You are on page 1of 9

Ang Pagsasaling Teknikal R.

Sison-Buban 119 Bersiyong SALIN 1


       Sad to say, hindi tayo superior sa ibang living creatures, like the plants and the
animals. In fact, loser tayo because inferior nga tayo sa kanilang swiftness, strength, at
sa iba pang riches, pero dahil meron nang na-implant sa ating minds na power to
persuade at gawing clear to everybody ang kahit anong trip natin, hindi lamang tayo
naka-sweet escape sa life ng kontrabidang wild beast, nag-join forces din tayo, nag-
build ng cities, kinarir ang paggawa ng laws, at nag-invent ng sangkatutak na arts, at
generally speaking, walang institution ng people ang nabuo without the helping hands of
the power of speech. Dahil ito ang nag-initiate ng ever reliable laws about sa mga thingy
na just at unjust, at sa iba pang mga thingy na in fairness honourable at base; at kung
hindi dahil sa mga ordinance na ito ay never tayong mabubuhay with one another.
Again, dahil dito naco-confute natin ang wrong doings at naeextol ang righteousness.
Sa pamamagitan ulit nito, ine-educate natin ang mga ignorant at ina-appraise ang mga
wais na people, dahil ang unlimited power to speak ng very good ay naging surest index
of sound understanding at discourse na true at legally accepted, at ito ay ang outward
image ng isang kinda nice at slightly faithful na soul. Because of this faculty ever,
pareho tayong nasa fight mode against sa iba about sa matters na open ang doors sa
dispute at naghahanap ng enlightenment para sa atin about na naman sa mga thingy
na unknown, para sa some na arguments na usable sa pag-persuade ng others kapag
may speech all of us in public, usage din natin kapag dinedeliberate natin ang ating
never-ending thoughts, at kung eloquent ever ang calling natin sa mga may “k”
magsalita sa harap ng madlang people sage naman ang calling natin sa mga nagde-
debate skillfully sa kanilang minds ng kanilang mga burden at confusion... ang mga ito
na need ang intelligence ay hindi mari-reach kung not available ang helping hand ng
speech... sa lahat ng ating actions pati na rin sa ating thoughtful thoughts, speech
forever ang ating guide, at ginagamit ang mga wais na hindi na natin ma-reach.
FILDLAR A55 Eje, Karen Haw, Leni Mardo, Princess Yu, Jennifer Narito naman ang
awtput ng isa pang grupo ng mga mag-aaral na nagsalin din ng katulad na materyal.
120 Malay Tomo XXVI Blg. 2 Pansinin na nagbago ang tono ng materyal— mula sa
pagiging akademiko ng orihinal na bersiyon, naging kolokyal na halos may pagkabalbal
ang naging tono ng dalawang bersiyon. Di maikakaila na dahil nabago ang varayti ng
lengguwahengng ginamit, nagbago rin ang antas ng lengguwaheng na kalimitang
nagbubunga ng pagbabago ng tono ng anumang sitwasyong pangkomunikasyon.
