You are on page 1of 23

2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Mga Tungkulin sa Pangangalaga ng
Kapaligiran
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Mga Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Quennie H. Dela Peña
Patnugot : Ramil D. Dacanay
: Rochella C. David
: Janet P. Lingat

Tagasuri : Emily F. Sarmiento PhD


: Angelica M. Burayag PhD

Tagaguhit : Lady Diane M. Bonifacio


Tagalapat : Noel S. Reganit
Tagapamahala :
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Lourdes G. Dela Cruz PhD
Emily F. Sarmiento PhD
Ramil D. Dacanay

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Mga Tungkulin sa Pangangalaga ng
Kapaligiran
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang kapaligiran ay mahalaga dahil marami itong tulong na


naibibigay sa atin. Ngunit kung minsan ito ay napapabayaan. Kaya sa
modyul na ito iyong malalaman ang mga paraan na maaari mong
gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan


na maipakikita mo ang kakayahan na ito:

*naipaliliwanag ang mga pansariling tungkulin sa


pangangalaga ng kapaligiran.

1
Subukin
Gawain 1:
PANUTO: Piliin sa loob ng ulap ang mga gawaing nangangalaga
sa kapaligiran at isulat ang mga ito sa sagutang papel.

● sumasali sa paglilinis ng kapaligiran


● nagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan
● pumipitas ng mga bulaklak
● pinupulot ang mga kalat sa paligid
● nagtatanim ng mga puno at halaman
● umiiwas sa panghuhuli ng hayop

2
Aralin
Mga Tungkulin sa Pangangalaga
1 ng Kapaligiran

Napakasayang tignan ang isang maganda at malinis na


kapaligiran. Ang lahat ng ating nakikita sa ating paligid ay ibinigay sa
atin na dapat ingatan. Kaya upang manatili ang kagandahan at
kalinisan nito kailangan nating kumilos. Ang bawat isa sa atin ay may
tungkulin na dapat gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran.

Balikan
PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung ang
pangungusap ay nangangalaga sa likas na yaman at sa kalinisan ng
komunidad. Kung hindi naman isulat ang Mali.
1. Pagkatapos kumain ng tsokolate ni Mona itinapon nito ang balat
sa daan.
2. Laging isinasara ni Rosa ang gripo pagkatapos nitong maghugas ng
kamay.
3. Gumagamit ng lambat na may maliliit na butas si tatay sa
pangingisda.
4. Sumasali sa paglilinis ng komunidad ang mga bata.
5. Si Lino ay nagtanim ng bagong halaman.

3
Tuklasin
Basahin ang dayalogo.

Ang Balita
ni: Quennie H. Dela Peña
Isang araw sa Barangay Mabuhay, may dalawang bata na
naglalakad pauwi galing sa eskuwelahan. Nangyari ito bago
maglockdown dulot ng COVID-19.

Tonyo: O Dino, pauwi ka na ba?


Dino: Oo, Tonyo. Halika, sabay na tayo.
Tonyo: Alam mo ba, sabi ng guro namin hindi muna kami
papasok sa paaralan?
Dino: Bakit daw?
Tonyo: Ayon sa aming guro ay iniutos daw ito ng ating presidente
dahil sa kumakalat na sakit na kung tawagin ay COVID-19.

4
Dino: COVID-19? Ah, ‘yun siguro ang sinasabi ng aming guro na
isang virus na nakakahawa at nakamamatay kaya dapat
ay manatili tayo sa loob ng bahay, laging maghugas ng
kamay, kumain ng mga masustansiyang pagkain at
panatilihin ang kalinisan sa ating kapaligiran upang
makaiwas sa sakit.
Tonyo: Ganun ba? Kailangan pala nating gawin ang mga iyan. Pag-
uwi ko ay maghuhugas agad ako ng kamay at kakain ng
masustansiyang pagkain. Sisimulan ko na ring tumulong sa
paglilinis ng aming paligid at mananatili na muna sa bahay.
Dino: Alam mo rin ba Tonyo na makakatulong din tayo sa
pangangalaga ng kapaligiran sa ating gagawing paglilinis?
Tonyo: Tama ka diyan, Dino. O, sige. Malapit na ako sa bahay
namin. Ingat!
Dino: Ingat din, Tonyo!
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawang bata pauwi sa kani-
kanilang bahay.

PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang mga


sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang dalawang bata na nagkita sa daan?


