Professional Documents
Culture Documents
Aralin 4 - Pagtukoy Sa Batayang Ideya o Kaisipan
Aralin 4 - Pagtukoy Sa Batayang Ideya o Kaisipan
P agtalakay
Sagutin ang mga sumusunod:
S intesis
A. TALATA 1
Nagsisimula ang malalaking sunog sa maliliit na bagay. Maaaring pagmulan ng apoy ang basag na bote na
tinatamaan ng sinag ng araw. O dili kaya’y ang kamalig na puno ng mga nakasalansang dayami. At tiyak na alam mo
kung ano ang madalas mangyari sa napabayaang siga.
B. TALATA 2
Galing sa tindahan ang lahat ng aming kinakain. Doon din galing ang mga damit namin. Dating pinaglagyan ng mga
de-lata ang malaking kahon na ginawa naming bahay-bahayan. Kita mula sa tindahan ang aming baon sa eskuwela.
Tunay ngang naging mahalagang bahagi ng aming buhay ang malaking tindahan ni Nanay sa aming bayan.
C. TALATA 3
Tinamaan ng kidlat ang matayog na puno sa gitna ng bukid. Kumagiskis din ito sa matulis na dulong metal ng
nakabukas na payong. Tumama rin ito sa mataas na gusali. Laging hinahabol ng kidlat ang matataas na bagay o
anumang mataas na nag-iisang nakausli o nakatayo. Kaya’t kung mag-isa kang naglalaro sa parke na walang anumang
mataas na bagay na nakatirik, huwag nang magatubiling pumasok sa mas malapit na gusali bago ka pa gawing litson ng
kidlat.