You are on page 1of 29

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang wika ay isang kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o

antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't ibang aspeto ng

pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika,

pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay

kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng

nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at

nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na

gumagamit nito. Ang wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay

paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin sa pamamagitan

ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa tao. Ito ay binubuo

ng mga salita, parirala at pangungusap na may kahulugan. Ito rin ay

isang patinig na simbolo na ang pamaraang ginagamit sa paghahatid

ng diwa ayon sa kagustuhan ng nakararami upang ang nasabing diwa

ay magkaugnay-ugnay. Ayon naman sa isang dalubwikang si Gleason,

ang wika ay sistematikong balangkas ng isinatinig na mga tunog na

pinili at isinagawa sa pamamaraang arbitraryo upang magamit sa

pakikipagtalastasan ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

Arbitraryo, na ang ibig sabihin ay hindi na pinagtatalunan at sa

makatuwid pinagkasunduan na gamitin nalamang.

Kakabit na sa buhay ng tao ang wika. Samakatuwid, ito ang

naging simbolan sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig. Saklaw din nito

ang bawat bagay na ginagawa ng mga tao. Maaaring magkaiba-iba

1
ang mga ginagamit na wika o simbolo ng wika sa buong mundo ngunit

iisa pa rin ang diwa at layunin nito. Ang wikang Filipino ay

kinapalolooban ng iba’t ibang wika ng Pilipinas at ng iba’t ibang wikang

katutubo na sinasalita ng buong kapuluan at sinasabing mayroon itong

humigit kumulang isang daan at labing pitong wikang sinasalita sa

buong bansa ngunit walo lamang ang mga pangunahing wikang

sinasalita ng karamihan at ito ang mga wika ng Bikol, Ilokano,

Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog at Waray ng

Samar Leyte. Mahalagang maunawaan ang wikang sarili upang

mapabuti at mapadali ang pag-akma sa kasalukuyang kapaligiran at

mga bagong tuklas na disiplinang makaagham. Ito rin ay siyang lalong

maglilinaw sa karapatdapat na katangian ng isang bansa o ng isang

lahi.

Ang mga wika ng Pilipinas ay akmang magkakaugnay lamang

sapagkat ang mga kasaysayan ng mga wikang ito ay ang mga

tinatawag na mga katutubong wika at marami din ang pagkakahawig

ng mga ito sa isa’t isa at dahil na rin sa ang wika at kultura ay

magkakaugnay. Ang mga wikang Bisaya ng Filipinas ay ang lingua

franca ng halos lahat ng mga kapuluan ng Visayas at mayroon itong

mga sanga at ito ay tatlo sa mga pangunahing wika ang Hiligaynon,

Sebwano at Waray. Ang wikang Sebwano ay ang lingua franca din ng

mga lungsod sa gitnang kabisayaan at ito ay sinasalita o ginagamit sa

mga lungsod at lalawigan ng Cebu, Misamis Oriental, Misamis

Occidental, Negros Oriental, Lungsod ng Zamboanga, Lungsod ng

Davao, Lungsod ng Surigao at sa Lungsod ng Cagayan de Oro. Lahat

2
ng mga lungsod at lalawigan ng kabisayaan ay mayroong iisang gamit

na dayalekto ang salitang bisaya ngunit may iba’t bang gamit o

baryasyon ito. Samakatuwid ay Sebwano ang pangunahing wikang

sinasalita ng mga Cagayanon ngunit kung susuriin ay mayroong mga

pagkakaiba ang mga salitang Sebwano-Cagayanon sa Sebwano ng

Cebu sa gamit, bigkas at pagpapakahulugan sa ibang mga salita sa

kadahilan na rin ng mga kasaysayan, mga imigrasyon ng mga tao, sa

mga kulturang kakaiba sa lungsod ng Cebu at mga lugar na

kinabibilangan ng Cagayan de Oro.

Balangkas Teoretikal

Ang pagsusuri ng dalawang wika ay isang paraang

makatutulong sa pagpapagaan sa pag-aaral ng wika. Ito’y higit na

makatutulong sa mga pag-aaral na di tagalog. Kaya’t upang matiyak at

maihanap ng lunas kung magkatulad ba ang wikaing Sebwano-

Cagayanon sa wikang Sebwano, kailangan ang isang pag-aaral at

pagsusuri ng dalawang wikang ito: ang wikaing Sebwano-Cagayanon

at wikang Sebwano.

Ang naging batayang teorya ukol sa wika, ang Istrukturalismo.

Ang Istrukturalismo ay nakaugat sa paniniwala na ang kahulugan ay

maaari lamang mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na

istruktura, ang istruktura ng wika. Nakuha ang pananaw na ito sa

linguista na si Ferdinand de Saussure inimbento niya ang konsepto ng

pagiging arbitrary ng kahulugan ng salita na walang isang salita na

nakakatayo na mayroong kahulugan.  Ang kahulugan ay malilikha

3
lamang sa relasyon ng salitang ito sa iba pang salita kung saan ito ay

napapabilang. Nalilikha lamang ang ganoong kahulugan dahil sa

pagkakaiba ng isang salita sa iba pang salita. Halimbawa sa mga salita

nito ay ang pagkakaiba ng mga salitang Sebwano-Cagayanon sa

Sebwano tulad ng salitang tupad sa Sebwano at tapad naman sa

Sebwano – Cagayanon na ang ibig sabihin ay tabi o tumabi ka sa

wikang Filipino. Maaring makita natin sa mga salitang yaon ang

kaisahan ng kahulugan ngunit magka-iba ang mga salitang ginamit,

dito napapairal ang istrukturalismo ng isang wika. Pinahahalagahan din

ng mga tagapagtaguyod ng istruktyuralismo kung saan ginagamit ang

wika bilang susing konsepto upang lubos na maunawaan ang mga

proseso at galaw ng mga institusyon at relasyong panlipunang

nabubuo sa pamamagitan ng konstruksyon ng wika (Levi-Strauss

1963). Maari ding maiba ang isang kahulugan ng isang wika kung

ginamit ito sa ibang paraan upang mas lalong maintindihan ng isang

tagapakinig ang layon ng isang tagapagsalita.