2. Ano ang tinanong ni Tonyo sa bata?
3. Anong sakit ang naging dahilan upang mahinto ang pag-aaral ng
mga bata?
4. Ano-ano ang mga maaaring gawin ng mga bata upang makaiwas
sa sakit na kumakalat sa paligid?
5. Makakatulong ba sa pangangalaga ng kapaligiran ang dalawang
bata?

5
Suriin
Ang kapaligiran ay ang lahat ng nakikita ng iyong mga mata sa
labas ng iyong bahay. Kasama sa kapaligiran ang mga gusali, tao,
bagay, hayop, mga halaman at iba pa.
Bawat tao ay may tungkulin na dapat gawin upang
mapangalagaan ang ating kapaligiran. Ilan sa mga tungkulin na dapat
nating gawin ay ang mga sumusunod:

1. cccc maglinis ng kapaligiran

2. magtapon ng basura sa
tamang lalagyan

6
3. magtanim ng mga puno
at halaman

4. pagrerecycle ng mga
hindi nabubulok na
basura

5. gamitin nang wasto ang


tubig at huwag
mag-aksaya

Ang pangangalaga sa kapaligiran ay napakahalaga. Dito tayo


kumukuha ng ating mga pangangailangan upang mabuhay.

7
Pagyamanin
Gawain 1
PANUTO: Gumuhit ng bilog sa sagutang papel. Kulayan ang
bilog ng berde kung ang larawan ay nangangalaga sa kapaligiran at
pula naman kung hindi.

1. 2.

Si nanay ay nagsunog ng Tinapon ng bata ang bote


mga basura. ng kanyang inumin sa
basurahan.

3. 4.

Si Maya ay nagtanim ng Gumamit ng lambat na may


bagong puno. malalaking butas si Mang Gardo
sa pangingisda.

8
5.

Naglinis ng kapaligiran ang mga bata.

Gawain 2
PANUTO:Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa mga
sumusunod na tanong. Isulat ang letra sa sagutang papel.

a. pag-iwas sa panghuhuli ng mga hayop


b. pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan
c. paglilinis ng kapaligiran
d. pag-iwas sa pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig
e. pagpitas ng mga bulaklak
f. pagtatanim ng mga bagong puno

1. Anong paraan ang maaring gawin upang maiwasan ang


pagbaha?
2. Upang maiwasan ang pagkaubos ng mga puno sa ating
paligid. Ano ang dapat gawin?

9
3. Para maiwasan ang pagdumi ng mga yamang tubig. Ano
ang maaaring gawin?

4. Ano ang dapat gawin upang manatili ang kagandahan at


kalinisan ng paligid?

5. Paano maiiwasan ang pagkaubos ng mga hayop sa ating


kapaligiran?

Gawain 3
PANUTO: Gumuhit sa sagutang papel ng masayang mukha (☺)
kung sang-ayon ka sa pangungusap at malungkot na mukha ()
naman kung hindi.

1. Ang kapaligiran ay ang lahat ng nakikita ng iyong mata sa labas ng


iyong bahay.

2. Sa paglilinis ng kapaligiran tayo ay makakaiwas sa sakit gaya ng


Covid-19.

3. Ang pagtatanim ng mga puno at halaman ay makakatulong sa


pangangalaga ng kapaligiran.

4. Ang mga tao ay may tungkulin na dapat gawin upang


mapangalagaan ang kapaligiran.

5. Ang pagtatapon ng basura ay maaaring gawin kahit saang lugar.

10
Isaisip
PANUTO: Pumili ng sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
sagutang papel.

tao pagtatanim
paglilinis kapaligiran
paggamit tamang lalagyan

Ang mga 1. ______________ ay may mga tungkulin na dapat


gawin para mapangalagaan ang 2. ____________. Kahit sa simpleng
paraan ay makakatulong tayo sa pangangalaga ng kapaligiran. Gaya
na lang ng pagtatapon ng basura sa 3.______________, 4.
______________ ng kapaligiran, 5._____________ ng puno at
halaman at marami pang iba.

11
Isagawa
Gawain 1

PANUTO: Gumuhit ng masayang mukha (☺) kung ginawa mo


ang mga pahayag at malungkot na mukha () kung hindi mo
ginawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. nagtatapon ng basura sa kanal


2. nagtatanim ng mga halaman
3. nagwawalis sa bakuran
4. nanghuhuli ng mga hayop
5. sumasali sa paglilinis ng komunidad
Gawain 2
PANUTO: Gumawa ng poster. Ipakita dito kung ano ang inyong
mga ginagawa upang pangalagaan ang inyong kapaligiran at mga
likas na yaman.

