Filipino-Gr 9-Wk 3

You might also like

You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE

FILIPINO 9
KWARTER 4
ARALIN 3
(Kabanata 1,2,3,4,6,7,14,25,29)

Noli Me Tangere
(Akda ni Jose P. Rizal)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON V
SANGAY NG MASBATE

GAWAING PAGKATUTO 3
Ikaapat na Markahan

Pangalan ng Estudyante: _______________________________________ Asignatura – Antas: FILIPINO 9


Petsa: ______________________________________________________ Marka: _______________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Magandang buhay! Kumusta ang iyong paglalakbay sa talambuhay ni Dr. Jose


Rizal at kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere? Batid kong nasasabik ka nang pag-
aralan ang mga kabanatang nakapaloob dito. Sa araling pag-aaralan, matutunghayan mo ang
mga kabanatang makatutulong sa’yo upang makilala nang lubos ang mga mahahalagang
tauhan ng akda. Iyong pag-aaralan din kung paano sumulat ng isang masining na iskrip ng
monologo at makikita rin sa araling ito ang gamit ng pang-uri o salitang naglalarawan.. Tara at
simulan mo na!

MGA MAHAHALAGANG TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

Bago ka pumalaot sa pagbasa ng mga kabanata ng Noli Me Tangere, kilalanin mo


muna ang kahulugan ng ilang mahihirap na salitang ginamit sa akda.

TALASALITAAN:
Indio- tawag ng mga Espanyol sa mga katutubo ng Pilipinas. Negatibo ang kahulugan ng salitang
ito sapagkat ito ay ginamit bilang pang-aalipusta sa mababang kalagayan ng mga Pilipino.
Erehe- isang kristiyanong sumusuway at ayaw sumampalataya sa ilang kautusang ipinag-uutos ng
Simbahang Katoliko Romano.
Pilibustero-tao o Pilipinong may malayang kaisipang di nagpapasakop sa pamahalaang
pinangungunahan ng relihiyon at ng hukbo.
Asotea-balkonahe
Purgatoryo-sa doktrinang Romano ito ay tumutukoy sa pansamantalang kalagayan o pook para sa
paglilinis sa mga kasalanang pinagsisihan at pinatawad na ngunit hindi pa pinagdudusahan
nang sapat.
1
Ngayon ay iyong basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng bawat kabanata.
Kabanata 1: ISANG HANDAAN (Buod)

Naghanda ng isang magarbong salu-salo si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang
Kapitan Tiyago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila, agad na kumalat ang balita tungkol sa
pagtitipong gagawin sa Kalye Anluwagi.
Nang gabi ng pagtitipon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni Tiya Isabel, pinsan ni
Tiyago. Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de
Espadańa at Donya Victorina, Padre Damaso, at isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas.
Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, Kabilang ang mga Indio. Nang mabanggit ang
monopoly sa tabako, dito nagsalita nang di maganda si Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak
niya ang mga ito at iniba naman ni Padre Sibyla ang usapan.
Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang Kura-paroko ng San Diego. Sabi ni
Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi
naman ni Tinyente na nararapat lamang ang parusa.
Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan ng pagkakalipat niya sa iba pang parokya. Ito raw ay
dahil sa ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalaking pinagbintangan isang erehe dahil
ayaw lamang mangumpisal.
Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si Padre Sibyla upang
pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang nawawalang dokumento.
Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente. Nagpatuloy naman ang
talakayan at kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.

