You are on page 1of 24

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Pansariling Pangangailangan at
Kagustuhan
Araling Panlipunan –Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Pansariling Pangangailangan at Kagustuhan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Prescila A. Ascuna
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, EPS In Charge of LRMS
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region

Office Address: ____________________________________________


Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Pansariling Pangangailangan at
Kagustuhan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan Baitang 1) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pansariling
Pangangailangan at Kagustuhan !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan at Baitang 1) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa ( Pansariling
Pangangailangan at Kagustuhan ) !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Bilang mga bata, ano-ano kaya ang inyong mga


pangangailangan at kagustuhan ? Kaya mo kayang sabihin kung ano
ang mga ito?

Sa araling ito ay makikilala mo ang pagkakaiba ng iyong mga


pangangailangan sa iyong mga kagustuhan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin, gaya ng


sumusunod:
• Aralin 1 – Pansariling Pangangailangan
• Aralin 2 – Pansariling Kagustuhan
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nailalarawan ang
pansariling pangangailangan: pagkain, kasuotan at iba pa at mithiin
para sa Pilipinas.
Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:
1. Nailalarawan ang pansariling pangangailangan: pagkain,
kasuotan . tirahan (AP1NAT-Ib-4) , pansariling kagustuhan
(AP1NAT-Ic-5), at mithiin para sa Pilipinas
2. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng pagkain,
kasuotan, tirahan at pansariling kagustuhan

1
Subukin

Panuto: Isulat ang _P_kung ang nasa larawan ay pangangailangan at


_K_ kung kagustuhan.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

2
Aralin
Pansariling Pangangailangan
1
Iba-iba ang pansariling pangangailangan ng bawat bata. Ang
mga pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan sa araw-araw
tulad ng pagkain, tirahan at kasuotan.

Balikan

Panuto: Punan ang graphic organizer ng hinihinging impormasyon


tungkol sa iyong sarili.

Kaarawan at edad

katangian
Lokasyon ng tirahan

Mga magulang

3
Mga Tala para sa Guro

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at


maunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang
kasanayan sa pagkatuto. ito ay may katulad na aralin
online. Binigyang pansin din sa mga gawain ang
paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(Communication); pagtutulungan (Collaboration),
pagkamalikhain (Creativity); mapanuring pag-iisip
(Critical thinking)at pagbuo ng pagkatao (Character
Building). Makikita rin ang aralin na ito online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito, inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa
progreso ng mga mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng
mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/
guardian upang matiyak na magagawa ng mga mag-
aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na
instruksiyon sa pagkatuto.

4
Tuklasin
Gawain 1: Halina at Kilalanin Mo! (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng
ang iyong mga pangangailangan at ang iyong
kagustuhan.

1. 4.

2. 5.

3.

Suriin
Bilang mga bata, ano-ano kaya ang inyong mga
pangangailangan at kagustuhan ? Kaya mo kayang sabihin kung
ano ang mga ito?
Mahahalagang pangangailangan ng batang tulad mo ang
pagkain, kasoutan, tirahan at iba pa.

5
Kailangan ang masusustansiyang pagkain tulad ng gatas,
gulay, karne at prutas upang tayo ay mabuhay, maging
malusog, malakas at masigla. Kailangan din ng kasuotan upang
mapangalagaan ang ating katawan.
Ang ating kasuotan ay naayon sa uri ng panahon upang
maiwasan ang anumang sakit. May kasuotang pambabae at
mayroon ding panlalaki.

Tirahan naman ang kailangan upang tayo ay maging ligtas.


Sa loob ng ating tahanan ay maari nating gawin ang mga bagay
na gusto natin tulad ng paglilibang kasama ng pamilya, paggawa
ng takdang-aralin, maging pagtulog o pagpapahinga. Sa tahanan
ay sama-samang naninirahan ang buong pamilya.

6
Ang mga pangangailangang ito ng isang batang tulad mo
ay kailangang maibigay upang maging maayos ang iyong
pamumuhay at maisagawa ang mga gawaing gusto mo.

