You are on page 1of 16

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4 : Pananalig at Pagmamahal sa Diyos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Grace R. Paner
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD / Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4

Biyaya sa Iyo, Pahalagahan


Mo
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng
Modyul para sa araling Biyaya sa Iyo, Pahalagahan Mo !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul ukol


sa Biyaya sa Iyo, Pahalagahan Mo !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


mapahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga
materyal na bagay pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit.

PAUNANG PAGSUBOK

Tingnan ang mga larawan . Kulayan ng berde ang bilog kung ito
may pagpapahalaga sa lahat ng mga may likha at pula kung
hindi.
1) 2)

3) 4)

5)
BALIK-ARAL

Lagyan ng tsek ang kahon (✓) kung ang pahayag ay tama at ekis
(x) kung hindi.

1. Pinahahalagahan ko ang aking buhay dahil kaloob


ito ng Diyos.
2. Nilikha ng Diyos ang ating kapuwa upang iasa natin
sa kanila ang anumang pagsubok kaya pahalagahan
natin sila.
3. Ang pagtulong sa kapuwa sa panahon ng kahirapan,
kaguluhan at malnutrisyon ay tanda ng
pagmamahal.
4. Tinatanggap ko nang maluwag sa kalooban ko ang
aking kapatid na may kapansanan.
5. Tayo ay nilikha upang ihayag o ipakilala ang
kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng
kabutihan sa kapuwa.

ARALIN
Ang buhay natin ay maituturing na napakagandang
biyaya mula sa Maykapal. Paano mo pinangangalagaan ang iyong
sarili upang maka-iwas sa sakit? .

Basahin ang tula.


GABAY SA KALUSUGAN
I
Isa sa tungkulin nating mag-aaral
Panatilihing malusog ang ating katawan
Gawain sa araw-araw ay magagampanan
Magandang pamumuhay ating makakamtan.
II
Mga guro sa paaralan, itinuturo sa atin
Ang ilang mahalagang mga tuntunin
Tungkol sa kalusugan nararapat na sundin
Na sa araw-araw nagiging gabay natin.

III
Kumain sa tuwina masustansiyang pagkain
Panatilihing malinis , tubig inumin
Sa mga langaw, alikabok , pagkain ingatan din
At sa manggagamot laging magpatingin.

IV
Ugaliing malinis ang kapaligiran
Sa tahanan, paaralan gayundin sa pamayanan
Itapon ang basura sa kaukulang lugar
Upang sakit at epidemya ating maiwasan.

V
Kung ang mga ito’y susundin, tatandaan
Mga batang malulusog ating mamamasdan
Malayo sa sakit ,mga karamdaman
Kaya sila’y hiyas ng ating lipunan.

Ano ang paksa ng


tula?
Ano- anong tuntuning
pangkalusugan ang
nabanggit sa tula?

Bakit kailangan ang


malusog na katawan?

Ikaw ba ay
malusog? Magbigay
ng palatandaan.

Madalas nating naririnig ang kasabihang “Ang kalusugan ay


kayamanan” o mas tanyag na “Health is Wealth”. Isa itong
mahalagang paalala na pangalagaan natin ang sarili nang sa
gayo’y maka-iwas sa anumang sakit. Madalas nating naririnig sa
mga nakatatanda na “kumain ng gulay para humaba ang iyong
buhay” sapagkat ang mga gulay ay nagtataglay ng ibat-ibang
bitamina at mineral na lubos ng kailangan ng ating katawan. Ang
mga magulang din natin ay walang sawang nagpapaalala na
iwasan ang madalas na pagpupuyat sapagkat maaari itong
magdulot ng iba’t-ibang karamdaman. Ang ating kumunidad ay
patuloy din ang paalala na palakasin ang resistensya.
Bagama’t ang ating hangarin ay mabuti, ang pag-iwas sa
pagkakaroon ng sakit ay may mga balakid tulad ng katayuan sa
buhay at pagkakakulong sa makalumang kaisipan. Sa ngayon,
isang malaking hamon para sa ating lahat ang paglaganap ng sakit
na COVID-19. Buong mundo ay lubhang naapektuhan ng
suliraning ito. Ang iba’t-ibang bansa ay pansamantalang
isinailalim sa “lockdown” upang maagapan ang lalong pagkalat ng
mapaminsalang sakit. Ang ating pamahalaan ay lubos ang paalala
para maka-iwas sa virus. Paano mo pinapangalagaan ang iyong
sarili upang maka-iwas sa sakit sa panahon ngayon.

MGA PAGSASANAY

I. Kulayan ng pula ang puso kung ang sumusunod ay


nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga likha tulad ng pag-
iwas sa pagkakaroon ng sakit at dilaw ang kung hindi.

1. Masayang naglalaro ang mga bata sa ulan.

2.Pananatili sa loob ng bahay dahil sa ipinagbabawal


ang paglabas ng bahay dulot ng napapanahong
pandemya.
3. Palaging paghuhugas ng kamay lalo na bago at
pagkatapos kumain.

4. Pamamahagi ng health kit para sa mga lubos na


nangangailangan.

5. Madalas kumakain ng tocino , hotdog at barbeque


dahil paborito ko ito.
II. Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng paglalagay ng
tsek( ✓ ) sa angkop na hanay.

