You are on page 1of 22

SHS

Filipino
Piling Larang –Akademik
Modyul 6:
Katitikan ng Pulong
Filipino – SHS Baitang 11/12
Piling Larang: Akademik – Modyul 6 : Katitikan ng Pulong

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Melanie T. Abila


Editor: Leopoldo C. Brizuela Jr.
Tagasuri: Nora J. Laguda

Tagaguhit: Jotham D. Balonzo


Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Katitikan ng Pulong
Panimula:

Magandang araw sa iyo!


Kumusta ka?

Maraming kaganapan ang nabago at dumating sa


kasalukuyan dulot ng pandemyang COVID -19 !
Batid ko ang iyong pananabik sa mga bagong kasanayan sa
pagkatuto .
Halika ! umpisahan na natin.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


natutukoy ang mahalagang impormayon
sa isang pulong upang makabuo ng
síntesis sa napag-usapan.

Layunin

1
May mga bagong salita na dapat mong kilalanin
para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang ganap
mong maunawaan ang mga susunod na talakay tungkol sa ating
paksa.

Talasalitaan

Basahin natin.

Katitikan ng Pulong –
ang opisyal na tala sa isang
pulong.

adyenda –
ang nagtatakda ng mga
paksang tatalakayin sa isang
pulong

memorandum-
kabatiran tungkol sa gagawing
pulong o paalaala tungkol sa
isang mahalagang
impormasyon, Gawain, tungkulin
o utos.

concencus-
quorum-
isang proseso ng
Ito ang bilang ng mga kasapi na
pagdedesisyon kung saan
kasama sa pulong na dapat
tinitiyak na nagkakaisa ang lahat
dumalo para maging opisyal ang
ng mga kasapi sa pulong sa
pulong. Madalas ito ay 50% +
anumang pasya.

simpleng mayorya- 2/3 majority –


Isang proseso ng isang proseso ng
pagdedesisyon kung saan pagdedesisyon kung saan
kinakailangan ng 50% + 1 ( kinakailangan ang 2/3 o 66% ng
simpleng majority ) ng pagsang- pagsang-yon o hindi pagsang-
ayon o hindi pagsang-ayon ng ayon ng mga dumalo sa isang
mga nakadalo sa isang opisyal opisyal na pulong.
na pulong.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin?

Panimulang Gawain

Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang at isulat sa sagutang kuwaderno kung
ano ito. subukin mo nga?

1. Ano ang dapat gawin kapag ikaw ay dumalo sa isang pulong?

a. Kumain habang nakiking


b. Maghintay na tawagin kung may nais na itanong o linawin.
c. Makipag-usap sa katabi para higit na maunawaan ang paksa.
d. Maaring matulog sandali.

2. Isang uri ng sulatin din na karaniwang ginagawa ng mga


kapisanan o organisasyon na karaniwang may mga buwanang
pulong o miting batay sa napagkasunduan ng mga pinuno.

a. Adyenda ng Pulong
b. Paanyaya sa isang pulong
c. Katitikan o Minits ng Pulong
d. Memorandum

3. Bakit kailangang nagtatala din ang kasapi na dumadalo sa pulong?

a. Nagkakamali rin kasi ang kalihim na tagatala.


b. Magagamit bilang batayan ang naitala.
c. Maaring mapag-aralan ang naitala at gamitin ito sa susunod na pulong.
d. Para magkaroon siya ng personal na kopya.

3
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng
agenda sa isang pulong?

a. Hindi malilihis ang usapan sa paksa ng pulong.


b. Maiiwasan ang maraming paksa o isyung pag-uusapan.
c. May sistema at paraan kung paano tatakbo ang usapan.
d. Magkikita –kitang muli ang magkakaibigan

5.Ano ang gagawin mo kung may nakita kang maingay o di


nakikinig sa pulong?

a. Hahayaan mo lang at titigil din namn siya.


b. Lalapitan at pagsasabihan na tumahimik at makinig
c. Ipapatawag ang atensyon sa pulong
d. Kakusapain pagkatapos ng pulong.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 17 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

4
Wow!!! Petmalu!!!

O, di ba kayang-kaya mong alamin ang mga dapat


isagawa sa isang pagpupulong?

