You are on page 1of 15

Heograpiya at Sibika

Araling Panlipunan – Ika-Apat na Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang mga Namumuno sa Bansa.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Judy S. Montemayor
Editor: Pangalan
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Aurelio G. Alfonso
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Victor M. Javena
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE


Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ed. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 4
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Ang mga Namumuno sa Bansa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Modyul
6 para sa araling Ang mga Namumuno sa Bansa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 Modyul 6 ukol sa Ang


mga Namumuno sa Bansa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang nakikilala ang


mga namumuno sa bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong sangay. Isa


dito ang Sangay Tagapagpaganap na pinamumunuan ng _____.
A. Pangulo C. Kalihim ng Kagawaran
B. Senador D. Pangalawang Pangulo

2. Sino ang namumuno sa isang lungsod o bayan?


A. Gobernador C. Kapitan ng Barangay
B. Alkalde o Mayor D. Pangalawang Pangulo

3. Ang mga ahensiya o kagawaran sa ilalim ng Sangay


Tagapagpaganap ay pinamumunuan ng mga ___________.
A. Mayor C. Kalihim ng Kagawaran
B. Senado D. Pangalawang Pangulo

4. Sino-sino ang mga namumuno sa Sangay Tagapagbatas?


A. Kapitan at mga Tanod
B. AlKalde at Gobernador
C. Senador at Kongresista
D. Pangulo at Pangalawang Pangulo

5. Ang Sangay Tagapaghukom ay pinamumunuan ng Korte


Suprema o Kataas-taasang Hukuman. Sino-sino ang mga
bumubuo rito?
A. Alkalde at at mga Konsehal
B. Kapitan at mga Barangay Tanod
C. Pangulo ng Senado at 24 na Senador
D. Punong Mahistrado at 14 na katulong na Mahistrado
BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang balangkas ng Pamahalaang Pambansa ay binubuo ng mga


sumusunod MALIBAN sa isa.
A. Sangay ng Edukasyon
B. Sangay Tagapagbatas
C. Sangay Tagapaganap
D. Sangay Tagapaghukom

2. Ang pinakamaliit na antas ng Pamahalaang Lokal ay ang ________.


A. Senado
B. Barangay
C. Munisipalidad
D. Korte Suprema

3. Ang Pamahalaang Lokal ay nasa ilalim ng ______________.


A. Sangay Tagapaganap
B. Sangay Tagapagbatas
C. Sangay Tagapaghukom
D. Iba’t ibang mga ahensiya

4. Ang balangkas ng Pamahalaang Pambansa ay binubuo ng Sangay


Tagapaganap, Sangay Tagapagbatas, at, ______________. Ang
mga sangay na ito ay may pantay pantay na kapangyarihan.
A. ahensya o kagawaran
B. Sangay ng Katarungan
C. Sangay Tagapaghukom
D. Pamahalaang Pambansa

5. Ang balangkas ng Pamahalaang Lokal ay binubuo ng Pamahalaang


Panglalawigan, Panglungsod, Pangmunisipyo at _________.
A. Ehekutibo
B. Pangsenado
C. Pambarangay
D. Panggabinete
ARALIN

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang tungkol sa balangkas ng


Pamahalaang Pambansa at Pamahalaang Lokal. Mahalaga ang
pamahalaan upang magkaroon ng kaayusan at direksiyon ang ating
bansa. Bukod sa ating pangulo na namumuno sa ating bansa, ang bawat
antas ng pamahalaan ay may itinalaga o inihalal na mga mamumuno.

Nakikilala mo ba sila?

May kilala ka pa bang mga namumuno sa ating bansa?

Sino-sino nga ba ang namumuno sa ating bansa? Sa araling ito


inaasahang makikilala mo ang mga namumuno sa ating bansa.
Ang mga Namumuno sa Ating Bansa

Pamahalaang Pambansa

Sangay Sangay Sangay


Tagapagpaganap Tagapagbatas Tagapaghukom
(Ehekutibo) (Lehislatura) (Hudikatura)

Pangulo Mataas na Mababang Kataastaasang


Kapulungan Kapulungan Hukuman
Pangalawang
Pangulo Senador Kongresista Punong
Mahistrado
Gabinete
Korte sa Pag-apila
Pamahalaang Lokal
Punong Hukom
Pamahalaang
Panlalawigan
Ombudsman
Gobernador
Pangrehiyong
Bise - Tagalitis
Pamahalaang Gobernador
Panglungsod
Sangguniang Pang- Munisipalidad
Alkalde o Mayor Panlalawigan na Tagalitis

