You are on page 1of 2

UNANG MARKAHAN

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan:
Antas at Pangkat:

I. Basahin ang maikling kwento at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang
titik ng inyong sagot.
Sa isang maliit na bakuran ay may ilang hayop na tahimik na naninirahan. Lahat sila ay
magkakasundo at nagtutulungan. Ang maghapon nila ay nauubos sa pang-araw-araw nilang
gawain.
Nagulat ang lahat nang kumalat ang balita na may sakit si Kalapati. Malubha ang
sakit niya. Hindi siya makakain at hindi rin makagalaw. Kaagad siyang pinuntahan ni Aso.
Dinalhan siya nito ng pagkain na maari niyang kainin habang hindi pa siya malakas.
Pauwi na siya nang masalubong niya si Kabayo. Mabigat ang dala-dala ni Kabayo.
Halos hindi na siya makabuhat. Kaagad siyang tinulungan ni Aso. Binawasan ni Aso ang mga
dalahin ni Kabayo at pinasan ito hanggang makarating sila sa tahanan nito.
Laking pasasalamat ni Kabayo sa ginawang tulong sa kanya ni Aso.

1. Sino ang maysakit sa mga hayop?


a. aso
b. ibon
c. kabayo

2. Bakit siya dinalhan ni aso ng pagkain?


a. Dahil si aso ay nag-alala sa kanya.
b. Dahil hindi marunong magluto si ibon.
c. Dahil nagtitinda si aso ng mga pagkain.

3. Sino ang tumulong sa isang hayop na may mabigat na dala?


a. aso
b. ibon
c. kabayo

4. Bakit masasabing tahimik na naninirahan ang mga hayop sa bakuran?


a. Dahil sila ay nag-iinggitan.
b. Dahil sila ay magkakasundo at nagtutulungan.
c. Dahil sila ay palaging nag-aaway.

5. Paano mo maipapakita ang pagtulong sa iyong kapwa?


a. Pagbibigay ng sagot sa kaklase tuwing may pagsusulit.
b. Pagbibigay ng lahat ng iyong baon sa kaklase.
c. Pagdala ng mabigat na dalahin ng guro.
6. Ang _________ay salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
a. pangngalan
b. panghalip
c. pandiwa

7. Ang _______ay salitang pantawag sa karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari. Ang pangngalang ito ay di-tiyak at nagsisimula sa maliit na titik.
a. pangngalang pambalana
b. pangngalang pantangi
c. pangngalang konkreto o tahas

8. Ito ay ngalan ng mga bagay na nakikita o nahihipo.


a. pangngalang pambalana
b. pangngalang pantangi
c. pangngalang konkreto o tahas

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pangngalang konkreto?


a. sabon
b. bolpen
c. talino

10. Ibinili ni Mary ang kanyang mga kapatid ng pasalubong. Ang salitang may salungguhit ay
anong uri ng pangngalan?
a. pangngalang pambalana
b. pangngalang pantangi
c. pangngalang konkreto o tahas

II. Tukuyin kung ang pangngalang may salungguhit ay tahas, basal, o lansak.
______11. Ikinatuwa ng kanyang mga magulang ang pagkakaroon ng karangalan.
______12. Ipinagmaamalaki ng buong bansa ang pangkat ng Gilas.
______13. Sa kanyang sikap at tiyaga, unti-unting nakamit ni Miguel ang pangarap.
______14. Nagkamit ng medalya ang mga nanalo sa paligsahan,
______15. Isa sa mga kakulangan sa paaralan ang upuan at mesa.

III. Punan ng tamang panghalip panao ang patlang.


16. Ako at Si Mylene ay magkaklase. ________ rin ay magkatabi.
17. Ate, gising na! Pupunta pa _________ sa palengke.
18. Bibigyan ko ng tsokolate ang kaibigan ko. Ito ay para sa ________.
19. Ang galing talagang kumanta ni Sarah G. ______ang idol ko.
20. Ang sipag mag-aral ni Angelo. Ang bait din _______.

You might also like