Layunin ng Pag-aaral

Hangarin ng mga mananaliksik na tuklasin ang mga salitang

Sebwano-Cagayanon at maihambing ito sa wikang Sebwano. Ang mga

salita ay sinuri at pinaghambing ayon sa kahulugan, baybay at bigkas.

Sa ganitong paraan, malalaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng

dalawang wika.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri at maihambing ang

mga salitang Sebwano-Cagayanon at Sebwano ayon sa kanilang

kahulugan, bigkas at baybay.

4
Pinagsumikapang masagot ng mananaliksik ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano-anong salita sa wikang Sebwano at Sebwano-Cagayanon

ang magkasingkahulugan ngunit iba ang baybay at bigkas?

2. Ano-anong salita sa wikang Sebwano at Sebwano-Cagayanon

ang magkasimbaybay, magkasimbigkas at

magkasingkahulugan?

3. Ano-anong dahilan kung bakit may baryasyon sa diyalektong

Sebwano sa Sebwano-Cagayanon?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ng alinmang wika sa daigdig bilang isang batayan

sa karunungan ay hindi kailanman maaring ihiwalay sa karunungan.

Ang pag-unlad ng karunungan ay nangangahulugan ng kaunlaran. Ang

pag-aaral ding ito ay maaring isang paraan sa pagpapalaganap ng

kaalaman ng wika upang maging mabilis na mapalago at maaaring

magamit sa maayos na pakikipagtalastasan. Ang maaring

kinahihinatnan ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga manunulat

ng mga babasahing pampaaralan at iba pang kagamitang

pangkurikulum na gagamitin ng mga mag-aaral na unang wika ay

Sebwano o Sebwano-Cagayanon. Bukod pa diyan, para naman sa

mga guro na may mga estudyanteng nagsasalita ng wikaing Sebwano

o Sebwano-Cagayanon na malaman nila ang pagkakatulad at

pagkakaiba ng dalawang wika upang mas madali silang

magkakaintindihan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

5
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa

paghahambing ng mga salita sa diyalektong Sebwano-Cagayanon sa

wikang Sebwano. Bagamat ito’y isang pag-aaral na pangwika, hindi ito

gagamitan ng lalo pang malalim na mga salitang panglinggwistika.

Ang isasaalang-alang lamang dito ay ang pagkakatulad at pagkakaiba

ng baybay, kahulugan at bigkas ng mga salitang-ugat sa dalawang

wikang nabanggit. Upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa

ang mga salitang magkatulad ang baybay, kahulugan at bigkas sa

wikaing Sebwano-Cagayanon at Sebwano, pinangkat-pangkat ang

mga salita ayon sa mga kategoryang pangngalan, pandiwa, pang-uri,

mga salitang kinaltasan at mga salitang pinalitan.

Katuturan ng mga Katawagan

Upang lubos na maunawaan ang paghahambing na

pagsusuring ito ang mga sumusunod ay mga katawagang binigyang

kahulugan ayon sa paggamit nito sa pag-aaral:

Kahulugan. Kung ano ang ibig sabihin o ipahiwatig ng isang salita.

Dayalekto o wikain. Wikaing sinasalita sa isang rehiyon. Ang iba’t

ibang pangkat ng mga tao ay nagkakaunawaan dahil sa wikang

pambansa ngunit ang bawat malilit na pangkat ay may kanya-kanyang

wikain o dayalekto.

Filipino. Wikang pambansa ng mga Filipino na batay sa wikang

Tagalog at iba pang wika ng Filipinas.

Pahambing na pagsusuri. Isang uri ng pagsisiyasat ng dalawang

maagham na bagay kalakip ang mga magkakatulad at magkakaiba na

mga wika.

6
salita. Isang katawagang panlahat na sumasaklaw sa alinmang

anyong linggwistika na ipinalalagay na Malaya sa pamamahagi at

kahulugan, maaaring isulat nang may puwang sa magkabilang gilid.

Sebwano. Ang wikang sinasalita ng mga naninirahan sa lalawigan

ng Cebu, at mga karatig lalawigan gaya ng Bacolod, Leyte, Surigao del

Norte at Sur, Misamis Occidenta at Oriental, Davao del Norte at Sur at

Cagayan de Oro City.

Sebwano-Cagayanon. Ay isang diyalekto o wikain ng wikang

Sebwano na sinasalita ng mga tao na na nakatira partikular sa lungsod

ng Cagayan de Oro City.

Wika. Isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng

tao upang magkaunawaan at magkapalitan ng kurukuro o opinyon ang

bawat isa.

Ang wika ay may sariling agham at maunlad na balarila at panitikan

na ginagamit ng higit na nakararami sa mamamayang Filipino. Ito ay

diyalekto, sapagkat ang huli ay isang anyo ng wikang natatangi na

lamang sa isang lalawigan o pook hinggil sa paraan at ugali ng

pagbigkas, talasalitaan at kayariang gramatikal at naiiba nang kaunti

sa anyo ng wikang kinabibilingan (Dy, 1964 at binanggit ni Casten

1999).

