ni Mang Coroy. Sa lunsod na nanirahan ang iba at nanatili naman sa kanila ang

iba na naging katulad niyang manlalako. Nasubukang manirahan sa lunsod ni Mang

Coroy subalit hindi siya naging komportable sapagkat wala siyang kakilala at bago sa

kanya ang lugar. Palagi niyang hinanap ang dagat, ang alon, ang simoy ng hangin sa

tabing-dagat at maging ang isdang pakpakan.

Isang madaling araw, habang hinintay ng mga kumuha ng isdang pakpakan ang

pagdaong ng barkong lulan ang naturang isda, nagulat si Mang Coroy sa pagdating ng

jeep na may mga armadong sundalong nakasakay. Tinanong ng mga ito kung bakit siya

nandoon sa mga oras na iyon sa kabila ng pagkaroon ng Martial Law at curfew. Subalit

hindi alam ni Mang Coroy kung ano ang Martial Law. Akala niya na isang Instik si

Marcial Lo na gusto siyang ipahuli. Dinala sa munisipyo si Mang Coroy sa kabila ng

pagmakaawa niya na wala siyang kasalanan at hindi talaga niya kilala si Marcial Lo.

Inilagay sa Police Blotter ang kanyang pangalan, edad at kasalanan. Pagkatapos, itinuro

sa kanya ang mga damong kailangan niyang bunutin. Ipinahiram sa kanya ang isang

hunting bolo at habang ginamit niya ito, naalala niya ang kanyang pamilya at ang

nasayang na kita ng araw na iyon. Paglapit niya sa mga sundalo, buong lakas niyang

inundayan ng bolo ang mga sundalo. Akmang susugurin sana niya ang isa pang sundalo

nang maglabas ito ng baril at binaril siya. Sa kanyang pagkabuwal, naalala niya ang
33

kanyang pamilya at hindi niya binitawan ang basket na may lamang isdang pakpakan

hanggang sa nalagutan siya ng hininga.

Tunggalian

Tao laban sa sarili ang tunggalian sa Sugilanon. Ito ang tunggalian sa kwento

sapagkat nagawang patayin ng pangunahing tauhan ang isa sa mga sundalo dahil sa galit.

Namuo ang poot ni Manong Coroy sapagkat hinuli siya ng mga sundalo dahil sa paglabag

sa curfew. Hindi rin kasi alam ni Manong Coroy kung ano ang Martial Law kaya nalabag

niya ang batas nang hindi namalayan. Nasayangan din siya sa kikitain niya sana sa araw

na iyon para sa kanyang pamilya kaya mas lalong umusbong ang kanyang galit. Kung

napigilan ni Manong Coroy ang kanyang poot, hindi niya sana nagawa ang krimeng iyon

at nakauwi pa sana siya sa kanyang pamilya.

Tauhan

i. Protagonista

Si Coroy ang protagonista sa kwento. Isa siyang pitumpong taong gulang

na matandang manlalako ng isda. Pangingisda ang kanyang hanapbuhay noong

kabinataan pa niya. Bata pa lang, mahilig na siyang magtanong sa kanyang amang

mangingisda tungkol sa lahat ng may kinalaman sa dagat. Kaya naman, tinagurian

siyang abogado ng dagat sapagkat magaling siya pagdating sa pag-alam ng pulso

ng karagatan. Alam niya kung may bagyong paparating maging ang panahon kung

kailan dagsa ang iba’t ibang uri ng isda kagaya ng pakpakan. Sa kabila ng lahat ng

kaalaman ni Manong Coroy sa dagat, wala siyang ideya kung ano ang Martial Law.
34

ii. Antagonista

Walang antagonista sapagkat tao laban sa sarili ang tunggalian sa kwento.

Sarili niya ang kanyang kalaban sa kwentong ito.

iii. Pantulong na mga Karakter

a. Mga sundalo. Sila ang dumakip kay Manong Coroy at nagdala sa kanya

sa munisipyo nang lumabag ang matanda sa curfew. Pinatay ang isa sa

kanila ni Manong Coroy gamit ang hunting bolo.

b. Deng. Maybahay ni Manong Coroy. Mahina at may kapayatan na siya.

c. Lumen. Anak na babae ni Manong Coroy

d. Boloy. Bana ni Lumen

Tono

Malungkot

Mula umpisa hanggang wakas, pinalitaw ng may-akda sa Sugilanong “Coroy”

ang kagipitan ng pangunahing tauhan. Ilan sa mga eksenang magpaparamdam ng lumbay

sa mga mambabasa ang mga sumusunod:

Mga ala-una pa lang seguro sa kaadlawon, estimeyt niya. Gitan-aw niya ang
iyang niwang nga asawa ug ang tulo niya ka apong nagsaninag pangtaas
lang nga anaa sa kilid niini. Gamay ra ang ilang balay nga dunay nipa nga
atop, sawali nga dingding ug kawayan nga salog. Usa ka kwarto lang nga
ilang sala, kan-anan, katulganan ug gamayng kusina.

[Mga ala-una palang siguro ng madaling araw, tantiya ni Manong Coroy.


Sinulyapan niya ang kanyang payat na asawa at ang tatlo nilang apong
nakasuot lang ng pantaas na damit na nasa gilid nito. Maliit lang ang
kanilang bahay na may bubong na gawa sa nipa, dingding na gawa sa
sawali at sahig na gawa sa kawayan. Isang kwarto lang ang kanilang sala,
hapag-kainan, silid-tulugan at maliit na kusina.]

Sa simula pa lang ng kwento, pinakita na ang mahirap na sitwasyon ng

pangunahing tauhan. Isinalaysay sa Sugilanon ang maliit na tahanan ni Manong Coroy


35

hanggang sa payat nitong asawa at mga apong nakasuot lamang ng pantaas na damit.

Makikita na hindi kasaganaan ang kanilang natatamasa. Dahil dito, kahit na may

katandaan na, kinailangan pa ring kumayod ni Manong Coroy para sa kanyang pamilya.

Miduol siya ug tibuok kusog nga gitikbas niya ang ulo sa duha ka sundalo
nga sa kalit nalagpot ug mibugwak ang daghang dugo sa ilang lawas. Mao
say paggawas sa usa pa ka sundalo nga iya untang atakehon pero gipusil na
siya niini. Natumba siya, mikirig-kirig, nadumduman niya ang iyang asawa
ug mga apo, ang barungoy sa basket nga wala niya buhii hangtud nga
nawad-an siya og kinabuhi.

[Lumapit siya at buong lakas na inundayan ng bolo ang mga sundalo.


Lumabas ang isa pang sundalo na aatakihin din sana ni Manong Coroy
subalit binaril na siya nito. Natumba siya, nanginig. Naalala niya ang
kanyang asawa at mga apo, ang mga isdang pakpakang nasa basket na
hindi niya binitawan hanggang sa malagutan siya ng hininga.]

Mas lalong bumuhos ang mga emosyon sa huling parte ng kwento na kung saan,

pinatay ni Manong Coroy ang isa sa mga sundalong dumakip sa kanya. Nagawa niya

iyon dahil sa kanyang sama ng loob sa mga ito. Dahil kasi sa pagdakip ng mga sundalo sa

kanya, nasayang ang kita niya dapat sa araw na iyon para sa kanyang naghintay na

pamilya. Binaril naman siya ng isa sa mga sundalo dahil sa kanyang ginawa. Bago siya

malagutan ng hininga, naalala niya ang kanyang pamilyang naghihintay sa kanya.

Punto De Bista/Paningin

Paninging laguman ang ginamit ng awtor sa Sugilanong “Coroy” sapagkat

pinagsamang paninging layon at panarili ang mapapansin sa kwento. Hindi lamang

malayang nakapaglalarawan ang nagsasalita ng mga napapansin nito sa paligid, kundi

nakapaglalahad din ito ng kaisipan at damdamin na naaayon sa isang tauhan lamang, si

Manong Coroy.
36

Tagpuan

Ang Pier ang isa sa naging tagpuan sa kwento. Dito nahuli si Manong Coroy ng

mga sundalo dahil sa paglabag ng matanda sa curfew. Hinintay kasi doon ni Manong

Coroy ang pagdaong ng barko na may kargang mga isdang pakpakan. Plano niya sanang

ilako ang mga iyon nang maaga upang mas malaki ang kita.

Sa munisipyo naman ang pangalawang tagpuan. Dito dinala si Manong Coroy

upang ilagay sa police blotter ang kanyang pangalan, edad, address at kasalanang

nagawa. Sa labas naman ng munisipyo pinagbunot ng mga damo ang matanda sa utos ng

mga sundalo. Nang matapos sa pagbunot ng damo si Manong Coroy, dito niya rin

inundayan ng bolo ang isa sa mga sundalo at napatay. Dahil sa ginawa ng matanda, sa

munisipyo na rin siya binaril at napatay ng mga sundalo.

Simbolo

Coroy

Si Mang Coroy ang pangunahing tauhan sa kwento. Sinisimbolo niya ang

mga taong namuhay sa hirap at walang kaalaman sa batas. Pinatunayan niya na

hindi pinapatawad ang mga taong walang muwang sa kautusang-bayan.

Gayunpaman, isang katangian niya ang lumatang at nagpabilib sa mga

mambabasa. Ito ang walang pag-iimbot na pagsusumikap sa kabila ng katandaan

para sa pamilyang kanyang pinapahalagahan.


37

Ang Emperor ng Alak

Banghay

Tinaguriang emperor ng alak si Andot sa kanilang lugar dahil siya ang may

pinakamaraming nalalaman tungkol sa alak. Hindi rin siya agad-agad na nalalasing kapag

umiinom. Binata palang si Andot umaakyat na siya sa mga puno ng niyog upang kumuha

ng bunga nito kaya tinawag siyang coconut pilot. Nagtaka nga ang kanyang mga

kakilala kung bakit iyon ang trabaho niya gayong nakatapos naman siya ng sekundarya at

mahilig ding magbasa ng libro.

Ang pag-akyat sa mga puno ng niyog ang naging hanapbuhay niya hanggang sa

nag-asawa sila ni Inday. Nagsimulang maging lasenggo si Andot nang mas pinili niyang

gumawa ng tuba, isang uri ng alak na gawa sa niyog, kaysa sa pag-akyat lamang. Una,

tuba pa lamang ang kanyang ininom hanggang sa halos lahat na ng uri ng alak ang

kanyang nilaklak. Ngunit kahit anong paglalasing ang ginawa ni Andot, sinigurado pa rin

niyang makapagtatrabaho siya kinabukasan. Dahil kapos pa rin sa pera, naisipang

magnegosyo ng asawa ni Andot na si Inday Rosa. Nagtinda siya ng saging sa palengke

hanggang sa lumago ito nang lumago at napagtapos sa kolehiyo ang kanilang walong

anak.

Tumira ng mga isang linggo si Andot sa Cebu dahil graduation noon ng kanyang

isang anak. Doon na niya nabalitaan na namatay sa lason ang kanyang limang kasamahan

sa inuman. Ayon sa NBI, ang Tanduay na ininom nila ay nilagyan hindi umano ng lason.

Pinagtripan siguro sila ng kanilang mga kaaway. Nabalitaan ito ng buong Pilipinas at

maraming peryodista ang pumunta sa lunsod upang may makapanayam. Isa si Andot sa

mga nakapanayam. Dito lalong sumikat si Andot sapagkat naipakita niya ang kanyang
38

kaalaman sa mga alak at inumin. Naimbitahan din si Andot nang isang beses sa isang TV

Talk Show upang masubok ang kanyang nalalaman tungkol sa alak. Naipasa niya ang

lahat ng mga pagsubok doon gaya ng pag-alam kung may ibang isinahog sa alak at

paghula kung anong brand ang inumin sa pamamagitan ng pag-amoy. Sa kabila ng

kasikatan, umuwi pa rin si Andot sa kanilang lunsod. Imbes na tumigil sa pagtatrabaho

dahil may naipundar na, nagmaneho pa rin siya ng habal-habal.

Isang gabi, hindi na nakauwi si Andot mula sa bukid. Hinanap at natagpuan na

lamang nila ito na nakasabit sa kahoy sa may bangin. Sabi ng iba, baka nahulog daw ito

dahil sa sobrang kalasingan. Giit naman ng ilan na baka pinatay ito dahil sa inggit

sapagkat hindi naman ito nalalasing.

Tunggalian

Tao laban sa tao ang tunggalian sa kwentong ito. Ito ang tunggalian sa kwento

sapagkat kahina-hinala ang pagkamatay ng pangunahing tauhan na si Andot. Nakita ang

kanyang bangkay na nakasabit sa puno sa gilid ng bangin. Kahit may mga nagsabing

baka nahulog siya doon dahil sa sobrang kalasingan, may iba pa rin na hindi naniwala

sapagkat hindi nalalasing si Andot. Sinabi ng mga tao na na baka raw may pumatay sa

kanya dahil sa inggit. Pumanaw rin ang mga kaibigan ni Andot dahil hindi umano sa

lason na nainom nila sa alak. Kahit na sinisi ng iilan ang kompanya ng alak, lumabas pa

rin sa imbestigasyon na mga taong nakaaway ng mga namatay ang may kagagawan ng

krimen.
39

Tauhan

i. Protagonista

Si Andot ang bida sa kwento. Isa siyang lalaking may maraming

nalalaman sa alak dahil binata pa lang, nakahiligan na niya ito. Hindi agad siya

nalalasing kapag umiinom. Dahil sa kahirapan, hanggang sekundarya lang ang

kanyang natapos. Mahilig din siyang magbasa. Pag-akyat sa puno ng niyog ang

kanyang hanapbuhay. Kahit lasenggo, masigasig pa rin siya sa pagtatrabaho para sa

pamilya. Mayroon siyang walong anak na napag-aral sa kolehiyo.

ii. Antagonista

Mga hindi kilalang tao na nainggit kay Andot at ang mga nakaalitan ng

kanyang mga kaibigan ang mga antagonista sa kwento.

iii. Pantulong na Karakter

a. Inday Rosa. Siya ang kabiyak ni Andot. Hindi niya hinayaang magtrabahong

mag-isa ang asawa. Bagkus, tumulong siya sa pamamagitan ng pagtitinda ng

saging hanggang sa lumago at napagtapos sa pag-aaral ang walong anak.

b. Edwin Cuezon. Isa siya sa mga kasamahan ni Andot sa inuman. Tahimik

siyang tao subalit nagiging madaldal kapag nalalasing.

c. Unsong. Isa rin sa mga kasamahan ni Andot sa inuman na palaging dumudumi

kapag nalalasing. Minsan na itong pinagalitan ng asawa ngunit inom pa rin

nang inom.

d. Usting, Pablo, Ruben, Kanor, Oloy. Sila ang mga kabarkada ni Andot sa

inuman na namatay diumano dahil sa lason na inilagay ng kanilang kaaway sa

kanilang alak.
40

Tono

i. Masaya

Kakikitaan ng kasayahan ang kwentong “Ang Emperor sa Alak”.

Halimbawa nito ang sumusunod na mga pahayag:

Pero makabilib gyud ang tanan ni Andot kay tumba na ang tanan, pero siya
mamula lang ug mongisi ug muingon nga “mayg di mestizo mao nga
mamula gyud.”

[Bilib talaga ang lahat kay Andot sapagkat natumba na ang kanyang mga
kainuman ngunit namumula lang siya at sinabi pang “syempre mestizo eh,
kaya namumula talaga.”]

Kahit na laki sa hirap si Andot, pinakita pa rin niya na kaya nilang

magsaya sa pamamagitan ng pag-inom ng alak kasama ang kanyang mga

kaibigan.

Bisan na sa iyang kapalahubog, sa sunod buntag kay padayon gyud siya


dayon sa pagsaka sa iyang pananggotan.
[Kahit na lasenggo siya, patuloy pa rin siya sa pagtrabaho kinabukasan.]
Hindi rin naman abusado si Andot sa pag-inom kaya hindi minsan lang

siyang mapagalitan ng asawang si Inday Rosa. Hindi alintana ni Andot ang hirap

sa bukid sapagkat alam niya na may mga kaibigan siyang naghihintay sa inuman

at pamilya na umaasa sa kanya. Dahil sa pagsusumikap din nilang mag-asawa,

gumaan ang kanilang pamumuhay at napagtapos pa sa kolehiyo ang kanilang

walong anak.

ii. Malungkot

Mapapansin sa ilang mga eksena ng Sugilanon ang “Ang Emperor sa Alak

na sa kabila ng pagkakaroon ng kasiyahan sa loob ng kwento, lumitaw pa rin ang

mga pangyayaring nagpalungkot sa mga tauhan at mambabasa.


41

Didto na sa Cebu siya nakabalita nga nangahilo ang iyang mga suod nga
kainuman sa ila. Si Usting, si Pablo, si Ruben, si Kanor ug si Oloy. Pag-adto
niya sa balay sa mga namatyan nga grabe kayo ang paghilak niya kay suod
god to sila kaayo sa mga namatay.

[Doon na siya sa Cebu nakabalita na nalason ang kanyang malapit na mga


kainuman sa kanila. Si Usting, si Pablo, Si Ruben, si Kanor at si Oloy.
Pagpunta niya sa bahay ng mga pumanaw, humagulgol siya sapagkat
malapit sila ng mga namayapa.]

Hindi inasahan ni Andot na lungkot ang kasunod ng kanyang kaligayahan.

Pumunta siya ng Cebu upang dumalo sa pagtatapos sa kolehiyo ng isa sa kanyang

mga anak. Doon na lang din niya nabalitaan na namatay sa lason ang kanyang mga

kasamahan sa inuman na naiwan sa probinsya. Umuwi siya upang ipagluksa ang

mga ito.

Giapas siya sa iyang mga anak ug mga taw. Gipangita nila sa mga agian ug
didto siya nakit-an sa bakilid, sa mga kahoy misabit. Ang ilang istorya nga
tingali ug nahagbong kay hubog.

[Sinundan siya ng kanyang mga anak at mga tao. Hinanap nila si Andot at
nakita nila siya sa pampang, nakasabit sa mga puno. Ayon sa sabi, baka
nahulog daw doon si Andot dahil sa kalasingan.]

Kalaunan, nakita nalang din si Andot sa may pangpang, nakasabit sa

kahoy at wala ng buhay. Kaya naman, labis ang lungkot ng naiwan niyang pamilya.

Punto De Bista/Panauhan

Obhetibong paningin ang ginamit sa Sugilanong “Ang Emperor sa Alak”

sapagkat gumamit ng panghalip na “ako” ang tagapasalaysay. Kahit na “ako” ang

panghalip na ginamit, hindi naman siya ang pangunahing tauhan. Nagsisilbi lamang

siyang kamera na malayang naitatala ang bawat nakikita at naririnig. Gayunpaman, hindi

niya tuwirang naisasabi ang nadarama at naiisip ng mga tauhan.


42

Tagpuan

Sa Jimenez ang tagpuan ng kwento na isa sa labing-apat na munisipalidad ng

Misamis Occidental. Dito ang tagpuan sapagkat gumamit ng panghalip na “ako” ang

Sugilanong “Ang Emperor sa Alak”. Samakatuwid, ang awtor na taga-Jiminez ang

nagsasalita kaya sa lugar ding ito ginanap ang mga pangyayari sa kwento.

Simbolo

Alak

Sumisimbolo ang alak ng pagkakaibigan at pagiging masaya sa totoong

buhay. Hindi puro negatibo ang dulot ng pag-inom ng alak. Bagkus,

napagpapatibay nito ang samahan at pagkakaibigan ng mga taong sama-samang

nagsasaya sa pamamagitan ng pag-inom ng alak.

Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery

Banghay

Noong taong 1970’s, talagang naghirap ang buhay ng isang byudang babae na si

Karina Labadan. Hindi madali ang kanyang buhay sapagkat binubuhay niya mag-isa ang

kanyang walong anak. May panaderya sa Cotabato si Karina sapagkat isang magaling na

panadero ang kanyang bana. Lalaki at lalago na sana ang kanilang negosyo subalit

nagkaroon ng giyera nang umatake ang mga Muslim sa kanilang lunsod. Sa mga

pangyayaring iyon, ligtas si Karina at ang kanyang walong anak. Nakatakas sila sapagkat

tinulungan sila ng isa sa mga empleyado ni Karina na Maguindanaon. Nang nagkagulo-

gulo ang bayan, maraming mga taong pinatay at sinunog ang mga gusali. Nang panahong

iyon, nakatulog ang asawa ni Karina sa salon. Kasama ang kanyang kabit na malandi.
43

Akala ni Karina na namatay na ang kanyang bana. Pero nabalitaan nalang niya ang

kanyang bana na sumama pala sa kanyang kabit.

Kaya nagpag-isipan ni Karina na umuwi sa kanilang lunsod sa Jimenez para doon

magsimula ng panibagong buhay. Nagtayo siya ng kanyang negosyo na panaderya.

Marami siyang natutunan sa seminar na dinaluhan niya na isinagawa ng mga Department

of Trade and Industry (DTI). Natutunan ni Karina na dapat may espesyalidad sa

pagpapatayo ng negosyo. Ni walang makatutumbas nito at hanap-hanapin ng mga tao.

Kaya nag-isip nang maigi si Karina kung ano ang dapat niyang specialty para sa kanyang

negosyo. Sa kanyang pag-iisip ng mga ilang gabi, nagunita niya ang kanyang asawa.

Iniwan siya nito para ipagpalit sa isang malanding babae. At nang dahil sa babaeng iyon,

nagkaproblema siya sa pagpapasustento sa kanyang walong anak.

Kinaumagahan, gumising siya nang maaga para magluto. Imbes na pandesal ang

kanyang lulutuin, nagluto siya ng kakaibang tinapay. Tinawag niya itong “Pan Burikat”.

Kapag may bumibili nito, ibubulong niya ang tawag ng kanyang ginawang tinapay dahil

nga nakakahiya. Kaya, simula noon naging kasaysayan na kanyang ginawang tinapay na

“Pan Burikat”. Naging mabenta na ang kanyang kakaibang tinapay na ginawa.

Hinahanap-hanap ito ng mga tao. Laking tulong din ang kanyang mga anak sa paglalako

ng mga tinapay at pagbabantay ng kanilang panaderya. Nang lumaki na ang kanyang mga

anak, tinuruan ni Karina ang kanyang mga anak sa tamang pormula sa paggawa ng

tinapay.

Sa paglaki at pag-unlad ng negosyo ni Karina, laking pasalamat niya sa mga DTI

(Department of Trade and Industry), DOST (Department of Science and Technology) at

SET UP (Small Enterprise Technology Upgrading Program) na tumulong sa kanyang


44

negosyo. Dahil sa mga tulong na iyon, natutunan na ni Karina ang iba’t ibang paraan ng

pagluto sa tinapay, keyk at mga kukis. Nag-eksperimento din si Karina sa paggamit ng

mga katutubong pagkain na tinanim ng mga magsasaka sa kanilang lunsod tulad ng gabi,

kamote, kalubi, kubong, saksak, saging, palaw, kulo, apale at iba pa na ihalo sa harinang

galing sa trigo para sa paggawa ng kanilang pinakasikat na tinapay. Kaya simula noon,

nagkaroon na ng Gabing Pan Burikat, Saging Pan Burikat, Kamoteng Pan Burikat, Ubing

Pan Burikat at marami pang iba.

Dahil sa maraming tumulong sa kanya, mas naging sikat at kilala ang specialty na

Pan Burikat na gawa ni Karina. Lumabas na ito sa telebisyon, radyo, dyaryo, magazine at

iba pa. Sa ininterbyu si Karina, sabi niya na mas magiging maunlad ang negosyo kung

magtutulung-tulungan ang buong pamilya. Ang kanyang mga anak ay tumulong sa kanya

sa paggawa, paglalako at pagbebenta ng tinapay. Mabubuti rin ang kanyang mga anak.

Hindi sila mga buyaya at nag-aaral sila nang mabuti para maka-gradweyt at

makapagtrabaho. Nagpasalamat si Karina nang lubos sa kanyang mga anak na

nakapagtrabaho sa abroad. Mayroon na siya ngayong tatlong anak na seaman, dalawang

nars, isang pharmacist at isang physical therapist na nandoon na sa abroad. Sa mga

pinagdadaanan ni Karina, hindi siya sumuko sa pagharap ng kanyang mga problema.

Dahil diyan, naging maunlad at lumaki ang kanyang negosyo. Mayroon na siyang apat na

branches ng kanyang panaderya. Mayroon na siyang apatnapung mga empleyado,

nagkaroon na siya ng sariling hurno para sa tinapay at sariling generator kung sakaling

magbrown-out. Araw-araw nakakaubos siya ng dalawampung sako ng harina para

gamitin sa paggawa ng mga tinapay. Tuwing linggo, nag-aalay si Karina ng panalangin


45

para sa kanyang specialty na Pan Burikat na nagpapaalala sa kanyang kasakitan noon at

dahilan ng kanyang pag-unlad sa negosyo ngayon.

Tunggalian

Tao laban sa lipunan ang makikita sa Sugilanon. Umiral ang tunggaliang tao

laban sa lipunan sa Sugilanong “Ang Pan Burikat ni Labadan’s Bakery” sapagkat

kinalaban ng pangunahing tauhan na si Karina ang mga pangyayari sa kanyang buhay.

Namulat siya sa kahirapan kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para may maipakain

siya sa kanyang walong anak. Nilunok niya ang kanyang dangal. Nagkautang-utang siya

upang may negosyo siyang maipapatayo para pangtustos sa mga pangangailangan ng

kanyang mga anak.

Tauhan

i. Protagonista:

Si Karina Labadan ang makikitang protagonista sa kwento. Isang byudang

babae na iniwan ng kanyang bana. Siya ang may-ari at gumawa ng Pan Burikat.

Mayroon siyang walong anak.

ii. Antagonista

Kaganapan sa kanyang buhay ang naging problema sa kwento. Litaw na litaw

sa Sugilanon na ito na hindi tao, kanyang sarili o kalikasan man ang kalaban ng

pangunahing tauhan. Makikita sa Sugilanon na ito na pinagkaitan ng kasaganaan sa

buhay ang pangunahing tauhan subalit hindi ito hadlang para sumuko siya sa mga

problema na kanyang hinaharap.


46

iii. Pantulong na mga Karakter

a. Amay Lim. Siya ang pinag-utangan ni Karina ng harina noong nagsimula pa

siyang magtayo ng panaderya.

b. Ensoy. Siya ang pinag-uutangan ni Karina ng mga sangkap para sa mga

tinapay noong nagsimula pang magtayo ng panaderya si Karina.

c. Macao, Germo, Susa Gamotin, Lluisa, Magadan at Hermie Serino. Sila

ang mayroong mga malalaking panaderya sa lunsod nina Karina.

d. Nanding Bernal. Isa sa mga tagapagsalita na dinaluhan na seminar ni Karina

at nagsabi kay Karina na dapat mayroong specialty sa paggawa ng tinapay

upang hanap-hanapin ito ng mga tao.

e. Babaeng burikat. Ang babaeng kabit sa asawa ni Karina.

f. Walong anak ni Karina. Tumulong kay Karina sa paglalako at pagbabantay

ng negosyo ng kanilang ina.

g. Dalawampung panadero. Ang tumulong sa paggawa ng tinapay at mga

empleyado ni Karina.

Tono
i. Malungkot
Maraming malulungkot na karanasan si Karina. Nasira ang kanyang

panaderya noong nakatira sila sa Cotabato dahil sa giyerang nangyari. Iniwan siya

ng kanyang asawa dahil sumama ito sa kabit. Siya ang nagsustento sa kanyang

walong anak at nangutang siya para sa panibagong panaderya na kanyangl itinayo

noong umuwi siya sa kanilang lungsod.

Nakalokar na god unta to sila didto ug dako na ang ilang bakery ug


residential house. Dayon miulbo man ang giyera sa Ilaga Gang ug Black
Shirts nga Muslim. Miatake sa ilang lunsod
47

[May malaking panaderya at bahay na sila pero nasira ito dahil sa giyera
ng Ilaga Gang at Black Shirts na Muslim. Na umatake sa kanilang lunsod]

Nagpapakita ang bahaging ito ng Sugilanon ng lungkot ni Karina sapagkat

maayos na sana ang kanilang buhay sa Cotabato subalit bigla nalang itong nasira dahil sa

awayan ng dalawang grupo.

…nakadumdom siya sa iyang kinabuhi nga biniyaan sa iyang bana tungod


sa babaeng burikat. Ug tungod sa maong babaye, nagproblema siya sa
pagbuhi sa iyang walo ka anak nga gagmay pa kaayo. Nakatulog na lang
pod siya adto nga gahilak.

[…nagunita niya ang kanyang asawa na iniwan siya nito para ipagpalit sa
isang malanding babae. Nang dahil sa babaeng iyon, nagkaproblema siya
sa pagpasustento sa kanyang walong anak. Sa kanyang pag-iisip na iyon,
nakatulog nalang siya sa kakaiyak]

Lungkot ang nararamdaman sa puso ni Karina tuwing maalala niya ang ginawa ng

kanyang asawa na iniwan siya nito dahil sa babae. Halos mabaliw si Karina sa kanyang

problema para sa pagsusustento sa kanyang mga anak.

ii. Masaya
Sa bawat pagsubok na napagdaanan ni Karina, napagtagumpayan niya ito lahat.

…mas nailado ang ilang Pan Burikat hangtud nga dihay usa ka manunulat
sa Bisaya nga ming interbyu kanila ug ang artikulo napablis sa magasin
maong nailado sila sa mga magbabasa niini…

[…mas sumikat ang kanilang Pan Burikat hanggang sa may manunulat na


nagiinterbyu sa kanila at nailathala ang artikulo na iyon sa magasin kaya
kilala sila sa lahat…]

Sa kanyang pagpupursige, nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang walong anak

at nakapagtrabaho na ang mga ito. Mas lumago ang kanyang bagong tinayo na negosyo.

Sobrang saya ni Karina na naabot ng kanyang mga anak ang kanilang mga pangarap.
48

Punto De Bista/Panauhan

Obhetibong paningin ang ginamit sa Sugilanon na “Ang Pan Burikat sa

Labadan’s Bakery” kung saan ang nagsilbing camera man ang isang tagapagsalaysay.

Ikinuwento ng tagapagsalaysay ang buhay ng kanyang kabaryo na si Karina. Tumatayong

tagapanood siya sa pangyayari sa buhay ng unang tauhan. Nasaksihan niya ang ginagawa

ng mga tauhan at ang kanilang mga sinasabi.

Tagpuan

Sa Cotabato unang nakatira ang pamilya ni Karina na kung saan nagkaroon ng

giyera kaya umalis sila. Dito din naghiwalay si Karina at ang kanyang asawa. Sa halip na

sumama ang kanyang asawa na umalis ng Cotabato, sumama ito sa kanyang kabit.

Sa lunsod ng Jimenez umuwi si Karina at kanyang mga anak matapos ang

nangyaring giyera sa Cotabato.

Hari’s Habal-habal

Banghay

May sariling talaangkanan na pinaniniwalaan ng mga drayber. Si Miguel Asidera

ang ama ng habal-habal at ang kasaysayan ng mga habal-habal. Nagsimula siyang

magkaroon ng motorsiklo na ginawa sa Japan. Ginamit niya itong panghanap-buhay sa

pamamagitan ng pagpapasakay ng mga tao at mga gamit nila patungo sa hindi pa

napuntahan na barangay o sa lunsod ng Mindanao. Isang mayamang tao si Miguel

sapagkat siya ang tagapagmana ng naiwang kayamanan ng kanyang mga lolo at lola. Siya

ang unang taong nakabili ng motorsiklo sa kanilang lunsod. Noong una, libreng sumakay

sa kanyang motorsiklo pero nang natalo siya sa sugal, naniningil na siya ng bayad. Nang

napagtanto niyang malaki ang kanyang kita, ginawa niya itong negosyo.
49

Kung mayroon mang ama sa habal-habal, mayroon ding tiyuhin. Siya si Andot

Putian. Siya ang sumunod at nagpatuloy sa negosyo ni Miguel. Pero maagang namatay si

Andot dahil sa sobrang pag-iinom. Binenta ng asawa ni Andot ang lahat ng bote ng

Tanduay kaya naging milyonarya ito. Iginiit ng marami na sila ang Alas, ang Prinsipe sa

habal-habal. Pero ang pagiging hari ng habal-habal, wala talagang umangkin nito dahil

nakareserba ito sa isang tao lamang, si Dodong. Si Dodong ang hari ng habal-habal sa

kanilang lunsod.

Hindi nakapagtapos ng elementarya si Dodong pero alam niya kung paano

magmaneho ng motorsiklo. Palaging naka-istambay si Dodong sa shop. Sa ilang panahon

niyang pamamalagi sa shop, natutunan niya kung paano magkumpuni ng mga sirang

motorsiklo. Nagsimulang magmaneho ng motorsiklo si Dodong noong hindi pa kinuha ng

may-ari ang kanyang inaayos na motorsiklo. Kaya hiniram muna ito ni Dodong para

pangpamasada. Sumali si Dodong sa mga repa-repa para ipambili niya ng bagong

motorsiklo.

Naging motorcycle drayber si Dodong. Naging sikat na drayber siya sa kanilang

lunsod. Hari’s Habal-habal o Habal-Habal King ang tawag ng lahat sa kanya. Ang

motorsiklo ni Dodong ang pinakamatibay sa lahat ng motosiklo. Si Dodong ang unang

gumamit ng helmet at gumawa siya ng helmet para sa kanyang mga pasahero na siya

mismo ang nagdisenyo. Nilagyan din niya ng magaan na kahoy para proteksyon sa mainit

na makina kung sakaling maaksidente. Kung sa panahon ng tag-ulan, si Dodong lang ang

may ekstensiyon at may atip ang kanyang motorsiklo para hindi mabasa ang kanyang

mga pasahero. Kaya ang daming gustong pasahero na sumakay sa kanya kahit man ilang
50

oras silang maghintay basta kay Dodong sila sasakay. Araw-araw ang byahe ni Dodong

at nakareserba na ito lahat.

Mabuti at kilala ng lahat si Dodong. Dahil sa kasikatan ni Dodong, may isang

mamahayag na gusto siyang interbyuhin ukol sa buhay ng isang drayber. Simula noon,

mas sumikat si Dodong at sumikat na rin ang kanilang lunsod dahil sa kanya. Noon pa

man, magaganda ang tanawin ng kanilang lunsod.

Madaming mga babaeng gustong maging asawa si Dodong pero tanging si Stella

lamang ang nagpatibok sa puso ng binata. Subalit tutol ang ama ni Stella kaya napag-

isipan nina Dodong at Stella na magtanan. Pero nahuli sila ng ama ng dalaga kaya tinago

at pinalipad sa ibang bansa si Stella. Sobra ang hinagpis ni Dodong sa pagkawalay ng

kanyang minamahal na si Stella. Sa pangyayaring iyon, nagbago si Dodong. Naging

babaero na siya. Kahit sinong babae na ang kanyang pinatulan, mapabata, may edad, mga

babaeng balo, mga babaeng iniwan ng kanilang asawa o kahit may asawa na.

Hanggang sa nakilala niya ang isang mayamang babae at kulang sa pagmamahal

ng kanyang asawa, si Myrza. Isang maalindog at magandang asawa ng isang kapitan ng

luxury liner ng Caribbean. Mayroong dalawang anak si Myrza. Isa siyang negosyanteng

babae. Nagbebenta siya ng mga gulay at doon niya nakilala si Dodong. Naging malapit

sila sa isa’t isa hanggang sa mayroong nangyari sa kanilang dalawa. Nagplano si Myrza

at si Dodong na pumunta sa ibang lugar. Pero nang naubos na ang naipong pera ni Myrza,

nagplano na naman ang dalawa na bumalik sa kanila. Napagtanto rin ni Dodong ang

kanilang maling ginawa kaya mas mabuti na lumayo muna sila sa isa’t isa para magbago.

Naisipan ni Dodong na kung magkakaroon man siya ng relasyon ay dapat sa babaeng

walang pamilya.
51

Simula noon, nakilala niya ang isang dalagang guro na si Lily. Isa itong maganda

at mabait na guro. Maraming napaibig sa kagandahan ni Lily pero nang nakita ni Lily si

Dodong, napa-ibig siya sa binata. Una pa lang nakita ni Lily si Dodong nasabi na sa

kanyang sarili na si Dodong ang kanyang matagal na hinahanap sa kanyang buhay.

Kalaunan, nagpakasal sina Lily at Dodong.

Tunggalian

Umiral ang tunggaliang tao laban sa lipunan sa Sugilanong “Hari’s Habal-

habal” sapagkat kinakalaban ng pangunahing tauhan na si Dodong ang kanyang tadhana.

Nais niyang maging asawa si Stella pero tutol ang ama nito. Kaya gumawa ng paraan si

Dodong para siya na mismo ang gagawa sa kanyang tadhana pero tadhana na niya mismo

ang ayaw. Karaniwang nagwagi sa huli ang tadhana.

Tauhan

i. Protagonista

Si Dodong ang bida sa kwentong ito. Isa siyang drayber ng motorsiklo na

kilala sa kanilang lunsod. Kilala siya sa tawag na Hari’s Habal habal o Habal-habal

King. Isang drayber ng motorsiklo na eksperto sa lahat ng parte ng mga motorsiklo.

ii. Antagonista

Hindi tao, sarili o kalikasan ang kalaban ng pangunahing tauhan kundi

lipunan. Kahit pinilit ng pangunahing tauhan na mangyari ang kanyang kagustuhan

pero hindi pa rin ito pinahintulutan ng pagkakataon.


52

iii. Pantulong na Karakter

a. Miguel Asidera. Isang lalaki na kilala bilang ama ng habal-habal. Isang

mayamang lalaki na tagapag-alaga sa kayamanan ng kanyang lolo at lola. Siya

ang kauna-unahang bumili ng motorsiklo sa kanilang lunsod.

b. Andot Putian. Isang lalaki na kilala bilang tiyuhin ng habal-habal. Siya ang

sumunod sa negosyo ni Miguel Asidera. Namatay siya dahil sa palaging pag-

iinom. Mayroon siyang asawa na milyonaryo matapos ibenenta ang mga bote ng

tanduay.

c. Bot Tape. Isang lalaki na kilala bilang emperador sa mga habal-habal. Siya ang

bumili ng second hand na mga motorsiklo. Ang kanyang asawa naging empress sa

mga habal-habal dahil ang kanyang asawa ang nangongolekta araw-araw sa mga

boundary ng mga drayber.

d. Myrza. Isang mayamang babae, seksi at maganda. May asawang kapitan ng isang

luxury liner ng Caribbean. Naging kabit niya si Dodong noong panahong naging

drayber niya ito sa kanyang gulayan.

e. Lily. Isang magandang babaeng guro. Siya ang napangasawa ni Dodong sa huli.