Bise - Alkalde Pamahalaang Hukumang


Pangmunisipyo/ Pambarangay
Sangguniang Bayan
Panglungsod
Alkalde o Mayor

Bise - Alkalde

Sangguniang
Pangbayan

Pamahalaang
Pambarangay

Punong Barangay

Sangguniang Barangay
Ang Sangay Tagapagpaganap
Pinamumunuan ng pPngulo ang Sangay Tagapagpaganap na
sinusundan ng Pangalawang Pangulo at ang Gabinete. Ang Pangulo ang
pinuno ng estado, pamahalaan at punong komandante ng Sandatahang
Lakas. Ang Pangalawang Pangulo ang tagahalili ng Pangulo at papalit
kapag ang Pangulo ay namatay o hindi na karapat-dapat sa kanyang
tungkulin. Ang mga Gabinete naman ay binubuo ng iba’t ibang ahensiya
o kagawaran na pinamumunuan ng isang Kalihim. Sa ilalim naman ng
Sangay Tagapagpaganap ay ang Lokal na Pamahalaan.

Mga Pinuno ng Pamahalaang Lokal


Ang Pamahalaang Lokal ay makikita sa bawat lalawigan at
mga lungsod. Ang lalawigan ay pinamumunuan ng Gobernador na
sinusundan ng Bise-Gobernador at ang Sangguniang
Panlalawigan. Ang mga lungsod at bayan naman ay
pinamumunuan ng Alkalde, Bise-Alkalde at ang Sangguniang
Panglungsod at Aangguniang Pangbayan. Sa ilalim ng mga ito ay
ang pamahalaan pambarangay na pinamumunuan ng isang
Punong Barangay katulong ang Sangguniang Barangay.

Sangay Tagapagbatas
Ang sangay na ito ay binubuo ng dalawang kapulungan. Ito ay ang
Senado at ang Kapulungan ng Kinatawan. Ang Senado ay binubuo ng
24 na Senador. Ang kalahati o ang 12 na Senador ay tuwiran na inihahalal
tuwing ikatlong taon at manunungkulan sa loob ng anim na taon. Sila din
ay pinamumunuan ng Pangulo ng Senado na nanggagaling sa mayorya
o partido ng nakararaming miyembro ng Senado.
Ang Kapulungan ng Kinatawan ay binubuo ng mga Kinatawan o
Kongresista sa bawat distrito sa buong bansa at mga Kinatawan sa bawat
partylist ng iba’t ibang sector. Ang Kapulungan ng Kinatawan ay
pinamumunuan ng Ispiker na inihalal ng mga kinatawan.

Sangay Tagapaghukom
Ang Korte Suprema o ang Kataas-taasang Hukuman ay binubuo ng
isang Punong Mahistrado at 14 na katulong na Mahistrado. Ang Korte
Suprema din ang namumuno sa Sangay Tagapaghukom. Ang Court of
Appeals o Sandiganbayan ay isang espeyal na hukuman para sa mga
opisyal ng pamahalaan na may kaso ng korapsyon. Ang Ombudsman
naman ay itinalaga upang maging mata at tainga ng mga tao. May
kalayaan itong mag-imbestiga, magsiyasat, at manghingi ng mga
dokumentong patungkol sa mga transaksiyon at kontrata ng pamahalaan
kung saan iniuulat ang naging paggugol sa pera ng bayan. Ang
Pangrehiyong Tagalitis, Pang-Munisipalidad na Tagalitis at Hukumang
Pambarangay ay nasa ilalim din ng Sangay Tagapaghukom na kung saan
mas nabibigyan ng pansin ang lahat ng mga sigalot sa bawat lugar sa
bansa.

MGA PAGSASANAY

Gawain A

Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng


kahon.

Alkalde Punong Mahistrado Senador


Punong Barangay Pangalawang Pangulo

1. Ang ________________ ang tagahalili at papalit sa Pangulo kapag


ito ay namatay o hindi na magampanan ang kanyang tungkulin.

2. Ang ______________ ang namumuno sa Korte Suprema.

3. Ang ___________ ay nabibilang sa Sangay Tagapagbatas kung


saan sila ay tuwiran na inihahalal tuwing ikatlong taon at
manunungkulan sa loob ng anim na taon.

4. Ang pamahalaang barangay ang pinakamaliit na yunit ng


pamahalaan na pinamumunuan ng _____________.

