You are on page 1of 26

Mga Negatibong Epekto ng Online Homeschooling o Online Learning sa

Junior High School na mga Estudyante ng SPM ACADEMY INC.

Isang Sulating Pananaliksik na Ihaharap sa

SPM Academy Incorporated

Bilang Bahagi sa Pagtupad sa Pangangailangan

Ng Kursong Pagbabasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Charles Dhane B. Rom

Lean Faith C. Degamo

Kent Bryan A. Colina

Jeff E. Lepon

Glee Shah Anne Amar

Guro Sa Pananaliksik

March 2021
Pasasalamat

Taos-pusong pasasalamat ang nais naming ipahatid sa mga sumusunod na indibidwal na


naging bahagi ng aming pag-aaral sa walang humpay na suporta, tulong, at kontribusyon upang
maisagawa at maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Sa mga kapwa namin kamag-aral na nagbigay tulong, impormasyon, at suporta upang


matapos ang aming pananaliksik. Tunay na nakahanap kami ng ikalawang pamilya sa kalagitnaan
ng aming pananaliksik.

Ang aming minamahal na guro at tagapayo sa asignaturang Filipino, ipanapaabot namin


ang taos-pusong pagpapasalamat sa inyong walang sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay, at
pag-unawa sa aming mga kamalian habang isinasagawa namin ang aming pananaliksik. Marami
ring salamat sa pagbabahagi ng inyong kaalaman ukol sa asignaturang ito na tiyak na magagamit
pa namin sa susunod naming pag-aaral.

Sa aming mga magulang na nag-intindi at nagbigay unawa sa amin sa panahon ng aming


pag-aaral. Sa pagbibigay inspirasyon sa aming magpatuloy na ipagpabuti ang aming pag-aaral at
pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta sa amin sa kasagsagan ng aming pananaliksik.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon upang


maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Sa pagdinig sa aming mga panalangin lalong
lalo na sa panahong napapagod at nawawalan kami ng pag-asa na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat!


Dedikasyon

Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal naming inihandog, unang una sa mahal na

panginoon na siya ang nagbigay nang lakas at walang sawang paggabay sa mga taong nasa paligi

lalong lalo na ang mga taong kabilang sa pananaliksik na ito.

Buong puso rin ang aming paghahandog ng lahat ng ito sa aming mga magulang na walang

sawang sumuporta sa amin pang-pinansyal na pangangailangan. Sa malawakang pag-unawa sa

amin tuwing kami'y minsan nahuhuli sa pag uwi. Masasabing kayo ang dahilan sa aming mga

pagsisikap.

Gusto rin naming ilaan ang aming gawain sa aming minamahal na guro at tagapayo sa

asignaturang Pilipino si Ms. Glee Shah Ann Amar, ang, at sa aming mga kaibigan at kaklase na

sumuporta sa amin sa buong proseso, lagi naming pasasalamatan ang lahat ng bagay na ginawa

nila sa amin. Gusto rin nating ilaan ang gawaing ito sa ating sarili sa pagiging napakasipag at hindi

kailanman iniisip na sumuko.


Talaan Ng Nilalaman

Pamagat I.

Pagkilala/Pasasalamat II.

Dedikasyon III.

Talaan ng Nilalaman IV.

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

A. Panimula/Introdukiyon 1-3

B. Paglalahad ng Suliranin 4

C. Layunin 4

D. Kahalagahan ng Pag-aaral 5

E. Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Terminolohiya 6

KABANATA II

METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pananaliksik 7

B. Instrumento ng Pananaliksik 7

C. Mga Respondente/ Kalahok 7

D. Paraan ng Pagkuha ng Datos/ Daloy ng Pananaliksik 8


KABANATA III

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS 9-11

KABANATA IV.

