You are on page 1of 11

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Panahon ng Renaissance


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lolita D. Espineda
Editor: Pangalan
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
8
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Ang Panahon ng Renaissance
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Modyul para sa araling
Ang Panahon ng Renaissance!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang
Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa
pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa


pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21
siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob


kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 Modyul ukol sa Ang Panahon ng


Renaissance!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
>> Mabibigyang kahulugan ang Renaissance
>> Masusuri ang mga salik na nagbigay daan sa pagsibol ng Renaissance

PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
1. Aling pangungusap ang pinaka angkop na kahulugan ng Renaissance?
A. Panibagong kaalaman sa sining
B. Muling pagsibol ng kulturang Helenistiko
C. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego at Romano
D. Panibagong kaalaman sa mga sinaunang kabihasnan
2. Sa anong bansa unang sumibol ang Renaissance?
A. Italya B. Espanya C. Inglatera D. Portugal
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi dahilan kung bakit sa Italya unang
umusbong ang Renaissance?
A. Bunsod ng mayaman nitong kasaysayan at likas na yaman
B. Ito ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma
C. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan dito
D. Dahil sa Heograpikal na lokasyon nito
4. Ang Renaissance ay nangangahulugan ng _________
A. Rethink B. Rebirth C. Revive D. Rejoice
5. Maharlikang angkan na naging mahalaga ang papel sap ag-usbong ng Renaissance
sa Italya.
A. Medina B. Mellano C. Mendiola D. Medicci

BALIK-ARAL
Sa huling Linngo ng nakaraang Ikalawang Quarter ay tinalakay ang mga pagbabagong
naganap sa Europa sa Gitnang Panahon o Medieval Period. Bilang pag-babalik aral ay tukuyin
ninyo sa pamamagitan ng mga clue words at pag-tanggal ng mga labis na letra ang mystery words
o salitang hinahanap na nasa loob ng kahon.
Ito ay malaking bahagi ng fief
YGFMWAJHNODVYRAOPLWERISMO
Isang sistemang pang-ekomnomiya noong Gitnang
Panahon
Sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar
PGIOUYUASODAUQLISLMSMOZXA
spanahong
Nakasalalay sa basalyo ang mga gawaing pampulitika at
pangkabuhayan
Si Charlemagne ang naghari o emperador sa panahong
ito SHOOLY TURPOMXCSANQE ito
EMVBPIRLKRE Panahon o imperyo na bumuhay muli sa Imperyong
Romano

ARALIN
Kahulugan at mga Salik sa Pag-usbong ng Renaissance
Gawain 1: Past and Present

Mahilig ba kayong manuod ng mga teleserye? Mag-isip ng mga teleserye noon na ni-revive
o may remake sa kasalukuyan. Ano ang tema ng mga naisip ninyong telesereye? Sa inyong palagay
bakit kaya nagkaroon ng remake o revival ang mga naisip ninyong teleserye?
Alam niyo ba na hindi na bago ang revival o remake. Sa kasaysayan ay may isang
pangyayari na maituturing na revival o remake, ito ang Renaissance.

Renaissance
Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo umusbong ang
Renaissance. Ang salitang Renaissance ay mula sa salitang Pranses ay nangangahulugan ng
muling pagsilang o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang
kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Griyego
at Romano sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.
Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong
panahon.
Ang Renaissance ay tumaliwas sa mga kaisipan noong Middle Ages na kung saan
binibigyang tuon ay ang papel ng simbahan sa buhay ng tao. Binigyang atensiyon ng Renaissance
ang kahalagahan ng tao at sa kanyang mga ambag. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa
pagtingin sa politika, relihiyon, at pag-aaral sa nasabing panahon. Nagbigay ito ng inspirasyon sa
mga mga Europeong manlalakbay na marating ang malalayong bahagi ng daigdig. Nagbigay-daan
din ito sa pagtatatag ng mga imperyo at kolonya. Hinimok din nito ang pagkamalikhain ng mga
tao sa iba’t-ibang larangan.
Gayunpaman, sa kabila ng malawakang pagbabago sa pagtingin sa daigdig sa panahon ng
Renaissance, hindi naman tuluyang nawala ang mga ideya at institusyong naitatag sa panahon
ng Middle Ages.

