You are on page 1of 1

Base sa aking binasa patungkol ito sa isang mahirap na pamilya na may pamagat na pamilya ordinaryo.

Isa itong makatotohanan na nangyayari saating bansa. Ang kahirapan ay isa sa mga problema ng ating
bansa dahil karamihan saating bansa ay mahirap lalo na sa kinakaharap natin ngayung pandemya. Nung
pinanood ko itong pelikula na ito isa itong realidad na kinabibilangan ng ating lipunan ngayon dahil sa
dulog na realismo, isa silang pamilya na mga batang nag asawa at namuhay sa tabi ng kalsada dahil sa
kahirapan natuto din sila mag nakaw ng mga gamit upang maitawid lang ang kanilang pangangailangan
sa araw araw totoo lahat ng pinapakita sa pelikulang ito dahil nangyayari talaga ito sa ating bansa
ngayun. Ngayun kasi dahil sa kahirapan gagawin ng lahat para makaraos sila sa araw araw kahit kumapit
pa sila sa patalim isa na din ang dahilan sa kanilang kahirapan ay ang di pag tatapos ng pag aaral kaya
hirap ang karamihan sa pag hahanap ng trabaho at isa pang problema ay ang kakulangan na trabaho sa
ating bansa kaya karamihan talaga sa ating bansa ay walang trabaho dahil dito kaya maraming nag
hihirap. Nakakalungkot man isipin na sakabila ng nakikita nating pagiging maunlad ay mayroon pa rin
ganitong sitwasyon sa lansangan. Kaya laking pasasalamat ko dahil hindi ko naranasan ang mga
naranasan nila pero kahit ganun man natututo akong tumulong sa kanila kahit sa simpleng pamamaraan
tulad ng pag bibigay tulong pag may lumapit saaking na nanlilimos. tumutulong base sa kaya kong ibigay
sa kanila dahil alam ko na mahirap ang pinagdadaanan nila. Kaya isa lang masasabi ko sa kapwa ko
mamayanan ng bansang ito kung tayo man ay nakakaluwag wag tayo mag dalawang isip na mag bigay
tulong sa kanila dahil kapwa tao at kapwa Pilipino pa din natin sila.

You might also like