Gayunpaman, bagama’t nagbago ang tono ng materyal, hindi pa rin naman nagbago
ang impormasyon sa teksto. Samakatwid, kahit pa totoong nanatili ang ideya at
nilalaman ng artikulo ng dalawang bersiyon, tiyak na ipagpapalagay pa rin ng marami
na isa Bersiyong SALIN 2 Wala na talaga tayong respeto sa ibang mga walang
kwentang epaloids sa mundo, shyet. Tayo’y under sa pagiging macho at magaling at sa
iba pang mga kalokohan. Pero dahil naisiksik sa ating mga kukote na yayain ang mga
iba pang epal diyan, at linawin sa isa’t isa ang tunay nating hangarin dito, yown! Ang
lalim! Dahil dito ‘di lang tayo nakakatakas sa pagiging bogaloids pero nakagawa din ng
mga bilding at mga lecheng batas at mga kaartehan. Pero kung pagaganahin mo nga
naman talaga ang utak mo, wala naman talagang mga institusyong dehins nakatulong
ang kapangyarihan ng salita. Dahil dito mga ‘tol merong mga nangyayari na
makatarungan at yung mga sakit lang sa ulot, pati na mga bagay na hanep at astig!; at
kung hindi dahil sa mga ito dehins nating makakayanang makasurbayb sa mundong
ibabaw, dito rin matatanggal ang mga ulol at madadagdagan pa ang mga anghel sa
mundo. Dahil din dito, matuturuan natin ang mga bogaloids, ang mga tanga na rin,
maging ang mga wais katulad ni Lumen ba. Dahil ang makapagsalitang mabuti mga
brader ay makakatulong para magets ka ng mga epal; Para na rin makayari tayo ng
mga ka-anghelan na mga bagay-bagay; at yan naman talaga ang tunay na mabuti,
yown. Sa pamamagitan nito, puwede tayong makipagbarahan sa mga bagay na kaloka
at kagulo at hanapin ang liwanag at sagot sa ating mga ka-bogaloid-an, dahil ang mga
pinagsasabi natin upang hibangin ang mga ulol na tao sa ating pagsasalita,, tayo ay
napapaisip ay nagninilay-nilay, at habang hinihikayat mo ang mga tao sa mga sinasabi
mo, tinatawag na agad na henyo ang taong kayang-kayang makipagbarahan sa mga
sakit ng ulo nila. Dehins sa mga ito ang nagagawa ng gumagamit ng kukote na hindi
gumagamit ng pananalita sa ating mga damuvs, pati na rin sa ating mga iniisip,
pagsasalita ng talaga ang tunay na ginagamit ng mga totoong may utak. Acodisen,
Jeffrey Jiggs Baron, Maria Carmina Cruz, Nadine Perez, Charles Ryan Neil itong
“kabalbalan” o kaya’y isang “kabastusan” sa pilosopong si Isocrates kung kaya’t
masasabing hindi katanggap-tanggap ang alinman sa dalawang bersiyon ng salin.
Maaaring sabihing interesting ang rendisyon ng salin dahil ito ay kakaiba, subalit,
mahalagang ikonsider ang layo o lapit nito sa intensiyon ng teksto. Mananatili pa rin ang
tanong: “sapat nga bang maisalin lamang ang impormasyon o ang nilalaman ng isang
teksto?” I-Google Translate mo na lang! Sa totoo lamang, madalas ipagpalagay na Ang
Pagsasaling Teknikal R. Sison-Buban 121 ang pagsasaling teknikal ay isang gawaing
sadyang nakapokus lamang sa impormasyon, terminolohiya, at estruktura ng mga
pangungusap. Nakalulungkot isipin na hanggang sa kasalukuyang pagdagsa ng mga
komersiyalisadong proyektong pagsasalin sa lokal at pandaigdigang merkado,
nananatiling makitid pa rin ang pananaw ng nakararami tungkol sa pagsasaling teknikal.
Manapa, iniisip ng marami na madali lamang magsalin ng mga tekstong teknikal.
Basta’t may diksyonaryong bilingguwal o espesyalisadong diksiyonaryo, marunong sa
mga wikang kasangkot, may kaalaman sa mga MT software gaya ng Google Translate
o SDL Trados o Systran, may sapat na oras at kilo-kilong lakas ng loob, maaari nang
sumabak sa bidding at magsalin. Hindi requirement ang degree sa pagsasalin. Hindi rin
kailangang may mahabang track record ka sa pagsasalin. At hindi rin kailangang
miyembro ka ng isang samahan sa pagsasalin. Kalimitan, ang kailangan lamang ay
mag-member ng website/agency sa pagsasalin, mag-submit ng CV o curriculum vitae,
magbukas ng dollar account, o kaya sa Paypal, at puwede ka nang makipagsabayan sa
pagsasalin. Patunay rito ang napakaraming online translation jobs websites gaya
ng: www.translatorsbase.com , www.odesk.
com , www.freelancer.ph, www.elance.com, www. proz.com, www.translatorscafe.com,
at marami pang iba. Ang malala pa, may mga pangyayaring kapag napansing
marunong magsalita ng wikang Filipino ang isang indibidwal, binibigyan na kaagad ng
proyekto para sa pagsasalin. Basta nagpi-Filipino, puwede nang magsalin. Bunsod ito
ng nakagawiang paniniwala na madali lamang ang anumang gawaing pagsasalin. Na
ang pagsasalin ay simpleng pagtutumbas lamang ng mga salita mula sa simulaang
lengguwaheng patungo sa anumang tunguhang lengguwaheng. Bakit nga naman hindi?
