Professional Documents
Culture Documents
Arguson, Nathalie Week3 Piling Larang
Arguson, Nathalie Week3 Piling Larang
Gawain 1
Bigyang kahulugan, kalikasan at katangian ang mga sumusunod na akademikong
sulatin batay sa iyong sariling pagkakaunawa.
PAGGAMPAN
Panuto: Basahin at unawain ang isang akademekong sulatin. Suriin at ipaliwanag
ang kalikasan, at katangian nito. Isagawa ang pagsusuri sa pamamagitan ng
Replektibong Sanaysay.
Mga kababayan ko, may isang kaisipang nais kong lagi ninyong tatandaan.
Ito ay, kayo ay Pilipino. Pilipinas ang inyong bayan, at ang tanging bayan na ibinigay
ng Diyos sa inyo. Dapat ninyo itong ingatan para sa inyong mga sarili, inyong mga
anak, at sa mga anak ng inyong mga anak, hanggang katapusan ng mundo.
Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan, at kung kinakailangan, mamatay para sa
bayan.
Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan at dakilang
kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay
at yaman ng inyong mga bayani, martir at sundalo. Ang Pilipinas ng ngayon ay
pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di makasarili at may
lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng
kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa Kanlurang
Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang ilaw ng
kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang marangal at may
paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.
Ang tekstong ito ay nagpapaalala sa atin na kailangan nating isapuso ang ating
pagka-pilipino. Tunay na malaki ang isinakripisyo ng ating mga bayani makamit lamang
ang kalayaan na mayroon tayo ngayon, kaya’t nararapat lamang natin itong
pahalagahan at huwag sayangin.
Sa aking palagay, ang teksto ay may magandang nilalamanat mensahe para sa
mga mambabasa. Maayos ding naipahayag ang bawat detalye na bumubuo sa
pinupunto ng awtor. Ang mensahe din na ipinapahayag nito ay kailangan din ng bawat
Pilipino dahil kung mapapansin natin, sa panahon ngayon, ay unti-unti na naming
sinasakop ng mga dayuhan ang ating mga isipan, bagama’t hindi sila pisikal na naririto,
mas pinipili pa din nating sundin ang mga kultura at tangkilikin ang produkto na
mayroon sila kaysa sa bagay na mayroon tayo.