You are on page 1of 4

THIRD GRADING

WRITTEN WORKS (40%)


Post – test
Pag-unawa sa binasa

PERFORMANCE TASKS (60%)


ISAGAWA
PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN
Module 2
SUBUKIN
Gawain 3: Pag-unawa sa binasa o napanood/napakinggan
Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay na isang
buong papel.

1. Isa-isahin ang mga kahanga-hangang katangian ng pangunahing tauhang si


Sundiata
2. Mayroon bang suliranin o mga suliranin ang nangingibabaw sa epiko? Isa-isahin
ang mga ito
3. Ang mga suliranin ba ay may kaugnayan sa nagaganap sa kasalukuyan?
Pangatuwiranan ang sagot.
4. Sa iyong palagay, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa?
5. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit?
6. Bakit mahalagang magplano sa anumang gawain o hangarin?
7. Kaninong tauhan sa epiko maihahambing ang sarili? Ipaliwanag ang sagot.

ISAGAWA
Gawain 6: Mahalagang Perspektibo, ipahayag mo
A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa grapikong presentasyon. Sagutin ito sa
sagutang papel. Sundin ang pormat sa ibaba.

Sumipi ng pahayag na may kaugnayan sa sumusunod:

Lugar Kondisyon ng panahon Kasaysayan ng akda

Kahalagahang binigyang-diin sa akda

Pansarili Panlipunan Pandaigdig

B. Panuto: Iugnay sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan ang mga piling


pahayag na kakikitaan ng mga suliraning umiiral sa akda na nakasulat sa unang
kulum ng talahanayan at ipaliwanag ang ginawang pag-uugnay. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel. Sundin ang pormat ng talahanayan.

Pahayag na hango sa akda Kaugnayan sa Paliwanag


pandaigdigang
pangyayari/lipunan
Sa bayan ng Niani, walang
ibang pinag-uusapan kundi
si Djata; ang mga ina’y
hinihikayat ang kanilang
mga anak na lalaki na
samahan si Djata sa
pangangaso o makipaglaro
sapagkat nais nilang
makinabang ang mga
inakay sa tinatamasang
kabantugan ng anak ng
babaing magsasaka. Ang
pahayag ni Doua sa araw ng
pagngangalan sa anak ni
Sogolon ay nanariwa sa
kalalakihan. Si Sogolon ay
napapalibutan ngayon ng
mataas na paggalang;

Humayo si Sundiata at
nagtayo ng kampo sa
Dayala na nasa lambak ng
Niger. Hinarangan niya ang
daan ni Soumaoro patungo
sa Timog. Sa panahong
iyon, patuloy ang labanan
sa pagitan ng dalawa
bagaman wala ni isa man
ang naghayag ng digmaan.
Walang nagtataguyod ng
isang digmaan nang hindi
inilalahad ang ugat nito.
Ang nagtutunggali ay
nararapat na isa-isahin ang
kanilang karaingan bago
ihudyat ang simula ng
digmaan. Kaparis ng isang
salamangkero na
kailangang huwag lusubin
ang isang tao nang hindi
siya inaanyayahang
tanggapin ang tungkulin na
gawin ang masamang
gawain, dahil dito ang hari’y
hindi dapat mandigma nang
hindi ibinubuka ang bibig sa
sanhi ng pagsasakatuparan
nito.

PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 7: Manood, Magsuri
Panuto: Panoorin ang trailer ng pelikulang Heneral Luna at suriin ang tinalakay na
paksa at ang pagkamagiting ng pangunahing tauhan sa pakikipaglaban. Ihambing ito
sa paksa at sa tauhan ng binasang epiko na Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba para sa inyong mga sagot. Maari ninyong esearch
o gamitin ang link na https://youtube.be/l_T1ykhy3Fg

Akda Pagkakatulad
paksa Katangian ng Mga nagawa sa
Pangunahing bayan
Tauhan
Sundiata: Epiko ng
Sinaunang Mali

Heneral Luna

TAYAHIN

You might also like