You are on page 1of 3

BUCAL NATIONAL INTEGRATED SCHOOL

Bucal 2, Maragondon, Cavite


MAHABANG PAGSUSULIT SA ESP G8

PANGALAN : _____________________________________________PETSA:_________________
SEKSYON AT ANTAS : _______________________________ MARKA:________________

Test I. Maramihang Pagpipilian. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng gawaing panlipunan?
a.Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan. c. Pagpili at pagboto ng karapatdapat na lider tuwing halalan
b.Pagsunod sa mga alituntunin sa paaralan. d. Pagsunod sa ordinansa ng barangay
2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng gawaing pampolitikal?
a. Pagsunod sa alituntunin ng paaralan c. Pakikiramay sa kapitbahay na namatayan
b. Pagtulong sa nasalanta ng bagyo d. Pagbabayanihan
3. Ano ang kabutihang dulot ng pakikilahok sa lipunan at politikal bilang kabataan?
a. Naisusulong ang pansariling interes at kapakanan
b. Nagkakaroon ng pagkakataong makilala at magkaroon ng koneksyon
c. Nagkakaroon ng pagkakataong makapamuhay sa pinakamabuting kapaligiran
d. Naipapahayag ang debosyon sa pamilya
4. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam kung ano-
ano ang karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.
5. Ang mga sumusunod ay gawain ng pamilya na nagpapakita ng paggampan sa papel na panlipunan at papel na pampulitikal,
maliban sa:
a. Paggalang sa iyong kaibigan sa kabila ng pagkakaiba ng iyong paniniwala at relihiyon.
b. Pakikibahagi sa programa ng barangay
c. Pagmamalasakit sa kapitbahay
d. Pagsasawalang bahala sa paglabag sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya
6. Makapagpahayag ng sariling paniniwala o pananampalataya/ Makapili ng relihiyong kabibilangan
a. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang-ekonomiyang
seguridad
b. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay
c. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
d. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
7. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa at pagbabantay sa batas ng pamilya?
a. Kung magtutulungan ang bawat isa at mababantayan ang pagpapatupad sa batas ng pamilya, ang bawat isa ay
magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran nang may birtud ng isang
mapanagutang mamamayan sa lipunan.
b. Ang pakikipag-bayanihan at pagbabantay sa batas ng pamilya ay nagtuturo ng pagwawaksi sa pagiging makasarili at
pagsasakripisyo para sa mas ikabubuti ng nakararami.
c. Kung magtutulungan ang bawat isa at mababantayan ang pagpapatupad sa batas ng pamilya, maisasakatuparan ang layuin
ng ating pamahalaan at lubs na mapagyayaman ang bansa.
d. Mahalaga ang pag-tulong sa kapwa at pagbabantay sa batas ng pamilya sapagkat ito ay mas maglalapit sa atin sa Diyos at
sa Kanyang mas malaking plano para sa sansinukob.
8. Kung hindi gagampanan ng pamilya ang kanyang papel na panlipunan at pampolitikal, ano ang maaring maging bunga nito sa
ating hinaharap?
a. Mangingibabaw ang kapatiran sa buong mundo.
b. Mangingibabaw ang debosyon sa pamilya at dadami ang suliraning kakahaapin nng lipunan.
c. Mawawala ang birtud ng pakikipag-kapwa, masisira ang pamilya, at magiging talamak ang paglabag sa tuntunin ng
moralidad.
d. Maparurusahan ang lahat ng batas
9. Matagal nang suliranin ng Brgy. Ramon Cruz ang pagbaha sa kanilang lugar. Napansin ni Maine, isang residente ng baranggay,
na ang pagabaha ay maaring dulot ng plastik, pakete ng tsitsirya, pinagtusukan ng banana-cue, putik, at iba apng pinaghalo-halong
basura na bumabara sa estero. Alin sa mga sumusunod ang maaring gawin ni Maine upang makatulong sa baranggay?
a. Hintayin ang pagtugon sa suliranin ng Brgy. Ramon Cruz ng mga opisyal ng baranggay at tumulong dito.
b. Makilahok sa peryodikong pagtitipong organisado ng baranggay upang mailahad ang obserbasyon at magbigay ng
kaukulang kalutasan.
c. Gumawa ng kampanya para sa kalinisan, boluntaryong maglinis ng baranggay at kaisa ng mga opisyal ng baranggay, mag-
hikayat ng bayanihan sa loob ng baranggay.
d. Gumawa ng mga karatulang nagbabawal ng pagtatapon ng basura sa mga piling lugar.
10. Si Ginoong Lance Dimapera ay naatasang mamuno sa nalalapit na Brigada Eskwela ng Paaralang Teknikal ng Cavite. Sa
kasamaang –palad, walang kaukulang badyet na nakalaan para programang ito. Bilang isang mag-aaral ng Paaralang Teknikal ng
Cavite, paano makatutulong sa brigada kahit pa walang maibigay na salapi ang iyong pamilya?
a. Mag boluntaryo ang pamilya, at manghikayat sa iba, na tumulong sa paglilinis at pagkukumpuni sa paaralan.
b. Magbigay ng mga kagamitan tulad ng pintura, gamit sa paglilinis, materyales na pangkumpuni, at iba pang kayang ibigay
ng pamilya.
c. Magbigay ng solicitation letter sa mga kapit-bahay na naglalayong mangalap ng pondo para sa brigada.
d. Tama ang A at B

