You are on page 1of 6

Learning Area Filipino Grade Level Ikalima

W6 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Pagtukoy ng Simuno at Panaguri at Pagbibigay ng Angkop na Pamagat


sa Tekstong Napakinggan
II. MOST ESSENTIAL Nasasabi ang simuno at panag-uri sa pangungusap. F5WG-IIIi-j-8
LEARNING Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan
F5PN-IIIi-j-17
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT A. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,karanasan at damdamin
at naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan

 Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap.


 Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan.
 Naipapakita ang masusing pag-iisip sa pagbibigay ng hatol sa kapwa.

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Time Frame
A. Introduction 30 minuto Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagtukoy kung alin ang
Panimula simuno at panaguri sa pangungusap at ang wastong paraan ng
pagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan.
Sa tulong ng iyong magulang o kasama sa bahay, ipabasa ang
tekstong “Ang Mga Magnanakaw” na makikita sa pahina 158-159 ng
Alab Filipino 5( Batayang Aklat).
Sa iyong palagay, angkop ba ang pamagat sa tekstong
napakinggan? Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata,
kailangan alamin mo muna ang paksang diwa o paksang
pangungusap nito. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili
ng pamagat. Ang pangunahing diwa ang pinaka buod ng mga
pangyayari sa talata o kuwento. Ang paksang pangungusap ang
pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing
diwa ng talata o kuwento. Angkop ba ang pamagat na “Ang Mga
Magnanakaw” sa paksang diwa ng kuwento? May naiisip ka bang
iba pang naaangkop na pamagat para sa teksto?
Pansinin ang paraan ng pagkakasulat ng pamagat. Kailangang
simulan sa malaking titik ang mahahalagang salita sa pamagat.
Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita sa pamagat
ng talata o kuwento. Mahalagang tandaan na sa pagbibigay ng
pamagat, mabuting gawin itong maikli at nakakatawag ng pansin.
Ito ay kalimitang humihikayat sa mambabasa na ituloy ang
pagbabasa sa akda. Noong nabasa mo ang pamagat ng kwento,
may mga katanungan ba agad na pumasok sa iyong isipan?
Bakit kailangan ang masusing pag-iisip sa pagbibigay ng hatol sa
kapuwa? Naranasan mo na bang maparusahan dahil sa kasalanang
hindi mo naman ginawa o sinadya? Ano ang iyong naramdaman?
Paano makabubuo ng pangungusap na may simuno at
panaguri? Sa pagtukoy ng simuno at panaguri, alamin mo muna
kung alin ang pinag-uusapan at ang nagsasabi o naglalarawan ng
tungkol sa pinag-uusapan.
Ang pangungusap ay salita o grupo ng mga salita na may buong
diwa. Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang panaguri.
Ang simuno ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. Ang
panaguri naman ang nagsasabi o naglalarawan ng tungkol sa
simuno.

Pansinin ang halimbawa:

1. Ang p ulubi ay nagnakaw ng pagkain.


S P
2. Ang p ulubi ay pupugutan ng ulo.
S P
3. Pinatawad ng hari ang pulubi.
P S
Pansinin na isang salita lamang ang may salungguhit sa bawat
simuno at panaguri. Mahalagang tandaan na sa pagtukoy ng
simuno at panaguri ay mayroong pinaka simuno at pinaka-panaguri.
Subalit kung ang hinihingi ay buong simuno at buong panaguri ay
isasama ang ibang mga salita tulad ng (ay, ang, ang mga at iba
pa…)

Pansining mabuti ang halimbawa.


1.Ang pulubi ay nagnakaw ng pagkain.
Buong Simuno Buong Panaguri

2. Ang
pulubi ay pupugutan ng ulo.
Buong Simuno Buong Panaguri

3. Pinatawad
ng hari ang pulubi.
Buong Panaguri Buong Simuno

Pansinin din na maaring magkapalit ng puwesto ang simuno at


panaguri.
Kalimitan sa simuno ay pangngalan samantalang ang
panaguri ay sa pandiwa nagsisimula.

