You are on page 1of 11

LEKTURA

Marso 8, 2021 – Lunes (Crim)


Marso 11, 2021 – Huwebes (BSA1)

Modyul 4 – Leksyon 2 – Konsepto ng Bayani

PAKSA : Ano ang sukatan ng pagiging bayani?

 bayani / kabayanihan
-- kahit ordinaryong tao, na nagbibigay serbisyo sa bayan
nang walang ano mang kapalit (Salazar)
 --panahon ng gyera --> armas
 --panahon ng kapayapaan – sino naman ang bayani?

***

 epic hero mindset


Manny Pacquiao – Bayani ba siya?
epiko – larangan ng sports – boxing / propesyon :
disiplina, kasanayan, galing, husay, kalakasn, pokus,
dedikasyon

hirap = ibaba ---> taas (tagumpay) ===> TAO= MADLA

nagbigay dangal – bansa = PILIPINAS


posisyon AT RESOURCES upang tumulong sa marami
==BAYANI SI PACQUIAO (?)

SUBALIT..
mas akma na lamang sabihin na may kabayanihang
taglay si Pacquiao....
 Vico Sotto – Bayani ba siya?

 Ang mga teacher, sundalo, pulis, doktor, nurse?


--pagtataya ng buhay
--PERO HINDI LAHAT GINAGANAPAN ANG
TUNGKULIN NILA, nasa titulo nila ang propesyon, pero
ginaganapan ba nila ito nang mahusay?

--hinid sila bayani pero MERON SILANG


KABAYANIHAN,
--pero trabaho naman nila ito, diba?

 OFW?
--ofw, sama-samang perang remittance
Ano ang sukatan ng kabayanihan?

KONKLUSYON

SUNDALO, teacher, pulis, doktor – mga propesyon na


nangangailangan ng dedikasyon, at sakripisyo, kung
saan may maraming pagkakataon na naglilingkod sila
LAGPAS pa sa LIMITASYON ng kanilang tungkulin...
tunay taglay nila ang ‘esensya ng kabayanihan’ o
pagiging bayani sa kanilang piniling propesyon, kaya
naman marapat lamang ang pagkilala sa KAHUSAYAN
nilang ito.

SUBALIT ang depinisyon ng isang bayani ay may mas


malaking kaakibat na tungkulin upang masukat.

“bayani / kabayanihan
-- kahit ordinaryong tao, na nagbibigay serbisyo sa bayan
nang walang ano mang kapalit (Salazar)”
***
MGA PERSONALIDAD SA KASAYSAYAN – Sila ba ay
dapat itaguri bilang bayani?

Emilio Aguinaldo
--sumama sa mga Hapon
--sinuportahan din ang mga Amerikano
--1948, inamin na pinapatay si Boni
--pinapatay si Hen. Luna
--PERO.. ano ba ang kontribusyon niya?

Ferdinand Marcos
--may mga katiwalian, pero meron ding mga mahusay na
kontribusyon
--NGUNIT ang tanong, sa kabila ng kontribusyon, meron
din ba siyang kinuhang pansariling pakinabang?
sapagkat ang bayani ay maglingkod nang walang kapalit

--dapat bang ilibing sa Libingan ng mga Bayani?


--may magtatakda, ngunit depende sa tala sa kasaysayan
ng kanyang pagiging sundalo nung Panahon ng Digmaan,
pero ano ang mga nangyari nung pamamahala niya?

SA HULI...

--Basahin ang parehong panig, bigyan ng kritikal na pag-


iiisip sa pagsagot ng tanong na ito

***
MGA PERSONALIDAD SA KASAYASAYAN NA TAO
ANG NAGLUKLOK BILANG MGA BAYANI :

Andres Bonifacio
--Unang Pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik

Jose Rizal
--Pambansang Bayani

** Ang tunay bang sukatan ng pagiging bayani ay


yung laki ng sakop ng napaglingkuran? (gaya nina
Rizal at Boni?)...
... ito ngayon ang tatalakayin natin bukas... sa
pagtunghay natin sa istorya ng isang guro na
nakalikha ng isang maliit na paraan para makatulong
sa mga kabataan—pero nakalikha ng MALAKING
epekto sa maraming kabataang Pilipino :

Ang storya ni Efren Penaflorida

***
PINAL NA KONKLUSYON NG LEKSYON :

Let’s leave it to the people to decide, kung sino ang bayani


sa kanilang pananaw..

critical-thinking skills, mahalaga

***
kwento ng mga kabayanihan, upang tayo ay magkaroon
ng inspirasyon..
magbasa tayo ng kasaysayan..
at ang epekto nito’y iapply natin sa ating pang-araw-araw
na buhay
***
LEKTURA
Marso 9, 2021 – Martes
Modyul 4 – Leksyon 2 – Konsepto ng Bayani

Paksa :
Ang tunay bang sukatan ng pagiging bayani ay
yung laki ng sakop ng napaglingkuran? (gaya nina
Rizal at Boni?)?

Materyal :
Ang storya ni Efren Penaflorida

MGA GABAY NA TANONG SA TALAKAYAN

1. Ano ang katayuan sa buhay ni Efren? Mula sa


pinanggalingan niyang karanasan, paano ito nagbunsod
sa kanya na gawan ng pagbabago ang kanyang
kinabibilangang sitwasyon?
2. Ano ang naging layon ni Efren sa pagbubuo ng Kariton
Klasrum?

3. Ano ang naging kabuluhan ng kariton sa layon na ito?

4. Ano-ano ang mga positibong epekto ang nalikha ng


Kariton Group, sa pangunguna ni Efren Penaflorida?

5. Masasabi niyo bang ‘bayani’ si Efren? ipaliwanag gamit


ang depenisyong :
bayani / kabayanihan
– kahit sinong ordinaryong tao, na nagbibigay
serbisyo sa bayan nang walang ano mang kapalit
(Salazar)
LAGOM:

KABAYANIHAN / BAYANI

Tradisyunal na kahulugan :
1. bayani / kabayanihan
– kahit sinong ordinaryong tao, na nagbibigay
serbisyo sa bayan nang walang ano mang kapalit
(Salazar)

Pagpapakahulugan sa Kasalukuyan
(Bayani sa Modernong Panahon) :
2. bayani / kabayanihan
– ay kahit na sinong ordinaryong tao na kahit sa sarili
niyang paraan ay naglingkod para sa isang mabuting
layon at nakalikha ng MALAKING epekto sa nakararami at
sa kanyang lipunan, nang walang ano mang kapalit

You might also like