You are on page 1of 5

8

Araling Panlipunan
Quarter 4 – Module 1:

Ang Daigdig sa Klasikal at


Transisyonal na Panahona
Aralin
Ang Daigdig sa Klasikal at
1 Transisyonal na Panahona

Pangkalahatang Ideya
Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa mundo ay nagmula sa Asya. Sa lawak ng mga
teritoryong sakop at sa dami ng taong naniniwala, malaki ang dahilan upang tawagin ang Asya na sinilangan
ng iba’t ibang relihiyon sa daigdig. Halina’t ating talakayin ang iba’t ibang relihiyon na ito. Alamin kung saan
umusbong, sino ang nagtatag, at ang mahahalagang aral nito. Suriin din natin ang mga mahahalagang
impluwensiya ng mga relihiyong ito sa lipunan.

Layunin

Pagkatapos ng mga gawain ay kaya kong:


1. Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Manoryalismo, Piyudalismo,
ang pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod.
Panimulang Pagtataya

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan na nasa ibaba. Ilagay ang sagot sa inyong sagutang
papel.
1. Ito ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe.
a. Ginto c. Lupa
b. Pilak d. Palamuti
2. Tawag sa ipinagkakaloob na lupa sa vassal.
a. Fief c. Ransom
b. Homage d. Wala sa nabanggit
3. Ito ang tungkulin ng vassal kung ang mabihag ang kanilang Lord sa digmaan.
a. Fief c. Ransom
b. Homage d. Wala sa nabanggit
4. Ano ang naging dahilan ng pagkakatatag ng Piyudalismo?
a. Dahil sa madalas na pagsalakay ng mga barbaro, hinangad ng lahat ang
pagkakaroon ng proteksiyon.
b. Dahil sa mga makasariling pinuno.
c. Dahil gusto ng mga mamamayan na magkaroon ng malayang pamumuhay.
d. Dahil ayaw na nila na pamunuan pa sila ng hari.
5. Ano ang kinahihinatnan ng mahinang uri ng pamumuno?
a. Sila ay sinalakay ng mga barbaro.
b. Humiwalay sa pamumuno ng hari ang mga opisyal ng pamahalaan at mga
may-ari ng lupain.
c. Sila ay napasakamay ng mga mananakop.
d. Wala sa nabanggit.
6. Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo. Alin sa mga sumusunod ang
napapabilang dito?
a. Pari c. Serf
b. Kabalyero d. Lahat ng nabanggit
7. Ang mga Vikings na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng
pagtanggap nila ng Kristiyansimo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na?
a. Morman c. Denmark
b. Normandy d. Paris
8. Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at pagpapalawak ng mga bayan, isang makapangyarihang uri ng
tao ang lumitaw. Ano ang tawag sa mga taong ito?
a. Serf c. Bourgeoisie
b. Dugong bughaw d. Panginoong-maylupa
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pag-unlad ng mga kabayanan?
a. Bagong teknolohiya sa pagtatanim c. Bagong pamamaraan sa pagtatanim
b. Paglakas ng kalakalan d. Wala sa nabanggit
10. Ang isang mangangalakal ay maaaring magdeposito ng salapi sa isang lungsod. Ang deniposito niya ay
maaaring niyang kolektahin sa ibang lungsod. Bakit mas pinili ng mga tao noon na gamitin ang uri ng
sistema ng pagbabangko?
a. Dahil mas nakakaayang tingnan at panoorin.
b. Dahil mas ito ang patok sa kanilang lipunan na kanilang kinabibilangan.
c. Dahil sa ganitong paraan mas nagiging ligtas ang paglipat ng salapi.
d. Dahil sa ganitong paraan mas komportable ang mga negosyante.

Aralin

Gawain 2: Basahin at Matuto

Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga tanong na nasa kahon kaugnay ng
tekstong iyong binasa. Ilagay ang sagot sa inyong sagutang papel.

Ang Piyudalismo
Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo
ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-
ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ay ang hari.
Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain,
ibinahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong
bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong my
lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang
ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief. Ang vassal ay isang lord dahil siya
ay may ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw.
Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang
kaniyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay
magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa
ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief.
Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag
ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty.
Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa,
gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin
ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga
mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa
lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay ay
magkaloob ng serbisyong pangmilitar. Tungkulin din ng vassal na magbigay ng
ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord
sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi
para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya
ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang
mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa n katapatan sa kaniiyang lord.

Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo?


Sa iyong nabasang teksto, paano mo mailalarawan ang relasyon ng lord at vassal?
Ang Pagtatag ng Piyudalismo

Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni


Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni
Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng
hari. Naibangon muli ang mga local na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng
mga konde at duke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila
ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na
Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransya kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing
napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy. Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay
nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng
proteksyon kaya naitatag ang sistemang piyudalismo.

Ang Kabalyero sa Sistemang Piyudal

Ang lalaki na mula sa mababang antas ng lipunan ay halos hindi nabibigyan ng pagkakataong maging
kabalyero. Para makatiyak na ang mga magiging kabalyero ay manggagaling sa angkang maharlikha, ang
pagsasanay sa pagkakabalyero ay mahigpit. Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na “Chevalier” na
ang ibig sabihin ay mangangabayo. Ang nagnanais na maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon
sa Codigo ng pagiging Kabalyero. Ang pagsasanay ay nagsisimula sa mga gulang na pitong taon kung saan
siya ay nagsisilbi sa Corte ng kastilyo o palasyo bilang “valet” (little vassal) o damoireau (little lord) habang
natututo ng kagandahang asal at pagsasanay sa pakikidigma. Sa pagbibinata, siya ay magiging “assistant” o
“squire” ng kabalyero. Maaari na siyang sumama sa digmaan at kung mapatunayan ang kanyang kasanayan
sa kagandahang asal at pakikidigma, siya ay gagawin nang kabalyero sa pamamagitan ng isang seremonya
kung saan siya ay bibigyan na ng damit at gamit pandigma.

Lipunan sa Panahong Piyudalismo

Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo – ang mga pari,
kabalyero o maharlikang sundalo, at mga alipin (serf).

Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana
ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng
maharlika, manggagawa at mga alipin.

Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may


matatatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari
ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi uumiiiral ang paggamit ng salapi, ang
magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang
paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, maaaring
magpamana g kanilang lupain.

Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang
kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sa maliliit at maruming silid na maaaring
tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang
walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharllika at
malayang tao. Makapag-asawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng
kaniyang gamit, pati na ang knaiyang mga anak ay itinuturing nap ag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring
gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.

Ebalwasyon

Pagtatasa I.
Ibigay ang 3 uri ng panlipunan noong panahon ng Piyudalismo. Ilarawan ang bawat isa. Ilagay ang
sagot sa isang long bond paper.
Magaling! Ikaw ay handing-handa na para sa susunod na Modyul.

You might also like