You are on page 1of 58

Negotiating Two Generation: An In-depth Analysis of Iloco Culture and Heritage

through Folk Songs

Participant No.1

R. Laron: Alam na po ba natin iyong background of the study Ma’am no? Kasi

nagsagawa tayo ng orientation last night.

P1: Yes!

R. Laron: Ayan po so magpro-proceed na po tayo sa questioning. Ang number 1 question

po natin is anong behavior ang pupwede mong i-apply sa kantang Manang Biday,

Pamulinawen, O Naraniag A Bulan, Bannatiran at Panagpakada, each song po siya.

P1: Umm, sa first song which is Manang Biday, umm yung attitude na pwede kong mai-

ano doon is mapagmahal or lovable or loving kasi maano siya eh about courtship tapos

makikita doon sa song na meron talaga yung panunuyo ng lalaki na umm desi.. umm

desidido talaga siya sa babae ganun. And next song Pamulinawen, may patience yung

mga Iloko sa kantang ito, may patience din gaya nung isa kahit na related to sa hindi

mangan.. medyo epic or hindi magandang umm relationship nung, nung guy at tsaka

nung girlatleast hin.. parang hindi siya, hindi tawag nito, hindi sumusuko yung lalaki din

na kwan kahit cold heated na yung babae ganun. Then sa third, Naraniag.. O Naraniag A

Bulan, hopeful yung mga tao dati kasi dun sa buhay kasi may trials ganun umm they still

believe on that there will be guidance or success in future kapag gagawin nila itong isang

bagay na ‘to. Then relate din yung pang-apat na song sa O Naraniag A Bulan which is the

Bannatiran? Para sa akin yung.. yung attitude ng mga Iloko is pagiging industrious nila

kasi dun sa bird na sinasabi niya umm, yung bird nay un kahit saan siya magpunta ah
maghihintay lang siya then darating yung pinaghirapan niya ganun success. Then last,

pagiging humble nung mga Iloko which is yung Panagpakada na song, pagiging humble

nila kasi kahit umm lumaki na yung business nila ganun siguro dati or kung ano man yun

na umm buhay nila nagging journey nila hindi pa rin sila nagging ma-pride kasi

binabalikan nila yung umm yung buhay nila dati yun.

R. Laron: Yes, ayun, so wala naman akong follow-up question dito sa number 1. Ang

question number 2 po natin is, paano nababago ng mga Iloko folk song ang mga attitude

ng millennials, iyong generation po natin ngayon.

P1: umm, yung sa second question para sa akin, yes nandun na rin tayo sa nababago din,

sana, pero yun nga lang dahil sa environmentor sa mga umuusong trend, yung culture

natin bakit kaya nabago parang mas Malaki yung percent ng hindi masyadong

naappreciate lalo na yung mga iba na, alam mo na yung ibang mga umm kabataan

ngayon na mas gusto pa nila yung mga kpop songs mga ganun. Pero sa totoo naman

mayroon naming mga nakakaappreciate din yun through music nabago din yung attitude

nila naappreciate nila tapos nai-aapply nila.

R. Laron: ayun, so number 3 question po tayo, paano naiintindihan ng younger generation

ang true meaning ng folk songs? Paano kaya nila nakikita yung folk song ngayon na

generation natin?

P1: yung iba kasing mga folk song pinapakanta yan sa mga fiesta ganun or other

celebrations ganun, nakakatulong din naman sa pag-intindi kung anong meaning nun or

pwede din na dahil sa curiosity nila nagse-search sila kung ano talaga yung meaning ng
kanta or nagtatanong-tanong sila sa mga mas nakakatanda or nakaka-alam ng mga

malalalim na terms or dialect terms.

R. Laron: ayun, number 4 po tayo. Paano mo ie-explain yung pamumuhay ng Iloko noon

at ngayon through the folk songs?

P1: yung mga umm pamumuhay nila dati mas nakikita na they have more discipline

attitude, more umm.. ah.. tawag dito yung, yung may gentleness tsaka patience talaga sa

isang bagay mapa-related man sa love or sa work ganun unlike ngayon mayron din

naman yung culture natin na ganun na attitude pero kasi mas umm.. makikitang mas

madisiplina pa rin sila dati tsaka yung, yung tawag nito, mas marami na kasi tayong

umm.. mas marami kasing mga bagay ngayon na alam mo yun yung hindi masyadong

maayos to the point na minsan hindi na maganda yung culture natin ngayon na bago

which is umm mas parang nagchange kaya kailangan nating i-preserve.

R. Laron: ayun umm, ano po yung mas prefer ninyo yung culture po ba natin noon or

ngayon?

P1: umm, sa akin, in my own opinion I prefer the culture before, na kahit hindi, hindi sila

masyadong kwan sa gadgets noon pero makikita na mas successful sila and yung hindi

lang yung buhay kundi by process yan, yung attitude nung bata sila hanggang lumaki

hanggang sa pagtanda dala nila then maganda yung pananaw nila sa buhay unlike ngayon

na bata pa lang umm it’s either hindi na maganda yung attitude niya kasi nagiging spoiled

na sila gaya ng gadget mga ganun.


R. Laron: okay question number 5 na po tayo. Paano nakikita ng mga millennial sang

Iloko culture and heritage sa pamamagitan ng folk songs? Paano kaya nila nai-imagine

yung cuture natin dati.

P1: sa pamamagitan ng feelings natin, imagination and umm dahil din sa tulong ng

internet na may ah na yun na rin yung pinaka-effective source ng mga historical truths

mga ganun also sa mga folk songs na makaluma yun ah hindi nila literal na nakikita na

kasi umm tapos na or wala naman tayo nung kapanahunan nila pero kasi through feelings

and ayun cognitive skills natin na magse-search tayo, curious tayo sa mga bagay na

ganito ayun nakikita nila yung mga heritage yung mga ginagawa nila noon.

R. Laron: number 6 question na po tayo. Anong advice ang maibibigay mo sa mga

millennials patungkol sa folk songs?

P1: ano ang advice? Umm.. ah ang advice ko sana umm hindi, hindi lang nila i-appreciate

yung mga folk songs kundi mas, mas panindigan pa nila ngay yung “ah nagustuhan ko to

kasi gusto ko to” at hindi lang yung beat kundi mismo yung message and alam mo yun,

yung mapapa-isip sila na “ay buti pa dati mas disiplinado sila tapos kahit na walang

masyadong technology mas na-enjoy nila yung kabataan nila” mga ganun.

R. Laron; ayun, umm, payag ba kayo na ma.. parang itong mga folk song is mapag-aralan

din ng mga elementary, mga bata ngayon, payag ba kayo dun as BSE naman kayo diba

nagtuturo ganun or aspiring future educator. Umm payag ba kayo na ituro itong mga folk

song sa mga elementary or grade school kung tawagin.

P1: umm para sa akin, payag din ako pero umm kung titignan ko yung mga songs na

hindi masyadong malalim or boring yung kwan niya parang depende sa umm rhythm kasi
may mga rhythm na kahit hindi nagegets nung bata gusto nila yung song. So ayun payag

din ako. Parang uunti-untihin ko yung kwa niya.

R. Laron: ayun umm, nabanggit niyo yung dun sa word na boring, yung iba bang folk

songs sayo, Iloko ah, yung ibang Iloko folk song, boring ba pakinggan para sa inyo?

P1: umm aminado ako na oo kasi hindi sa ano ah pero kasi yung, yung umm tawag nito

yung perception natin sa isang bagay hindi tayo lahat the same or may umm okay sa atin

may hindi okay naman sa kanila ganun, para sa akin yung iba na hindi ko masyado rin

naka-kwan pero yung pagdating sa content na-appreciate ko pero kasi yung sa, yung sa

sound lang siguro minsan hindi ako yung parang na-aattract kaya nasasabi kong boring.

R. Laron: okay, move na po tayo sa question number 7. Paano kaya mapre-preserve ng

mga younger generation ang Iloko culture at heritage? Umm kunwari po ditto pwede

kayong mag-present kung meron kayong naiisip na organization or ideas na pwedeng

mag-preserve ng ating Iloko Culture.

P1: paano mapre-preserve ng younger generation? Umm, pwede silang through social

media. Pwede silang gumawa ng facebook page ganun depende din sa talent kunwari

umm papalaro sila ng kwan umm or magpapa.. yung mga umuuso din lang sa facebook

na umm magpapagawa sila ng contest ng composition about sa culture dati tapos anong

culture ngayon or songs man yan, dance or kahit ano umm artworks ganun. Isa yun tapos

yung pangalawa, kung walang pandemic pwede din naman nilang i-relate sa school or

isali sa mga organization na related sa arts.

R. Laron: umm number 8 question, second to the last. Ano ang pwede mong gawin as

part of younger generation para ma-maintain ang legacy na iniwan ng ating mga ninuno?
P1: yung, yung gagawin ko?

R. Laron: yes po! Yung way niyo po.

P1: umm, para mamaintain, yun, isha-share ko total more on online naman tayo mas isha-

share ko or parang yung mga post from umm heritage noon or cultures dati, mga

organizations na mga NCCA mga pinopost nila , pwede ko naming i-share yun and ica-

caption ko na, na sana ma-appreciate din ng tao and yun basta isha-share ko siya.

R. Laron: kung gagawin niyo siya sa community niyo lang po, umm paano po yung way

ng paggawa po ninyo para mamaintain po yung legacy?

P1: kapag sa community ko din naman, umm may mga occasions or fiesta ditto pwede

din akong makipag-participate na sabihin or na ipagpatuloy lang din yung mga kantang

folk songs kasi may mga barangay ata na kaag fiesta kukunti na lang yung ano eh

pinapatugtog na folk songs din kaya ayun.

R. Laron: umm last question na po tayo. Paano mo nakikita na ang mga millennials ay

poprotektahan ang ating folk song? Nakikita mo pa po ba na poprotektahan nila yun or

ipagsasawalangbahala na lang po ba nila.

P1: umm sa akin ah base on my observation umm parang 50/50 pero sana 50/50 na

mayroon yung, meron pa ring magpoprotekta sa culture natin kasi meron yung talagang

nakakaappreciate ng culture natin and ayaw nilang mawala yung culture natin. Meron din

yung pananaw ng iba na kung ano na lang yung nakagawian doon na lang tayo mag-stick

which is mas maganda pa din na yung dati pa rin nandun pa rin yung culture natin.

R. Laron: so ayun lang po Ma;am, thank you so much po!


Participant No. 2

R. Laron: alam na po ba natin iyong background of the study?

P2: yes po!

R. Laron: so start na po tayo sa pagtatanong. Okay number 1 question po tayo. Anong

behavior ang pupwede mong i-apply sa kantang Manang Biday, Pamulinawen, O

Naraniag A Bulan, Bannatiran at Panagpakada each song siya meron dapat behavior and

like culture ng mga Iloko or behavior nila.

