You are on page 1of 28

Division of City school Navotas

M. Naval St., Navotas, Metro Manila


FILEMON T. LIZAN Senior High School
Dr C. Bauza St, Navotas, Metro Manila

ANG MALAYANG HUNI AT TELA: Isang pag-aaral tungkol sa


Patriyotismo ng mga mag-aaral sa Filemon T. Lizan Senior High
School taong Panuruan 2019-2020

Mga Mananaliksik:
MONTANCES, Jhon Ray L.
ABIQUE, Elizah Mae
DIMATUNDAY, Lovely
PAMILOZA, Juriz
REYES, Daniella
BUNDAC, Kevin Bryan
DELMACIO, Jian

Isang pananaliksik para sa pangangailangan sa asignaturang


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino
Bb. Aira Janel Nunez
Guro sa Pananaliksik
HUMSS 11- Cano
KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligiran nito

I. Panimula

“Ang pagmamahal sa bayan ay tungkulin ng isang mamamayan”

Ang patriyotismo ay nag papakita ng masidhing pagmamahal sa bayan. Ginagawa


ito ng isang tao kahit hindi mismo sa kanyang bayang sinilangan. Ang isang patriyotiko
ay mahal ang kanyang bayan, mahal ang lahing Pilipino, ang pamilya, ang kapwa, at ang
kultura, lahat ng mamamayan ay may malasakit para sa kinabukasan ng bansa. Ang isa sa
mga katangian ng isang patriyotikong indibidwal ay handang ibigay ang kanyang buhay
at pagmamahal para sa kaniyang bayan dahil ito ang siyang magbibigkis sa mamamayan
upang magmalasakit, magkaisa, magtulungan, magdamayan at makialam sa kinabukasan
ng lahat. Ang patriyotismo ay pagkakaroon ng paggawa na makakabuti para sa lahat ng
mamamayan at bayan na lubos na minamahal. Pero ang tanong, saan nga ba nasusukat
ang pagmamahal ng isang tao sa kaniyang bansa?

Ang mga mamamayan ng isang bansa ay lubos na ginagalang ang pambansang awit
at watawat. Ang watawat ay tinatawag din nilang tatlong bituin at isang araw. Isa sa
pagpapakita ng pag-galang ay ang pag-awit sa kanilang pambansang awit ng may buong
puso at buong respeto. Ang pag-awit ng pambansang awit ay kailangan isinasapuso
habang itinataas ang sagisag nitong bansa. Ang simpleng pagtayo ng tuwid at paglagay
ng kamay sa puso ay nagpapakita na ng pagiging mapagmahal at marespetong Pilipino sa
isang bansa. Ang ipagmalaki ng isang mamamayan ang kaniyang pagiging Pilipino ay
ilan lamang sa mga paraan na maaring gawin upang maipakita ang pagiging mabuti at
mapagmahal sa bayan o patriyotismo.
Ang pambansang watawat ay hindi lamang ito basta tela, ito ang kumakatawan sa
pagkakakilanlan ng bansa. Ang pambansang bandila ay nakulayan ng dugo ng
matatapang na mga ninuno na nagsakripisyo upang makamtam ng bawat Pilipino ang
kalayaan at kapayapaan. Sa pagwagayway ng bandila nitong bansa ay sumisimbulo sa
pagiging malaya ng mga Pilipino mula sa mga mananakop at mga dayuhan. Habang
inaawit ang pambansang awit kinakailangang nakatindig at nakatingin sa bandila nitong
bansa na nagpapakita ng pagrespeto, paggalang, at pagmamahal sa bansang sinilangan
dahil sa paraang ito naipakikita ang pagiging patriyotismo ng mga Pilipino. Ang
sermonyang ginagawa ng mga mamamayan nitong bansa ay nag papakita lamang ng
pagiging makabayan.

Ang mga Pilipino ay masasabing patriyotiko, dahil sa mga bayani nito na binigay
ang kanilang buhay para sa kanilang bayan. Sa panahon ng mga Pilipino noon, lubhang
naipapakita ang pagiging patriyotiko sa pambansang watawat at pambansang awit ng
Pilipinas. Isa sa mga polisiya noon na bago magumpisa ang klase o ano manggawain ay
isinasagawa ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo ang pagbibigay
pugay sa sagisag ng bansa na kung saan inaawit ang pambansang awit habang itinataas
ang watawat ng Pilipinas.

Lahat ng nakaranas na pumasok sa paaralan at lahat ng mamayan nitong bansa ay


alam ang gawaing ito. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng pag-respeto sa pambansang awit at pag tigil sa anumang gawain upang
sabayan ang awitin. Sa kasalukuyang panahon isinasagawa parin ito ngunit naisasagawa
ba ng tama, ng maayos at may paggalang? Kung matatandaan isang taon ang nakalipas na
maraming Pilipino ang hinuli sa sinehan dahil sa hindi pag bigay galang sa pambansang
awit at watawat patunay na kinalimutan ng mga Pilipino ang tungkuling maging
patriyotiko dahil musmos palang sila ay isinasagaw na ito upang magbigay galang sa
bansang kinakalagyan. Sa panahon ng mga Pilipino ngayon o mga tinatawag na
“millenial” sa pag-awit ng pambansang awit at pagtaas ng bandila may pagmamahal,
pagrespeto, at paggalang pa rin bang namumutawi sa puso ng mga kabataang mag-aaral
ngayon? Papaano nalang kung ang tinatawag nating millenial ngayon ay sila rin ang
sisira sa patriyotismo na ginagawa noon at magpasa hanggang ngayon o sila rin ang mag
papaunlad sa tradisyong paggalang sa bansang sinilangan.
Kasabay ng pagusbong mga makabagong teknolohiya ang pagkalimot ng mga
kabataang mag aaral ngayon sa kanilang tungkulin bilang isang mamamayan nitong
bansa. May pag-ibig, pagrespeto, pag-galang o patriyotismo pa bang napapairal sa pag-
awit ng pambansang awit at sa watawat ng Pilipinas?

II. Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay: a). malaman kung may patriyotismo pabang
napapairal sa mga kabataang mag-aaral ngayon; b).malaman kung ginagawa ba nila ito at
sa papaanong paraan nila ito naipapakita; c).malaman ang sukat ng mga mag-aaral sa
Filemon T. Lizan Senior High School na lubos na pipanahahalagahan at nirerespeto ang
pambansang awit at watawat.
Narito ang mga katanungang nais masagot ng mananaliksik na ipinakikita ng mga
mag-aaral sa Filemon T. Lizan Senior High School
Pangkahalatang Tanong:
1. Paano ipinakikita ng modernong kabataan ang pagiging patriyotikong Pilipino?
2. Ano- ano ang reaksyon ng mga kabataan tuwing nakakarinig ng pambansang awit
habang itinataas ang watawat?
3. Ano-ano ang mga batas na napapairal sa bansa upang mas mapaigting ang
paggalang at pagrespeto sa pambasang awit at watawat?
Pangkalahatang Ispisipiko:
1. Porsyento ng mga mag-aaral sa Filemon T. lizan Senior High School na alam ang
mga simbulo ng watawat pambansang awit at ang kahalagahan nito?
2. Bukas pa ba ng isip ng mga kabataan sa pag- rerespeto sa watawat?
3. Paano ipinakikita ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral ng Filemon T. Lizan
Senior High School sa pambansang awit ng Pilipinas.
III. Konseptual na Balangkas

INPUT
Pag-aaral patungkol sa
patriotismo sa
pambansang watawat at
awit ng mga mag-aaral sa
E Filemon T. Lizan Senior PROSESO OUTPUT
High School Talatanungan sa Tala ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng Likert
Filemon T. Lizan Senior
Scale
High School na lubos na
pipahalagahan,
nirerespeto at minamahal
ang pambansang awit at
watawat ng Pilipinas
Pigura 1: IPO model

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng IPO model nakung saan makikita ang nais
malaman, proseso at ang resulta ng pananaliksik (J. Scherembi, 2012). Input na
ipinapakita ang nais malaman ng pananaliksik ito ay ang malaman ang patriotismo ng
mga mag-aaral ng Filemon T. Lizan Senior High School patungkol sa pag-awit at
watawat ng Pilipinas. Proseso ito naman ang instrumento at metodolohiya nagagamitin
ng pananaliksik upang masukat ang resulta at sa paanong paraan makukuha ang mga
datos na kailngan ng pananaliksik. Output ito naman ang resulta ng isinagawang
pananaliksik.

IV. Batayang Teoretikal


Mayroong dalawang teorya na ginamit ang pananaliksik upang mailaranwan at
maipaliwanag ang patriotismo ng mga Pilipino at banyaga ito ay ang Kontitusyonal
Patriotismo, ito ay tumutukoy na ang pambansang awit at watawat ay sumisimbulo sa
pagiging malaya o bilng isang demokratiko bansa at Deflated Patriosimo, na tumutukoy
sa tungkulin nating igalang at mahalin ang mga sumisimbulo sa ating bansa
Kontitusyonal Patriotismo ito ay bersyon ni Jürgen Habermas na ito ay layunin ng
Konstitusyon pagkamakabayan, bilang isang hanay ng mga paniniwala at pagpapasiya, ay
upang paganahin at itaguyod ang isang liberal na demokratikong anyo ng patakaran na
libre at pantay na mga mamamayan ay maaaring pangatwiranan ang bawat isa.
(Jan-Werner Müller,2008). Nais nito na ang patriotismo ay sumisimbulo sa pagka
demokratiko ng bansa o pag sa pagiging malaya nating mga Pilipino at sumisimbulo sa
pagkakapantay pantay ng bawat isa na pinaiiral ng pamahalaan.

Pigura 2. Konstitusyonal Patriotismo

Deflated Patriotismo ito ay base kay Maurizio Viroli na ang bawat isa ay mayroong
espesyal na tungkulin katulad o higit pa sa tungkulin natin bilang isang kaibigan at kamag
anak. (Stanford Encyclopedia, 2017). Tinutukoy nito na mayroon tayong moral na
obligasyon para sa ating bansa dahil dito nag mula bawat lahi at ito ang nag bibigay
proteksyon at ng mga pangangailangan. Bilang pagbibigay ng pasasalamat kinakailangan
gumawa ng isang moral na gawain at isa sa moral na gawain ay ang pagbibigay respeto
sa watawat at awit na sumasagisag sa isang bansa.
V. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nag lalahad ng kahalagahan na papakinabangin ng mga


sumusnod:

Sa mga Mag-aaral sa Filemon T. Lizan Senior High School


Upang mapairal ang bagong kaisipan , kaalaman at impormasyon na lubhang
kanilang mapapakinabangan lalo na sa pagtatalakay ng patriyotismo.
Makakatulong din ito upang mamulat at maragdagan pa ang kanilang pag respeto sa
pambansang watawat at kung paano ba dapat inaawit at ginagalang ng maayos ang
pambansang awit.

Sa mga Magulang
Upang makatulong sa mga magulang, na sa tahanan pa lamang ay maumpisahan na
ang pagmamahal sa sa bansang kinalalagyan. Upang maituro sa kanilang mga anak na
kailangan magbigay pugay, mahalin at respeto ang pambansang watawat at pag awit ng
pambansang awit.

Sa mga Guro
Upang magkaroon sila ideya na kung paano ipinapakita ng mga mag-aaral ang
patriyotismo sa watawat at pag awit ng pambansang awit. Sa pamamagitan ng pag-aaral
na ito mas lalong mamahalin ng mga kabataan mag-aaral ang pagiging mapagmahal sa
bayan sa paraang pagtuturo ng kahalagahan ng pagtayo ng tuwid at paglagay ng kamay sa
puso habang umaawit at itinataas ang watawat ng Pilipinas.