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM 12

KONKLUSYON 13

REKOMENDASYON 14

TALASANGGUNIAN 15

APENDIKS

Liham Ng Pahintulot 16

Halimbawa ng Sarbey/ Kwestyoneyr 17

PAGKAKAKILANLAN NG MGA MANANALIKSIK 18-21


Kabanata I

Ang Suliranin at Salingan ng Pag-aaral

A. Introduksyon

Sa mga nakalipas na taon, malaki ang naging parte ng makabagong teknolohiya sa

pamumuhay ng bawat indibidwal, sa labas at loob man ng Pilipinas. Nang mag simula ang

pandemya ay maraming nag bago sa pamumuhay ng bawat indibidwal. Sa tinatawag na “New

Normal” ay nagkaroon ng mga panibagong sistema ng pamumuhay ang mga tao sa tulong ng

online transactions. Ito rin ay mag sisilbing plataporma at magiging midyum sa pag-aaral. Sa

panahon na ito ay tila hindi epektibo ang dating normal na sistmema ng pag aaral kung saan,

maghaharap ang mga guro at estudyante sa isang silid paaralan, na imposible ngayong “New

Normal”. Kung kaya’t ang alternatibong solusyon upang magpatuloy ang mga estudyante sa pag

aaral ay ang online learning. Ang online o distance learning na karaniwang kilala bilang online

education ay gumaganap ng mahalagang papel sa sistemang edukasyonal ng bansa, lalo na ngayon

na lumaganap na ang virus sa buong bansa. Ang World Wide Web ay gumawa ng pag-access sa

mga impormasyon at pamamahagi ng nilalaman na pang-edukasyon na magagamit sa isang

malaking bahagi ng populasyon ng mundo at tumutulong upang ilipat ang Distance Education

(DE) sa digital na panahon. Ang DE ay naging pangkaraniwan sa maraming unibersidad sa buong

mundo. (Allen at Seaman, 2017).

Sa panahon ng quarantine at kumakalat na banta ng virus, tila ang online learning ang

natatanging solusyon upang magpatuloy sa pag-aaral ang mga estudyante. Gayunman, ito ay tila

isang maling akala. Dapat itong bigyang-diin na ang pag-aaral sa pamamagitan ng online ay isa

lamang sa iba't ibang pamamaraan ng distance learning.


Ayon kay Selvi Narayanan (2016), ang online education ay gumaganap ng mahalagang papel sa

sistemang edukasyonal ng bansa. Ginugol din ng gobyerno ang maraming pera sa teknolohiya ng

komunikasyon lalo na sa mas mataas na edukasyon at ang penomenang ito ay lumikha ng potensyal

para sa online education sa mas mataas na pribadong institusyong pang-edukasyon. Maraming

pribadong institusyong pang-edukasyon ang naghihikayat sa kanilang mga tauhan sa akademiko

na gamitin ang teknolohiya sa komunikasyon sa pagtuturo at pag-aaral ng mga aktibidad. Ito ay

naging isang kalakaran sa mga pribadong institusyong pang-edukasyon kung saan karamihan sa

mga aktibidad sa pagtuturo ay ibinibigay sa pamamagitan ng online application web tulad ng

Google Meet, Zoom, Google Classroom, Microsoft Teams, at iba pang mga application na

magagamit.

Ayon naman kay Katherine Northenor(2020), Ang mga negatibong epekto ng online

learning ay makikita sa teknikal na paggamit nito. Kabilang sa mga epektong ito kung paano hindi

palaging mahusay ang teknolohiya, mas mahirap maunawaan ng mga estudyante ang mga

konseptong itinuturo, ang online learning ay maaaring maging sanhi ng paghihiwalay ng lipunan,

at maaaring maging sanhi ng hindi kailangang mga kasanayan sa komunikasyon. Ang mga

negatibong implikasyon sa online school ay madaling maayos sa pamamagitan ng mga mag-aaral

na darating sa pisikal na paaralan.

Ang teknolohiya ay hindi laging mahusay at maaaring maging sanhi ng malalaking

panggagambala sa mga klase. Ang online learning ay nangangailangan ng mga mag-aaral na

magkaroon ng mataas na bilis ng internet sa kanilang tahanan, na maaaring maging sanhi ng

komplikasyon kung wala nito. Ang wifi ng isang estudyante ay maaaring magsara nang hindi

inaasahan at hindi sila pinapayagang bumaling sa isang assignment sa lingguhang oras, o maaaring

hindi nila sila hayaang dumalo sa klase at hindi sila maturuan. Ito ay nagiging sanhi ng mga
pangunahing negatibong epekto sa edukasyon at grado ng estudyante. Bukod pa rito, nahihirapan

ang mga estudyante na maunawaan ang mga konseptong itinuturo sa pamamagitan ng online

school dahil mas marami silang panggagambala na nagtutuon sa kanilang pag-aaral. Ang mga

mag-aaral ay maaaring magambala ng mas madali kapag wala sa isang kapaligiran sa paaralan sa

harap ng iba pang mga estudyante at guro, na nagiging sanhi ng hindi nila maunawaan ang mga

konseptong itinuturo gayundin kung sila ay personal.