Kabanata 2: SI CRISOSTOMO IBARRA (Buod)

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Nakipagkamayan si


Kapitan Tiyago sa lahat ng kanyang bisita at panauhin, kasali si Padre Damaso, na biglang namutla ng
makita si Crisostomo Ibarra.
Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na nag-aral sa Europa. Tinangkang
kamayan ni Ibarra si Padre Damaso pero agad itong tumalikod.
Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil sa biglang pagtalikod ni Padre
Damaso ay nakaharap siya sa tinyenteng kanina pa nagmamasid sa kanila ni Ibarra.
Nag-usap si Ibarra at si Tinyente Guevarra sinabing ikinagagalak nila na makita siya sa
kasiyahan na yun. Halos mangiyak-iyak sa tuwa ang Tinyente habang nagkikipag-usap kay Ibarra.
Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos na kabaitan. Nang nalaman ito,
napawi ng binata ang masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang ama.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay
hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya.Nakilala niya ang isang
binata rin na tumigil sa pagsusulat. Nang malapit ng maghapunan, inimbita ni Kapitan Tinong si Ibarra
sa pananghalian kinabukasan.

Kabanata 3: ANG HAPUNAN (Buod)

Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Pinupuri ng mga bisita ni Kapitan
Tiyago ang mga masasarap na pagkain na kanyang inihanda. Dumalo rin ang Tinyente, na kung saan
kinaiinisan ni Donya Victorina dahil sa pagmamasid nito sa kanyang buhok.
Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman ng lamesa ay nakikipagtalunan ang
2
dalawang pari kung sino ang tatabi sa kanya. Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang
pagpupuyos ng damdamin ni Padre Damaso nang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng
manok ang napunta sa kanya.
Habang kumakain,nakipag-usap si Ibarra sa mga panauhin at ikinuwento sa kanila kung saan ang
kaniyang kinaroroonan.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa mga nakaraang pitong taon
ng kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa.Sinabi niya rin ang kanyang mga natutunan, bukod sa
wika, tulad ng iba’t ibang kasaysayan ng bansa na kanyang pinuntahan.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, politika at relihiyon. Pero, nangibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan
ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang kanyang nakita o natutuhan
ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sisabi nito.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling
madalas na pumunta sa kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-
kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang
bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangakong siya ay babalik
kinabukasan din.

Kabanata 4: EREHE AT PILIBUSTERO (Buod)

Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di niya tiyak kung
saang destinasyon na siya napadpad. Ito ay hanggang sa siya”y nakaabot sa Binundok ng Liwasan.
Nakita niya na walang masyadong nagbago; ang dating kanyang kinalakihan ay parehong-pareho
pa rin sa dati. Inilaan niya ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa kanyang kapaligiran,
habang iniisip ang mga alaala niya sa lugar na yun.
Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang
balikat. Si Tinyente Guevarra, na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat
nangangamba siyang baka matulad si Ibarra sa sinapit ng ama nito. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng
tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.
Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang ama at ang mapait na sinapit nito.
Isang taon bago bumalik si Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama. Binilin
ng ama niyang si Don Rafael na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasusulat
sapagkat lubha itong abala sa kanyang mga gawain.
Isinalaysay ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang ama. Kung bakit ito
nakulong at maraming kagalit, ang rason ng pagkakabilanggo at ang mga paratang dito noong ito’y nasa
kulungan hanggang sa paglaya nito. Noong ito”y dapat ng makalabas, siya namang binawian ito ng
buhay sa loob ng kulungan.

Kabanata 6: SI KAPITAN TIYAGO (Buod)

Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon.


Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa lohika sa tulong ng isang Dominikong kaibigan na kanyang
pinaglingkuran.
Isang tipikal na Pilipino kung ilalarawan ang kaanyuan ni Kapitan Tiyago. Siya ay isang pandak, di
kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang.Maitim ang buhok,
at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na siya ay magandang lalaki.