Sa Departamento ng Edukasyon
Upang mabigyan sila ng mga kaisipan patungkol sa patriyotismo at paggalang sa
watawat at pagawit ng pambansang awit at upang malaman ang nangyayari sa reyalidad
ng buhay habang isinasagawa ang seremonyang ito. Makatutulong din ito na magbigay sa
kanila ng ideya sa paggawa ng bagong aralin, paksa, o panuntunan, at programa na
lubhang makatutulong sa mga makabagong kabataan ngayon.
Sa mga susunod na Mananaliksik
Makatulong din ito upang makapag isip pa ng mga bagong solusyon o programa na
maaring ipatupad sa mga kabataang mag-aaral para mas lalo pang pakamahalin ito ng
mga kabataan.

VI. Saklaw ng Limitasiyon


Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral sa Filemon T. Lizan
Senior High School sa Navotas City

Ang pagkakakilanlan ng respondente:


Sino/Respondente Mga mag-aaral sa Filemon T. Lizan Senior
High School
Nasyonalismo Pilipino
Baitang Lahat ng nasa baitang 11
Edad Mga mag-aaral sa nasabing baitang na may
edad na 16-20
Kasarian Lalaki, Babae o lahat ng kasarian sa
lipunan
Paaralan Filemon T. Lizan Senior High School
Pigura 3. Pagkakakilanlan ng respondent
Ang pananaliksik na ito ay nililimitahan lamang sa pag-aaral ng patriotismo
patungkol sa pambansang awit at watawat ng Pilipinas

V. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Patriotismo- ito ang pagpapakita ng masidhing pagmamahal sa bayan, sa kultura, sa


watawat, at sa pambansang awit na ginagawa ang lahat para sa ikabubuti nito
Patriotiko- ito mismo ang taong gumagawa ng patriotismo dahil mahal nya ang bayan,
kultura at pamilya kaya magagawa niyang ipagtanggol at ipaglaban itong bansa
Makabayan- ipinapahiwatig nito ang positibong paguugali ng isang tao sa kaniyang
sariling bansa
Flag ceremony- ito ay isang pormal na kilos o gawain na palagiang ginagawa na kasama
ang sagisag nitong bansa at pag awit ng pambansang awit
Millenial- ito ang tawag sa heneresyon ng mga kabataan ngayon na ipinanganak noong
90’s hanggang sa kasalukuya
Bandila – ito ang isa katawagan bukod sa salitang watawat na nag sisimbulo sa isang
bansa
Kultura- ito ang gawaing nakasanayan ng mga tao na ng yayari noon magpa sa
hanggang sa kasalukuyan

KABANATA II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ang mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral ay binubuo ng Lokal na Literatura

at Pag-aaral na isinagawa sa bansang Pilipinas, Ang Banyagang Literatura at Pag-aaral

naman ay isinagawa sa ibat ibang parte ng mundo. Ang mga pag-aaral at literature na ito

ay tumatalakay sa Patriotismo sa pambansang awit at pambansang watawat ng pilipinas

na lubang makakatulong sa pananaliksik upang higit pangmapalalim, mapalilinaw at

mapatibay ang kaalaman tukol sa paksa ng pananaliksik, Ang pagkakaayos sa kabanata

na ito ay pinag sama-sama ang mayroong pagkakapero ng ibigsabihin at ito ay

makakasunod sunod ayos sa taon ng pagkakalimbag. Ang Internet ay ang pangunahing

naging sangunian ng kabanata na ito.

Lokal na Literatura at Pag-aaral

Ayon kay Edwin Santiago (June 2018), Pagdating sa edukasyon, ang tungkulin ng

estado sa bawat Saligang Batas ay magbigay ng magandang kalidad ng edukasyon at

paggarantiya ng pag-access dito. Ang pagkakaroon ng magandang edukasyon ay isang

magandang hangarin para sa ibang mag-aaral, subalit merong dalawang panguhing

suliranin ang gobyerno patungkol sa kakulangan ng silid aralan at mga guro kasama na

rin ang mababang sahod nito. Ang kakulangan ng pasilidad ay lubhang nakakaapekto

para sa mga mag aaral na kapag hindi agad naaksiyunan ay maaariing magdulot ito ng

malaking problema sa iilang kabataan na mag aaral sa susunod na pasukan.


Sa kasalukuyan ang kagawaran ng Edukasiyon ay gumagawa ng paraan para

madagdagan and sahod at bilang ng mga guro, maipasaayos at madagdagan ang ilang

pasilidad.

Ayon kay Dinglasan (2018) sa Lemery, Batangas maitatayang nasa 34 na katao sa

isang sinehan ang inaresto ng pulisya dahil hindi tumayo na sumisimbolo sa paggalang sa

pambansang awit at watawat dahil nagsimula na ang pag papatupad ng Flag and heroldic

Code of the Philippines REPUBLIC ACT NO. 8491. Tinaawag nilang “Oplan Bandila”

ang pag punta sa sinehan. Nakita ng awtoridad ang mga tumayo para kumanta ng

pambansang awit at makikita rin ang mga taong bumabalewala sa pag awit kaya dinakip

sila ng mga awtoridad. Ang sabi ng mga tao sa sinihan hindi nila alam ang pananukala na

ang batas na iyon kaya nagulat na lamang sila na dinakip sila dahil hindi sila tumayo at

kumanta ng pambansnag awit. Bukod sa mga sinehan gumawa ang pulisya ng “Oplan

Bandila” sa mga pampublikong lugar para narin malaman ng tao na kinakailangan na

respetuhin ang ating watawat at awit dahil ito'y sariling atin at sumisimbolo sa ating mga

Pilipino.