Maraming problema ang kinakaharap ng online learning at isa na rito ay ang online games.

Ang online games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa ating mga mobile devices lamang.

Masaya't nakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin

ngunit, ito din ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon at pagkawalan ng

pokus sa ating pag-aaral.(Bryan Mags, 2011)

Ang online games ay isa sa mga umaapekto sa akademikong performance ng mga

estudyante lalo na ngayong online classes na nasa bahay lang ang mga estudyante at malayang

gawin ang anomang gusto nila. Ito ay nagiging centro ng kanilang attensyon at dahil dito ay

nawawalan sila ng gana na makinig sa mga talakayan at minsan ay napapabayaan nila ang kanilang

pag-aaral.
B. Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ay tumatalakay sa mga negatibong epekto ng online learning sa mga Mga

Negatibong Epekto ng Online Online Learning sa Junior High School na mga Estudyante ng SPM

ACADEMY INC.

1.1 Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa;

a. Edad

b. Kasarian

1.2. Ano-ano nga ba ang mga negatibong dulot nitong makabagong paaran ng pag-aaral?

2. Paano matutugunan ng mga ahensiya ng gobyerno ang kabagalan ng internet sa bansa?

3. Ano-ano ang mga dahilan bakit hindi epektibo ang online learning?

4. Ano ang mga negatibong implikasyon ng online learning sa mga estudyante?

5. Paano nakaka apekto ang online games sa akademikong performance ng mga estudyante?

C. Layunin

Nilalayon ng pag-aaral na ito na mahanap ang ibat-ibang negatibong epekto ng pag-aaral

na ito upang malaman ang mga disadvantages ng online homeschooling at ang sanhi ng paghina

ng akademikong performance ng mga estudyante at gayundin ang mga sanhi ng mga negatibong

epekto ng online learning.


D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang matukoy ang mga epekto ng online

homeschooling sa mga bata.

Ang bunga ng pag-aaral ay malaking kapakinabangan sa sumusunod:

Ang mga Respondents. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga respondents sa

pagtukoy ang epekto ng homeschooling patungo sa kanila, ang mga kasagutan nila ay

makakatulong sa mga mananaliksik na malaman kung ano ang epekto ng homeschooling sa iba't

ibang mga bata na bago sa konsepto ng pag-aaral na ito.

Ang mga Guro. Ang mga ibinigay na impormasyon ay makakatulong para ma unawaan

and mga epekto ng online homeschooling sa mga bata at tinedyer na mag-aaral ng SPM Academy

Incorporated. Ang pag-aaral na ito ay isang magandang benepisyo para sa mga guro dahil ang

pananaliksik na ito ay nagbibigay ng ideya sa mga estudyante ng SPM Academy Incorporated.

Ang mga Magulang. Gaya ng mga Guro, makatutulong ang pag-aaral na ito sa pag-unawa

sa pag-uugali ng bawat estudyante. Ang ibinigay na data ay makakatulong sa kanila para malaman

nila ang akademikong performance ng kani-kanilang mga anak sa pagkuha ng mga online

homeschool classes.

Ang mga Mananaliksik sa Hinaharap (Future Researchers). Ang pag-aaral na ito ay

makakatulong sa mga mananaliksik sa hinaharap dahil tutulungan sila nitong magkaroon ng

kaalaman kung ano o paano naging sanhi ng pagbabago ang online homeschooling sa iba't ibang

bata.
E. Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Terminolohiya

• Online Learning - Pag-aaral o pagkatutu na isinasagawa sa pamamagitan ng elektronikong

media, karaniwan sa Internet.