*(Basahin ang karagdagang kaalaman na makikita sa Batayang Aklat


na Alab Filipino 5 sa pahina 160, MISOSA)
B. Development 60 Subukin natin kung naunawaan mo ang mga pagtalakay na nabasa
Pagpapaunlad minuto mo sa Panimula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung ang salitang may


salungguhit ay simuno o panaguri sa bawat pangungusap. Isulat ang
S kung simuno at P naman kung panaguri.
1. Maraming tao ang naparusahan ng hari.
2. Ibinigay ng pulubi ang buto sa hari.
3. Nagutom ang pulubi at nagnakaw ng mga pagkain.
4. May pakialam ang hari sa buhay ng mga tao.
5. Pinatawad ng hari ang pulubing nagnakaw sa kaharian.
(Sanggunian: Alab Filipino 5, pahina 160.)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: : Sa tulong ng iyong magulang o


kasama sa bahay, ipabasa ang teksto sa bawat bilang. Piliin sa
kahon ang angkop na pamagat.

1. Masaya ang araw ni Franna. Pumunta sila sa Gingerbread House.


Maraming maaaring gawin doon. Naglaro sila ng kanyang kapatid
sa slide at duyan. Gumawa din sila ng Gingerbread house gamit ang
mga biskwit at kendi. Bumili din sila ng mga masasarap na tinapay.
Tunay ngang hindi malilimutan ni Franna ang araw na iyon.
2. Ang bulaklak ay ang bahagi ng halaman na responsable para sa
pagpaparami. Bukod dito ito ay bahagi ng halaman na
nagpapaganda sa sa paningin ng bawat halaman. Bawat halaman
ay may kanya-kanyang kaakit-akit na anyo dahil sa bulaklak.
3. Ang mga hayop ay maaring mabuhay sa iba’t-ibang klaseng
lugar. Sa kagubatan ay maaaring mabuhay ang iba’t ibang hayop
tulad ng mammal, ibon, amphibians, isda at mga reptilya. Kahit na
nagkalat ang mga balita tungkol sa pagkakalbo ng kagubatan. May
mga kagubatan pa ring nanatili sa pagkakaroon mga kakaiba at
kamangha-manghang mga hayop.
4. Ang bawat isa sa atin ay hindi na bago sa paggamit ng Internet.
Ito ay naging bahagi na ng buhay at sa pang-araw araw natin.
Malaki at marami na ang nasasaklaw ng Internet. Kahit saan ka
tumingin sa bawat sulok ng mundo nandyan ang Internet. Ito ay
naging isa na rin sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat
tao.
5. Hindi lingid sa ating kaalaman na nagiging problema sa ating
panahon ang tungkol sa basura. Karaniwang problema din ang
pagsusunog ng basura sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin
at ipunin sa isang tabi. Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa
lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong
kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.
C. Engagement 60 Upang mas lalo mo pang matutunan ang araling ito, sagutin mo ang
Pakikipagpalihan minuto mga sumusunod na pagsasanay:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Salungguhitan ang buong simuno at


bilugan naman ang buong panaguri.
1. Mayaman sa likas na yaman ang bansa.
2. Ang bagyong dumaan ay sumira ng isang buong barangay.
3. Nakakalbo na ang mga kagubatan sa ating bansa.
4. Malakas ang bagyo sa Kabisayaan.
5. Si Jose ay sabik ng pumasok sa paaralan.
*Sanggunian: Suhay 5, Wika at Pagbasa, pahina 43

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa tulong ng iyong magulang


ipabasa ang teksto at unawain ang mga ito sa bawat bilang.
Pagkatapos, bigyan ito ng magandang pamagat na
naaangkop sa paksa. Gamitin ang rubriks na nasa ibaba sa
pagbibigay ng pamagat.

1.
Isang bakasyon, sa likuran ng hardin sa lumang bahay nina tatay
sa Lungsod ng Vigan, isang lumang bahay nina tatay sa Lungsod
ng Vigan, isang lumang barya ang aking nakita. Agad ko itong
pinulot at pagkatapos ay tumakbo ako kay Lola. Tinanong ko siya
kung tama nga ang aking hinagap, kung ito nga ay piso ng
nakaraang lipunan. Mabilis ang tugon ni Lola, at sinabing iyon
nga ang piso noong kanilang panahon. May kalakihan at may
kabigatan, hindi gaya ng hitsura ng piso ngayon.
(Sanggunian: Alab Filipino 5, pahina 44.)