P2: siguro po sa Manang Biday is yung pagiging sincere po ng isang tao. Sa

Pamulinawen naman po is yung patience, sa Naran.. O Naraniag A Bulan, yung positivity

tsaka yung pagiging hopeful ng mga Ilokano. Sa kantang Bannatiran yung pagiging

independent at sa Panagpakada yung respect at concern po.

R. Laron: umm dito ba sa mga behavior na inilatag mo po or inintroduce mo sa akin

meron ka po bang parang umm nakakarelate ka ba dun sa mga initroduce mong behavior

sa akin?

P2: actually yes po. Umm nagbase po kasi ako sa mga lyrics na nakapresent po doon sa

mga kanta.

R. Laron: umm, number 2 question na po tayo. Paano nababago ng mga Iloko folk song

ang mga attitude ng millennials?

P2: umm parang through Ilokano folk songs po, parang naiintroduce po yung mga

culture, yung mga traditions po na parang unti-unti nang nawala pero parang through this
folk song parang naintroduce po sila dun sa mga millennials na kung saan unti-unti po

ulit nabubuhay yung mga kulturang dahil po sa kanila.

R. Laron: ayun, umm, nababago ba nito yung mga attitude ng mga millennials ngayon?

Although yung mga pinapakinggan na ng mga millennials ngayon is hindi na siya part ng

mga folk songs?

P2: kahit papaano po siguro po yes po.

R. Laron: umm number 3 question na po tayo. Paano naiintindihan ng younger generation

ang true meaning ng folk song?

P2: umm, although karamihan po sa mga kabataan ngayon is parang ang dating po sa

kanila is yung mga kantang Ilokano is prang weird po kasi aminin po siguro natin na

kahit mga pure Ilokanos po tayo is parang kahit tayo rin minsan parang nahihirapan din

tayong intindihin yung mga salitang nagamit dahil sa mga unfamiliar na words.

R. Laron: ayun, so nabanggit mo yung word na weird, para sayo weird din ba yung iba

although nag-aaral ka nang culture and arts education? Dapat diba mas familiar kayo sa

mga ganun?

P2: umm para po sa akin umm, hindi na po siguro kwan hindi nap o siguro nawiwirdohan

kasi kwan umm naririnig ko rin minsan yung mga ibang words kahit na yung mga

malalalim na words po na nabanggit ng mga matatanda dito sa amin ganun po.

R. Laron: ayun so proceed sa number 4 question na po tayo. Paano mo ie-explain yung

pamumuhay ng mga Iloko noon at ngayon through the folk songs.


P2: sa folk songs po kasi parang naintroduce po yung pamumuhay ng Filipino dun is

parang wala po siguro silang masyadong problemang iniisip unlike po ngayon na parang

bawat galaw problema ganun po. Parang mas carefree po sila noon unlike ngayon.

R. Laron: umm, kung tatanungin kita mas prefer mo ba yung noon or ngayon?

P2: mas prefer po noon.

R. Laron: okay question number 5 na po tayo. Paano nakikita ng mga millennial sang

Iloko culture and heritage sa pamamagitan ng folk song?

P2: umm through folk songs po kasi umm parang na-introduce po ulit sa kanila yung mga

bagay na nagagamit noon tapos yung mga traditions po, mga ultura na pineperform po ng

mga Ilokano.

R. Laron: okay proceed to number ano na ba tayo, number 6. Anong advice ang

maibibigay mo sa mga millennials patungkol sa folk song or gusto ba nilang i-preserve ba

ito?

P2: siguro po yung advice na lang po siguro is kahit po hindi po nila masyadong

maintindihan yung mga ibang words na presented po sa mga Ilokano songs at tsaka kahit

medyo makaluma po siguro yung datingan ng kanta huwag po sana itong maging hadlang

po para huwag nilang i-try na tanggapin o tangkilikin yung mga kantang nagpapakilala

sayo at sa pinanggalingan po nila.

R. Laron: umm, connection sa question number 6 paano nila ipre-preserve, paano ipre-

preserve ng mga younger generation yung Iloko culture at heritage? In what way siguro,

para sayo?
P2: parang yung sharing na lang po siguro ate.

R. Laron: umm sharing, pero kung way mo yung masusunod, anong way yung gusto mo?

P2: yung hindi lang po basta-basta ishare yung mga kanta i-appreciate din po nila kung

ano yung mga context na nakapaloob dun para mas maintindihan po nila mas para mas

maibahagi po nila ng maayos dun sa mga susunod na generations po.

R. Laron: ayun so, ano kaya ang pupwede mong gawin as a part of younger generation

para mamaintain yung legacy na iniwan ng mga ninuno natin?

P2: umm gaya din po kanina sa question ng number 7 po yung continue na lang po siguro

yung pag-share at pag-appreciate po ng mga bagay na iniwan nila kasi, yun na lang po

kasi yung mga tanging bagay na pwedeng mag-identify po kung ano yung origin natin as

mga Ilokano po.

R. Laron: ayun so kung gagawin mo siya sa community ninyo, papaano kaya? Kung

papayagan yung mass gathering ganun, papaano mo kaya siya imamaintain paano mo

tuturuan yung mga younger generation?

P2: umm yung, for example na lang po is yung parang mga events po na parang

composition po ng music umm ginagamit po yung mga dialect ng Ilokano po na

nagpapakita po kung ano yung mga presented po sa mga community nila.

R. Laron: so through writing music?

P2: Through music na lang po ay music writing.

R. Laron: ayun through music, so last question na tayo? Paano mo nakikita na ang mga

millennials ay poprotektahan ang ating folk song? Nakikita mob a na poprtektahan nila
yung mga folk song natin? Yung hindi lang sa inyo na nag-aaral ng culture and arts

education kundi yung mga batang nakikita mo na nagtitiktok ganyan, yung mga

pinapakinggan ay ibang music ganun.

P2: yes po, kasi sa dinami-dami po ng mga nag-eemerge na bagong mgagandang kanta

umm using different language, umm, huwag din po sana nilang i-set aside yung mga

kantang nagppakita ng kaugaliang parang nagmold po sa komunidad nila at most

importantly po sa mga sarili nila umm magagawa po nila ito by sharing and introducing

sa mga may kakayahan na i-share po ito. Umm parang kwan po, umm tangkilikin po ang

sariling atin parang ganun ate.

R. Laron: so yun lang yung last question ko wala na akong follow up question kasi na-

answer mo naman siya ng straightforward. So ayun lang po Sir. Thank you so much sa

time mo.

P2: Yes po!


Participant No. 3

R.Laron: umm, so aware na po ba tayo sa background ng study po?

P3: Opo!

R. Laron: okay, so mag-proceed na po tayo sa questioning or interview. So number 1

question po, ano pong behavior ang pupwede mong i-apply sa kantang Manang Biday,

Pamulinawen, O Naraniag A Bulan, Bannatiran at Panagpakada, each song po siya,

behavior po ng mga Iloko?

P3: umm yung Manang Biday siguro yung parang panliligaw sa babae noon nung

behavior nung babae, yung panliligaw, yung paghaharana. Ganun din sa ano

Pamulinawen, e yung Naraniag A Bulan naman pwede kong mai-apply mula sa kantang

yun is yung katulad yung pag-hiling sa moon pero hindi sa moon ah sa shooting star.

Bannatiran, ito yung kwan nakarefer kasi siya sa ibon na Bannatiran yung lipat-lipat ng

umok, yung mai-aapply ko naman na behavior dito is yung hindi pagsuko sa isang

relasyon yung kahit ayaw na nung babae pilit ka pa ring naghahanap ng paraan para hindi

ka niya iwan. Diyay Panagpakada met, farewell song to eh, yung maari kong mapulot na

behavior dito ay yung, diyay Panagpakada nu adda papanam kasjay.

R. Laron: umm dito naman po sa ano, sa Manang Biday na part, sinabi niyo yung

panliligaw, so umm nakakarelate po ba kayo dun sa part na yun, na yung ginagawa niyo

pa rin po na panliligaw is yung dati pa or mas gusto niyo po yung ngayon?

P3: oo pero bago na, yung binigyan ko lang siya ng bulaklak ganun.
R. Laron: sa ano naman po, sa part ng Panagpakada, ayan kasi sa mga iba di po ba

minsan hindi na nagpapaalam, nagpapaalam nalang kapag nandodoon na sila sa lugar na

pupuntahan nila, ginagawa niyo pa rin po ba yung magpaalam kayo?

P3: ginagawa naman.

R. Laron: ayan so dito po tayo sa number 2 question na po. Paano nababago ng mga Iloko

folk song ang attitude ng mga millennials?

P3: siguro sa ano, sa pakikinig ng mga folk song, nakakapagbigay kasi ng kaalaman

patungkol sa pag-ibig parang ganun. Parang sa karanasan ng ibang tao nakakapulot tayo

ng ibang aral.

R. Laron: so nababago po ng folk song ang attitude. Paano po iyong mga matitigas ang

ulo na mga millennials ngayon na parang mas gusto na nila yung bago ngayon kesa yung

noon papaano po yun.

P3: Choppy po.

R. Laron: umm sige proceed na po tayo sa question number 3. Paano naiintindihan ng

younger generation ang true meaning ng folk song?

P3: kapag nararanasan na nila yung kanta ganun, yung kunwari pag-ibig tas nakarelate

sila dun sa Pamulinawen.

R. Laron: para sayo po ano po yung true meaning ng folk song para sayo?

P3: folk song, yung parang maipreserve yung mga dating karanasan at mga dating gawi .

R. Laron: okay po, so move to question number 4 na po tayo. Paano mo ie-explain yung

pamumuhay ng mga lloko noon at ngayon?


P3: malaking pagbabago mga nangyayaring kaganapan dito sa mundo.

R. Laron: paano yung pamumuhay noon?

P3: yung pamumuhay noon tulad nung paglalaro.

R. Laron: ano po yung tungkol sa paglalaro?

P3: mula pagkabata nasa labas yung ngayon makikita mo nagce-cellphone maghapon.

R. Laron: okay, so question number 5 na po tayo. Paano nakikita ng mga millennial sang

Iloko culture and heritage sa pamamagitan ng folk song? Paano nila nakikita yung..

parang paano nila nai-imagine.kunwari napakinggan nila yung Manang Biday ano kaya

yung naiisip nila? Pero para sayo Sir, nalulumaan ka ba sa mga kanta?

P3: hindi naman, sa totoo lang eh mas nagugustuhan ko pa nga yung mga folk song kesa

sa mga bagong kanta ngayon.

R. Laron: okay po, umm dito po tayo sa question number 6. Anong advice ang

maibibigay mo sa mga millennials tungkol sa folk song?

P3: umm, pakinggan nila at tsaka intindihin yung folk song dahil yung mga nilalaman ng

folk song ay yung mga karanasan ng mga gumawa nung kanta.

R. Laron: umm sa, connected po siya sa question number 7. Paano kaya nila mapre-

preserve yung Iloko culture at heritage natin? Paano nila mapre-preserve yung culture

nating mga Iloko, yung mga generation ngayon?

