“island provinces” sa mga Dagat Sulu at Dagat Timog China.
Ang Rehiyon ng MIMAROPA ay kinabibilangan ng mga “island provinces” sa mga Dagat Sulu at Dagat Timog China. Ang kabuuan ng Mindoro ay nahahati sa Kanluran at Silangang Mindoro sa pamamagitan ng Bundok ng Halcon. Dahil sa malawak na kapatagan nito at mahabang baybayin, pangunahing pinagkikitaan ng mga tao rito ang pagtatanim at pagsasaka, paghahayupan at pangingisda. Ito ang tinaguriang “Food Basket” ng Timog Katagalugan. Kilala rin ang lalawigan na isa sa mga pangunahing destinasyon ng turista. Ang turismo ay isa sa pinagkikitaan ng lalawigan. Dalawa ang lungso201d na sakop ng MIMAROPA: ang Lungsod ng Calapan at Lungsod ng Puerto Princesa. Ang Lungsod ng Calapan ay matatagpuan sa Silangang Mindoro. Ito ang kabisera ng lalawigan. Samantala, ang Lungsod ng Puerto Princesa ay matatagpuan sa lalawigan ng Palawan. Ito ay tinaguriang “Pinaka-luntiang Lungsod” sa buong Pilipinas. Tinatawag din itong Lungsod sa Kagubatan o “City in a Forest.” Ito rin ang kabisera ng Palawan at pinakasentro ng kalakalan, industriya, komersiyo, edukasyon, komunikasyon at transportasyon. May maunlad na paliparan at daungan ng barko. Tanyag ang lungsod dahil sa St. Paul Underground River na kinilala sa buong mundo bilang “7th Wonder of Nature.” Ang Palawan ang pang-apat sa pinakamalaking lalawigan at panglima sa pinakamalaking pulo sa buong Pilipinas. Ang mahabang baybayin nito at iba pang mga anyong tubig ay dinarayo ng mga turista. Ipinagmamalaki rin ng lalawigan ang Tubbataha Reef Marine Park. Pangunahing hanapbuhay sa lalawigan ng Palawan ang pangingisda at Pagpeperlas. Ang lalawigan ng Romblon ay binubuo ng tatlong malalaking pulo: Tablas, Sibuyan at Romblon. Ang Tablas ang pinakamalaki ay ito ay nasa gitnang bahagi ng lalawigan. Ang Sibuyan tulad ng Tablas ay mabundok. Dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa lalawigan, ang Bundok Guiting-Guiting. ROMBLON. Dahil sa bulubunduking kapaligiran, mayaman ang lalawigan ng marmol kaya ito ang tinaguriang “Marble Capital of the Philippines.” Ang marmol ay isang matibay na yamang mineral na maraming kapakinabangan tulad ng sahig ng bahay at iba pang palamuti at kagamitan sa bahay. Isa ito sa pangunahing industriya sa lalawigan. Ang Marinduque ay isang lalawigan na hugis-puso ang kapuluan. Ito ay isang lalawigang agrikultural. Pangunahing produkto ang palay at niyog. Kilala rin ito sa industriya ng “handicraft. Kung kaya, iminungkahi ng lokal na pamahalaan na ipalaganap muli ang industrya. Mula sa lokal na pagdiriwang ng “Biniray Festival” kung saan ipinapakita ang mga produktong inukit sa marmol hangang sa pagpapakita ng mga “life-size sculptures” Ang palay ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Kung kay’t napakaimportante ng Occidental Mindoro sa siguridad ng pagkain ng buong bansa. Tinatawag na “rice granary” sapagkat sa lalawigan na ito nangagaling ang supply ng bigas sa mga rehiyon ng Timog Katagalugan at maging ng mga rehiyon sa Visayas. Ang Occidental Mindoro ay tanyag bilang “rice bowl” ng buong Timog Katagalugan. Upang masiguro na patuloy na makukuhanan ng ikabubuhay ang aming mga palaisdaan, ang lokal na pamahalaan ay ng mungkahi na ang isang lugar palaisdaan ay magiging “marine sanctuary”. Ibig sabihin nito ay may mga lokasyon na hindi dapat ang labis na pangisdaan. Noon panahon ng mga sinaunang Pilipino, ang pagtugon sa pangangailangan ng lahat ng kasapi ay pinamumunuan ng pinakamakapangyarihang kasapi na kung tawagin ay isang “Datu”. Ang Datu sa “balangay” ay siyang bukod tanging nagpapatupad ng mga alintuntunin ng buong balangay. Ang barangay ay isang organisadong komunidad na pinamumunuan ng Barangay Captain. Ang kapitan ay hinahalal ng kanyang mga kasama sa barangay upang mamuno sa kanyang kabarangay. Maraming barangay na ito ang bumubuo sa mga mas malawak at sentrong pamayanan na kung tawagin ay munisipyo o di kaya’y lungsod. Munisipyo man o lungsod ay pinamumunuan ng alkalde. Ang mga Barangay Captain ay nananagot sa alkalde ng lungsod o munisipyo kung saan naroon ang kanyang barangay. Ang maraming munisipyo at lungsod ang siya naman bumubuo ng lalawigan na pinamumunuan ng gobernador. Katulad ng barangay kaptain, ang gobernador ng lalawigan at ang alkalde ng lungsod o munisipyo ay kapwa hinahalal ng kanilang nasasakupan upang mangasiwa sa pagtugon ng kanilang pangangailangan. Ang pamunuan ng bawat pamayanan, munisipyo/ lungsod o lalawigan man ito ang siyang nagpapatupad ng kaayusan ng pamayanan. Sa munisipyo o lungsod, ang alkalde ang pinakapinuno at sa lalawigan naman, ang gobernador ang siyang pinakapinuno.