Tono

i. Galit

Isa sa mga mapanirang damdamin ang galit na maaaring taglayin ng isang tao

laban sa kanyang kapwa. Ito ang nagtutulak sa kanya na gumawa ng masama sa iba o

sa sarili.

Gusto na niyang manimalos. Pero kini laing direksyun sa pagkuha sa tanang


kababaye-ang nagkagusto niya. Tanan nay gusto niya, gikagustuhan na usab
niya ug siya ang nahimong hinigugma sa tuig, ang lalaki sa panahon…
53

[Gusto niyang maghiganti. Pero iba ito sa paraan ng pagkuha ng loob ng


mga kababaihan na nagkagusto sa kanya. Kinahumalingan niya ang lahat
na huhumaling sa kanya. Naging babaero siya, ang lalaki ng panahon]

Pinaglayo sina Stella at Dodong sa isa’t isa sa kadahilanang tutol ang ama ng

babae sa relasyon ng dalawa. Hindi matanggap ni Dodong na mawalay sa kanya si

Stella kaya namuo ang galit sa kanyang puso. Ito ang nagtulak sa kanya upang gawin

ang bagay na pagsisihan niya sa bandang huli.

ii. Masaya

Sa bawat sakit na dulot ng pag-ibig na hinaharap ni Dodong, nalagpasan niya ito

lahat. Buong puso niya itong pinagsisihan kaya napagtanto niyang magbago at

mamuhay nang masaya.

Ug didto niya naila-ila si Lily, usa ka maestra sa pinakalayo nga barangay sa


among lunsod…

[Nang nakilala niya si Lily, isang guro sa malayong barangay sa aming


lunsod…]

Nang panahon na kilala ni Dodong si Lily, sobrang saya ni Dodong. Naging sila

at bumukod ng isang masayang pamilya.

Punto De Bista/Panauhan

Obhetibong paningin ang ginamit sa Sugilanong “Hari’s Habal-habal” na kung

saan nagsisilbing tagapanood ang tagapagsalaysay. Tumatayong tagapanood lamang siya

ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang

sinasabi nila ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.

Tagpuan

Sa Cebu, pumunta si Myrza at Dodong noong lumayas sila sa kanilang lunsod.


54

Sa lunsod ng Jimenez, nakatira ang mga tauhan pati na rin ang nagsasalaysay sa

kwento. Dito naganap lahat ng mga pangyayari sa kwento. Dito nagkakilala sina Dodong,

Stella, Myrza at Lily na nagpapaganda sa kwento.

Simbolo

Motorsiklo

Sumisimbolo ang motorsiklo sa Sugilanong “Hari’s Habal-habal” ng

pagiging matapang dahil kahit gaano man kabigat ang nakakarga dito, hindi ito

agad-agad na nasisira. Kahit ilang beses man itong matumba, tatayo at tatakbo ito

ng ilang milya sa abot ng kanyang makakaya. Kagaya sa kwento nadapa man ng

ilang beses si Dodong, bumangon pa rin siya sa kanyang pagkakadapa at

nagsimulang magbagong-buhay.

Tulay ng Pangulo

Banghay

May dalawang malalaking ilog sa munisipalidad ng Jimenez. Kilala ang mga ito

sa tawag na Sumasap o Masap at Palilan. Ang Palilan ang pinakamalaking ilog sa

Jimenez. Maliit pa ang ilog ng Palilan noon subalit hindi naglaon, lumaki ito nang

lumaki. Kinatatakutan ang ilog ng Palilan dahil sa malalim nitong parte. Ayon sa mga

sabi-sabi, naniningil daw ng buhay ang ilog ng Palilan kaya may nalulunod taon-taon.

Kapag umuulan nang malakas, umaapaw ang tubig ng ilog Palilan.

Noong dekada setenta, may malalaking baha na sumalanta sa lugar kaya

maraming nalunod at namatay. Sa isang parte ng nasabing ilog, may kahoy na tinitawag

na Kamel o Chameleon tree. Paiba-iba ang bunga nito. Kung ano napapanahong prutas

iyon din ang magiging bunga ng puno. Malaki at mataas ang puno ng Kamel. Sinasabi na
55

isang syudad ng mga engkanto ang puno ng Kamel sapagkat nakikita ng mga tao na may

liwanag mula dito. Nagpipiyesta o nagsisiyahan daw ang mga engkanto sa nasabing

puno.

Ayon naman sa mga matatanda, bumabaha ang ilog ng Palilan dahil daw

dumadaan ang mga malalaking barko ng mga engkanto na galing sa iba’t ibang lugar at

dumadaong sa puno ng Kamel. Dahil hindi na makadaan ang mga tao sa nasabing ilog,

ginawan nila ito ng tulay. Gayunpaman, nasira ng malalaking baha ang lahat ng klase ng

tulay na kanilang ginawa. Ayon sa mga sabi-sabi dinadala raw ng mga engkanto sa

kanilang lugar ang mga nawawalang tulay.

Nang magkaroon ng programa na tulay sa pangulo, gumawa ng resolusyon ang

barangay council para gawan ang kanilang barangay ng matibay na tulay. Sa kasagsagan

ng paggawa ng tulay, maraming mga kababalaghan ang nangyari. Halimbawa nito ang

pagsilabasan ng mga ahas habang ginagawa ang tulay.

Kaya nag-alay ng buhay at lutong hayop na kulay puti ang mga taga-barangay.

Humingi ng permiso ang kinuhang albularyo ng taga-barangay sa mga engkanto na

huwag na silang abalahin ng mga ito at lumipat nalang ng tirahan. Matapos ang

seremonyas, lumipat daw ang mga engkanto sa malayong lugar kung saan hindi na

magambala ang kanilang pamumuhay. Matapos ang mga isyung iyon, natapos na rin ang

tulay. Malalaki at makakapal na bakal ang ginamit sa paggawa ng tulay.

Nagsagawa ng salu-salo ang buong barangay bilang pagdiriwang sa matagumpay

na pagkakagawa ng tulay. Pagsapit ng alas sais ng hapon, bumalik ang albularyo na dala

ang mga alay na hayop bilang paghingi ng pahintulot sa mga diwata at engkanto na

huwag na sana silang abalahin at sirain ang tulay.


56

Subalit, sinalanta na naman ng napakalaking kalamidad ang munisipalidad ng

Jimenez. Maraming tao at hayop ang namatay. Kinaumagahan, wala na ang ulan at

kumalma na ang baha. Gumising ang mga tao mula sa kanilang pagkapagod at

pagkalungkot sa nangyari. Naalala nila ang kanilang tulay, ang tulay sa pangulo kung

napaano na ito. Tumakbo sila papunta sa direksyon ng tulay. Nagulat sila sa kanilang

nakita na sa lakas ng bahang nangyari hindi nasira ang tulay bagamat nanatiling pa rin

ang kulay pilak nito. Pero mas nagulat sila sa kanilang nakita na may malaking barkong

sumabit sa tulay. Mayroon pa itong mga kahong natatapon na may mga laman na mga

kumikinang na bunga ng cacao, mga cacao na kinompra ni Maria Cacao, ang babae sa

mga Sugilanon ng ating mga ninuno.

Tunggalian

Naging tao laban sa kalikasan ang Sugilanong “Ang Tulay sa Pangulo” sapagkat

maraming kalamidad ang kalaban ng taga-Sinara, tulad ng malakas na baha, ulan, bagyo

at pagguho. Dinanas ito ng mga taga-Sinara na pinagbubuwisan ng kanilang buhay.

Tauhan

i. Protagonista

Ang Tagapagsalaysay mismo ang nagsasalita sa kwento.

ii. Antagonista

Kitang-kita sa Sugilanong ito na hindi tao, sarili o lipunan ang kalaban ng

panguhaing tao kundi pangyayari sa kalikasan. Lumitaw sa Sugilanon na ito na

kalikasan o kalamidad ang nagbibigay problema sa panguhing tauhan at ang mga

pantulong na karakter sa kwento.


57

ii. Pantulong na Karakter

a. Butoy Quilo. Ama ng batang nalunod sa ilog ng Palilan.

b. Nesbeth. Ang babaeng sinisi kung bakit palaging binabaha ang ilog dahil sa

kanyang pagtotroso.

c. Dondoy Azcuna. Isa sa mga nag-alala sa kanyang lupain na malapit sa punong

Kamel na kung saan palagi itong binabaha.

d. Inday Serino. Isang negosyanteng babae na pinag-uutangan ng isang lalaking

lasing na nalunod sa ilog.

e. Isang estudyanting dalaga na nag-aaral sa Misamis Institute of Technology (MIT)

na namatay dahil nalunod sa ilog ng Palilan.

f. Barangay council. Ang nag-isip at tumulong kung papaano mabigyang solusyon

ang tulay para wala nang mga taong mabibiktima sa ilog.

g. Dodong Carlito Bonilla. Isang inhinyero na nagtatrabaho sa tulay na pangulo. Siya

yung malapit mabagsakan ng crane habang nagtatrabaho sila.

h. Mayor. Ang namamahala sa barangay Sinara. Siya rin ang nagpapatawag ng

albularyo para manghingi ng paumanhin sa mga engkanto para lumipat sila ng

tahanan para sa ikakatahimik ng tulay.

i. Albularyo. Ang taong hiningan ng tulong ni mayor para humingi ng pahintulot sa

mga engkanto para lumipat ng tahanan para sa katahimikan ng mga taga-barangay.

Tono

i. Takot

Takot na may halong pangamba ang nararamdaman ng mga tao sa

barangay Sinara. Hindi kapani-paniwalang mga pangyayari ang nakikita at


58

natutuklasan ng mga tao ukol sa ilog at sa balete. Hindi mawari ng mga taga-

barangay kung ano o bakit ito nangyari sa kanilang barangay.

Apan usahay gikahadlokan ang among suba. Kay may mga lawm man
kining parte nga kanunay diin na poy malumos … naningil gyud kuno ang
suba. Kada tuig naa gyoy malumos. Kada tuig kung panahon sa ting-ulan,
mga dagko gyud kuno ang baha

[Minsan din kinatakutan ang aming ilog. Dahil mayroon itong parte sa ilog
na malalim na palaging may nalunod … naningil ang ilog. Kaya, kada taon
may nalulunod. Kada taon kapag panahon ng tag-ulan, labis na pag-apaw
ang tubig ng ilog…]

Nagpapakita naman ang bahaging ito ng Sugilanong “Tulay sa Pangulo”

ng takot ng mga taga-barangay Sinara sa kanilang ilog dahil sa taon-taon itong

naniningil. Naniningil daw ito na buhay. Kaya taon-taon may namamatay dahil

nalunod sa ilog.

ii. Masaya

Abot tainga ang kasiyahan ng mga taga-Sinara matapos masolusyonan ang

kanilang problema ukol sa tulay na palaging nasisira ng baha.

Pagkahibalo sa taga-Sinara nga sila ang hatagan sa tulay, haskang lipaya


nila. Gapabayle gyud dayon si Kapitan tungod sa kalipay

[Sobrang saya ng mga taga-Sinara nang nalaman nila na sila ang bibigyan
ng tulay. Dahil sa kasiyahan, agarang nagpapabayle si Kapitan]

Sa bahaging ito ng Sugilanong “Tulay sa Pangulo”, makikita ang saya sa

mga mukha ng mga taga-Sinara na sila ang napiling barangay na bibigyan ng tulay.

Tulay na hindi madaling magigiba kahit anong lakas ng baha, matubig o mabato

man.
59

Dako kayo nga kombira nga gihimo pagpadugo sa maong tulay. Nag-ihaw
sila ug walo ka baka.

[Malaking salo-salo ang inihanda sa pagbasbas ng tulay. Nag-iihaw sila ng


walong baka…]

Sa bahaging ito naman, isang malaking handaan ang nangyari matapos

naisagawa ang tulay. Ang daming niluto sa bawat departamento at ahensya ng

gobyerno. Mayroon ding nagdonasyon ng mga pagkain para sa pagdiriwang ng tulay.

Ug tungod kay kadto man lagi ang pinakadako nga kaon isip pagsaulog sa
usa ka tulay, taas gyud hinuon ang programa ug aron mas memorable,
historical ug dili gyud malimtan ang maong selebrasyon.

[At dahil iyon nga ang pinakamalaking salo-salo na nangyari bilang


pagdaraos sa tulay, talagang mahaba ang programa ang inihanda para
hindi malilimutan at maging makasaysayan ang nasabing selebrasyon]

Nagpapakita naman ang bahaging ito ng Sugilanong “Tulay sa Pangulo” ng isang

masayang salo-salo at programa ang inihanda sa bawat barangay sapagkat ang

pagdiriwanag na iyon ang pinaka-importanting araw sa mga taga-Sinara.

Punto De Bista/Panauhan

Paningin sa unang panauhan ang ginamit sa Sugilanon na “Tulay sa Pangulo”

na kung saan ang may-akda ang siyang nagsasalaysay sa kwento. Sumanib ang may-akda

sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang

panauhang “ako” Ikinuwento ng may-akda ang mga nakakakilabot at hindi kapani-

paniwalang mga pangyayari sa kanilang lunsod. Isa sa mga tumulong ang may-akda para

matapos mapagawa ang tulay.

Tagpuan

Sa lunsod ng Jimenez, pinag-uusapan ang mga kwento tungkol sa ilog ng Masap

at ilog ng Palilan.
60

Isa ang Sinara, Malibacsan sa mga barangay ng Jimenez. Sa barangay na ito

makikita ang malaking balete ng puno ng Kamel. Dito naririnig ng mga taga-barangay na

nagsasayawan at nagpipiyesta ang mga engkanto.

Sa tulay naganap ang mga kababalaghang nangyari tulad ng pagkalunod ng isang

lasing nang hindi nasira ang kanyang gamit o nabasa. Isa rin sa mga di kapani-

paniwalang pangyayari ang pagkalunod ng isang dalagita nang walang saplot.

Simbolo

Tulay

Makikita sa Sugilanong “Tulay sa Pangulo” ang tulay na dahil sa

pagtutulungan ng mga tao, kahit bagyo ay hindi ito kayang gibain. Sumisimbolo

ang nasabing tulay sa pagiging matibay at matatag ng isang nilalang. Kagaya sa

kwento, naging matatag ang mga tao sa pagharap sa mga kalamidad na dumating

sa kanilang buhay at sa kanilang lugar.

Ang mga Saging ni Inday Rosa

Banghay

Mahirap lang ang mga magulang ni Inday Rosa kaya’t hindi siya nakapagtapos ng

pag-aaral. Hindi siya nakatuntong ng sekondarya kaya pumunta siya sa Maynila upang

makapagtrabaho bilang isang katulong. Sa Maynila nakilala ni Inday Rosa si Andot na

trabahador din sa pinapasukan niyang bahay. Umuwi si Inday Rosa kasama si Andot sa

kanyang lunsod nang nabuntis ito. Ang pag-akyat ni Andot ng puno ng niyog ang

kanilang ikinabubuhay habang nasa bahay lamang at nag-aalaga ng kanilang mga anak

ang kanyang asawa na si Inday Rosa. Pumunta sa kapistahan ng barangay Carmen sa


61

bahay nina Regalado at Juliana Darug ang mag-asawang Andot at Inday Rosa noong

dalawa pa lamang ang kanilang mga anak. Binigyan sila ng isang buwig ng saging

kadisnon at umuwi sila dala ito. Agad nangutang si Inday Rosa ng kalamay para sa

giniwang banana kyu nang mahinog ang saging at ito ang naging puhunan ni Inday Rosa

sa kanyang negosyo.

Hindi iginasta ni Inday Rosa ang kita niya sa kanyang paninda kung kaya’t

lumaki at lumago ang kanyang negosyo. Napag-aral at napagtapos niya ang kanyang mga

anak. Nakabili siya ng lupain at tinamnan ito ng iba’t ibang uri ng puno ng saging.

Kalaunan, mas lumago pa ang kanyang negosyo. Ang pananampalataya niya sa Puong

Maykapal at ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya ang sekreto ni Inday Rosa kung

bakit naging matagumpay ang kanyang negosyo.

Tunggalian

Umiiral ang tunggaliang tao laban sa lipunan sa Sugilanong “Ang mga Saging ni

Inday Rosa” sapagkat nilabanan ng pangunahing tauhan ang nakatadhana para sa kanya.

Sa kwento, mahirap na talaga ang pamilya ni Inday Rosa lalo na noong nagkapamilya

siya. Nagsikap siya nang maigi sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga panindang saging

dahil hindi niya gustong matulad sa kanya ang kanyang mga anak na walang pinag-

aralan. Gumawa ng paraan si Inday Rosa upang baguhin ang nakatakdang kapalaran para

sa kanya. Sa huli, naging maayos at matagumpay ang buhay ni Inday Rosa kasama ang

kanyang pamilya.
62

Tauhan

i. Protagonista

Inday Rosa. Siya ang may bahay ni Andot at ang may-ari ng pinakamalaking

sakahan ng saging sa kanilang lugar.

ii. Antagonista

Hindi tao, sarili o kalikasan ang kalaban ng pangunahing tauhan kundi ang

tadhana sapagkat pilit na lumaban si Inday Rosa sa kanyang tadhana upang

umaahon sa kahirapan.

iii. Pantulong Karakter

a. Andot. Siya ang bana ni Inday Rosa at ama ng anim na mga butihing anak ni

Inday Rosa.

b. Tagapagsalaysay. Ang tagapagsalaysay ang naglalahad ng mga pangyayari sa

buhay ni Inday Rosa.

c. Mga anak. Sila ang mga butihing anak na nakapagtapos ng pag-aaral at

nagtrabaho bilang nars, doctor at artist.

d. Edwen at Arlene. Ang palaging bumibili ng mga panindang dahon ng saging ni

Inday Rosa.

e. Regalado at Juliana Darug. Ang mag-asawang nagbigay kina Andot at Inday

Rosa ng isang buwig ng saging.

f. Sidra Te. Ang taong nagpautang ng kalamay kay Inday Rosa noong kasisimula

pa lang niya sa kanyang negosyo.

g. Vice Mayor Benjie C. Lomo. Ang taong nagpagawa ng isang malaking

lampara ni Florence Nightingale sa harapan ng kanyang bahay


63

Tono

Masaya

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit anong unos

pa ang darating sa kanilang buhay, kagaya ni Inday Rosa. Sa pangyayari sa kwento noong

bago pa sila nakaahon sa hirap, hindi nakalimutan ni Inday Rosa na ngumiti kahit na

naghihikahos sila sa buhay.

Sa iyang kalampusan, dako ang iyang pasalamat sa mga ahensya nga


nakatabang kaniya.

[Sa kanyang tagumpay, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga tao at


ahensyang tumulong sa kanya.]

Nagsilbing inspirasyon ni Inday Rosa ang kanyang pamilya sa lahat ng kanyang

ginagawa at laking pasasalamat niya sa mga taong taos-pusong tumulong sa kanya. Mas

lalo pang umunlad ang kanilang buhay at maraming tao pa silang natulungan sa paglago

ng sinimulan nilang negosyo. Nagiging masaya ang damdamin ng kwento dahil sama-

sama sila sa pagkamit nito.

Punto De Bista/Panauhan

Obhetibong paningin o paninging palayon ang ginamit sa Sugilanong “Ang

mga Saging ni Inday Rosa” dahil nagsisilbing kamera lamang ang tagapagsalaysay sa

kwento. Malaya niyang naitatala ang anumang pangyayari na kanyang nakikita at

naririnig ngunit hindi siya nakapapasok sa isipan ng tauhan o hindi niya naipapaliwanag

ang mga iniisip o nadarama ng tauhan sa kwento.