Magpahanggang ngayon, wala naman kasing anumang licensing agency sa bansa na
nangangagasiwa para sa propesyonalisasyon ng pagsasalin at wala ring anumang
mekanismo sa kasalukuyan na maaaring magsilbing tagapagbantay o tagapangalaga
ng kapakanan ng mga nagnanais na magtangka at sumabak sa gawaing pagsasalin.
Dagsa ang komersiyo subalit walang nagpapatrol. Libre nga naman kasi ang pagsasalin
lalo na kapag Google translate ang gagamitin. Bunga nito, kung hindi lumalaganap ang
“maling salin,” nawawalan naman ng gana ang mahuhusay sa pagsasaling teknikal
dahil naririyan ding sila ay abusuhin, baratin, at hindi bayaran ng mga nagpapasalin.
Narito rin ang kalimitang tanong na kinakaharap ng mga nagsasalin at nagpapasalin:
Paano ang presyuhan sa salin? Batay ba sa bilang ng pahina? Bigat ng paksa ng
materyal na isasalin? Batay ba sa bilang ng salita? sa timeframe ng sabmisyon? profayl
ng magsasalin? Badyet ng nagpapasalin? Digri ng pamilyaridad ng nagsasalin sa
nagpapasalin? Ilan lamang ang mga katanungang ito na kaugnay sa praktika ng salin
na hindi pa rin natutugunan magpahanggang ngayon. Ito ang ugat kung bakit kahit pa
sintanda ng sibilisasyon ang pagsasalin, hindi pa rin ito napo-professionalize kahit man
lamang sa bansa. Dahil kadalasan ding itinuturing ang pagsasaling teknikal bilang isang
mekanikal na gawain, marami talaga ang umaasa na lamang sa mga translation
softwares na nabanggit kanina. Para sa marami, kayang-kaya ng MT na makapagsalin
sa Filipino ng mga tekstong teknikal. Sa totoo lamang po, sa halos sampung taon ng
pakikipag-ugnayan ko bilang isa sa konsultant at kabahagi ng mga riserts kaugnay ng
MT Development ng CCS-NLP Dept ng DLSU, halos duguin na ako sa pagsasalin,
pagwawasto ng mga salin, paghahagilap ng mga materyal na isasalin, pag-unawa sa
mga suliranin ng mga dinedebelop na softwares sa pagsasalin, at marami pang
nakababaliw na pakikipagsapalaran makatulong lamang sa pag-unlad ng MT sa
Pilipinas, baha-bahagya pa lang din ang nagiging pag-evolve nito. Mula sa Tagging ng
mga teksto hanggang sa pagbabantay ng QA (Quality Assessment) ng salin ng mahigit
500, 000 salita upang magsilbing korpus ng software na aayon sa itinakdang
pamantayan ng National University of Singapore na katuwang ng Pamantasan para sa
pagsasagawa ng proyekto, at hanggang sa mahikayat ang dalawang departamento –
ang 122 Malay Tomo XXVI Blg. 2 Filipino at Natural Language Processing na maging
totoong “partners” o magkatuwang sa adhikaing ito, maituturing kong totoong mabagal
ang pagsulong ng MT. Oo, pero patuloy ito at masigasig na nakikilahok ang mga
naturang technical experts at language experts. Totoong hanggang sa kasalukuyan ay
wala pa tayong maituturing na matino at marangal na MT sa Filipino kung kaya’t
marami ang nagsusulong lalo na mula sa larang ng MT o Machine Translation na
makalinang ng mga naturang kagamitan sa pagsasalin na inaasahang makatutulong
nang malaki sa lalong pagpapaunlad ng negosyo ng pagsasalin – teknikal man o
pampanitikan. Bakit ko ibinabahagi sa inyo ang karanasan kong ito? Simple. Sapagkat,
kagaya ng nabanggit na, kailangang matutuhan nating lumihis sa tradisyonal o
kombensiyonal na pananaw na ang pagsasaling teknikal ay kinakailangan ding
nakabatay sa mga tekstong teknikal na isinulat ng mga isteryotipo ng mga ekspertong
teknikal. Tanggapin man natin kasi o hindi, malay man tayo o hindi, nakaapekto sa
“magiging paraan ng pagsasalin natin ng tekstong teknikal” ang ganitong isteryotipong
pagtanaw. Mga uri ng tekstong teknikal Sa katunayan, hindi lamang nakapaloob sa
iisang uri lamang ng genre ang mga tekstong teknikal; kung tutuusin, dahil iba’t iba ang