• Implikasyon - Nagbibigay ng pangangatwiran o kadahilanan kung bakit nangyari ang isang

sitwasyon

• Konsepto - ay isang sariling kaalaman ng tao na nilikha sa pamamagitan ng pag iisip.

• Plataporma - mga plano, o mga nais ipatupad.

• World Wide Web - isang sistema ng impormasyon sa Internet na nagpapahintulot sa mga

dokumento na konektado sa iba pang mga dokumento sa pamamagitan ng hypertext link,

na nagbibigay-kakayahan sa gumagamit na maghanap ng impormasyon sa pamamagitan ng

paglipat mula sa isang dokumento sa ibang dokumento.

• New Normal - ay isang estado kung saan ang isang ekonomiya, lipunan, atbp. ay

naninirahan kasunod ng isang krisis, kapag ito ay naiiba mula sa sitwasyon na nanaig bago

magsimula ang krisis.

• Penomena - isang katotohanan o sitwasyon na sinusunod upang umiral o mangyari, lalo na

ang isa na ang sanhi o paliwanag ay nasa katanungan.

• Institusyon - ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ito ay

masasabing isang organisasyon na nabuo upang makamit ang isang misyon, layunin o

tunguhin.
Kabanata II

Methodolohiya

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik na ito ay Online Deskriptib-Sarbey sapagkat

naangkop ito sa mga estudyanteng nakaranas sa mga negatibong epekto ng online learning.

Marami itong epekto sa pag-aaral nila lalo na sa kani-kanilang akademikong performance. Susuriin

ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman kaisipan at pananaw ng mga tao sa mga negatibong

epekto ng online learning.

B. Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit upang makapag kalap ng mga datos ay sariling katanungan na

ihininda ng mananaliksik patungkol sa epekto ng online learning sa mga mag aaral sa gitna ng new

normal na sistemang pang edukasyon. Ang mga makakalap na datos ay pag sasamahin at masusing

aanalisahin ng mananaliksik.

C. Mga Respondente/ Kalahok

Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga mag-aaral mula sa Junior High School students

ng SPM Academy Inc. Ang mga respondente ay limitado sa 25 na mag-aaral na maaaring sumagot

sa bawat katanungan na ipapamahagi ng mga mananaliksik.

D. Paraan ng Pagkuha ng Datos/ Daloy ng Pananaliksik

Base sa paglalahad ng suliranin ay ninanais ng mga mananaliksik na malaman ang

negatibong epekto ng online classes gayundin ang sanhi ng negatibong epekto sa mga estudyante

ng SPM Academy. Nagtulungan ang mga mananaliksik upang gumawa ng paraan para matapos at
magtagumpay na maibahagi ng pananaliksik na ito ang iba't ibang impormasyon at datos na

nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondents na Junior High School Students ng SPM

Academy. At gayundin ang mga mananaliksik ay gumamit ng "Phenomenological Method" upang

kunin ang kanilang mga sagot sa ibinigay na tanong ng mga mananaliksik at analisahin ito upang

higit na mas maiintindihan ng mga mananaliksik kung ano ang pinagmulan ng problema ng mga

negatibong epekto ng online classes at di para mas mapatunayan ang panig ng mga mananaliksik

ay nangalap din ng ibat ibang impormasyon sa internet para masuportahan ang kanilang mga

ibinigay na datos para sa pananaliksik.


KABANATA III

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa
mga mag-aaral ng Junior High School students tungkol sa negatibong epekto ng online learning.

Talahanayan 1.1 Bilang Ng Taga Sagot Batay Sa Kasarian.

Kasarian Ng Respondente Bilang na Sumagot Bahagdan (%)

Babae 17 68%

Lalaki 8 32%

Kabuuan 25 100%

Sa talahayan 1.1, makikita mo ang mga bilang ng sagot batay sa kasarian na kung saan ay

mayroong (17) o 68% ay babae at (8) o 32% ay lalaki, sa kabuoan ng (25) o 100% na

respondente.

Talahayan 1.2 Bilang ng Taga Sagot Batay Sa Edad ng mga Respondente.