Ang pamana ng himagsikan noong 1896 ay ang ating pambansang awit na

"Lupang Hinirang” at ang ating pambansang watawat na sumisimbulo sa kalayaan at

kapayapaan. Ang pagbibigay pugay sa pambansang watawat ng iba't ibang paaralan at ng

mga lalawigan kapag tinaas na ang pambansang watawat kasabay ng pag kanta ng

pambansang awit ay kinakailangan inaawit ng malakas na may pagmamalaki at may puso

(Bautista,2017). Marami din sa mga pilipino ang humihinto kapag narinig ang
pambansnag awit at inilalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at sumasabay sa

awit ngunit marami na ang nakakapansin na tila nawawala at nakaklimutan na ang

pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino o pagiging makabayan. Ayon sa House bill

no.5224 katulad ng REPUBLIC ACT 8491 na kinakailangan na kantahin ng wasto sa

areglo ng pambansang awit ni Maestro Julian Felipe na isang makabayan na kompositor

at musikero. Nakatala sa panukalang batas na ang mga ahensiya ng gobyerno at mga mag

aaral sa bawat paaralan ay dapat naisaulo ang bawat titik ng “lupang hinirang” o

pambansang awit ng Pilipinas. Base sa Flag and Heraldic Code of the Philippines na

makakatulong ang mga batas na ito para magising ang pilipino na maging makabayan at

kantahin ng wasto ang pambansang awit. Hindi makakaila na karamihan sa kumanta sa

pamahalaan, pambansang palaro at paaralan ay wala sa tyempo ang pagkanta kaya

kinakailangan na kantahin natin ito sa tamang areglo simbolo din ng pag galang at

respeto natin sa ating pambansang awit.

Ayon sa pag-aaral ng Ako ang Patriotikong Pilipino (2016) na ang isang

patriotiko ay mahal ang bayan, mahal ang lahing pilipino, ang pamilya, ang kapwa, ang

kultura, ang lahat sa bansa at may malasakit sa sariling bayan. Ang patriotismo din ay

kayang ipagtanggol ang teritoryo o pag mamay-ari, yaman at lupa na kung saan

pinagkukunan nya ng hanapbuhay. Halimbawa nito na kung may mahahalal na pangulo

sang ayon sila sa China na makipagsundo patungkol sa pag aagawan ng "west philippine

sea" Ang patriotismo dito ay ang pagmamahal sa bayang sinilangan. Ang patriotismo ang

nagbibigkis sa mga mamamayan upang magmalasakit, magkaisa, magtulungan,

magdamaya, at makialam sa kinabukasan ng lahat. Nakasaad dito na mababaw ang


pagiging patriotiko ng bansang pilipinas sapagkat imbis na ang Lider ang halimbawa ng

isang patriotikong mamamayan ngunit sila ay naman itong kurakot na pulitiko na

umaalipin sa mga mamamayan ng pilipinas.Walang duwag na pilipino ngunit maraming

taksil at makasarili na walang pakialam sa kapwa.

Base sa pagaaral ng Eveyday Law (2016) ang parusa sa pambabastos sa pagkanta

ng pambansang awit Ang pambansang awit ng pilipinas ay dapat igalang Pilipino man o

Banyaga habang ito ay inaawit o pinapatugtog sa isang particular na okasyon. Ang hindi

tumayo o mambastos ng sinumag tao habang tumutugtog ang pambansang awit ay

matatawag na krimen na nakapaloob sa REPUBLIC ACT NO. 8491. Maraming tao ang

hindi pa lubos nakakakilala sa batas patungkol sa paggalang at pagrespeto sa ating

pambansang awit at watawat. Ang mga taong hindi pa alam ang batas ay nagdulot sa

kanila sa kapahamakan katulad sa sapilitan pinalabas ang ilang tao sa sinehan dahil hindi

sila tumayo at kumanta ng pambansang awit. Ayon dito mayroon na nga tayong batas

para sa hindi rumerespeto at kawalan ng galang sa pambansang awit at watawat kaya

marapat lang na gawin iyon sa itinakdang kaparaanan. Base sa SECTION 28 ng Republic

Act no.8491 kapag nagsimula nang tumugtog ang pambansang awit kinakailangan

tumayo at umawit ng buong puso sa pagpapakita ng respeto at kung walang watawat na

nakalagay humarap sa namumuno o kung sino ang nasa unahan. Ang pagtugtog o pag

awit ng pambansang awit ay hindi maaring gawing katatawanan o babastusin may mga

okasyon na dapat pinapatugtog ito tulad ng lokal at pambansang kumpetisyon,

pambansang laban na ang pilipino ang nagunguna, bago magsimula at pagtapos sa

telebisyon at iba pa.


Ayon kay Bustinera (2015) Ang mga bansa ay may sari-sariling pambansang awit

ang pagkakaroon nito ay sumisimbulo sa pagiging malaya o pagkakaroon ng sariling

pagkakakilanlan. Ang pambansnga awit ang unang natututuhan ng mg estudyante sa

paaralan. Ang mga gawaing ito ay tinuturo sa mga mag-aaral kung paano ang tamang pag

awit at tamang pagkilos habang kinakanta ito. Maraming nakakasaksi sa mga

kabababayan na binabalewa at hindi nirerespeto ang gawaing ito. Tunay nalimot na ang

natutuhang tamang pagbibigay pitagan sa pambansang awit o sadyang kay ikli ng

memorya ng Pilipino kaya nalilimutan nila ang tamang paggalang sa pambansang awit.

Mayroon itinakda ng batas ukol sa tamang pag galang at pagpapahalaga sa pambansang

watawat, awit at motto. Gayunpaman, kulang padin sa pagpapaigting ng batas kaya't di

gaanong sineseryoso ng iba na naging dahilan para maglatag ng mahigpit na batas para

sundin ng mga tao. Mayroon 196 na miyembro ang walang pagtutol na inaprubhahan ang

batas na nag aamyenda o humihingi ng pagbabago sa batas na ito. Ito'y inakada ni

Sorsogon Rep.Maximo Rodrigues. Isinasaad ng batas na ito na kung sino mang pilipino

ang tumanggi sa pagtayo at wala sa ayos o binababoy ang pagawit ng pambansang awit

ay mapapatawan ng mabigat na parusa na magbabayad ng P50,000 hanggang P100,000

na di hamak mas mataas dati sa P5,000 hanggang P20,000 bukod pa dito mabibilanggo

ka ng isang taon. Sa sandaling maaprubahan walang sinoman ang hindi paliligtasin sa

pagbago ng orihinal na pag awit ng pamabansang awit. Batay sa laban ni Manny Pacquio

ay inanyayahan nya ang iba't ibang mang aawit na kantahin sa laban nya ang pambansang

awit ngunit ikinagalit ito ng mangilan ngilan na Pilipino dahil iniba ang areglo o ang tono

nito. Inisaad din sa panukalang batas na inaatasan ang lahat sa tanggapan,


pribado man o pamahalaan, na ilagay ang pambansang watawat mula Mayo 28 na

pinagdiriwang ang araw ng pambasang watawat.