P3: pasa-pasa tulad ng pagkukwento, pagtuturo, pagkanta sa mga.. sa kanila pagpaparinig


R. Laron: ayun so ang nakikita niyo pong way na kailangan nilang gawin para

mapreserve yung Iloko culture is yung umm parang orally pass? Pass by orally ganun?

P3: Opo!

R. Laron: okay, so question number 8 na tayo. Paano mama-maintain ng mga younger

generation yung legacy na iniwan ng mga ninuno natin?

P3: mama-maintain nila ito sa ano, mula sa kanilang guro kasi kapag nag-aaral sila

madaming mga guro yung nagtuturo ng mga folk songs tulad na lang ng mga MAPEH,

ipinapasa nila sa mga estudyante o itinuturo nila yung mga folk song.

R. Larom: ao ayun, nabanggit niyo na din dun sa part na ituturo ng mga teacher yung ano,

yung folk song sa mga bata. Umm, okay lang po bas a inyo na ituro din yun sa mga

elementary? Sa mga grade school ganun?

R. Laron: Sir? Okay lang po bas a inyo na ituro yung mga folk song sa elementary?

P3: oo naman po kasi music major ako

R. Laron: so last question na po tayo. Paano nakikita ng mga millennials, paano nakikita

na ang mga millennials ay poprotektahan ang ating folk song? Paano niyo po nakikita?

P3: nakikita ko sa ano, yung pagpupursigi.

R. Laron: sino po ang magpuprusgi para maprotektahan?

P3: kami po, yung mga guro.

R. Laron: kasi future educator po kayo no?

P3: Opo!
Participant No. 4

R. Laron: Good afternoon po, ayun, aware na po ba tayo sa background of the study ng

ito po? Aware nap o ba tayo?

P4: Yes aware na.

R. Laron: okay so magpoproceed na po tayo sa questioning. Number 1 question po,

anong behavior or culture ang pwede mong i-apply sa kantang Manang Biday,

Pamulinawen, O Naraniag A Bulan, Bannatiran at Panagpakada, each song po siya.

P4: ah kung ano yung ia-apply na?

R. Laron: behavior or culture ng mga Iloko na present sa kantang yun, sa limang kanta.

P4: ah okay sige. Dun sa una, ano na yung una?

R. Laron: Manang Biday po.

P4: yung sa, sa Manang Biday culture or behavior ng isang Iloko ay pagiging umm kwan

siya umm pagiging mapagmahal? Ganyan? Then sa pangalawa, ano yung pangalawa?

R. Laron: Pamulinawen

P4: so sa Pamulinawen umm, hindi ay wait lang, ang culture na nakikita dun ay, pagiging

umm consistent ba yungayaw nilang sumuko sa kung ano yung gusto nila na gusto nila

sila yung napapakinggan ganun.

R. Laron: next na po, umm O Naraniag A Bulan.


P4: sa O Naraniag A Bulan, umm, kung titignan dun sa kantang yun ay parang isang

kwan ngay umm, parang boys lover ay meron silang celebration parang may, may gusto

silang iparating ngay na, na yung lugar na yun ay dapat masaya ganito sila.

R. Laron: ayun, positivity, ganun po ba?

P4: ah true positivity ganun

R. Laron: sa Bannatiran po?

P4: sa Bannatiran, anon a yung ibig sabihin nung Bannatiran?

R. Laron: yung ibon

P4: ay yung ibon pala, so parang ito yung kwan, parang tuloy lang yung laban ng mga

Iloko ganun hanggang, yung try and try hanggang sa makamit nila yung gusto nila ganun

yun, yun yung pagkaintindi ko sa song na parang meron sa culture ng isang Iloko.

R. Laron: ayun so sa Panagpakada naman po.

P4: Panagpakada, umm as usual naman na yung title niya. Kasi ang pagkaintindi ko sa

pagpapaalam, sabi dun sa isang, ay sa Iloko kailangan, kailangan na umm, pangalan nito

ay hindi, aware na yung isang kabataan or isang tao na kailangan nilang magpaalam bago

sila umalis ganun kasi hindi naman natin alam kung baka anong mangyari.

R. Laron: so proceed na po tayo sa question number 2. Paano nababago ng mga folk

songs ang attitude ng mga millennials?

P4: paano nababago. Yung limang yun na no?

R. Laron: oo general na siya.


P4: ngayong kwan? Generation?

R. Laron: yes! Paano niya nababago yung mga attitude ng millennials yung folk song.

P4: kwan siguro sa mga ideas nila, lalo sa umm, like pananaw nila sa love ganun, lalo ta

more on love naman mismo ang mga Iloko songs.

R. Laron: so dun po ba sa part ng love alin po dun exactly sa love po?

P4: umm kind ng love or siguro yung love nila sa kwan nila yung pangalan nito, yung

pangalan na nun? Yung mahal nila ngay na tao ganun.

R. Laron: yun, umm, sa panliligaw po ba yun or sa..

P4: yes, sa panliligaw.

R. Laron: so number 3 na tayo. Paano naiintindihan ng younger generation ang true

meaning ng folk song? Para sayo po as a part ng younger generation.

P4: Ano? Paano naiintindihan ng younger generation?

R. Laron: Opo, yung true meaning, true meaning ng folk song.

P4: umm siguro, paano? Ano ba yan? Yung mismong music na lang yung papakinggan

nila? Paano mag-wowork yung music sa kanila ganun?

R. Laron: depende po pwede pong music, pwede din pong sa lyrics na part.

P4: Paano? Yes. Anon a yung question? Paano na?

R. Laron: paano nila naiintindihan yung true meaning ng folk song?


P4: first, unang-una jan yung melody ng song yung music mismo, kung yung music ba is

mabagal ganun or mabilis, siguro kung mabagal medyo kwan yan, medyo baka

malungkot yung song, kapag mabilis medyo masaya yung song at lalong-lalo na sa

language na ginamit dun sa song na yun, sa music or sa folk song na yun. Umm may mga

salita kasi ng Iloko na medyo naiintindihan ng ibang tao kasi related ngay siya minsan sa

salita ng mga Spanish ngay. Yes, yun yung minsan na napapansin ko din as, nai-

experience ko din na may pagkahalo yung tunog at minsan yung rootword ngay kung

saan nanggaling yun ganun.

R. Laron: may mga ibig sabihin ba yung mabilis at tsaka mabagal po na melody?

P4: Yes, meron.

R. Laron: how about po sa lyrics po ng song?

P4: sa lyrics, oo mahahanap din nila mismo yung meaning doon ng folk song sa, salyrics

mismo kasi yun na yung nga.. siya yung nagrerelay ng message diba.

R. Laron: so proceed na po tayo sa fourth na question. Paano mo ie-explain ang

pamumuhay ng mga Iloko noon at ngayon?

P4: umm siguro, talagang magkalayo na yun, magkalayo na. Ngayon na modern na tayo

umm, noon ang pamumuhay nila talagang payapa lang, payak lang yung simple lang

ganyan, diyay ngay, yung tipong kapag may mga kasalan, maraming pumupuntang

kabataan ang palagi nilang tugtog is yung mga folk songs na noon hindi pa sila nahihiya

na sumayaw sa mga ganung kanta pero ngayon hindi na, hindi na gusto ng mga kabataan,

halos mga nanay, tatay na lang yung may mga gusto sa mga kantang yun ganun.
R. Laron: umm, para sayo po ano pong mas prefer mo, noon po ba or yung ngayon?

P4: na kanta? Anong ibig sabihin?

R. Laron: na pamumuhay

P4: siguro noon, yes kasi wala pang medyo ano doon eh ,issue sa bansa ganun. Wala

pang mga bagay-bagay na nakakabigay ng problema sayo parang ganun yung nafefeel ko

noong, noong unang panahon, kaya gusting-gusto ko ng mga old songs din ng iloko

songs, ng mga English songs na old kaya ganun.

R. Laron: ayun, umm move na po tayo sa fifth na question. Paano nakikita ng mga

millennial sang Iloko culture and heritage sa pamamagitan ng folk song? Parang paano

nila naiimagine kapag narinig nila yung certain folk song, paano yung naiimagine nila

ganun.

P4: siguro sa tulong din ng mga lyrics ng kanta, kasi nandun yung pagdedescribe diba,

kunwari dun sa “Manang Biday ilucat mo man sa bintanam” o sa bintana mismo

maiimagine na nila na “ah baka kubo-kubo yung part na yun” diba nandun yung isang

dalaga na nililigawan ng isang binate ganun. Tapos ano pa, yung mga Naraniag A Bulan

or yung Pamulinawen “pusoc cet dinggem man” parang sa bawat lyrics mismo ng kanta

siya yung nagdedescribe kung ano yung meron dun, na mismong makikita ng mga umm

younger generation mismo na naririnig nila. Kasi minsan ang mga kabataan ngayon yung

mahilig sila sa mga kanta, tapos ayun nagiimagine-imagine mga yan, ganun naman sila.

R. Laron: ayun nag-eemote sila. So move na po tayo sa 6, anong advice ang maibibigay

mo sa mga millennials patungkol sa folk song?


P4: sa mga folk songs sa Iloko?

R. Laron: yes

P4: advice ko na, ano, syempre as a younger generation, oo masasabi natin na malayong-

malayo na tayo doon pero part pa rin yung ng pagiging sino ka kung Iloko ka Iloko ka.

Yung Iloko songs, nasayo na rin mismo hindi yun mawawala. So kailangan nila umm

pakinggan or parang ngay maging proud sila kapag may nagpapatugtog ng mga ganun “o

Iloko song yan” ganyan dun sa amin mahilig kaming umm kumanta ng mga ganyan.

Kumbaga hindi nila ikakahiya ganun, maging proud pa rin sila ganun.

R. Laron: okay, umm, move to 7 na po. Paano kaya maprepreserve ng mga younger

generation ang Iloko culture and heritage? Paano kaya nila maprepreserve? In what way?

P4: siguro papasok na jan yung pagiging culture and arts siguro I encourage them na,

hindi naman siguro lahat ng kabataan ay mahilig sa ganun pero. Hindi na nalalayo yung

kabataan sa pa, sa kagustuhan ay, na magustuhan ang mga music diba? Kasi nandun na

sila diba? Gusting-gusto nila yun. So parang umm, o kaya’y gaw sila ng mga ano,

gumawa sila ng mga videos, ganun. Na kumakanta sila ng mga Iloko songs.

R. Laron: parang iprepreserve na nila yung culture and heritage?

P4: yes, parang from them, hanggang sa paglaki nila maipapasa nila doon sa mga anak

nila ganun.

R. Laron: okay umm, move to question number 8 na po tayo. Ano ang pupwedeng gawin,

anong pwede mong gawin as a part of younger generation para mamaintain yung legacy

na ibinigay or iniwan sa atin n gating mga ninuno?


P4: siguro sa pinakamadaling paraan na lang. umm pag-introduce lalo na’t magiging

future educator ako umm, lalo’t culture and arts kami, napapasok din niya yung mga folk

songs ng Iloko by that i-introduce sa kanila yung mga kantang yun. Sa basic lifestyle din

dito sa bahay, why not magpatugtog ka yung hindi na lang palagi na western songs yung

pinapatugtog mo why not yung kinalakihan mo yung naririnig mo na din yung iparinig

mo ganun.