3
Isang dalaga mula sa Sta. Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiyago, siya ay si Donya Pia.
Pareho silang masipag sa pagnenegosyo kaya sila ay yumaman at naging kabilang sa mga
prominenteng pamilya sa bayan.
Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang kumilos, manamit at mamuhay na para na
ring isang Espanyol. Sagrado at deboto siyang katoliko na sumasamba sa lahat ng mga santo. Naging
sunod-sunuran din siya sa mga gawain at kagustuhan ng mga banyaga.
Ang pagsasama nila ng anim na taon ni Donya Pia ay nabiyayaan ng isang sanggol na babae.
Pinangalanan itong si Maria Clara. Nasawi ang kanyang kabiyak mula sa panganganak kaya si Tiya
Isabel na kanyang pinsan ang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Kabanata 7: SUYUAN SA ASOTEA (Buod)

Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na niya na magsimba tuwing
umaga kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamadali
na umuwi si Maria, bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin.
Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya
ang pagdating ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita
ang dalawang magsing-irog.
Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-alala sa kanilang mga
nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang
buhay sa Beateryo habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.
Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman itong sinagot ng
binata. Lumayo daw siya para sa kabutihan ng hinaharap ng bayan.
Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong
magulang. Dali-dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.

Kabanata 14: PILOSOPO TASYO (Buod)

Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa
kaniyang namayapang asawa.
Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman ang pakalat-kalat na matanda sa
kalsada. Sadyang matalino ito at mahusay magsalita. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa
Dalubhasaan ng San Jose dahil baka raw malimot nito ang Diyos sa sobrang talino. Nais kasi ng
kanyang ina na maging pari ito.
Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa. Gayunman, isang taon matapos ang kanilang kasal ay
namayapa ang asawa niya. Itinuon na lamang niya ang oras sa pagbabasa at napabayaan ang mga
minana.
Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ngunit sa halip na matakot, masaya pa si Tasyo
sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya na magkadelubyo upang malinis ang sangkatauhan.
Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang magkapatid na Crispin at Basilio. Sinabihan niya
ito na umuwi na dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila. Natuwa man ang magkapatid ay
nanatili sila sa simbahan.
Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda hanggang narating ang bahay nina Don Filipo at Aling
Doray. Napag-usapan nila si Ibarra at ang hinagpis na nararamdaman nito dahil sa sinapit ng ama.
Nauwi sa usapang purgatoryo ang talakayan. Hindi man daw naniniwala ang Pilosopo rito gabay
naman daw ito upang mabuhay nang malinis at marangal.
Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit madilim ang langit at
nagngingitngit ang kulog at kidlat.

4
Kabanata 25: SA TAHANAN NG PILOSOPO (Buod)

Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo. Nais niya kasing isangguni ang binabalak
niyang pagpapatayo ng paaralan sa kanilang bayan.
Nakita niyang abala ang matanda sa sinusulat nito. Gayunman, si Tasyo na mismo ang huminto
sa ginagawa at sinabing ang susunod na henerasyon pa naman daw ang makakauunawa at
makikinabang sa kanyang isinusulat.
Binuksan ni Ibarra ang kanyang plano sa Pilosopo. Sinabi ng matalinong matanda na hindi dapat
sa kanya isinasangguni ang mga plano, bagkus sa mga makapangyarihang tao tulad ng mga kaparian sa
simbahan.
Sumagot si Ibarra na ayaw umano niyang mabahiran ng kabuktutan ang maganda niyang
hangarin. Mauunawaan umano siya ng pamahalaan at taumbayan dahil maganda ang kanyang
hangarin. Sinalungat naman siya ni Tasyo at sinabing mas makapangyarihan pa ang simbahan kaysa
pamahalaan. Kung nais daw ni Ibarra na magtagumpay sa kaniyang plano, marapat daw na padaanin ito
sa simbahan na siyang may hawak sa lahat, kabilang ang pamahalaan.
Iba naman ang pananaw ni Ibarra. Pagkat galing sa Europa, naniniwala siya sa kapangyarihan
ng pagiging liberal. Muli naman siyang sinalungat ng matanda at sinabing hindi angkop sa bansa ang
kaisipang mula Europa.
Tulad ng isang halaman, kailangan din daw yumuko ni Ibarra sa hangin kapag hitik na ang bunga
nito upang manatiling nakatayo nang matatag. Payo pa ng matanda, hindi karuwagan ang pagyuko sa
kapangyarihan.
Hindi man aminin, ngunit napapaisip si Ibarra sa tinuran ng matandang Pilosopo. Bago umalis,
nag-iwan pa si Tasyo ng salita kay Ibarra na kung hindi man siya magtagumpay sa plano nito, ay may
uusbong na sinuman upang magpatuloy ng kaniyang nasimulan.