genre na ginagamitan ng mga wikang teknikal, hindi maikakaila na iba’t iba rin ang mga
uri ng tekstong teknikal. Ayon pa nga kay Zethsen (2001), “Kinakailangang maging
malay ang isang tagasalin sa realidad na kung tutuusin, wala naman talagang
maituturing na tekstong teknikal dahil hindi naman ito isang genre; sa halip, ang
mayroon lamang ay iba’t ibang uri ng mga tekstong gumagamit ng teknikal na
lengguwaheng, at mga tekstong nag-uugat sa iba’t ibang disiplina.” Narito ang ilang
kalimitang halimbawa ng mga alam na nating tekstong teknikal: (1) mga teksbuk, (2)
gabay at/o manwal, (3) encyclopedia, (4) mga artikulong syentipiko at akademiko, (5)
mga patakaran o pamamaraan, (6) at iba pa. Narito naman ang iba’t iba pang uri ng
mga materyal na maituturing ding may katangiang teknikal: (1) mga dokumentong legal,
(2) technical reports, (3) brochures, (4) mga liham, (5) mga katitikan ng pulong, (6) mga
taunang ulat/ annual reports, (7) manuskrito ng mga talumpati at panayam, (8) survey
forms, at iba pa. Pansinin na higit na malawak ang saklaw ng mga tekstong nabanggit
sa ikalawang batch ng mga uri ng materyal na kalimitang isinasalin. Marapat din
sigurong sabihing mayroon din itong posibilidad na magkaroon ng katangiang
interdisiplinari at multidisiplinari. Nangangahulugan kung gayon na hindi na lamang
kung gaano katumpak ang naging salin ng mga termino, o kung gaano kawasto ang
mga mensahe at impormasyong isinalin, o kung napanatili ba ang estilo ng orihinal na
teksto sa salin ang dapat maging konsiderasyon sa pagsasalin. Bagama’t kadalasang
tinutukoy ang mga tekstong teknikal batay sa mga espesyalisadong termino o “register”
na taglay nito, at sa katangian ng estrukturang gramatikal ng materyal gaya ng: (1)
laging nasa ikatlong panauhan, (2) mahahaba at komplikado ang mga pangungusap,
(3) mahihirap ang mga salitang ginagamit at/o malalim ang mga konseptong
tinatalakay, at (4) kalimitang gumagamit ng mga di-karaniwang anyo ng pangungusap,
hindi maikakaila na higit pa sa mga nabanggit ang katangian ng inaasahang
produksiyon ng mga tekstong teknikal. Pansinin ang halimbawa ng isang abstrak ng
isang artikulong isinabmit para sa publikasyong MALAY ng DLSU: Ang Pagsasaling
Teknikal R. Sison-Buban 123 Ang Paggamit ng Trigram Ranking bilang Metrong
Pansukat sa Similaridad ng mga Wika / Using Trigram Ranking as Metric for Language
Similarity Nathaniel Oco, Raquel Sison-Buban, Leif Romeritch Syliongka, Rachel Edita
Roxas, Joel Ilao Mga Halimbawang salin: Simulaang Lengguwaheng Bersiyong MT
(Google Translate) Bersiyong Salin ng Praktisyoner Abstract in English. Cognates are
words with the same etymological origin. These are used by experts to analyze and
measure language similarity. In phylogenetics analysis, cognates and other attributes
e.g. (presence of verb aspect or reduplication) are listed and languages with similar
attributes are grouped together. In cases where there are no available cognates, this
approach cannot be applied. Trigram ranking, a process of measuring language
similarity without relying on cognates, is presented. It involves (1) collecting huge
amounts of texts as training data, (2) generating trigram profiles from the training data,
(3) and computing for language similarity using trigrams. A trigram is a 3-character
sequence of a word. As an example, the list of trigrams that can be generated from the
word “test” are the following: tes, est. Based on the results, languages with high trigram
ranking values are closely-related. This matches what is reported in the literature.