Ang orihinal na araw ng ating bandila ay may mukha Ayon kay Michael

Charleston Xiao Chua (May 2015), batay sa executive order 179 ni pangulong Ramos

ang lahat ng Pilipino ay hinihikayat na magladlad ng bandila sa lahat ng pambulikong

lugar sa loob ng panahong ito. Ang araw ng Mayo 28 ay ang pagkakaroon ng Araw ng

Pambansang Watawat na kung saan ay inaanyayahan na isabit ang mga bandilang

Pilipino mula sa araw na iyon hanggang sa pag dating ng anibersaryo ng proklamasyon

ng kasarinlan o araw ng kalayaan na hunyo 12, akala ng marami ay parehong-pareho ang

bandilang Pilipino sa kalukuyan. Sa pagagos ng kasaysayan marami na rin ang

pagbabago sa disenyo at uri ng kulay na nangyari sa ating bandila. Ang araw ay

sumisimbolo sa malaking hakbang na ginagawa ng mga anak ng bayang ito sa landas ng

pag unlad at kabihasnan.

Ayon kay Grimwald (February 2015), Ang pagiging patriyotiko ay mahirap para

sa ibang negosyo. Ang tao ay takot pagdating sa katotohanan takot na tanggapin ang

malupit na katotohanan sa kanilang paligid. Iyon ang dahilan kaya patuloy na umaasa ang

maraming tao sa gobyerno. May mga taong takot sa kanilang responsibilidad na gawin

ang tungkulin nila sa buhay kaya bilang isang tao kailangang malaman ang kahalagahan

at kahulugan ng tunay na responsibilidad at para matutong mamuhay sa mga pagpipilian

na nagagawa ng isang indibidwal at makamit ang nais nilang makamtam sa buhay.


Banyagang Literatura at Pag-aaral

Ayon sa Ako ang Patriotikong Pilipino (2016) ang mamamayan na may pag

mamahal sa sariling bayan o pagakaroon ng patriotismo ay uunlad katulad na lang ng

Japan, Korea, France at iba pa. Hindi rin matatawaran ang pagiging patriotiko ng mga

Hapon na kung saan nagkaroon ng Tsunami sa Sendai, Japan 2012.Hindi na sila

nanghingi ng tungkol sa ibang bansa para mabalik ang dating ganda ng bayan at

makaahon bagkus ang mga kalalakihan ay mas piniling magpaiwan para tulungan ang

mga kapwa nila na nasalanta din at sa oras na iyon napabilis ang pag ahon ng mga

hapon.Kung ating mapupuntahan ang bayan nila makikita na parang hindi napinsala ang

kanilang lugar.

Ayon kay Skitka (2015) ang bandila ng mga bansa ang pinakamahalaga sa

paglago o pagproseso ng bansa at sumisimbolo ito ng kapangyarihan. ang bandila ay may

malaking parte sa pagkakaisa ng isang bansa dahil marami silang paniniwala, kultura at

tradisyon na sumisimbulo kung paano sila nag kakaisa. Ang United States ay kakaiba

dahil sa pinapakita nitong pagmamalaki sa kanilang bansa dahil ang kanilang

pambansang watawat ay sumusimbulo sa bawat estado at kolonya na bumubo

(Kemmelmeier at Winter, 2008) sa Amerika tulad sa bansang pilipinas na ang tatlong

bituin na ang ibig sabihin ay ang Lozon, Visayas at Mindanao at ang sinag ng araw

naman ay nirerepresenta ang 8 probinsya. Ayon kay R. Letzter (2017) kahit sa U. S.

hindi lahat ay alam ang wastong gagawin sa pagpapakita ng paggalang sa watawat ang

iba ay tatayo at aalisin ang sumbrero at nakapukaw ang atensyon sa watawat, ang kamay
ay nasa dibdib at sumasabay sa kanta. sabi nya " May mga taong lumlingon-lingon sa

paligid. ang iba ay nakikinig sa awit. At ang iba ay mukhang kinakabahan tila hindi

nasanay ang mga amerikano sa pagbibigay pouagay nila sa kanilang pambansang

watawat, para sa iba ay walang ibig sabihin ang pagbibigpugay at respeto sa pambansang

watawat at awit. Sa pilipinas karamihan sa mga tao alam kung bakit isinasagawa ang mga

seremonyang ito at alm nila ang ibig sabihin o ipahatid ng mga gawaing ito pero sa

kasamaang palad hindi nila ito nagagawa ng maayos at may pagmamahal. Ang mga tao

sa bansang amerika ay mayroon matatag na patriotismo sa kanilang bansa ayon sa

pagaaral nina Kemmelmier at winter (2008)

Ayon kay Valery Kavaleusky (2015) Ang patriyotismo ay ang pakiramdam ng

pagmamahal, debosyon, nag-aalab na damdamin at pakikipag-isa sa mga taong may

kaparehong pag-ibig sa bayan ang mga ganitong Gawain ay nag papakita ng pagrespeto

sa kaniya-kanyang bansa dahil ang bawat bansa ay nag bibigay respeto sa pambansang

awit at watawat dahil ito ang rerepresenta sa kanilang bansa Ayon sa sinabi ni Billing