Kabanata 29: ANG UMAGA (Buod)

Sa mismong araw ng kapistahan, abala ang mga tao sa San Diego. Nagising sila nang maaga
dahil sa tunog ng kampana at mga paputok. Naggayak ang mga maykayang mamamayan ng kanilang
pinakamagagarang damit at pinakamahal na mga alahas at palamuti.
Kapansin-pansin naman na hindi nagpalit ng kasuotan si Pilosopo Tasyo. Binati siya ng tinyente
ngunit sinagot siya ni Tasyo. Sinabi nito na paglulustay lamang ng pera at oras ang kasiyahang tulad ng
pista.
Isang uri lamang daw ito ng pagapakitang tao. Dagdag pa niya, mas maraming dapat pagtuunan
ng pansin na mas mahalagang bagay kaysa sa pista.
Sumang-ayon naman si Don Filipo sa sinabi ng matanda. Gayunman, wala siyang lakas ng loob
sumalungat sa mga pari.
May sakit naman si Padre Damaso na dapat magmimisa sa araw na iyon. Tumanggi na siya sa
pagbibigay ng sermon ngunit pinilit siya ng ibang pari dahil siya lamang umano ang nakapagbibigay ng
aral sa mga taga San Diego. Dahil dito, agad na nagpapahid ng langis at nagpahilot si Damaso upang
guminhaw ang pakiramdam.
Saktong alas-otso ng umanag nang magsimula ang prosisyon ng mga santo. Kahit sa prusisyon,
mababatid ang pagkakaiba-iba ng antas ng mga mamamayan. Sa suot na abito ay malalaman agad
kung sino ang mararangya at hindi.
Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay nila Kapitan Tiyago. Naroon ang alkalde, si Kapitan
Tiyago, si Maria Cla at si Ibarra.

Sa panahon natin ngayon, marami ka pa ring makikitang Crisostomo Ibarra, Maria Clara,
Kapitan Tiyago, Pilosopo Tasyo at Padre Damaso sa lipunan.

5
Sa bahaging ito iyong pag-aaralan naman kung ano ang monologo at ang pang-uri.

Ano ang Monologo?


Ang monologo ay pag arte o paggaya sa isang karakter. Ang bawat linya, kilos at
pananamit ay dapat na katulad ng ginagaya mo.

Mga Pamantayan sa pagsulat ng monologo


1. Pumili ng paksang nakaka-aya para sa mga manonood.
2. Maghanap ng karakter na naaayon sa iyong personalidad.
3. Gumawa ng storyline ng monologong iyong naiisip.
4. Gawing maikli ngunit kaaya-aya ang monologo na kapag itinanghal ay tatagal
lamang ng 3 minuto.
5. Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi kaaya-aya sa pandinig.
6. Iwasan ang pagkopya ng salitang nakatatak sa mga sikat na pelikula bagkus
gamitin ang salitang taal/kilala sa inyong lugar na kayo lang ang meron.
7. Tapusin ang monologo sa isang kahanga-hangang salita

