You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
NAVOTAS ELEMENTARY SCHOOL-I
M. Naval St., cor. Los Martirez St., San Jose, Navotas City

WEEKLY School: Navotas Elementary School - I Quarter: Quarter 3


HOME
LEARNING Teacher: CELIA L. VARGAS Week: Week 4
PLAN
Subject: ARALING PANLIPUNAN 4 Date: April 12-13, 2021

Day and
Learning Area Learning Competency Learning Tasks Mode of Delivery
Time
8-9:00 am Preliminaries
Monday 12- Araling Nasusuri ang balangkas (Parent/guardian may contact the teacher in any forms Zoom Video Call
2pm Panlipunan o istruktura ng of communication if there are questions/clarifications for Synchronous
Tuesday 9- pamahalaan ng Pilipinas about the lesson) Instruction
11 am, 12-
2pm I. Panalangin Modular
II. Balitaan Instruction
III. Subukin *Messenger
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay *Text Messaging
A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_______1. Pangulo ng Pilipinas


_______2. Pinuno ng Senado
_______3. Punong Mahistrado
________4. Tagapagsalita ng Kinatawan
________5. Bise Presidente
________6. Maaring pumalit sa Pangulo
A. Hon. Diosdado Peralta
B. Hon. Rodrigo R. Duterte
C. Hon. Leny Robredo
D. Hon. Vicente Sotto III
E. Hon. Lord Allan Velasco
F. Bise-Presidente

IV. Paksang-Aralin: Balangkas o Istruktura ng


Pamahalaan ng Pilipinas
1. Balik-Aral
A. Ayusin ang mga letra sa kahon upang
malaman ang mga sagot sa katanungan:

1. Sino ang pinuno ng lalawigan?

2. Ano ang pinakamaliit na unit


ng LGU?

3. Kanino may direktang


pananagutan ang mga pinuno
ng lalawigan

4. Sino ang pangulo ng Pilipinas?

5. Pinuno ng Mataas na
Kapulungan
2. Gawain
Isulat sa patlang ang tamang pangalan ng mga
namumuno sa pamahalaan ng Pilipinas.

3. Pagtatalakay
ANG BALANGKAS O ISTRUKTURA NG
PAMAHALAAN NG PILIPINAS
Sa ilalim ng Saligang-Batas ng 1987, ang ating bansa
ay mayroong Presidensiyal na uri ng pamahalaan. Ito ay
binubuo ng tatlong (3) sangay na tinalakay sa nakaraan
aralin. Ang mga sangay na tagapagbatas, tagapag-
paganap, at tagapaghukom. Ang pangulo (Presidente) at
Pangalawang Pangulo (Bise-Presidente) ang siyang
namumuno sa sangay ng tagapagganap. Sila ay direkta o
tuwirang
ihihalal ng mga mamamayan sa pamamagitan ng
pambansang eleksyon. Anim na taon ang tagal ng
kanilang panunungkulan.
Ang pangulo ang nagtatalaga ng kanyang Gabinete
o Cabinet na siyang
tumutulong sa pangangasiwa at maayos na pamamalakad
ng mga gawaing pam- pamahalaan. Ang Gabinete ay
binubuo ng mga iba’t ibang sangay (departments)na may
mga ispesipikong tungkulin at pinamuan ng isang Kalihim
(Cabinet Secretary).
Ang sangay Tagapagbatas ay may pangunahing
tungkulin na pagpasa ng mga
iba’t ibang batas. Ito ay binubuo ng Mataas na
Kapulungan (Senado) at Mababang Kapulungan
(Kinatawan).
Ang pangulo ng Senado (Senate President) ang
siyang namumuno sa Mataas
na Kapulungan at ang Spiker (Speaker of the House) ang
siya naming namumuno sa Mababang Kapulungan. Sila ay
direktang inihalal ng mga mamamayan sa pamamagitan
ng isang nasyonal at lokal na eleksyon tuwing ikatlong
taon.
Ang sangay ng Hukuman (Supreme Court) ang
itinuturing pinakamataas na hukuman na siyang
pinamumunuan ng Pinunong Mahistrado o Chief Justice.
Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
________1. Paraan ng pagpili ng Pangulo at Bise-
Presidente:
a. Halalang Nasyonal c. Pagpili ng kinatawan
b. Pagtaas ng kamay d. Pagtatalaga ng
Punong Mahistrado