Baybay. Pagsulat ng mga titik na bubuo ng isang salita o bahagi ng

salita. (Wiktionary 2014)

7
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang wika sa kanyang sariling kasalimuutan ay paksa ng

maraming pag-aaral ng iba’t ibang dalubwika. Napakahalaga ang papel

na ginagampanan ng wika bilang elementong pangkalinangan. Ayon

sa batikang historyador na nagsusulong ng “pantayong pananaw” na si

Dr. Zeus Salazar, “ang kultura ay kabuuan ng isip, damdamin, gawi,

kaalaman, at karanasan na nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng

isang kalipunan ng tao” kung kaya’t “ang wika ay hindi lamang daluyan

kundi tagapagpahayag at impukan-kuhanan din ng alinmang kultura.”

Katunayan, “walang kulturang hindi dala ng isang wika na bilang

saligan at kaluluwa ay siyang bumubuo, humuhubog, at nagbibigay-

diwa sa kulturang ito” (Salazar 1972-1973, 53). Ang sistema ng

palatuntunan ng Pilipino bilang wikang pambansa ay nailarawan,

nasuri at naihambing sa ibang mga wika sa maraming pag-aaral kaya’t

madali nang isagawa ang pag-aaral na ito ngayon. Ang mga wika ng

Pilipinas ay tinaguriang agglutinating samakatuwid ay maraming salita

ang mabubuo galing sa isang salitang-ugat sa pamamagitan ng

proseso afiksasyon at deriveysyon. Ang mga salitang-ugat na mga ito

ay maaring iklasifay bilang content words - nawn, verb, adjectiv,

adverb; o function words kung saan nakapaloob ang marker,

8
preposition, conjunction, at iba pa. Ang klasifikasyong ito ay batay sa

tradisyonal na klasifikasyon ng mga salitang – ugat ng mga wikang

kanluranin. Sa ating panahonn ngayon ay marami na ang mga

Pilipinong dalubwika ang nag-aaral sa wikang Tagalog o hindi kaya ay

sa wikang Sebwano kung saan ay marami narin ang mga mananaliksik

nito kahit na sa ibang bansa. Gayun pa man, nakalulungkot isipin na

wala pang lumilitaw na pag-aaral na panglingguwistika hinggil sa

Sebwano-Cagayanon kung mayroon man ang gayong pag-aaral ay

madalang at hindi nalilimbag. Kung mayroon mang materyales hinggil

sa wikang ito, iyon naman’y hindi ganap na siyentipiko. Bukod pa roon,

kalimitan sa mga akdang nauukol sa Sebwano-Cagayanon ay sinulat

ng mga dayuhan sa layuning pangmisyonaryo. Sa mga pag-aaral

naman sa Sebwano, kahawig din nito ang takbo ng analisis sa mga

salitang – ugat na makikita ito sa mga gramatikang sinulat nina Julian

Bermejo (1894), Francisco Encina; OESA (1885), Felix Guillen de San

Jose; ORSA (1898), Pedro Jimenez de la Soledad; ORSA (1904),

Julian Martin, OSA (1842), Manuel Vilches de la Conception (1877), at

Ramon Zueco de Sn Joaquin (1884). Para sa kanila ang bahgi ng

pananalita ay maaring iklasify bilang article, nawn, pronwn, ajectiv,

adverb, verb, particles, preposition, conjunction, at interjections. Sa

makabagong panahong ito ng agham unti-unti pang lumilitaw ang

bagong linguwistikang Sebwano-Cagayanon kaayon ng bagong

kilusan ng mga lingguwista hinggil sa pag-aaral napahambing at

pangkayarian. Lumalakad na ngayon ang mga bagong mananaliksik

na ito sa makalimang pag-aaral hinggil sa paghahambing sa kanilang

9
wikain sa wikang Pilipino, ang wikang pambansa ng Pilipinas. Sa

kasalukuyan ay mayroon ding mga mangilan-ngilang mga akdang may

kaugnayan sa pag-aaaral na ito. Halimbawa sa isang pag-aaral nito ay

ang Mga Tunog sa Pilipino – Isang Pagsusuring Naglalarawan na

isang pag-aaral na panglingguwistika. Naglalaman ang unang bahagi

ng mahusay na paliwanag hinggil sa lingguwistika at mga layunin nito

at naglalaman pa rin ito ng mga tanging puna sa mga paksang

binigyang diin mga kinauukulang mga palaaral lalo sa kayarian ng

Pilipino. Ang pagtatalakay sa mga ponemikang Pilipino at ang mga

Pilipinong segmental at suprasegmental ay maliwanag at halos buung-

buo, kaya’t mapapansin ng isang Sebwano – Cagayanong nag-aaral

ng Pilipino na ang kanyang pag-aaral na ito ay mayaman at kasiya-

siyang mapaghahandugan ng mga materyales na kailangan. Iba – iba

at sagana sa mga halimbawa at maraming mga phonetic graph at

talakayan. (Yap, 1970)