Trigram ranking can be used to measure which Philippine languages are closely-
related. Abstract sa Ingles . Cognates mga salita na may parehong etymological origin .
Ang mga ito ay ginagamit ng mga eksperto upang masuri at masukat ang wika
pagkakapareho . Sa phylogenetics -aaral, cognates at iba pang mga katangian
halimbawa ( presensya pandiwa aspeto o paguulit ) ay nakalista at wika na may katulad
na mga katangian ay naka-grupo sama-sama . Sa mga kaso kung saan walang mga
magagamit cognates , diskarte na ito ay hindi mailalapat . Trigram ranggo, isang
proseso ng pagsukat ng wika pagkakatulad nang walang pag-asa sa cognates , ay
iniharap . Ito ay nagsasangkot ng (1) pagkolekta ng malaking halaga ng mga teksto ng
mga data pagsasanay , (2) pagbuo ng trigram mga profile mula sa data ng
pagsasanay , (3) at computing para sa mga wika gamit ang pagkakatulad trigrams .
Trigram ay isang 3 -character na pagkakasunod-sunod ng isang salita . Bilang
halimbawa , ang listahan ng mga trigrams na maaaring nabuo mula sa “test” salita ay
ang mga sumusunod: tes , est. Batay sa mga resulta, mga wika na may mataas na mga
halaga ng trigram pagraranggo ay malapit na - nauugnay . Ito ay tumutugma sa kung
ano ang naiulat sa sa panitikan . Trigram pagraranggo ay maaaring magamit upang
masukat kung aling mga wika Philippine malapit na - kaugnayan . Abstrak sa Filipino.
Ang cognate ay tumutukoy sa mga salitang may iisang pinagmulan. Karaniwang
ginagamit ito ng mga experto upang suriin ang similaridad ng mga wika. Sa prosesong
phylogenetics analysis, linilista ang mga cognate at iba pang atribyut (hal. kung may
verb aspect o reduplication ang wika) sabay ginugrupo ang mga wika na may
pagkakahalintulad. Sa mga wika na walang nailathalang sanggunian o listahan ng mga
cognate, hindi maaaring gamitin ang prosesong ito. Minumungkahi sa riserts na ito ang
paggamit ng trigram ranking, isang proseso na hindi umaasa sa mga cognate, bilang
metrong pansukat sa similaridad ng wika. Sa prosesong ito, (1) kumokolekta ng mga
dokumentong gagamitin bilang training data; (2) gumagawa ng trigram profayl gamit
ang training data; at (3) kinokompyut ang similaridad gamit ang ranggo ng mga trigram.
Ang trigram ay tatlong magkakasunod na letra na bahagi ng isang salita. Bilang
halimbawa, ang mga trigram na mabubuo sa salitang “tatlo” ay ang mga sumusunod:
tat, atl, at tlo. Base sa resulta, ang mga wika na may mataas na trigram ranking ay
magkakalapit na wika. Pinatutunayan na rin ito ng mga nasusulat sa mga sanggunian.