Edad Ng Mga Respondente Bilang ng Sumagot Bahagdan (%)

13-14 10 40%

15-16 12 48%

17 3 12%

Kabuuan 25 100%

Ayon sa talahayan 1.2, makikita mo ang mga bilang ng sumagot batay sa kanilang mga
edad na kung saan ay mayroong (10) 13-14 years old ang sumagot na katumbas ng 40% at
mayroon namang (12) na 15-16 years old na sumagot na katumbas ng 36% at mayroon ding (3)
na 17 years old na sumagot na katumbas ng 12% sa 100% na kabuoan.
Talahayan 2.1.
Katanungan Sumasang-Ayon Hindi sumasang-ayon

1. Mas mataas ba ang oras na iyong 20 5


ginagamit sa paglalaro kaysa sa oras na
lumalahok sa online classes?
Posyento 80% 20%

2. Mas nakukuha ba ng online games ang 17 8


attensyon mo kaysa sa pag-aaral?
Posyento 68% 32%
3. Malakas ba ang signal sa lugar na iyong 10 15
tinitirhan?
40% 60%
4. Kayo ba ay “financially stable”? 5 20
20% 80%
5. Mas epektibo ba ang online classes kaysa 2 23
sa traditional na face-to-face classes?
8% 92%
6. Nagbabase kaba sa internet sa pagsagot 25 0
sa mga katanungan na ibinigay ng iyong
guro?
100% 0%

Makikita sa Talahayan sa talahayan 2.2, unang una ay Dalawampu o 80% ang sumangayon

sa tanong na kung saan ay mas mataas nga ang oras ng paglalaro nila ng online games sa oras na

lumahok sa online classes. Pangalawa naman ay Labing-Pito o 68% ay sumangayon na mas

makukuha ng online games ang kanilang attensyon kaysa sa kanilang pag-aaral at Walo o 32%

ang hindi naman sumang-ayon sa katanungang ito. Sa pangatlong tanong naman ay makikita natin

na Labing-lima o 60% ng mga respondente ang hindi sumang-ayon dahil hindi malakas ang

coverage ng signal sa kanilang lugar at Sampu o 40% naman ang sumang-ayon sa katanungang

ito. Sa pang-apat ay karamihan naman ng mga respondente ay hindi sumang-ayon sa katanungan

sila ba ay financially stable na kung saan ay Dalawampu sa mga respondente o 80% ang hindi
sumang-ayon at lima naman sa mga respondente o 20% naman ang sumang-ayon. Sa ika-limang

tanong naman ay Dalawampu’t tatlo o 92% naman ang mas pabor sa traditional face to face classes

at Dalawa o 8% naman sa mga respondente ang pumapabor sa online classes kaysa sa traditional

face-to-face classes. Sa panghuling tanong naman ay makikita na lahat ng mga respondente ay

sumang-ayon na sa internet sila kumukuha at nagbabase sa kanilang mga sagot .

Batay sa nasuring resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw ang paglalaro ng online

games ang isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit hindi naka pokus ang mga estudyante sa

pag-aaral at ang “unstable internet connection” ay siyang umaapekto sa akademikong performance

ng mga estudyante.

Dahil sa nakalap na impormasyon ay napag-alaman din ng mga mananaliksik na hindi

lahat ng estudyante ay “financially stable” na kung saan ay hindi palagi mayroon silang nakalaan

na budget sa pagbili ng load para internet na ginagamit sa online classes, lalo na ngayon na

maraming magulang ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. At nalaman din ng mga

mananaliksik na, karamihan sa mga estudyante ay mas pumapabor sa traditional face-to-face

classes kaysa sa online learning.

Tunay na makikita sa talahanayan na mas maraming negatibong epekto kaysa sa positibong

epekto ang dulot ng online learning ngunit hindi natin maitatanggi na ito rin ang siyang naglilikha

ng daan upang ipag-patuloy ang ating pag-aaral at panatilihin tayong ligtas sa kinakaharap na krisis

ngayong panahon.
KABANATA IV

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral, konklusyon at recomendasyon

para ang solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay

Lagom ng mga Natuklasan

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa negatibong epekto ng online learning ay naganap.

Dalawamput-limang respondente ang sumagot sa mga katanungan na pinamigay ng mga

mananaliksik, at ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Batay sa resulta ng pag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na karamihan sa mga


respondente ay talagang mas nakapokus sa paglalaro ng online games kaysa sa sumagot sa
mga aktibidad at lumahok mga katanungan sa online classes.

