You are on page 1of 1

Layunin ng pagtatatag ng Cofradia De Santa Cruz sa Parokyang Sta.

Cruz ng Tanza Navotas

Ang Cofradia De Santa Cruz ay itinatag dahilan sa masidhing Debosyon at Pag ibig sa MAHAL NA POONG
SANTA CRUZ,upang maipalaganap ito.ang mai taguyod ang Tradisyon at mapangalagaan/mapag ingatan
ang kanyang Imahen upang maiwasan ang ano mang maaaring mangyaring hindi maganda dito at upang
maiwasan din ang pagkasira nito.gayun din ay ang mai lapit ang mga tao at akayin tungo sa Inang
Simbahan sa pamamagitan ng pamimintuho sa Mahal na Poong Santa Cruz.

Ang mga saklaw ng mga tungkulin at responsibilidad ng Cofradia De Santa Cruz ay ang mga sumusunod:

*Palaganapin ang Debosyon sa Mahal na Poong Santa Cruz katulad ng pangunguna sa pagdarasal ng
Novena at pag dadala sa kanya sa mga lugar o tahanan na nasasakupan ng Parokya(Sa Panahong
Normal).
*Pangalagaan ang Imahen ng Mahal na Poong Santa Cruz sa pamamagitan ng paglilinis,pagbibihis,
maingat na pagbababa at pagpapanik sa Altar,maingat na pag sakay at pag baba sa Karosa,paghahanda
sa kanyang sasakyan(Motorkada o Prusisyon),pagbabantay sa kanya sa oras ng kanyang
paglabas(Pagoda,Motorkada,at Prusisyon)
*Pangunahan ang pagsasa ayos sa Imahen ng Mahal na Poong Santa Cruz sa oras na ito ay magkaroon
ng problema o ano mang uri ng pagkasira,at pag papa gayak sa kanyang sasakyan (Motorkada o
Prusisyon)

Reb.Padre Romeo C.Tuazon


Kura Paroko

John Pierce Juat Pascual


Tagapagtatag ng Cofradia

Parokya ng Santa Cruz,Barangay ng Tanza Lungsod ng Navotas

You might also like