Maaaring gamitin ang metrong ito upang sukatin ang pagkakalapitlapit ng mga wika sa
Pilipinas . 124 Malay Tomo XXVI Blg. 2 Sa mga bersiyong inilahad, tiyak na mas pipiliin
ang bersiyong salin para sa publikasyon. Ano ang mga naging pangunahing
konsiderasyon sa isinagawang pagsasalin? 1. Pragmatiks ng salin Pansinin na ang
estilo ng salin sa pampublikasyong bersiyon ay umaayon sa kahingian ng estruktura ng
pangungusap na nasa karaniwang ayos sa Filipino. Hangga’t maaari, iniwasan ang
paggamit ng panandang pangkayarian na “ay” upang maging maikli, natural at madulas
ang salin. Samakatwid, lihis ang estruktura ng mga pangungusap sa bersiyong ito sa
estruktura ng wikang Ingles. Sa ibang salita, mas ginagamit ang estilo ng
lengguwaheng ng wika ng target na mambabasa kaysa sa estilo ng lengguwaheng ng
may-akda . 2. Konteksto ng salin Ang saliksik-papel na isinumite ay bunga ng pag-aaral
na kolaboratibo ng mga lumahok sa paglikom at paglilinis ng datos na ginamit para
masubok ang trigram ranking. Kinailangang matiyak at masunod ang mga kahingian sa
anumang pananaliksik gaya ng rekisitos sa pagbubuo ng Bersiyong Salin ng
Praktisyuner Bersiyong Salin para sa Publikasyon Ang cognate ay tumutukoy sa mga
salitang may iisang pinagmulan. Karaniwang ginagamit ito ng mga experto upang suriin
ang similaridad ng mga wika. Sa prosesong phylogenetics analysis, linilista ang mga
cognate at iba pang atribyut (hal. kung may verb aspect o reduplication ang wika) sabay
ginugrupo ang mga wika na may pagkakahalintulad. Sa mga wika na walang
nailathalang sanggunian o listahan ng mga cognate, hindi maaaring gamitin ang
prosesong ito. Minumungkahi sa riserts na ito ang paggamit ng trigram ranking, isang
proseso na hindi umaasa sa mga cognate, bilang metrong pansukat sa similaridad ng
wika. Sa prosesong ito, (1) kumokolekta ng mga dokumentong gagamitin bilang training
data; (2) gumagawa ng trigram profayl gamit ang training data; at (3) kinokompyut ang
similaridad gamit ang ranggo ng mga trigram. Ang trigram ay tatlong magkakasunod na
letra na bahagi ng isang salita. Bilang halimbawa, ang mga trigram na mabubuo sa
salitang “tatlo” ay ang mga sumusunod: tat, atl, at tlo. Base sa resulta, ang mga wika na
may mataas na trigram ranking ay magkakalapit na wika. Pinatutunayan na rin ito ng
mga nasusulat sa mga sanggunian. Maaaring gamitin ang metrong ito upang sukatin
ang pagkakalapit-lapit ng mga wika sa Pilipinas . Tumutukoy ang cognate sa mga
salitang may iisang pinagmulan. Karaniwang ginagamit ito ng mga eksperto upang
suriin ang similaridad o pagkakatulad ng mga salita. Sa prosesong phylogenetics
analysis, inililista ang mga cognate at iba pang atribyut (halimbawa kung may verb
aspect o reduplication ang wika) kaalinsabay ng pagpapangkat sa mga wikang may
pagkakatulad. Sa mga wikang walang nakatala o listahan ng mga cognate, hindi
maaaring gamitin ang prosesong ito. Iminumungkahi sa riserts na ito ang paggamit ng
trigram ranking, isang proseso na hindi umaasa sa mga cognate, bilang batayan ng
pagtukoy sa mga similaridad ng wika. Sa prosesong ito, (1) kinokolekta ang mga
dokumentong gagamitin bilang training data; (2) ginagawan ng trigram profayl gamit
ang training data; at (3) kinokompyut ang similaridad gamit ang ranggo ng mga trigram.
Ang trigram ay tatlong magkakasunod na letra na bahagi ng isang salita. Bilang
halimbawa, ang mga trigram na mabubuo sa salitang “tatlo” ay ang mga sumusunod:
tat, atl, at tlo. Batay sa resulta, ang mga wika na may mataas na trigram ranking ay
magkakalapit na wika. Pinatutunayan na rin ito ng mga nasusulat sa mga sanggunian.
Maaaring gamitin ang prosesong ito upang tukuyin ang pagkakalapit-lapit ng mga wika
sa Pilipinas . Ang Pagsasaling Teknikal R. Sison-Buban 125 Abstrak ng pag-aaral na
may limitasyon sa bilang ng mga salita at pagbabalangkas ng mga bunga ng pag-aaral.
