You are on page 1of 3

1. Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng mga pangunahing tauhan?

a. Berbanya b. Albanya c. Atenas d. Babilonya


2. Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?
a. Platas b. Piedras Platas c. Platas Piedras d. Piedras Platas
3. Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?
a. Tabor b. Tralala c. Arayat d. Armenya
4. Saan natagpuan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan noong tumakas ito?
a. Bundok Armenya b. Lawang Linceo c. Berbanya d. Albanya
5. Sino ang anak ni Haring Salermo at ang nakaisang-dibdib ni Don Juan?
a. Donya Maria b. Donya Leonora c. Donya Juana d. Donya Isabel
6. Sino may bihag kay Donya Juana sa palasyo nito sa ilalim ng balon?
a. Lobo b. Agila c. Higante d. Serpyente
7. Sino ang may bihag kay Donya Leonora sa palasyo nito sa ilalim ng balon?
a. Lobo b. Agila c. Higante d. Serpyente
8. Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibon?
a. Diwata b. Lobo c. Ermitanyo d. Matanda
9. Ano ang mga ginamit ni Don Juan para mahuli ang ibon?
a. dayap, kutsilyo, gintong lubid c. pagkain ng ibon
b. kutsilyo at hawla d. pana at sako
10. Sino ang hari ng Reyno de los Cristales?
a. Haring Fernando b. Haring Adolfo c. Haring Salermo d. Haring Florante
11. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?
a. namamatay b. nakakatulog c. nagiging bato d. naglalaho
12. Ano ang ibinigay ng hari kay Don Juan bago ito maglakbay?
a. salapi b. bendisyon c. pagkain d. kabayo
13. Ano ang ibingay ni Don Juan sa matandang nakasalubong niya?
a. tubig b. kanin c. tinapay d. prutas
14. Ano ang ipinahiwatig ng mga prinsipe noong humarap sila sa panganib para sa ama?
a. Wagas ng pagmamahal nila sa kanilang magulang
b. Naghahangad sila ng malaking mana mula sa hari
c. Isang kahihiyan kung hindi sila kikilos para sa ama
d. Kayabangan nila sa angking lakas at kakisigan
15. Ano ang mensaheng taglay noong tumulong si Don Juan sa matanda?
a. Likas siyang maawain at mapagkawanggawa
b. Alam niyang may maitutulong ang matanda kaya ginawa niya ito
c. Nais ni Don Juan ng gabay sa kaniyang misyon
d. Maka-Diyos si Don Juan at mapalanginin
16. Bakit nagkasakit si Haring Fernando?
a. Siya ay nanaginip c. May lumason sa kanya
b. May epidemya sa kaharian d. Siya ay isinumpa
17. Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan para makuha ang ibon?
a. binugbog b. itinali c. nilunod d. binitag
18. Ilang buwan ang ginugol ni Don Juan sa kanyang paglalakbay?
a. tatlo b. apat c. lima d. anim
19. Ano ang sinabi nina Don Pedro at Don Diego sa hari noong sila ay bumalik?
a. Hindi nila alam kung nasaan si Don Juan
b. Nagpaiwan si Don Juan sa isang bundok
c. Sumama si Don Juan sa isang ermitanyo
d. Nilapa si Don Juan ng isang lobo
20. Kanino humihingi si Don Juan ng tulong kapag siya ay nasa pagsubok?
a. sa kapatid nya b. sa hari c. sa diwata d. sa mahal na birhen
21. Ano ang nangyari pagkatapos gamutin ng matanda si Don Juan?
a. dinala niya ito sa kanyang bahay c. tinuruan niya ito na gumanti
b. pinabalik niya ito sa Berbanya d. binigyan niya ito ng agimat
22. Ano ang inabutan ni Don Juan nang makabalik siya sa Berbanya?
a. Ang matandang ermitanyo na nagkwento sa hari ng mga pangayayari
b. Nagsasaya ang mga tao dahil gumaling na ang hari
c. Maysakit pa rin ang hari at ayaw umawit ng ibon
d. Naglalamay dahil namatay na ang mahal na hari
23. Sino ang nagsalaysay ng tunay na nangyari sa Bundok ng Tabor?
a. Ibong Adarna b. matanda c. Don Juan d. ermitanyo
24. Paano pinatunayan ni Don Juan ang pagmamahal sa mga kapatid niya?
a. ipinauwi niya ang ibon kina Don Pedro at Don Diego
b. hiniling niya na patawarin ng hari ang mga kapatid
c. hindi nalang niya sinabi ang katotohanan sa hari
25. Bakit hinatulan ng hari sina Don Pedro at Don Diego?
a. dahil inangkin ng mga ito ang ibon
b. dahil pinagtulungan nila si Don Juan
c. dahil sinabi nila na hindi nila alam kung nasaan si Don Juan
d. dahil sa lahat ng nabanggit
26. Sino ang ipinalagay ni Don Juan na kaawa-awa kung di sila mapapatawad?
a. ang kanyang mga kapatid
b. ang matanda at ang ermitanyo
c. ang mahal na hari at reyna
d. ang Ibong Adarna

Suriin ang katangian ng mga tauhan sa mga sumusunod na pahayag.