Tagpuan

Sa palengke itininda ni Inday Rosa ang kanyang mga panindang saging hinog

man o hilaw.
64

Sa Maynila nagsimulang magtrabaho si Inday Rosa at dito sila nagkakilala ni

Andot.

Sa barangay Carmen tumitira ang mag-asawang Regalado at Juliana Darug na

binisita nina Inday Rosa at Andot.

Sa paaralan unang nagtinda si Inday Rosa ng kanyang panindang banana kyu.

Simbolo

Kalamay

Sumisimbolo ang kalamay sa Sugilanong “Ang mga Saging ni Inday

Rosa” ng matamis na pagsasamahan ng mag-asawa at ng pamilya. Sa Sugilanong

ito kahit na naghihirap sila, hindi kailanman nawala ang tamis ng kanilang

pagmamahalan. Pinatunayan nila na hindi hadlang ang estado ng buhay upang

magmahal ng walang kapantay.

Ang Rayna sa Binalbal Festival

Banghay

Hinding-hindi nakalimutan ni Abner ang lunsod kung saan siya lumaki at ang

mga karanasan niya doon. Naalala niya tuwing Disyembre na uuwi sila sa kanilang

lunsod sa Tudela, Misamis Occidental upang salubungin ang bagong taon at ang Binalbal

Festival. Naalala ni Abner noong kabataan niya kung paano nila ipinagdiriwang ang

selebrasyong ito. Maraming handaan ang naganap ngunit ang mas hindi niya nakalimutan

ay ang pagsali niya sa Binalbal Festival. Noong unang panahon, simple lang ang

isinusuot ng mga sumasali. May iba na nakapantalon lang at nilagyan ng mga putik o

pampaitim ang kanilang buong katawan na nakapaa habang sumasayaw. Hindi rin niya
65

nakalimutan noong sumali sila at yari lamang sa iba’t ibang uri ng dahon ang kanilang

mga suot.

May nagaganap na beauty contest taon-taon para lamang sa mga bading at isa

iyon sa mga dinarayo ng mga tao sa kanilang lunsod. Nahinto ang pagdalo niya sa

kasiyahang iyon nang pumunta na siya ng Maynila upang mag-aral ng sekundarya.

Nakatapos at nag-asawa na ang kanyang mga kapatid. Nakapagtapos din ng kursong pag-

iinhenyero bilang magna cum laude si Abner at nangibang bansa. Bumalik siya sa

kanilang lunsod sa gulang na tatlongpu’t anim (36) dahil may magaganap na reunion para

sa kanilang klase. Napilitan siya na sumali sa magaganap na beauty contest dahil sa

suporta na ibinigay ng kanyang pamilya.

Nag-ensayo siya nang maigi sa pagrampa at pagkaway-kaway para magmukhang

babae bago siya sumalang sa paligsahan. Nirentahan din siya ng gown na isusuot para

mas gumanda siya. Ibinuhos niya ang kanyang talento sa pagsasayaw at pagsagot ng

tanong sa gabing iyon kaya nakuha niya ang korona at halos hinakot niya ang lahat ng

mga parangal. Kinaumagahan, mayroong parada na naganap kasabay sa pagdiriwang ng

Binalbal Festival at kasama si Abner sa ipinarada na nakasakay sa isa sa mga float.

Umuwi siya at dumeritso siya sa kanyang silid at humiga sa kanyang kama kasama ang

ang tropeyo at korona na napanalunan niya. Laking saya ni Abner dahil sa hinaba-haba

ng panahon nakamit rin niya ang matagal niyang inasam-asam.

Tunggalian

Umiiral ang tunggaliang tao laban sa lipunan sa Sugilanong “Ang Rayna sa

Binalbal Festival” sapagkat ang tadhana na ang nagdidikta sa nangyayari sa buhay ng

tauhan. Sa kwento hindi naman talaga ang pagsali sa beauty contest ang sadya ni Abner
66

kung bakit umuwi siya sa lunsod na kanyang kinalakihan kundi ang taon-taon nilang

idinaraos ang Binalbal Festival. Hindi man niya gustong sumali noong una ngunit dahil

sa suporta na ibinigay ng kanyang pamilya kaya napilitan siyang sumali. Itinadhana na

talaga siyang maging Rayna sa Binalbal Festival.

Tauhan

i. Protagonista

Abner. Siya ang pangunahing tauhan na sentro sa kwento. Nakamit niya ang

korona at binansagang Rayna sa Binalbal Festival.

ii. Antagonista

Walang antagonista sapagkat ang tunggalian nito ay tao laban sa lipunan.

iii. Pantulong na Tauhan

a. Tagapagsalaysay. Siya ang naglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng

pangunahing tauhan.

b. Pamilya at kapatid. Ang tumulong kay Abner sa kanyang pag-aaral at sa

pagkamit niya sa korona

c. Jojo, Totoy at Saroy. Sila ang mga kaklase ni Abner noong kabataan niya

Tono

i. Kaba

Kapag sasali ang tao sa isang patimpalak hindi maikakaila ang kaba na

mararamdaman. Halimbawa dito ang pagsali ng pangunahing tauhan na si Abner sa

patimpalak.
67

Ug didto na siya, pero kay nakulbaan lagi, diha iyang mga barkadang laki.
Maoy tigtagay niya og Tanduay aron mawala ang iyang kaulaw.

[At nandoon na siya, ngunit dahil kinabahan nga, dahil nadoon ang mga
barkada niyang lalaki. Sila ang tagabigay ng Tanduay para mawala ang
kanyang kaba.]

Nawala ang kabang nararamdaman ni Abner nang siya na ang umangkin sa

entablado. Dahil sa alak na kanyang ininom, naisaulo niya lahat ng mga itinuro sa kanya

at nasagutan niya lahat ng mga katanungan nang walang pangamba.

ii. Masaya

Sa isang patimpalak may uuwing luhaan at may uuwi rin na puno ng kasiyahan,

kagaya ng nararamdaman ni Abner sa kwento.

Alas dose kapin na gideklara ang nakadaog sa mga finalists. Siya gyud ang
nakadaog. Nakadawat siya og korona, sceptre, kapa, sash, trophy, plaque,
framed certificate, cash nga tulo ka libo pero giutang sa ang usang libo kay
nagasto sa organizers.

[Lampas alas dose na nang idineklara kung sino ang nagwagi sa mga
finalists. Siya talaga ang nagwagi. Nakatanggap siya ng korona, setro,
kapa, sintas, tropeyo, plaka, sertipiko at tatlong libong pera ngunit inutang
muna ang isang libo dahil nagastos sa ng tagapamahala.]

Nang natapos na ang patimpalak at nauwi niya ang korona, hindi maipinta ang

saya na naramdaman ni Abner dahil hindi niya ito inasahan. Umuwi si Abner na may

ngiting tagumpay dahil sa mga napanalunan niya.

Punto De Bista/Panauhan

Paninging panarili ang ginamit sa Sugilanong “Ang Rayna sa Binalbal Festival”

dahil inilahad ng may-akda ang kwento na naaayon sa damdamin at isipan ng isang

tauhan. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panauhan gayunman, hindi

gumagamit ng salitang “ako” ang tagapagsalaysay.


68

Tagpuan

Tudela, Misamis Occidental. Sa lugar na ito naganap ang pagdiriwang tulad ng

pista at patimpalak na sinalihan ng iba’t ibang representante ng bawat baryo.

Simbolo

Korona

Korona ang bagay na makikita sa Sugilanong “Ang Rayna sa Binalbal

Festival” na sumisimbolo ng pagiging matagumpay. Kagaya sa Sugilanon,

matagumpay na nakuha ni Abner ang korona dahil sa kanyang pagpupursige.

Sugilanon ni Lanie

Banghay

Sa lunsod ng Jimenez sa lalawigan ng Misamis Occidental, nakatira si Rolando

Tac-an Malmis o mas kilala sa pangalan na Lanie. Siya ang bunso sa anim na

magkakapatid. Mayroon siyang mga kapatid na lalaki na tinatawag niyang Manoy at mga

kapatid na mga babae. Palagi siyang inaapi ng kanyang mga kaklaseng lalaki dahil naiiba

siya. Kapag nakikita ng kanyang mga kapatid na lalaki ang pang-aaping ginawa ng mga

kaklase niya, agad itong pinapagalitan kung kaya’t wala na masyadong mang-aapi sa

kanya. Trabahong pambabae ang kanyang ginagawa pagdating niya sa bahay tulad ng

paglilinis ng bahay at paghuhugas ng pinggan.

Nag-aral si Lanie sa kanyang sekundarya sa Purvil High School, kahit labag sa

kalooban ng mga magulang niya. Katolikong paaralan ang Saint John de Baptist kaya

mas gusto ng mga magulang ni Lanie na doon siya mag-aaral. Si Amor o mas kilala sa

pangalan na Ambrosio Fagutao ang punongguro sa Purvil High School na mahilig din sa

mga lalaki. Noong nag-aaral pa si Lanie ng sekundarya, lalaki talaga siya kung pumorma.
69

Nagbakasyon si Lanie sa Cebu matapos ang kanyang klase at doon niya nakilala si Paul

Roan na umuupa sa bahay ng kanyang tiya. Iisa lamang ang silid na tinutulugan nila Paul

at Lanie. Isang gabi umuwi si Paul galing sa paaralan na lasing na lasing at bigla itong

tumabi kay Lanie. May nangyaring hindi inaasahan sa kanilang dalawa. Si Paul ang

unang lalaking nakatikim kay Lanie at parang si Lanie rin ang unang baklang nakatikim

kay Paul.

Bumalik si Lanie sa Jimenez pagkatapos ng kanyang bakasyon sa Cebu. Ipinakita

niya sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao bago siya nagtapos ng high school.

Sa kagustuhang maghanap at makatikim ng lalaki, pumunta sina Lanie sa kanyang

kaibigan sa kasiyahan sa Gymnasium. May nakita silang lalaki sa liblib na lugar ng

Gymnasium, nilapitan nila ang lalaki na umihi sa tabi. Malaki ang katawan ngunit hindi

nila nakita ang mukha nito dahil sa madilim ang lugar na iyon. Nakiusap sila na kung

pwede bang mahawakan ang ari ng lalaki at pumayag naman ito. Lingid sa kaalaman ni

Lanie, ito pala ang kapatid niyang lalaki. Inuwi siya ng kanyang kapatid sa kanilang

bahay at binugbog dahil sa kalaswaang ginawa nito. Sumama si Lanie sa isang bading na

kanyang kakilala at pumunta sila sa Iligan City sa kadahilanang wala siyang kalayaan na

maging isang bakla sa kanilang lugar. Doon niya natutunan ang trabaho ng isang bakla

tulad ng panggugupit ng buhok, make-up, pagmamanikyur at pagpepedikyur sa isang

parlor shop.

Hindi lang sa pagmamake-up magaling si Lanie kundi pati na rin sa pagrampa.

Marami na siyang nasalihan na beauty contest sa Malaybalay, Bukidnon at sa Balatacan,

Tangub City at nakamit niya ang korona. Pumunta rin si Lanie sa Maynila at doon niya
70

nalinang o natutunan ang panlalalaki. Umuwi siya sa takot na magka-AIDS. Sa pag-uwi

niya sa kanilang lunsod nakilala niya ang matipuno at gwapong lalaki na kilala sa

pangalang Roselo German. Nagkakilala sina Ros at Lanie dahil sa kaibigan ni Ros na

nagpagupit sa parlor shop ni Lanie doon sa Jimenez. Nag-aaral sa Misamis Institute of

Technology sa Ozamiz si Roselo o Ros. Nagustuhan ni Lanie at Ros ang isa’t isa kaya

palagi silang nagkikita roon. Kalaunan nagplano sila na tumira sa iisang bahay. Panay

ang kayod ni Lanie dahil siya rin ang sumusuporta kay Ros sa kanyang pag-aaral. Hindi

ininda ni Lanie ang pagod sa buong araw na pagtatrabaho para matustusan lamang ang

pangangailangan nila. Isang araw may kakilala siyang bakla na nagsabing nakita niya si

Ros na may kasamang ibang babae sa Cotta. Gumuho ang mundo ni Lanie ngunit dahil

mahal niya si Ros, hindi ito naniwala. Sinamahan siya ng kakilala niyang bakla sa Cotta

para maniwala siya at iyon nga, totoo nga ang lahat.

Hindi sinabi ni Lanie kay Ros ang lahat ng nalaman niya. Malapit ng

makapagtapos si Ros ng pag-aaral dahil sa tulong ni Lanie. Isang gabi dahil sa sakit na

naramdaman, naglasing si Lanie at sa gabing iyon may nangyari sa kanila. Kinabukasan,

nagpagupit si Ros sa kanya dahil may magaganap na Ring Hop Ceremony sa kanilang

paaralan at sinabi niyang si Mahalia ang pinsan niyang babae ang sasama sa kanya, iyon

ang pangalan ng babae ni Ros. Nasaktan si Lanie dahil kahit na sa sobrang pagmamahal

at sa sobrang pag-aalaga niya kay Ros, mapupunta lamang ito sa iba. Iyon ang mga

salitang nasa isipan ni Lanie habang inaahitan ng bigote si Ros. Hinalikan niya ito sa

pisngi, sa gilid ng ilong at sabay sinaksak sa dibdib. Walang ibang nasabi si Ros at

nanginig lamang ito sa kanyang kinauupuan.


71

Tunggalian

Umiral ang tunggaliang tao laban sa sarili sa Sugilanong “Ang Sugilanon ni

Lanie” sapagkat naganap ang tunggalian sa isipan ng pangunahing tauhan na si Lanie.

Dahil sa katotohanang nakita ni Lanie na may kasamang iba si Ros, ito ang naging rason

kung bakit tinatanong niya ang kanyang sarili kung bakit siya ganyan o kung bakit siya

ganito. Ibinaon niya ang lahat ng galit niya kay Ros sa kanyang sarili at ang galit na iyon

ang dahilan kung bakit nagawa niyang patayin si Ros.

Tauhan

i. Protagonista

Lanie. Ang baklang kinakasama at niloko ni Ros. Siya rin ang pumatay sa

pinakamamahal niyang lalaki.

ii. Antagonista

Ang sarili ng pangunahing tauhan ang kalaban ng Sugilanong ito sapagkat

hindi niya napigilan ang kanyang sarili na bawian ng buhay ang kanyang

minamahal na nagtaksil sa kanya.

iii. Pantulong na Tauhan

a. Ricky. Ang taong nag-interbyu kay Lanie sa selda. Siya ang nagsisilbing

tagapagsalaysay dahil hindi maisusulat ang kwento kung hindi dahil kay

Ricky.

b. Ambrosio Fagutao. Isa ring bakla at isang punong guro sa Purvil High

School kung saan nag-aral si Lanie sa sekundarya.

c. Kapatid na lalaki/Manoy. Sila ang lumalabag sa kagustuhan ni Lanie na

maging isang bakla.


72

d. Mga magulang at mga kapatid. Sila ang mga taong nagmamahal at nag-

aalala para sa mga ginagawa ni Lanie.

e. Mahalia. Ang babaeng palihim na naging kasintahan ni Ros. Siya rin ang

naging karibal ni Lanie sa buhay ni Ros.

f. Roselo German. Ang lalaking kinababaliwan at iniibig ni Lanie.

g. Baenny Marquita. Siya ang kaklase ni Rose na nging dahilan kung bakit

nagkakakilala sina Lanie at Ros.

Tono

i. Galit

Hindi magagalit ang isang tao sa mga tao na nasa kanyang paligid kapag wala

itong ginawang masama. Sa kwentong ito, galit ang nangibabaw na naramdaman ng

pangunahing tauhan na si Lanie dahil sa panlilinlang na ginawa ni Ros sa kanya.

Wa ko kasabot sa akong kaugalingon. Naluoy ko nga nasuko nga nasilag


ko…

[Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Naawa ako na nagalit na


namuhi…]

Nauwi ang galit sa selda na kung saan ito ang nagsisilbing silid ni Lanie.

Punto De Bista/Panauhan

Paningin sa unang panauhan ang ginamit sa Sugilanong “Sugilanon ni Lanie”

dahil sumasanib ang may-akda sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay sa kwento

sa pamamagitan ng unang panauhang “ako”.

Tagpuan

Gymnasium. Dito naganap ang unang paghahanap ng lalaki ni Lanie ngunit

nabigo siya dahil kapatid pala niya ito.


73

Balatacan Tangub City, Malaybalay Bukidnon. Ito ang mga lugar na sinalihan

ni Lanie ng beauty contest.

Iligan City, Maynila. Sa lugar na ito natuto si Lanie sa mga trabaho sa Parlor

Shop tulad ng pagmamake-up, pagputol ng buhok at iba pa.

Cebu City. Ito ang lugar na pinagbakasyunan ni Lanie at dito rin nawala ang

kanyang puri.

Cotta. Dito naganap ang pagkikita ni Ros at ng kanyang babae na nahuli ni Lanie.

Purvil High School. Sa paaralan na ito nag-aral si Lanie noong siya ay

sekundarya pa lamang.

Selda. Ito ang naging tahanan ni Lanie pagkatapos ng ginawa niya kay Ros.

Simbolo

Rehas

Sa maikling kwentong “Ang Sugilanon ni Lanie”, binanggit ang bagay na

rehas na nagpapahiwatig ng pagiging makasalanan ng isang tao sa lipunang

kanyang ginagalawan. Sa Sugilanong ito ang selda ang naging tahanan ng

pangunahing tauhan na si Lanie dahil sa kasalanang pagpatay.

Ang mga Paksa ng mga Piling Sugilanon ni Mario L Cuezon

Ang tema o paksa ang pangunahing pokus ng isang kwento o akda. Naipapahayag

nito ang aral, konklusyon, mensahe o punto de bista ng awtor. Naidudugtong nito ang

lahat ng elemento ng maikling kwento gaya ng tauhan, banghay, tunggalian, tagpuan at


74

mga pangyayari. Kung walang paksa ang isang kwento, maaaring hindi makakonekta ang

mga mambabasa. Sa madaling salita, matatawag itong kwento na walang kaluluwa.

Ang Gingharian sa Baksan

i. Pagpapanatili ng tao sa kasaysayan ng lugar

Hindi kailanman nawawala ang mga sabi-sabi tungkol sa pinag-ugatan ng isang

lugar. May kanya-kanyang kwento ng pinagmulan ang bawat pook. Isa na dito ang

Malibacsan na siyang tagpuan sa Sugilanong “Ang Gingharian sa mga Baksan”.

Dunay istorya sa ako si Merang Gomonit nga 99 anyos na dihang akong


nakahinabi. Diha kunoy Katsila nga mianhi aning lugara dayon nangutana
sa mga Lumad unsay ngalan sa lugar dayon wa kasabot ang gipangutana
maong miingon nga “May mga baksan daghan diha.” Kay taas lagi to, ang
nakuha sa Katsilaloy, kana ra segurong pulong nga Malibaksan.

[May kwento sa akin si Merang Gomonit, 99 taong gulang, na mayroon


daw Kastila ang pumarito noon sa lugar na ito at nagtanong sa mga Lumad
kung ano ang pangalan ng lugar. Subalit, hindi iyon maintindihan ng
tinanong na Lumad kaya sinagot niya ang Kastila na “Maraming mga
baksan diyan.” At dahil medyo mahaba nga ang sagot ng Lumad, ang
salitang Malibacsan lang ang nakuha ng Kastila.]

