?ITO BA'Y BID'AH O HINDI 1. Ang takbir sa EIDUL FITR at EIDUL ADHA ay Sunnah ayon sa karamihan sa mga iskolar ng Islam. 2. Dalawang uri ang takbeer: a. Takbeer na may oras o lagar kung saan gagawin matapos ang salat wajiba (mandatory prayer) matapos ang Eidul Adha sa ayyam tashriq tinawag na (TAKBIR MUQAYYAD ) التكبير المقيد. b. Takbeer kung saan maaring gawin sa bahay, masjed, daan .. at anumang oras mula sa paglubog ng Araw sa huling araw ng Ramadan o gabi ng Adha haggang sa pagtayo ng Imam sa salatul eid ito ay tinatawag na TAKBIR MURSAL O MUTLAQ )التكبير المرسل أو المطلقiisa lang ang kahulugan ng Mursal at Mutlaq dito at ito ang ibigsabihin ni Imam ibnul Arabi Almaliki sa kanyang kitab Ahkamul Qur'an: ( وهللا أعلم. وإليه أميل، وهو ظاهر القرآن، )واختار علماؤنا التكبير المطلق Pinili ng aming mga iskolar ang takbir mutlaq, na kung saan ay ang maliwanag na kahulugan ng Qur'an, at pinapanigan ko. Allahu alam. 3. Ang tinatawag naman na sigah ng takbeer o hugis ng takbir ang sabi ng mga Ulama ito ay maluwag ibig sabihin walang mali kung ano sa mga uri na nabangit sa mga hadith ang iyong gamitin na takbeer, at may tanyaq na takbir na kilala itong takbeer mursal na basi sa mazhab shafie, na siya naman ang kaniyang pinili ang hadith na sinalaysay ni Abi jaafar mula kay Jabir na kung saan pinagsama ang takbeer, tahlil at tahmid. at hindi pawang ijtihad lamang ni Imam shafie na walang batayan. 4. Ang mga Ulama ay hindi literal ang pagunawa nila sa ayat ( )ولتكبروا هللاSurah 2: 185. Kung saan takbir lang ang banggitin gaya ng pagunawa ng ibang mga duat kaya sa tingin nila Bid’ah ang takbir na Mursal na may halong mga salitang hindi takbir. Ang kahulugan ng takbir sa ayat walitukabbiru Allaha (ولتكبروا هللا )على ما هداكمayon sa mga ulama ng tafsir: - Pagdakila at pagpuri sa Allahاء عليهCCCCه والثنCCCC – تعظيمImam Zamakhshari. - Paggunita sa Allah pagkatapos ng isang pagsasamba ذكر هللا –عند انقضاء العبادةIbn Kathir. Sabi ni Ibn Kathir matapos niyang banggitin ang mga katulad na mga ayah bilang patunay na hindi lang takbir ang ibigsabihin sa ayah: kaya sabi niya dumating ang sunnah na mustahab ang pagtasbih, tahmid, at pagtakbir matapos ang mga wajib na prayer. - Takbir sa araw ng Fitr, ang pagtakbir sa dalawang eid ay sunnah, dahil nabanggit na ang Sugo ng Allah sallahu alaihi wa sallam ay lumalabas sa araw ng eidul fitr at eidul adha, pinapalakasan niya ang kaniyang boses sa pagtahlil (pagsabi ng Lailaha illa Allah) at pagtakbir (pagsabi ng Allahu Akbar).
ANG TAKBIR NI SALMAN ALFARISI:
Ito riwaya o salaysay ni Imam Albayhaqi sa Assunan Alkubra: Mula kay Abi uthman alnahdi sabi niya: tinuturuan kami ni Salman ng takbir, sabi niya: dakilain ninyo ang Allah: (Allahu akbar, Allahu akbar kabira). O kaya sinabi niya: (takbira) : (Allahumma anta a’ala wa ajal min antakuna laka sahibatun, aw yakuna laka waladun, aw yakuna laka sharikun filmulki, aw yakuna laka waliyyun minazzulli, wa kabbirhu takbira, Allahumma igfir lana, Allahumma irhamna) sabi ni Salman: wallahi isusulat mo itong dalawa, at magiging tagapamagitan ka sa dalawang ito. Ang hatul sa hadith ay Malakas.
Kaya tama ang mga ulama na nagsabi na maluwag ang issue na
ito ng takbir kung saan anuman ang hawakan mo na takbir na sinabi ng mga ulama ay nagawa mo ang sunnah.
Sinabi ng Daruf ifta ng Egypt: sino ang magsabi na bi’dah ang
isang uri ng takbir siya malapit sa bid’ah.
Nawa’y gabayan tayo ng Allah sa tamang kaalaman sa relihiyong
Islam.
Isinulat ni: Shiekh Abdulmanan Harid MA in Shariah (Tripoli) MA in Islamic Studies (UP) MA in Educational Management (CUP)