R. Laron: okay umm, move to last question na po tayo. Paano mo nakikita na ang mga

millennials ay pinoprotektahan an gating folk songs?

P4: umm, first, syempre nakarecord yan umm, pinoprotektahan, ano ba yan yung

mismong nasa kanila?

R. Laron: yes ganun.

P4: sa experience ko may mga nakikita akong mga kabataan dito sa amin na habang

naglalakad ay may nagpapamusic sa kanilang phone at ang kanilang music ay yung mga

Iloko songs. Yung simpleng pag-save nila dun sa cellphone nila ganun, eh diba minsan

yung mga Iloko songs ay nandun na rin sa YouTube yung mga yan so madali na lang nila

yun na masesearch ganun, masasave sa phone nila at papakinggan nila ganun.

R. Laron: yun lang po Ma’am, thank you so much po sa time ninyo ngayon, maraming

salamat po sa pagpapaunlak ng aking interview, thank you so much po.

P4: You’re welcome!


Participant No. 5

R. Laron: So aware po ba tayo sa background of the study ng research?

P5: Opo. Yes po.

R. Laron: Okay. So proceed na po tayo sa interview. Ang number one question po natin

ma’am no: Anong behaviour or culture ng mga Iloko ang pu-puwede mong i-

apply sa kantang Manang Biday, Pamulinawen, Oh, Naraniag a Bulan,

Bannatiran, at Panagpakada? Each song po.

P5: Okay. Doon sa Manang Biday siguro ‘yong pagkilala muna sa isang lalaki bago mo

tanggapin. Tapos sa Pamulinawen, laging pakikinig sa payo ng nakatatanda. Ta’s

Naraniag a Bulan, pagiging hopeful. Tapos Bannatiran, pagiging independent ta’s

hindi sumusuko agad. Tapos Panagpakada, laging magpaalam sa parents sa lahat ng

pupuntahan. Gano’n.

R. Laron: Ayon. So nabanggit niyo po doon sa Pamulinawen…ano na po ‘yong

nabanggit niyo kanina doon?

P5: Laging makinig sa payo ng nakatatanda.

R. Laron: Uhm…Stone-Hearted Lady po ‘yong English po niya. Bakit po siya napunta

doon sa pakikinig sa magulang?

P5: Eh siyempre ‘yong lyrics doon sa bandang huli kasi na parang merong nakatatanda

do’n ta’s pinapayo niya ‘yong mas nakababata na mag-aral muna bago kayo mag-ayat

sabi niya do’n eh. Meron akong nabasa sa lyrics niya.


R. Laron: Ayon. So mag-proceed na po tayo sa question number 2. Paano nabago ng mga

Iloko folk song ang attitude ng mga millennial?

P5: Ay, ‘yong mga lyrics kasi parang nagiging guide ng mga kabataan. Kasi ‘yong mga

kanta galing sa experience ng mga matatanda. Parang naku-kuwento doon ‘yong

mga karanasan nila dati. Tapos ‘pag naririnig ng mga kabataan parang natuturuan na

din tayo, tapos ma-adapt natin para magkaroon tayo ng tamang attitude. Parang

gano’n.

R. Laron: Ayon. So naa-adapt natin doon sa folk song ‘yong mga attitude. Number three

question po. Paano naiintindihan ng mga younger generation ang true

meaning ng folk song?

P5: Ano..uhm..ano. Base sa experience ko, puwede?

R. Laron: Okay lang. Okay lang. Mas maganda ‘pag experience.

P5: Ano na kasi. ‘Di ba lalo na old na ‘yong mga words ng mga kanta. Naiintindihan ko

na lang talaga siya kapag, ‘yong deep meaning niya, kapag ano tinanong ko na lang

sa mga mas nakatatanda, gano’n ngay sa parents ko. Doon ko na lang siya

naiintindihan. Pero kung ako lang, hindi talaga.

R. Laron: Ayon. So no’ng nalaman niyo ‘yong mga meaning, anong nagbago doon sa

pananaw niyo sa folk song?

P5: Ano, nagka-intreres ako. Dati ano e, wala lang parang gano’n.

R. Laron: So, para sa’yo interesting ang folk song? Hindi ba siya boring?

P5: Ah?
R. Laron: Hindi ba siya boring, para sa’yo ‘yong folk song?

P5: Hindi na sa ngayon kasi gano’n pala. Meron siyang ano…

R. Laron: Okay. Proceed nap o tayo sa number four. Paano mo ie-explain ang

pamumuhay ng mga Iloko noon at ngayon?

P5: Noon, parang… Noon parang mas sila…mas…ano nang tawag doon. Mas…ano

‘yon? Responsible? At saka disiplinado sila noon gano’n. Kesa ngayon. Pati sa mga

kanta.

R. Laron: Kung papipiliin ka, noon o ngayon?

P5: Noon siguro, noon.

R. Laron: Ayon. So number five na po tayo. Paano nakikita ng mga millennials ang Iloko

culture and heritage sa pamamagitan ng folk song? Parang paano nila nai-

imagine. Kunwari kapag narinig nila ‘yong isang kanta, ano ‘yong nai-

imagine nila? Parang gano’n.

P5: Ah oo sa ngayon. Hindi ko alam kung ano…pero kasi. Sa ngayong ngay ket parang

‘yong millenials parang, siyempre luma na garod, parang ano…katulad dito kapag

nakakarinig sila ng gano’n parang ang naaalala lang nila parang pang ano lang sila,

pang handaan. Parang pinatutugtog lang. Parang ‘yon lang ‘yong value nila ngay.

Para lang sila sa ano, mga event gano’n. Kasi hindi pa nila alam. Parang sa’kin din.

‘Yon pala may meaning din pala.


R. Laron: Oo. Gano’n din ako dati. Pero no’ng nakita ko na ‘yong mga lyrics parang,

hindi pala. So proceed to number…ano na tayo…number six. Anong advice

ang maibibigay mo sa mga millennials patungkol sa folk song?

P5: Oo. Kasi sa ngayon dahil sa ginagawa mo na ‘to, dahil sa interview, parang na-realize

ko na dapat pala pahalagahan ‘yong mga folk songs natin kasi treasure din natin sila.

Kaya ‘yong sasabihin ko din sa mga kabataan ngay ket pahalagahan ‘yong mga folk

song natin kasi mismong doon din makikita ‘yong pagkakakilanlan natin. Do’n.

R. Laron: Okay, number seven na tayo. Paano kaya mapre-preserve ng mga younger

generation ‘yong Iloko culture and heritage natin? Paano kaya mapre-preserve

‘yon? In what way kaya?

P5: Oo. Siguro ano, puwede ding maagang i-introduce sa kanila ‘yong mga folk song,

gano’n, or ano, habang bata pa sila, or madalas na pagpapatugtog ng folk songs.

Gano’n.

R. Laron: Uhm…sa community…sa community mo, paano mo kaya masasabi…paano

mo siya mai-introduce sa community mo na mahalagang i-preserve natin

‘yong folk song at tsaka ‘yong mga culture as Ilokano?

P5: Paano ko i-introduce?

R. Laron: Oo. Sa mismong community mo siya.

P5: Iku-kuwento ko siguro gano’n, sa isa sa kanila. Pag-uusapan naming, gano’n.

R. Laron: So communicating. Orally passed, gano’n?

P5: Oo.
R. Laron: Okay. Number ano na tayo…number eight. Second to the last question na tayo.

Ano ang pu-puwede mong gawin as a part of the younger generation para ma-

maintain ang legacy na iniwan ng ating mga ninuno?

P5: Ano siguro, parang sa nangyari ngayon, gano’n din, iku-kuwento ko sa kanila ‘yong

deeper meaning no’ng kanta para magkaroon sila ng interes din kagaya ko. Tapos

maitatanim sa puso nila kasi may lesson ‘yong kanta. Gano’n.

R. Laron: Paano mo siya i…parang paano siya…anong tawag ‘don…i-introduce ulit,

ayon. Paano mo siya sasanihin doon sa mga younger generation na ‘yong

meron ‘yong mga…ano…’yong…anong tawag dito…’yong merong close-

minded. Hindi sila nakikinig ng folk song. “Yuck, ew” gano’n lang sila.

Papaano mo babaguhin ‘yong pananaw nila, siguro.

P5: Siguro ano, iku-kuwento ko ‘yong mga experience na related doon sa mga kanta

gano’n. ‘Yong ngay may mga kuwento no’ng sinaunang panahon. Gagawin ko

siyang story gano’n.

R. Laron: So story ‘yong way ng pag-aano mo sa kanila.

P5: Puwede rin.

R. Laron: Last question na tayo. Paano mo nakikita na ang mga millennials ay pro-

protektahan ang mga folk song?

P5: Sa tingin ko hangga’t may mga nakatatanda na binibigyang-halaga ‘yong mga folk

songs natin, naniniwala ako na maipapasa at maipapasa ‘yong pagpapahalagang ‘yon


sa mga millennials kasi ituturo nila ‘yong essence ng kanta tapos isasapuso rin ng

mga, ano, younger generations. Parang gano’n naipapasa din ngay, gano’n.

R. Laron: Papaano kapag ano, kapag, wala na ‘yong mga nakatatanda. ‘Yong generation

na lang natin and ‘yong sa future?

P5: Ako. Ako mag-aano magpasa sa kanila, gano’n. Puwede?

R. Laron: Oo puwede. Kasi nga future educator naman kayo ‘di ba? Tsaka releated kayo

sa, ano, culture and arts. Ayon so, kung bibigyan mo ng advice ‘yong mga

millennials ngayon, kunwari nakikinig sila ngayon, anong gusto mong sabihin

sa kanila about sa Iloko culture natin or sa mga folk song natin?

P5: Ano, gusto ko na sabihin na ‘yong mga culture na ‘yon ket kayaman natin sila kaya’t

dapat iniingatan natin, pine-preserve natin. Kasi, pinapahalagahan natin kasi ‘yon

din ‘yong isang bumubuo sa atin ‘yong sa pagkakakilanlan natin. ‘Yon lang.

R. Laron: Okay, ‘yon lang. Thank you so much sa time mo, *name*.

P5: Thank you din.


Participant No. 6

R. Laron: Uhm…aware naman na tayo sa background of the study po no?

P6: Opo.

R. Laron: So, mag-start na po tayo sa interview. Number one question po uhm. Anong

behaviour ang pu-puwede mong i-apply sa kantang Manang Biday,

Pamulinawen, Oh, Naraniag a Bulan, Bannatiran, at Panagpakada? Each song

siya.

P6: Isahin muna natin. ‘Yong sa Manang Biday siguro uhm…’yong behaviour na ini-

apply ko is ‘yon, kung ano ‘yong manliligaw bilang isang Ilokano, bilang isang

lalaki na mangliligaw. ‘Yong sa pangalawa no, ano ‘yong pangalawa?