Sinasabi na pinangalanang Malibacsan ang naturang lugar dahil maraming

“baksan” o ahas ang matatagpuan dito. Sagana sa mga kwentong bayan ang nasabing

pook tungkol sa pinagmulan ng mga ahas. Pinagpasa-pasang dila ng mga taga-

Malibacsan ang mga kwentong ito mula pa sa panahon ng mga Kastila hangang sa

kasalukuyan.

ii. Pagpapahalaga sa mga hayop

Maraming uri ng hayop na hindi nagugustuhan ng karamihan. Maaring dahil ito

sa kamandag na kanilang taglay o bangis na nakapapatay ng tao. Isa sa mga ganitong uri

ng hayop ang ahas.


75

Nahibaloan na lang nako nga naghimo diay ang barangay og zoo sa mga
hayop ug ang ilang gi-specialize ang mga klase sa halas sa ilang barangay.
Duna silay nadakpang 199 ka mga halas ug duna pa silay nakuha nga mga
donasyon nga 45 ka mga halas, diin 30 ang lokal ug 10 ang gikan sa
abroad. Sulod sa pito ka tuig nagkadako ang maong zoo. Daghan na ang
mobisita niini ug ang kita sa entrance fee igo na para sa panggastos sa
pagkaon sa mga hayop ug pangsweldo sa mga empleyado.

[Nabalitaan ko nalang na gumawa pala ang barangay ng zoo o


palahayupan at kanilang ipinakita ang mga klase ng ahas sa kanilang
lugar. Nakahuli sila ng 199 na ahas at may nakuha pa silang donasyong 45
na ahas na kung saan, galing sa lokal ang 30 sa mga iyon at 10 naman sa
ibang bansa.]

Kinatatakutan na ang mga ahas noon pa man. Isang tuklaw lang kasi nito,

maaaring malagay sa panganib ang buhay ng tao. Kaya naman, kapag nakakakita ng ahas

ang ilan, agad nila itong pinapatay. Subalit, hindi ganoon ang nangyari sa Sugilanong

“Ang Gingharian sa mga Baksan”. Imbes na katakutan at patayin ang mga ahas na

naglipana sa lugar, gumawa pa sila ng zoo upang maipakita sa mga tao ang iba’t ibang uri

ng ahas. Sa ganitong paraan, hindi lang nila napahalagahan ang mga ahas kundi

naipagmarangya rin nila ang angking yaman ng kanilang barangay.

Coroy

i. Pagmamahal sa pamilya

Magkaiba ang kultura ng mga Pilipino at Amerikano pagdating sa pamilya. Sa

Estados Unidos, kinakailangan nang bumukod ng anak pagtungtong niya ng 18 taong

gulang. Sa Pilipinas, kahit na lumampas pa ng 18 ang edad, maaari pa rin itong manatili

sa poder ng magulang hanggang sa magkapamilya at magkaroon ng mga apo. Ganyan

katagtag ang samahan ng pamilyang Pilipino.

Mga ala-una pa lang seguro sa kaadlawon, estimeyt niya. Gitan-aw niya ang
iyang niwang nga asawa ug ang tulo niya ka apong nagsaninag pangtaas lang
nga anaa sa kilid niini.
76

[Mga ala-una palang siguro ng madaling araw, tantiya ni Manong Coroy.


Sinulyapan niya ang kanyang payat na asawa at ang tatlo nilang apong
nakasuot lang ng pantaas na damit na nasa gilid nito.]

Masisilip sa Sugilanong “Coroy” na nanatili ang ilan sa mga anak at apo ng

pangunahing tauhan sa kanyang pangangalaga. Dahil dito, naglalako pa rin ng isda si

Manong Coroy sa kabila ng katandaan upang kumita para sa pang-araw-araw nilang

gastusin.

Adtong nangisda pa siya, duna gyud silay sud-an kanunay kay magtinda
man gyud siya para sa kan-on nila sa iyang asawa ug mga anak.

[Noong nangingisda pa siya, may ulam sila palagi sapagkat nagtinda


talaga siya ng isda para sa kakainin nilang mag-asawa at mga anak.]

Mapapansin sa linyang ito ang pagmamahal ni Manong Coroy sa kanyang

pamilya. Nagsisipag siya sa paghahanapbuhay upang hindi magutom ang kanyang

pamilya. Kung wala siyang pagmamahal sa kanyang pamilya, hindi siya magsusumikap

na itaguyod ang mga ito.

ii. Kawalan ng kaalaman sa batas

Walang pinipili ang batas. Kapag nagkasala ang isang tao, mahirap man o

mayaman, kailangan nila itong panagutan. Sinasabi din na hindi pinapalampas ang mga

taong walang kaalaman sa batas. Kahit na igiit nilang hindi nila alam na mayroong

ganoong batas at nilabag nila iyon nang hindi nalalaman, dapat pa rin nila itong

pagbayaran, kagaya na lamang ng nangyari kay Manong Coroy.

“Marcial Lo? Wa man ko kaila ni Marcial Lo, sir.”


“Balaod na siya, Manong. Ginadili ang paggawas sa ingon aning orasa.”
“Ngano man?”
“Kay balaud man na, Manong.” Isog na ang inistoryahan sa sundalo.
“Dakpon ang nagsuroy-suroy.” Ug gisenyasan niini ang tulo ka kauban nga
dakpon si Manong Coroy. Gihawiran sa tulo si Manong ug gipasakay.
“Sir, sir, lab-asero lang ko, sir. Wa koy sala, sir.”
77

“Manong, misupak ka sa balaod sa curfew. Ayaw lang kabalaka. Walay


mahitabo nimo.”

[“Marcial Lo? Hindi kop o kilala si Marcial Lo, sir.”


“Batas po iyon, Manong. Ipinagbabawal ang paglabas sa mga oras na ito.”
“Bakit naman?”
“Kasi nga batas po, Manong.” Tumaas na ang tono ng sundalo.
“Huhulihin ang mga gumagala.” At sinenyasan nito ang tatlo niyang
kasama upang dakpin si Manong Coroy. Hinawakan nila si Manong at
isinakay.
“Sir, sir, manlalako lang po ako sir. Wala po akong kasalanan.”
“Manong, lumabag po kayo sa curfew. Huwag kayong mag-alala. Walang
mangyayaring masama sa inyo.”

Madaling araw pa lang, nagpunta na ng daungan si Manong Coroy upang hintayin

ang pagdaong ng barkong may kargang mga isda. Subalit, lingid sa kanyang kaalaman,

ipinatupad na ang Batas Militar kaya nagkaroon ng curfew. Dahil dito, kahit anong

pagmamakaawa niya na wala siyang kasalanan at hindi niya kilala si Marcial Lo, dinala

pa rin siya ng mga sundalo sa munisipyo.

Ang Emperor sa Alak

i. Pagsusumikap ng mag-asawa sa pagtataguyod ng mga anak

Pinakita sa Sugilanong “Ang Emperor sa Alak” na hindi hadlang ang kahirapan

upang umasenso ang isang tao. Makikita ito sa ilang mga eksena sa kwento. Halimbawa

na lamang ang mga sumusunod.

Dugay sad siyang nanaka ug lubi hangtod nga naminyo ni Inday.

[Matagal din siyang umakyat ng puno ng niyog hanggang sa nag-asawa


sila ni Inday.]

Sa kwentong ito, lumaki sa hirap ang pangunahing tauhan na si Andot at ang

kanyang asawa na si Inday Rosa. Sekundarya lang ang natapos ni Andot kaya hindi pang-

opisina ang kanyang trabaho. Bagkus, pag-akyat sa puno ng niyog ang kanyang
78

pinagkakakitaan hanggang sa magkapamilya na siya. Gayunpaman, naitataguyod pa rin

ni Andot ang pang-araw-araw na pangangailan ng kanyang pamilya.

Nakit-an ni Inday Rosa nga wa may mahitabo sa ilang kinabuhi sa ilang


mga anak ug pagpananggiti ni Andot, naninda nalang siya ug saging sa
merkado.

[Napagtanto ni Inday Rosa na walang mangyayari sa buhay ng kanilang


mga anak kung patuloy silang aasa sa trabaho ni Andot, kaya nagtinda
nalang siya ng saging sa palengke.]

Nakaukit na sa palad ng mga kababaihan ang pananatili sa bahay kapag nag-

asawa na. Obligasyon nilang alagaan ang mga anak habang nagtatrabaho ang kabiyak.

Subalit, iba si Inday Rosa. Hindi siya nanatili bahay, bagkus, tumulong siya sa kanyang

asawa sa paghahanapbuhay. Nagtayo siya ng maliit na negosyo hanggang sa lumago ito

at napagtapos ang walo nilang anak. Likas na sa katangian ng mga Pilipino lalong lalo na

ng mga Misamisnon ang walang takot na pagharap sa mga hamon ng buhay. Ito ang

humuhubog sa tatag at lakas ng tao sa paghakbang tungo sa hinahangad na magandang

kinabukasan.

ii. Pagkakaibigan

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging isang pala-kaibigan. Dahil ito sa kakayahan

nila na ngumiti at tumawa sa kabila ng mga problemang kinakaharap.

Didto na sa Cebu siya nakabalita nga nangahilo ang iyang mga suod nga
kainuman sa ila. Si Usting, si Pablo, si Ruben, si Kanor ug si Oloy. Pag-adto
niya sa balay sa mga namatyan nga grabe kayo ang paghilak niya kay suod
god to sila kaayo sa mga namatay.

[Doon na siya sa Cebu nakabalita na nalason ang kanyang mga kainuman


sa kanila. Si Usting, si Pablo, Si Ruben, si Kanor at si Oloy. Pagpunta niya
sa bahay ng mga pumanaw, humagulgol siya sapagkat malapit sila ng mga
namayapa.]
79

Sa Sugilanong “Ang Emperor sa Alak”, nakatagpo ng iba’t ibang uri ng kaibigan

ang pangunahing tauhan. Sila ang mga kasama ni Andot sa inuman. Kaya naman, noong

namatay ang mga kaibigan nito dahil sa lason na nilagay sa alak, agad na umuwi ng

probinsya si Andot upang ipagluksa at makiramay sa naiwang pamilya ng yumaong mga

kaibigan. Sinasabi na makikilala ang personalidad ng isang tao base sa mga uri ng

kaibigang pumapalibot sa kanya. Hindi kinakailangan na magkaroon ng napakaraming

kaibigan. Tama na ang magkaroon ng isa o dalawa hangga’t totoo at mapagkakatiwalaan

sila.

Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery

i. Pagsusumikap

Isa sa mga pinalitaw na kaisipan ng Sugilanon na “Ang Pan Burikat sa Labadan’s

Bakery” ang pagsusumikap. Kaakibat ng pagsusumikap ang matiising pagtitiyaga.

Makikita sa bahagi ng Sugilanong “Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery” ang pasisikap

ni Karina.

Niadtong tuig 1970s, naglisod gyud ang balong babae nga si Karina
Labadan kay gisayonan ka og binlan og anak nga walo.

[Noong taong 1970s, talagang naghirap ang buhay ng isang balong babae
na si Karina Labadan sapagkat binubuhay niya mag-isa ang kanyang
walong anak]

Malinaw na tinalakay ang pagiging masigasig ni Karina. Kahit mag-isa niyang

binubuhay ang kanyang walong anak, nagpursige pa rin siya para may makain lang ang

kanyang mga anak ng tatlong beses sa isang araw.

…kaingon sila gani og namatay na ang iyang bana pero nahibaloan na lang
nila nga mikuyog sa iyang kabit…

[…akala nila namatay na ang kanyang asawa pero nalaman na lang nila na
sumama pala sa kanyang kabit…]
80

Makikita sa pangungusap na ito ang pagsisikap ni Karina, kahit iniwan siya ng

kanyang asawa, naghanap pa rin siya ng paraan para masuportahan ang pangangailangan

ng kanyang mga anak.

Ming uli si Karina sa among lunsod ug nagnegosyo na lang pod. Nakaabang


man siyag gamay nga pwesto sa atbang sa merkado.

[Umuwi si Karina sa aming lunsod at nagtayo ng negosyo.. Nakarenta siya


sa maliit na pwesto sa harap ng palengke]

Gaya ng naunang pangungusap, nagpapakita rin ang pangungusap na ito ng

pagsisikap. Kahit biktima ng giyera si Karina, bumangon ulit siya at nagtayo ng

panibagong panaderya.

“…dayon nakagradweyt dayon ug nakatrabaho og mayo. Ako nay tulo ka


seaman, duha ka nurse, usa ka pharmacist ug physical therapy nga tua sad
nagtrabaho abroad”

[May tatlong anak na akong nakatapos at nakapagtarbaho ng seaman,


dalawang nars, isang pharmacist at isang physical therapy na nandoon na
sa abroad]

Sa pagsisikap ni Karina naging matagumpay siya sa kanyang buhay.

Nakapagtapos ang kanyang ang mga anak at mas lalo lumago ang kanyang panaderya.

ii. Pagtutulungan ng pamilya

Ang tagumpay ng lahat ay sinusuportaan ng bawat pamilya na kung saan

magkakasama sa bawat problema.

“Maayo gyud nga aron molampos ang imong negosyo, magtinabangay gyud
ang tibuok pamilya sa trabaho. Akong mga anak, motabang sa paghimo og
pan, panuroy og pagtinda. Dako sad ang ilang pagtabang nako kay dili man
sila gastador”

[Mas maging maunlad ang negosyo kung magtulung-tulungan ang buong


pamilya. Aking mga anak, tumutulong sa „kin ng paghuhurno ng pan,
paglalako at pagbebenta ng tinapay. Mabubuti rin ang aking mga anak
dahil hindi sila mga buyaya]
81

Ito ang dahilan ng tagumpay sa pamilya ni Karina, wala man ang kanyang asawa

para tulungan siya sa kanilang bagong negosyo at sa kanilang mga problema pero

nandiyan ang kanyang ang mga anak na nagbibigay lakas at tumutulong sa kanya. Dahil

sa pagtutulungan ni Karina at kanyang mga anak, nakapagtapos sa pag-aaral ang walong

anak nito at mas lalo lumago ang kanilang negosyo.

iii. Pagmamahal ng ina

Pag-ibig ng isang ina ang pinakadakilang pag-ibig sa lahat. Handang

nagsakripisyo ang ina para sa kanyang pamilya. Kahit man na nagkandakuba sa

pagtatrabaho basta makakain lang ng tatlong beses sa isang araw ang kanyang mga anak.

Ganoon din si Karina.

Pagkakadlawn, sayo kayo siyang mimata aron magluto og pandesal

[Pagkaumagahan, gumising nang maaga para magluto ng pandesal]

Sa pangungusap na ito ng Sugilanong “Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery”,

naipapakita ang pagmamahal ng isang ina. Gumigising nang maaga si Karina upang

gumawa ng tinapay para ibenta sa kanilang panaderya. At dahil dito, nabibigyan niya ng

suportang pinansyal ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak sa kanilang pag-

aaral.

…nangutang siya og usa ka sakong harina. Dayon nangutang sad siya og


ingredients…

[…nangungutang siya ng isang sakong harina at mga sangkap para sa


lulutuin niyang pandesal..]

Sa paraan ng pangungutang ni Karina sa kanyang mga kapitbahay, nagpapakita

rin ito ng pagmamahal at sakripisyo bilang ina. Nilunok niya ang kanyang dangal para
82

may maibenta lang siyang pandesal at upang magamit ang magiging kita nito sa

pangangailangan ng kanyang mga anak.

Dihang nadagko na ang iyang mga anak, iya sad nga gitug-anan sa formula
sa ilang pinakasikat nga pan

[Nang lumaki na ang kanyang mga anak, tinuruan din niya ng tamang
pormula sa pagluluto ng kanilang pinakasikat pandesal]

Tinuturuan din niya ang kanyang mga anak sa paghuhurno at pagbebenta ng

tinapay. Sa pagpupursige at pagmamahal ni Karina, nakapagtapos ng kolehiyo ang

kanyang walong anak at nakapagtrabaho na rin ito sa ibang bansa.

Hari’s Habal-habal

i. Pagpapakumbaba

Ang pagiging mapagkumbaba ang isa sa mga lumitaw na katangian sa Sugilanong

“Hari’s Habal-habal”. Ayon kay Mormon, hindi magkakaroon ng pananampalataya o

pag-asa, kung walang maamo at mapagpakumbabang puso ang isang indibidwal. Kilala si

Dodong sa kanilang lunsod sa pagiging magpapakumbabang tao.

Sa panahong misikat na si Dodong nga drayber nga angay sundon sa mga


naawahing drayber. Ang pulong nga habal-habal misikat na ug siya dayon
ang gibotaran nga Hari’s Habal-habal o Habal-Habal King.

[Nang sumikat na si Dodong bilang drayber na naging huwaran siya sa


mga bagong drayber. Sumikat ang salitang habal-habal at siyang pinili
bilang isang Hari‟s Habal-habal o Habal-habal King]

Bahagi ng Sugilanong “Hari’s Habal-habal” ang pangungusap na nasa itaas. Kahit

man sumikat na si Dodong, nanatili pa rin ang kanyang maamong puso. Iniisip niya ang

kapakanan ng iba at hindi lamang ang kanyang sarili. Kaya lalo siyang kinagigiliwan ng

mga tao sa kanilang lunsod at piniling tawagin siyang Habal-habal King.


83

ii. Pagbabagong buhay

Hindi na iba sa ating mga tao ang pagbabago. Kadugtong na ito ng buhay.

Kaakibat ng lahat ng bagay-bagay ang bawat tao sa mundong ating ginagalawan. May

pagbabagong masama ngunit kalimitang itong ikinabubuti ng tao. Isa na lamang ang

tamang desisyon ni Dodong.

Didtong panahona siya nakahunahuna nga makigrelasyon na lang gyud siya


adtong walay kabilinggan

[Nang panahon iyon nagpag-isipan niya na makipagrelasyon siya sa


babaeng wala pang-asawa]

Napagtanto ni Dodong na magbagong buhay na siya. Umiwas na siya sa kanyang

maling gawain at mamuhay na matiwasay. Naisipan din niya na kung makakahanap man

siya ng kanyang iibigin ay yung babaeng walang asawa.

Tulay sa Pangulo

i. Pagtutulungan sa pamayanan

Ayon sa kasabihan ni Lolo Amang Tanda na “Gumagaan ang mabigat kapag

napagtutuwangan.” May karampatang solusyon ang mga problema o suliranin sa buhay

kapag nagtutulungan ang bawat isa. Makikita sa Sugilanon na “Tulay sa Pangulo” ang

pagtutulungan ng mamayan.

Dihang nauso ang mga sementong tulay, gihimoan pod og sementong tulay

[Nang nauso ang sementadong tulay, gumawa na naman sila ng tulay na


gawa sa semento]

Bahagi ng Sugilanong “Tulay sa Pangulo” ang pangungusap na nasa itaas.

Makikita sa pangungusap ang pagtutulungan ng taga-barangay Sinara. Nang panahong


84

nasira ang hanging bridge dahil sa malakas na baha, inaksyunan agad ito ng mga taga-

barangay na gumawa ng sementong tulay para madaanan ng mga tao ang ilog.

Mao tong dihang nauso ang submarine bridge, gibuhatan dayon nila

[Nang nauso na naman ang submarine bridge, agad nila ito isinagawa]

Sa bahaging ito naman ng Sugilanong “Tulay sa Pangulo” nagpapakita ng

pagtutulungan. Kahit nasira na naman ang ginawang tulay ng mga taga-barangay Sinara,

gumawa naman ng bagong tulay para sa kaayusan ng barangay. Kahit paulit-paulit na ito

nasisira dahil sa malakas na baha, hindi pa rin sumusuko ang mga taga-barangay.