Narito ang halimbawa ng monologo

HINAGPIS NG ISANG ANAK


Oh! Bakit nakatingin kayong lahat sa akin? Ikaw! Ha? Ano? Sasabihin niyo namang, “Tama
na yan. Magiging maayos din ang lahat”. Bakit? May alam ba kayo? Walang silbi ‘yang mga tingin
na ibinabato niyo sa akin dahil hindi niyo rin naman maiintindihan. Hindi niyo alam ang
pakiramdam ng maiwan. Alam niyo kung bakit? Kasi sarili niyo lang ang inyong iniisip.
Alam niyo ba ang pakiramdam ng nawalan ng isang ama? Alam niyo ba kung gaano
kasakit makita ang ina mong nagkukumahog sa pag-iyak dahil ang lalaking pinaglaban at
minahal niya ng sobra ay basta basta na lang babawiin sa kanya? Alam niyo ba kung gaano
kahirap? Hindi!
Ako! Ako alam ko. Araw-araw kong nararanasan. Minuminuto kong dinadamdam ang
pagkamatay ng aking ama. Siguro nga’y napakabata ko pa noon pero sa bawat taon at araw na
lumilipas, unti-unti kong napupuna ang kakulangan ng isang padre de pamilya. Walang araw na
dumadaan na hindi sumasagi sa aking isip kung bakit ang aga? Bakit siya pa?
Gustuhin ko mang kalimutan ang sakit pero mapagbiro ang tadhana. Gumagawa siya ng
paraan para harapin ko ang aking kinakakatakutan.
“Sige na. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya para pagkatapos nito,
malaya ka na”. Naaalala kong sambit ng aking kaibigan noong nasa puntod kami ng aking ama.
Masakit? Hindi. Napakasakit. Isipin niyo nga, sa loob ng maraming taon ni minsan sa aking
panaginip ay hindi siya nagpakita. Iisa lang ang hiling ko sa Diyos na sana… sana… kahit limang
segundo magpakita siya kahit sa panaginip. Masilayan ko man lang ang kanyang mukha sa
huling pagkakataon. Kahit isa lang, ok na ako. Masabi ko lang sa kanya na mahal na mahal ko
siya.
Imposible ba? Wala eh. Kapag mahal mo, magbabaka sakali ka talaga.

6
Ano ang pang-uri?
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagsasaad ng katangian ng tinutukoy na
pangngalan o panghalip sa pangungusap.

Halimbawa:
1. Si Fidela ang tanyag na mang-aawit sa naging panauhin sa aming paaralan
2. Mahusay si Dan sa pagbibigay ng kurukuro kaysa kanyang kapatid.
3. Ang bahay sa tuktok ng gulod ay malaki.
4. Ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan ay pawang mga dakila.
5. Puti ang suot na uniporme nina Nelia at Mina sa kanilang klase kaninang umaga.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA MULA SA MELCS

 Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela (F9PN-IVc-57)


 Naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang monologo
tungkol sa isang piling tauhan (F9PU-IVc-59)
 Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay- katangian (F9WG-IVc-59)

III. MGA GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang kahalagahan ng papel na ginampanan ng sumusunod na tauhan ng Noli
Me Tangere. Ang kasagutan sa unang bilang ay ibinigay bilang iyong gabay.
Tauhan Katangian Kahalagahan ng papel na
ginampanan
1. Maria Clara Siya ay larawan ng isang Siya ay larawan ng isang mayuming
mayuming Pilipina na Pilipina na nagtataglay ng mabuting
nagtataglay ng mabuting kaasalan
kaasalan

2. Crisostomo
Ibarra

3. Kapitan
Tiyago

4. Pilosopo
Tasyo

7
Gawain 2
Panuto: Pumili ng limang frontliners mula sa kahon at gumawa ng pangungusap gamit ang
pang- uri o salitang naglalarawan. Salangguhitan ang pang-uri na ginamit.Isulat ang
sagot sa patlang.

Doktor nars pulis drayber sundalo


Saleslady tindera bumbero dyanitor guwardiya

1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Pumili ng isa sa mga tauhan na nakatala sa ibaba. Bumuo ng monologo,
gawing gabay sa pagsulat ang rubrik sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang buong
papel.

