Diary NG Panget Rebyu

You might also like

You are on page 1of 3

John Michael L.

Pan
2013- 79049 × BA Anthropology
Fil 40 THR5 Dr. Nilo Ocampo

Book Review: Diary ng Panget


Flahback 2010:

Noong una kong marinig ang Wattpad, sabi ko sarili sa sarili ko, “Ha? Ano yun? Ano namang
kaartehan yun?” Naaalala ko pa, 4 years ago, lagi ko na lang naririnig yang Wattpad, Waatpad na
yan sa mga kaklase ko, lalo na sa mga babae. Wattpad sa paaralan, sa computer shop, sa parlor, sa
terminal ng jeep at traysikel, sa tindahan, sa daan, pati sa simbahan. Wattpad much? Aba matinde?
Hanggang sa bahay, aba nakarating na rin ata ang Wattpad virus na yan! Siyempre bukambibig ng
mga kapatid kong babae na nasa 4 th year highschool na ang Wattpad, pati nga mga bunso kong
kapatid na Grade 5 at Grade 2, nahawa na sa ate nila at wala ng ibang ibang ginawa kundi magbasa
ng Wattpad!
“Kuya, alam mo ba ‘yung Wattpad?” Sabi ni Cha (Siya yung 4th year highschool)
“What- pad? Anong pad?” Tugon ko.
“Hindi yun? Sabi ko—Wattpad!!” Pagdidiin niya, “Yung online app na pwedeng magbasa ng
kwento, marami nga dung love stories eh.”
“Oh ano ngayon? Ikakabusog ko ba ’yan? Bababa ang tuition fees diyan? Mumura ba ang
presyo ng bigas at ng bawang dahil diyan? Ikakaunlad ba ‘yan ng Pilipinas? Basa ka ng basa niyan,
eh yung libro mo nga sa Physics di mo binabasa? Pektusan kita diyan eh?” Pang- iinis ko sa kapatid
ko.
“Ano ka ba? Maganda kaya. Tsaka libre naman yun! Di mo kailangan bumili ng libro. Try mo
tong basahin. ”
Sabay abot sa akin ng smartphone niya.
“Ano to?”
At binasa ko ang pamagat ng binabasa niya.
“Diary ng Panget? Ang panget mo na nga, tapos panget pa binabasa mo? So feeling mo
nakaka- relate ka dito?”
“Tange! Maganda yan, ang dami kayang nagbabasa niyan! More than 12 million reads na nga
yan eh?”
“Mmmmmkey!”
At simula nun, naadik na rin ako sa Wattpad. Especially, sa Diary ng Panget. At tatlo na kami
ng mga kapatid ko sa pagsubaybay sa complicated love stories nila ni Eya, Cross, Chad at Lory 

Diary ng Panget Synopsis

Mahirap at panget si Girl tapos magnet siya ng mga poging mayayaman na boys? YES! Cliché?
YES! So what makes this book special? This story has made a lot of people online laugh, as in hagalpak
talaga with matching headbang pa! This is Eya's diary, a girl who believes she's ugly and will meet
Cross Sandford, the most annoying nilalang ever. Samahan natin si Eya sa nakakaloka niyang
adventure sa Willford Academy! A Cinderella story with a twist katatawanan! A story na pwedeng-
pwede sa mga kabataan at pati na rin sa lagpas kabataan, para sa kababaihan, kalalakihan, binabae,
o pusong lalaki. A very funny and kakilig story.

Ang Diary ng Panget (DNP) ay isang romantic comedy na ala nobela-serye na unang nabasa
sa Wattpad na akda ni HaveYouSeenThisGirl. Mabilis na naging internet sensation ang nasabing
online novel na may mahigit na 12 milyon nang nakabasa nito. Dahil sa kasikatan nito lalo na s mga
kabataan ay in- acquire ng PSICOM Publishing ang copyright nito at na- publish sa apat na volume
ang bawat serye ng nasabing libro. Naalala ko pa nung unang lumabas ang unang book ng Diary ng
Panget, ay agad dumagsa ang maraming fans ng DNP sa National Bookstore, kaya di na rin ako
nagtaka nung naging best seller ito. Yung kapatid ko nga e tapos na naming mabasa ang DNP sa
Wattpad, bumili parin. Maganda rin kasi ang book cover ng libro na mala- anime manga ang dating
kaya talagang mabenta sa mga kabataan.

Kritik:

Unang- una, masaya ako sapagkat nasa wikang Tagalog ang midyum ng komunikasyon na
ginamit sa DNP! Maiintidihan ito ng lahat. Hindi ako maarte sa technicalities ng pagkakasulat ng
DNP! Hindi rin naman ako grammar nazi! Lalo na’t nasa disiplina ako ng Anthropology, kung saan
tinatalakay naman ang Linguistic Anthro. Para sa akin malaya tayo kung paano natin gagamitin ang
wika at lingwahe bilang behikulo ng komunikasyon at daluyan- tagapagpahayag ng ating saloobin
at naiisip. At ito ay aking nakita sa pagkakasulat ng DNP. Sa totoo lang kasi, napaka- malikhain ng
may akda sa kung paano niya pinadaloy ang mga narration at dayalogo ng bawat karakter.
Napapanahon! Hindi boring! At kahit sino mang kabataan, at kahit janitor at tinder ng fishball,
maaaring maintindihan ang banghay at bawat ganap sa kwento. Hindi kumplikado!
Kontemporaryong matatawag ang atake ni HaveYouSeenThisGirl sa pagkakahabi niya ng kwento.
Tunay na maraming mga grammatical errors ang libro, parang di daw na proofread ang kwento
blah blah. Sabi pa nga ng ibang komentaryong nabasa ko, “parang walang editor yung libro”, ang
opinyon ko naman, maaaring sinadyang maging orihinal ang pagkakapareho ng nasa Wattpad at ng
nasa print. Siyempre kapag tinanggal mo yung ilang elemento sa orihinal na teksto, maaaring
maging kulang o di naman kaya ay di na maging ka- epektibo ang mga punchline na nasa orihinal na
teksto. Tulad ng mga sumusunod,