________2. Inihalal ng mga botante sa mga purok


pangkapuluan:
a. Pangulo c. Kinatawan ng Kapulungan
b. Senador d. Gabinete
________3. Bilang ng mga miyembro ng senador
a. 23 b. 24 c. 11 d. 12

________4. Taon ng panunungkulan ng presidente


a. 6 b. 7 c. 5 d. 4

________5. Nagtatalaga ng Gabinete:


a. Presidente c. Senador
b. Bise-Presidente d. Punong Mahistrado

4. Paglalahat
• Ang Pangulo ng Pilipinas ang siyang punong
tagapagpaganap ng pamahalaan. Siya ang
pumipili ng mga Kalihim ng mga Kawanihan
ng Pamahalaan batay sa pagsang-ayon ng
Komite ng Paghirang.
• Ang Pangalawang Pangulo ay maaaring
humawak ng posisyon bilang Kalihim sa
Gabinete nang hindi na kailangang dumaan
sa Komite ng Paghirang batay sa
pagtatalaga ng Pangulo.
• Ang Sangay Tagapagbatas ay siyang taga-ugit ng batas.
Binubuo ito ng Mataas na Kapulungan (Senado) at
Mababang Kapulungan (Kinatawan).
• Ang sangay Tagahukom ay pinamumunuan ng
Kataastaasang Hukuman.
• Ang sangay ng tagapaghukom ay kinabibilangan ng
isang punong mahistrado at 14 na katulong na mga
mahistrado.
• Ang Gabinete ay nasa pamamahala ng Pangulo.
• Ang mga yunit ng local na pamahalaan ay
pinamumunuan ng alkalde ng bayan ng lungsod.
5. Paglalapat
Punan ng akmang posisyon ang mga numerong may
patlang.

V. Pagtataya
Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

_________ 1. Inihalal ng kinatawan ng mahistradong


partido o organisasyong pambansa, panrehiyon at pang-
sektor.
a. Liberal party
b. Congressman
c. Senador
d. Punong Mahistrado

_________ 2. Pinuno ng Kataastaasang Hukuman.


a. Pangulo
b. Congressman
c. Senador
d. Punong Mahistrado
_________ 3. Ang pinuno ng Sangay ng Tagapagganap

a. Pangulo
b. Congressman
c. Senador
d. Punong Mahistrado

_________ 4. Bilang ng pinunong Mahistrado


a. 10
b. 12
c. 13
d. 14

_________ 5. Pinuno ng Mababang Kapulungan


a. Ispiker ng Kapulungan
b. Senador
c. Congresista
d. Gabinete

_________ 6. Bilang ng mga Miyembro ng Mataas na


Kapulungan
a. 6
b. 12
c. 25
d. 20

_________ 7. May pangunahing tungkulin na gumawa ng


mga panukalang batas.

a. Mambabatas
b. Senador
c. Pangulo
d. Gabinete

_________ 8. Maaaring humawak ng posisyon bilang


Kalihim sa Gabinete
a. Pangalawang Pangulo
b. Pangulo
c. Senador
d. Gabinete

_________ 9. Siya ang pumipili ng mga Kalihim ng mga


Kawanihan ng Pamahalaan
a. Pangalawang Pangulo
b. Pangulo
c. Senador
d. Gabinete

_________ 10. Itinuturing pinakamataas na hukuman na


siyang pinamumunuan ng Pinunong Mahistrado o Chief
Justice.
a. Sangay ng Tagapaghukum
b. Sangay ng Tagapagbatas
c. Sangay ng Tagapagpaganap
d. Gabinete

VI. Karagdagang Gawain


Gamit ang organizational chart, isulat ang ngalan ng
mga kawani ng inyong barangay na kinabibilangan.
Kapitan ng
Barangay

Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad

You might also like