R. Laron: Pamulinawen.

P6: Pamulinawen. ‘Yong Pamulinawen naman is ‘yong behaviour siguro na, ‘yong nakita

ko kasi doon is parang crush ganito. So para sa akin is…uhm pagiging matapang na

pagiging matapang upang sabihin ang nararamdaman o kaya ‘yong kagustuhan sa

isang bagay. And ‘yong third…

R. Laron: Naraniag a Bulan.


P6: Naraniag a Bulan. So ‘yon mai…behaviour siguro na puwede kong i-apply doon is

‘yong pagtutulungan pa rin, ‘yong bayanihan. Uhm…ano ‘yong pang-apat?

R. Laron: Pang-apat ‘yong Bannatiran.

P6: Bannatiran…’yon siguro ‘yong pagiging matiyaga sa mga bagay na gusto mong

makamit. Ahh, pursige. ‘Yon.

R. Laron: And lastly ‘yong Panagpakada.

P6: ‘Yong ‘yong pagpapahalaga sa buhay na meron ka. Ahh…kung…tawag dito. Bawat

oras ay mahalaga. Na kailangan mong sulitin ‘yong mga oras na meron ka, para

maging masaya, ‘Yon.

R. Laron: So, ang English kasi ng Pamulinawen is Stone-Hearted Lady, so bakit mo

nasabi kanina na about sa crush-crush siya.

P6: Kasi uhm…’yong nafe-feel ko kasi do’n is ‘yong lalaki. ‘Yong kumakanta do’n.

Parang sinasabi “Pamulinawen, puso’k indengam man” parang “Ay, bago ‘to”.

Gusto niyang magpapansin. Gusto niyang mapansin din siya na sa bawat ngiti ng

babae is nakikita niya. Parang doon kasi sa song, hindi siya napapansin, gano’n.

Parang gusto niya ‘yong isang babae pero hindi siya napapansin, parang gano’n.

R. Laron: Ayon. So do’n sa limang folk song na ‘yon, alin ‘yong mas nakaka-relate ka as

a part of younger generation?

P6: Siguro para sa akin ‘yong tawag dito, ‘yong pang-apat?

R. Laron: ‘Yong Bannatiran…


P6: Oo, pang-apat. Bale ‘yong lima naman medyo parang nakaka-relate ako, pero ‘yong

pang-apat talaga ang pinaka-kuwan ako kasi ‘yon nga, parang gusto kong abutin

‘yong mga bagay na gusto ko. Kasi alam ko naman na hangga’t alam kong may

paraan, ginagawa. ‘Yon.

R. Laron: Ayon. So proceed na tayo sa question number two. Number two is: Paano

nabago ng mga Iloko folk song ‘yong mga attitude ng mga millennials

ngayon?

P6: Para sa akin nababago ‘nong mga Iloko folk song ‘yong mga kabataan ngayon…

ahh…through sa behaviour din. Siguro kasi…once kasi na napapakinggan mo pa rin

‘yong mga song na ‘yon parang nagpapahiwatig ‘yon na naalala mo ‘yong kultura ng

mga Ilokano…at point din para…maisasabuhay mo kasi. Kung ano kasi ‘yong

napapakinggan mo at kung ano ‘yong nakalakihan mo, ‘yon ‘yong parang…uhm…

tawag dito…naka-copy mo. Parang magagaya mo na din.

R. Laron: Ayon. So ano ‘yong specific na attitude na nacha-change ng folk song?

P6: For me, ‘yong pagiging…uhm…mahinhin. Kasi most of the Ilokano song kasi

mahinhin talaga para sa akin. Parang soft lang siya. Wala siyang masyadong ibang…

ahh…tawag dito…hindi siya mataas gano’n. Parang feel lang. Parang nagiging

mahinhin lang na may damdamin, parang gano’n.

R. Laron: So proceed na tayo sa number three. Ang number three question is: Paano

naiintindihan ng mga younger generation ang true meaning ng folk song?

P6: Ahh for me…ahh…siguro ‘yong una at una kasi dapat alam nila ‘yong mga salita.

‘Yong una’t una kasi kahit na magaling ‘yong artist na iparamdam, although
magaling siya pero unang una talaga alam mo ‘yong mga salita na ginagamit para

maintindihan nila. Pangalawa, siguro doon napupunta doon sa pagiging konektado

ng singer sa nakikinig din. Kasi minsan kahit na…doon sa…doon sa mga kanta na

napakinggan ko kasi hindi siya masyadong naiintindihan. Pero ‘yong mga, kung

familiar ka na sa words and ‘yong timpla ng music parang mararamdaman mo na

kung ano ba ‘yong gusto niya na ipahiwatig. Gano’n.

R. Laron: Ayon. So uhm…meron bang ano…meron ka bang na-meet na na isang mas

nakakatanda sa’yo and nag-explain siya ng about sa folk song?

P6: Oo meron. Ahh…Ilokano din ‘yon e. Ahh si ate ko…uhm…ate ko ‘yong…’di ko

alam kung anong kanta ‘yon pero parang *inaudible* parang gano’n siya. Ta’s

parang in-explain niya sa akin kung paano nangyari ‘yong istoryang ‘yon kasi

parang madalas, ‘yon na ‘yong nangyayari sa mga pelikula ngayon.

R. Laron: Ayon, uhm…interesado rin ba ‘yong ate mo sa culture and arts, gano’n?

P6: Hindi masyado, kasi simula no’ng bata kasi kami wala kaming T.V, wala kaming

kuryente. Almost radyo lang gano’n. radyo lang talaga and…uhm…’yong tatay ko

mahilig din siya sa Ilokano. Pero hindi siya Ilokano, Bisaya siya. Parang doon sa

pakikinig kasi niya ng mga Ilokano song, ang bilis niyang natuto ng Ilokano kaya

medyo fluent din siya sa Ilokano. Kaya ‘yon, parang gusto na niyang maging

Ilokano kaya parang natuto na rin kami ng mga kanta. Parang nagulat nga sila noon

na paano ko name-memorize ‘yong mga Ilokano na song kasi paulit-ulit na rin siya

na napapakinggan ko no’ng bata ako.


R. Laron: Okay, proceed na tayo sa four. Paano mo ie-explain ‘yong pamumuhay noon at

ngayon?

P6: Ahh…ng Ilokano?

R. Laron: …ng mga Iloko.

P6: Ahh…so ‘yon. Para sa akin, ‘yong pamumuhay noon ng Ilokano is simple lang

talaga. ‘Yong parang kuntento na sila sa kung anong meron sila, tsaka

pinapahalagahan ‘yong bawat oras talaga. Kasi mostly ng mga Ilokano is magsasaka

and ‘yon kung ano ’yong meron sa hapag, ‘yon ‘yong kinakain na. Ahh…kugn ano

man ‘yong…tawag dito…kunwari Ilokano siya, hindi nila tinuturuan ng English

agad ‘yong mga bata. Kung…’yon…madalas kinakausap nila in Ilokano, mga

gano’n. Kasi ‘yong sa experience ko…experience ko lang kasi hindi pa kami

tinuturuan noong na Tagalog. Sa school ko lang natutunan ‘yong Tagalog and

ngayon naman, feeling ko nagbago na kasi ‘yong status ng mga Ilokano e…mostly

ng mga Ilokano parang gusto na nila ‘yong mga anak nila na may English na agad,

and then…ahh…kapag farmer agad parang kapag sasabihin na ‘yong magulang is

farmer parang hindi na sila masyadong napa-proud…

R. Laron: Oo…

P6: …tsaka, ‘yon din, ‘yong pamumuhay din ng mga millennials ngayon more on

gadgets na sila and hindi na familiar sa mga malalalim na words pati sa mga Iloko

folk songs.

R. Laron: So parang mas prefer mo ‘yong noon na pamumuhay?


P6: Yeah. Yeah. Yeah. Kasi noon…

R. Laron: Oh sige, sige. Kuwento ka lang.

P6: Kasi noon parang every…as in talaga noon enjoy’in mo ‘yong buhay na wala pang

gadgets and parang lumaki ka na bawat oras na kasama mo ‘yong mga tao sa paligid

mo e masaya. Ngayon e parang ang bilis na ng oras para sa mga Ilokano ngayon.

Kapag gusto nila kumbaga may nakita silang mga gadget, gusto agad ng mga bata

magka-gadget din sila. Kapag may napapanood sila na English speaking…speaker…

ahh ‘yong mga anak nila gusto na rin nila maging English ‘yong pananalita nila.

‘Yon.

R. Laron: So, move na tayo sa question number five. Paano nakikita ng mga millennial

sang Iloko culture and heritage sa pamamagitan ng folk song? For example,

kapag naririnig nila ‘yong…naririnig nila ‘yong Manang Biday, ano kaya

‘yong nai-imagine ng mga kabataan ngayon?

P6: Siguro ah…madalas siguro naiisip ng mga millennials ngayon kapag folk song is

makaluma. ‘Yan ‘yong number one para sa akin. Ahh…’yan ‘yong unang una kasi

‘yong mga…the way na kumanta ‘yong mga Ilokano noon is…tawag dito…more on

time noon na walang…walang…walang nababanggit na…tawag dito…walang

nababanggit na modern na salita, tsaka ‘yon bang parang more on sa pamumuay

talaga nila noon. Kung ano lang ‘yong nababanggit nilang…kunwari, ‘yong bukod,

panliligaw, kung paano sila nagkita, mga gano’n lang. Ni kahit minsan siguro wala

pa akong narinig na folk song na tungkol sa gadget, texting, gano’n na…or chat…

gano’n ‘di ba?


R. Laron: So number six na tayo. Anong advice ang maibibigay mo sa mga millennials

patungkol sa folk song?

P6: Ahh…para sa akin, mas maganda…para sa mga millennials, mas maganda na

magkaroon pa rin tayo ng background sa kung ano ‘yong meron tayo noon kasi hindi

makukumpleto ‘yong buhay mo nang hindi mo nalalaman kung ano ‘yong

pinagmulan mo and ‘yon ‘yong mga tungkol sa folk song, mas maganda nakakarinig

ka pa rin ng folk songs na Ilokano kasi doon mo rin malalaman kung paano ‘yong

naging pamumuhay ng magulang mo. Doon rin magkakaroon ng…ahh…siguro

topic, kung sa tingin ng mga millennials na hindi sila konektado sa mga magulang

nila. Siguro doon nagkakaroon ng…ay nakakakuha ng…”Ano ba ‘yong nagong

pamumuhay ng magulang nila” at huwag lang sa nagiging…tawag dito…huwag lang

tayong magpa…huwag tayong makisabay lagi sa uso. Kasi hindi lahat ng uso

nakakabuti para sa atin.

R. Laron: Ayon, so in connection doon sa question number seven no. Paano mapre-

preserve ng younger generation like you ang Iloko culture and heritage? In

what way? Anong way ang gagamitin mo para ma-preserve ‘yong Iloko

culture natin?