Pagkadungog ni Mayor aning mga istoryaha, misugo siya nga magpabutang


aron mananghid sa mga dili ingon nato.
[Nang malaman ng Mayor ang balita, agad siya nagpatawag para humingi
ng pahintulot sa mga engkanto para hindi na sila abalahin]

Sa bahaging pangungusap na ito, malinaw na makikita ang pagtutulungan.

Tumulong na rin si Mayor para mabigyang solusyon kung bakit paulit-paulit na nasisira

ang tulay. Ayon sa sabi-sabi ng mga tao sa barangay, dahil nga raw sa mga engkanto na

nanirahan malapit sa tulay kaya palagi ito nagigiba. Kaya agad itong inaksyunan ng

Mayor. Naghanap siya ng albularyo para humingi ng permiso sa mga engkanto na huwag

na abalahin ang mga tao at ang tulay mismo.

Ang Saging ni Inday Rosa

i. Pagsusumikap

Walang imposible sa posible dahil lahat kayang gawin ng isang tao kapag may

kasamang pagpupursige, kagaya lamang sa ginawa ni Inday Rosa. Nagsusumikap na

magtinda si Inday Rosa para matustusan ang kanilang pang-araw-araw na

pangangailangan at sa kadahilanang gusto niyang iahon ang kanyang pamilya sa hirap.


85

Nagkasamad-samad pa siya og hinimo sa istik, di parehas karon nga paliton


na man lang ang tugsok. Gibaligya niya sa recess sa Central. Sus nahalin
man tanan og singkwenta pesos. Mao na kadto ang iyang gigamit pagpalit
pa og laing saging ug kamay. Nagtinihik gyud siya. Wa niya pakuhai kay
ang ilang gikaon ang kinitaan sa iyang bana sa pagpananggot og tuba.

[Nasugatan pa siya habang gumawa ng tusukan o stick, hindi katulad


ngayon na bibilhin na lamang ang tusukan. Ibininta niya ito sa paaralan ng
Central. Naubos ang paninda niyang saging at kumita siya ng limampung
peso. Ang kitang iyon ang ginamit niya pambili ng saging at kalamay.
Nagtipid siya. Hindi niya ginalaw ang pera dahil ang kita ng kanyang
asawa ang kanilang ginamit pambili ng pagkain.]
Nagtulungan ang mag-asawa na magtrabaho upang mapag-aral nila ang kanilang

mga anak para hindi matulad sa kanila na walang pinag-aralan. Dahil sa pagtitiyaga at sa

walang humpay na pagsusumikap, patuloy ang paglago ng kanilang negosyo at resulta

nito ang maginhawang buhay na natatamasa nila.

ii. Pananampalataya

“Lihok tawo kay tabangan ko kamo”, isang linyang galing sa bibliya na

nangangahulugang dapat kumilos tayo dito sa mundong ibabaw para tulungan at gabayan

ng Panginoon.

Pero ang pinakaimportante, ang hugot ng pag-ampo sa atong Ginoo ug ang


panaghiusa nimo sa imong bana og anak…

[Ang pinakaimportante sa lahat, ang taimtim na pagdarasal sa Puong


Maykapal at ang pagkakaisa ng iyong bana at mga anak…]
Ipinakita ni Inday Rosa ang kanyang pananalig sa Panginoon. Sa bawat hakbang

na kanyang tinatahak, sinasabayan niya ang kanyang mga ginagawa ng panalangin. Hindi

magiging matagumpay o maginhawa ang kanyang buhay kung walang tulong galing sa

Poong Maykapal. Ito ang nagsisilbing lakas ng pangunahing tauhan upang hindi agad

siya sumuko sa laban ng buhay.


86

Ang Rayna sa Binalbal Festival

i. Kapistahan

Ipinapakita sa Sugilanong “Ang Rayna sa Binalbal Festival” ang nakagawiang

tradisyon ng mga Pilipino sa pagsasayaw na nagbibigay ng ngiti sa mga labi lalo na sa

mga taga Misamisnon.

Ug sa ila nang pagparada ang ilang gisayaw kanang aksyon sa Pearly Shell
ug Tiny Bubbles

[At sa kanilang pagparada, isinayaw nila ang Pearly Shell at Tiny Bubbles]
Sa kwentong ito, ang Binalbal Festival ang pinakatampok na tanawin na taon-taon

nilang idinaraos. Nilahukan ito ng mga representante ng iba’t ibang barangay upang

ipakita ang kanilang mga talento sa pagsasayaw.

Gitudluan sila unsaon pagrampa, unsaon pagtubag, unsaon pag-inigat


gamay.

[Tinuruan sila kung papaano rumampa, kung papaano sumagot at kung


papaano lumandi nang kaunti.]

Maliban sa pagsasayaw mayroon ding paligsahan na magaganap na tinatawag

nilang beauty contest, pawang mga bakla lamang ang pwedeng sumali dito at kung sino

ang magwawagi ang siyang ipaparada sa araw ng pista ngunit tuturuan muna ang mga

kalahok bago sumalang sa entablado.

ii. Pagtanggap sa Tunay na Pagkatao

Sa mundong ibabaw hindi maikakaila na mayroong pamilya na hindi kayang

tanggapin ang tunay na pagkatao ng kanilang sariling anak, subalit kabaliktaran sa

Sugilanong “Ang Rayna sa Binalbal Festival”. Tanggap ng pamilya ni Abner ang


87

kanyang tunay na pagkatao kahit naiiba siya. Patunay nito ang isa sa mga pangyayari sa

kwento bago maganap ang patimpalak.

Hasta ang iyang mga ginikanan ug mga pag-umangkon nga nanguli,


mitabang og hangyo kay motabang kuno sila og make-up ug ilis niya.

[Pati na ang kanyang mga magulang at mga pamangkin na umuwi,


tumulong sa pagkumbinsi dahil tutulong raw sila sa paglagay ng make-up
at pagbihis sa kanya.]

Napilitan si Abner na sumali dahil sa ibinigay na suporta ng kanyang mga

magulang at mga pamangkin. Ito ang nagsilbing inspirasyon ni Abner upang masungkit

ang korona at masuklian ang pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya.

Sugilanon ni Lanie

i. Pagtataksil

Huwag masyadong magtiwala sa mga taong hindi naman karapat dapat na

pagkatiwalaan. Hindi dapat ibigay ang lahat-lahat at bigyan din ng halaga ang sarili dahil

hindi sa lahat ng panahon mananatili ang taong itinuring na mundo ng isang tao.

Nakit-an gayud naku. Miadto sila sa cottage. Nag-uniform pa og


Immaculate Conception College ang vajeh. Taas og buhok. Gwapa. Morena.

[Nakita ko talaga. Pumunta sila sa kubo. Naka-uniporme pa ng Immaculate


Conception College ang babae. Mataas ang buhok. Maganda. Morena.]

Sa pangyayari sa kwento, kapag hindi magkasama ang pangunahing tauhan na si

Lanie at ang minamahal nito na si Ros, mayroon ding kinakasamang ibang babae si Ros.

Kahit sobra ang ipinakitang kabutihan at pagmamahal na ibinigay ni Lanie kay Ros,

nagawa pa rin nitong lokohin at paglaruan.


88

ii. Pagtitiis

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging matiisin sa lahat ng aspeto ng

buhay, maaaring para sa pamilya, kamag-anak, kaibigan at para sa minamahal. Handang

tumulong at handang magsakripisyo ang mga Pilipino maibigay lang ang

pangangailangan nila kagaya ng ginawa ni Lanie.

Gisayunan ka nga muna-muna Nakong tinarbaho nga morag kabaw,


nangutang ug nangutang ko para niya aron mahatag niya ang usa ka
maayong kinabuhi…

[Akalain mo kayod kalabaw na ako sa pagtatrabaho, utang pa ako nang


utang para sa kanya para maibigay sa kanya ang maayos ng buhay…]

Tiniis niya ang pagod at hirap sa pagtatrabaho masuportahan lamang ang kanyang

minamahal. Mas marami pa siyang igunugol na oras sa pagtatrabaho kaysa sa kanyang

sarili.
89

Lumabas sa resulta ng pag-aaral na dalawa (2) sa siyam (9) na Sugilanon ang may

magkatulad na paksa. Upang mas madali itong maunawaan ibinuod ang resulta sa

pamamamagitan ng talahanayan na makikita sa ibaba.

Talahanayan 1. Mga Paksa sa mga Sugilanon ni Mario L. Quezon


Sugilanon
Paksa
S1 S2 S3 S4 S5 S6 S7 S8 S9

Pagsusumikap  

Pagpapanatili ng tao sa kasaysayan ng lugar 

Pagpapahalaga sa mga hayop 

Pagmamahal sa pamilya 

Kawalan ng kaalaman sa batas 


Pagsusumikap ng mag-asawa sa

pagtataguyod ng mga anak
Pagkakaibigan 

Pagtutulungan ng pamilya 

Pagmamahal ng ina 

Pagpapakumbaba 
Pagbabagong buhay 
Pagtutulungan sa pamayanan 

Pananampalataya 

Kapistahan 
Pagtanggap sa tunay na pagkatao 
Pagtataksil 
Pagtitiis 
Legend:
S1. Ang Gingharian sa mga Baksan S6. Tulay sa Pangulo
S2. Coroy S7. Ang mga Saging ni Inday Rosa
S3. Ang Emperor sa Alak S8. Ang Rayna sa Binalbal Festival
S4. Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery S9. Sugilanon ni Lanie
S5. Hari’s Habal-habal
90

Pagkakikilanlan ng mga Misamisnon

May kanya-kanyang identidad ang bawat tao. Nahuhubog ang personalidad ng isang

indibidwal sa impluwensya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Mahalagang salik din

ang kultura ng isang lugar upang lubusang makilala ang pagkatao ng bawat isa. Ayon kay

Confucius, magkatulad ang lahat ng indibidwal; kaugalian lamang ang nagpapaiba sa

bawat isa.

Namumuhay ang mga Misamisnon sa probinsya ng Misamis Occidental.

Matatagpuan ang lugar na ito sa kanlurang bahagi ng rehiyon sa Mindanao. Binubuo ito

ng tatlong syudad at labing-apat na munisipalidad. Mga katutubong Subanen ang orihinal

na nakatira sa Misamis Occidental. Kaya masasabing nakaapekto ang kultura ng mga

katutubo na may kinalaman sa kalikasan sa pagkakikilanlan ng mga Misamisnon.

Mapagmahal sa Kalikasan

Pinaniniwalaang nagmula ang pangalang Misamis sa salitang Subanen na

Kuyamis na nangangahulugang sari-saring klase ng niyog. Ito ang pangunahing pagkain

ng mga katutubong Subanen noon. Patunay lamang ito na hitik sa yamang lupa ang

nasabing probinsya. Makikita ang pagmamahal sa kalikasan ng mga Misamisnon sa

Sugilanong “Ang Gingharian sa mga Baksan” na sinuri.

Ang Gingharian sa mga Baksan

Nahibaloan na lang nako nga naghimo diay ang barangay og zoo sa mga
hayop ug ang ilang gi-specialize ang mga klase sa halas sa ilang barangay.
Duna silay nadakpang 199 ka mga halas ug duna pa silay nakuha nga mga
donasyon nga 45 ka mga halas, diin 30 ang lokal ug 10 ang gikan sa abroad.

[Nabalitaan ko nalang na gumawa pala ang barangay ng zoo o


palahayupan at kanilang ipinakita ang mga klase ng ahas sa kanilang
lugar. Nakahuli sila ng 199 na ahas at may nakuha pa silang donasyong 45
na ahas na kung saan, galing sa lokal ang 30 sa mga iyon at 10 naman sa
ibang bansa.]
91

Dalawang pangungusap lamang ito mula sa kwento subalit nagpapakita ito ng

pagpapahalaga ng mga Misamisnon sa mga hayop. Sa halip na katakutan ang mga ahas,

gumawa pa sila ng palahayupan upang maipakita sa mga pupunta sa lugar ang iba at

ibang uri ng ahas na mayroon sila.

Hari’s Habal-habal

Karun, ang among lunsod kabahin na sa DOT tourist map. Daghang grupo
sa mga turista, lokal ug lanyaw, moadto sa laing-laing tourst destination.
Kadaghanan, tilawan nila ang tanan, gikan sa mga puti nga hunasan taman
sa kaanindot sa river rafting, mountain climbing ug paghyk.

[Ngayon, kasali na sa DOT tourist map ang aming munisipalidad. Marami


ng turista, lokal at dayuhan nakapunta na sa iba‟t ibang destinasyon.
Karamihan sa kanila nakaranas na river rafting, mountain climbing at
paglakbay]

Gaya ng unang Sugilanon sa itaas, nagpapakita ang bahaging ito ng maayos na

pag-aalaga ng mga Misamisnon sa kanilang lugar. Kaya naman, dinadayo ang Misamis

Occidental dahil sa magagandang destinasyon at mga nakaaaliw na gawain dito tulad ng

river rafting at mountain climbing.

Mapagpahalaga sa kasaysayan ng lugar

Ayon kay Theodore Roosevelt, “I believe that the more you know about the past,

the better you are prepared for the future.” Ibig sabihin, upang malaman at

mapaghandaan ang bukas, dapat munang alamin ang mga pangyayari sa nakaraan. Litaw

na litaw ang pagpapahalaga ng mga Misamisnon sa kasaysayan ng lugar sa Sugilanong

“Ang Gingharian sa mga Baksan”.


92

Ang Gingharian sa mga Baksan

Dunay istorya sa ako si Merang Gomonit nga 99 anyos na dihang akong


nakahinabi.. Diha kunoy Katsila nga mianhi aning lugara dayon nangutana
sa mga lumad unsay ngalan sa lugar dayon wa kasabot ang gipangutana
maong miingon nga “May mga baksan daghan diha.” Kay taas lagi to, ang
nakuha sa Katsilaloy, kana ra segurong pulong nga Malibaksan.

[May kwento sa akin si Merang Gomonit, 99 taong gulang, na mayroon


daw Kastila ang pumarito noon sa lugar na ito at nagtanong sa mga Lumad
kung ano ang pangalan ng lugar. Subalit, hindi iyon maintindihan ng
tinanong na Lumad kaya sinagot niya ang Kastila na “Maraming mga
baksan diyan.” At dahil medyo mahaba nga ang sagot ng Lumad,ang
salitang Malibacsan lang ang nakuha ng Kastila.]

Sa pamamagitan ng mga kwentong ipinapagpasa-pasang dila, nalaman ng

marami kung bakit pinangalanang Malibacsan ang barangay sa kwentong “Ang

Gingharian sa mga Baksan”. Dahil dito mas lalong naintindihan ng mga tagaroon ang

pinag-ugatan ng kanilang lugar. Sa paraang ito, napanatili nila ang kasaysayan mula pa

noon hanggang ngayon.

Mahilig sa mga Katutubong Kwento

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging madaldal. Isa itong uri katangian na

nagpapatibay sa samahan ng bawat isa. May nakakubling emosyon bawat kwento. Ito ang

mga emosyong nagpapaganda sa takbo ng mga pangyayari na maaaring bumago sa

pananaw ng nakikinig. Mapapansin sa Sugilanong “Ang Gingharian sa mga Baksan” na

taglay ng mga Misamisnon ang kanilang kahiligan sa mga katutubong kwento.

Ang Gingharian sa mga Baksan

Naay nag-ingon nga anaa pa kuno sa Malibacsan kadtong halas nga mitental
kang Eva sa pagkaon sa mansanas didto sa paraiso nga mabasa sa Genesis...
93

[May nagsabi na naroon pa raw sa Malibacsan ang ahas na tumukso kay


Eva na kumain ng mansanas sa Paraiso na mababasa sa aklat ng
Genesis…]

Gikan pod kuno sa Malibacsan si Medusa, kadtong babaye nga may buhok
nga puros halas ug may mata nga makahimong estatuwa sa tanang makit-
an…

[Galing din daw sa Malibacsan si Medusa, ang babaeng may ahas na


buhok at may mga matang kayang gawing bato ang sinumang tumingin
dito…]

Dinhi daw sad gikan si Zuma, kadtong hari sa mga halas nga naay duha ka
halas sa iyang liog ug mahimong makasugo sa tanang halas ug ingon man si
Galema, ang anak nga babaye ni Zuma…

[Dito rin daw galing si Zuma, ang hari ng mga ahas na may dalawang
serpente sa leeg na kayang kontrolin ang lahat ng ahas, at maging si
Galema, ang anak na babae ni Zuma...]

Mapapansin sa mga pahayag sa itaas ng Sugilanong “Ang Gingharian sa mga

Baksan” na sagana sa kwentong-bayan ang mga taga-Malibacsan. Hindi lamang isa kundi

maraming katutubong kwento ang naglipana sa lugar. Nagpapatunay lamang na parte na

ng buhay ng mga tagaroon ang kahiligan nila sa iba’t ibang kwento. Ang mga kwentong

ito ang nagpapakulay sa pang-araw-araw na takbo ng kanilang pamumuhay.

Ang Tulay ng Pangulo

Ang mga engkanto kuno sa layong dapit moanha sa Kamel, dayon sa balete
sa may pansil ug sa balete dapit sa Matugas. Diha man gani kunoy
nakadungog nga mitotot ang barko sa paglabay niini. Dihay nag-ingon nga
nakadungog siya og nagbayle sa mga balete niadtong panahon sa baha.

[Pumupunta raw sa Kamel ang mga engkanto sa malalayong lugar, sa


balete sa may pansil at balete malapit sa Matugas. Mayroon nga raw
nakarinig ng tunog ng barko sa pagdaan dito. May nagsabi rin na nakarinig
raw siya ng tunog ng mga nagsasayawan sa mga puno ng balete noon
panahon ng baha.]
94

Litaw na litaw sa mga eksena sa itaas na puno rin sa mga kwentong bayan ang

munisipalidad ng Jimenez. Kahit na nakakatakot ang ilan sa mga ito, ikinukwento pa rin

ang mga yaon ng mga nakararami lalong lalo na ng mga nakatatanda.

Masayahin

Sa buhay ng tao, hindi kailanman mawawala ang lungkot at hinagpis. Subalit

hindi ito hadlang upang magmukmok na lamang sa tabi ang isang nilalang. Ayon nga sa

kasabihan, “You only live once”. Kaya marapat lamang na damhin ang bawat segundo ng

buhay. Gugulin ang oras na puno ng saya. Pinatuyan ng Sugilanong “Ang Gingharian sa

mga Baksan” na taglay ng mga Misamisnon ang kakayahang magsaya.

Ang Gingharian sa mga Baksan

Kung pista sad nga kanunay man sad ming mamista sa Malibacsan sa Mayo
15, San Isidro Labrador.

[Kapag sasapit nga ang pista ay parati kaming pumupunta sa mga salu-salo
sa Malibacsan tuwing Mayo 15, San Isidro Labrador.]

Malinaw na ipinapahiwatig sa pangungusap na ito ng Sugilanong “Ang

Gingharian sa mga Baksan” na isang paraan ng pagpapakita ng kasiyahan ang kapistahan.

Sa pamamagitan ng pagdaraos ng pista, nagtitipon-tipon ang mga tao sa iba’t ibang lugar

upang magdiwang at makisaya kasama ang maraming kumpol ng mga indibidwal. Sama-

sama silang kumakain at humahalakhak. Isa rin itong bagay na nagbibigay-daan upang

makakilala ng mga bagong kaibigan.