(2015) ang simbolong dala ng watawat ay nakakaapekto sa isang mamamayan sa kritikal

na pamamaraan dahil ang bawat parte ng awiting pambansa ay may sinisimbulo gayundin

ang pambansang watawat na ito mismo ang nag rerepresenta sa bansa na ipinag

mamalaki nino man. Ang pagsagisag ng watawat at pag awit ng pambansang awit ay may

magdudulot ng pagiging nationalismo ng mga taong nakakarinig at nakakakita nito

(becker, 2012)
Ang bansang Japan ay tinaguriang “land of the Rising Sun” na ibigsabihin ay

unang nasisikatan ng araw kaya ang kanilang pambansang watawat ay may bilog na pula

sa gitna na sumisimbulo sa unang pagsikat ng araw sa knilang bansa. Ang gobyerno ng

Japan ay may kakayahang pag isahin ang mga mamamayan habang nasa iisang layunin

(Ko 2015, pp. 7-10). Ang mga Hapon ay naniniwalang kayang pag isahin ang mga mag-

aaral at ibapang hapon sa giyera gamit ang bandila (Ko 2015, p. 102) dahil ang watawat

ng hapon para sa kanila ito ay nagsumisimbulo sa kanilang pagkakaisa at

pagkakakilanlan ng bawat isa bilang bahagi ng isang bansa ito ay hindi nalalayo sa

pagkakakilala ng mga Pilipino sa kanilang pambansang watawat.

Ayon kay Sneider (2014) ang binibigyang diin sa pagtuturo sa mga bata sa

paaralan noong 1945 sa Japan ay ang pagtuturo ng patriyotismo sa mga kabataan dahil

nais ng mga Hapon na hindi makalimutan ng mga kabataan ang pagmamahal sa sariling

bayan kaya’t tukilin nilang tapat na maglilingkod sa bansa kung saan sila nanunumpa ng

katapatan at pagmamahal. Suhestiyon ng Ministeryo ng Edukasyon na si Teiyu Amano

na kanais-nais na awitin ang pambansang awit ng Japan habang ito'y nakikita ng bawat

isa dahil sa pamamagitan ng sabay sabay na pag awit masnararamdaman ng bawat isa ang

masidhing pagmamahal sa bayan (Ono 2015, p. 141). Ginagamit ang watawat ng isang

bansa upang mas mapadali ang pakakakilanlan nito, nagpasimula nito ay ang mga militar

upang gamitin sa pakikipagdigmaan. Pambansang awit at watawat ng kanya kanyang

bansa kung saan mapapakita ang pagiging patriotikong tao ng mga naninirahan ditto.

Hindi palamuti ang mga nasa loob mga simbolo nito kundi pinapakita nito ang

kasaysayan at kultura ng nasasakupan nito.


Ang pagbabago ng patakaran noong 1989 ay napaka-kontrobersyal ukol sa

wastong pamamaraan sa pagpapakita ng galang sa watawat at pambansang awit,

inoobliga ang lahat ng paaralan at mga bata na kantahin ang kanilang pambansang awitin

na “kimigayo” na ang ibig sabihin ay ang mahal na imperial na kanilang aawitin sa harap

ng "Hinomaru" o ang pambansang watawat ng Japan sa admisyon at seremonya ng

pagtatapos sa paaralan" (Cripps 2014, p. 83; Tanaka 2000, pp. 155-162). Hindi lamang

bansa ang mayroong sariling awit para sa bayan, mayroon rin ang pandaigdigang

organisayon at institusyon tulad ng UNICEF, ASEAN at European Union. Sa paglaki ng

globalisasyon sa mga nakaraang taon, ang ilang mga "artist" ay limikha ng "global

anthems" o mas kilala na "Earth Anthems" na may layuning pag isahin ang lahat ng tao

sa mundo at maglungsad ng pagmamahal at pagpaparaya sa bawat isa, pati na rin ang

pagrespeto sa mundong kanilang ginagalawan.

Ayon sa Cambridge University (2015) Sinusuportahan ng datos na ito ang

paghihiwalay ng konsepto sa pagitan ng nasyonalismo at patriyotismo. Ang mga

miyembro ng CCP at mga mag-aaral na nag mula sa ibang lugar ay mas nasyonalista

kaysa sa mga hindi miyembro. Bukod dito ang nasyonalismo ay mas malakas na ugnayan

sa mga kagustuhan sa mga patakarang panlabas kaysa sa pagiging makabayan at ang mga

may mataas na antas ng nasyonalismo ay pabor sa internasyonal na kooperasyon at mas

gusto ang mga patakarang proteksyonista.


Ayon sa Cambridge University (April 2015), Ito ay para sa kahihinatnan ng

pambansang pagkakakilanlan ng tsina, Nagsagawa ng tatlong survey ang Tsina at US

noong 2009 panahon pa ng tagsibol at tag-init. Habang ang patriotismo at nasyonalismo

ay mag kapareho sa US sila ay natatangi sa China na may patriotism na nakahanay sa

isang malakas na internasyunalismo at nasyonalismo na may “blind patriotism”. Bukod

dito ang patriotismong intsik/internasyunalismo ay walang epekto na napansin o mga

banta ng US o mga kagustuhan ng patakaran ng US habang ang nasyonalismo ay ginawa.


SYNTHESIS

Ang sa bahiging ito ng pag-aaral ipininapakita sa mga Banyagang litereratura at

pag-aaral na ang lahat ng bansa at konstitusyon may watawat na sagisag ang kanilang

bansa at ari-arian. May sari-sariling simbolo ang bawat bansa. May kakayahang

pagbuklurin, pagisahin at pagyamanin ang mga mamamayan nito. Ang bawat isa ay may

responsibilidad na respetuhin ang kanilang bandila, tanda ng paggalang sa bayan at

mayroong ibat-ibang paraang upang ipakita ang pagmamahal pambansang sumasagisag

sa lahat ng aspeto.