2.1 Natuklasan ng mga mananaliksik na hindi lahat ng lugar ay malakas ang signal at daloy ng
internet connection.

2.2 Bukod dito, napag-alaman ng mga mananaliksik ng mas malinaw na mas maraming
negatibong epekto ang online learning kaysa sa positibong epekto na dulot nito.

3.1 Ayon sa mga nakalap na datos, natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga
respondente ay namomoblema sa kakulangan ng supportang pinansyal para bumili nag pang
internet para makapasok sa online classes.

3.2 Napag-alaman ng mga mananaliksik na mas nagiging dependent ang karamihan ng mga
estudyante sa internet sa paghahanap ng sagot.

4.4 Batay sa nakalap na impormasyon ay napag-alaman ng mga mananaliksik na mas pabor


ang mga estudyante sa traditional face-to-face classes kaysa sa online classes dahil mas
epektibo raw ito.
Konklusyon

Samakatuwid ay, hindi natin maitataboy na ang online education ay nagbibigay ng


maraming benepisyo sa mga kabataang mag-aaral. Gayunpaman, mayroon ding mas maraming
mga negatibong implikasyon sa online homeschooling.

Ang Pilipinas ay nangangailangan ng isang malinaw na hanay ng mga patakaran at


patnubay batay sa isang makabagong balangkas ng edukasyon. Nangangailangan ito ng maingat
at taimtim na pagtatasa ng kahandaan ng bansa na mag-alok ng mga programa sa pag-aaral na
nangangailangan ng higit sa tradisyonal na mga kinakailangan.

Ang isa mga pangunahing dahilan ng mga negatibong epekto ng online learning ay ang,
Mobile and Internet games na isa sa mga sanhi kung bakit hindi nakatuon ang pansin ng mga mag-
aaral sa pag-aaral dahil mas nagiging prayoridad nila ito kaysa makinig sa mga talakayan ng guro.
Ang slow internet connection din ay isa sa mga problema ng mga estudyante sa online classes
dahil ito'y nag dudulot ng panggagambala sa sinisira nito ang pokus ng mga estudyante kung
mayroon silang mahalagang ginagawa gaya ng mga exam. At panghuli ay ang kakulangan ng
supporta, dahil sa pandemic na kinakaharap natin ngayon ay maraming mga magulang ang
nawalan ng trabaho at wala nang perang pang supporta sa kani-kanilang mga anak sa pagpapatuloy
ng kanilang pag-aaral. Hindi natin maitataboy na mas madaling sagutan ang mga aktibdad at ilan
pang ibat ibang klase ng mga katanungan sa online class, dahil nakukuha natin ang mga sagot sa
internet ngunit, ito'y umaapekto sa paraan ng pagkatuto ng mga estudyante lalo na ang mga
nakababatang estudyante at ito ay nagdudulot ng pagkawalan ng interes sa pag-aaral at pagkatuto.

At base sa obserbasyon ng mga mananaliksik ay ang mga negatibong epekto ng online


learning mas lumalamang ang bilang kaysa sa ang mga positibong epekto. Kahit na ang online na
pag-aaral ay makakatulong sa pagpapanatiling ligtas sa ating komunidad sa panahon ng COVID-
19, ang mga paghihirap na dumating ay mas kilala kaysa sa mga positibo. Ang maraming mga
negatibong implikasyon sa online learning mas lumamang kaysa sa mga kapaki-pakinabang na
implikasyon.
Rekomendasyon

Habang ang Pilipinas ay pumapasok sa isang bagong mode ng pag-aaral, maraming mga

kadahilanan ang dapat isaalang-alang. Kasama dito ang kapasidad ng guro, sitwasyon at konteksto

ng nag-aaral, at kahusayan ng kapaligiran sa pag-aaral. Ang mga ito ay, siyempre, sa tuktok ng

mas malinaw na mga isyu ng bilis ng internet, gastos ng mga materyales, at mode ng paghahatid.