Ang Rayna sa Binalbal Festival

Ang ilang gisayaw, itik- itik, kanang pagpalupad-lupad sa ilang siko nga
morag itik ug paglakaw ng morag itik. Mas bibo to kay silang mga batang
laking barkada giapilan nas ilang mga amiga ug ig-agawng mga baye.

[Ang kanilang sinayaw, itik-itik, yaong pagpapaliad ng kanilang mga siko


na parang itik at paglalakad na parang itik. Mas masaya ito dahil sinalihan
95

na sila ng kanilang mga kaibigan at mga pinsang babae ang mga


magkaibigan na mga batang lalaki.]

Mapapansin sa pahayag sa Sugilanong “Ang Rayna sa Binalbal Festival” na nasa

itaas na naihahayag ng mga Misamisnon ang kanilang kasiyahan sa pamamagitan ng

pagsasayaw. Sinasabing naihahayag ng pagsasayaw ang damdamin o emosyon na

nararamdaman ng isang tao. Isa itong mabisang gabay ng pagpapahayag ng

nararamdaman sa masining na paraaan.

Ang Tulay sa Pangulo

Pagpahibalo sa taga-Sinara nga sila ang hatagan sa tulay, haskang lipaya.


Gapabayle gyud dayon si Kapitan tungod sa kalipay

[Sobrang saya nang nalaman ng mga tao sa Sinara ang kanilang barangay
ang napiling mabigyan ng tulay. Agarang nagpadaraos ng sayawan si
Kapitan dahil sa sobrang saya]

Sa pangungusap sa itaas ng Sugilanong “Ang Tulay sa Pangulo”, ipinapakita nito

ang pagiging masiyahin ng mga Misamisnon sa pamamagitan ng pagdaraos ng sayawan.

Ipinagdiriwang nila ito sapagkat nabigyan na din ng kasagutan ang kanilang problema.

Mapagbiro

Maraming katangian ang Pilipino na ikinasisiya ng mga tao. Isa na sa mga ito ang

kakayahan nilang pagaanin ang mabigat na sitwasyon sa pamamagitan ng pagpapatawa.

Makikita sa mga Sugilanong “Ang Gingharian sa mga Baksan” at “Ang Emperor sa

Alak” ang katangian ng mga Misamisnon sa paglalagay ng ngiti sa mga labi ng tao.

Ang Gingharian sa mga Baksan

Binuangan man gani ko nila nga kubalan na kuno ang akong agtang og
inamen sa akong mga tiya, tiyo, oyang, oyong ug uban pa.

[Binibiro nga nila ako na baka manigas na raw ang noo ko kakamano sa
aking mga tiya, tiyo, lola, lolo at iba pa.]
96

Isang linya lamang ang nasa itaas subalit naipapahayag na nito ang

pagkakomedyante ng mga Misamisnon. Binibiro nila ang mga mga taong malapit sa

kanila upang mag-ukit ng ngiti sa labi ng mga nakikinig na kapamilya at kaibigan. Sa

pamamagitan ng pagpapatawa, tatatak sa isipan at puso ng mga Misamisnon ang mga

sandaling kasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay sa kahit anong okasyon.

Ang Emperor sa Alak

Pero makabilib gyud ang tanan ni Andot kay tumba na ang tanan, pero siya
mamula lang ug mongisi ug muingon nga “mayg di mestizo mao nga
mamula gyud.”

[Bilib talaga ang lahat kay Andot sapagkat natumba na ang kanyang mga
kainuman ngunit namumula lang siya at sasabihin pang “mestizo eh,
mamumula talaga.”]

Sa eksenang ito, masisiyasat na pabirong sinagot ni Andot ang mga bumilib sa

kanya. Dahil dito, nabalot ng tawanan ang kanyang mga kainuman. Isa itong

pagpapatunay na matibay ang samahan ng mga Misamisnon dahil sa mga birong

binibitawan ng bawat isa.

Ang mga Saging ni Inday Rosa

“Bahala nag saging basta loving.” ug “Padayon ang loving-loving bisag


naghinobra na ang saging.”

[“Di bale nang saging basta loving” at “Ipagpatuloy ang loving-loving


kahit sumobra na ang saging.”]

Nagpapahiwatig lamang ang linyang ito mula sa Sugilanong “Ang mga Saging ni

Inday Rosa” na idinadaan lamang nila sa biro ang kanilang mga ginagawa na nagbibigay

ng ligaya at aral sa kanilang buhay.

Mapagmahal sa pamilya
97

Ang hindi pagbabaya at ang walang humpay na pagsuporta sa kanilang pamilya

ang isa sa mga katangiang maipagmamalaki ng mga Pilipino lalo na ng mga Misamisnon.

Hindi nila kayang makita ang kanilang mga mahal sa buhay na naghihikahos at

nagkakasakit. Susuungin nila maipadama lamang kanilang pagmamahal sa mga taong

mahalaga sa kanila. Maliwanag na ipinapahiwatig sa mga kwentong “Ang Sugilanon ni

Lanie, Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery, Coroy at Ang Emperor sa Alak” na

pinapahalagahan ng mga Misamisnon ang kanilang pamilya.

Sugilanon ni Lanie

Pero kung naa koy kwarta, magpadala man sad ko sa amo, ilabina adtong
nagdaut si Father dear. Adtong napusilan si Manoy sa mga rebelde kay
kawatan lagi ug bisag unsaon og warning kay di man gyud magbag-o.

[Kapag mayroon akong pera, magpapadala rin naman ako sa amin, lalo na
noong nagkasakit ang mahal kong Itay. Noong nabaril si Manoy sa mga
rebelled dahil magnanakaw pa rin kahit palagi na naming pinagsasabihan
ay hindi pa rin nagbabago.]
Napapabilang ang mga pangungusap na ito sa Sugilanong “Sugilanon ni Lanie”

na nagpapakita ng suporta at pagmamahal sa pamilya. Hindi man nila kapiling ang mga

mahal nila sa buhay ngunit patuloy pa rin ang pagsusuporta nila sa kanilang pamilya.

Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery

“Maayo gyud nga aron molampos ang imong negosyo, magtinabangay


gyud ang tibuok pamilya”

[“Mas magiging maunlad ang negosyo kung magtulungan ang buong


pamilya”]
Gaya ng unang Sugilanon sa itaas, makikita sa bahagi ng Sugilanong “Ang Pan

Burikat sa Labadan’s Bakery” na tumatalakay ng suporta at pagmamahal sa pamilya.

Tatak na sa mga Misaminon na kahit hindi kumpleto ang pamilya basta’t magtutulungan

ang bawat isa, tagumpay ang magiging biyaya.


98

Coroy

Padalhan man sad silas ilang mga anak og kwarta, usahay, P100, P200,
P300. Usahay naay usang libo o P2,000 adtong nagdaut siya. Padal-an sila
og pangsud-an, sanina, pero man sad kanunay kay di man sad dato ang
iyang mga anak.

[Pinapadalhan naman sila ng kanyang mga anak ng pera, minsan P100,


P200, P300. Minsan din may isang libo o P2,000 noong nagkasakit pa siya.
Pinapadalhan din sila ng ulam at damit subalit hindi parati sapagkat hindi
naman mayaman ang kanyang mga anak.]

Pinatunayan ng dalawang pangungusap na ito na hindi lamang ang mga

magulang nagpaparamdam ng pagmamahal sa kanilang mga anak. Nagpapakita din ang

mga anak ng pagpapahalaga sa mga taong nag-aruga sa kanila simula pagkabata.

Ang Emperor sa Alak

Pero ang nakamaayo lang ni Andot bisan na sa iyang pagkapalahubog kay


sa sunod buntag, padayon gyud siya dayon sa pagsaka sa iyang
pananggotan.

[Pero ang mabuti kay Andot, kahit na sa kanyang pagkalasenggo, patuloy


pa rin siya sa pagtatrabaho kinabukasan.]

Kagaya na lamang ng naunang Sugilanon, isang paraan din ng mga magulang ng

pagpaparamdam ng kanilang pagmamahal sa mga anak ang pagtatrabaho. Nagtatrabaho

ang mga magulang lalo na ang haligi ng tahanan upang masuportahan ang

pangangailangan ng mga anak at asawa. Sa paraang ito, hindi pinapabayaan ng mga

magulang ang mga anak na mabuhay nang mag-isa.

Malikhain

Kaakibat ng pagiging matalino ang pagiging malikhain ng isang tao. Kapag kulang

ang mga kagamitan na kanilang gagamitin, gagawa sila ng paraan upang masolusyunan

ito. Likas sa tao ang pagkamalikhain. Sa panahon ngayon, maraming mga imbensyon

ang nagsisulputan. Patunay lamang ito na patuloy ang pag-ulad ng kaalaman ng tao.
99

Ang Rayna sa Binalbal Festival

Magsayaw-sayaw lang sila og bisag unsa ug dihay usa nga nagdala og taro
nga bunalan isip drum.

[Sumasayaw lang sila ng kahit ano at at may isang tao na nagdala ng taro
na hinahampasin bilang tambol.]

Isa sa mga katangian na ipinapakita ng Misamisnon mula sa Sugilanong “Ang

Rayna sa Binalbal Festival” ang pagkamalikhain. Gagawa sila ng paraan upang

mapunan ang kakulangan ng kagamitang kanilang kinakailangan.

Hari’s Habal-habal

Ang iyang motor maoy hari gyud sa tanan. Morag kini ang kinalig-
onan.Gibutangan sad niya og gaan nga kahoy para proteksyon gikan sa init
sa makina engkaso nay aksidente. Kung ting-ula, siya lang nga drayber
nga naay ekstensyon aron mahimong atop aron di mabasa iyang pasahero.
Hinimo ni gikan sa gaan pero lig-on niya og nylon ug dunay plastic nga
atop arun dili madutlan bisan na sa kusog kaayong ulan.

[Ang kanyang motor ang hari sa lahat at pinakamatibay. Nilagyan niya ng


magaan na kahoy para proteksyon mula sa mainit na makina sakaling may
aksidente. Kung panahon ng tag-ulan, siya lang drayber na may
ekstensyon na may atip ang motor para hindi mabasa ang kanyang
pasahero. Gawa sa magaan at matibay na istik na tinalian ng nylon at
plastik ang atip na kanyang ginawa para hindi masira sa malakas na
ulan.]
Maliwanag na ipinapahayag ng mga linya sa itaas ang pagiging malikhain ng mga

Misamisnon sa katauhan ni Dodong. Maraming namangha sa kanya. Kahit na hindi

nakapagtapos sa pag-aaral si Dodong, nangingibabaw pa rin ang kanyang pagiging

malikhain. Patunay lamang na hindi hadlang ang estado sa buhay para ipakita sa ang

talento ng taong maipagmamalaki saanmang dako ng mundo.

Masipag

Tanyag ang mga Pilipino sa sobrang kasipagan. Tinuturing nga na bayani ang mga

nagtatrabahong Pilipino sa ibang bansa. Nagsasakriprisyo silang mawalay sa kanilang


100

pamilya makapundar lamang nang malaki para sa kinabukasan ng mga anak. Likas na sa

buhay ng tao ang pagiging masipag. Papasukin nila ang iba’t ibang klase ng trabaho para

sa kanilang pamilya kahit na napapagod na sila. Kayod kalabaw ang kanilang ginagawa

matustusan lamang ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Makikita sa

Sugilanong “Ang mga Saging ni Inday Rosa, Ang Sugilanon ni Lanie, Ang Pan Burikat

sa Labadan’s Bakery, Coroy at Ang Emperor sa Alak” na isa mga katangian ng mga

Misamisnon ang kasipagan.

Ang mga Saging ni Inday Rosa

Namaligya siya og hilaw ug hinog nga mga saging.

[Nagbinta siya ng hilaw at hinog na mga saging.]


Nahimong manakaay og lubi si Andot hangtod nahimong manguhitay ug
mananggiti.

[Naging tagaakyat ng puno ng niyog si Andot hanggang sa naging


tagakuha ng niyog at tagagawa ng lambanog.]

Parte lamang ito ng Sugilanong “Ang mga Saging ni Inday Rosa” ngunit

ipinapakita nito ang pagiging masipag ng mga Misamisnon. Pinapasok nila lahat ng

klase ng trabaho alang-alang sa kanilang pamilya.

Ang Sugilanon ni Lanie

Kay gusto niya, nangutan sad ko og fridge, gas stove, TV ug betamax ug


nagtrabaho gyud ko kada adlaw.
[Dahil gusto niya, umutang rin ako ng fridge, gas stove, telebisyon,
Betamax at nagtrabaho din ako araw-araw.]
Isa ito sa mga linya o pangungusap na makikita sa Sugilanong “Sugilanon ni

Lanie” na nagpapahiwatig na handang magtrabaho maibigay lamang ang mga

pangangailangan ng mga minamahal.


101

Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery

Pagkakadlawn, sayo kaayo siyang mimata aron magluto og pandesal

[Pagkaumagahan, maagang siyang gumising para magluto ng pandesal]

Sa pangungusap na ito ng Sugilanong “Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery”

makikilala ang isang masipag na ina. Gumising siya nang maaga upang gumawa ng

pandesal para mabigyang suportang pinansyal ang mga pangangailangan ng mga anak sa

pag-aaral.

Coroy

Permero, ang iyang asawa ang mamaligya sa ilang isda, taman sa lima o
unom ka kilometro ang lakton, mosulod sa mga baryo diin mahal ang isda
mao nga mas dako ang ilang makita. Apil na ang tulo niya ka anak nga
mga baye nakat-on na sad nga manglab-asera uban sa ilang nanay. Apil
ang duha niya ka laking anak maninda na sad niadto. Hangtud nga apil
siya, magtinda na pod para mas dako ang ilang makita niadto

[Noong una, ang asawa pa niya ang naglalako ng kanilang isda at


nilalakad ang lima o anim na kilometrong distansya. Papasok sila sa mga
baryo na kung saan mas mahal ang kilo ng isda kaya mas malaki ang kita.
Pati ng tatlo niyang anak na babae ay natuto na ring bumili ng preskong
isda upang ilako. Pati ang dalawa niyang anak na lalaki ay naglalako na
rin doon. Hanggang siya ay naglalako na rin upang mas malaki ang kita.]

Pinapalitaw sa mga pangungusap na ito ng Sugilanon sa itaas na kaakibat ng

pagtutulungan ang kasipagan. Pinapakita nito na isa sa mga maipagmamalaking

pagkakikilanlan ng mga Misamisnon, ang pagiging masigasig matustusan lang ang

pangangailangan ng bawat myembro ng pamilya.


102

Ang Emperor sa Alak

Nakit-an ni Inday Rosa nga walay mahitabo sa kinabuhi sa duha nila ka


anak ug pagpananggiti ni Andot, naninda nalang siya ug saging sa
merkado.

[Nakita ni Inday Rosa na walang mangyayari sa buhay ng kanilang


dalawang anak at pagtatrabaho ni Andot kaya nagtinda na lamang siya ng
saging sa palengke.]

Sinasabi na dapat nasa bahay lang ang mga babae at nag-aalaga ng pamilya.

Subalit, pinapakita sa pahayag ng Sugilanon sa itaas na kayang sumalungat ng mga

kababaihan sa dikta ng lipunan kapag pamilya at kasipagan na ang pinag-uusapan.

Tumutulong sila sa kanilang mga kabiyak sa paghahanap ng pera lalo na kung kulang

ang kita ng bana. Paraan ito ng mga kababaihan ng pagpapamalas ng sigasig sa paraang

alam nila.

Mapagbigay

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging mapagbigay sa kanilang kapwa.

Kahit na nangangailangan sila para sa kanilang sarili, hindi sila nagdadalawang isip na

magbahagi sa kaunting biyayang mayroon sila.

Ang Saging ni Inday Rosa

Nakapamista siya niadto sa barangay Carmen sa ilang Regalado ug Juliana


Darug sa Bakok. Gipadal-an sila og usa ka bulig saging kadisnon, hilaw.

[Nakapunta si Inday Rosa sa barangay Carmen sa bahay nila Regalado at


Juliana Darug dahil may handa sila sa araw ng pista sa Bakok.
Hinandugan sila ng isang buwig ng saging kadisnon, hilaw.]

Dalawang pangungusap lamang ito mula sa Sugilanong “Ang mga Saging ni

Inday Rosa” na nagpapakita ng kabutihang loob sa kanilang kapwa.


103

Natuklasan ng mga mananaliksik na anim (6) sa siyam (9) na pagkakikilanlan ang

lumutang nang paulit-ulit sa mga akda. Upang mas madali itong maunawaan ibinuod ang

resulta sa pamamamagitan ng talahanayan na makikita sa ibaba.

Talahanayan 2. Pagkakikilanlan ng Misamisnon sa mga Piling Sugilanon ni Mario L.


Cuezon
Sugilanon
Pakakikilanlan
ng mga Misamisnon S1 S2 S3 S4 S5 S6 S7 S8 S9
Masipag     
Mapagmahal sa pamilya    
Mapagbiro   
Masayahin   
Malikhain  
Mahilig sa katutubong  
kwento
Mapagmahal sa kalikasan 
Mapagbigay 
Mapagpahalaga sa 
kasaysayan ng lugar

Legend:
S1. Ang Gingharian sa mga Baksan S6. Tulay sa Pangulo
S2. Coroy S7. Ang mga Saging ni Inday Rosa
S3. Ang Emperor sa Alak S8. Ang Rayna sa Binalbal Festival
S4. Ang Pan Burikat sa Labadan’s Bakery S9. Sugilanon ni Lanie
S5. Hari’s Habal-habal
104

Tsapter 4

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Binubuo ang tsapter na ito ng pagbubuod na ginawa ng mga mananaliksik sa pag-

aaral. Makikita rin dito ang mga nabuong konklusyon at ang kanilang mga

rekomendasyon na maaring gawan ng pag-aaral.

Buod
Pinamagatang “Ang Larawan ng Misamis Occidental sa mga Piling Sugilanon ni

Mario L. Cuezon” ang pag-aaral na ito. Nilayon nitong suriin ang mga piling Sugilanon

ni Mario L. Cuezon upang malaman ang pagkakikilanlan at pamumuhay ng mga

Misamisnon. Ginawa rin ang pag-aaral upang mabigyang pansin ang mga rehiyunal na

panitikan. Upang maisakatuparan ang mga nabanggit na layunin, sinikap na masagot ang

sumusunod na katanungan: (1) Sino si Mario L. Cuezon? (2) Ano-ano ang mga elemento

ng maikling kwento na makikita sa Sugilanon ni Mario L. Cuezon? (3) Ano-ano ang

mga paksa na makikita sa mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon? (4) Ano ang

pagkakikilanlan o identidad ng Misamis Occidental batay sa mga piling akda ni Mario L.

Cuezon?

Ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang pagsusuri ng dokumento o

content analysis. Ginamit naman ang purposive sampling sa pangongolekta ng mga

Sugilanon. Pokus lamang ng pag-aaral ang mga piling Sugilanon na pumapaksa sa

Misamis Occidental. Ginawan ng mga mananaliksik ng pagsasalin ang ilang siniping

bahagi ng Sugilanon upang lubusang maintindihan ng mga mambabasa kung ano ang ibig

ipagpakahulugan ng mga ito.