Test II. Maramihang Pagpipilian. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais at pagmamalasakit sa isa’t-isa sa
pamamagitan ng
a.Senyas b. Motibasyon c. Persepsyon d. Komunikasyon
2. Ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig.
a. Diyalogo b. Feedback c. Monologo d. Damdamin
3. Bakit pinaka mabisang paraan ng komunikasyon ang pagmamahal?
a. Naipapahayag ang damdamin.
b. Ito ay likas na kaloob ng Diyos.
c.Nagiging daan ito upang makilala ang pamilya
d. Sapagkat ang tunay na pagmamahal ay ang pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao.
4. Ano ang maaaring solusyon upang maalampasan ang suliranin sa kominikasyon ng pamliya?
a. Pagiging hayag o bukas sa mga saloobin. c. Ipahayag ang nararamdaman sa lahat ng pagkakaton.
b. Hanapin ang sariling katangian sa kausap. d. Sukatin ang kausap sa kaniyang kapintasan at kamangmangan.
5. Abot-kayang presyo ng gamot / Maayos at malinis na pagamutan/ Murang konsultasyon
a.Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad
b. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay
c.Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga pagpapahalagang
pampamilya
d. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging malikhain sa pakikipagkomunikasyon.
a.Maging masigla sa pakikipag-usap.
b.Bigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang kausap.
c.Humingi ng paumanhin kung nakasakit ng damdamin.
d.Ipagluto ng masarap na ulam ang kakausapin upang mabawasan ang kaniyang galit o tampo.
7. Ito ay isang paraan para sa mabuting komunikasyon kung saan ginagamit ng isang tao ang kaniyang talino sa pagtuklas ng
mabuting paraan ng pagpapahayag ng kaniyang sasabihin.
a. Hayag o bukas b. Umid o walang kibo c. Mapanlikha o malikhain d. Pag-aalala at malasakit
8. Bilang isang mag-aaral anong hakbang ang dapat mong gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya?
a. Magtiwala at maging bukas sa pakikitungo.
b. Palaging isipin na ikaw ay higit na tama kaysa iba.
c. Pakinggan ang kausap ngunit hindi tatanggapin ang kaniyang opinyon.
d. Umiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam mo ay wala sa katuwiran ang kausap.
9. Ang mga sumusunod ay paraan upang matugunan ang mga suliranin sa komunikasyon maliban sa
a. Maging mahinahon kapag nakikipag-usap.
b. Huwag magbitaw ng masasakit na salita sa kausap.
c. Palaging may paggalang sa kausap maging ito ay bata, katulong sa bahay o pulubi.
d. Umiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam mo ay wala sa katuwiran ang kausap.
10. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya?
a. Napapaganda ang daloy ng komunikasyon.
b. Napapatatag ang ugnayan at samahan ng isang pamilya.
c. Pinag-uugatan ng mabuti at magandang pag-iisip, damdamin at gawa ng tao.
d. Nakasalalay sa antas ng pang-unawa kung ano ang mabuti ayon sa sariling pananaw

Test II A. Basahin at unawain. Isulat sa patlang ang Tama kung ang nakasaad ay tumutukoy sa
wastong konsepto tungkol sa karapatan at pananagutan ng pamilya.
Isulat naman ang Mali kung hindi.
_____1.Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
_____2. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili.
_____3. Ang karapatang hindi magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga
pamilya at samahan, upang magampanan ng pamilya ang mga tungkulin n ito ng mas karapat-dapat at
madali.
_____4. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at
pagtuturo sa mga anak .
_____5. Ang masamang ugaling nagdudulot ng isang magandang pamilya.
_____6. Ang pagmamahal ang susi sa bawat problema upang ito ay masulosyunan.
_____7. May karapatan ang bawat isa ano man ang lahi at kulay.
_____8. May pagkakaiba man tayong lahat, nagbubuklod pa din sa atin ang kabutihan sa ating puso
_____9. Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging
makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapwa alang-alang sa ikabubuti ng lahat.
_____10. Ang lipunan ang sakit ng mga pulitiko.

B. Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang sagot
A. Pagmamahal sa Kalikasan C. Politikal E. Panlipunan
B. Bukas-palad D. Bayanihan F. Pagkukusa
_____11Papel na ginagampanan ng pamilya na dapat makapagpahayag ng
malasakit at pagmamahal sa kapwa
_____12. Tungkulin na makasunod tayo sa batas ng lipunan dahil ang mga
ito ay para sa kaayusan at katiwasayan ng lahat
_____13. Ang pagtulong sa mga nasunugan at nabahaan ay pagpapakita na
tayo ay may ugaling.
_____14. Nakikiisa at nakikilahok sa anumang proyeko sa pamayanan bilang
tanda ng iyong pagtugon sa pananagutan bilang isang mabuting kapwa.
_____15. Ang paghihiwalay mo ng iyong mga basura sa tahanan ay tanda ng
iyong malasakit at pangangalaga sa ating kapaligiran._

You might also like