You are on page 1of 3

Banghay Pampagtuturo sa Pagtuturo ng Likas na Batas Moral bilang

Batayan ng Batas ng Tao

I. Layunin
 8.1 Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at
lipunan;
 8.2 Nakapagsusuri ng kuwento ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para
pagboboluntaryo; at
 8.3 Naipapaliwanag ang batayang konsepto ng aralin.

II. Paksang Aralin


A. Aralin: Edukasyon sa Pagpapakato Quarter 2- Modyul 7
B. Mga Kagamitan: Laptop, TV, at Activity sheets
C. GAD Integration: Right to be loved and respected; Right to freedom of thoughts

III. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa mga mag-aaral
3. Balik-aral

B. Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay makikilahok sa larong tinatawag na “Picture Reveal with a Twist”.

C. Paglalahad ng Aralin
Pag-uusapan sa klase ang larawan/salitang nahanap mula sa naunang aktibidad. Magbibigay ang mga
mag-aaral ng mga salitang uugnay dito.Mailalahad dito na ang pokus ng kanilang aralin ay tungkol sa
pakikilahok at bolunterismo.

D. Pagtalakay sa Aralin
Panonoorin ng mga mag-aral ang isang video clip patungkol sa pakikilahok at bolunterismo.
Bago ito magumpisa, magbibigay ng mga katanungan ang guro na siyang kanilang sasagutin
habang nanonood. Kapag natapos na ang video clip ay siya namang pormal na pag-uusapan
ang kanilang mga sagot sa mga naibigay na katanungan.

Pakikilahok at Bolunterismo
Pakikilahok
 Ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayaan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Mga Antas ng Pakikilahok ayon kay Sherry Arnsteinis
1. Impormasyon – pagbabahagi ng nalalaman o nakalap na impormasyon.
2. Konsultasyon – pakikinig sa puna ng iba na maaaring makatulong sa tagumpay ng proyekto
o Gawain.
3. Sama-samang Pagkilos – Pagkilos ng lahat
4. Sama-samang Pagpapasya – pagpapasya ng lahat
5. Pagsuporta – maipapakita sa mga tulong pinansyal, pagbabahagi ng talent o anumang
tulong galing sa puso.
Bolunterismo
 Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan.
Hindi ito naghahangad ng anumang kapalit. Kilala rin sa tawag na “Bayanihan”, “Damayan”,
“Kawanggawa” o “Bahaginan”.
Sa pakikilahok at bolunterismo, dapat Makita ang 3 Ts:
1. Time(Panahon)
2. Talent(Talento)
3. Treasure(Kayamanan)
Mga Dapat Tandaan:
- Ang tao ay may pananagutan na magbahagi sa kanyang kapwa at sa lipunang kanyang
ginagalawan ---- ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.
- Ang tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may
dignidad.
- Ang lipunan ang natatanging lugar para makamit ang tunguhin ng tao. Mahalaga na
makibahagi ang tao sa mga gawaing panlipunan upang makatulong sa pagbuo ng kanyang
sarili.

E. Paglalahat
Tanong: Gaano kahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?

IV. Pagtataya
Dulaan:Mahahati ang klase sa dalawang grupo: Pangkat Pakikilahok at Pangkat Bolunterismo.
Ang bawat pangkat ay mag-iisip at magpapakita ng isang maikling dula-dulaan kung saan
ipinapakita ang pakikilahok o bolunterismo.

V. Kasunduan
Maghanda para sa isang makling pagsusulit bukas.
Republic of the Philippines

CIPRIANO P. PRIMICIAS NATIONAL HIGH SCHOOL


San Vicente, Alcala, Pangasinan

Mala-masusing Banghay Pampagtuturo sa


Pagtuturo ng Likas na Batas Moral bilang
Batayan ng Batas ng Tao

Aralin: Pakikilahok at Bolunterismo


(Mayo 10, 2021)

Inihanda ni:

MARY MARICON M. CARRANZA


Guro III

Sinuri nina:

JOVEN F. LANTANO MIRASOL Q. VILORIA


Ulong Guro III, EsP Dalub-Guro I, EsP

Pinagtibay ni:

JOVELITA P. AFICIAL, EdD


Punongguro IV

You might also like