2.
Kung pupunta ka sa Sagada, ihanda ang iyong sarili para sa mga
pambihirang karanasan. Maliit na bayan ang Sagada ng
Lalawigan ng Mountain Province sa Cordillera Administrative
Region (CAR).
Malayo sa urban na pamumuhay ang Sagada. Malayo sa
industriyalisasyon. Kaya kung nagnanais ka ng payapa,
maaliwalas, liblib na lugar, may sariwang ihip hangin, sariwang
mga gulay at prutas, sa Sagada ka pumunta. Sa mga tanawin
naman ay nariyan ang Kiletpan View, na sa madaling-araw
pinupuntahan ng mga turista sapagkat inaabangan dito ang
pagsikat ng araw, Hanging Coffins, mga kabaong ito na patong
patong na nakasabit sa limestone karst cliffs, ang talon ng
Bomod-ok, at marami pang iba. (Sanggunian: Alab Filipino 5,
pahina 44.)
KRAYTERYA PUNTOS

Nakaayon sa kabuuang paksa ng talata at ginamit 5


nang wasto ang malaking titik sa pagsulat. puntos

Bahagyang nakaayon sa kabuuang paksa ng talata 3


at ginamit nang wasto ang malaking titik sa pagsulat. puntos

Nakasulat ng pamagat ngunit walang kaugnayan sa 2


paksa. puntos

RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG PAMAGAT

Mahusay! Binabati kita at natapos mo na ng mga pagsasanay.


Sa susunod na aralin ay iyong matututuhan ang paggawa ng e-
mail at pagsusulat ng sulating pormal at di-pormal.
D. Assimilation 30 Tingnan natin kung gaano ang iyong pagka-unawa sa ating
Paglalapat minuto tinalakay na aralin. Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Mahalagang alamin ang ng teksto sa pagbibigay ng


pamagat nito. Ang pangunahing diwa ang ng mga
pangyayari sa talata o kuwento. Ang dalawang bahagi
ng pangungusap ay ___ at ________________. Ang
simuno ay ang ___ at ang panaguri naman ang
___ sa paksa o simuno.
V. ASSESSMENT 50 Ating sukatin ang iyong nalalaman sa wastong pagbibigay ng
(Learning Activity Sheets minuto pamagat at pagtukoy sa simuno at panaguri. Gawin ang sumusunod
for Enrichment, na pagsasanay.
Remediation or
Assessment to be given Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sa tulong ng iyong magulang o
on Weeks 3 and 6) nakatatandang kapatid ay ipabasa ang teksto sa ibaba.
Pagkatapos ay isulat ang pamagat ng tekstong napakinggan.
Pagtapos ay kopyahin teksto at tukuyin ang simuno at panaguri.
Salungguhitan ang simuno at bilugan naman ang panaguri.

(1) Ang pagbabasa ay isang libangan na may magandang


maidudulot sa bawat tao. (2)Nakakalilinang ito ng kasanayang
magagamit sa pang-araw araw na buhay. (3)Ito ay isa sa mga
kailangan upang maunawaan ng isang tao ang mga nakasulat sa
mga pahina na makapagbibigay ng kakayahang maibigkas ito sa
pamamagitan ng pagsasalita. (4)Mahalaga ito dahil ito ang
pangunahing kailangan sa pagdiskubre ng bagong mga kaalaman.

VI. REFLECTION 10 Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o


minuto realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na ________________________________________.
Nabatid ko na _______________________________________________.
Naisasagawa ko na __________________________________________.

Prepared by: JESSICA P. MUSTAZA Checked by: MARIBETH C. RIETA


LEA A. DEL MUNDO EPS Filipino
pinasa niya ito sa ingat-yaman ng palasyo ngunit tumanggi rin ito. Inamin niyang minsan ay kinupitan na
niya ang pondo ng kaharian. Sa kabila ng mga pagtatapat na ito ay pinatawad sila ng hari.

Naiyak ang pulubi at tinanong ang hari, “Bakit hindi sila parurusahan kahit na malaking
bagay ang kanilang mga kinuha? Pagkain lamang ang aking ninakaw, ngunit pupugutan
kaagad ako ng ulo?”

Hindi nakakibo ang hari at hindi na rin nito itinuloy ang pagpugot sa ulo ng pulubi.

Sanggunian:
Abad, Purification A., et.al. (2016), Kagamitan ng Mag-aaral – Baitang Lima Unang
Edisyon, DepEd LRMDS -Sangay ng Lungsod ng Antipolo
Agarado, Patricia Jo C.,et.al. (2016) Alab Filipino 5. Inilathala ng Vibal Group, Inc.,1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Philippines. Pp. 158-159
Deogracias DC. Santos,et.al. (2012) Suhay 5 Wika at Pagbasa. Inilathala ng VICARISH PUBLICATION &
TRADING,INC.,1946-a,F.Torres St.,corner Diamante Ext., Pasigline Sta.Ana, Manila pp.43

You might also like