Mga Salik sa Pag-usbong ng Renaissance


Umusbong ang Renaissance sa lungsod ng Italya sa Roma. Bakit nga ba sa
Italya umusbong ang Renaissance? May iba’t-ibang salik sa pag-usbong ng
Renaissance sa Italya.
Ang magandang lokasyon nito. Pinakamahalagang salik ang kinaroroonang pang
Heograpiya ng Italya. Matatagpuan ang Italya sa pagitan ng Kanlurang Asya at Kanlurang
Europa. Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod-estado sa Italy na
makipagkalakalan sa mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din ang
Heograpikal na lokasyon ng Italya upang makatanggap ng iba’t-ibang kaisipan mula sa Silangan
at Kanluran.
Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma. Itinuturing ng mga Italyano
na sa dugo at wika, higit na may kaugnayan sila sa mga Romano kaysa alinmang bansa
sa Europa. Dahil sa paniniwalang ito, nabigyang sigla ang pagnanais na manumbalik ang
kabihasnang klasikal ng Roma.
Mahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Italya. Ang mga unibersidad
sa Italya ang nagbigay diin at nagtaguyod sa kulturang klasikal, mga kaalaman sa Teolohiya at
Pilosopiya ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa pamamagitan ng malayang pag-aaral sa mga
unibersidad, naging praktikal ang pananaw ng mga tao sa buhay at mas naging malaya sa
paglinang ng kanyang mga kakayahan at kagustuhan.
Pagtataguyod ng mga mahaharlikang angkan sa mga masigasig sa pag-aaral at alagad
ng sining. Kabilang sa maharlikang angkan na mahalaga ang papel sa pag-usbong ng
Renaissance ay ang pamilya Medici. Sa pangunguna Lorenzo d’ Medici, napag-ibayo ang
paglaganap ng Renaissance sa pamamagitan ng pagpapatayo ng pampublikong aklatan na sentro
ng pag-aaral at pagsuporta sa mga pintor at eskultor.

MGA PAGSASANAY
Gawain: Word Search
Panuto: Hanapin ang mga salita na may kaugnayan o naglalarawan sa Renaissance. Bilugan ang
mga ito

WMEDICILOLLYDFGYUPJHNBGERFGHVSCJJJHTQOAKLYUTNBVFPPLI
Rebirth HNGHOUPYNBOYREDDCXVSBFIKLJNULPPUPILSQAWSZXCDCXZJHVB
JNHLPUHFGFOYURETREBIRTHSZXCMCXZDSNBIIBVNBCJHDNHIUZZ
Humanista
UWLOLDFGYUPJHNBGERFGDVSCJJIATQOAKLYIITNBVFPPLZXSSMAP
Middle Ages HNAHOUPYNBOPANITIKANBFIKLJNIINWORLDHIIAWSZXCDCXZMAVB
REBGRTHSZXCDCXZDSVHJGBVNBCIIDNHLPZZZILGUYHTGFNHPINHI
Pinta UWLJHDFGYUPJHNBGIRFGDVSCJJJSTQOAKLYIIYNBVFPPLZXSSIIFM
HNBGEAFGDVSCJJJHTQOAHNBGERTGDVSCJJIIATQOAHNBGERISIO
Agham WABCDEMGHIJKDFGYUPJMNBGERIADVSCJJJHTQOAKLYUTNBVMPI
HNGHOUPYNBOYREDDCXWARLDHISTORYNERBVYIWSZXCDCXZIOVV
JNHLPUHFGFOYURETMANILANFSZXCDPINTAVHJGBVNBCJHDNHLPA
MIDDLEAGESHILPONGERFGDVOCJJJHTQOAKLYUTNGRIYEGOXSSAA

Italya Romano Humanismo Medici Griyego


PAGLALAHAT
Panuto: Kumpletohin ang datos na hinihingi sa Concept Definition Map

KAHULUGAN
MGA SALIK SA PAG-USBONG
NG RENAISSANCE
1.

2.
RENAISSANCE
3.

4.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sagutan ang mga tanong sa Reflective Log.
Ano ang mahahalagang ideya o kaalaman na natutuhan ninyo sa aralin?
1.
2.
3.
Anu-anong mga prinsipyo o kaalaman na hango sa Renaissance ang maaari mong iangkop sa
kasalukuyan?
1.
2.
3.
Bilang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang naging ambag ng mga Humanista sa
panahon ng Renaissance?
1.
2.
3.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin ng mabuti ang bawat tanong at sulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.
1. Ang Renaissance ay kilusang intelektuwal o kultural na ang hangarin ay ibalik ang klasikal
na kultura ng mga anong kabihasnan?
A. Athens at Greece C. Greece at Rome
B. Sumer at Indus D. Shang at Athens
2-3. Suriin ang salitang nakahilis. Tukuyin kung ito ay tama o mali sa ipinapahayag na
Ideya sa pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot sa na nasa kahon