Ang pinakamahusay na paraan upang sumulong ay ang pagbabalik ng isang hakbang at

magdisenyo ng isang diskarte na umaakit sa mga guro, mag-aaral, magulang, administrador ng

paaralan, at mga kumpanya na nakabase sa teknolohiya. Ang pakikipagtulungan na tugon batay sa

isang kolektibong pangitain ay ang uri ng malikhaing solusyon na ipinagpapalit ng problemang ito

sa ating bansa.

Bilang suporta sa mga nasabing pahayag, Ang CHEd kasama ang mga HEI ay naghangad

na magbigay ng sumusunod na mekanismo: (1) libreng pagsasanay at pagbuo ng kapasidad para

sa mga miyembro ng guro sa kakayahang umangkop sa pag-aaral, (2) paglulunsad ng online na

mapagkukunan ng PHL CHEd CONNECT, at (3) paglalagay ng CHEd Hi-Ed Bayanihan digital

na komunidad ng mga tagapagturo upang "galugarin ang mga makabagong tugon sa konteksto ng

Philippine HEIs."Ang CHEd Hi-Ed Bayanihan ay isang pakikipagtulungan sa pagitan ng gobyerno

at iba't ibang mga HEIs sa bansa-sinasabing ito ang una sa uri nito sa kasaysayan ng CHEd. Sa

pamamagitan ng pagsisikap na ito, inaangkin ni De Vera na ang mga hamon saedukasyon na

isinagawa ng pandemya ng COVID-19 ay maaari lamang malampasan "kung buong-buo nating

turuan at matuto bilang isa" (De Vera, 2020).


TALASANGGUNIAN

Alejandrino, P. (2020). UST Implements ‘Enriched Virtual Mode’ Next Academic Year;
Extends Financial Assistance. Manila, PH: TomasinoWeb.

Allen, I. E., & Seaman, J. (2017). Digital Learning Compass: Distance Education
Enrollment Report 2017. Inihango mula sa https://files.eric.ed.gov/fulltext/ED580868.pdf

Bagayas, S. (2020). Students Of Top 4 PH Schools Urge CHED To Suspend Online


Classes. Pasig, PH: Rappler.

BrionesL.(2020)https://www.cnn.ph/news/2020/6/10/DepEd-standard guidelines-gadgets-
online-blended-learning.html

De La Salle University (2020b). Lasallians R.E.A.C.H. Available online at:


https://www.dlsu.edu.ph/lasallians-reach/ (accessed October 6, 2020).

Department of Education (2020). Learning While Staying At Home: Teachers, Parents


Support DepEd Distance Learning Platform. Pasig City, PH: DepEd.

(30) (DOC) " Ang Epekto ng Larong Online sa Performance ng mga Estudyante sa Senior
Highschool " | Jeyk Nolven - Academia.edu

Jhoemz Vecide:(2020) Online Classes: Epektibo nga ba para Matuloy ang Pasukan?
(thelookout.com.ph)

Dittz Centeno- De Jesus (2020) Online Learning ang Bagong Normal na Pag-Aaral ng mga
Kabataan

https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ng-
mga-kabataan/
Selvi Narayanan (2020) Online Learning sa New Normal
https://bit.ly/3c4jajc
Katherine Northenor (2020) Online Learning Ay May Mas Maraming Negatibong Epekto
Kaysa Sa Positibong Epekto Nito.

Online school has more negative impacts than positive – The Sting (theroswellsting.com)
Liham Ng Pahintulot

Abril 5, 2021

Melbert U. Toledo
Punong-guro ng Senior High School
SPM Academy Incorporated
Mandaue City

Ginoo/Ginang:
Isang malugod na pagbati.
Ang mga mananliksik ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa Mga
Negatibong Epekto ng Online Learning sa Junior High School Students ng SPM Academy,
bilang pagtugon sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino.

Kaugnay nito, hinihingi ng mga mananaliksik ang inyong pahintulot na makuha ang mga
datos na kinakailangan sa pananaliksik mula sa mag-aaral ng Junior High School Department sa
pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng online surbey na aming inihanda.

Inaasahan po naming ang iyong positibong pagtugon sa kahilingang ito.

Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang,
Mga Mananaliksik

Pinagtibay ni:

Glee Shah Anne Amar


Instructor

Inaprobahan ni:

Melbert U. Toledo
Punong-Guro
APENDIKS

Mga Negatibong Epekto ng Online Homeschooling o Online Learning sa

Junior High School na mga Estudyante ng SPM ACADEMY INC.

Pangalan: ___________________________( opsyonal ) Kasarian: ___________

Respondente blg. Edad: ___________

PANUTO: LAGYAN LAMANG NG ISANG TSEK (✔) ANG IYONG SAGOT SA MGA

TANONGUNGAN.

Katanungan Sumasang-Ayon Hindi sumasang-ayon

1. Mas mataas ba ang oras na iyong


ginagamit sa paglalaro kaysa sa oras na
lumalahok sa online classes?
2. Mas nakukuha ba ng online games ang
attensyon mo kaysa sa pag-aaral?
3. Malakas ba ang signal sa lugar na iyong
tinitirhan?
4. Kayo ba ay “financially stable”?
5. Mas epektibo ba ang online classes kaysa
sa traditional na face-to-face classes?
6. Nagbabase kaba sa internet sa pagsagot
sa mga katanungan na ibinigay ng iyong
guro?

\
PAGKAKAKILANLAN NG MGA MANANALIKSIK

Personal Information

Pangalan: Kent Bryan A. Colina


Tirahan/Address: 1073 Wireless Street, Subangdaku, Mandaue City
E-mail Address: Colinakb24@gmail.com
Araw ng Kapanganakan: November 22, 2003
Lugar ng Kapanganakan: Mandaue City
Relihiyon: Roman Catholic

Pagkamamamayan: Filipino
Mga Paaralang Pinagtapusan

Senior High School


Name of School: SPM Academy Inc.
Address: Sacris Road Extension, Tipolo, Mandaue City

Junior High School


Name of School: SPM Academy Inc.
Address: Sacris Road Extension, Tipolo, Mandaue City

Elementary

Name of School: Mandaue Technical Institute


Address: Mantech Drive Subangdaku, Mandaue City
Personal Information
Pangalan: Lean Faith C. Degamo

Tirahan/Address: Sudlon Maguikay Manduae City


E-mail Address: leandegamo@gmail.com
Araw ng Kapanganakan: July 13, 2003

Lugar ng Kapanganakan: Cebu City


Relihiyon: Born Again
Pagkamamamayan: Filipino

Mga Paaralang Pinagtapusan


Senior High School
Name of School: SPM Academy Inc.

Address: Sacris Road Extension, Tipolo, Mandaue City


Junior High School
Name of School: SPM Academy Inc.
Address: Sacris Road Extension, Tipolo, Mandaue City
Elementary

Name of School: Maguikay Elementary School


Address: Maguikay Mandaue City
Personal Information
Pangalan: Jeff E. Lepon
Tirahan/Address: Albano St. Maguikay M. C
E-mail Address: jefflepon004@gmail.com
Araw ng Kapanganakan: July 17,2004
Lugar ng Kapanganakan: Jagobiao Eversely Child Sanitarium

Relihiyon: Roman Catholic


Pagkamamamayan: Filipino
Mga Paaralang Pinagtapusan

Senior High School


Name of School: SPM Academy Inc.
Address: Sacris Road Extension, Tipolo, Mandaue City

Junior High School


Name of School: Maguikay National Highschool
Address: Maguikay Mandaue City

Elementary
Name of School: Maguikay National Highschool
Address: Maguikay Mandaue City
Personal Information

Pangalan: Charles Dhane B. Rom


Tirahan/Address: Maguikay,Mandaue City
E-mail Address: charlesdhane4@gmail.com

Araw ng Kapanganakan: December 22, 2003


Lugar ng Kapanganakan: Magauikay,mandaue city
Relihiyon: Roman Catholic

Pagkamamamayan: Filipino
Mga Paaralang Pinagtapusan
Senior High School

Name of School: SPM Academy Inc.


Address: Sacris Road Extension, Tipolo, Mandaue City

Junior High School


Name of School: Maguikay National Highschool
Address: Maguikay Mandaue City

Elementary
Name of School: Maguikay National Highschool
Address: Maguikay Mandaue City

You might also like