You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pananalig at Pagmamahal sa Diyos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Grace R. Paner
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD / Josepjine Z. Macawile
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5

Pagpapahalaga ang lahat ng


mga likha:
may buhay at materyal
INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


mapahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at materyal
na bagay katulad ng paggalang sa kapuwa tao.

PAUNANG PAGSUBOK
Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng
tamang paggalang sa kapuwa-tao?
A. Pamimigay ng relief goods sa mga piling nasalanta ng
pagputok ng bulkan.
B. Pasasalamat sa mga frontliners sa pamamagitan ng
paghahandog ng isang awitin.
C. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga may sakit ng COVID-
19.
D. Ang pamilyang Santos ay pinaaalis ng may-ari ng bahay
dahil sa hindi nakabayad ng upa.

2. Napanood mo sa telebisyon ang malaking pinsala dulot ng


pagputok ng bulkan. Maraming nangangailangan ng pagkain,
gamot at damit. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagdasal ang mga biktima ng pagputok ng bulkan.
B. Magdonate ng pagkain , gamot at lumang damit.
C. Sabihin sa kapitbahay ang napanood sa telebisyon.
D. Hindi na lang papansinin.

3. Paano mo mailalarawan ang isang komunidad kapag walang


diskriminasyon lalo na sa napapanahong krisis?
A. masaya at mapayapa
B. magulo at malungkot
C. may takot at pag-aalala
D. malungkot at may pangamba
4. Ang ating mundo ay nakararanas ng pagsubok, ang paglaganap
ng sakit na COVID-19. Paano mo iniiwasan ang takot at
pangamba sa kabila ng nakamamatay na sakit na ito?
A. Pagdadasal kasama ang buong pamilya.
B. Magpopost sa facebook na nakakaaliw na biro para sa mga
kaibigan.
C. Magbenta ng mga produkto gamit ang online.
D. Makipaglaro sa kapitbahay.
5. Nasunog ang bahay ng pamilyang Santos sa pagputok ng linya
ng kuryente. Paano mo sila matutulungan?
A. Kuwentuhan ang pamilya upang sila ay malibang.
B. Patutuluyin ko sila sa bahay ng isang gabi lang.
C. Hahayaan na lang sila sa kanilang sitwasyon.
D. Magbibigay ako ng pangunahing pangangailangan tulad
ng damit, pagkain at gamot.

BALIK-ARAL
Isulat ang SA kung ikaw ay sumasang-ayon sa bawat pahayag at
HSA kung ikaw ay hindi sumasang-ayon. Isulat ang sagot sa loob
ng bilog.
1. Sumusunod sa kautusang pangkalusugan.
2. Naghuhugas ng paa pagkatapos maghubad ng
sapatos.
3. Nagtatakip ng bibig kapag umuubo, bumabahing o
naghihikab.
4. Nagpupuyat sa gabi dahil sa paglalaro ng
kompyuter magdamag.
5. Nagpapahinga muna bago maglinis ng katawan
pagkatapos maglinis ng bahay

ARALIN

Ang paggalang ay ang pagpapahalaga sa iba’t-ibang nilikha ng


Diyos bunga ng isang mabuting hangarin. May iba’t -ibang uri ng
paggalang: GAMITIN ANG MGA LARAWAN… HULAAN ANG SALITA
NA NAGPAPAKITA NG PINAPAHAYAG SA LARAWAN
___ ____ ___ _____ ____ ____ ____ ____ ____

• paggalang sa sarili
• paggalang sa kapwa
• paggalang sa iba pang nilikha ng Diyos

Ikaw , paano mo ipinakikita ang paggalang mo sa iba?


Ang paggalang sa kapwa ay ang pagsasaalang-alang sa
katayuan, damdamin at pagkatao ng iba.Kapag inuunawa mo,
pinahahalagahan at isinaalang-alang mo ang damdamin ng iba
bago ang iyong damdamin , nangangahulugang iginagalang mo
ang iyong kapwa.
Maraming paraan upang pahalagahan ang ating kapuwa-tao.
Karaniwan sa mga ito ay ang pagtugon sa kanilang
pangangailangan sa panahon ng kahirapan at kalungkutan.
Huwag din nating kaligtaan ang pagkakataong kailangan nila ang
ating tulong o kalinga sa panahon ng kahirapan at problemang
kinasusuungan.
Naipakikita rin ang pagpapahalaga sa iba sa paglutas ng
mga suliranin para sa kapakanan ng higit na nakakarami.

MGA PAGSASANAY

I. Isulat sa katapat na hanay ang tamang pagpapakita ng


paggalang sa bawat sitwasyon. Tingnan ang halimbawa.