Dapat ding ikonsider ang mga teknikal na salita o rehistrong panlarangan sapagkat
dapat ding isaisip na ang mismong pag-aaral ay may pinanggagalingang disiplina at
may itinakdang pamantayan ang publikasyong piniling mamahagi ng bunga ng
pananaliksik. 3. Intensiyon ng orihinal na awtor/salin Layunin ng grupo ng nagsagawa
ng pananaliksik at nagsulat ng artikulo na mailathala at nang sa gayon ay mapalaganap
ang iba’t ibang pananaliksik na isinagawa ugnay sa MT software development para sa
wikang Filipino. Ang Malay ang kaisa-isang journal sa Filipino ng DLSUMaynila.
Binibigyang konsiderasyon din ang isyu na ang mga pananaliksik ugnay sa wikang
Filipino ay kinakailangang ma-disseminate at maipaabot sa kaalaman hindi lamang ng
mga technical expert/s na maka-Ingles, kundi higit sa lahat, nararapat na maging ang
mga guro at praktisyoner ng wikang Filipino ay maabot ng naturang kabatiran o apdeyt
pangkaalaman. Ang usapin ng adbokasiyang pang-akademiko vs adbokasiya ng
popularisasyon ay mataman pang sinisipat at hinihingan ng payo mula sa iba’t ibang
larang. 4. Target na mambabasa ng salin Inaasahang ang mga magbabasa ng salin
( kung sakali man at ilathala ng publikasyong Malay) ay sinumang marunong magbasa
sa wikang Filipino, mga guro at praktisyoner ng wikang Filipino na maaaring nasa
Pilipinas at/o ibang bansa. Kung gayon, makatwiran lamang na mas bigyang-
konsiderasyon ang estilo ng pagwiwika ng mga inaasahang target na mambabasa
bagama’t hindi maikakailang sa wikang Ingkes kadalasang nakaangkla ang disiplina ng
teknolohiya. Ayon nga kay Wills (1969:95), “the notion of translation competence, is
aptly assessed in transfer situations that require at least some degree of adaptation to
new and challenging textual demands.” Dagdag pa niya, kailangan ng tagasalin na
matutong ikonsider ang mga tinatawag na “accomodatory situations,” na maaaring
mangailangan ng tinatawag na “structural adjustments.” at kung kadalasa’y “textual
manipulations.” Ibig lamang ipakahulugan ni Wils na hindi kailangang de-kahon ang
pagsasalin. Malaya ang kamay ng tagasalin kung paano niya matitiyak ang
kapakinabangang dulot ng materyal na isinasalin niya. Tungkol sa Ebalwasyon ng Salin
Ayon kay Burton Raffel: “Walang perpektong salin.” Lahat ng salin ay pawang mga
aproksimasyon lamang. Dahil walang perpektong estandard na maaaring gamiting
batayan para sa ebalwasyon ng salin, wala ring halaga kung gayon ang pakikipagtalo
kung tama ba o mali ang naging salin dahil ang bawat pagturing sa anumang produkto
ng salin ay laging kabuhol ng kultura ng orihinal na teksto na kailangang i-negotiate sa
kultura ng salin. Kung gayon, ano ang dapat na maging batayan sa pagtukoy ng
kaangkupan, o kawastuan, at kabuluhan ng isang salin? Simple. Kung ang isasalin ay
isang panalangin, marapat lamang na ito’y maging isang panalangin. Kung ang isasalin
ay isang artikulong pangmeditasyon, kinakailangang ang artikulo ay makatulong sa
pagsasagawa ng meditasyon ng babasa. Kung ang isasalin naman ay isang dula,
kinakailangang ang salin ay maitanghal bilang isang dula. at kung ang isasalin ay isang
tekstong teknikal, kailangan itong makatugon sa “utilitarian function” o halagang
pangkapakinabangan nito. Sa ganitong pagtanaw, inaasahang maiiwasan natin ang
paghahanap ng “mali” sa salin o ang tinatawag na “gotcha criticism” kung tatanggapin
natin ang realidad na sa totoo lamang, wala naman talagang perpektong akda.