Ipinapakita naman lokal na literatura na marami nang Pilipino ang nawawalan ng

respeto sa ating pambansang awit at pambansang watawat. Ang isang pilipino ay alam at

nakikita ang ating kapwa pilipino na ganoon ang ginagawa kayat nagtalaga ng isang batas

para dito ito ang RA 8491 .Mayroon ng batas na ipanatutupad ngunit hindi ito ganoon ka

ramdam ng lahat na may batas na pinapatupad para dito dahil kung ito ay alam at

nauunawan nila lubos nilang pakakamahalin, susundin at irerespeto ang ating

pambansang awit at pambansang watawat. Sa panahon natin ngayon ang patriotismo ay

nananatiling namamayani sa puso ng bawat isa ngunit kung minsan ay nagkukulang at

napapawalang bahala ang ito. Ang pag-aaral na ito ay magiging daan upang mabukas ang

isipan ng mga Lizanian sa ating mga gawi sa panahon ng pagbibigay galang sa

pambansang awit at watawat ng pilipinas


KABANATA III

Metodolohiya

I. Disenyo at Pamamaran ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nagtataglay ng Kwantitatibo at Deskriptibong

pananaliksik. Ang Kwantitatibong pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri ng

pagsisiyasat na ang layunin ay mailahad ang porsyento o sukat ng patriotismo ng mga

mag-aaral ng Filemon T. lizan Senior High School tungkol sa pambansang awit at

watawat ng ating bansa. Nais ng mga mananaliksik na malaman ang resulta ng datos sa

pamamaraang ng pagsukat at paglahad ng porsyento, bagay na kaya’t ito ang pinili ng

mananaliksik na kanilang disenyo dahil ang kanilang pananaliksik ay tumatalakay sa

malakihang pag-aaral na nakaispisipiko sa watawat at pambansang awit at hindi na nila

kailangang pumili ng ispisipikong respondente dahil likas sa mga tao ang pagkakaroon ng

patriotismo.

Deskriptibong pananaliksik ay detalyadong inilalarawan ng pananaliksik ang

isang makusang proseso ng pagtitipon, pagsusuri, at pag-uuri na binibigyan ng sapat at

tumpak na interpretasyon may istatistikal na pamamaraan upang mapatibay ang

paglalarawan at pagpapaliwanag sa isinagawang pag-aaral na tungkol sa patriyotismo ng

mga mag-aaral sa Filemon T. Lizan Senior High School. Ito ang pinili ng mga

mananaliksik dahil nais nitong ilahad ang buong detalye ng pag-aaral sa pamamagitan ng

paglalarawan sa mga ito. Ang kwalitatibo at deskriptibong disenyo ng pananaliksik ay

ang pinaka angkop na pamamaraan para sa pag-aaral na ito.


II. Lokal at Populasyon

Ang pananaliksik na ito ay sininagawa sa lungsod ng Navotas nanaka ispisipiko

sa kaunaunahang paaralang naitayo na Senior High School sa buong lungsod, Filemon T.

Lizan Senior High School. Ang mga mananaliksik ay pinili ang mga tagatugon na nasa

baiting 11 ito ang piniling respondente ng mga mananaliksik dahil dito nila nakita ang

suliranin na nais bigyan ng solusyon. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa bawat silid

aralan ng mga mag-aaral ng Filemon T. Lizan Senior High School na nasa baiting na 11,

ang mga nasabing mag-aaral ay matatagpuan sa ikatlo at ikaapat na palapag ng paaralan.

Ang mga respondent ay may edad na 16 hanggang 20 anyos, Ang mga respondente ay

sumasakop sa buong strand ng HUMSS at STEM, ang pag-aaral na ito ay bukas sa lahat

ng kasarian dahil anuman ang kanilang kasarian ay bahagi parin sila ng ating bansa.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga polmularyo upang makuha ang bilang

ng sampol mula sa buong populasyon ng mga mag-aaral ng HUMSS at STEM na nasa

baiting na 11, ginamit ang mga polmularyong ito (Cochran Formula at ang Finite

Population Correction Factor ) upang sa pamamagitan nito masmapapatibay ang resulta

ng pananaliksik.

Ang Cochran Formula ito ay ang mga pormula na nagbibiya daan upang makuha

ang tamang sampol ng pananaliksik (Statisticshowto). Ang mga pormulang ito ay

ginagamitan ng nais na antas ng katumpakan, nais na antas ng kumpiyansa at ng

tinatayang proporsyon ng populasyon. Ang Finite Population Correction Factor  ito

naman ay ginagamit upang maslalopang mapaliit o mabawasan ang kabuuang sampol


(Statisticshowto) ito ay lubos na nakatulong sa mga mananaliksik dahil sa pamamagitan

nito mas napaliit ang kailangang respondent.

Mga kailangan sa kalkulasyon

Buong bilang ng populasyon 315


Z-Value o antas na kumpiyansa 95% = 1.96

Margin of error 5% = 0.05


Estimated Proportion 0.50
n=174
Pormula:
Cochran’s Sample Size Formula
Z 2 pq Pormula:
n 0= 2 Finite Population Correction
e
Factor
Kalkulasyon: (N )(n)
FPC=
( N + n)−1
(1.96)2 ( 0.50¿(0.50)
n 0= Kalkulasyon:
0.052
(315)(174)
( 3.8416 ) (0.25) FPC=
n 0= (315+ 174)−1
0.052
54 810
0.9604 FPC=
n 0= 488
0.0025
FPC=112.31
n 0=384.16
FPC=113
Pormula:
Cochran’s Formula
n0
n=
1+¿ ¿ ¿ Ang resulta ng Finite Population

Kalkulasyon: Correction Factor  ay hahatiin sa 7 dahil

384.16 ang pananliksik ay nagtataglay ng


n=
1+¿ ¿ ¿
Cluster Sampling. Ang 7 natinutukoy
384.16
n=
2.2164 ay ang bawat pangkat ng baintang 11

n=173.34 mula HUMSS hanggang STEM.