Sa pag-aaral na ito ay sumangguni din sa aklat ni John U. Wolff

na batay sa Sebwano - Bisaya bagama’t sinabi ni Wolff na ang

kanyang akda ay nakasulat sa Ingles na di-tenikal na madaling

maintindihan ng mga taong kaunti lamang ang o kaya’y walang sapat

na kaalaman sa lingguwistika, hanggan ngayon ay isa ito sa mga ang

bagong materyales na maaring matagpuan, hinggil sa pag-aaral ng

Sebwano-Bisaya. Marami pa ding mga akdang kaugnay sa mga pag-

aaral na ito na naging gabay ng mga mananaliksik sa pagsulat ng pag-

aaral na ito. Ito ay ang “Pilipino Pampango Cognates Sound and

Spelling Relationship” ni G. Alejandro Q. Perez na isang pag-aaral ng

10
mangilan-ngilang talasalitaan sa Pilipino Pampanggo. Ang binigyang

diin niya dito sa kanyang pag-aaral ang tungkol sa mga pnome at ang

kaugnayan nito sa bawat isa. Isa ding pag-aaral ay ang

“Pagkakaugnayan ng Tunog at Baybay ng mga Cognatos sa Pilipino at

Sebwano – Bisaya” ni G. Mauricio L. Uy ay isang pag-aaral ng mga

talasalitaan sa Sebwano - Bisaya na karaniwang matatagpuan sa

Pilipino. Pinaghahambing dito ang mga ponema sa Pilipino at

Sebwano – Bisaya at ng ma bayabay nito. Nakatulong din ito nang

malaki sa may-akda sa kanyang pananaliksik. Mayroon ding pag-aaral

si G. Francisco Morales na “Fundamentals of the Filipino Language

and Sugbwanon” na tumatalakay tungkol sa iba’t ibang panig ng

balarila ng kapwa wika. Pinaghahambing nito ang kayaran ng iba;t

ibang uri ng bahagi ng pananalita na gaya ng pantukoy, pangngalan,

pandiwa, pang-uro, pang-abay, pangatnig, at pang-angkop. Ang “A

Contrastive Study of the Phonological System of English and Cebuano

– Bisayan” at ang “How the Differences Affect the Teaching of English

as a second Language to Cebuano – Bisayan Learner” ay ang mga

pagsusuri at paghahambing nga ponemang segmental at

suprasegmental ng Ingles at Sebwano – Bisaya. Ito ding pag-aaral ni

Gng. Rosalinda Z. Plaza na “Isang Pahambing na Pag-aaral ng

Sebwanong Ginagamit sa Misamis Oriental at Surigao del Norte”na

tumatalakay disa paghahambing ng iba’t ibang panig ng balarila ng

dalawang wika. Binibigyang diin din dito ang tungkol sa mga ponema

at ang kaugnayan nito sa bawat isa.

11
Lahat ng mga akdang nabanggit ay may kaugnayan sap ag-

aaral na ito, ngunit wwala ni isa mang katulad ng pag-aaral na

isinagawa ng mananaliksik.

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga pamamaraang

ginamit ng mga mananaliksik. Kasama rin dito ang paraan sa paglikom

ng mga datos at pagsusuri nito. Gumamit din ang mga mananaliksik ng

aklat at internet upang malaman ang tiyak na kahulugan ng mga salita.

Disyenyo ng Pananaliksik

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng palarawang

pananaliksik o “descriptive research” na sumasaklaw sa paglalarawan

at pagsusuri ng mga datos at pagpapakahulugan at paglalaan ng

maliwanag na pag-unawa ng pananaliksik sa kinalabasan ng pag-

aaral. Sa gayon, sadyang kinapanayam ng mga mananaliksik ang mga

tagasagot upang maging batayan ng malalim na pagsusuri at

paglalarawan ng kalikasan ng wikang Sebwano.

Ang pangunahing paraang ginamit sa pagkuha ng mga datos ay

ang pagsusuri at pagisiyasat ng mga kasulatan, aklat, thesis, at iba

pang mga sanggunian tungkol sa pagbigkas, baybay at kahulugan ng

12
mga salita at pakikipanayam sa mga taong may kaalaman o nakatira

sa Cebu na gumagamit ng Sebwano na katutubong sinasalita ang

Sebwano-Cagayanon. Sinuri ang mga salitang-ugat sa Sebwano-

Cagayanon at Sebwano na magkasingkahulugan at pinaghambing ang

mga ito ayon sa baybay at pagkabigkas.

Ang mga datos ng dalawang wika ng Sebwano-Cagayanon at

Sebwano ay inipon, sinuri at pinag-aralan upang malaman ang

pagkakaiba nito ayon sa bigkas, baybay at kahulugan, at kung bakit

may nangyayaring baryasyon sa wikang Sebwano.

Mga Respondente

Ang kabuuang bilang ng mga kalahok sa sadyang pinili

(purposive sampling).

Sa pagpapasya ng angkop na bilang ng sampol, ang sinadyang

pagpili (purposive sampling) ay ginamit dahil pinili lamang ang mga

taong bakante at napag-alamang na nakatira ng sandali o permanete

na sa Cebu City na nagsasalita ng Sebwano-Cagayanon.

May isang taong kinapanayam ng mga mananaliksik na nakatira

ng Cebu na ang katutubong wika ay Sebwano-Cagayanon.

Instrumentong Pampananaliksik

Ang mga materyal na ginamit sa pag-aaral ay mga sumusunod:

1. Laptop at internet connection para sa pakikipanayam sa

respondente na nakatira sa Cebu.

2. Cellphone para e kontak ang mga respondente sa bakante

nilang oras.

Tritment ng mga Datos

13
Ginamit ang pamamaraang pakikipanayam sa impormante,

pagsusuri ng mga dokumento na may kaugnayan sa pag-aaral na ito,

paghahambing –hambing at pagsusuri nng mga magkaugnay o

identikal na salitta ng Sebwano at Sebwano – Cagayanon.

Ang mga sumusunod na mga hakbang ay tuwirang ginamit ng

mananaliksik:

1. Pagsisiyasat ng mga dokumentong may kaugnayan sa pagg-

aaral na ito.