Ako ba ay… Madalas Minsan Hindi


1.nakikinig kapag may nagsasalita?
2. nagtatakip ng aking bibig kapag
umuubo, bumabahin o naghihikab?
3. humihingi ng tawad kapag
nakasakit sa iba?
4.nagbibigay ng upuan sa
nakatatanda?
5. tinatawag ang kapuwa-tao gamit
ang kanilang pangalan?

a. Batay sa iyong sagot , ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong


sarili?
_____________________________________________________________________
b. Kulayan ang mukha ng iyong nararamdaman batay sa iyong
natuklasan. Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________
c. Ano kaya ang maari mong gawin sa minsan mo lang ginagawa?
_____________________________________________________________________
d. Kung hindi mo ginagawa ang mga nararapat mong gawin ano ang
maaring maging bunga nito sa iyo at pakikitungo sa iyong kapuwa?
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
III. Sagutin ang sumusunod na sitwasyon.
Paano mo nga ba mapahahalagahan ang iyong buhay?
1.Batay sa napapanahong balita, ang paglaganap ng sakit na
COVID-19 ay nakababahala at nakatatakot.Paano mo iniingatan
ang iyong sarili upang malayo sa sakit na ito?
___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

2. Basang -basa ka ng pawis. Paano mo maipakikita ang pag-


iingat upang hindi ka magkasakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Papaalis ka ng bahay . Napansin mong umaambon na. Ano ang
dapat mong gawin?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Nabalitaan mo ang mga payo kung paano maiiwasan ang sakit
na COVID-19. Ano ang gagawin mo sa mga payo na iyong
natutuhan mula sa balita?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Alam mong masustansiya ang gulay. Ngunit ayaw mong
kumain nito. Inimbitahan ka ng kaibigan mo ngunit ang ulam nila
ay gulay. Ano ang gagawin mo?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
PAGLALAHAT

Punan ang patlang upang mabuo ang talata. Piliin ang


sagot sa loob ng kahon.

Ang ating ___________ay ipinagkaloob sa atin ng


___________. Nararapat lamang na ito ay pahalahagahan
at___________ para sa sarili natin at para sa iba na
nagmamahal sa atin. Sinuman at lalo’t higit ang Diyos ay
magiging __________ kung inaalagaan natin ang ating
kalusugan at pangangatawan. Inaasahan Niyang mapalago
natin at mapangalagaan ang lahat na Kaniyang Likha kung
tayo ay ___________ at iwas sa pagkakaroon ng sakit.

Diyos , buhay masaya , malusog , ingatan

PAGPAPAHALAGA

Iguhit ang masayang mukha kung nakabubuti para sa sarili at


malungkot na mukha kung hindi.

1. Madalas na pagpupuyat sa gabi dahil sa facebook

2. Sumusunod sa mga patakarang pangkalusugan para


ligtas sa anumang sakit.
3. Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay
malusog.
4. Pag-iwas sa pag-inom ng gatas dahil nakasisira ito ng
tiyan.
5. Natutulog nang walo hanggang sampung oras bawat
araw
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga


sa kalusugan?
A. Paglalaro ng computer games magdamag.
B. Panonood ng telebisyon ng walong oras.
C. Pag -eehersisyo ng dalawang beses sa isang buwan.
D. Pagtulog sa tamang oras at pagkain ng masustansiyang
pagkain.
2. Ang sumusunod ay tumutukoy sa pag-iwas sa sakit na COVID-
19, maliban sa isa. Alin ito?
A. Pagkain ng masustansiyang pagkain.
B. Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
C. Pakikisalamuha sa mga tao na walang suot na facemask.
D. Pagtulog ng sapat na oras at pag-eehersisyo araw-araw.

3. Bumisita sa inyong bahay ang iyong kaibigan kasama ang


pinsan niyang balikbayan. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang
ihahain mo sa kanilang meryenda?
A. pizza at softdrinks
B. junk foods at softdrinks
C. hotdog at pineapple juice
D. suman sa ibos at tsokolateng tablea

4. Alin sa sumusunod na gawi ang nagpapakita ng pag-iwas sa


sakit na COVID-19?
A. Pagpapalipad ng saranggola upang malibang.
B. Makipagsiksikan sa pagbili sa palengke.
C. Mananatili sa loob ng tahanan at sumunod sa payo ng
ahensiyang pangkalusugan.
D.Pagkaroon ng pagtitipon tulad ng pagdiriwang ng
kaarawan.

5. Ano ang pakiramdam natin kung tayo ay malusog?


A. masaya at panatag ang loob
B. malungkot at laging galit
C. masaya ngunit bugnutin
D. tamad mag- aral at antukin
SUSI SA PAGWAWASTO
5. berde 5.
5. ✓ 4.
4.pula
4. ✓
3.pula 3. mag-aaral.
3. ✓ batay sa saloobin ng
2. berde
2. Ang mga sagot ay
2. ×
1. berde
Pagsasanay 2
1. ✓ 1.
Pagsubok
Paunang- Balik-Aral
Pagsasanay 1

5. malusog
kumain ng gulay. 5.
5.Pipilitin ko ang aking sarili na 4. masaya
4.
laban ang sakit na Covid-19
3. ingatan
ahensiyang pangkalusugan upang 3.
4. Sumunod sa mga payo ng 2. Diyos
2.
3. Magdala ng payong o kapote.
1. Buhay
1.
2.Magpapalit ng damit.
PAGLALAHAT
katawan. Papapahalaga
1. Panatilihing malusog ang

Mga Posibleng sagot.

Pagsasanay 3 PANAPOS NA PAGSUSULIT


1. D 2. C 3. D 4.C 5. A
SANGGUNIAN
Kagawarang ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Patnubay ng guro, Vibal Group
Inc., 2015 pp. 231-233

Kagawarang ng Edukasyon ,Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral, Vibal


Group Inc., 2015 pp. 276-277

Pat Novesteras, Rose Pardilla, Erlinda Reyes, Carmen Ocampo, Leonil Reyes,Likas ng Pag-
uugaling Pilipino 4, Saint Mary’s Publishing Corporation,2006 pp. 10-11

www.slideshare.net

https://images.app.goo.gl/RonkegqBkdQcQsgP9

You might also like