Pagyamanin
Gawain 2: Pagkaing Dapat Kainin
(Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip)

Panuto:Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Kulayan ang mga


pagkaing pampalusog at lagyan ng x ang di pampalusog.

Aling mga larawan ang kinulayan mo? Bakit mo ito


kinulayan? Aling mga larawan ang nilagyan mo ng ekis? Bakit ?
Ano kaya ang dapat gawin sa tirang ulam? Bakit?
Nasagot mo ba ang gawain tungkol sa mga pagkaing dapat
mong kainin?
Magaling !!! Binabati kita!!!
Alam mo na ngayon ang pagkakaiba ng mga pagkaing
pampalusog sa di pampalusog. Alam mo na rin ang pagkaing
dapat kainin ng batang tulad mo .
Sa susunod na gawain ay aalamin natin ang kasuotang
pambabae at panlalaki at kung aling kasuotan ang angkop sa
iyo.

7
Gawain 3 : Ang Aking Kasuotan! (Pagkamalikhain)
Panuto: Kulayan ang damit na dapat mong isuot.

Aling larawan ang kinulayan mo ? Bakit mo ito ang


kinulayan mo? Ano ang gagawin mo kung may punit at sira ang
damit mo?
Sa susunod na gawain ay aalamin natin ang mga bagay na
maari mong gawin sa inyong tahanan.
Gawain 4 : Ang Pangarap kong Tahanan!

Panuto: Pumili ng larawan ng tahanan na nais mong tirahan.


Lagyan ito ng tsek (/).

Alin sa mga ito ang nais mong tirahan? Bakit ito ang bahay
na nais mong tirahan?

Sa pagpapatuloy ng ating talakayan ay malalaman mo rin


ang mga sariling kagustuhan ng isang batang tulad mo.

8
Aralin Pansariling Kagustuhan at
2 Mithiin para sa Pilipinas
Ang bawat bata ay may mga paborito o kagustuhan. Ito ay
maaring paboritong lugar na gusto mong puntahan, laruan at
maari ding paboritong pagkain. Ito ang mga bagay na ginusto
lamang ng tao at maaari kang mabuhay kahit wala ito.
Tingnan natin ang mga larawan sa ibaba.

A
n
o
-

Ano- ano ang mga nasa larawan? Paborito mo rin ba ang mga
ito?

9
Pagyamanin
Gawain 5 : Paborito kong Lugar, Kukulayan Ko !
(Pagkamalikhain)

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Kulayan ang paborito mong


lugar .

Alin sa mga larawan ang iyong kinulayan? Bakit ito ang


kinulayan mong larawan? Sino ang kasama mo kapag
pumupunta ka sa paborito mong lugar? Kailan kayo pumupunta
sa paborito mong lugar?

10
Gawain 6 : Ang Aking Laruan ! (Pagkamalikhain)
Panuto: Kulayan ang larawan ng laruan na para sa iyo.

Aling larawan ng laruan ang iyong kinulayan? Bakit ito


ang kinulayan mo? Bukod sa nakalarawan, ano pa ang iyong
paboritong laruan?
Bukod sa paborito mong lugar at laruan, ngayon naman ay
aalamin natin ang paborito mong pagkain.
Gawain 7 : Ang Aking Paboritong Pagkain!
(Pagtutulungan, Pagkamalikhain)
Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o nakatatanda sa iyo,
magdikit ng larawan ng paborito mong pagkain sa loob ng bilao.

11
Nakapagdikit ka ba ng larawan ng paborito mong pagkain?
Bakit ito ang paborito mong pagkain?
Magaling!!! Binabati kita!!
Naisagawa mo nang buong husay ang mga gawain tungkol
sa iyong pansariling pangangailangan at kagustuhan.

Isaisip

Ang bawat bata ay may mga pangunahing


pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan at kasuotan na dapat
maibigay sa kanya upang mabuhay siya nang maayos.
Ang bawat bata din ay may pansariling kagustuhan o
paborito tulad ng pagkain, laruan at lugar na pinupuntahan na
nakapagpapasaya sa kanya.

