You are on page 1of 2

Mikaella S.

Eugenio
2BSA-1

Modyul V
Assessment

Kahulugan ng mga salita.

1. Punto de Vista
- Ang punto de vista o point of view sa wikang ingles ay tumutukoy sa kahulugan o
pinakamahalagang bahagi ng pinag-uusapan. Tumatalakay ito sa pananaw ng isang
tao tungkol sa ipinapahayag nito upang mabigyang linaw ang mga katanungang
naglalaro sa isip ng mga tagapakinig.

2. Obhektibismo
- Ang ibig sabihin nito ay mga bagay na inaasam makuha o kaya mga bagay na
tinatanaw mula sa isang diretsong pananaw lamang. Ito ay isang estado na
nakatutunghay sa obhektibo.

3. Teoryang Pagtanggap
- Malinaw na sa teorya ng pagtanggap at pagbasa ay malaki ang papel na
ginagampanan ng mambabasa pati na nag relasyon sa pagitan ng mambabasa,
manunulat at teksto. Nagtatagpo ang mambabasa at manunulat sa pamamagitan ng
teksto naparehong binibigyan nila ng kani-kanilang interpretasyon. Sa pamamagitan
din ng teoryang ito ay maiintindihan ang pagkakaiba-iba ng interpretasyon ng mga
tao sa isang akda, bagay o pangyayari dahil maaring ang interpretasyon niya ay
bunga ng kaniyang kapaligiran. Maaari ring ang pagbibigay niya ng kahulugan ay
bunga ng kaniyang mga naging karanasan at maituturing na salik na personal. Ang
interpretasyon din ay nakabatay at tumutukoy sa indentidad ng isang tao. Sa
kabuuan, ang teoryang pagtanggap at pagbasa ay kombinasyon ng mga teoryang
nauna sa kaniya na sa tulong ng mga ito ay nabuo ang isang pagdulog na
makapagbibigay paliwanag sa kabuuan ng isang akda.

4. Simbolo
- Ang simbolo ay maaring tumukoy sa: Sagisag, isang bagay na nagrerepresenta,
tumatayo o kaya naman ay nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala,
aksyon o kaya naman ng isang bagay. Insigniya, isang simbolo o palatandaan ng
pansariling kapangyarihan, katayuan o opisina, o ng opisyal na katawan ng
pamahalaan o nasasakupan. Karakter, ay isang pananda o simbolo. Palatandaan,
isang bagay, kalidad, pangyayari, o entidad na ang presensya o kaganapan ay
nagpapahiwatag na maaring mayroon o mangyayari ang isang bagay
Mikaella S. Eugenio
2BSA-1

5. Istrukturalismo
- Ang Istrukturalismo ay nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari lamang
mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura---ang istruktura ng
wika. Ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika (ang tinatawag na langue)
na nakadepende naman sa aktwal na sinasabi o binigkas (ang parole). Kayat kung
paghambingin ang Formalismo at Istrukturalismo: habang ang Formalismo ay
“lumalapit” sa teksto ang Istrukturalismo naman ay “lumalayo” para higit na
makalapit sa konteksto

6. Formalismong Pananaw
- Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at
hindi sa nilalaman nito.Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan,istilo,o
paraang artistiko ng teksto.Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong
labas sa teksto mismo,tulad ng histori,politika,at talambuhay. Pinagtutuunan ng
pansin sa teoryang ito ang mga instruktura o pagkakabuo nito.Samakatuwid, kung
ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot
samambabasa - walang labis at walang kulang.Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri't pang-unawa.

You might also like