Halika, may inihanda pa akong mga dapat mong


matutuhan at ilang gawaing mas lalong
magpapaunlad sa iyong pagkatuto.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
KATITIKAN NG PULONG
Ni: Melanie Abila

Ang Katitikan ng Pulong ay tinatawag na minutes of the meeting sa wikang


Ingles. Nabubuo ang isang katitikan ng pulong kapag isinusulat ng kalihim ang mga
nagaganap sa isang pulong.
Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo o
nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Mataps itong
maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay magsisilbing opisyal at
legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyon na maaaring magamit
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa mga
susunod na pagpaplano at pagkilos.

_________________________________________
Ano ba ang kahalagahan ng katitikan ng Pulong
¿/Pulong?

Magaling!! Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan


kung ito ay maingat na naitala at naisulat.

May mahahalagang bahagi ang katitikan ng pulong.

➢ Heading – ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan,


organisasuon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at
maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.

5
➢ Mga Kalahok o dumalo – dito nakalagay kug sini ang naguna sa
pagpapadaloy ng pulon gayunin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo
kasama ang mga panauhin. Main gang panglan ng mga liban o hindi
nakadalo ay nakatal rin dito.

➢ Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – dito


makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga
pagbabagong isinagawa sa mga ito.

➢ Actions items o usaping napagkasunduan – Dito makikita ang


mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinatalakay. Inilalagay rin sa
bahaging ito kung sino ang taong naguna sa pagtalakay ng isyu at maging
ang desisynong nabuo ukol dito.

➢ Pabalita o patalastas – Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit


kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad
halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay sa bahaging ito.

➢ Iskedyul ng susunod na pulong – Itiantala sa bahaging ito kung kalian at


saan gaganapin ang susunod na pulong.

➢ Pagtatapos – Inilalalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwawakas ang


pulong.

➢ Lagda – mahalagang ilagay sa bahaging ito an panglan ng taong kumuha ng


katitikan ng pulong at kung kalian ito isinumite.
________________________________________________________________

Ang kalihim lang ba ng isang samahan


ang maaring maatasan na magsulat ng
katitikan ng pulong?

Tama! Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng samahan o organisasyon,


ang bawat isang kasapi ay maaaring maatasan gumawa nito.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

6
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan
ng pulong?

Tama! Sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang


maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang
pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos
ng pulong.

__________________________________________________________________

Sa iyong palagay, mahirap ba o madaling gawin ang katitikan ng


pulong?Ipaliwanag ang iyong sagot.

___________________________________________________________________

Tumpak, hindi nga mahirap! Tandaan nating ang katitikan ng pulong ay tala ng
mga napag-usapan sa isang pulong.kaya madali lang itong gawain kung naunawaan
at alam mo ang iyong gagawin sa pagsulat nito
__________________________________________________________________

Ipagpatuloy mo.
_________________________________________________________________

Sa paghahanda ng Katitikan ng pulong , mahalagang isaalang-alang ninuman


ang hakbangin sa paggawa nito. Maghanda ng pormat na maaaring sulatin ng
katitikan, Siguraduhing ang mga nakatala sa adyenda ay kasama o hindi naisama sa
napagusapan. Katotohanan lamang ang isusulat sa katitikan.Maging alerto sa mga
napag-usapan, mga napagkasunduan at hindi napagkasunduan, sa mga
mahahalagang detaye. Kapag nagkataon na mayroong naunang pagpupulong,
bago basahin ang adyenda ng gaganaping pagpupulong, dapat munang ilahad ang
katitikan ng nakaraang pagpupulong.

7
_________________________________________

Magpatuloy ka.
Mag TAMA o MALI tayo para sa ilan pang
karagdagang kaalamang dapat mong matutunan
sa talumpati.
_________________________________________
Itinatala sa pagsulat ng katitkan
ng pulong kung anong oras
nagsimula o nagtapos ang
pulong. TAMA o MALI?

Tama. Maraming dapat tandaan sa pagsulat ng


katitikan ng pulong at isa na sa mahalaga rito ay
ang pagsulat ng pagsimula at pagkatapos nito.
.
Sa pagsulat ng katitikan ng
pulong, kinakailangang gawin o
buoin ito pagkatapos na
pagkatapos. TAMA O MALI?
TAMA o MALI?
Tama. Dapat ito ay isulat
pagkatapos na pagkatapos
habang sariwa pa sa isip ang lahat
ng mga tinalakay.

Kung kinakailangan maaaring


gumamit ng recorder sa
pagpupulong. TAMA o MALI?