2. Pakikipanayam sa aming impormante. Naghanap ang

mannanaliksik ng impormante upang tanungin sa baryasyon

sa wikang Sebwano at Sebwano – Cagayanon. Kailangan na

ang mga impormante ay marunong sa wikang Sebwano at

Sebwano – Cagayanon. Ang kaalaman sa mga naturang

wika ay mahhalaga upang maging karapat- dapat at

matagumpay ang pagsasalin ng mga batayang salita.

Ang pakikipanayam ay naganap sa loob lamang ng maikling

panahon. Pagkatapos ng pakipanayam ay pinaghambing ng

mananaliksik ang mga salitang salin ng impormante. Ang

mga salitang hindi magkatulad ang pagkakasalin ay

masusing pinag-aralan ng mananaliksik.

Ang aming naging impormante ay si Bb. Lea Mae S.

Tapungot, 26 taong gulang at nanirahan sa Minglanilla Cebu

City. Nag-aaral siya sa University of Southern Philippine

Foundation at nagtapos sa kursong AB English. Ngayon siya

ay nagtatrabaho sa isang Call Center Agency sa Cebu.

14
KABANATA 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga salitang-ugat sa

wikaing Sebwano-Cagayanon at sa wikang Sebwano na nasuri at

nabigyang kahulugan. Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng mga

talahanayan sa paglalahad ng mga datos upang ang mga ito’y lalong

madaling maunawaan at mabigyang kahulugan. Ang mga sumusunod

ay ang mga suliraning inihanap ng lunas ng mga mananaliksik:

Suliranin Bilang 1. ANO-ANONG SALITA SA WIKANG SEBWANO

AT SEBWANO-CAGAYANON ANG MAGKASINGKAHULUGAN

NGUNIT IBA ANG BAYBAY AT BIGKAS?

Minabuti ng mananaliksik na paghiwalayin ang mga salitang-

ugat ayon sa iba’t ibang kategorya upang sa gayon ay lalong

malinawan ang pagkaunawa ng mga kinauukulan sa pagtunghay sa

pananaliksik na ito. Ang uri ng pananalita, baybay, kahulugan at bigkas

ng mga salitang-ugat ay siyang ginagamit na basihan ng mga

mananaliksik sa paggawa ng talahanayan.

15
Makikita sa unang talahanayan 1.1 ang mga salitang-ugat sa

Sebwano-Cagayanon at Sebwano na magkasingkahulugan ngunit iba

ang baybay at bigkas.

SEBWANO- KATUMBAS SA
KATEGORYA CAGAYANON SEBWANO FILIPINO

PANGNGALAN Simud wait labi


tundan alintundan saging
dalunggan dunggan tenga
tsinelas ismagul tsinelas
bisung butu puki
PANDIWA Sibug irog urong
Tapad tupad tabi
Tindug barog tayo
niwang daot payat
hulatun agdon hintayin
halayhay hayhay sinampay
Baklay baktas lakad
PANG-URI Tsada nindot maganda
kataw-anan alegre nakakatawa
Saba banha ingay
MGA SALITANG Wala wa wala
NAKALTASAN NG Ulu u ulo
ISANG PANTIG
Dalan dan daan
MGA SALITANG Ulan uwan ulan
MAY LETRANG “L” kabalu kabawu marunong
NA NAPINALITAN Dula duwa laro
NG “W” O “H” Hulam huwam hiram
Bulak buwak bulaklak
Lalum lahum lalim
Sulat suwat sulat
Bulan buwan bulan
SALITANG MAY Anhi ari pumarito
LETRANG “NH” NA
PINALITAN NG “R”

16
TALAHANAYAN 1.1 ANG MGA SALITANG-UGAT SA SEBWANO-

CAGAYANON AT SEBWANO NA MAGKASINGKAHULUGAN NA

IBA ANG BAYBAY AT BIGKAS.

Ito ay naglalahad ng mga salitang Sebwano at Sebwano-

Cagayanon na magkasingkahulugan ngunit iba ang baybay at bigkas.

Sa pag-aaral na ito, malalaman na mayroon ding mga salitang-ugat na

binaybay at binibigkas ng magkaiba ngunit magkasingkahulugan.

Halimbawa dito ay ang salitang “tindog“sa Sebwano-Cagayanon na

nagiging “barug” sa Sebwano na parehong tayo ang katumbas sa

Filipino. May mga salita din na magkaiba ang baybay at bigkas dahil sa

pagpapalit ng letrang “l” na ng letrang “w” o “h” sa wikang Sebwano

gaya ng mga salitang “dula” ay nagiging “duwa” na ang ibig sabihin ay

laro at ang “lalum” ay nagiging “lahum” na parehong ang ibig sabihin ay

malalim. Bukod, may mga salita naman sa wikaing Sebwano-

Cagayanon na sa wikang Sebwano ay nakakaltasan ng isang pantig

gaya ng salitang “wala” ay nagiging “wa”. Dagdag pa diyan, may salita

din sa Sebwano-Cagay-anon na may letrang “nh” na napapalitan ng

letrang “r” gaya ng salitang “anhi” na nagiging “ari”.Sa pag-aaral na ito,

kailangang malaman na mayroon mga salitang-ugat na binaybay at

binibigkas na magkakaiba ngunit magkasingkahulugan. Kaya sa

bahaging ito, dapat lang maging maingat sa pag-aaral sa dalawang

wikang nabanggit kung hindi, ito’y magbubunga nang hindi magandang

pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ng mga kinauukulan.