Isagawa (Pagkamalikhain, Pagtutulungan,


Mapanuring Pag-iisip, Pagbuo ng Pagkatao)

Panuto: Pagsama-samahin sa loob ng bilao ang mga bagay na


kailangan ng isang bata para lumaking malusog at malakas. Pumili sa
mga larawan sa ibaba . Maaring iguhit o isulat kung ano ito.
Magpatulong sa magulang o sa nakatatanda sa iyo.

12
13
Tayahin
Panuto: Isulat ang P kung pangangailangan at K kung kagustuhan.
_______ 1. Pag-inom ng walong basong tubig sa isang araw
_______ 2. Pagbili ng bago at mamahaling relo
_______ 3. Pagkain ng prutas at gulay araw-araw
_______ 4. Pagsusuot ng maayos na damit
_______ 5. Paglalaro ng video games

Karagdagang Gawain
(Pagkamalikhain, Pagtutulungan, Pagbuo ng
Pagkatao)
Panuto: Magdikit sa bawat kahon ng iyong paborito.Maaaring
magpatulong sa magulang o sa nakatatanda sa iyo.
. Pagkain kasuotan

1. 2.

Lugar Laruan

3. 4.

Gawain

5.

14
Sanggunian
Ascuna, P.A. & Salangsang, S. M. (2019). Isang Bansa
Isang Lahi.Vibal Group Inc. Quezon City.

Miranda, N. P. et.al. (2017). Araling Panlipunan,Kagamitan


ng Mag-aaral. DepEd-BLR. DepEd Complex, Pasig City.

Araling Panlipunan Grade 1 Learner’s Materials Quarter1


& Quarter 2. DepEd Complex. Pasig City.

Araling Panlipunan Teacher’s Guide Quarter 1 & Quarter


2. DepEd Complex. Pasig City.

https://bit.ly/2LmTTnD
https://publicdomainvectors.org/photos/House.21.png
https://static.ph.zalora.net/p/guardian-3578-5686141-1
https://clipart-library.com/img/938831.gif
https://clipground.com/images/clothesfor-sunny-weather-clipart-9.jpg
https://publicdomainvectors.org/photos/DigitalLink-Blank-T-shirt
https://clipartstation.com/wp-content/uploads/2017/11/bilao-clipart.jpg.
https://i.d/png.com/static/png/3870555-pineapple-fruit-food-fruits-clipart-black-
and-whitetransparent-pineapple-black-and-white-png-820-1360-preview
https://webstockreview.net/images/carrot-clipart-fruit-2.png
https://www.clipartkey.com/mpngs/m325-325/341-eggplant-clipart-fruit-clipart-
black-and-white-png
https://wikiclipart.com/wp-content/uploads/2017/05/Fruit-black-and-white-
fruit-clipart-black-and-white-synkee.jpeg
https://cdn.pixabay.com/photo/2019/08/14/09/50/sandal-440525/_960_720.png

15
https://cdn.pixabay.com/photo/2015/09/23/23/45/ice-cream-
954569_960_720png
https://cdn.clipart.email_spaghetti-clipart-black-and-white-jpg-clipartix_1023-
812.jpeg
https://storage.needpix.com/rsyneed_images/aeroplane-311402_1280.png.
https://cdn.clipart.email./_chicken_clipart-black-and-white_1300-974.jpeg
https://i.pinimg.com/originals/20/c7/47/20c747c5238f23dda39334a2947f557e.j
pg
https://cdn.clipart.email_the-bees-and-thesweetening-of-a-countyrs-culture-
planet-philippines_1600-1191.jpeg
https://uploads.wikimedia.org/wikipedia/commons/0/00/Emojione_BW1F3EB.s
vg
https://cdn.clipart.email-shopping-mall-outside_clipart-black-big-pictures-
hd_496-347jpeg
https://cdn.pixabay.com/car-305294_960_720.png

16

You might also like