Hindi nagpapakita ng paggalang Nagpapakita ng paggalang

1. Habang nagkukuwento ang Nakikinig ka nang mabuti


iyong kaibigan ay nagsasalita habang nagsasalita ang iyong
ka rin pero walang kinalaman kaibigan.
sa kanyang kuwento ang iyong
mga sinasabi

2. Nagpost ka sa facebook ng
larawan ng iyong kaibigan na
walang pahintulot.

3. Nagsusulat ka ng kung ano-


ano sa iyong kuwaderno
habang nagsasalita ang iyong
guro sa klase.
4. Pagtawag sa mga tao ng mga
pangalan na tila panlalait sa
kanilang katauhan o anyo gaya
ng “pandak”, “pangit” at
“maitim”.
5. Kunin at itago ang mga
bagay na hiniram mo lang sa
iyong kaibigan.

II. Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Isulat sa loob ng


kahon ang salitang MABUTI kung ito ay nagpapakita ng paggalang
sa kapwa at DI- MABUTI kung hindi.
III. Punan ng tamang salita ang patlang. Piliin ang sagot sa
kahon sa ibaba.
1. Sa _________________, unang ipinapadama at ipinamumulat
ang iba’t-ibang uri ng pagpapahalaga.
2. Ang pag-iwas sa gulo , alitan, pagtatalo, at di-
pagkakaunawaan ay mga paraan para matamo ang
_________________.
3. Ang _____________ay nangangahulugan ng paggawa ng
mabuti sa iba.
4. Ang iba’t ibang hinahanap natin sa ating huwarang
______________ay makikita sa pamilyang kinabibilangan.
5. Ang kapayapaang __________________ay isang kalagayang
tinatamasa ng isang taong puno ng pagmamahal.

pansarili pagmamahal komunidad kapayapaan tahanan

PAGLALAHAT

Kumpletuhin ang talata.

Ang natutuhan ko
ay______________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________
PAGPAPAHALAGA

Ang mga frontliners ay patuloy na nakikipaglaban sa


pandemyang COVID-19. Isinusugal nila ang buhay alang-alang sa
mga Pilipino para sa kaligtasan ng nakararami. Paano mo
maipakikita ang paggalang sa kanilang ginawang pagsasakripisyo
para sa ating bayan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Isulat ang Tama kung nagpapakita ng paggalang sa kapwa, Mali


kung hindi.
_____________1. Ipinagkakalat mong may kagaspangan ang ugali
ng kaklase mo .
_____________2. Sumusunod sa mga batas tungkol sa
ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.
_____________3. Nagrereklamo at padabog mong sinasagot si tatay
at nanay kapag ikaw ay inuutusan.
_____________4. Nakikinig sa magulang kapag may napunang
mali sa iyo.
_____________5. Nagbibigay ng upuan sa nakatatanda.
PANAPOS NA
PAGSUSULIT
1. Mali PAGLALAHAT
2.Tama
Ang paggalang sa kapwa tao
3. Mali ay isang paraan bilang
4. Tama pagpapahalaga ng mga likha
ng Diyos.Nararapat lamang
5. Tama na igalang at mahalin ang
ating kapwa tungo sa maayos
at kapayaan na nagkakaisang
PAGPAPAHALAGA komunidad.
Igalang at maghandog ng
awitin para sa kanila
Pagsasanay 3 Pagsasanay 2
1. tahanan 1. Di- Mabuti
PAGSASANAY 1
2. kapayapaan 2. Mabuti
3. pagmamahal 3. Di- Mabuti
Mga Inaasahang Sagot.
4. komunidad 4.Mabuti
5. pansarili 5. Mabuti
1. Nakikinig ka nang mabuti
habang nagsasalita ang iyong
kaibigan..
2. Humihingi muna ng pahintulot PAUNANG
BALIK-ARAL PAGSUBOK
sa kaibigan bago ipost ang
kanyang larawan. 1. SA 1. B
3. Nakikinig sa guro habang
nagsasalita 2. HSA 2. B
sa klase. 3. SA 3. A
4. Tawagin ang tao sa kaniyang
sariling pangalan. 4. HSA 4. A
5. Isinasauli ang nahiram na gamit 5. SA 5. D
sa kaibigan at nagpapasalamat.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
https://images.app.goo.gl/T4uyqusEApLWcZ9y9
https://images.app.goo.gl/6T98dTgJddXAtzn66
https://images.app.goo.gl/EPBVDASkxJi8VfEx6
https://images.app.goo.gl/1d3EQdeEd7fAFmXt9
https://images.app.goo.gl/QxsvZxwTiKp3fXZJ6
https://images.app.goo.gl/pcDLVNCiQySf18Td8
https://images.app.goo.gl/wGK6EkuMmCuiqhw29
Surtalicito C. del Rosario , Estrella C. del Rosario,Maria Perpetua S> Talens,
Surtalicito C. del Rosario, Iluminada C. Guevarra, Marilou S. Alonzo, Zyra
Manelle R. Cruz,ICI Minitries- Foundation, Inc. Daloy Pagpapaunlad ng
Sarili Para sa Kabutihang Panlahat 4 ,2015
Kagarawan ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng
Mag-aaral , Vibal Group Inc.2015

You might also like