1. Crisostomo Ibarra
2. Maria Clara
3. Padre Damaso
4. Pilosopo Tasyo
5. Kapitan Tiyago

Rubrik sa Pagsulat ng Monologo

PAMANTAYAN LAANG PUNTOS


Ang iskrip ay makatotohanan at angkop sa 30%
karakter ng ginawan ng monologo
Nailahad nang malinaw, masining at 30%
nakakukuha ng atensyon ng babasa nito.
Nagtataglay ng mga elemento ng isang 20%
mahusay na monologo
Malinaw at wasto ang balarila/gramatika 20%
KABUOANG PUNTOS 100%

Binabati kita sapagkat iyong napagtagumpayang pag-aralan


ang Aralin 3 ng Noli Me Tangere! Alam kong kayang- kaya mo yan!

IV. REPLEKSIYON:

 Ano ang napagtanto mo matapos mong mabasa ang mga akdang nakapaloob sa araling
ito at masagutan ang mga gawain?

8
Gurong –Manunulat
CENEL A. SAPIO
Inihanda ni:
https://www.goggle.com/amp/s/www.wattpad.com/amp/193161399
https://www.slideshare.net/joyshoppe/report-34512066
https://prezi.com/e2jk279tclh8/monologo/ (pamantayan sa pagsulat ng monologo)
https;//www.slideshare.net/jmpalero/Filipino-9-mga-tauhan-ng-noli-me-tangere
https://brainly.ph/question/655624 (Kahulugan ng monologo)
Miranda L. et.al (2008) Obra Maestra III. Noli Me Tangere
Paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2019
Baisa-Julian, Ailene G., et al. Pinagyamang Pluma-Wika at Panitikan para sa Mataas na
VII. SANGGUNIAN
Gawain 1
Tauhan katangian Kahalagahan ng papel na ginampanan
CRISOSTOMO Magalang, tapat na mangingibig, matalino, Kumakatawan kay Jose Rizal na may
IBARRA mataas ang pagpapahalaga sa pamilya at malalim na pagmamahal sa Inang Bayan .
may mabuting puso at magandang hangarin
sa bayan
KAPITAN TIYAGO Mapagmahal na ama, mapagbigay, Larawan siya ng mga taong mapagpanggap
makapangyarihan ngunit sunod-sunuran sa sa lipunan.
mga prayle
PILOSOPO TASYO Matalino, mapagmasid sa mga pangyayari Siya ay kumakatawan sa mga paghahakang
sa paligid, mapagsaring at mapanlibak, nauukol sa nasabi nang mga kasiraan at
iginagalang ang katumpakan at kapintasan ng mga tao at bayan; simbolo
pagkakaakma-akma ng bagay-bagay, ng karunungan
mapagparaya, at taglay niya ang masayang
paghahalo ng optimism at pesimismo.
Gawain 2
1. Sa kabila ng banta ng pandemya, walang pag-aalinlangan na nagsisilbi ang mahuhusay na
doctor.
2. Ang masispag na nars ay walang takot na nangangalaga ng mga pasyente ng COVID-19.
3. Hindi lang sa giyera lumalaban ang mga matatapang na sundalo, gayundin sa COVID-19.
Gawain 3
Ang mga sagot ay naka-depende sa natutuhan at kaalaman ng mag-aaral ngunit ito’y
bibigyan ng marka batay sa rubrik na ginamit na batayan.
VI. SUSI SA PAGWAWASTO
100% KABUOANG PUNTOS
20% Malinaw at wasto ang balarila/gramatika
mahusay na monologo
20% Nagtataglay ng mga elemento ng isang
nakakukuha ng atensyon ng babasa nito.
30% Nailahad nang malinaw, masining at
karakter ng ginawan ng monologo
30% Ang iskrip ay makatotohanan at angkop sa
PAMANTAYAN LAANG PUNTOS
Rubrik sa Pagsulat ng Monologo
V. RUBRIK SA PAGWAWASTO

You might also like