17
Suliranin Bilang 2. ANO-ANONG SALITA SA WIKANG SEBWANO

AT SEBWANO-CAGAYANON ANG MAGKASIMBAYBAY,

MAGKASIMBIGKAS AT MAGKASINGKAHULUGAN?

Minabuti ng mananaliksik na paghiwalayin ang mga salitang-

ugat ayon sa iba’t ibang kategorya upang sa gayon ay lalong

malinawan ang pagkaunawa ng mga kinauukulan sa pagtunghay sa

pananaliksik na ito. Ang uri ng pananalita, baybay, kahulugan at bigkas

ng mga salitang-ugat ay siyang ginagamit na basihan ng mga

mananaliksik sa paggawa ng talahanayan.

Makikita sa unang talahanayan 1.2 ang mga salitang-ugat sa

Sebwano-Cagayanon at Sebwano na magkasimbabay,

magkasimbigkas at magkasingkahulugan.

TALAHANAYAN 1.2 ANG MGA SALITANG-UGAT SA SEBWANO-


CAGAYANON AT SEBWANO NA MAGKASIMBABAY,
MAGKASIMBIGKAS AT MAGKASINGKAHULUGAN.

KATEGORYA SEBWANO SEBWANO- KATUMBAS


CAGAYANON SA FILIPINO
PANGNGALAN likud likud likod

18
mata mata mata
agtang agtang noo
buhuk buhuk buhok
kamut kamut kamay
liug liug liig
tuhud tuhud tuhod
lansunis lansunis lansones
durian durian durian
makupa makupa makopa
mangga mangga mangga
saging saging saging
ahus ahus bawang
Marsu Marsu Marso
kutsara kutsara kutsara
kutsilyu kutsilyu kutsilyo
iru iru aso
balaud balaud batas
gugma gugma pag-ibig
mananap mananap hayop
PANDIWA sayaw sayaw sayaw,

sumayaw
salup salup lumubog
suyup suyup higop
hawa hawa alis
bunal bunal palo
dakup dakup huli
tugnaw tugnaw ginaw
bása bása basa
dagan dagan takbo
yangu yangu tango
laba laba naglaba
kaun kaun kain
inum inum inom
luhud luhud lohod
lutu lutu luto
lupad lupad lipad
saka saka akyat
ligu ligu ligo
PANG-URI init init mainit
himsug himsug malusog
taas taas mataas
tambuk tambuk mataba
puti puti puti
itum itum itim
gamay gamay maliit
mubu mubu pandak
lami lami masarap

19
tam-is tam-is matamis
parat parat maalat
hilum hilum tahimik
kapuy kapuy pagod
limpyu limpyu malinis
tin-aw tin-aw malinaw
humuk humuk malambot
daku daku laki
bug-at bug-at mabigat
hugaw hugaw dumi

Ang sumusunod na talahanayan ay naglalahad ng mga salitang

Sebwano-Cagayanon at Sebwano na magkasimbaybay at

magkasingkahulugan ang mga salita. Sa pamamagitan ng “A

Dictionary of Sebwano-Bisayan” ni John U. Wolff, 1972 at iba pang

babasahin, nalaman na ang Sebwano alpabeto ay walang ttik na “e” at

“o”. Sa titik na o, ang ginagamit ay mga salitang may bigkas na u,

ganoon din sa “e” at “i”. Ang ginagamit na mga titik ay a, b, k, d, I, g, h,

l, m, n, u, p, r, s, t, w, at y.

Napatunayan na maraming mga salitang-ugat sa Sebwano-

Cagayanon at Sebwano ang magkasimbaybay, magkasingkahulugan

at magkasimbigkas, kung kayat maaaring sabihin na madali lang

matutunan ang wikaing Sebwano-Cagayanon sa wikang Sebwano o ng

sino mang gustong matuto ng wikaing Sebwano-Cagayanon. Ang

pagkatuto ng wikang Cagayanon sa isang di-Cagayanon ay nababatay

sa kanyang kaalaman sa wikang Sebwano.

Suliranin Bilang 3. ANO-ANONG DAHILAN KUNG BAKIT MAY

BARYASYON SA DIYALEKTONG SEBWANO SA SEBWANO-

CAGAYANON?

20
Ayon kay Rubrico (2009), ang dialect ay ang baryasyon ng wika

batay sa katangian nito na siyang karaniwang ginagamit sa mga tao ng

isang rehiyon o pook. Halimbawa, ang Tagalog ng Batangas,

Marinduque, Metro Manila, at Baler ay may pagkakaiba sa bigkas at sa

iilang terminolohiya, gayun pa man, nagkakaintindihan ang mga

Tagalog na ito. Kung ang mga taga-Manila naman ay manirahan ng

matagal sa Mindanao, mag-iiba naman ang Tagalog nila.

Samakatuwid, ang mga ito ay tinatawag na dialect ng wikang Tagalog.

Dagdag pa niya, ang dialect o baryasyon ng wika ay nabubuo

kung ang mga tagapagsalita ng isang wika ay magkahiwalay dahil sa

lokasyon o sa sosyal na mga dahilan at sa gayon ay wala na silang

ugnayan. Ang wika ay nagbabago at ang pagbabagong ito ay may

sistema. Kung hindi maipasa ang anumang pagbabago na naganap sa

sentro o sa alinmang rehiyon sa isang grupo, malamang na unti-unting

maging iba ang pagsasalita ng grupong iyon.