Rubrik sa Pagguhit ng Larawan

12
Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos
Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
paksa angkop ang larawan sa angkop ang ang larawan sa
larawan sa paksa. larawan sa paksa.
paksa. paksa.

Pagkamalik- Lubos na Naging Hindi gaanong Walang


hain nagpama-las ng malikhain sa naging ipinamalas na
pagkamalik- paghahan-da malikhain sa pagkamalik-
paghahanda.
hain sa hain sa
paghahan-da paghahanda

Kabuuang
Puntos

Tayahin

Gawain 1
PANUTO: Basahin ang bawat pangyayari. Isulat ang letra ng
sagot sa sagutang papel.
_____1. Kapag ikaw ay pumutol ng puno, ano ang susunod mong
gagawin?
a. pabayaan na lang
b. iwanan ang mga ito
c. itapon ang mga natitira
d. magtanim ng panibago
_____2. Pagkatapos maglinis ng kapaligiran, saan mo dapat itapon
ang mga basura na iyong naipon?
a. itapon sa ilog
b. itapon sa kanal
c. itapon kahit saan
d. itapon sa tamang lalagyan

13
_____3. Ano ang iyong gagawin kung nakita mo ang iyong tatay na
nanghuhuli ng mga hayop?
a. tutulungan ko siya
b. hindi siya papansinin
c. wala akong gagawin
d. kakausapin at sasabihin na bawal ang kanyang
ginagawa

_____4. Sa iyong paglalakad ay may nakita kang kalat sa daan. Ano


ang gagawin mo?
a. iiwasan ang mga ito
b. pupulutin at itatapon sa basurahan
c. wala akong gagawin
d. paglalaruan ang mga ito

_____5. Ano ang iyong gagawin kung nakita mo ang


iyong kapitbahay na nagsusunog ng mga basura?
a. kakausapin at sasabihin na masama ito
b. pababayaan na lamang siya
c. magagalit ka sa kanya
d. gagayahin siya

14
Karagdagang Gawain
Gawain1
PANUTO: Humanap ng dalawang (2) larawan na nagpapakita ng
pangangalaga sa kapaligiran. Idikit ang mga larawan sa bond paper.

15
Gawain 2
PANUTO: Kopyahin sa inyong sagutang papel ang graphic
organizer na nasa ibaba. Magsulat sa loob nito ng limang (5)
tungkulin mo sa pag-aalaga sa kapaligiran.

Mga Tungkulin ko sa
Pag-aalaga ng Kapaligiran

16
17
Tayahin Isagawa
1.d 4. b Gawain 1
2.d 5. a Maaaring iba-iba ang mga
sagot ng bata.
3.d
Gawain 2
Gumuhit ng larawan
Pagyamanin Tuklasin Subukin
Gawain1 1.Tonyo at Dino 1. sumasali sa paglilinis ng
1.pula 3.berde 2. kung pauwi na ba ang kapaligiran
2.berde 4.berde bata 2. nagtatapon ng mga
3.berde
3.Covid-19 basura sa tamang lalagyan
Gawain 2
1.b 4. c 4. manatili sa loob ng bahay,
3. pinupulot ang mga kalat
2.f 5.a laging maghugas sa paligid
3.d ng kamay, kumain ng mga
Gawain 3 masustansiyang 4. nagtatanim ng mga puno
at halaman.
pagkain at panatilihin ang
1. 4. kalinisan sa kapaligiran 5. umiiwas sa panghuhuli ng
2. 5. 5. Oo hayop
Balikan
3. 1.Mali 4.Tama
Isaisip 2.Tama 5.Tama
1.tao 3.Mali
2.kapaligiran
3.tamang lalagyan
4.paglilinis
5.pagtatanim
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Antonio, Yogi. Rubrik Sa Pagguhit Ng Larawan.”
Scribd.Scribd, June 25, 2019.https://www.scribd.com/
document/414479856/Rubrik-Sa-Pagguhit-Ng-
Larawan.

“Anu Ang Kahulugan Ng Kapaligiran”. 2017.Brainly. Ph.


https://brainly.ph/question/16272.

“Magbigay Ng 5 Pangangalaga Ng Kapaligiran at


Lagyan Ng ...”.2019. Brainly.Ph.
https://brainly.ph/question/5219
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like