You are on page 1of 2

Pagkabata

Tila ba ang lahat ay parang kahapon lang.

Napakasarap balikan ang alaala ng pagkabata,

Mga panahong hindi pa alam kung ano ang problema.

Gigising sa umagang ang pagsubok ay di alintana.

Mga lumang papel na ginagawang pera, na tila ba ang lahat ay puro saya.

Mga matang nangungusap na walang ibang sinasabi kundi ang magsaya.

Na kahit puno lamang ng bayabas na hitik sa bunga’y sapat na.

Tila ba kay sarap balikan ang alaala ng pagkabata.

Panahong hindi na babalik pa, sapagkat tayo ay tumatanda na.

Mga panahong tadtad ng sugat ang bawat tuhod na sinubok ng pagkabata,

Ngunit ang bawat sakit ay di kailanman naging problema,

Di gaya ng pusong nasugatan noong tayo’y tumanda na.

Sa palo ni ama’t ina sapat na para ako ay madisiplina,

Pagkabatang hinubog ng alaalang hindi mababayaran ng pera.

Sa panaginip nalang matatanaw ang lahat ng bakas ng pagkabata.

Nais ko pa sanang bumalik ngunit alam kong isa na lamang itong magandang
alaala.

You might also like