You are on page 1of 2

KABANATA 5

Mga Probisyong Pangwakas

Sek. 13. Pamamahala sa ARMM. — Ang Panrehiyong Kalihim ng Edukasyon


para sa Nakapag-iisang Rehiyon sa Muslim Mindanao (ARMM) ay magpapatupad
ng kaparehong kapangyarihan sa pamamahala sa mga dibisyon, distrito, paaralan at
mga sentro ng pagkatuto sa rehiyon sang-ayon sa nasa Batas Organiko nang may
pagsasaalang-alan sa mga probisyon ng Batas Republika Blg. 9054, na
pinamagatang “Isang Batas upang Palakasin at Palawakin ang Batas Organiko para
sa Nakapag-iisang Rehiyon sa Muslim Mindanao, Sinususugan para sa Layuning
Batas Republika Blg. 6734, na pinamagatang ‘Isang Batas na Nagtatakda para sa
Nakapag-iisang Rehiyon sa Muslim Mindanao, sang-ayon sa pagsusog.’”

Sek. 14. Mga Tuntunin at Regulasyon. – Ang Kalihim ng Edukasyon ay


magsasabatas ng mga kinakailangang tuntunin at regulasyon para sa pagpapatupad
ng Batas na ito nang hindi lalampas sa siyamnapung (90) araw simula sa
pagkakabisà ng Batas na ito; Basta at, Na, ang Kalihim ng Edukasyon ay
magpapatupad nang buo sa prinsipyo ng pinagsasaluhang pamamahala sa loob ng
dalawang (2) taon matapos ang pagtitibay sa Batas na ito.

Sek. 15. Takda sa Kakayahang Mapaghiwalay. – Kapag ang alinman sa mga


probisyon ng Batas na ito ay ipinahayag na walang bisa o labag sa konstitusyon,
hindi niyon maaapektuhan ang pagiging katanggap-tanggap at bisa ng iba pang
mga probisyon dito.

Sek. 16. Takda sa Pagbawi. – Lahat ng mga batas, mga dekreto, at mga kautusang
tagapagpatupad at mga tuntunin at mga regulasyon na kasalungat o hindi sang-
ayon sa mga tuntunin ng Batas na ito ay binabawi rito o binabago nang naaayon
dito.

SEK. 17. Pagkakaroon ng Bisà. – Magkakaroon ng bisà ang Batas na ito nang


labinlimang (15) matapos ang pagkakalathalà nito sa hindi bababa sa dalawang (2)
pahayagang may malawak na sirkulasyon.

Kusang naisabatas noong 11 Agosto 2001 nang walang lagda ng Pangulo, sang-
ayon sa Sek. 27(1), Artikulo VI ng Saligang Batas.
CHAPTER 5
FINAL PROVISIONS
SEC. 13. Governance in the ARMM. – The Regional Education Secretary for
the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) shall exercise similar
governance authority over the divisions, districts, schools and learning centers in
the region as may be provided in the Organic Act without prejudice to the
provisions of Republic Act No. 9054, entitled "An Act to Strengthen and Expand
the Organic Act for the Autonomous Region in Muslim Mindanao, Amending for
the Purpose Republic Act No. 6734, entitled 'An Act Providing for the
Autonomous Region in Muslim Mindanao, as amended.'"
SEC. 14. Rules and Regulations. – The Secretary of Education shall promulgate
the implementing rules and regulations within ninety (90) days after the approval
of this Act: Provided, That, the Secretary of Education shall fully implement the
principle of shared governance within two (2) years after the approval of this Act.
SEC. 15. Separability Clause. – If for any reason, any portion or provision of this
Act shall be declared unconstitutional, other parts or provisions hereof which are
not affected thereby shall continue to be in full force and effect.
SEC. 16. Repealing Clause. – All laws, decrees, executive orders, rules and
regulations, part or parts thereof, inconsistent with the provisions of this Act, are
hereby repealed or modified accordingly.
SEC. 17. Effectivity Clause. – This Act shall take effect fifteen (15) days
following its publication in at least two (2) newspapers of general circulation.
Lapsed into law on August 11, 2001 without the President's signature, pursuant to
Sec. 27(1), Article VI of the Constitution.

You might also like