Tandaan natin na ang isang tagasalin, bago magsalin ay isa munang mambabasa. Ang
produksiyon ng salin sa kabilang banda ay laging nasa kontrol ng kokunsumo nito o
kung sa lengguwaheng ng pagsasalin, ang mga target na mambabasa. Aalalahanin
nating muli ang mga katanungang nakaugat sa teorya ng motibo ng 126 Malay Tomo
XXVI Blg. 2 kapakinabangan. May magbabasa ba ng salin? Ano ang preferens ng
mambabasa? Kung tutugma ang preferens ng mambabasa sa matayog na layunin ng
tagasalin, at kung susuportahan siya ng maglalathala ng salin, masasabi nating
tagumpay ang gawaing pagsasalin. Subalit ang realidad, hindi palaging ganito.
Kailangang bigyan ng konsiderasyon ang bilang ng pahina, ang panahon ng
paglalathala, at ang madalas, ang target na mamimili. Sa maikling salita: “May bibili ba
ng libro? May kikitain ba ang publisher?” KONGKLUSYON Sa mga iniharap na talakay
at mga halimbawa, nabuo ang sumusunod na mga paniniwala: (1) Hindi lamang
pagsasalin ng nilalaman at impormasyon ang inaasahan sa anumang pagsasaling
teknikal; mahalaga rin ang kakawing nitong tungkuling pangkomunikasyon na may
pagsasaalang-alang sa konteksto at intensiyon ng salin, nagpapasalin, at target na
mambabasa ng salin sapagkat ang mga salik na ito ang magbibigay-pahiwatig sa
magsasalin kung ano ang lengguwahengng kanyang gagamitin sa kanyang salin; (2)
Hindi lamang suliranin sa pagtutumbas sa mga terminolohiya at kaaalaman sa mga
wikang kasangkot sa pagsasalin ang maituturing na suliranin sa pagsasalin; mahalaga
ring mabigyan ng karampatang atensiyon at pagpapahalaga ang mga usapin ng
kawastuang pansemantika, kabisaan ng estilo ng mga pangungusap, at pagpapahayag
na gagamitin sa salin, kahalagahan ng teksto bilang materyal na isinasalin, at mga
kaakibat na daynamiks ng mga sitwasyong pangkomunikasyon nito; (3) Walang iisa o
tiyak na estilo ng pagsasalin o lengguwaheng ng pagsasalin ang
makapagbibigaygarantiya sa pagsasaling teknikal; sapagkat ang isang materyal ay
maaaring mabago, madagdagan, batay sa kahingian ng pag-aangkop sa sitwasyong
pangkomunikasyon ng mga target na mambabasa; ang pagsasaling teknikal ay hindi
usapin ng tekstong teknikal; kundi, usapin ito ng paggamit ng lengguwahengng teknikal;
(4) Tulad ng pagsasaling pampanitikan, maituturing ding isang malikhaing gawain ang
pagsasaling teknikal. Mahalaga ang kakayahang pangwika, subalit mahalaga rin ang
kahusayan o kompetensi ng isang tagasalin sa paghanap ng iba’t ibang
pamamamaraan ng pagpapaliwanag sa kahulugan, pagtitiyak ng layunin sa
pagpapakahulugan, pagtutumbas sa mga terminolohiya, at pahayag na kultural; at higit
sa lahat, (5) Kinakailangan, higit kailanpaman, ngayon ang panahon upang magkaroon
ng isang ahensiya o isang sangay ng gobyerno na maaaring tumayo bilang
tagapagbantay, tagapagtaguyod, tagapagingat, at tagapangasiwa sa mga usapin na
may kinalaman sa programa at gawaing pagsasalin at ng mga nagsasalin. Totoong
mabigat ang kahingiang ito sa usapin ng pagsasalin, subalit, isaalang-alang na ang
papel ng wikang Filipino sa pagtataguyod ng intelektuwalisayong pangwika ay hindi
matatawaran kung titingnan natin ito sa konteksto ng globalisasyon. S

You might also like