Ang isang siyudad, probinsiya o rehiyon ay maaring mabubuo

ng mga tao na may iba’t-ibang wika. Halimbawa, sa Probinsya ng

Davao ay may Cebuano, Davaweño, Tagalog, Bagobo, Mamanwa,

Manobo, Mandaya, at Mansaka. Kailangan nila ng isang wikang

pangkomunikasyon upang sila ay magkaintindahan. Ang wikang ito ay

tinaguriang lingua franca. Ang Sebwano ay ang lingua franca hindi

lamang sa Davao, kung hindi sa buong Mindanao at Visayas. Ilokano

at Tagalog naman ang mga lingua franca sa Luzon. Filipino ang lingua

franca sa buong Pilipinas.

21
Noong pumunta ang mga Español sa Lungsod ng Zamboanga,

hindi nila naintindihan ang wika ng mga tao rito. Hindi rin sila

naintindihan ng mga Zamboangueño. Ngunit ang dayuhan at ang

katutubo ay kailangan ng wikang pangkomunikasyon. Natuto silang

ipaghalo ang Español at wikang katutubo. Sa puntong iyon, ang tawag

sa halu-halong wikang ginamit nila ay pidgin. Nang maglaon, nag-

asawa ang mga Español sa mga katutubo at ang pidgin na kanilang

ginamit ay ang sinasalita ng kanilang mga anak. Samakutuwid, native

language na ito ng isang grupo sa lipunang iyon. Kung ang pidgin ay

nagkakaroon na ng katutubong tagapagsalita, ito ay nagiging creole.

Ang tawag sa Creole ng Zamboanga ay Chavacano; ganoon din sa

Cavite at sa Ermita, Manila.

Ayon naman sa mga nakitang artifacts sa Xavier University

Museo de Oro, na karamihan daw sa dialektong Sebwano-Cagayanon

ay nagmula sa mga salitang Sebwano, Boholano at Caminguingnon na

pinagmulan ng mga ninuno ng mga Cagayanon. Ayon pa doon, noong

unang panahon, naimpluwensiyahan din ng mga tribo mula sa Agusan

at Bukidnon sa diyalektong Sebwano-Cagayanon bago paman

dumating ang mga Kastila sa Mindanao. Dahil diyan, nahaluan na ng

iba’t ibang diyalekto ang Sebwano-Cagayanon kung kaya may

nangyayaring baryasyon dito.

WIKA AT LIPUNAN: Sociolinguistics

Ang bawat lipunan ay may katutubong wika. Ang bawat lipunan

ay bumubuo ng isang speech community na kinabibilangan ng mga tao

22
na may iba’t-ibang social orientation batay sa kanilang katayuan sa

buhay, sa mga grupo na kanilang ginagalawan, sa iba’t-ibang tungkulin

na kanilang ginagampanan. Isa sa mga batayan sa baryasyon ng wika

ay ang pagkakaiba ng katangian ng mga grupo na napaloob sa

istruktura ng isang lipunan. Ang baryasyong ito ng wika ay tinatawag

na sociolect o social dialect.

Kaugnay dito, ang bawat tao sa lipunan ay may sariling

pamamaraan ng paggamit ng kanyang wika. Ito ay tinatawag na

ideolect. Ito ay bunga sa pamilya na kanyang pinanggalingan, sa grupo

na kanyang sinasamahan, sa lugar na kanyang kinaroroonan, at sa

mundo na kanyang ginagalawan.

Ang rehiyon na kinalalagyan ng isang grupo ay isa ring dahilan

ng baryasyon --halimbawa, may kaibhan ang punto ng mga Tagalog sa

Manila at ng mga Tagalog sa Batangas o sa Marinduque. Gayun pa

man, nagkakaintindihan pa rin sila. Ang Tagalog sa Manila, sa

Batangas at sa Marinduque ay rehiyonal na baryasyon ng wikang

Tagalog. Ang mga ito ay tinaguriang mga dialect ng Tagalog. Ang

baryasyon dito ay makikita sa punto, sa mga salita mismo, at sa

pagkakabuo ng mga prase o mga pangungusap.

Isa pang uri ng baryasyon ng wika ay ang tinatawag na register.

Ito ay may kaugnayan sa paggamit ng estilong formal o informal,

alinsunod sa paksang tinatalakay, sa mga nakikinig, sa okasyon, at iba

pa.

23
Ang sociolect, dialect, at register ay mga uri ng baryasyon ng

wika sa isang lipunan. Ito ang nagpapaliwang sa iba’t-ibang anyo ng

isang wika batay sa mga sumusunod: sa taong nagsasalita, sa taong

kinakausap o nakikinig, sa okasyon o sitwasyon, sa lugar, at sa

konteksto na ibig ipahiwatig. Ito ang tinatalakay sa sociolinguistics, ang

sanga ng linguistics na nag-aaral sa mga aspetong sosyal ng wika.

KABANATA 5

Lagom

Bago ilahad ang mga natuklasan, binabalangkas muna ng mga

mananaliksik ang tesis ng kaba-kabanata. Ang unang kabanata ay

naglalahad ng panimula, ng mga suliranin, kahalagahan ng pag-aaral,

saklaw at limitasyon, katuturan ng mga talakay, mga kaugnay na pag-

aaral at literature at plano ng pagkaayos. Sa pag-aaral na ito, ang mga

sumusunod na katanungan hinggil sa paksang pinag-aaral ang siyang

isinaalang-alang ng mga mananaliksik.

1. Ano-anong salita sa wikang Sebwano at Sebwano-Cagayanon

ang magkasingkahulugan ngunit iba ang baybay at bigkas?

24
2. Ano-anong salita sa wikang Sebwano at Sebwano-Cagayanon

ang magkasimbaybay, magkasimbigkas at

magkasingkahulugan?