105

Kinalabasan

Si Mario L. Cuezon ay isa sa mga manunulat ng rehiyunal na panitikan na

Misamisnon. Natuklasan rin ng mga mananaliksik ang mga pitong (7) elemento ng

maikling kwento na makikita sa kanyang mga piling Sugilanon. Natunghayan din ang

mga labing walong (18) paksa sa mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon. Nakita

naman ang siyam (9) na pagkakikilanlan ng mga Misamisnon sa mga piling Sugilanon ni

Mario L. Cuezon. Bukod pa rito, natuklasan rin sa pag-aaral ang mga sumusunod:

1. Ang mga elemento na makikita sa mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon ay

tono, banghay, tunggalian, tauhan, tagpuan, paningin at simbolo.

2. Lumutang din ang mga paksa sa mga piling Sugilanon ni Mario L. Cuezon tulad

ng pagpapanatili ng tao sa kasaysayan ng lugar, pagpapahalaga sa mga hayop,

pagmamahal sa pamilya, kawalan ng kaalaman sa batas, pagsusumikap ng mag-

asawa sa pagtataguyod ng mga anak, pagkakaibigan, pagsusumikap,

pagtutulungan sa pamilya, pagmamahal ng ina, pagpapakumbaba sa kapwa,

pagbabagong buhay, pagtutulungan sa pamayanan, pananampalataya, pagdaraos

ng kapistahan, pagtanggap sa tunay na pagkatao, pagtataksil at pagtitiis.

3. Nakita naman ang mga pagkakikilanlan ng mga Misamisnon sa mga piling

Sugilanon ni Mario L. Cuezon gaya ng mapagmahal sa kalikasan, mapagpahalaga

sa kasaysayan ng lugar, mahilig sa mga katutubong kwento, masiyahin,

mapagbiro, mapagmahal sa pamilya, malikhain, masipag at mapagbigay.

4. May masamang kinahinatnan katulad ng pagkamatay ng pangunahing tauhan o

pantulong na karakter ang lima (5) sa siyam (9) na maikling kwento ni Mario L.

Cuezon na sinuri ng mga mananaliksik. Binubuo ang limang kwento ng mga


106

sumusunod: “Ang Gingharian sa mga Baksan”,” Coroy”, “Ang Emperor sa

Alak”, “Tulay ng Pangulo” at “Sugilanon ni Lanie”.

5. Sinubok ng tadhana ang mga tauhan sa (4) apat na (9) siyam na akda ni Mario L.

Cuezon na binubuo ng mga sumusunod: “Ang Rayna sa Binalbal Festival”, “Ang

mga Saging ni Inday Rosa”, “Hari’s Habal-habal” at Ang Pan Burikat sa

Labadan’s Bakery”.

6. Nagiging kasangkapan ang mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kwento

upang higit na mas makilala ang isang kultura.

7. Mas malalimang makikilala ang mga Misamisnon sa pamamagitan ng mga

akdang isinulat din mula sa punto de bista ng isang Misamisnon kagaya ni Mario

L. Cuezon.

8. Mayaman sa iba’t ibang uri ng panitikan ang Misamis Occidental lalong lalo na sa

Sugilanon.

9. Nagkakaroon ng malaking impluwensya ang lipunan sa paglikha ng isang akdang

pampanitikan.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasan, nabuo ang konklusyon na tunay na kasasalaminan ng

lipunang Misamisnon ang mga maikling kwentong sinulat ni Mario L. Cuezon. Kaugnay

nito, mas lalong makikilala ang pagkakikilanlan ng isang lugar sa pamamagitan ng mga

akdang isinulat din mula sa punto de bista ng taong nakatira roon na kagaya ni Mario L.

Cuezon.

Hindi naging hadlang ang mga pagsubok sa kwento ng mga pangunahing tauhan

upang sumuko sa buhay. Nagpatuloy sila sa paghakbang nang paunti-unti upang


107

makabangon at makabawi. Ito ang imahe ng mga Misamisnon na nais isiwalat ng may-

akda sa mga kwentong kanyang sinulat. Sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ng mga

Misamisnon, hindi kasali sa kanilang pinagpipilian ang pagsuko. Patuloy silang

lumalaban sa mga hamon ng buhay. Ito ang larawan ng Misamis Occidental na

ipinalulutang ng mga kwentong sinuri ng mga mananaliksik bilang pagkakikilanlan ng

mga Misamisnon.

Rekomendasyon

Kaugnay ng naging resulta ng pag-aaral at ng mga nabuong konklusyon,

inihahanay ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Magsagawa ng pag-aaral sa iba pang mga akda ni Mario L. Cuezon katulad ng

balak (tula), sugilambo (nobela) at iba pa. Magkaroon ng pag-aaral sa iba pang

mga manunulat at alagad ng sining sa Cebuano na nagbigay ng malaking

kontribusyon sa larangan ng panitikan at iba pang likhang sining.

2. Magsagawa ng pag-aaral tungkol sa mga salitang ginamit ni Mario L. Cuezon sa

kanyang mga akda at ang etimolohiya ng mga salitang ito.

3. Maghanap ng iba pang akda na likha ng isang Misamisnon at pag-aralan ito upang

higit na maunawaan ang kanilang kultura at pagkakikilanlan.

4. Magagamit ang mga rehiyunal na panitikan gaya ng Sugilanon sa pagtuturo ng

literatura sa sekundarya.
108

Sanggunian

Aguilar, R. L., Buenaventura, E.M., Jocson, M.O., Litan, C.H., Pegtuan, Z.M., Santos,

D.D. at San Valentin, L.S. (2004). Panitikan ng Pilipinas, rehiyunal na

pandulog. Grandwater Publications.

Alderomada, A. (w.p.). Ang Maikling Kwento. Nakalap noong May 6, 2018 mula sa

https://www.scrbd.com/doc/96677359/Ang-Maikling-Kwento

Ales, J.A., Benenoso, J.L., Hataas, S.M.D., & Patilan, G.L. (2015). Mga naratibong

kababalaghan at katatakutan sa mga barangay sa Jimenez, Misamis Occidental.

[Andergradwet Tesis]. Iligan City. MSU-Iligan Institute of Technology.

Almario, V.S. (2012). Ang maikling kwento sa Filipinas: 1896-1949: kasaysayan at

antolohiya. ANVIL Publishing, Inc.Manila Philippines.

ArCiZei (2012) Prose 101: Elemento ng Maikling Kwento. Nakalap noong Mayo 21,

2018 mula sa http://www.symbianize.com/archive/index.php/t-732119.html

Arrogante, J.A., Ayuyao, N.G., & Lacanlale, V.M. (2004). Panitikang Filipino

antolohiya. National Book Store. 125 Pioneer St., Mandaluyong City.

Barrios, J., & Tolentino, R.B. (Eds.). (2002). Ang aklat likhaan ng tula at maikling

kwento, 2000. The University of the Philippines Press. E. de los Santos St., U.P.

Campus, Diliman, Quezon City.

Basques, C. (2017). Kasaysayan ng Maikling Kwento. Nakalap noong Oktubre 17, 2017

mula sa https://www/slideshare.net/chrisbasques/kasaysayan-ng-maikling-kwento

Belvez, P.M. Iliscupidez, P.P., Roberto, R.R., Pleno, N.F., & Atienza, S.S. (2007).

Panitikan ng lahi. (1st edisyon). Rex Book Store Inc. 856 Daang Nicanor Reyes,

Sr. Sampaloc City. pp.12-13


109

BlogWordpress.(2014). Ang Pagsisikap ang Susi ng Tagumpay. Nakalap noong Abril 9,

2018 mula sa https://igoroteprime.wordpress.com/2014/10/08/pagsisikap-ang-

susi-ng-tagumpay/

Caballero, K.Y. & Villote, M.A., (2013). Etimolohikal na pagsusuri sa mga alamat ng

lunsod ng Iligan. [Andergradwet Tesis]. Iligan City: MSU-Iligan Institute of

Technology.

Camama, M.M., Ungab, L.A., at Yorong, J.G. (2017). Pampanitikang paghaharaya:

Ang Mindanao sa mga akda ng mga manunulat na Mindanawon. [Andergradwet

Tesis]. Iligan City: MSU-Iligan Institute of Technology.

Clavero, A. Jr. (2013). Ang mga Tauhan at Uri ng Tunggalian. Nakalap noong May 9,

2018 mula sa https://prezi.com/ew04ngz2arui/ang-mga-tauhan-at-uri-ng-

tunggalian/?webgl=0

Coroza, M.M., & Añonuevo, R.T. (2003). Mga kwento sa kasaysayan. UST Publishing

House España Blvd., Manila.

Danville. (2017). Ano ang tunggalian?? At magbigay ng halimbawa. Nakalap noong

Mayo 7, 2018 mula sa https://brainly.ph/question/665505

de Dios, L.A., Chu, E.S., Ornos, P.S., & Martinez, M.C. (2004). Literatura ng iba‟t

ibang rehiyon ng Pilipinas. Grandwater Publication. 1252-A Cardona St., Rizal

Village, Makati City.

Educated Mind. (2017). Lektyur o Panayam sa Sining ng Maikling Kwento. Nakalap

noong May 7, 2018 mula sa https://www.facebook.com/permalink.php?story-

_fbid=1907194079511503&id=17926864490962463.
110

Espina, L.D., Plasencia, N.R., Ramos, V.R., & Villena J.B. (2014). Literatura ng iba‟t

ibang rehiyon ng Pilipinas. (3rd edisyon). Mindshapers Corporation Inc. 61

Herald Bldg. Muralla St. Intramuros, Manila. p. 11.

Espina, L.D., Plasencia, N.R., & Velasco, H.M. (2013). Panitikan ng iba‟t ibang

rehiyon ng Pilipinas. Mindshapers Corporation Inc. 61 Marulla St., Intramuros,

Manila.

Evaristo, K. (2008). Ang Inggit (Hasad). Nakalaap noong Abril 11, 2018 mula sa

https://Islamhouse.com/tl/articles/58765

Garp, T. S. (2018). Conflict in the Short Story. Nakalap noong Abril 18, 2018 mula sa

https://www.writing.com/main/view_item/item_id/1004812-Conflict-in-the-Short-Story

Gervacio, G.V., Mata, L.L., & Dizon, R.B. (2015). Ang sining ng maikling kwento.

Departmento ng Filipino at ibang mga wika Kolehiyo ng mga Sining at Agham

Panlipunan. MSU-Iligan Institute of Technology. Iligan City.

Javier, C.C., Labrada, F.D., Ursaiz, R.M.C., & Mundala Jr., D.A. (2016). Ang

kababaihan sa mga piling Sugilanon ni Marcelo A. Geocallo. [Andergradwet

Tesis]. Iligan City: MSU-Iligan Institute of Technology.

Jennifer. (2015). History quote of the day: Teddy Roosevelt. Nakalap noong Abril 28,

2018 mula sa http://discoverhistorictravel.com/history-quote-of-the-day-teddy-

roosevelt/

Kahulugan ng Panitikan at mga uri nito (2015). Nakalap noong Setyembre 25, 2017

mula sa panitikankarunungangbayan.blogspot.com/2015/04/ano-ang-panitikan-

ay.html?m=1

Ken (2012). Diwa ng Panitikang Pre-kolonyal. Nakuha noong Setyembre 24, 2017

mula sa
111

https://www.google.com.ph/amp/s/nexxusaeris080795.wordpress.com/2012/09/11

/diwa-ng-panitikan-pre-kolonyal/amp

Kljun, M. (2012). Confucius said 'By nature men are similar; by practice men are wide

apart'. The truth of PIM. Nakalap noong Abril 8, 2018 mula sa

https://pim.famnit.upr.si/blog/index.php?/archives/242-Confucius-said-By-nature-

men-are-similar;-by-practice-men-are-wide-apart.-The-truth-of-PIM.html

Lalic. E.D., & Matic, A.J. (2014). Ang ating panitikang Filipino. Trinitas Publishing

Inc. Trinitas Complex, Pontoc Road, Meycauayan 3020.

Lequin, R.M.F., Limosnero, M.B., & Zalsos, A.M.A. (2016). Kultural ng materyalismo:

Ang dakbayan ng Iligan sa mga piling balak ni Marcelo Geocallo. [Andergradwet

Tesis]. Iligan City: MSU-Iligan Institute of Technology.

Lezada, F. (2014). Pagtutulungan ng Pamilya, Paaralan at Lipunan tungo sa Tagumpay

ng Isang Mag-aaral. Nakalap noong Abril 9, 2018 mula sa

https://deped.cityofbalanga.gov.ph/lastest-news-

1/pagtutulunganngpamilyapaaralanatlipunantungosatagumpayngisangmag-aaral

Lorenzo, C.S., Mag-atas, R.U., & De Leon, Z.S. (Eds.). (2001). Literatura ng iba‟t

ibang rehiyon ng Pilipinas. Grandwater Publication and Research Corp. 705 J.P.

Rizal, Makati City.

Malacañang.gov.ph. (w.p.). Mga epiko at Kwentong Bayan. Nakuha noong Nobyembre

10, 2017 mula sa malacanang.gov.ph/75475-panitikan-ng-ibat-ibang-lalawigan/

Malirong, M.A.D., Sanio, C.S., & Jocson, M.O. (2014). Hiyas ng lahi: Panitikan,

gramatika at retorika. Kalamansi St. Corner. 1st Avenue, Juna Subdivision,

Matina, Davao City, Philippines. p.3


112

Manrique, C. (2013) Philippines Literature. Nakalap noong Oktubre 17, 2017 mula sa

https://www.scribd.com/doc/134482071/Philippine_Literature

Mata, L. L., Dizon, R. B. & Gervacio, G. V. (2015) Ang Sining ng Maikling Kwento.

Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika. Kolehiyo ng mga Sining at Agham

Panlipunan. MSU-Iligan Institute of Technology. Pp. 10-12

Mendoza, M. (2014). Ang Tunggalian. Nakalap noong May 8, 2018 mula sa

https://proyektosasignaturangFilipino.blogspot.com/2014/12/ang-tunggalian.html

Marcial, F.R. Jr. (2011). Panitikang Filipino sa iba‟t ibang panahon. Nakalap noong

Setyembre 25, 2017 mula sa

https://www.google.com.ph/amp/s/libtong.wordpress.com/2012/12/02/panitikan-

sa-filipino/amp

Maximo, A.G. (2001). Layunin sa Pagsulat-Filipino. Nakalap noong Oktubre 24, 2018

mula sa https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/layunin-sa-pagsulat-

filipino

Miraflor, L.G.I. (2016). Lopez Jaena hosts activites to protect coastal coastal areas.

Nakalap noong Setyembre 26, 2017 mula sa http://mindanaw.ph/lopez-jaena-

hosts-activities-to-protect-coastal-areas/

Nadera, V.E.C.D., & Reyes, J.C. (Eds.). (2001). Ang aklat likhaan ng tula at maikling

kwento, 1999. The University of the Philippines Press. E. de los Santos St., U.P.

Campus, Diliman, Quezon City 1101.

Navarra, M.M. (1986). Marcel Navarra: Mga maikling kwentong Sebuwano. Visual

Schemes, Inc. Nilimbag sa Pilipinas ng palimbagan ng Pamantasan ng Pilipinas.

p. 8.
113

Orito, R. (2015). Katuturan ng Maikling Kwento. Nakalap noong Setyembre 24, 2917

mula sa slideshare.net/rosalieorito/katuturan-ng-maikling-kwento13

Pamatin, A. (w.p.). Kasaysayan ng wikang Filipino. Nakalap noong Setyembre 23,

2017 mula sa

https://www.academia/edu/7593747/Kasaysayan_ng_wikang_filipino

Peret, N.T. (2013). Tesis sa Filipino. Nakalap noong Setyembre 23, 2017 mula sa

https://www.scribd.com/doc/135935758/tesis-sa-Filipino

Pinay Ako. (2009). Pag-ibig ng Isang Ina. Nakalap noong Abril 10, 2018 mula sa

https://filipinoako.wordpress.com/2009/06/30/pag-ibig-ng-isang-ina

Provincial Government of Misamis Occidental (2017). 8th Pas‟ungko S‟g MisOcc

Festival 2017. Nakalap noong Setyembre 26, 2017 mula sa

https://missocc.gov.ph/blog/8th-pasungko-sg-missocc-festival-2017/

Reyes, M., Machado, T.P., & Quinto, C.S. (2002). Hasik IV wika at panitikan. Coga

Publishing House, Inc. 3rd floor Hedelina Building, 705 J.P. Rizal St., Makati

City.

Rodel, R. (2013). Research Sample 2. Nakalap noong Setyembre 27, 2017 mula sa

https://rcgauuan1985.blogspot.com/2013/12/research-samle-2.html

Rubin, L.T., Casanova, A.P., Gonzales, L.F., Marin, L.S., & Semorlan, T.P. (2001).

Panitikan sa Pilipinas (1st edisyon). Rex Book Store, Inc. 856 Daang Nicanor

Reyes, Sr. Sampaloc, Maynila.

Rubin, L.T., & Evasco, E.Y. (2001). Ang sining ng tula at maiklig kwento pambata (1st

edisyon). Rex Bok Store, Inc. 856 Daang nicanor Reyes, Sr. Sampaloc, Maynila.
114

Ruiz, F.S. (1995). The history of Misamis Occidental: Its cities and municipalities.

Quezon City, Metro Manila. pp.2-4.

Santiago, L.Q. (2007). Mga panitikan ng Pilipinas. C&E Publishing Inc. 1672 Quezon

Avenue South Triangle, Quezon City.

Santos, A.L., & Tayag, D.A. (2011). Panunuring pampanitikan pagbasa at

pagpapahalagang pampanitikan. Departmento ng Filipino at ibang mga wika.

MSU-Iligan Institute of Technology, Iligan City.

Santos, T.U. (2014). Pagtaguyod sa Rehiyunal na Panitikan bilang Pambansang

Panitikan. Nakalap noong Oktubre 16, 2017 mula sa

http://varsitarian.net/filipino/20140929/pagtaguyod_sa_rehiyonal_na_panitikan_b

ilang_pambansang_panitikan

Sauco, C.P., Papa, N.P., & Sta. Ana, N.S. (1997). Panitikang Filipino. Katha Publishing

Corp., Inc. 388 Quezon Avenue, Quezon City.

Shanbhogue-Arvind, L. (2013). 5 Types of Conflict in Literature with Examples.

Nakalap noong Abril 5, 2018 mula sa http://www.booksoarus.com/types-of-

conflict-literature-examples/

Soares, E. U. (2013). Maging Maamo at May Mapagpakumbabang Puso. Nakalap

noong Mayo 11, 2018 mula sa https://www.lds.org/liahona/2013/11/saturday-

morning-session/be-meek-and-lowly-of-heart?lang=tg

Tee, M. J. (2014). Pagtiyak sa Damdamin, Tono. Nakalap noong Abril 15, 2018

mula sa https://prezi.com/jquen88hzkfb/pagtiyak-sa-damdamin-tono/ Teoryang

Pampanitikan (2010). Nakalap noong Setyembre 26, 2017 mula sa

kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html
115

Tepace, A.I. & Badayos, P.B. (2006). Ati-Atihan-Yaman ng Diwa. Vibal Publishing

House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. p. 4)

Villafuerte, P.V., Bandril, L.T., Bernales, R.A., Cabrera, H.I., & Mangonon, I.A.

(2000). Panitikang panrehiyon sa Pilipinas. Mutya Publishing House. #6 Baltazar

St. Pacheco Village, Balubaran, Valenzuela City.

Villafuerte, V. (2008). Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay. MEGA-

TESTA Prints, Inc. 9 Guyabano Street, Antonio Subdivision, Dalandan

Valenzuela City. p. 35

Zappia, S. (2017). How to identify a Short Theme. Nakalap noong Abril 15, 2018 mula

sa https://penandthepad.com/identify-short-story-theme-2063746.html

You might also like