Bukod sa walang pasok, marahil napagisipan ninyo kung sa
tuwina ay nagkakaroon ng eleksyon. Ito ang paraan natin sa pagpili ng mga naglilingkod sa ating pamayanan, maging lalawigan o lungsod man ito. Ang pamahalaan ang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao upang mamuhay ng maayos at ligtas sa kapahamakan sa pamayanan. Ang mabuting pamamahala ay makikita sa pagbibigay ng sapat na serbisyong pangkalusugan, pangkapayapaan at pangkalikasan sa lahat ng kasapi ng lalawigan. Ang binabayad ng ating mga magulang sa kuryete o tubig ay ang serbisyo sa paggamit nito. Ang pinakatanyag na pagdiriwang sa Negros Occidental ay ang Masskara Festival. 1.MIMAROPA, kinabibilangan ng mga “island provinces” sa mga Dagat Sulu at Dagat Timog China 2.Halcon, naghahati sa Kanluran at Silangang Mindoro 3.Mindoro, tinaguriang “Food Basket” ng Timog Katagalugan 4.Puerto Princesa, tinaguriang“Pinaka-luntiang Lungsod” sa buong Pilipinas 5. St. Paul, __________Underground River na kinilala sa buong mundo bilang “7th Wonder of Nature 6.Palawan, pang-apat sa pinakamalaking lalawigan at panglima sa pinakamalaking pulo sa buong Pilipinas 7.Tubbataha Reef, ipinagmamalaking Marine Park ng Palawan 8.Romblon, dahil sa bulubunduking kapaligiran ng lalawigan mayaman ito sa marmol kaya ito ay tinaguriang “Marble Capital of the Philippines" 9.Tablas, pinakamalaking pulo ng Romblon na nasa gitnang bahagi ng lalawigan 10. Sibuyan, dito matatagpuan ang pinakamataas na Bundok Guiting-Guiting 11.Marmol, isang matibay na yamang mineral na maraming kapakinabangan tulad ng sahig ng bahay at iba pang palamuti at kagamitan sa bahay 12.Marinduque, isang lalawigan na hugis-puso ang kapuluan 13.Biniray Festival, lokal na pagdiriwang kung saan ipinapakita ang mga produktong inukit sa marmol hangang sa pagpapakita ng mga “life-size sculptures" 14.Palay, pangunahing pagkain ng mga Pilipino 15.Occidental Mindoro, tinatawag na “rice granary” sapagkat sa lalawigan na ito nangagaling ang supply ng bigas sa mga rehiyon ng Timog Katagalugan at maging ng mga rehiyon sa Visayas 16.Marine sanctuary, ibig sabihin nito ay may mga lokasyon na hindi dapat ang labis na pangisdaan 17. Datu, siyang bukod tanging nagpapatupad ng mga alintuntunin ng buong balangay 18.Barangay, organisadong komunidad na pinamumunuan ng Barangay Captain 19.Kapitan, hinahalal ng kanyang mga kasama sa barangay upang mamuno sa kanyang kabarangay 20.Alkalde, ang pinakapinuno sa munisipyo o lungsod 21.Gobernador, ang siyang pinakapinuno sa lalawigan 22.Pamahalaan, tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao upang mamuhay ng maayos at ligtas sa kapahamakan sa pamayanan 23.Calapan, kabisera ng Silangang Mindoro 24.Eleksyon, paraan ng pagpili ng mga naglilingkod sa ating pamayanan sa lalawigan man o lungsod 25.Reforestation, pagtatanim ng puno sa ating mga kagubatan