3. Ano-anong dahilan kung bakit may baryasyon sa diyalektong

Sebwano sa Sebwano-Cagayanon?

Ang ikatlong kabanata ay ang paglikom ng mga datos ay ang

pagsusuri at pasisiyasat ng kasulutan, aklat, tesis at iba pang mga

sangunian. Tungkol sa pagbigkas, pagbaybay at kahulugan ng mga

salita. Sinuri ang mga salitang-ugat sa salitang sebwano-cagayanon at

sebwano na magkasingkahulugan at pinaghambing ang mga ito ayon

sa pagbaybay at pagbigkas. Ang huling kabanata ay ang pagbibigay

ng kongklusyon at rekomendasyon batay sa mga suliraning inilahad ng

mga mananaliksik.

Kongklusyon

Pagkatapos suriin ng mga mananaliksik ang nalikom nilang

datos, sila ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a. Mas marami ang mga salita na magkapareho ang baybay,

bigkas at kahulugan ng wikaing Sebwano-Cagayanon at wikang

Sebwano kaysa sa mga salitang iba ang baybay at bigkas ngunit

magkasingkahulugan.

b. May mga salita naman sa wikaing Sebwano-Cagayanon na

napapalitan ang mga letrang “l” at “r” pagdating sa wikang

Sebwano gaya ng salitang “sulat” na nagiging “suwat” at sa ang

25
salitang “anhi” ay nagiging “ari”, ngunit magkapareho lang ang

kahulugan ng dalawang salita.

c. May mga salita din sa wikaing Sebwano-Cagayanon na sa

wikang Sebwano ay nakakaltas ang isang pantig. Halimbawa nit ay

ang salitang “wala” ay nagiging “wa” nalang sa wikang Sebwano

ngunit magkasingkahulugan pa rin ang dalawang salita.

d. May mga salita naman sa wikain Sebwano-Cagayanon at

wikang Sebwano magkaiba ang baybay, bigkas ngunit

magkasingkahulugan gaya ng salitang “tindog” ay “barog” sa wikang

Sebwano na ang ibig sabihin ng dalawang salita ay tayo.

e. Sa pagbabaybay ng mga salita, parehas lang ang wikaing

Sebwano- Cagayanon at wikang Sebwano na gumagamit lamang

ng tatlong patinig na “a”, “i” at “u” kung kaya halos ang diin ng

mga salita ay maragsa.

f. Na ang dahilan ng pagkakaroon ng baryasyon sa wikang

Sebwano ng wikaing Sebwano-Cagayanon ay dahil sa lokasyon o sa

lipunang kinabibilangan ng tagapagsalita nito. Ang dialect o

baryasyon ng wika ay nabubuo kung ang mga tagapagsalita ng

isang wika ay magkahiwalay dahil sa lokasyon o sa sosyal na mga

dahilan at sa gayon ay wala na silang ugnayan.

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga kongklusyong nabanggit, buong –

pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:

26
a.) Para sa mga mananaliksik sa hinaharap inirekomendang mas

palawakin pa ang pag-aaral na ito. Na sana ay may gagawa pa

ng paghahambing hinggil sa Sebwano at Sebwano –

Cagayanon.

b.) Para sa mga pamantasan inirekomenda na pag-aralan ang

mga baryasyon sa wikang Sebwano sa Sebwano – Cagayanon

upang magkaroon ng malawakang pagkakaintindihan at

pagkilala ng mga salitang magkaiba at magkatulad.

c.) Para sa mga guro inirekomenda upang mas lalong maintindihan

nila ang kanilang mga mag-aaral na nagsasalita ng mga

Sebwano. Lalo na sa Guro na hindi pamilyar sa wikang

Sebwano.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Argayoso, Ernesto Z. (1984) Ang pagkakaugnay ng tunog at baybay

ng mga magkaugnay na salitang wikang tagalog, wikang sebwano at

wikang sebwano – Cagayanon. Pebrero 1984. Tesis

Casten, Nenita R. (1999) Isang Pagsusuring Pangwika ng Wikaing

Surigaonon batay sa Wikang Sebwano-Bisiya. Marso 1999. Tesis

27
Endrida, Divine Angelie P. (2010) The Dialectology of Cebuano: Bohol,
Cebu and Davao. Marso 2010. Tesis

Madrid, Randy M. (2013) Ang Pariancillo Ng Molo, Iloilo sa Pagtatagpo

Ng Hiligaynon At Hok-Kien Bilang Mga Wikang Pangkalakalan Noong

Dantaon 18. Setyembre 2013. Tesis

Plaza, Rosalinda Z. (1977) Isang pahambing na pag-aaral ng

Sebwanong ginamit sa Misamis Oriental at Surigao Del Norte. Tesis.

Manuzon, Lamberto (1970) Pahambing na pag-aaral ng mga

pangunahing wika sa Pilipinas. Tesis.

Santiago, Alfonso O. (1970) Ang paghahambing sa Dalawang Wika.

Hunyo, 1970

Morelos, Francisco (1980) Bansaya – Bansay sa Pagsulti; Binisaya

Tinagalog ug Tinipsing sa Gramatika. Cebu City Rotary Press.

Uy, Mauricio L. (1971) Mga Pagkakaugnay ng mga tunog at baybay ng

mga “Cognate” sa Pilipino at Sebwano – Bisaya. Marso, 1971. Tesis

Wolff, John U. (1972) A Dictionary of Cebuano Visayan by John U.

Wolff.

http://www.jstor.org/discover/10.2307/42634845?

sid=21105461701481&uid=2&uid=4&uid=3738824

28
29

You might also like