You are on page 1of 8

1

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng gawain kung ito‟y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumubuo sa pagsusulat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet

Manunulat: Divine Grace Marie S. Rosos


Editor: Alma C. Sinining
Tagasuri: Jona S. Demaraye, Claudia T. Villaran, Marineth I. Villena,
Gethel A. De Guzman

Tagalapat: Antonio O. Rebutada


Management Team:
Ramir B. Uytico Clarissa G. Zamora
Pedro T. Escobarte Fevi S. Fanco
Elena P. Gonzaga Ivy Joy A. Torres
Donald T. Genine Alma C. Sinining
Miriam T. Lima Jason R. Alpay

2
MABUHAY!

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod ng
Escalante sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang
ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalangalang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang
ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner‟s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

3
Quarter 4, Week 4a
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

KASANAYANG PAMPAKATUTO AT KODA

• Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na


nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos
nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. (Week 4/ EsP9PK-IVd-14.3)

PANIMULA

Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay


maaaring mabago o mapalitan sapagkat patuloy na
nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon
na nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit
magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing
saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng
kaniyang buhay. Sabi nga sa isang kataga, “All of us
are creators of our own destiny”. Ibig sabihin, tayo
“All of us are creators of our own destiny.”
ang lilikha ng ating patutunguhan. Napakaganda
hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti, sapagkat anuman ang iyong hahantungan,
iyan ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa iyong buhay.
Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang mga
katanungang:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa
aking buhay?

Kaya napakahalaga para sa isang tao lalo na sa iyo bilang kabataan na bumuo
ng personal na pahayag ng misyon sa buhay. Nakikita mo na ba ang kahalagahang

4
ito para sa iyo? Ito ang makapagbibigay ng direksiyon sa iyong buhay upang sa
pagtahak mo ng iyong misyon patungo sa iyong bokasyon ay maging malinaw na
nakapagbibigay ito sa iyo ng kaganapan bilang isang tao.

Mula dito ay madarama mo ang tunay na kaligayahan. Wika nga ni Fr. Jerry
Orbos: ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon
ng misyon. Aniya, ang misyon ay hindi lamang para kumita ng pera, maging mayaman
o maging kilala o tanyag. Ang tunay na misyon ay ang MAGLINGKOD. Ang
paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa ang magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan.

MGA SANGGUNIAN

1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Batayang Aklat ng mag-aaral,

MGA GAWAIN

Gawain 1:
A. Panuto:
1. Isulat sa loob ng kolum ang iyong naging kontribusyon na kung saan ipinakita mo
ang iyong kahusayan.Ang unang bilang ay magsisilbing gabay mo.
2. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Pagpapakita ng kahusayan sa: Naging Kontribusyon

1. Pamilya Pag-aaral ng mabuti bilang sukli sa


pagmamahal,hirap at pagod na ibinigay
nila sa akin
2. Paaralan
3. Pamayanan
4.Simbahan

Ngayon, ikaw naman.


Pagpapakita ng kahusayan sa: Naging Kontribusyon

1. Pamilya
2. Paaralan
3. Pamayanan
4.Simbahan

B. Panuto:
3. Ngayon naman ay isulat mo ang iyong mithiin sa buhay sa loob ng biloghaba.
4. Ilagay mo kung ito ba ay pangmadalian o pangmatagalan.
5
5. Matapos mong isulat ito, iguhit mo naman sa loob ng screen ng telebisyon ang
nakikita mo sa iyong sarili matapos mong maitakda ang iyong mga mithiin. Kung
ikaw ang manonood ano ang gusto mong makita sa iyong sarili.
6. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.

Ang Aking Mithiin sa


Buhay ay maging isang
mahusay na guro.

Ngayon, ikaw naman.

Matapos mong maisulat ang iyong mga mithiin ay iguhit mo sa telebisyon set ang
nais mong makita sa iyong sarili kung ikaw ang manonood.

Note:
Larawan ng isang telebisyon at isang
tao na nanonood sa harap nito.Walang
palabas na makikita sapagkat sila ang
guguhit sa loob nito.

Mga Tanong:
1. Mula sa gawain, ano ang masasabi mo sa iyong sarili?
2. Bakit mahalaga na suriin ang mga sumusunod:
A. Mga pagpapahalaga mo sa buhay
B. Mga naging kontribusyon mo sa iyong pamilya, paaralan, pamayanan at
simbahan
C. Mga mithiin sa buhay? Ipaliwanag bawat isa.
3. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyong pagpapasya? Ipaliwanag.

6
Gawain 2:
Panuto:
Pakinggan ang awit ni Leah Salongga na may pamagat na “The Journey”. Maaari
mo din itong awitin.

Half the world is sleeping, Refrain…


half the world's awake When they're shining on my life
half can hear their hearts beat I can see a better day
half just hear them break I won't let the darkness in,
I am but a traveler, in most every what a journey it has been...
way
Ask me what you want...to know
Forward, always forward...
Refrain.
Onward, always up...
What a journey it has been
Catching every drop of hope
And the end is not in sight
In my empty cup
But the stars are out tonight
and they're bound to guide my
way Refrain…
When they're shining on my life

When they're shining on my life I can see a better day

I can see a better day I won't let the darkness in,

I won't let the darkness in, what a journey it has been...

what a journey it has been. What a journey it has been...

I have been to sorrow


I have been to bliss
Where I'll be tomorrow,
I can only guess

Through the darkest desert


Through the deepest snow,
Forward always forward, I go..

7
Mga Batayang Tanong

1. Ano ang mensahe ng awit na ito sa iyo?


2. Ano ang iyong naramdaman habang pinapakinggan mo ang awitin?

Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May ilang Walang
ang mga salitang salitang kaugnayan at
ginamit sa ginamit na hindi wasto ang
pagbubuo hindi angkop mga salitang
at wasto ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi Hindi
naipahayag ang gaanong naipahayag
mensahe naipahayag nang mabisa
ng mabisa ang nilalaman
ang mensahe ng mensahe

REPLEKSIYON

Bilang isang mag-aaral,makakatulong ba ang pagbuo mo ng Personal na Misyon sa


Buhay upang maging malinaw sa iyo ang karera o kurso na iyong pipiliin? Paano?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________.

SUSI SA PAGWAWASTO

Depende sa sagot ng mag-aaral

You might also like