“Fuwaaaa...” page 21 Book 1

“ASDFAGDHSBDDGSF!!!” page 38 Book 1 at marami pang iba.

Gayun din ang paggamit ng may akda ng mga expression na tulad ng “ajujuju”, “echos”,
“corni”, “kilig much”, “pwew”, “ayyyy” etc.

Hindi ko rin alam, kung tama ba yun o mali, wala din naman kasi ako sa larangan ng literary
o malikhaing pagsulat para husgahan ang gawa ng may-adka, pero masaya ako sa nababasa ko,
hanggat sa nabibigyan ng hustisya ang bawat karakter at hindi lumalayo sa pagigiging romantic-
comedy ang kwento ay sapat na iyon sa akin. Ano naman ngayon kung may mga maling spelling,
nakikibasa na nga lang kayo ng libre, aarte pa kayo? Nagbabago (dynamic) at arbitrary naman ang
wika kaya malaya ang may akda sa kung paano niya pagyayamanin at gagawing malikhain ang wika
sa kanyang kwento, lalong lalo na’t, sa dayalogo at palitan ng diskurso ng mga karakter talaga
nakabase ang buhay at kapalaran ng kwento sapagkat ito lamang ang nagbibigay ng malinaw na
larawan at imahinasyon sa isipan ng mga mambabasa kung paano nagaganap ang mga pangyayari
sa kwento. At masasabi kong epektibo ang atake ditto ni Denny (tunay na pangalan ng may- akda)
sapagkat sa tuwing binabasa ko ang mga kwento ay madali kong napi- picture out ang bawat
eksena sa aking isipan. Tunay na nakakaaliw ang may akda. Tunay na nakaka- aliw ang kwento. Ang
codeswitching process ng mga karakter ay nakatulong din para ma- justify ang pagiging “rich kid”
ng mga karakter na nag- aaral sa isang private school, conyo conyo kumbaga. Halimbawa,

“Really? What is he doing sa tapat ng room natin?” page 42 Book 1

“Oh gosh, you’re such an ambisyosang frog!” page 43 Book 1

“Wag ka nang magdeny ugly girl, may nakakita sa inyo.” page 55 Book 1

Makikita rin sa pagkakasulat ng kwento ang direktang paggamit ng mga salitang hiram sa
Enlish tulad na lamang “young master”, “maid”, “car”, “13 th month bonus”, “dress”, “school”, “manila
paper” at marami pang iba. Mahihinuha lamang na mas minabuti ng Denny na umangkop at patuloy
na gamitin sa continuum ng dayalogo at punto de vista ng mga karakter ang mga nakasanayang
salitang ito, kahit na yung iba naman ay may salitang tagalong para dito.

Sa totoo lang, para sa akin, tama ang atake niyang ito sapagkat mas naging makulay at
kapani- paniwala ang mga pangyayari na nagaganap ito sa isang setting na puro mayayaman ang
mga tao at pang- mayayaman din ang nasa paligid. Makikita din sa mga salita o wikang ginagamit
ng mga karakter ang kung anong uri ng lipunan ang kanilang ginagalawan at kung anong ugali at
personalidad meron ang mga tauhan sa DNP. Gayun, ang kultura umiikot sa banghay ng kwento at
damdamin ng mga bawat tauhan na mahirap ihiwalay sa kakanyahan ng wika.

Bilang konklusyon sa kwento ng Diary ng Panget, masasabi kong bilang suma total ay
maganda ang pagkakasulat nito dapatwat may kaunting teknikalidad na kailanganing pag- ibayuhin
at linangin. (Pero kahit anong sabihin ko, click pa din naman ‘to sa mga kabataang tulad ko kasi love
story to e, di na namin gaano papansin ang mga maliit na pagkakamali basta happy ending ang
kwento). Napanood ko na din ang movie adaptation ng DNP at masasabi kong halos narepaso na
ang mga minor technicalities na ito. Naging blockbuster din siguro ang pelikula dahil sa grabeng
attachment ng mga mambabasa sa mga karakter ng Diary ng Panget. Kahit ako mismo, kinilig,
natuwa, humagalpak sa tawa at higit sa lahat, nalaman ko ang malaking papel ng wika sa
ikagaganda ng isang kwento o pelikula. Kudos kay Denny at sa lahat 

Batis:

http://en.wikipedia.org/wiki/Diary_ng_Panget

http://haveyouseenthisgirlstories.com/post/66281300212/book-title-diary-ng-panget

https://www.goodreads.com/book/show/18171853-diary-ng-panget-2

You might also like