P6: For me…ahh…mape-preserve lang ‘yong Iloko…’yong Iloko culture natin kung…

the best way para sa akin para magkaroon tayo ng isang fiesta or isang pagdiriwang

para sa mga Ilokano. Kasi kumbaga sabihin natin na nagpapatugtog tayo ng Iloko

music, para sa akin sapat ‘yon para nagkakaroon din ng sapat na kaalaman ‘yong

mga estudyan…’yong mga younger generation. Mas maganda kung meron tayong

isang kaganapan or event, fiesta kung gano’n na tungkol sa Ilokano, gano’n na


nagpapatungkol sa kung anong meron…kung anong kultura meron tayo. For

example sa fiesta. Sa fiesta ng mga Ilokanos siguro maaring magkaroon tayo ng…

ahh…patimpalak sa pagkanta ng Ilokano songs which doon, puwede pang ma-

preserve ‘yong mga kantang ‘yon and then…’yon…para sa gani’n nga. Lutuin, mga

gawain noon. ‘Yon.

R. Laron: So, question number eight na tayo. Ano ang pu-puwede mong gawin as a part

of younger generation para ma-maintain ang legacy na iniwan ng mga ninuno

natin?

P6: For me as…ahh…as a younger generation. Siguro mas makabubuti rin na i-share

kung ano ang meron ako. Given na ganitong henerasyon pa lang ako. Mas

makabubuti rin na shine-share ko rin kung ano ang nalalaman ko, and hindi rin sapat

na ‘yong nalalaman mo lang lalo na kung nagkaroon ka ng katanungan sa mga

magulang mo, sa mga ninuno mo pa, upang mai…tawag dito…mai-share mo din sa

magiging mga pamangkin mo, anak mo. Gano’n. tsaka hindi lang naman kasi

nagtatapos ‘yon pag…pagbibigay ng kaalaman kapag matanda ka na. parang hindi

lang doon. Matanda ka na ba? Hanggang doon na lang? parang wala ka nang

gagawin. So bilang isang younger generation pa rin, dapat meron ka pa ring

nalalaman na tungkol sa…tawag dito…tungkol sa history…’yon…folk songs.

Puwede mo ring i-share hindi lamang sa mga Ilokano kundi pati rin sa mga ibang

lahi. Kumbaga mga Katagalugan, sa mga Pangasinan upang mas magkaroon din sila

ng kaalaman.
R. Laron: So number nine na, last question na ‘to. Paano mo nakikita na ang mga

millennials ay pinoprotektahan ang ating folk song? Siguro tayo na ‘yon.

Siguro i-base mo rin siya as you a future educator.

P6: Uhm…para sa akin makikita ko siguro na mapo-protektahan ko ‘yong…’yong

Ilokano song ba…Ilokano culture?

R. Laron: Yes. Siguro kasi ‘yong culture under na niya ‘yong folk song, ‘di ba?

P6: So ‘yon, para sa akin mas nakikita ko siguro na pinoprotektahan ko ‘yong Ilokano

culture sa pamamagitan ng pagshe-share ng kung alin ang tama. Kasi hindi lahat ng

shine-share natin is totoo tungkol sa kultura ng Ilokano, ‘di ba? Kapag nagkuwento

ka o kaya nag-share ka ng patungkol sa Ilokano pero hindi naman makatotohanan o

hindi totoo, para sa akin hindi nakakatulong kundi nakakasira pa. So, that way

mas…alamin mo muna ‘yong mga kultura. Mas maganda kung nagtatanong tayo sa

mga lola natin o kaya mga tatay, nanay para mas magkaroon tayo ng mas

makatotohanan na idea at maishe-share natin ‘yon nang tama.

R. Laron: So ayon lang ‘yong mga question ko *name*. thank you so much sa time mo.

Salamat sa pagpapaunlak sa interview na ‘to.


Participant No. 7

R. Laron: Ayon, uhm…aware na po ba tayo sa background of the study po?

P7: Yes po. Yes po.

R. Laron: Okay, so sasagutin nap o natin ‘yong mga question po dito sa interview. So

number one po is: Anong behaviour ang pu-puwede mong i-apply sa kantang

Manang Biday, Pamulinawen, Oh, Naraniag a Bulan, Bannatiran, at

Panagpakada? Each song siya. Anong mga culture ng Iloko ang puwede mong

i-apply doon sa each song?

P7: ‘Yong Manang Biday ate ‘yong kuwan siguro, ‘yong pagmamahal. Same with

Pamulinawen at Naraniag na Bulan.

R. Laron: Sa Bannatiran at Panagpakada naman…

P7: ‘Yong sa Bannatiran ang naiintindihan ko ‘yong parang love for animals e.

R. Laron: Sa Panagpakada naman…

P7: Teka ate, hindi ko kasi naintindihan ‘yong *inaudible*.


R. Laron: Ah sige bigyan kita ng…[hints] doon sa Panagpakada. Ano siya kasi parang

uhm…nagpapaalam siya sa mga kinalakhan niyang lugar. Parang lilipat siya

ng lugar na pupuntahan. Gano’n.

P7: *inaudible*

R. Laron: Puwedeng pakilakasan *name*? Hindi kasi marinig.

P7: Ah sige. Parang pagmamahal niyo din sa bayan yata e.

R. Laron: So proceed na tayo sa question number two. Paano nababago ng mga Iloko folk

song ang mga attitudes ng mga millennials ngayon?

P7: Nababago…siguro…

R. Laron: Pakilakasan po…

P7: Nababago siguro ‘yong pag-iisip ng mga millennials tungkol sa heritage siguro ng

mga Ilokano. Kung paano sila nabubuhay.

R. Laron: as a part of younger generation, nababago rin ba ‘yong pananaw mo through

the Iloko folk song?

P7: Binabago…nabago nga rin po in terms na mas minamahal ko yong culture ko siguro.

R. Laron: So proceed na po tayo sa question number three. Paano naiintindihan ng

younger generation ang true meaning ng folk song?

P7: Tinuturo siguro ate. Kasi ngayon puro na kuwan e KPOP, mga pop songs, mga rock

songs ‘di ba? Ilan na lang ‘yong nag…nakikinig ng folk songs. Siguro na…

naintindihan ko, kapag napag-aaralan na lang siguro.


R. Laron: ‘Yong sa part mo ba, naintindihan mo ba ‘yong folk song through the studying

o self-taught mo lang?

P7: ‘Yong iba ate self-taught kasi ‘yong iba masyadong malalim ‘yong words.

R. Laron: Oo din…

P7: ‘Di ba?

R. Laron: Ayon, proceed na tayo sa question number four. Papaano mo ie-explain ‘yong

pamumuhay ng mga Iloko noon at ngayon?

P7: Ah ibang iba noon ate. Kasi ngayon nasa…’di ba masyado na tayong kinakain ng

teknolohiya? Sa kuwan pa lang sa Manang Biday’yon pala ‘yong culture ng…

panghaharana o pangliligaw sa tradisyunal. ‘Yon…interpret na lang ‘di ba?

R. Laron: Oo.

P7: ‘Yon ibang iba.

R. Laron: Pero anong prefer mo, ‘yong ngayon ba o ‘yong noon?

P7: Para sa’kin, sa…kung papipiliin ako, noon. Kasi doon mo madadama ‘yong tunay na

kaligayahan e. Walang cellphone. Walang masyadong ka-chenes, chenes, gano’n.

R. Laron: So, proceed na tayo sa question number five. Paano nakikita ng mga

millennials ang Iloko culture and heritage sa pamamagitan ng folk song? For

example, doon sa Manang Biday, parang nai-imagine ng mga…ng mga

kabataan na ‘yong panghaharana noon parang…

P7: Oo ate, nakikita nila ito base na rin siguro sa pag-aaral ‘di ba?
R. Laron: So as a future educator…kasi ang ngayon…’di ba sa elementary hindi na

itinuturo ‘yong ibang folk song doon ‘di ba? So as a future educator, gusto mo

bang ituro ng mga teacher ‘yong folk song? Elementary…

P7: As sa future educator at kabilang na rin sa sining at kultura, kung pu-puwede ituro ko

lahat e, ituro ko lahat ng folk song. Kasi gaya sa amin, halimbawa Iloko ‘di ba ‘yong

Manang Biday, Bannatiran gano’n. Sa Pangasinan naman siguro…parang mother

tongue din. Kasabay na rin no’n na ituturo.

R. Laron: Okay question number six na tayo. Anong advice ang maibibigay mo sa mga

millennials patungkol sa folk song?

P7: Para sa’kin, mas lalo nating mahalin ang folk songs kasi hindi natin namamalayan

unti-unti na rin silang nawawala. Kaya pahalagahan natin habang ‘andiyan pa sila.

Parang sa buhay din ng tao.

R. Laron: In connection sa…’yong sa last na question, paano mapre-preserve ng mga

young…ng mga younger generation ang Iloko culture and heritage? In what

way? Paano mapre-preserve?

P7: Siguro sa kuwan ate, sa pakikinig, pagbabasa, at pakikisalamuha tungkol dito. Kung

puwede rin itali natin sa pag-aaral.

R. Laron: What about do’n sa sarili mong community? Paano mo maipapakilala sa kanila

‘yong folk song na kailangang ma-preserve ito kasi mahalaga ito…

P7: Sa’kin ate hangga’t may mga sumusunod na henerasyon kaya ko pang ipasa ‘yan e.

R. Laron: So in what way mo siya gagawin?


P7: Ituturo din sa kanila kung ano ‘yon…kung ano ‘yong nilalaman ng mga ‘yon. Kung

ano nga bang tulong at halaga ng mga ‘yon.

R. Laron: Okay so proceed to question number eight na tayo. Ano ang pu-puwede mong

gawin as part of younger generation para ma-maintain ang legacy na iniwan

ng ating mga ninuno?

P7: Sa’kin ate, grab it and love it. Kasi ‘pag ‘di mo gina-grab kasi hindi mo rin

mamahalin ‘di ba?

R. Laron: So last question na tayo. Paano mo nakikita na ang…mga millennials y po-

protektahan ang ating folk song?

P7: Ano ‘te? Paano mo maki…

R. Laron: Kung paano mo nai-imagine na ang mga millennials is pino-protektahan nila

‘yong folk song na naiwan.

P7: Siguro kuwan ate, ‘pag…alam mo ‘yong…kalakip na sa kanila ‘yon. ‘Yong alam na

nila ‘yon kung ano ‘yon. Kaya kahit ano mang mangyari, siguro po-protektahan din

naman nila ‘di ba? Gaya din ng mga kuwan ngayon, technology ‘di ba? Kaya nga

natin protektahan ‘yong mga bagong kuwan ngayon…mga folk song pa kaya?

R. Laron: So kung bibigyan ka ng pagkakataon, gusto mo bang gumawa din ng isang folk

song na makikita ng ibang mga tao?

P7: Kung bibigyan din ako ng pagkakataon, gagawa din ako.

R. Laron: Kanino mo siya i-aano…sino siguro ‘yong pinaka-main audience mo, gano’n?

P7: Sa’kin siguro ‘yong millennials na rin siguro.