TAMA. Makatutulong nang malaki


kung gagamit ng recorder sa oras ng
pulong upang kung sakaling may
puntos na hindi malinaw na naitala
ay maaari itong balikan.

Ang qourum ay mahalaga upang


maging balido (valid) ang
pagpupulong. TAMA O MALI?

TAMA. Upang maging balido ang


pagpupulong, kinakailangang 50 %
pataas ang bilang ng dumalo mula sa
mga inaasahang dadalo ng
pagpupulong.

8
Yehey!!! Like mo ba ang ating talakay?

Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nagiging


malinaw sa iyo ang mga kahlagahan ng katitikan ng pulong at
kung ano ang mga dapat pang isalalang-alang nito sa
paghahanda.

Ngunit gusto kong malaman mo na nakatuon lang tayo ngayon sa


sa kung paano ka makasusulat ng sintesis ng katitikan ng pulong.

Ipagpatuloy mo pa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa


ibaba.
___________________________________ Pagsasanay 1
I- SULAT MO!
Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at
tukuyin ang angkop na lapis ng tamang sagot na
nasa ibaba upang i-sulat sa board.

1. Ito ay naglalaman ng panglan ng kompanya, samahan,


organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang
lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
.

9
2. Dito nakalagay kung sino ang naguna sa pagpapadaloy ng
pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo
kasama ang mga panauhin.

3. Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang


pulong

4. Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang panglan ng taon


kumuha ng katiikan ng pulong at kalian iti isinumite.

5. Isang proceso ng pagdesisyon kung saan tinitiyak na


nagkakaisa ang lahat ng mga kasapi sa pulong sa
anumang pasya.

concensus 3/2 adyenda pagtatapos


us s

lagda heading dumalo

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 17.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

10
Dahil madali mo lang nasagutan ang
unang pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong
Pagsasanay kaalaman.
2

Panuto: Sa tulong ng talahanayan sa


ibaba, lagyan ng masayang mukha ☺ang mga pulong na iyong nadaluhan
sa inyong paaralan at malungkot kung hindi.

Paksa
Organizational Meeting/ pagbubuo ng pamunuan
HRPTA Meeting
Pagpupulong para sa nalalapit na pagdiriwang ng
buwan ng wika
Pagpupulong sa Science week

Pagpupulong ng mga mag-aaaral ng SHS


SSG Meeting
At iba pa. ( Ilahad ang mga pulong na dinaluhan sa
inyong kinabibilangang strand)
STEM, HUMSS, ABM, TVL , A & D

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

11
Balikan ang mga natutuhan sa
naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.
Pagsasanay 3

Panuto: Gamit ang parehong mga


paksa sa Pagsasanay 2, bumuo ng isang sintesis na dinaluhan mong
pagpupulong na nabanggit sa pagsasanay @ at iyo ng nadaluhan.

Lodi na kita!!

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

12
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan
mong gawin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng dayalogo ng pagpupulong sa


ibaba. Gumawa ng sintesis mula sa naunawaan sa pulong. Gamitin ang RUBRIC sa
ibaba upang magsilbing gabay sa epektibong paggawa ng sintesis ng katitikan ng
pulong.

___________________________________________________

__________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

__________________________________________________

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 5
pagsulat ng katitikan ng pulong.
Nakasusulat ng organisado, obhetibo, at 5
komprehensibong sintesis katitikan ng pulong
Nakasusulat ng katitikan ng pulong batay sa 5
maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika
Nakabubuo ng sintesis ng katitikan ng pulong batay 5
sa maingat na pagtala ng mga impormasyon sa
pulong.
Kabuoang Puntos 20