FPC 113
Kabuuang Sampol= Kabuuang Sampol=
silid aralan 7

Kabuuang Sampol=16.14

Ang kabuuang sampol ay gagawing 17 bawat silid aralan dahil hindi mabibilang

kung ilan ang tao na nakapaloob sa decimal places at kapag saktong 16 ang kukuning

respondete ay magkukulang ang datos na kailangan kaya ang kabuuang bilang ng sampol

na makukuha ay 119 kaya ang mga mananaliksik ay mahihigitan pa ang anatas ng

kumpiyansa.

III. Instrumentong Ginamit

Ang instrumentong ginamit ng mga mananliksik ay nagtataglay ng mga tanong

para sa mga piling respondente. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey upang

makuha ang mga datos sa pamamagitan ng paggamit ng talatanungan sa pagkakabuo ng

Likert Scale, ito ang ginamit ng mga mananaliksik sapagkat ito ang madaling paraan

upang masagutan ang mga talatanungan. Ang talatanungan ng pananaliksik ay nahahati

sa tatlong bahagi una ay ang tanong na sumasang ayon o hindi sumasang ayon na

isapubliko ang kanilang kasagutan.

Ang pangalan ng respondent ay nakapaloob naman sa ikalawang bahagi ng

talatanungan dito ay maaring nilang ilagay ang kanilang pangalan o kung nais nilang

itago ang kanilang pagakakakilanlan, kanila rin ilalagay ang kanilang edad, pangkat at

baitang bilang tanda ng grupong kinabibilangan, at ang huli ay ang kanilang

nasyonalismo upang malaaman kung sila ba ay Pilipino.


Ang huling bahagi na kung saan makikita ang mga tanong na ginamit sa

pananaliksik, ang mga mananaliksik ay gumamit ng apat na putos sa pagkakabuo ng

Dalas na pagsukat ito ay ang LAGI, MADALAS, BIHIRA at HINDI upang malaman ang

tala ng patriotismo ng isang mag-aaral patungkol sa pambansang awit at watawat. Ang

talatanungan ay nagtataglay ng labing limang (15) tanong na nakabase sa paksa ng

pananaliksik, ito ay idinaan sa pagsusuri ng isang dalubsa upang maitama ang mga

maling tanong na maaring makaapekto sa ibang aspeto ng respondente. Ang

instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang magiging daan upang malaman ang

patriotismo ng mga mag-aaral ng Filemon T. Lizan Senior High School patungkol sa

pambansang awit at watawat ng pilipinas.

IV. Istadistikal na Ginamit

Sa pahaging ito ng pag-aaral ilalahad ang buod na bilang ng respondent na

nagsagot sa bawat katanungan. Upang makuha ang bilang ng nag sagot sa LAGI,

MADALAS, BIHIRA at HINDI kinuha ng mga mananaliksik ang tally ng sagot ng

respondente sa bawat pangkat at pinagsama-sama upang makuha ang kabuuang bilang ng

nagsagot sa nasabing hanay. Upang makuha ang kabuuang bilang ng nagsagot sa bawat

katanunagn pinagsama-sama ang lahat ng nagsagot sa LAGI, MADALAS, BIHIRA at

HINDI.

Bilang ng Kabuuang

katanungan LAGI MADALAS BIHIRA HINDI bilang ng

nagsagot
1 29 74 15 1 119
2 68 41 7 3 119
3 95 24 0 0 119
4 74 39 5 1 119
5 56 59 4 0 119
6 78 37 4 0 119
7 3 21 25 70 119
8 1 14 29 75 119
9 7 46 50 16 119
10 67 43 7 2 119
11 75 35 9 0 119
12 51 51 13 4 119
13 101 13 4 1 119
14 48 56 15 0 119
15 61 51 7 0 119

Sa pamamagitan ng talahanayan na ito malinawan na nailarawan ang buod na

sagot ng mga respondente sa bawat katanungan, malinawa din na makikita na lahat ng

respondente ay nasagutan ang lahat ng katanungan at makikita din dito na nakuha ng mga

mananaliksik ang kailangang respondente para sa pag-aaral na ito.

V. Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Sa pagsasagawa ng pananaliksik importante ang pangangalap ng mga datos, kaya

ng maaprubahan ng isang dalubhasa ang instrumentong gagamitin para sa pananaliksik

agad na gumawa ng isang liham-pahintulot ang mga mananaliksik upang maisagawa ang

pangangalap ng datos sa madaling panahon.

Ang paraan ng pangangalap ng datos ng mga mananaliksik ay gumamit ng

Cluster Sampling dahil sa ganitong pamamaraan makukuha ang opinyon ng mga mag-
aaral sa bawat pangkat na mula HUMSS hanggang sa STEM. May istratehiyang ginamit

ang mga mananaliksik upang mabilis na mapasagutan ang mga talatanungan sa bawat

silid aralan may dalawang mananaliksik ang isa ay ipapaliwanag ang paksa, layunin at

introduksyon ng pananaliksik ang isa naman ay ipapamahagi ang labing pito (17)

talatanungan sa bawat kwalipikadong respondente, sabay sabay itong ginawa sa pitong

(7) silid aralan ng baiting 11 at kanilang ibabalik ang talatanungan sa mananaliksik na

malinaw na nakasulat ang kanilang mga sagot. Matapos makuha ang mga talatanungan

sabay na naghati hati ang mga mananaliksik upang kunin ang tally ng mga kasagutan.

Sinikap ng mga mananaliksik na makapanayam ang mga tagatugon sa bawat silid

aralan na kanilang kinapapalooban. Isinagawa ang pagsasarbey na may sapat na oras at

panahon, ito ay isinagawa sa oras na 12:00 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon at may

pagkakataon na sa libreng oras ito isinagawa dahil sa hindi akmang oras ng mananaliksik

sa oras ng mga respondente. Hindi nilimitahan ang oras sa pagsagot ng mga respondente

dahil malaya nila itong masasagutan ano mang oras. Sa pamamagitan ng istratehiya at

pamamarang ginamit ng mga mananaliksik matagumpay nitong nakuha ang

kinakailangang datos mula sa mga respondente.

Pagsusuri ng Datos

You might also like