A. Tama ang una at ikalawang pangungusap


B. Mali ang una at ikalawang pangungusap
C. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawang pangungusap
D. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap

2.
I. Isa sa dahilan kung bakit umusbong sa Italy ang Renaissance ay sa magandang
lokasyon nito
II. Ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan tulad ng mga Medici ay nakatulong
sa pag-unlad ng Renaissaance sa Italy
3.
I. Ang Renaissance ay maaaring ilarawan bilang kilusang intelektuwal o kultural na
nais ibalik ang sinaunang kulturang Athens at Greece
II. Ang Renaissance ay panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period
4. Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng Renaissance?
A. Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Roma
B. Mahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Italya
C. Ang mga ambag ng mga Humanista
D. Ang magandang lokasyon nito
5. Sa paanong paraan pinangunahan ni Lorenzi De Medicci ang pag-usbong ng Renaissance sa
Italya?
A. Pagpapatayo ng pampublikong aklatan C. Pinag-aral niya ang mga Humanista
B. Pagpapadala ng mga eksplorasyon D. Pagpapatayo ng mga museo

SUSI SA PAGWAWASTO

D 5. D 5.
C 4. B 4.
D 3. A 3.
A 2. A 2.
C 1. C 1.

Panapos na Pagsusulit Paunang Pagsusulit


Gawain 1: Word Search

WMEDICILOLLYDFGYUPJHNBGERFGHVSCJJJHTQOAKLYUTNBVFPPLI
HNGHOUPYNBOYREDDCXVSBFIKLJNULPPUPILSQAWSZXCDCXZJHVB
JNHLPUHFGFOYURETREBIRTHSZXCMCXZDSNBIIBVNBCJHDNHIUZZ
UWLOLDFGYUPJHNBGERFGDVSCJJIATQOAKLYIITNBVFPPLZXSSMAP
HNAHOUPYNBOPANITIKANBFIKLJNIINWORLDHIIAWSZXCDCXZMAVB
REBGRTHSZXCDCXZDSVHJGBVNBCIIDNHLPZZZILGUYHTGFNHPINHI
UWLJHDFGYUPJHNBGIRFGDVSCJJJSTQOAKLYIIYNBVFPPLZXSSIIFM
HNBGEAFGDVSCJJJHTQOAHNBGERTGDVSCJJIIATQOAHNBGERISIO
WABCDEMGHIJKDFGYUPJMNBGERIADVSCJJJHTQOAKLYUTNBVMPI
HNGHOUPYNBOYREDDCXWARLDHISTORYNERBVYIWSZXCDCXZIOVV
JNHLPUHFGFOYURETMANILANFSZXCDPINTAVHJGBVNBCJHDNHLPA
MIDDLEASGESJKLMPGERFGDVOCJJJHTQOAKLYUTNGRIYEGOXSSAA

Sanggunian
Aklat
Blando, Rosemarie C; Michael, Mercado M; Mark Alvin M; Cruz, Angelo C; Espiritu, Edna L;
DeJesus, Asher H; Pasco, Rowel, S; Padernal, Yorina, C; Manalo, Kalenna Lorene, Asis S;
2014. KASAYSAYAN NG DAIGDIG: Araling Panlipunan, Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig,
City: Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepED-BLR)
Mateo, Grace Estela C; Rosia, Tadena, D; dl Jose Mary Dorothy, Balonso Celinia, E; Boncan,
Celestina P; Ponsaran, John N; Ong Jerome, A. 2012. KASAYSAYAN NG
DAIGDIG:Batayang Aklat sa Araling Panlipunan. Quezon,City: Vibal Publishing House Inc.
Soriano, Celia, D; Antonio, Eleanor D; Imperial, Consuelo, M; Samson, Maria Carmelita, B.
2017. KAYAMANAN:Kasaysayan ng Daigdig,Batayang Kaganitang Pampagtuturo.
Quezon,City: Rex Printing Co.

DepEd Project Ease Module Araling Panlipunan, Modyul 11

Mga Larawan
“Political Map of Italy” n.d. nationsonline. Accessed June 13, 2020.
https://nationsonline.org/oneworld/map/italypolitical-map.htm.

You might also like