R. Laron: Bakit?

P7: Para din Makita nila kung ano ‘yong kahalagahan…ng kantang ‘yon…na hindi lang

folk song.

R. Laron: So last question na. Ano ‘yong maibibigay mong kuwan…mga words, wisdom

ganiyan…sa mga millennials about sa folk song?

P7: Sa’kin siguro, mahalin natin ang kultura. Uhm…panatilihin natin ‘tong parang

namamayagpag ba. Namamayagpag…at…habangbuhay nating yakapin. ‘Yon lang

siguro.

R. Laron: ‘Yon. So, thank you so much sa time mo, *name*.

P7: Thank you rin ate


Participant No. 8

R. Laron: Bilang aware naman na po kayo sa background of the study magpro-proceed na

po tayo sa questioning. Ang number 1 question po natin is anong behavior ang pwede

mong i-apply sa kantang Manang Biday, Pamulinawen, O Naraniag A Bulan, Bannatiran

at Panagpakada, each song, behavior or culture ng mga Iloko.

P8: okay, magsimula tayo sa Manang Biday, alam naman natin na ang Manang Biday is a

serenade, so ano nga ba yung behavior na pwede nating i-apply jan, para sa akin, mas

gawin natin.. mas bigyan natin ng sweet behavior siya yung paglalambing ng mga

Ilokano yung kultura nating mapagmahal. Same with Pamulinawen, sweet behavior kasi

both silang serenade e and one more thing, idagdag natin sa Pamulinawen is yung

pagiging playful. O Naraniag A Bulan, alam naman natin na is siya lullaby kaya dapat

diyan medyo calm tayo and mararamdaman natin yung solemnity tsaka yung connection

ng bawat notes. Punta tayo sa Bannatiran, kapag narinig na natin yung kantang

Bannatiran, madalas natin diyang maiisip is yung bird, kaya dapat ang kailangan nating

ibigay na behavior diyan is yung pagiging playful yet loving pa rin. Lastly yung

Panagpakada, yung Panagpakada is a song which requires solemnity pa rin siya. So most

of all yung mga kanta natin hindi siya masyadong.. hindi siya masyadong.. tawag dun,

malakas or what kailangan simple lang siya.


R. Laron: ayun so proceed to question number 2 na po tayo. Paano nababago ng Iloko

folk song ang mga attitudes ng millennials?

P8: alam naman natin na kapag millennials may kany-kanya na tayong choice tapos lalo

na kapag Ilokano folk songs hindi na masyadong napapansin yan kaya paano na kaya

nababa.. nababago, so by learning the true meaning of the songs which is kinakailangan

talaga before siya kantahin mas lalong naaappreciate ng mga millennials ang bawat

kanta. Alam nila na ang kantang Manang Biday pala ay hindi lamang siya basta kanta

lamang, pwede pala siyang kantahin kapag manliligaw ka kung gusto mong gawin yun.

Na yung Naraniag A Bulan ay hindi lamang basta siya kinakanta ng bawat matatanda,

ginagawa nila to to lullaby their love ones.

R. Laron: so all in all umm… nababago din ba yung behavior aside lang dun sa attitude?

Kasi kapag sinabi natin siyang behavior umm.. iba siya dun sa may attitude na part.

P8: so, oo, bukod sa nababago yung attitude, yung behavior din ibig sabihin, kung paano

na nila i-approach yung isang bagay iba na since nalaman nila kung para saan nga ba

yung bagay na iyon.

R. Laron: umm.. okay, so proceed to question number 3 na tayo. Paano naiintindihan ng

younger generation ang true meaning ng folk song?

P8: okay. This is by learning the song not just the lyrics kundi ano nga ba talaga yung

ibig sabihin nung kantang yun.

R. Laron: umm papaano kaya nila naiinitindihan?


P8: naiintindihan nila, ng mga younger generations yung songs kapag sinabi kong yung

true meaning ibig sabihin ay kung, parang yung kaluluwa nung kanta yung sinasabi natin.

Ibig sabihin hindi lang siya basta kakantahin alam mo kung para saan siya, alam mo kung

applicable ba siya sa ganitong bagay or hindi.

R. Laron: so proceed to question number 4. Paano mo ie-explain ang pamumuhay ng mga

Iloko noon at ngayon?

P8: actually walang masyadong difference kasi nga kung paano yung pamumuhay nila

dati simple pa rin siya so simple siya in a way na nakikita pa rin natin na yung mga

ginagawa nila dati nakikita pa rin natin ngayon tulad nung pag.. pagsasaka, pangingisda

may mga nadagdag lang pero makikita mo pa rin dun yung mga pamumuhay nila dati.

R. Laron: umm, so kung.. para sayo, alin yung mas prefer mo yung noon ba or yung

ngayon na may nadagdag?

P8: actually mas prefer ko talaga yung dati kasi yun talaga yung definition para sa akin,

yun talaga yung definition ko ng simple.

R. Laron: so proceed to question number 5. Paano nakikita ng mga millennial sang Iloko

culture and heritage sa pamamagitan ng folk song? For example yung Manang Biday,

naiinagine nila na naghaharana yung isang lalaki sa babae. Para sayo ano naman?

P8: oo, yung paano nila nakikita? Kasi kung titignan nilang mabuti yung lyrics, parang

yung sinasabi sa lyrics yung mga actions nung mga.. sabihin nating naiimagine nilang

nangyayari doon sa bagay nay un. Yung lifestyle ng mga Filipino ay, nung mga Ilokano

pala sorry, ang nakikita nila sa bawat kanta. Sabi mo nga for example sa Manang Biday,
dun sa sinabi na “Manang Biday Ilucat mo man ta bintanam icalumbabam” nakikita na

nila dun kung ano yung ginagawa nung lalaki dun sa Ilokanong babae.

R. Laron: more on ano garud, malakas ang imagination

P8: oo, kailangan din nila yung kwan ummm imagination sabi mo nga.

R. Laron: parang nagbibigay na din ng story yung folk song ganun po ba?

P8: oo ganun talaga yun yung folk song.

R. Laron: ayun so proceed to question number 6. Anong advice ang maibibigay mo sa

mga millennials patungkol sa folk song?

P8: simple lang, mahalin nila and continue to practice the folk songs.

R. Laron: ayun, in connection to question number 6. Paano maprepreserve ng mga

younger generationang Iloko culture at heritage, in what way?

P8: okay, simple lang yan, sabi ko nga rin sa question number 6, continue to practice and

sing the song pero hindi lamang yung kakantahin mo siya. Alam mo yung kumbaga

kapag kumakanta tayo nh National Anthem dapat ganun mo din kantahin yung folk song

mo kasi buhay niyo yan e, kultura ninyo yan kaya dapat you sing the song with pride and

you continue to practice it with pride and love.

R. Laron: number 8 na tayo. Ano ang pupwede mong gawin as a part of younger

generation para mamaintain ang legacy na iniwan n gating mga ninuno?

P8: parang din lang sa answer ko sa number 7 kasi ginagawa ko pa rin siya e umm..

pinapractice ko pa rin yung kanta and shinashare ko rin sa mga younger generations yung

mga susunod na generation kung ano yung message nung kanta talaga yun din yung
pinapasa ko and I am telling them to share it too kapag sila din ay nakisalamuha pa sa iba

pang generatiom.

R. Laron: ayun so you are talking about the other young generation but what about dun sa

mga younger generation diyan sa community niyo kasi iba yung naipapakita natin sa

labas and iba din yung naipapakita natin sa community, so papaano mo i-introduce na

kailangan i-preserve natin para mamaintain natin yung legacy na iniwan n gating mga

ninuno parang ganun.

P8: okay, umm… dati nung wala pang pandemic nagkaroon ako dito ng kwan, nagkaroon

ako dito ng parang mini program lang na kung saan nagdiscuss ako sa barangay ng kung

ano ang importansya ng folk song. Bakit naririnig nila ito sa mga mama nila, sa mga lola

nila? Na ganun yung ginawa ko e and then nagbigay ako ng insights kung ano nga ba

yung importansya nung kantang yun then I advice to them to continue to practice and

sing the true meaning of the song .

R. Laron: so last question na tayo. Papaano mo nakikita na ang mga millennials ay

poprotektahan ang ating folk song?

P8: ayun, nakakatuwa kasi yung iba diba kinakanta lang meron din yung iba umm.. sme

age with mine or older than mine, yung iba gumagawa sila ng mga written documents,

researches yung parang kilala kong University Professor isa siyang doctor at

nagreresearch siya about sa mga folk songs, sa mga ethnic songs, yun yung mga

ginagawa nila kasi to preserve Ilokano culture and heritage and also the folk songs

specifically.

R. Laron: what about dun sa view ng mga millennials?


P8: ayun so pagdating naman sa mga millennials siyempre yung sabi ko nga saan ba yun,

number 2 ata yun e umm may kanya-kanya tayong choice kaya ang ginagawa nakikita ko

naprepreserve na nila yung kwan.. yung tono lang pero hindi yung mga meaning

kinakanta nila pero yung iba ay loko-loko or in a playful manner kaya ang nangyayari

yung iba naman tinuturuan sila kung ano nga ba yung tama

R. Laron: ayun so may maidadagdag pa po ba kayo?

P8: wala pero yung advice nga lang continue to practice with love and sing the song with

its true meaning.

R. Laron: so thank you so much sa pagpapaunlak ng aking interview, thank you po!

P8: Yes, no problem!


Participant No. 9

R. Laron: Ayon. So aware na po ba tayo sa background of the study?

P9: M-m. Opo.

R. Laron: So magpro-proceed na tayo sa ating interview. Number one question po is:

Anong behaviour ang pu-puwede mong i-apply sa kantang Manang Biday,

Pamulinawen, Oh, Naraniag a Bulan, Bannatiran, at Panagpakada? Each song

siya. Behavior or culture, gano’n, ng mga Iloko.

P9: Okay so, sa Manang Biday, para sa akin ang puwedeng behaviour doon…

uhm…’yong pagiging polite…and sa Pamulinawen, puwede ‘yong maging ano…

puwede siyang maging [interested]. Sa Naraniag a Bulan naman, nando’n ‘yong

calmness. Sa Bannatiran naman, dapat encouraging, and sa Panagpakada naman,

‘yong [kindness]. Puwede rin siyang…puwede din nating ipakita ‘yong politeness.

R. Laron: Ayon. So nabanggit mo doon sa Bannatiran, bakit siya encouraging?

P9: Encouragement…or dapat encouraging ‘yong behaviour doon. Kasi base do’n sa

pagkakaunawa ko doon sa…interpretation ko doon sa Bannatiran na folk Ilocano…


folk song, uhm…dapat kasi uhm…parang sinusuyo mo ‘yong ibon ‘di ba? Sabi ko

dati doon sa naunang interview is uhm…kumbaga ‘yong ibon, symbolizes the entire

uhm…Ilocanas, ‘yong mga kababaihan na mga Ilokano. So dapat uhm…

encouraging siya para mas maging ano…makatotohanan ‘yong dating sa kaniya.

