You are on page 1of 4

A Y AL I P I N A N I N O

S I
YN G F Y S AF I L Y I P
A S A
A N G
KWKASAYSAYAN
IK
NG WIKANG
FILIPINON NNG
A S A Y L I P I N
S A Y G F IA Y A I
A N S
KW I K AS A YN G F I L
A
KW I K A
1872 PANAHON NG PROPAGANDA
Ang panahong ito ay bahagi pa rin ng panahon ng Kastila.
Sa panahong ito unti-unting namulat ang kaisipang
Pilipino. Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan.

1897 SALIGANG-BATAS NG
BIAK-NA-BATO
Isinaad na Tagalog ang opisyal na wika ng
pamahalaan.Hindi nagkaroon ng kaganapan sapagkat
bukod sa mga ilustrado ang namayani noon sa Kapulungan
Pansaligang-batas, hindi rin nagtagal ang itinuring na
Unang Republika ng Pilipinas.

1899 KONSTITUSYONG MALOLOS


Noong Enero 21, itinahadana naman pansamantalang
gamiin ang Espanyol bilang opisyal na wika ayon sa
Konstitusyon ng Malolos. Wikang Ingles ang tanging wikang
panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman.

1925 KOMISYONG MONROE


Noong 1925, sa pamamagitan ng sarbey ng Komisyong
Monroe, napatunayang maykakulangan sa paggamit ng
Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit
walanamang pagbabagong ginawa.
1931 BERNAKULAR NA PAGTUTURO
Noong 1931, si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya
ring kalihim ng pambayangtpagtuturo ay nagpanukalang
gawing bernakular ang pagtuturo sa primarya.

1934 KAPULUNGANG
PANSALIGANG-BATAS
Ito ay binuo bilang paghahanda sa itatatag na Malasariling
Pansariling (Commonwealth).Ito ang umukit sa Saligang
batas ng 1935.

1935 ARTIKULO 14 SEKSYON 3 NG


SALIGANG-BATAS NG 1935
Inatasan ang Pambansang Asamblea na magsagawa ng
kaukulang hakbang sa paglinang ng isang wikang
pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na wika ng
Pilipinas.

1936 BATAS NG KOMONWELT BLG.


184
IItinatag ng Pambansang Asemblea. Sa bisa nito, naitatag
ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ginamit na batayan
sa pagpili ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo,
literatura, at ginagamit ng nakararaming Pilipino.

1937 KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG. 134
Isinaad na Tagalog ang batayan ng wikang Pambansa.
Hinirang ni Manuel L. Quezon ang unang Lupon ng Surian ng
Wikang Pambansa noong Enero 12, 1937.

1940 KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG. 263
Isinaad ang pagpapalimbag ng "A Tagalog-English
Vocabulary" at "Ang Balarila ng Wikang Pambansa”.
Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog)
sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19,
1940.

1946 BATAS NG KOMONWELT BLG.


570
Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang
pambansa (Tagalog).
1954 PROKLAMASYON BLG. 12
Isinaad ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika
mula Marso 29 - Abril 4 (kapanganakan ni Francisco
Balagtas).

1955 PROKLAMASYON BLG. 186


Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo
ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L.
Quezon).

1959 KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN BLG. 7
Isinaad ang pagtawag ng wikang pambansa bilang Pilipino.

1962 KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN BLG. 24
Ito ay nag-uutos na mula sa taong-aralan
1963-1964, ipinalilimbag ang lahat ng
sertipiko at diploma ng pagtatapos sa wikang Pilipino.

1963 KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG. 60
Ipinag-utos na awitin ang pambansang awit sa wikang
Pilipino.

1973 SALIGANG-BATAS NG 1973


Isinaad na dapat gumawa ang Batasang Pambansa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng
isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging
Pilipino.

1974 KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN BLG. 25
Isinaad ang pagpapairal ng Edukasyong Bilingguwal sa mga
paaralan simula sa taong-panuruan 1974-1975.Ipinatupad
ang patakarang bilingguwal sa mababang paaralan,
sekondarya, tersarya sa lahat ng paaralan sa bansa.
1978 KAUTUSAN BLG. 22
Simula sa taong-panuruan 1979-1980, ituturo ang
6 na yunit ng Pilipino sa kolehiyo.

1981 KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANAP BLG.
1179
Napalitan ang pangalan ng Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) sa Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas (LWP).

1986 BATAS REPUBLIKA BLG.


7104
Sa bisa nito, nilika ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

1987 PROBISYONG PANGWIKA NG


ARTIKULO XIV NG SALIGANG
BATAS NG 1987
Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas, at samantalang
nililinlang ito, dapat payabungin at pagyamanin pa, salig
sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at iba pang wika.

1992 RESOLUSYON BLG. 92-1


Binigyan ng depinisyon ang Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) sa Filipino bilang wikang Pambansa.

1996 COMMISSION ON HIGHER


EDUCATION EDUCATION
MEMORANDUM BLG. 59
Ito ang nagtadhana ng siyam (9) na yunit ng
pangangailangan ng Filipino sa kolehiyo o
pamantasan.

1997 PROKLAMASYON BLG. 1041


Itinakda na ang buwan ng Agosto ay buwan ng wikang
Filipino.

You might also like