27. “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan mong matapos ang
panata ko sa Panginoon.” (Donya Leonora)
a. maka-Diyos b. malungkutin c. mahilig mapag-isa d. masunurin
28. “Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po’y kasalanan
patawad mo’y aking hintay.” (Donya Leonora)
a. maawain b. mapagmahal c. mapagkumbaba d. maka-Diyos
29. “O Panginoong Haring Mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo’y mahabag na, ituro yaong
landas.” (Don Juan)
a. maawain b. mapamahiin c. matatakutin d. madasalin
30. “O kasi ng aking buhay, lunas nitong dusa’t lumbay, ano’t di ka dumaratal? Ikaw kaya’y
napasaan?”(Donya Leonora)
a. nangungulila b. nagagalit c. natatakot d. nayayamot
31. “Huwag Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin, dito ako’y hintayin, ako’y agad babalik din.”
(Don Juan)
a. mayabang c. mahilig sa pakikipagsapalaran
b. maalalahanin d. gagawin lahat para sa minamahal
32. “Mga mata’y pinapungay, si Leonora’y dinaingan, Prinsesa kong minamahal, aanhin mo si Don Juan?”
(Don Pedro)
a. mayabang b. mapag-alinlangan c. mapang-alipusta d. taksil sa kapatid
33. “Kapwa kami mayro’ng dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa
akin ang kaharian.” (Don Pedro)
a. mayaman b. mapagmahal c. mayabang d. mapagpakumbaba
34. “Pairugan si Leonorang magpatuloy sa panata, Pedro’y pasasaan bagang di matupad iyang pita?”
(Haring Fernando)
a. mapagbigay b. matapatc. konsintidor na ama d. malupit na ama

Tukuyin ang mga isyung may kaugnayan sa mga pahayag sa akda.


35. “Iya’y munting bagay lamang, huwag magulumihanan kaydali tang malusutan.” (Donya Maria kay
Don Juan)
a. Ang mga babae ay may taglay ding natatanging kakayahan tulad ng mga lalaki
b. Likas sa mga babae ang maging mapagmataas o mayabang
c. Higit na mapamaraan ang mga babae kaysa sa mga lalaki
36. “Luha’t lungkot ay tiniis nang dahilan sa pag-ibig, pangiti ri’t walang hapis na sa sinta’y nagsulit.”
(Donya Maria)
a. Siya ay tulad ng mga babae ngayon na gagawin lahat para sa pag-ibig kahit ito ay pagsuway sa
magulang
b. Siya ay tulad ng ibang kabataan ngayon na nakararanas ng luha at pait dahil bigo sa pag-ibig
c. Siya ay larawan ng kasayahan dahil sa puso’y naghahari ang tunay na pag-ibig
37. “Nilapitan ang matanda buong suyong napaawa, siya nama’y kinalinga’t dininig sa ninanasa.” (Don
Juan)
a. Ang pagtulong sa matanda ay dapat panatilihin ng kabataan
b. Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin
c. Walang taong maaaring mabuhay ng mag-isa
38. “Hindi mo ba nababatid, Don Juan kong iniibig, itong lilo mong kapatid sa ayaw ay namimilit.”
(Donya Leonora)
a. May mga taong taksil sa pag-ibig
b. May mga taong labis na makulit makamit lamang ang ang ninanais
c. May mga taong mandaraya na gumagawa sa maling paraan
39. “Sila nga’y naging talunan nadaig sa karunungan ng haring aking magulang bato ang kinahangganan.”
(Donya Maria)
a. may mga politikong mapang-abuso sa kapangyarihan
b. ginagamit ng mga politiko ang kapangyarihan nila upang magparusa
c. Maaaring gawin ng politiko ang anumang gustuhin niya

Piliin kung anong maaaring mangyari sa tauhan sa mga sumusunod na pangungusap.


40. “Doon ay kanyang dinatnan ang isang ermitanyong mahal, ang balbas ay hanggang baywang
kasindak-sindak pagmasdan.” Anong nangyari sa matanda nang makita si Don Juan?
a. Malugod nitong tinanggap si Don Juan sa kanyang bahay
b. Nagtago ang matanda sa binata
c. Nagulat ang matanda sa hitsura ni Don Juan
41. “Pagkat di nakatiis na timpiin ang pag-ibig, ninakaw na yaong damit ng prinsesang sakdal-dikit.” Ano
ang naramdaman ni Donya Maria nang makitang na kay Don Juan ang kanyang damit?
a. Natuwa at humanga sa binata
b. Nagalit siya sa binata
c. Natakot siya dahil may nanilip sa kanila
42. “Di kawasa ang nasabi, ‘Kahanga-hangang prinsipe dunong nito’y pagkabuti tila ako’y maaapi.” Anong
naramdaman ni Haring Salermo nang makita niyang nagtagumpay si Don Juan sa kanyang pagsubok?
a. Paghanga sa prinsipe at agad-agad ipinakasal si Donya Maria dito
b. Natakot at naisip na may itim na kapangyarihan ang prinsipe
c. Nag-isip at nagbigay ng iba pang pagsubok sa prinsipe

Suriin ang mga kaisipang mula sa akda at tukuyin kung ito ay tama o mali.
a. Tama b. Mali

43. Mula sa Reyno de los Cristales ay agad-agad humarap sina Don Juan at Donya Maria kay Haring
Fernando.
44. Nais ni Juan na mabigyan ng marangal na pagtanggap si Donya Maria sa araw na iniharap niya ang
dalaga sa mga magulang.
45. Nagtagumpay si Haring Salermo na mahadlangan sina Don Juan at Donya Maria hanggang sa huli.
46. Noong bumalik si Don Juan, ang lahat ng tao sa kaharian ng Berbanya ay nagsaya maliban kina Don
Pedro at Don Diego.
47. Pitong taong nagtiis si Donya Leonora alang-alang sa kanyang wagas na pagmamahal kay Don Juan.
48. Sa huli, naging hari si Don Pedro ng Berbanya at nakasal siya kay Donya Leonora.
49. Pinamunuan nina Don Juan at Donya Maria ang kaharian ng Reyno de los Cristales nang yumao si
Haring Salermo.
50. Nagtanan sina Donya Leonora at Don Juan upang hindi matuloy ang pasya ng haring ipakasal ang
prinsesa kay Don Pedro.

You might also like