13
Isang dayalogo sa pagpupulong
Agenda : Paano kumita ang samahan ng “ PaSigFIl” ( Panulat Sigasig
Filipino ) ng Ligao National High School at ang bawat Pangulo ng baitang
12 upang makalikom ng pondo sa higiene kit ( naglalaman ng 2 mask, 500
ml na alcohol at handwashing soap) ng bawat mag-aaral nito.
Tagapangulo (Paul) : Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat bago
natin simulan ang pagpupulong na ito tawagin natin si Bb. Clara Mabini,
ang mutya ng ating samahan.
( Pagkatapos magdasal )
Tagapangulo ( Paul ): Salamat sa mataimtim at pusong puno ng dalangin
at pagluluwalhati Bb. Clara.Ngayon naman sa puntong ito tatawagin natin
si g. Filipe Sebastian ang tagamasd ng samahang ito para sa pagkilala ng
presensiya ng mga dumalo.
Filipe Sebastian : ayon sa atendance ang buong miyembro ng PaSigFil
ay 100% ang dumalo at ang pangulo ng bawat strand ng baitang 12 na
kalahok sa pagpupulong na ito ay kumpleto.
( Masigabong Palakpakan)
Tagapangulo (Paul): Samakatuwid atin ng bubuksan ang pagpupulong
na ito, si Bb. Krista fermin ang magtatala bilang kalihim ng lahat ng pag-
uuspan at mapagsasangayunan ng pagpupulong na ito.
Tagapangulo ( Paul ) : Buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang Buwan
ng Wikang Pambansa nais ng samahan ng PaSigFil na magkaroon tayo
ng varayti show kung saan ipapakita natin ang kahusayan sa paggamit ng
sarling wika. Maipapakita rin natin dito ang iba’t ibang talento natin sa
panitik at sining.
Mayroon ba kayong imumungkahi?
Pangulo HUMSS 1 : G. Paul ibenta natin ang ticket sa murang halaga
limang Piso ( Php 5.00 ) at bawat isang kamag-aral ay bibigyan ng
sampung piraso nito. Pagnapagbili niya ang mga ito ay magiging ambag
niya sa pondo upang lahat ay mabigyyan ng higiene kit. Lahat pa ay may
partisipasyon sa proyektong ito. Lalagyan natin ng control number ang
ticket para di maabuso ng iba.
Tagapangulo (Paul): Sang-ayon ba kayo rito?

14
Lahat : Opo
Tagapangulo ( Paul ): may karagdagan pa bang suhestiyon?
Pang. Pangulo ( Benjamin ) : Kailan kaya natin puwedeng ganapin
ang varayti show?
Tagapangulo ( Paul ) : Sa katapusan ng agosto. Agosto 31, 2020 at
maaari rin tayong magbigay ng deadline ng paglikom Agosto 25, 2020
upang atin ng maipagkaloob sa bawat mag-aaral ng Baitang 12 ang
kanilang higiene kit.
Ipalista niyo na lamang po kay Mariel Andanar ang presentasyon niyo
sa inyong klase. Magkakaroon tayo ng labing siya (19 ) na entry sa
Varayti show.
Salamat sa inyong masiglang paglahok at pakikiisa sa pagpupulong na
ito. Ito ay paraan ng pagbibigay pugay natin sa vayan sa layunin nito na
Bayanihan Act: We heal as one.
Sa mulin pagkikita natin sa agosto 25, 2020. Ganap na alas siyete sa
umaga 7:00 AM at magkakaroon ng Grand Rehearsals alas otso sa
umaga 8:00 n,u. Iyon lamang at salamat muli. Iwanan ko po kayo ng
isang magandang paalala. Sa ating lahat ng ginagawa Diyos ang ating
patnubay at gabay.

Yehey!

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang


iyong mga sagot sa pahina 17.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

 nagawa lahat


 1 hindi nagawa
 2 hindi nagaw
 3 pataas hindi nagawa

15
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!


Karagdagang Gawain

PAGPUPULONG ONLINE

Panuto: Magsagawa ng sariling pagpupulong sa mga kamag—


aral kung PAANO SORPRESAHIN ANG ISANG GURO/TAGAPAYO. Gamit
ang makabagong teknolohiya (group chat), ilahad nang malinaw ang
layunin. Gamitin ang talahanayan upang magsilbing gabay.

TUNGKOL SAAN ANG PAGPUPULONG


PETSA
ADYENDA
PANIMULA
KATAWAN: (MAHAHALAGANG
TANONG?)

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-


saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Werpa di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!

16
17
Panimulang Pagsubok
1. b
2. c
3. b
4. d
5. b
Pagsasanay 1 Panapos na Pagsubok
1. heading Gagamitin ang Rubric sa pagmamarka
ng awtput
2. dumalo
3. pagtatapos
4. lagda
5. concensus
Pagsasanay 2 at 3 Karagdagang Gawain
Subhetibo ang sagot Subhetibo ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
➢ Constantino, Pamela C.et al. Filipino sa Piling Larang Akademik. Rex Book
Store Inc. 2018.

18
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like