You are on page 1of 4

Surf fabcon.

Type your search query and hit enter:

Type Here

All Rights Reserved

Type your search query and hit enter:

Type Here

HOMEPAGEBEAUTY AND HEALTH

BEAUTY AND HEALTH

BASIC MAKEUP STEPS

BASIC MAKEUP STEPS

Dahil sa parami nang paraming makeup tutorials sa Youtube, blogs, posts tungkol sa iba’t ibang makeup
trends sa social media, marami ang naeengganyong subukan ang pagme-makeup. Pero paano nga ba
ang tamang steps sa pagme-makeup?

SKIN PREPARATION

Na-experience niyo na ba na habang naglalagay ng foundation o eye makeup, biglang itong namumuo sa
inyong balat? Dry kasi ang skin mo at malulunasan iyon ng tamang skin preparation.

Pagkatapos ng cleansing, mag-apply lang ng toner sa mukha at leeg at sundan iyon ng face cream na
nararapat sa iyong skin type. Kung dry ang iyong skin, kailangan mo ng hydrating face cream. Kung oily
naman, oil-free face cream ang gamitin mo. Huwag ding kalilimutang gumamit ng sunblock para
protektahan ang iyong balat mula sa UV rays. Kung may event na pupuntahan o sadyang gusto mo lang
maging long-lasting ang iyong makeup, maaari ring gumamit ng primer.

CONCEALER
Kung puyat ka at gusto mong magkaroon ng instant eight hours of sleep, concealer ang sagot d’yan. O
kung sadyang maitim ang ilalim ng mga mata mo at gusto mong ma-brighten at magmukhang fresh ang
iyong face, concealer pa rin ang sagot d’yan. Pumili ng shade na ka-match ng skintone. Gamit ang
pointed concealer brush, i-apply ito sa ilalim ng mata at i-blend gamit ang ring finger na siyang may
pinaka-lightest touch sa ating mga daliri. Delicate ang ating undereye area, kaya kung hindi mag-iingat sa
paga-apply ng mga cosmetics at skincare products sa area na ito, maaari iyong magdulot ng lines and
wrinkles.

FOUNDATION

Kung nagmamadali ka at gusto mong magkaroon ng makinis at pantay na skintone, gumamit ng


foundation stick. Gamitin ang stick na parang giant marker at mag-drawing ng makakapal na lines sa
cheekbones pababa, sa gilid ng ilong, ibabaw ng kilay at leeg. Gamit ang mga daliri, i-blend ang
foundation. Ang init mula sa iyong kamay ay makakatulong sa pagwa-warm up ng foundation para
mabilis itong maipahid sa mukha.

Kung gusto mo ng lighter coverage, magpahid ng moisturizer sa kamay bago ka mag-blend para sa sheer,
dewy finish.

Patungan ng loose powder para tumagal ang iyong foundation.

EYEBROWS

Malaki ang nagagawa ng kilay sa over-all makeup look. Minsan kahit gaano kaganda ang makeup kung
hindi maayos ang kilay parang kulang pa rin ang dating. Para magkaroon ng fuller brows, gamit ang
spoolie, i-brush ang kilay. Nakakatulong ito sa paglikha ng shape na gusto mo para sa iyong kilay. Gamit
ang eyebrow pencil, i-define and shape ng eyebrows. Gamit naman ang brush at eyebrow powder, i-fill
in ang mga sparse areas ng kilay. Huwag kalilimutang i-brush ulit ng spoolie para ma-blend nang maayos
ang kilay at maalis ang harsh lines. Makakatulong ito sa pagmumukhang natural ng iyong kilay.

EYESHADOWS
Kung oily ang lids mo o kung gusto mo lang na tumagal ang pinaghirapan mong eyeshadow, gumamit ng
eye primer. Kapag natuyo na ang primer, i-apply naman ang eyeshadow base na nakakatulong para
dumikit ang eyeshadow sa balat. Kung wala kang eyeshadow base, puwede na rin gumamit ng
foundation o concealer.

Para sa beginners, puwede kang gumamit ng tatlong basic shades para sa everyday natural look.
Kailangan mo ng highlighter na one shade lighter sa iyong skintone, matte mid-tone shade, contour
shade na 2-3 times darker sa iyong skintone. Ihanda rin ang small, flat, eyeshadow brush at small and
medium sized blending brush.

I-glide ang iyong flat brush sa lightest shade, itaktak ang brush bago i-apply para maalis ang excess
product. I-apply sa inner corner ng mga mata at i-blend sa eyelid. Gamit ang blending brush, i-apply ang
mid-tone shade sa ibabaw ng crease. I-blend mula sa outer corner inwards. Para i-contour ang mata,
gamitin ang shade na 2-3 times darker sa iyong skintone, i-apply mula sa outer corner at i-blend sa
crease hanggang sa outer half ng mata. Tapos na ang eyelid makeup mo, sa lower eyes naman, i-mix ang
mid-tone color at contour shade, i-apply sa bottom lashline mula sa outer corner hanggang gitna. Kunin
naman ang lightest shade/highlighter at i-apply mula sa inner lashline hanggang magtagpo sila ng dark
line na unang ginawa. Para kumpletuhin ang iyong eye makeup, i-curl ang eyelashes at mag-apply ng
mascara.

BLUSH

Kung gusto mo ng glow-from-within effect, gumamit ng cream blush. I-apply sa apples ng cheeks. Gamit
ang daliri, i-blend ang blush pataas sa temples.

Kung sumobra at kumapal ang inilagay na blush, maaari iyong patungan ng konting foundation.

LIPSTICK
Hindi magandang ilagay ang lipstick sa dry lips kaya i-scrub muna ang lips o gumamit ng toothbrush at
marahang i-brush ang dry skin sa lips. Maglagay ng lip balm, hayaan iyong i-absorb maigi ng lips at saka
ipahid ang iyong napiling lipstick.

http://www.gurl.com/2016/02/12/7-things-you-must-do-before-you-put-on-your-makeup/

https://www.tinyminx.com/blogs/news/5-steps-to-prepare-your-skin-before-makeup

http://www.elle.com/beauty/makeup-skin-care/tips/g8496/how-to-define-eyebrows/?slide=2

https://www.ogleschool.edu/blog/a-beginners-guide-to-eye-makeup/

You might also like