5. Ang bawat lungsod at bayan ng bansa ay pinamumuan ng isang


_______.
Gawain B
Panuto: Kumpletuhin ang balangkas ng mga namumuno sa bansa.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Alkalde
B. Senador
C. Gabinete
D. Konggresista
E. Sangguniang Pangbayan

Sangay Sangay
Tagapagpaganap Tagapagbatas
(Ehekutibo) (Lehislatura)

Pangulo
2.________ 3.________
____ __
Pangalawang
Pangulo

1. ___________

Pmahalaang Pmahalaang
Pangmunisipyo Panglungsod
o Bayan
5.__________
Alkalde
Bise - Alkalde
Bise - Alkalde
Sangguniang
4. ___________ Panglungsod
PAGLALAHAT

Panuto: Nakikilala mo na ba ang mga namumuno sa ating bansa?


Kumpletuhin ang listahan ng mga namumuno sa ating bansa.

1. Pangulo, ______________, Gabinete


2. ____________, Bise-Alkalde, Sangguniang Panglungsod
3. Punong Barangay, _________________
4. _______________, Mahistrado, Punong Hukom, Ombudsman
5. _____________, Bise-gobernador, Sangguniang Panlalawigan

PAGPAPAHALAGA

Sagutin ang mga tanong:

Bakit mahalaga na nakikilala natin ang mga namumuno sa ating


bansa? Ano-ano ang maaaring maitulong ng mga mamamayan upang
maayos na magampanan ng mga namumuno ang kanilang mga
tungkulin?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong sangay. Isa


dito ang Sangay Tagapagbatas na pinamumunuan ng ________.

C. Pangulo C. Punong Mahistrado


D. Senador D. Pangalawang Pangulo

2. Sino ang namumuno sa isang lalawigan?


A. Gobernador C. Kapitan ng Barangay
B. Alkalde o Mayor D. Pangalawang Pangulo

3. Ang pinakamababang yunit ng pamahalaan ay ang Pamahalaang


Pambarangay na pinamumunuan ng ___________.
A. Mayor C. Kalihim ng Kagawaran
B. Punong Barangay D. Pangalawang Pangulo

4. Sila ang mga namumuno sa Sangay Tagapagbatas na tinatawag


din na mga Kinatawan ng Kapulungan?
A. Senador
B. Gobernador
C. Kongresista
D. Pangalawang Pangulo

5. Siya ay napapabilang sa Sangay Tagapaghukom at itinalaga


upang maging mata at tainga ng mga tao.
A. Konsehal
B. Ombudsman
C. Barangay Tanod
D. Pangulo ng Senado
SUSI SA PAGWAWASTO

5. A 5. C
4. E 4. C
3. A
D 3.
2. B
B (pwedeng magkapalit) 2.
1. A
5. Gobernador 1. C Balik-aral
Maistrado
5. B Gawain B
4. Punong
4. C Barangay
5. D
3. B 3. Sangguniang 5. Alkalde 4. C
2. A 2. Alkalde 4. Punong Barangay 3. C
1. C Pangulo 3. Senador 2. B
1. Pangalawang 2. Punong Mahistrado 1. A
Pagsusulit 1. Pangalawang Pangulo Pagsubok
Panapos na Paglalahat Gawain A Paunang

SANGGUNIAN
A. Aklat

Adriano, Ma. C; Caampued, M.;Capunitan,C; Galarosa, W.;Miranda,


N.;Quintos, E.;Dado,B.; et. al Araling Panlipunan 4
Kagamitan ng Mag-aaral , Kagawaran ng Edukasyon, Unang Edisyon
2015
Antonio, Eleonor.; Banlaygas, Emilia.; Lagarto,Jocelyn. Kayamanan,
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 4. Binagong
Edisyon.Manila.Rex Book Store, Inc., 2017

B. Sanggunian mula sa Internet

https://www.gov.ph/ang-pamahalaan-ng-pilipinas
https://www.slideshare.net/mildredmatugas7/aralin-panlipunan-modyul-
21-pamahalaan-at-kapangyarihan-1
https://www.officialgazette.gov.ph/dagling-paliwanag-tanggapan-ng-
ombudsman/
http://extwprlegs1.fao.org/docs/pdf/phi93246.pdf
Mga Larawan Mula na Internet
https://en.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte
https://en.wikipedia.org/wiki/Leni_Robredo
https://generationt.asia/people/vico-sotto

You might also like