R. Laron: So proceed to question number two na tayo. Papaano nababago ng Iloko folk

song ang mga attitudes ng mga millennials?

P9: So maybe the *inaudible* folk song, millennials can reflect and see themselves, or

their rich culture and their preference on choosing music. For me lang naman.

R. Laron: Ayon. So proceed to question number three na tayo. Papaano naiintindihan ng

mga younger generation ang true meaning ng folk song?

P9: M-m. Just like uhm…just like other literary arts, so through their parents siguro or

someone that have the influence on them and my hilig or my love na din on Ilokano

folk song na puwedeng magpaintindi sa kanila or mag-influence sa mga millennials.

R. Laron: Ayon. So in connection to that, papaano mo ie-explain ‘yong pamumuhay ng

Iloko noon at nagyon?

P9: Okay since you are talking about folk song or Ilokano folk song, I think ahh…

through it, we can explain to these gens the life of Ilokanos before and Ilokanos now.

So sa pamamagitan no’ng kanta, maipapakita na ‘yong pamumuhay, ‘yong

difference na mismo ng pamumuhay ng mga Ilokanos noon, before and now.

R. Laron: So ano ‘yong mas prefer mo na pamumuhay, ‘yong noon o ngayon?


P9: Siyempre as a millennial, mas prefer ko ‘yong ngayon na may…na hindi mo naman

kinalilimutan ‘yong noon. Kasi super rich naman ‘yong culture noon na dapat natin

hilain hanggang ngayon.

R. Laron: So papaano nakikita ng millennials ang Iloko culture and heritage sa

pamamagitan ng folk song wherein example, ‘yong Manang Biday, nai-

imagine nila doon is ‘yong panghaharana and ‘yong side mo naman.

P9: Siguro ano, through…Ilokano folk song kasi for me e uhm…the lyrics are

meaningful and beautiful so sa pamamagitan ng mga lyrics no’ng mg salita sa kanta,

doon makikita ng mga ano, millennials or ‘yong ano kagandahan ng kanta.

R. Laron: Uhm…anong advice ‘yong maibibigay mo sa mga millennials patungkol sa

folk song?

P9: Uhm…ang advice ko, kung hindi nila hilig by heart talaga, kung wala sa kanilang

puso ‘yong pakikinig ng…kund hindi nila…kumbaga for…wala sa kanila taste nila

‘yong folk song or Ilocano folk song, just try to listen to it or analyse the lyrics and

siyempre give it importance or value to the song.

R. Laron: In connection to the question number six, papaano kaya mapre-preserve ng

younger generation ang Iloko culture and heritage? In what way siguro?

P9: M-hm. So maybe the *inaudible* in celebrating or performing the Ilokano folk song

just like having competition or Ilokano folk song…uhm…writing competition just

like that. Tapos soing recording in their own interpretation…ahh…on their own

rendition sa folk song na ‘yon sa Ilokano folk song. So for me sa pamamagitan

siguro ng mga ‘yon ma-appreciate nila at ma-preserve nila ‘yong Ilokano folk songs.
R. Laron: So ano ‘yong pu-puwede mong gawin as a part of younger generation or future

educator para ma-maintain ang legacy na iniwan ng ating mga ninuno?

P9: Siyempre unang una tangkilikin natin ‘yon. Tangkilikin natin as millennial and then

kailangan din natin siyang i-promote sa kahit anong platform siguro through internet

or sa kahit ano mang kaparaanan na puwede natin mai-promote, and siyempre

kailangan nating bigyan ng importance siya or value.

R. Laron: Okay so proceed to last question na tayo. Paano mo makikita na ang mga

millennials ay pino-protektahan ang folk song natin?

P9: Okay so uhm…para sa akin…uhm…as millennial siyempre kailangan natin uhm…

kasi karamihan na sa atin uhm…meron tayong tinatawag na [cranial mentality] kung

saan mas naa-adapt natin o mas na…na…tinatangkilik ‘yong ibang mga culture just

like for example ‘yong western culture. Pero para mai-protect ng lahat ng Ilokanos

or ng mga millennials ‘yong Ilokano folk song, kailangan talaga nating bigyan lahat

ng education , or proper education, tapos do’n sa education na ‘yon magkakaroon ng

awareness. And then do’n sa awareness na ‘yon magkakaroon na sila ng knowledge

on how to protect. For example doon sa uhm…Ilokano folk song na uhm…kumbaga

uhm…’yong mga gaya-gaya kumbaga gano’n. Originality parang gano’n. ‘Yong

hindi sila maka-copyright. Hindi maitra-translate sa ibang language kumbaga gano’n

‘yong parang gusto kong sabihin para masabi natin mapo…mapo-protektahan ng

mga millennials ‘yong Ilokano folk song.

R. Laron: So ayon lang *name*. Thank you so much sa time mo. Thank you so much.
Participant No. 10

R. Laron: so aware na po ba tayo sa background of the study?

P10: yes

R. Laron: okay, so diretso na po tayo sa interview. Meron pong 9 question na naihanda

pero magfofollow-up question po ako kaya sana prepared kayo. So number 1 question is,

anong behavior ang pupwede mong i-apply sa kantang Manang Biday, Pamulinawen, O

Naraniag A Bulan, Bannatiran at Panagpakada, each song siya. Behavior or culture ng

mga Iloko.

P10: unang-una sa Pamulinawen yung mai-add na behavior dun or apply na behavior is

yung pagiging sincere nila. Tapos naman sa Manang Biday andun yung pagiging

mahinhin diba? Yung maia-apply pa na behavior dun is yung pagiging polite nila and sa

may O Naraniag A Bulan? Yun, yung pagiging mapagkumbaba nila dun is yung pagiging

considerate nila sa mga bagay-bagay ganun. Ang yung pang-apat is yung Panagpakada is

yung compassionate nila sa mga pamilya yung pagiging malapit nila sa pamilya nila

ganun. And yung panghuli is yung, ano na yung panghuli?

R. Laron: Bannatiran

P10: oo yung Bannatiran is yung pagiging kwan nila umm.. Assertive nila.

R. Laron: so ayun proceed na tayo sa number 2 question. Paano nababago nung Iloko

folk song yung mga attitude ng millennials?


P10: nababago yun kasi naicocompare nila yung mga sarili nila sa mga tao na pinoportray

ng mga kanta. Napagtatanto nila sa isip nila na ganun sana ang gagawin nila, kunwari sa,

in terms of panliligaw na dapat mahinhin pa din, para maging mas better yung magiging

outcome ng gagawin nila.

R. Laron: so as a millennial nababgo din ba yung pananaw mo or yung attitude mo nung

marinig mo yung mga folk songs?

P10: ano?

R. Laron: yung ano, para sayo yung sa part mo din nabago ba yung attitude mo nung

narinig mo yung mga iba’t ibang folk song?

P10: yes kasi pinapahiwatig ng mga kantang yun na yung mga behavior ng mga ninuno

natin shich is maganda.

R. Laron: so question number 3. Paano naiintindihan ng mga younger generation ang true

meaning ng folk song?

P10: naiintindihan nila yun kasi nairerelate nila yung kanilang sarili, yung kung ano sila

ngayon at yung dating ginagawa nila noon, nairerelate nila yung pamumuhay noon at

ngayon, pamumuhay natin ngayon pala.

R. Laron: ayun so konektado siya dun sa question number 4. Paano mo ie-explain or

ididifferentiate yung pamumuhay noon at ngayon?

P10: ang pamumuhay noon ay simple lang, yung mga sarili nilang pagkain or culture ay

nakapatrenddiba kunwari sa atin yung mga pagkain noon ay kalat na kalat ngayon naman
hindi sa lahat ay paunti-unti na lang dibba pero kasi naaadopt natin yung culture diba

kaya yung prior culture ay nakakalimutan na.

R. Laron: so kung papipiliin kayo ano yung mas prefer ninyo, yung noon ba or yung

ngayon, way of living?

P10: kasi ngayon umm.. mas prefer ko ngayon kasi katulad ngayon na pandemic,

kilangan natin ng technologies, kailangan natin ng mga bagay-bagay para mag-progress

tayo at patuloy na paglagap natin ng mga knowledge, kunwari sa in terms sa pag-aaral

natin ganun. R. Laron: ayun so parang mas prefer mo yung ngayon?

P10: oo

R. Laron: okay, question number 5 na tayo. Paano nakikita ng mga millennials ang Iloko

culture and heritage sa pamamagitan ng folk song for example sa Manang Biday

naiimagine nila yung panghaharana noon and sa side mo naman din?

P10: yung sakin naman sa yung way ng pamumuhay nila noon ay iba yung pamumuhay

nila ngayon, natin ngayon pala kasi noon hindi sila basta-basta sumusuko kahit na

mahirap kasi karamihan ngayon yung matatanda ngayon sinasabi nila na ipagpatuloy mo

yung pangarap mo kahit mahirap kasi naranasan na nila yun kaya yun.

R. Laron: okay sige move na tayo sa question number 6. Anong advice ang maibibigay

mo sa mga millennials patungkol sa folk song?

P10: umm dapat nilang ipagmalaki yung culture natin kasi yung mga cuture at heritage

natin ay nagsisilbing treasure ntin kunwari kapag umm pumunta tayo sa ibang bansa
kapag mayroong nabalitaan na culture “ay sa atin yan” dapat umm ipagmalaki natin dapat

proud na proud tayo sa kung ano man ang culture natin.

R. Laron: ayun so, in relation to question number 7. Paano kaya mapre-preserve ng

younger generation like us yung Iloko culture and heritage, what way mo siya gagawin?

For example gagamit ka ba ng social media para mapreserve yun ganun.

P10: yes at mas maigi din na dapat mag-gain tayo din ng mga knowledge about culture

para hindi, para maiwasan ang pagkalimot at patuloy itong lumago sa atin

R. Laron: umm so question number 8. Ano ang pupwede mong gawin as part of younger

generation para mamaintain ang legacy na iniwan ng ating mga ninuno?

P10: gaya nga kanina umm. Sinabi mo kanina dapat na or maari kong gawin ay magpost

or share sa mga social media patungkol dito kasi lalo na ngayon karamihan sa atin

ngayon gumaagamit ng mga soial media platforms katulad ng Facebook at You Tube.

Kung simpleng pagshare at pagpost lang ng mga idea patungkol sa mga culture natin ay

nakakatulong ito upang makaunawa ang mga iba patungkol sa iba’t-ibang culture

R. Laron: ayun so last question na tayo. Paano mo nakikita na ang mga millennials ay

poprotektahan ang ating mga folk songs? Kunwari 5 years from now buhay pa rin yung

folk song natin paano mo naiimagine?

P10: siguro kasi marami pa ring tumatangkilik sa mga folk song natin mas pinipili nila

yung sariling atin pina-patronize nila kesa yung mga ibang culture or yung mga dayuhan

na or yung mga makabago.

R. Laron: so ayun lang yung question thank you po!


P10: sige, no worries.

You might also like